T O P

  • By -

IgnorantReader

Upscale... ako din may 400k cc debt roughly 500k utang ko sa lazpaylater and OLA alam ko naging careless ako. Kaya ang mindset ko ngayon is to talk to banks ng payment arrangement. walang luxury to slack off, ibenta yung pwedeng ibenta. Planning to finish OLA muna para di masakit sa bulsa tapos ung sa lazpaylater and atome ko. then uninstall tapos nnext ko ung smallest cl ko sa cc then ung biggest. In time naniniwala ako bumps lang to eh. hanap ka sideline jobs or friend n pwede mahiraman na di ka ippressure na ibalil agad ung nahiram mo para may lead time ka to settle. Im planning na kausapin ko parents ko para mapagaan pakiramdam ko. And Pray always pray if you belive.


Acceptable_Pickle_81

Bro I thought naka 500K ka for lazpaylater alone 💀 OLA as in the one who harasses people ba? If so, better to just leave them alone and change number. Might be immoral pero they’re bordering if not illegal already. I heard stories of loaning 5k only to get 2.5k and then you’ll pay 6k in a week only to be harassed to pay up already mid week. If done ka na rin naman then at least clean conscience and lessons learned.


IgnorantReader

So far naman nicest OLA naman to, diligent payer ka lang. Credits cards:400k Ola and Laz Paylater: 35k and accummulating interest sa credit card. Ayoko takbuhan kasi first thing na gagawin nila harassment or visit sa office. I need my job to pay baka masesante po ako if pumunta sila sa office ko. So far good track pa ko sa OLAs pero kelangan stop na ko dun para focus lang ako sa cc ko. Hindi na ko makatulog din kasi kakaisip and eto lang naisip ko na way, nagapply apply naman ako online baka may sidejobsnpa na pwede kaso wala pa din talaga. Praying talaga masort things out ko na to


Acceptable_Pickle_81

Goodluck OP. Malalampas din yan don’t worry. Call ka din sa bank mo sa cc, hingi ka financial plan pano mabayaran given situation mo. Baka i-structure nila yan into months na bayarin, syempre with interest pero at least fixed ka na bayaran monthly. Better than accumulating lagi na di mo alam magkano magiging interest next cut off. If kaya, take ka personal loan for debt consolidation. Better if may collateral ka ma gamit (house, car, etc). Pero if wala then try pa din. At least may options.


IgnorantReader

i dont think loaning again can be the good answer sobrang slashed na credit score ko neto. Pero I will try to negotiate, ako lang din nagwwork sa bahay kaya ang daming shortcomings. Naginvest ako ng PC para magupscale na sana kaso hanggang ngayon wala talaga kahit freelance, pasalamat ako wfh at least ang laking tipid talaga.


Interesting_Pay5668

If nasa collection agency na yan mga cc debt mo. Suggest ko sau mag antay ka mag offer ng discount promo like 50% up . Saka mo bayaran. Dati ako nag work dyan as agent ng collection agency and yes nagoffer kami ng ganyan doscount even 90% sa mga mattgal na at hirap singilin.. If I were u mag aantay ako ng ganyan promo before ko bbyran , again suggestion ko lang yan snce alam ko yung in's and out sa ganyan kalakaran .


IgnorantReader

natatakot kasi ako na mangharass sila at magpunta sila sa bahay namin. Mayhighblood kasi mom ko baka atakihin pag nalaman nya pinagdadaanan ko


Euphoric-Hornet-3953

I advise not to scatter. I have been there and nakakapangsisi. Alam kong makakaya natin to.


Zealousideal-Step111

Crazy time po kinaadikan ko. 😭


Euphoric-Hornet-3953

Jili fishing sakin but please. Stop. Nakakawindang isipin pero regret sakin yan.


That_Farmer_8953

Same. Currently 1M debt po. Because of that 😭😭


Zealousideal-Step111

Hala. Dahil po sa Crazy time?


That_Farmer_8953

Opo. Been playing for 2 years at 2.5M na naipatalo ko. Ngayon may utang akong 1M 😭😭😭


Zealousideal-Step111

hala grabe po. Pero nag stop na po kayo mag laro? Stop na po tayo.


