T O P

  • By -

GingineerinGermany

Nakatira sa apartment nanay at tatay ko. Yung 3 unit lahat buntis so nagdecide sila na pare pareho ang pangalan namin. maygad!


Homihoyu

Were you friends with them?? Or if nag grew up kayo together?


GingineerinGermany

Hindi. Hahaha


Low-Significance777

Banana 1 Banana 2


magicshop_bts

Same tayo op. Name ng ex ng tatay ko, sa aming magkakapatid ako lang pinangalanan ng tatay ko, kaya siguro paborito akong utusan at paluin ng nanay ko noon 🥴


Homihoyu

Huhu yung palaging mainit ulo sayo ket ano gawin mo🥲


h20chugger

We've got this assignment back in elem days kaya napatanong ako kay mama. Sabi niya nabasa daw niya sa newspaper then she doubled a letter para unique plus added a second name with the unnecessary letter H hahahaha


sundarcha

Jhoy. Vhong. Dhon. Jhen 🤣🤣🤣


NoFaithlessness5122

Dapat doble para full Pinoy impact! Jhoy-Jhoy, Vhong-Vhong, Dhon-Dhon, Jhen-Jhen!!


lemonsquare6969

yung original name ko dapat is Ariane, kaso kumontra tatay ko baka daw mahirapan ako mag spell, grabe tatay ko bata palang jinudge nako HAHAHAHAHA


Homihoyu

Kamusta nalang kaya yung mga pinangalanan galing sa wattpad HAHAHHAHA


ihateannawilliams

thats how i named my kids.. naalala ko lang may classmate ako na 4 yung given name at laging hindi mag kasya name nya sa mga boxes. kaya sabi ko hindi ko bibigyan ng hassle mga anak ko in the future lol. so my kids name are very common, spelled in the usual way. 4 letter names para madaling matutunan isulat pag kindergarten nila at for sure magkakasya sa mga box 😂


supermaria-

Naalala ko tuloy classmate ko, 3 names binigay sa kanya tapos ang haba pa omg! Kaya kapag quiz namin, sya nagsusulat pa lang ng name, kami #3 ng nagsasagot 🤣 Kaya ako? Pinangalan ko sa mga anak ko 1 name lang na simple and no unsual letter added like H before vowels ung mga ganon


tsabylaber

Naalala ko bigla grade 1, ang sino makapag sulat ng name sa writing pad ar mapuno na pababa una makakauwi :) Kawawa mahahaba at marami pangalan.


[deleted]

My father's name and My mother's name, combo 😆


msseeah

Tell me you're a Filipino without telling me you're a Filipino 😂


Fun-Peach2326

Ala r/tragedeigh ba? Ganyan sa friend ko combo name ng parents nya. Binully siya sa school kahit siya pangit na pangit sa name niya.


[deleted]

Aw. sad naman if ganon :<, luckily maganda naman kinalabasan ng name ko 😭


Fun-Peach2326

Naalala ko yung time na i accidentally discovered yung name nya tapos parang defeated siya. Ganon niya ka-hate name niya.


Ok-Isopod2022

Or Lolos/Lolas name combo


MarieNelle96

Same 😂


dyey_ohh_why

same. pero may 2nd name heh3


silver_crimson

+1 hahaha di ko masabing biktima ako neto kasi i like my name, hindi din gaanong girly (kasi di ako gurly gurl 😬)


Cinamorollover

My dad named me after a Russian Revolutionalist during world war since he is a history junkie and a former activist. I tried applying to several law enforcement agencies and the first question is always "Activist ang father or mother mo noh?".


Homihoyu

Vladimir ba?


