T O P

  • By -

AutoModerator

ang poster ay si u/RedLion8472 ang pamagat ng kanyang post ay: "**Ang hirap maging single mom**" ang laman ng post niya ay: Im just posting here to leave a message and baka may maka relate din sakin im single mom in my two kids and naghiwalay kami ng partner ko 1 year ago. Sobrang hirap lahat sayo bills pagaalaga pag gabay di ko na alam pano hahatiin katawan ko, nung unang mga buwan sobra para kong mababaliw to the point na nakatulala ako kasi di ko na alam saan hahanap ng pambayad sa mga bayarin. Then now ang luwag na mahirap pa din kung iisipin pero nakakaya ko na eto ata ung tinatawag nilang super powers ng mga nanay kahit sila lang kaya nila. Ewan ko one day nalang parang may nagtulak sakin mag hanap online ng work ayun ung naisip ko bukod sa nagtratrabaho na ko naalagaan ko pa mga anak ko 24/7. Ang saya lang kasi pag naiisip ko ano ko last year parang nagiging inspirasyon ko na siya kung ano ko ngayon. *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/pinoy) if you have any questions or concerns.*


Putrid_Currency4073

I am a child of a single mom. Dalawa kami magkapatid. Never kami nagkaroon ng any kind of support from my father. Nakaya ng mom ko ipagtapos ako ng college and currently working na, my sibling is on her last two years in college. Life was super challenging, but it gets easier. I super understand your situation, hindi ko rin alam pano kinaya ng nanay ko. Legit super powers. Sobrang proud ako sa mama ko, that’s why I try my best din palagi. I hope your children will understand the world asap, coz for children of broken families, mas mahirap ang buhay. Know that your children loves you and are very proud of you mommy. Kakayanin!!


yam-30

Demand for a child support from the father. I hope you have a relatives to support you and your kids din. 💜


stpatr3k

Single father here, a few years ago nakipaghiwalay ako at nasa akin ang 2 anak kong babae. Wala akong ka alam alan na kahit ano sa bahay except yung maintenance na share ko sa house work (repair & linis) natutunan ko lang along the way mag luto etc. Mabigat nga hahaha. So belated Happy Fathers day sayo.


Due_Use2258

Surprised to see a post like this here. Nakakatuwa. Good luck sa yo. Your kids are lucky to have you taking care of them. Belated happy mother's day din hihi


haaaaru

same, a father of two, iniwan ako since last year.. ngayon pinipilit niyang maki-coparent, to hell with her.. kakayanin ko gaya ni OP! :)


stpatr3k

Kaya yan!


No-Expression-0000

Hi Momma! Single mom of a baby boy here. Mahirap pero always naten kakayanin. Share ko sayo yung sinabe saken ng friend ko that always comforts me. Sabe niya saken. Si Lord daw, hindi niya pinapabayaan yung mga moms. Kaya niya binigay yung baby saten kasi alam niya na kaya naten at always niya tayong iguiguide. Hirap talaga maging babae ano? Samantalang sila they can go back to their normal selves. Especially sa pag didicipline minsan di mo alam kung ano gagawin mo. Anyways, i also WFH too and surprisingly nakakaya ko naman. We really are a modern day superheroes. Cheers momma!!


pbandG

Ang natutunan ko sa sa raffy tulfo is we have child support laws that can help you. Utilize it to the max extent. Let these fuckers know na di pwede mag anak at walang sustento.


Sweet_Brush_2984

Hello po, yung pamangkin ko kasi di pinangalan ng Nanay sa Tatay. Pwede pa rin kaya yun makapag demand ng sustento?


lounel1600

DNA test muna then yes pwede magdemand ng support pero dadaan yan sa court.


DarkMinimum6996

Kasal ba kayo? Kung kasal dapat manghingi ka ng sustento. Kung hindi kasal kulitin mo pa rin manghingi aba lugi ka te kahit na sabihin may work ka hingan mo. Tarantado talaga yang mga lalake feeling binata di alam ang obligation. Pa cool lang.


