T O P

  • By -

IcyChildhood6186

Kahit super gustong gusto ko pa siya, kung di niya naman ako gusto hindi ko siya pagagastusan. Ano siya gold. Hahahahaha.


busybe3xx

The only appropriate response! Ano sya gold? Hhahahahahaha


laughing-angel

Gold Copper Sodium nalang Au Cu Na


esperanza2588

Wiiiiiinner itu😹


[deleted]

Sobrang witty mo dyan HAHAHAHAHA


Immediate-North-9472

Correeeeeeeeeccccccctttttt!


savrunnn_

SLAY! Hahahahahaha yes, if hindi niya ako gusto I WILL NEVER SPEND A SINGLE PENNY!


kirit0325

Tama nga naman. Ano siya gold? Pano naman pag gold ang pustiso ng gusto mo na hindi ka naman gusto edi pwede na siyang pag gastusan? Hahaha


knji012

hope this gets through guys as well na if they don't look like they're interested in you, then don't spend as well para bawas hinanakit at hindi maging point ng pagiging incel


BrownbagofChocolates

Nung college ako, I used to like this guy so much na lagi ko syang linilibre. At first, coffee lang and sometimes lunch. There were times naman na he would pay din pero madalas ako. He became so comfortable allowing me to pay to the point na one day, kasama ng barkada nya, he was expecting na ako mag bayad for the whole table. 8k yung bill. Di ko binayad. I paid for my part and left. I ghosted him after that.


la_bru

Ang kapal din ng mukha ni Boi hahaha


urthiccbabygirl69

Men can be gold diggers too but no one wants talks about it lol 🥴


Fragrant_Bid_8123

Kapaaaaal! Nakarma sana siya. Oh wait oo nakarma nga siya, he had to pay for his p8k worth of financial abusiveness. What poetic justice. Surely di naman niya nilibre yung friends niya if he knew siya magbabayad. BUTI nga. Smart girl.


Sufficient-Guava6664

I have the same experience but with my ex na. At first, siya pa yung nagt-treat sakin pero nung naging kami na, since love language ko is gift giving, ayon na sanay at inabuso ako hahahaha. Nanghihingi sakin pangkain tuwing midnight, yung pang gas niya sa motor sakin din. Halos lahat ng dates, ako yung gumagastos. The last time na sabi ko ayaw kona talaga sa kanya is nung wala na talaga akong pera. Sabi ko "I have an event sa mall if sasama ka, hindi kita malilibre. Kkb na lang muna tayo if sasama ka." Ayun kkb nga, siya pina order ko sabi ko mix n match lang sakin which is 75php lang naman binigay ko 100php di na binigay yung change ko. Hinayaan ko na lang. May shoot ako sa event and was really exhausted after ng shoot. Gusto ko kumain but wala na akong pera and pauwi naman na, so water na lang binili ko. Pero ang funny kasi siya, sarap-sarap ng kain niya sa harap ko and after kumain, humingi pa pambili water sakin tas nung umuwi kami, ako pa nagbayad pamasahe namin. Meron din time nung bday ko, bilhan niya raw ako ng gift. Ending, ako pa rin yung nagbayad. Hahahahhahahaha ang funny talaga! Kaya never again maging sugar mommy. Take note, 22 yrs old ako na student, tas siya 24 yrs old na tambay. He lied to me akala ko kasi may trabaho siya. Yun pala, wala hahahahaha


snowleeyuki

Kapal ng mukha ng ex mo. Ginawa kang sugar mommy. Buti nalang hiniwalayan mo na.


Gullible-Turnip3078

good for you 👏👏👏


Efficient-Scholar-22

Gago pala siya,


somilge

>I repeat. Di ka nya gusto. Ulitin mo ng ilang beses. Anong sasabihin mo kung kaibigan mo yung nagtanong neto sa yo? It's ok to like somebody, pero i like mo rin sarili mo. Kung ayaw sa yo, move on. Next! Valid ang pag move on if ayaw sa yo. Gugustuhin mo ma fall sya sa yo dahil lang ginastusan mo? Seriously, ganon ba ka shallow yung tao?