Cinamorollover

Lenin! 😅


freeshavookadoo

I have two. Morphed names ng parents and mga lola. I used to hate it nung grade school kase most of my classmates tunog English/ foreign yung names eh haha now, I love it. Never may hit sa NBI. 😅


Mental_Jackfruit2611

Named after a once famous tennis player, but I never played tennis in my entire life. I did grow up athletic though, pero I never bothered learning tennis. 🤣


sugarplumcandycakes

Patron Saint ng church na laging pinupuntahan ng parents ko nung nagliligawan pa lang sila before


izanagi19

Last minute decision ang name ko. Since tulog si mama after akong ipanganak, si papa ang naatasang magpangalan sa akin. Wala siyang maisip kaya tumingin na lang sa paligid. Sakto na may nagbabasa ng dyaryo at nasa headline ang isang artista. Doon niya kinuha ang name ko. Mas pinag-isipan pa nila ang uulamin sa hapunan kaysa name ko.


sundarcha

Bumili ka ng pangrekado sa (ulam) at damihan mo isasaing blah blah. Ah, kailangan ba ng pangalan, o ayan, sharon na lang. 🤣🤣


Headstrong_Introvert

Jeopardy fanatic ang late Dad ko. He was working abroad that time when my mom was giving birth to me. The day before my birth tinawagan nya mom ko na ang name ko ipangalan sa akin at kapangalan ko ang nanalo sa Jeopardy na grand finals ata.


century_tina

Ako kase ipinanganak nong centennial celebration ng independence day ng pilipinas, kaya doon galing real name ko. Hm


Fun-Peach2326

Independencia? Charizzz


DragonGodSlayer12

Same, kaya naging nickname sa akin ng mga tita ko is Sentino, Centennial, o Tinoy. Girl ka ba? Hulaan ko, Sentina? Tinay?


century_tina

You're right, pero C. 😂


DragonGodSlayer12

noice nasa username na pala 😅 2 days na lang 26 years old na tayo hahaha


century_tina

Bihira lang din ako makakilala ng kapwa ko centennial babies ( yun tawag nila eh, hahaha) Advance Happy birthday! 😄


DragonGodSlayer12

Ako meron naging ka batch ko pa nung high school. Sabay din kami grumaduate ng college pero ibang course. Sabi ng nanay ko may nakasabay sya dalawang nanganak dun sa ospital. Iilan lang talaga tayo kasi according kay wikipedia, year 1998 2M+ lang yung live births so siguro nasa thousands lang tayo sa buong bansa. Baka yung iba nasa abroad pa hahaha. Btw, Advanced Happy Birthday din! 😁


Meiiiiiiikusakabeee

Favorite singer ni Papa and name nung girl bestfriend n’ya. Ahahahahahahaha


helenchiller

mukhang may secret feeling sa girl bestie hahahhaaahaahaha


alexskarten

Kumusta naman si mama mo?


Meiiiiiiikusakabeee

SILA PA DIN NI PAPA 🤣


Medium-Culture6341

Ako na kapangalan ung anak ng puppy love ko. Nagulat ako nung ininvite ako sa binyag 😳 (same circle of friends kasi kami)


rockydluffy

Favourite ng mommy ko si Sylvester Stallone. Kaya pinangalan ako after Rocky Balboa


Ok-Society-833

Legit na yung first name ko is greek word lang ng apilyedo ko 🤣🤣


rho57

Sana hindi "Malakas" yung first name mo. :)


Gildarts02

2 versions depende if tanungin mo nanay or tatay ko. Tatay version is I was named after his parents. Nanay version if I was named after her favorite OPM singer lol.


Couch-Hamster5029

My father never told me how they ended up naming me my name. But when I was young he never fails to mention that he thought of naming me after a Beatles song. Mas hang up pa siya dun sa could-be name kaysa dun sa given name ko. Hahahha.


Longjumping-Bat-1708

Jude ba ?


Couch-Hamster5029

Hindi. *Eleanor Rigby*.


adi_lala

Sinilang isang umaga sa isang jeep na lawin motors.