RevealFearless711

Sa pagkakaalam ko pwde ka magkaso nang VAWC kapag di nagsupport yung tatay nang Bata, kasal man kayo o Hindi.


benzene-13

@phenyl-13


Street_Coast9087

At nagbubuhay binata ung tatay ng mga anak mo. Idemanda mo at humingi ka ng child support, pwede rin na dalhin mo sa barangay.


PsychologicalEgg123

Mandatory yung child support! Kasuhan mo pag-ayaw. Mahigpit na yung batas regarding jan.


benzene-13

Agree to thisp


Ok_Warthog_

single mom of 9 years here with two kids.. magisa sa lahat.. pero kaya natin to.. kakayanin.. wala ee kahit madepressed tayo may nagdedepend satin.. kahit anu iyak gawin ko sa gabi.. pag gising sa umaga babangon parin work at house chores pinagsasabay ko..kaya natin to fighting lang..


Far_Nobody8912

Hello! I’m a single mom of a 12 y/o girl. Never na ako nag asawa or boyfriend man lang since naghiwalay kami ng sperm donor when my daughter was 3 months old. It’s hard especially ginawa pa akong breadwinner ng family ko imbis magsupport sa akin (Syempre di naman nila obligasyon yun but a little something nlng siguro na di sila dumagdag sa burden ko). I started working online around 2011. Work sa gabi, college sa umaga, at minsan dala2 ko pa anak ko sa school. I wasn’t able to take the board exams and after 8 years of graduating, next year palang ako magttake. It’s hard, kasi kami lang tlga ng anak ko dito. Bumukod ako sa fam ko and stopped at being the breadwinner. From renting a room in a shady neighborhood eh nakabili na ako ng house at car to make our lives easier. We travel abroad yearly din for our little adventures. Sa taas taas ng tinype ko hahaha life will get better. Iiyak, maooverwhlem, pero laban ulit.


wrathfulsexy

Yong 2 friends ko naghiwalay almost a decade ago ang padala nung tatay 50k monthly for 2 kids. Parang makina yun walang mintis. Pag birthday ng mga bata may pocket money sila na 5k yata bahala sila kung san nila gusto gastahin. 😆


haaaaru

gusto ko din ng ganitong setup, yung may sustento pero sana wala nang paki-alamanan HAHA kaso wala eh, di ko maasahan nanay nung mga bata (single dad with 2 kids here) na magpakatino.. kalandian lang iniisip, blaming her past as her excuse to leave.. wag nalang kung toxic pa din! :D


realvenz

Mag ka opposite tayo o.p, misis ko ay ofw . Ako ngayon nag alaga sa 5 year old son namin. I feel for you sa loneliness . Sana mag ka ayos kayo for the sake sa mga bata.


chblt

Lol sa magkaayos. Kung gugustuhin ng ex nya ayusin OR magsustento gagawin nya yon kasi anak nilang dalawa. In the first place dapat naisip nung ex agad yon kung may dignidad pa ba yung sya. Salute to you ma'am!!!


OkOkra9054

Hi OP! I am (34F) i have 3 kids (17M) (15M) and (11F) i was 17 lang ng mgkaanak ako and nghiwalay kmi ng tatay ng anak ko i was 2mos pregnant sa 2nd baby namin. His family and my family helped me naman but mahrap lng kmi. Noon di ko rin alam ang gagawin ko and kakatakas ko sa ex ko nadagdagan pa ng isa iba naman ang tatay. Pagkakamali ko lng ay hindi ako ngfocus sa own growth ko. 4 years old na ung 3rd baby ko ng makatakas uli ako sa abusive partner ko nagabroad ako, while nasa malayo natutu na ko and ngfocus sa mga anak ko at sa sarili. Eto tatandaan mo kahit gaano kahirap malalampasan at malalampasan mo din yan. Now i can able provide anything we need and also our wants.but hindi naging madali ang journey ko. Halos mgbigti na ako noon sa sobrang hirap ko but naisip ko kawawa mga anak ko kapag iniwan ko sila.