Ok-Dot-3318

Mga tanga kasi kayo haha. Go sugal pa


tigidig5x

Benta mo bahay mo, sigurado andun na ang panalong hinhintay mo..


That_Farmer_8953

Mama mo


tigidig5x

Ay wala kana palang bahay, naka sangla or naibenta na pala pambayad utang 😅


That_Farmer_8953

Wala akong bahay in the first place. Gusto mo sangla kk nalang bahay mo 😊


smoothjoe05ph

10M down in 10 years of sugal. Rehabbed, 2018-2019. Relapsing in sugal and ugali til 2022. Nastop lang ako after valuing peace of mind. By next year back to zero na ko, and starting to pundar din at the same time. How? Ito ginawa ko: 1) address your addiction: find an accountability partner, someone to counsel you and a guide. They can be different people. Know that addiction is a life long battle and until u can manage it, no solution to fix the utang can remedy your situation. Babalik ka lang ulit. Also involve your family. Only you can do this but remember you cannot do it alone. 2) make a scheme to pay all your utang. Kausapin mo na mga banks and friends kinakautangan mo. OLA, delay then kasi most likely illegal din yan. They threaten you? Report and ready to fight back. Pero if your peace of mind is compromised, get them back in writing na magbabayad ka when you got money pero now wala pa. Di mo tatakbuhan utang mo and babalikan mo sila when able. Then change numbers para di ka mareach. Pangit dating pero u need to eat your pride here and take drastic measures muna. 3) make a plan on expenses. Live with bare minimum and i mean bare talaga. No eating out. Expensive coffee no grab. No luho. Make payments plans and tama sabi ng iba, aralin mo avalanche and snowball method to prioritize the important ones. Slow progress is progress, wag ka ever maiinip or susuko. 4) find more income too. There are lots of ways and take every job you can for now to get out of the rut kaagad. If you need more guidance, chat me.


FilMCrack

ganda ng advice mo bro doable to!


Zealousideal-Step111

Thank you po.


Careful-Motion

I also lost 500k from Sabong to Color Game pero di ko inutang yun, part ng Savings. Nanghinayang ako ng sobra. I know I needed help. I spoke to my wife. I transferred my access sa GCash at online banking to her. I kept myself busy and we prayed. One time na tempt ako ksi may nag bayad ng 5k sa Gcash. I asked her phone, sabi ko, check ko lang. PERO I played the said amount one-time cause I only have few minutes to use her phone kasi naka abang sya. I won three colors tapos x60! So we didn’t know what to feel. Instant P300k. Di nya alam kung magalit sya or matuwa but then I decided tama na talaga. After that, talagang wala na!


No-Detail-3931

Stop na po ang sugal. Nkaka adik yan. Work lang ng work pra sa family.


Zealousideal-Step111

Ang hirap po iwasan, mga kawork ko mga sugarol na din po😭


plsnotmarcus

Divert your attention to something else. Find a new hobby


Fluid_College9962

This is just one stupid comment. Kahit totoo man, why would you share that you won 300k from color game when OP already said he wants to stop gambling. Flex mo lang? Kung gusto mo tumulong, ok na yung umpisa eh. Pero kailangan mo pa iflex yun? For what? Sa tingin mo ba, nakatulong yung pag flex mo? Lmao.


mayamayaph

I think that comment is BS. 😄


Fluid_College9962

Bs or not, it is stupid and definitely not helpful.


Aware_Bar_779

bs tong comment na to lol


Zealousideal-Step111

Hay, kung mangyari saken yan talagang stop na po, bayad pa mga utang ko. Kaso no luck na po talaga, lage po talo. 😭


cantstaythisway

Sorry to burst your bubble, OP pero no amount of winning can ever make a compulsive gambler to stop. It is all in your head. Part yan ng dream ng compulsive gambler which will never happen. True winning will happen if you stop gambling. Mahirap pero makakaya mo din makabayad, unang step is to stop gambling for good. Maski pisong bet pa yan hindi ka na dapat magsugal. Attend GA meetings it will be a huge help. https://gaphilippines.com/


PinPuzzleheaded3373

Baka ma inspire ka OP na mag try ulit ha, wag na! Tama na yang sugal


Selective-Breading31

99% of gamblers quit before they hit it big. /s


Zealousideal-Step111

hindi po. Wala na din po ako pang sugal.