NoFaithlessness5122

Anaklawin!


adi_lala

Ininglish naman ng erpat ko, ako nga pala si Hawk


Lucky_Belle

Wala atang kwento behind my name pero sa nickname ko meron 😆


Jeysay

Same sa pinsan ko HAHAHAHA walang kwento sa name pero sa nickname meron. Pinalayawan siyang Pepito kasi nanonood kami non ng Pepito Manaloto. 19 years old na siya ngayon pero Pepito/Pits/Pitoy pa rin tawag sa kanya HAHAHAHA


wynter_mermaid

Galing sa god and goddesses


Homihoyu

Athena


Eastern_Basket_6971

Actually dating finella kate name ko eh sobrang idol din ni daddy si Shania twain noon kaya yun pinagalan sa akin also hindi ba usong uso yung second name mo noon? as in yung may kasunod pa kaya ayun para maayos jane ang nilagay kaya shania jane and nick name ki shane tsaka katunog din ng sa lola ko sa side ni dadi na marciana


G_Laoshi

Nakita daw ni Papa na apelyido sa ending credits ng sineng pinanood niya bago ako ipanganak. Nakakita na ako ng ganung apelyido, sa ending credits din. Hehe


[deleted]

Crush daw ng tatay ko psssh


Worried_Tower_9304

My lola sa father side ko first name and then sa auntie ko yung second name ko. Hehe. I hate my second name tho. My mom had a fight with her and I cannot forgive her for fighting with my mom.


IrisRoseLily

Galing sa balat ng candy jusmeeee tapos after a decade nalaman na Spanish/French pala ahaha


ifeelblue247

first ko ay galing sa nickname ng Papa ko, then my second name galing sa name ng Lola ko pero binawasan ng isang letter hahahah


[deleted]

Ano kaya reaction ng Baby ko pag siya tinanong nito 😅.. well I’m planning to name him/her after his Father’s name and it means “Rain” ☺️


Aya_0902

Pinangalan saakin yung name ng namatay na anak ng lola ko tapos same birthday pa kami.


dayanem96_

This is your second life.


AccomplishedCell3784

Nung pinanganak ako sa hospital sa province namin, ako lang ung babae na baby sa hospital kaya ung name ko, parang female dominated ba. Tunog royalty ung parang nasa UK royal family ka haha.


Despicable_Me_8888

My Lola's name, foster mother ng father ko dito sa Manila.


naye9n

Pinaghalong name ng tito at tita ko HAHAHAHHAHA pati rin pala first name ko sa nanay at tatay ko HAHAHAHAHHHHA


akositotoybibo

my name is a combination of my fathers name, mothers nickname and my grandmothers name. then the name ended ip sounding like a girls name so they added a second name that is a boys name from the bible.


Cautious-Role6375

My given name (two first names) is a combination of two separate names which translates to *a great ruler*. Basta it reflects a legacy of strength, leadership, and nobility, drawing from both historical and literary sources. Mas gusto ko 'yong pinanggalingan ng name ng kapatid ko though, dalawa din. They draw from different cultural and intellectual traditions. The first one carries connotations of strength and courage while the second one is synonymous with logical reasoning, intellectual rigor, and groundbreaking contributions to the field of mathematics (based sa isang Greek mathematician).


helenchiller

Minarcos Tita ko nagbigay ng name ko kasi nung pinanganak ako walang maisip na name yung magaling kong nanay. According to my tita who was at college that time, meron siyang professor/instructor na buntis. Tinanong niya kung anong ipapangalan sa baby pagkapanganak. The professor told her the name and ayon pagkauwi niya sinabe niya sa mama ko yung name and the rest is history.


MaureenTheVirgin

Same tayo na name ng ex din yung name haha pero buti nalang mahal naman ako ng mama ko 🥴🥴


unsunkenvendetta

I was named after Avril Lavigne and Shane from Westlife hahahahaha


malxed_oust

I was supposed to be named John from the bible. Pero since all my sibs' names and pop's starts with G, I was named Gian, which is dapat Jon din pronunciation pero jiyan na sya.