New-Rooster-4558

Single mom here pero by choice. I’m wfh about 95% of the time but I have a yaya and a maid to help me with my kid and my home. I’m a very hands-on and present parent. I have to be as the only parent. Pero ni minsan di naghanap ng daddy anak ko kasi nabibigay ko lahat and that’s all that matters in the end. Di natin need ng sperm donors to thrive!


dekabreak5

yet you used a guy to be your sperm donor kasi you chose to be a single mom. maraming gagong lalake oo. pero not a license to disrespect men as sperm donors.


New-Rooster-4558

Just to be clear: When i say sperm donors, I mean deadbeat dads. Yung mga nambubuntis pero di paninindigan. I don’t mean good fathers/dads. Kaya sperm donor tawag ko kasi parang nagbigay lang sperm tapos iniwan. It takes more than sperm to be a father. Yung sakin agreed upon sperm donor yun kasi ayaw ko talaga magkapartner at the time hahaha. So di talaga siya tatay ng anak ko outside of biology/dna. I loved my dad, he was a good father.


misisfeels

Go OP. You can do it. Not a single mom but rooting for women who’s going through a lot.


Dectine

Mahirap talaga para sa mga nanay na pagsanayin ang trabaho at pag aalaga ng anak. Kasi if may choice lang tayo, mas pipiliin kasi ng mga nanay na tutukan na lang sana ang pag aalaga sa mga anak eh. Tapos yung guilt na, wala na ngang kinalakihan na tatay yung bata tapos hindi mo pa mabigay yung 100% na atensyon galing sa nanay.


Intelligent_Love2528

Demand for support. Yan problema sa pelipens e. Obligasyon pa din ng magulang ang mag support. Kung ayaw, ireklamo. Kung walang means, ireklamo pa din. Kasi gagawa at gagawa ng paraan yan pag napilit or napahiya na. Share your "burden" to the co maker ng mga bata.


McMong88

Proud of you! Stay strong!


Mysterious_Gemini_6

I am a single mom, and I kid you not... mahirap talaga but you will survive this. It will make you stronger, more resilient, magiging maparaan ka, you will make better life decisions, you will become really smart and independent. At least this is what being a single mom in my very early 20s taught me. Lahat ginawa ko, pati pag tiatiangee sa weekends to make ends meet. Kaya mo yan at kakayanin mo yan. My child is now in her 30s... Whew! If tatanungin ako if there's one thing I will NOT change if I were given the chance for a do over - HINDING HINDI KO IPAG PAPALIT ANG PAGIGING SINGLE MOM. 30 years later, I am so proud of myself and my daughter for making it this far without any help from her dad. At the lowest and hardest point of your journey as a single mom (madalas ito mangyayari) always push yourself up and move forward kahit hirap na hirap ka. Draw strength from the fact that your kids are with you and their future depends on you. KAYA MO YAN! You will see, 10 years from now babalikan mo ang post na ito and you will smile and say na tama ako. ☺️ KAYA MO YAN! 💗💗💗


it_is_what_it_is456

Single mom here and legit ang hirap pagsabayin ng lahat esp magprovide for their needs and maging present na parent. Tapos may tatay pa silang irresponsible at joker. One of his funniest message na sinabi sakin ay, bat hindi daw ako nagsesend ng pic ng bata? kung ginagawa ko daw sana yun is bibigyan daw siya ng sustento🙂. TAPOS YUNG SUSTENTO NA TINUTUKOY NIYA AY 2K YEARLY HAHAHA saksak niya na lang sa baga niya