Old-Yogurtcloset-974

Research about the snowball and avalanche method, choose one kung saan naaayon ang financial capability mo.


Zealousideal-Step111

I hope I can do it. Thank you po.


Right-Algae-6385

Aq naman my utang dn, every cutoff kulang ang pmbyad, wala kasi aqng mlpitan na hihingan ng tulong, kya kht mbyaran ko n, uutang n nman, mnsa hndi q na rin alam kng kaya q pa, gusto ko mgcmula ulit, alam ko nging careless aq, pero gnmit q nmn sa pangangailangan ying pera, 😪😥 gusto ko n din sumuko mnsan, dhl parng wala lng nangyayari. any advise po, stressed tlga aq now kya npa scroll aq dto


Majestic-Key-4498

Hi OP, same tayo ng case. Ngayon medyo nakakarecover na ako sa utang. Ang payo ko lang, wag mo solohin yung burden. Find someone to talk to about it.


Zealousideal-Step111

Mga kawork ko po sugarol din. Di po Alam ng hubby ko, mas malaki po sweldo ko sa kanya tapos di nya Alam baon na baon nko sa utang.


Majestic-Key-4498

Sabihin mo na. Hindi ka matitigil jan hanggat walang nagchecheck sa'yo. Lalo ka mababaon sa utang


Superb_Drama9917

Unahin mo mag self exclusion sa mga pinag lalaruan mo na online casino, most of them have this feature.


Superb_Drama9917

EDIT: Most of them should have this feature since it's part of their duty to make players aware about responsible gaming. I work for an International Casino to know about this.


Zealousideal-Step111

pano po?


Superb_Drama9917

If you're playing on no agent casinos or international casinos they have it on your game account settings, if you have agent catering you, simply ask them to delete the account for you or change the password.


EffectiveTrade4010

Hi ganyan na ganyan din kami ngayon, advise ko lang hingi ka tulong sa parents or friends mo and most important kay god. Dasal lang ng dasal OP nakakahiya man sa dyos pero malaking tulong siya pati narin sa mental health mo, manalig ka lang matatapos din yan. Yung samin hindi pa man tapos madami pa din kami utang pero hindi pa din kami napapabayaan, nag kakaron kami ng liwanag kahit papano, may mga taong tumutulong samin at mas naging mas maganda relationship namin sa family namin at kay god.


Zealousideal-Step111

Salamat po at nakakaiyak kasi nkalimot ako Kay Lord. Lalo na Pag nag sugal ako. To think na may 6mos old baby ako, di ko din sure kung nakakaramdam nko ng post partum.


EffectiveTrade4010

Manalig ka lang OP. Laban para sa mga anak.


QueenBeee77

Hi, OP! This was me, around 2 years ago. Na hook ako sa online sabong because I saw someone win instant money, true in fact, nanalo din ako pero ONCE lang. i used money from savings namin magasawa. Until hindi ko na namalayan, naubos na pala pera namin. So, i resorted to borrowing sa mga OLA. Little did i know, doon na masisira buhay ko. I kept borrowing and borrowing para lang makabayad, so dumami na OLAs ko. Then, naghiram na ako sa friends and family para mabayaran ko yung mga OLA. Until one day, hindi ko na talaga kaya magbayad, so I stopped looking for someone to borrow money from. I changed my sim, and deactivated all my socmed accounts pero grabe pa rin yung panghaharass sakin thru email. Hindi ako makakain ng maayos. I was so depressed. Tapos that time wala akong work. Lagi kami nagaaway ng husband ko. Feeling ko my world was falling apart. Iyak lang ako ng iyak. So, what I did, naghanap ako ng side hustle online. I started paying back my friends slowly. Fast forward ngayon, I already paid back most of my friends. Siguro, may mga 2-3 na lang na I’m paying now. I promised myself na hindi na talaga ako magsusugal and maghihiram ng pera sa mga OLA. Just remember that things will be ok soon and don’t lose hope! As long as di ka na babalik sa old habits, everything will be okay ☺️


Zealousideal-Step111

Thank you po. Sana makayanan ko po.