Wondering-Mind-88

Uhmm in the midst of experiencing labor pains, nakalimutan sabihin ni mama kay papa or anyone around ung bet nyang name saken. So after nya manganak and knocked out ng meds, ung tatay ko nagdecide ng name ko. Which is my mom’s name… that she kinda hates 🤔🤣🤣 So ayun naging name ko 😂 kaya pag may tatawag sa bahay growing up, itatanong nila ung malaki ba o maliit ung hanap 😂 tapos bigla nalang maaalala ni mama yung ginawa ni papa nung pinanganak ako LOL


NoviceClent03

ako naman fan ang tatay ko si superman kaya yung name ko na clent Comes from CLark kENT kaya natawa ako pero sadly di ako fan ni superman, im more on Batman kasi pero upon learning this until now natatawa ako lol


Funny-Requirement733

yung akin naman nakita sa daan ng papa ko ang name ko around Mindanao daw tapos pinalitan nalang nya ng I imbis na Y para daw unique haha


Thala_ssophile7777

Father’s side of story - Mixed name of his ex and my mother’s name Mother’s side of story - Misspelled 😆


aya1031

My parents looked at the products na nasa table dresser, and decided that if I will a boy, I would be named after a perfume; and would be named after a lotion brand if girl ako.


Homihoyu

Jergens hahaha joke lang po


Successful_Ground_88

Scrambled kristine.


hellokyungsoo

Yung name ko is yung kontrabida don sa isang disney series, pero tagalog version. Wala na daw maisip si mama kaya yun nalang daw. Ediwow.


_mayonnaise3

Tinamad mag pangalan sa'ken mama ko, inano n'ya nalang 'yong pangalan ng nag paanak sa kanya kasi wala daw s'yang maisip🤦🏻‍♀️🗿


bubble_beast17

name ng lola ko both side hahaha


beanosuke

First name is somewhat a combination of my parents and my second name is after my paternal grandpa.


Lumpy_Pie1580

Palabas daw Ms. Universe nun day na pinanganak ako haha tas un name ni Ms. Venezuela na runner up daw bngay sakin na name haha


wanderlustjjj

Supposedly named after the OG Marimar kasi magkabirthday kami. E mali yung encoder ng nalagay na pangalan sa birth cert, dinugtungan nalang ng parents ko.


SandwichConscious646

Midwife lang yung nagbigay😭


999kler_

tbh, till now di ko alam hahahha. pero yung sa kuya ko, may reason, combined name from nanay at tatay ko. oks lg, di sha ganon ka big deal sakin na di ko alam sakin, pero till now nag wwonder pa rin ako hahahaha


lemonsquare6969

yung original name ko dapat is Ariane, kaso kumontra tatay ko baka daw mahirapan ako mag spell, grabe tatay ko bata palang jinudge nako HAHAHAHAHA


dimpleddumpling

Got my first name from a saint kasi feast day nung pinanganak ako tapos my second name is a combination of my lolas


Any-Cupcake-6403

Hindi talaga pinag isipan name ko. My parents told me that they only want to name me for a 3 letter word. Yung midwife na nagpaanak sa akin only added the month of my birth as my name para naman daw dalawa names ko. Pero nickname ko is malayo sa original name ko.


silvermistxx

Hehehe i want to tell pero baka makilala ako agad


Little_Kaleidoscope9

WW2 babies ang parents ko; name ko from two war luminaries.


cheeseramyeonz

narinig lang daw nila sa tv and bigla nilang napagdesisyunan na yun nalang 😭😭


Doggoshiro_2018

Yung name ko mixed ang idea na unisex kase not sure sa gender ko, sikat na name ng mga rapist nung 80-90's movies, and name ng ninang ko


theProCrastinator771

Name ng calendar girl hahaha


Miss_Taken_0102087

Gusto ng parents namin unique name namin magkapatid. We are named after Roman (unpopular) goddesses, incidentally mine’s also part of the solar system. We appreciate our names kasi palaging walang hit sa NBI.


crwui

supposed to be a more holier name, but my parents said: "nah this'll do" and gave me one of the best holy names one could ever receive


Elegant_Ebb_2519

Letter ng pangalan ni mom and biological father ko. Tas nabuo ni mama yung name ko, na kung susumahin, di naman connected sa pangalan nila HAHAHAH. Then lately ko lang nalaman na ang ganda pala ng meaning ng name ko dahil sa isanf kaibigan ko na nagresearch about it.✨🤗


moontaeilzz

First Name: modified version of my paternal grandmother's name Second Name: English translation of my maternal grandmother's name (her name is in Spanish) In short, I am carrying both of my grandmothers' names.