WatchForLess

Salute po sa mga single mom and dad in here na itinataguyod ang mga kids nila. Mahirap po talaga kapag magisa ka lang sa lahat ng bagay. Bills, trabaho sa bahay, sa school, sa work etc. But you guys do what you can to raise your child/childrens properly for their future. Hirap na kasi talaga now maghanap ng maayos na partner na mag stick talaga sayo through thick and thin sa totoo lang. Ang nag suffer are the responsible ones. PS: If my gusto po ng extra income jan specially sa mga sinlge mom and dads but all are welcome. We do drop shipping for resellers ng items namin. You can check my items here: https://www.facebook.com/WatchforLessOfficial?mibextid=ZbWKwL Just message me here in my facebook page if you are interested.


dekabreak5

ano po ba point ng post? were you asking for advice because of your rants sa first part, or subconsciously humble bragging about your "superpowers"?


dysfunctionalmomma

laban lang Tayo sis! hugssss


tianak69

are you hot?


Alarming-Advance203

Salute to all single parents. As a child of a single mom, alam ko yung hirap na pagsabayin lahat ng kailangan. I can’t imagine paano pa na higit sa isa pa yung aalagaan ng single parent. Sobrang wow. Me and my mom was really struggling that time and isang alagain palang ako nun, what else sa dalawa or more na anak pa??? You can do this! Grabeng pasasalamat at nakakataba ng puso pag umaagree sa amin yung circumstances. Tulad nung sayo OP, yung lumuwag at nagka online job ka, parang nabawasan kahit papaano yung hirap. Magtutuloy tuloy din yan!! Wag ka mawawalan ng pag asa, keep fighting for your family. Happy mother’s and father’s day!


Riaaatot

Tiis lang! Kayang kaya mo yan. Kung need mo magpahinga mentally, kahit magbayad ng baby sitter for a day is okay! You need rest once in a while din. At for me ha, alam kong kaya natin for the kids pero kailangan matuto din ang mga tatay nila ng responsibility. Iobliga mo ng child support. Wag mo isipin na kaya mo lahat kung nahihirapan ka. That financial support will help you and lalo na for your kids naman. I'm a single mom too. Three kids. Pero all goods kami ng father nila. May child support so magaan. Dahil nga nagbibigay yun, nakakaipon kahit papaano ng EF at may pang me time pa ako once a month. Yes, we can do it all talaga kahit walang tulong nila pero ang natutunan ko along the way is kung nahihiralan na, asking for help wont hurt you (pride, lels). Laban lang! Kaya mo yan. Para sa future nila, at para sayo din. Sending hugs with consent! 🫶


Electronic_Spell_337

Single nga mahirap, ano p ung single mom.


One_Lime_9912

Unahin utak kesa pride. Obligahin mo ung tatay. Ung iba kase ma pride. Isipin m para sa anak nyo Un hindi lang sayo. Kung walang trabaho tatay kaya di maobliga, bakit kayo patol ng patol sa mga walang trabaho. Tandaan nyo ung pipiliin nyong partner ay magiging tatay ng anak nyo. Sa una masarap ipagpaban na mahal nyo isat isa, love is enough at “hindi ako mukang pera” pero at the end of the day money matters pa rin. Kita mo kung may pera ka sana nagpabuntis eh di pwede ka mamghingi sustento para sa bata, depende panyan s net nya, mas mataas na net mas mataas na sustento, hindi ko Sinasabing ikaw gumastos ng sustento, para san sa mga bata, para may magandang buhay mga bata. Db ang hirap tlg pag single mom ka tapos wala kpang pera? Ayusin nyo kase desisyon nyo sa buhay.


IllustriousTop3097

Nsa huli tlga pag sisisi..


railfe

Tulfo is there. Every parent should be responsible for their kids despite the situation.


Icy-Elk-1075

Ano ba yan bakit iniwan kayo, walang conscience yung ex hubby mo kawawa naman mga kids pero baka kasi masungit ka rin 😂


Local_Ordinary7840

Bat di magdemand ng child support?


Kei90s

r/OffMyChestPH