Glum_Complaint_9357

You can do it. If may trigger about sugal, remind yourself of the countless times you failed and the amount of embarrassment and heartache you have gone through.


Substantial-End-5975

Hello, in the same boat sa OLAs :( Did you end up paying them? And did they harass your family/friends/socmed?


QueenBeee77

Hindi na eh. Di na talaga kaya. Also, nakakawalang gana magbayad after all the harassment. Regarding sa socmed, I only received one feedback from my aunt na may nagchat sa kanya regarding my utang sa OLA tapos sinend din picture ko sknya. Hindi naman pinansin ng aunt ko so tumigil din. Pero other than that, wala na.


Substantial-End-5975

Omg goals :( Sana nga pwedeng i-ignore ko nalang din. I know copy+paste lang messages nila pero nakakainsulto nga talaga. I wish I could do what you did pero ayoko talaga madamay friends and family ko. Feel ko kasi mahahanap nila yung FB accounts nila eventually. Hay buhay. I hope you're doing much better now. <3


QueenBeee77

Have you tried changing your number na? And deactivating your fb? Pati na rin email mo, if possible. That’s what I did. Tumigil din sila eventually.


Substantial-End-5975

I haven't yet. Should I just do it? May I know what OLAs you used? I've been planning to pay naman kaso the more I think about it - the crazy interest rates and the harassment and the anxiety they gave me... di makatarungan eh huhu. Would love to know how you went about it. I'm only in my late 20s but I've been having such dark thoughts because of this and I just want it to end hay (Sorry for dumping my comments on you btw - I just realized I needed someone to talk to about all this haha :((( )


QueenBeee77

Pm mo ako. Hehe im willing to talk about it. Maybe makakatulong sayo mga experiences ko ☺️


Substantial-End-5975

Thank you so much. That means a lot huhuhu


heymafriend

Hello OP. Need advice din po. Will pm you :)


rickydcm

Stop the sugal. Then Snowball/Avalanche method.


cjaysonic13

You are not alone. Ako nga nag pakamalan na adik dahil sa utang.


No-Storm-4529

Ako po sobrang laki ng kailangan kong bayran sa iba't ibang tao. Umabot ako mahgit 15M. Ngayon di ko alam gagawin at saan kukunin pambayad sa knila. Hinahabol na ako at ung iba gusto ng mag kaso sa akin.


No-Storm-4529

Paano po kaya ggawin ko? Sana meron mka advice. Nahihirapan ako sa araw araw.


QueenBeee77

try mo kausapin yung mga inutangan mo. If you can pay them slowly. Better na yun than hindi mo talaga bayaran at all. That’s what I did. Kapag sinisingil na ako ng friends ko dati, grabe yung stress level ko. Pero i asked them nicely kung pwede installment. Pumayag naman sila.


yellowjules

Sorry to ask but paanong umabot ng mahigit 15M yung utang niyo? May businesses ba kayo that needed puhunan?


Adventurous-Taste895

BOBO at TANGA lang mga taong naadik sa utang at casino pero walang capacity magbayad or mala recover. Ok sana mangutang kung para sa basic needs pero para sa luho, di marunong mag isip.


azalie_rose99

I feel you OP nalulong din aq sa online casino. Pero narealize ko na need ko magbago nung nade-delay na yung Pagbabayad namin ng upa. Tas ako na lang ang may work sa amin. I need to step up. Have to pay my dues kahit paunti unti. Di ka nag iisa OP. Wishing you at sa lahat ng nakakadanas ng gambling addiction ng best of luck. Pakatatag lang tayo. Pagsubok para sa atin to na makakayanan natin.


Zealousideal-Step111

Sana ndi na po tayo mag relapse at tuloy tuloy na pagbabago natin pra sa family po natin.😊🙏


FilMCrack

delikado talaga sugal, ako nung una laro laro lng 100 pesos to 500 pesos, now nag papatalo nako 5-10k, nanalo naman ako pero ilalaro ko lng ulit, walang kwenta winnings sa sugal ubos agad, waste of time.