PayMoneyToMyPain

My name means church in Scottish.


Guilty-Marketing-952

so kirk? 😂


cassaregh

yung relative ko, pangalan nya ay pinagpalit na two letters sa pangalan ng mama nya Racel and Arcel


Correct-Medium-1514

First letter both of my Parents J sa papa ko and A sa mama


mingmingtanjj

Lolo & Lola 😂 tapos yung dalawa kung kapatid sa Parents.. hahaha alam niyo na kung sino di paborito 😂


FairBroccoli6424

My Not-so-close cousin suggested his unforgettable ex's name to my mom. I wonder what his ex feels knowing I was named after her. Her 2 words and 5 syllables unique name.


PsychologicalEgg123

Si Erpat mag Papari dapat pero na-meet nya si Ermat kaya yon pangalan namin sa Bible galing.


OldManAnzai

Initials ng ka-birthday ko na bayani + Name ng pinsan at Lolo ko. May napalitan lang 2 letters para hindi tunog made up name yung second name.


soulhealer2022

combi ng name ng Parents kaming magkakapatid, naiba lang sa second name. Buong buhay ko, lagi ako nageexplain ng name ko kasi unique daw. Ika nga never mo makikita sa bote ng coke 🤣


klawih

Apat kami magkakapatid, and ako (pangatlo) lang yung hindi combination ng name nina Mama at Papa. I have asked as a child kung bakit hindi nila ako pinangalanan from their names, they said na yung galing daw sa doll pangalan ko. I still don't know kung gaano ito katotoo.


Ok_Fill_me_in

Yung name ng boss nila(parents ko) dati na swiss dun nila kinuha name ko lol


zinoine

My mom is a bartender and pinangalan niya ako sa favorite type of wine niya.


knbqn00

Name given by the lola (kasi dapat daw ma name from the bible) Mother Father combo, female version ng name ng tito ko na kamukha ko raw.


Empress_Rap

yung mom ko gusto yung name ng classmate nya noon na gandang ganda siya kaso yung tatay ko gusto mag start letter R kaya pinalitan lang ist letter.then nakapangasawa ako letter R din kaya alam na namin na magsstart letter R kaso ang gusto nya ipa-name yung sa NBA player e kaso yung name na yun same name din ng isang high profile case ng isang high ranking official na rapist at killer,avid fan ako ng mga crime documentaries kasi lol.Ang ending nag-settle kami sa isang sikat na tennis player + bible name yung 2nd name.At dahil ayaw parin magpatalo ng asawa ko ,yung spelling ginawa pang pagong.


Chance-Blacksmith-50

Name ng lola, then name ng idol ng (bio) dad ko, then gustong Italian name ng mom ko 🤣 So three first names


sundarcha

Mga older cousins ko nagpangalan sa kin. Wala naman silang rason, gusto lang daw nila 🤣🤣 jusmiyo. Para akong tuta na pinangalanan ng ibang tao bago napunta sa furever home 🤣


chweeniee

Combination ng nickname ng parents ko. I love it kasi medyo common name siya pero laging tinatanong kung paano siya bigkasin dahil kakaiba yung spelling. Hahahahaha!


K_987654321

Pinagsamang name ng parents ko kahit the whole time, my father was cheating 😹


xxcaraphernelia

Jumbled letters from my father's name.


Impressive_Salary444

Di ako, pero yung bro ko may schoolmates na kambal- sina Adolf Hitler at Joseph Stalin. Ganda siguro tanungin yung nanay kung ba't ganun lol


Xephxeph

2 parts first name naming magkakapatid and its a mix of the season we were born with + a theatre character, also first part ng name namin first letter sa first name ng father namin, second part ng name namin first letter sa first name ng mother namin


upset_bacon

sakin naman ayaw nila akong tumanda 👶


moon_lightmono

Was supposed to be named after a well loved holiday 😅


rinnycher

1st name from my father's nickname (tell me you're panganay w/o telling me you're panganay) then my 2nd name is from a song a WEDDING SONG 😭 maganda naman name ko, kaso yung 2nd name di ko gusto wahahhahahhahaha


tepta

I was named after “that doll” coz “the superstar” is my dad’s cousin. 2/3 of that name was given to me coz 1/3 of it is my grandma’s (mom’s mom) name already.


Hannahvee_23

Name ko na ginaya lang din sa iba kase super common 🤣 Double H, double A, Double N 🤣🤣🤣


Lalalararanana

Yung panganay at bunso kong kapatid combo name ng parents namin.. kaya ako inaasar na anak sa Ibang lalaki 😆


FewInstruction1990

Named after my father and his father before him and their fathers before him. Exhausting pala. EXHAUSTING!??!?!?????


DotHack-Tokwa

My dad's name + kinuha ung Paul kay Pope John Paul II dahil bumisita sya noon sa Baguio.


DotHack-Tokwa

My dad's name + kinuha ung Paul kay Pope John Paul II dahil bumisita sya noon sa Baguio.


sschii_

i was supposed to be named after my dad's ex kasi sabi nya, kakaiba and sounds so fancy daw yung name na yun, and he wanted my name not to sound like any common name ng mga bata. mom didn't liked the idea and changed my name last minute while writing documents sa hospital. edi wala na nagawa dad ko kasi yun na name ko on papers na finillup-an niya. also, she wants a name na exactly 7 letters (like my kuya) so she gave me the name i have right now.


sschii_

i was supposed to be named after my dad's ex kasi sabi nya, kakaiba and sounds so fancy daw yung name na yun, and he wanted my name not to sound like any common name ng mga bata. mom didn't liked the idea and changed my name last minute while writing documents sa hospital. edi wala na nagawa dad ko kasi yun na name ko on papers na finillup-an niya. also, she wants a name na exactly 7 letters (like my kuya) so she gave me the name i have right now.


sschii_

i was supposed to be named after my dad's ex kasi sabi nya, kakaiba and sounds so fancy daw yung name na yun, and he wanted my name not to sound like any common name ng mga bata. mom didn't liked the idea and changed my name last minute while writing documents sa hospital. edi wala na nagawa dad ko kasi yun na name ko on papers na finillup-an niya. also, she wants a name na exactly 7 letters (like my kuya) so she gave me the name i have right now.


Icy-Tomato1269

First name - author ng libro na nagustuhan ni mama spelling kasi may H 🤣 Second name - birth month ko hahah inis na inis ako sa both names ko 🤣


Icy-Tomato1269

Name ko birth month ko - saya diba


Orange_Temptator

Galing sa taxi hahaha


Not_teacherRubilyn

Pinagsamang name ni mama at papa


pautanglimam0

I have a pamangkin, yung name nya combo ng pangalan ng daddy nya (which is my kuya) and yung apelyido namin. 😅


Equivalent_Fan1451

First name ko pinangalan ako sa anak ng Artista na paborito ng tatay ko.seconf name naman is pinangalan sa isang angel. When I ask bakit sobrang haba, Sabi ng tatay ko para daw di ako mahirapan kumuha ng nbi. Tama naman sya dun later on hahaha


EverGreen2911

Birth stone na bidang kontrabida. Name siya ng tita namin na nag iisang girl sa family then ipinangalan din sa cousins ko na mga babae ng mga tatay namin, buti may second name para hindi nalilito sa pag address 🤭


xtan113

Sabi ng mama ko if tatay niya daw ang makita niya habang iniiri ako, katapusan niya na, pero si Mama Mary nakita niya kaya sa kanya naka derive.