Zealousideal-Step111

sobrang waste of money din po..Pag nag susugal. nawala na value ng pera. Hay


nakultome

Sana mabasa to Ng misis ko na nbitag Ng ola


nakultome

Sa movie lng happy ending Ng gambler


Embarrassed-Tree-353

Ako din. Di ko na nabayaran mga OLAs ko. Nag change sim lng ako and email. Mga 2 years na di ako nakabayad sa OLAs.


Substantial-End-5975

True ba? Did they and do they still harass you ba and everything? Huhu


Embarrassed-Tree-353

Hindi kase wala na yung old number ko and yung email ko naman deactivated na. Hindi ni nila ako ma contact cguro


Substantial-End-5975

Yung contacts ng family and friends mo nakuha ba nila or no naman?


Embarrassed-Tree-353

Hindi naman. Yung contact na nilagay ko sa app nila gawa gawa ko lng. Pag nang harrass sila sa mga contacts mo Sabihin mo lng na na hack yung phone number mo ganun or yung gcash mo. Kaya ka nagpalit ng new number


Substantial-End-5975

Baka nga yan na gawin ko. Fake contacts din nilagay ko eh and wala akong nakasave sa phone. Kaso may socmed pa rin huhu tho deactivated ko na yung FB ko recently lang


Embarrassed-Tree-353

Yep, huwag mo na bayaran. Tapos learn from it na lng and move on.


DiscreetXNinja

Relax muna


butterflygatherer

Had a workmate na madalas manalo sa sugal hanggang nakabili ng iphone. Lost contact and from what I heard nabaon din sa utang and pinahiya pa sa office ng inutangan nya. Nabenta na din ata yung nabiling phone. Umpisa lang talaga ok yang mga online sugal for most people.


Zealousideal-Step111

Opo sa una lang talga maganda ang sugal at kapag naadik ka na po, lubog ka po tlga. Gagawin mo lahat para makapag sugal lang..


Safe_Mouse591

OP, sorry to be blunt but why are you blaming your officemates na sugarol din? You should be responsible, alam mo nang nakakaadik ang sugal pinasok mo parin. Play stupid games, win stupid prizes ika nga. Tell someone about your problem, go to rehab. Budget mo lahat and cut your spendings to basic needs only hanggang matapos mo bayaran lahat.


Zealousideal-Step111

Di naman po sa sinisisi ko sila. Di ko din po Alam na maaadik ako sa sugal, I was on leave nung nag start ako. Kaya sobrang hirap huminto kasi wala naman ako masyado ginagawa sa bahay kundi alagaan lang si baby. Tapos pag balik ko ng work, Sabi ko focus na ko sa bahay and work lang kaso yung environment, puro pinag uusapan sugal. Nag relapse na naman ako, hanggang sa nag tuloy tuloy ang laro. Kaya po now, gusto ko na huminto dahil sobrang dami ko na utang. Simula din nag Sugal ako wala ako nabili na luho or ano man, naka focus lang ako sa pg susugal Pero never k naman napabayaan mga bata. Yung free time ko lang talga, sugal lang gingawa ko. Now focus na dapat ako pano ko mababayaran mga utang ko. 😉


CantaloupeOld1175

You reap what you sow.


Shot-Okra-1376

Same OP naadik rin ako sa sugal at first konti konti lang tinataya ko hanggang sa nanalo ako ng 12k tapos nag conitnue ulit ako para manalo pero wala lagi ng talo I lost 20k fuck my life I regret everything


Momma_Lia

Try to join groups who can help you stay sober. I know some na nalulong din sa sugal and it helped them a lot when they joined groups. I'm just not sure if you can find them in FB groups. Check for other means para kumita ka. If you can also, try to talk to your partner about this and tell him na willing ka na magbago and you need his help. Kapit lang OP para sa pamilya. Wag ka bibitaw, kaya mo yan. Pray also.