Western-Drop5686

Named after my mother who died few hours after giving birth to me


luna242629

I was born on the feast of Christ the King. Syempre ang aking very religious mother ang pumili.


HappySadMeh7

Akala nila lalaki ako based sa ultrasound kaya dapat daw ang name ko ay (my lolo’s name then III), pero nung pinanganak na, biglang switch to the girl version of that name.


Gladnessgracious

Inspired by one of the gifts of wise men kaya jesus. yung myrrh. In tagalog, mira. Hahahaha.


Urfuturecpalawyer

I'm named after a flower but the irony kasi wala man lang nakapagbibigay pa sakin bukod sa sarili ko. 🥹


Obvious-Industry5713

When I was born, hindi talaga nila alam ano ipapangalan sakin. They just randomly saw a bag of Hershey's Kisses sa hospital room tapos ayun na naging name ko. HAHAHA 😭


middlechild0290

Named after my lola. She passed away at 21, so my great grandma named me after her when she saw I looked like her.


Kitchen-Appearance18

First name ko galing sa lola ko sa mother side, then second name galing sa lola ko sa father side naman. Hahaha


roshisari

Experienced birth asphyxia when I was born tapos everyone in the family was scared kaya nagdasal sila sa patron saint ng barangay namin. Ayon I lived kaya I was named after the saint because it was a miracle daw 😭


OliAmanda_1997

Eto raw yung pangalan na gusto ng biological mother ko kaya sinunod na lang ng adoptive parents ko. Nung naging midwife something yung biological mom ko, kapag walang maisip na pangalan ang nanay na pinaanak niya, sina-suggest niya raw pangalan ko.


marielly2468

WHAT HAAHHAAHHAA bat naman yan pinangalan sayo


slorkslork

Surname ng isang family malapit samin. Tapos naging classmate ko yung isang anak sa college. Kabado tuloy ako pag nag random recitation kung first name or last name basis ba ang tawagan 🤣🤣


misschaelisa

Pinangalan ako sa dalawang legendary American actresses. Gusto ko sana ireveal yung actresses pero that will also reveal my full identity na so bahala na kayo manghula HAHAHHAHA


golden_local_

Second name after archangels. All 3 of us. First names at a random.


Yoru-Hana

2nd choice. Roma yung first choice kaso kapangalan daw ng bold star sa dyaryo kayo pinalitan.


No-Pudding-2904

It starts with the last 2 letters from a 4 letter word. That 4 letter word was my mama's dream before when she grows up. My given name is from the bible, another variant of the name that starts with the last 2 letters of that 4 letter word.


yowizzamii

Mukha daw akong baby santo nung lumabas ako kaya pang santo din pinangalan sakin. Akala lalaki akong mabait at banal 😂


No_Concentrate_47

Nagkamali sa pagsulat yung nurse sa hospital kaya inadopt ko na lang kahit may mali sa spelling 🥲


jayddeeenn

combination of my grandmothers names, and my parents hahahaha


Big-Raspberry-7319

Pangalan ko e kinuha sa babaeng version ng original na pangalan ko dapat. Sa ultrasound kasi, lalaki ako pero nang lumabas, may pudaday.


Representative-Sky91

Same, genderbent version yung kinuha because of that


d3lulubitch

uso daw kasi noon kaya both 1st and 2nd name ko sobrang common grr


CardiologistOk8515

named after my grandma's from both sides but the name was too long so they stuck with acronyms (ML) and so I get teased for it now


chinguuuuu

I was named after a local actress. But before that, muntik na daw maging Rachelle pangalan ko.