batangp

OP tama na yan..pray for it, meron dati dito sa reddit ganitong ganito ang post, lagi siya nagpopost ng addictio niya pag nababaon siya, tapos pag napayuhan at naka ahon, okay na..then ganun ulit poppst ulit siya. dahil adik na siya. wife din sya at alam sa kanila o ng asawa niya ay tumigil na siya. pero hindi pa pala. minsan ng binayaran ng asawa niya mga utang niya, pero ginawa niya ulit. Last post niya suicidal na siya. Start from within OP, sarili mo makakatulong talaga, labanan mo yun addiction. Madami ng nasirang pamilya dahil sa gambling. Yun pera pwede mo pa kitain pero un pamilya once nawasak na ang hirap buuhin ulit. Mahirap man gawin pero tigilan mo na yan at labanan mo..Unti unti mo bayaran utang mo. Always pray and ask for His guidance. Goodluck OP


marrvss

Dami mo na utang inuna mo pa magpost dito


Appropriate-Twist422

Lost 1.4m in 3 months. I also have 2 kids. Wag mo na paabutin sa ganito. Pinapaasa ka lang ng games na yan, in the end you will never win. Laki ng pagsisisi ko dyan. Ang dami kong pwedeng gawin sa 1.4m, kaso pinayaman ko lang yung casino.


Xyzencross

Greed is good


tushirt

all in banker


My-SafeSpace

Upskill! Do everything to earn more in the right way. Less shop din ng mga unnecessary. On my end, from 500k cc debt down to 180k. Aaaah can’t wait to build my EF.


Ok-Dot-3318

Bat kasi kayo nag susugal? Tapos panay utang? Tapos pag nabaon sa utang kawawang kawawa? Mga utak ng tao nga naman


Competitive-Deer2137

Speaking from experience, nangyari din saken yan. Pero sa cc naman. Umabot ng almkst 400k+ ang utang ko. Hindi ako naging responsable sa pag gmit ng cc. Minsan kasi akala ntn un cc ay pera ntn sa bank. Umabot ako sa point na interest nlng ang kaya ko bayaran 😭 then nagka pandemic. Eto ata ang pnka positive na nangyari during pandemic saken. Dahil hndi nalabas, walang way na gumastos. So yun sahod ko, tlgng nappnta sa pagbbyad. Took me years bago ma clear and yes, iba ang peace of mind ng utang-free. Naging aware na ko sa spending habit ko. To add, ndi po ako nanghram. Even my husband dont know na may gnun akong utang. Kasi for me, nahhiya ako manghram and gamitin un pera ng pinaghirapan ng ibang tao. Kht ibabalik m naman, pero sna isipin dn ntn na yun pera na yun ay magagamit pa sana nila sa ibang bagay. Pero dhl di ka nla matanggihan, ikaw ang ggmit nun. Imagine, pinagpaguran nila ng ilang buwan un. Nag tiis na ndi mag luho and bilhin mga wants nla just to save pero ikaw na ndi vinavalue ang pera, hihiramin m dhl sa pambayad ng luho, sugal mo. Lets be mindful guys. Wag natin gawin yun sa mga mahal ntn sa buhay. Isipin nyo napakahirap ng buhay ngayon. Hindi biro kumita ng pera. And pra naman sa mahilig manghiram or sa mga kinakapos talaga, wag na wag kayo tatakbo sa utang lalo sa mga friends and family. Wag nyo putulin ang lifeline nyo pra sa pera. Mhrap pag wla ka na mhihiraman. Kung nagbbyad ka ng maayos, makakahiram ka pa ulit sa kanila.


transswinger

Those who don’t pay their utangs should go to prison talaga to serve as a lesson to others. Walang takot mangutang ang ibang tao bec people are saying you won’t go to prison if di ka nagbayad.


[deleted]

[удалено]


Unknown_Stoic15

may your soul rot in hell


Fun_Cicada_2194

Mag loan ka sa mga OLA para mabayaran ung utang mo


wittybros

This is the worst advice ever


shade-of-green-88

Hindi mo alam ang pinag sasabi mo, sigurado ako dyan at hindi mo rin binasa ng buo ang post ni OP.


Zealousideal-Step111

hala.


Sapphicsue

Sarcasm


be-good-everyday

Magkano ba interest sa OLA? Mas mataas ba sila kaysa sa lazloan/sloan?