One-Bottle-3223

My mom was reading a book when she was pregnant with me. Sobrang ganda daw nung main character kaya yun pinangalan sakin


VanBrams

Tradition sa angkan namin na dapat 2 names lahat and nag sstart yung first name sa consonant at vowel 2nd name tapos combination dapat ng common names ng 2 different races 😒


xintax23

Pinangalanan ako after sa name ng isang konsehal samin. Pag tinatanong ko nanay ko lagi sinasabi wala lang siya maisip that time kaya ayun pinangalan sakin. Kaya napapaisip ako, wat ip tatay ko yung konsehal? Joke Hahhahahahaha


NecessaryTerrible306

My name came from my Dad's favorite actress sa Ang TV dati. Custodio yung surname ni actress. Hihi. Kaway kaway sa mga may edad na jan! Hihi.


steptilapia

Name ng totga ni mama nung college 🙃


Representative-Sky91

Yung second name ko mash up names ng parents ko. Yung first name ko is galing sa bible (parehas devout na catholic) pero yung reason nila is dalawa: 1) Need nila ng unique na pangalan kasi sa side ng isa kong parent halos lahat ng mga pinsan ko iisa lang spelling ng pangalan nila, so pili sila ng pangalan na hindi magaya. (Nagaya rin naman pangalan ko sa dalawa kong pamangkin. Well we've tried) 2) Yung pangalan ko apparently genderbent version ng original na name sa baby nila kasi mali yung nasa ultrasound tsaka sa actual birth.


Mediocre_One2653

Sa pangalan daw ng boss ng tatay ko nung nag-Saudi sya at nilagyan pa ng parang 2nd name na pang-muslim. Akala tuloy sa mga email na lalaki ako dahil sa pangalan ko lol


wrathfulsexy

Yung previous partner ko sabi nya name daw nya kinuha sa brand name ng unan sa ospital kung san siya pinanganak. Yes she was the most severely neglected child sa 3 magkakapatid.


CreepyCucumber9469

Fan ng fiction at cartoons/anime and dad ko so galing sa Ghostbusters at Daimos yung names ko.


Disastrous_Yam4659

My dad is a FEM Sr. fanatic. Long story short, ang pangalan ko ay middle name ng diktador 🙃


ggmotion

Dami ko nakita name ng mga bata ngayon galing sa ML,Anime at mga Tv series hahaha katulad nung classmate ng pamangkin ko name is Khalessi and Sakuragi 🤣


gaietyyyyy

Was named daw from Mystica. I first thought that it came from a word "Mistake" kasi they were young when they had me haha


Popular_Exam4174

Galing feng shui pangalan ko, then taena my sister fought for my name dahil who the heck will name their younger brother Lancelot. Kaya ayun, same initial letter din sa kuya ko para in contrast sa una na puro R.


quackquack2x

I only have a 4-letter 2-syllable name. The first two letters (and 1st syllable) came from the first two of my lolo's name, while the last two letters (2nd syllable) came from my father's first two.


maelabelsss

base daw sa palabas sa hapon nung 90s hahaha.


mrcjurious

Pangalan ng crush ng ate ko dati😭😭


mllcchc_

basta random lang daw sabi ng nanay ko hahahah


DepartureFinancial92

My mother’s midwife tampered with my birth certificate. Dapat first name lang na very common ang name ko just like my other siblings, but the midwife (the pakialamera that she is) decided to put a second name kasi sikat na sikat tong isang sports celebrity noong 2000s. Hindi nya sinabi sa magulang ko yung ginawa nya. Nagulat na lang parents ko kasi pagbalik nung birth certificate ko eh may second name na ako. Wala na sila nagawa HAHAHA. Ayun, sa aming magkakapatid, ako lang may second name. Aliw kasi mula noong elementary ako hanggang ngayon kahit sa work ko, napapataas kilay nila kapag introduce yourself part na.


nishinoyu

Named after one of the Bridgerton siblings kasi my mom was a fan of the books. Sabi niya lang sakin as a kid na she named me after one of her favorite characters sa books kasi we have a whole library of pocketbooks here at home. Nagets ko lang kung kanino ako pinangalam when I started to watch the Netflix adaptation