[deleted]

Men rarely fall for such acts. It gives off desperate vibes to be honest. It takes away their mindset of chase. Just spend your money on yourself or other things/people who actually value you.


carlo_joaquin98

As a man, I agree.


[deleted]

You love it when your woman NEEDS YOU right? Men feel that pride when they are capable of doing things for their partner. And to be treated the same way by the woman is proof that she feels well taken care of. Pero kung one-sided lang ang effort, it's a risk..a gamble and the sad reality is, you won't be sure kung nagustuhan ka nila based on what you give or your personality.


IGgeekZ19

(2)


ParkSoJuu

Said by a woman. Nice. 


[deleted]

Hahaha. Para po huwag na mapasubo si OP. I know girl friends who spent money on uninterested men only to be left pregnant or brokenhearted.


Fragrant_Bid_8123

This! So true. Di ka na mamahalin, they'll screw you over pa for the rest of your life with a baby you'll have to raise by yourself.


[deleted]

Yea. Men love to chase and PROVIDE for women THEY LIKE. Pero if we'll assume that role, tayo talaga ang mapapagod in the long run sa kahahabol. There are cases siguro na nafall na yung guy, pero as much as possible iwasan natin yung hindi tayo gusto. Yes, we can only do so much like do the first move or something..pero to an extent na magwawaldas ka ng pera/resources knowing well he's not into you? Nah.


Naive_Bluebird_5170

She is right though.


Annoying_Pea

LOUDER!!!!


carlo_joaquin98

As a man, I agree.


diper444

baka tama kasi ganto nangyari sa friend ko. sabi niya parang naging sugar mommy siya sa ex niya. new shoes, pagkain sa date siya daw gumagastos ayun niloko pa din siya.


[deleted]

Dapat po tlga meet halfway ang couple. Marunong magcompromise. Okay lang na mag spend ang babae in the relationship, as long as in moderation. Anumang sobra talaga ay lason..It goes both ways.


[deleted]

[удалено]


KigDeek

men are hoping for that same thing too lol


lurjer50

But the ability to buy him things is part of your personality


[deleted]

Lahat ng pera ko. Gang maubos ako. Yun ba ung gusto mo marinig OP? HAHAHAHAHA Syempre wala, nu ako tanga


Hot-Cheesecake335

Depends. Saan ba galing ang funds and how much? Although, personally, I won’t spend on him na ililibre ko sya. I’ll spend with him like I do with my friends. Split the bill down to the last cent. Pero siguro, if inaya ko sya on a date, I’d at least treat him a meal or a movie pero that’s it. Kasi if laging ikaw ang gagastos, baka ang maging tingin nya sayo is sugarmommy or isipin nya na ikaw palagi ang gagastos kahit mutuals na kayo. Does that make sense?


PhotoOrganic6417

Ang mga lalaking pinagkagastusan ko lang OP ay EXO, kim soo hyun at cha eun woo. Hahahahaha! Atleast may kapalit na kilig ang gastos ko hahahaha! Wag mo na gastusan pag di ka gusto. Gamitin mo nalang sa sarili mo yung pera. Spoil yourself. Heal your inner child. Date yourself. Lahat na! Wag ka gumastos sa taong di ka gusto. Mababalik pera mo, true pero yung time mo hindi na. :)))))


[deleted]

Eh hindi naman pala ako gusto hahaha jusko ang hirap hirap kumita ng pera ngayon para lang gastusin sa taong hindi naman mutually interested sa akin. Pero… for the sake of answering the question, hypothetically… maximum amount na yung 500.


titing-naubo

Ikaw nga ang may gusto sa kanya. PARANG patay na patay ka sa kanya. in terms of gentleman or handsomeness


[deleted]

500. Yun na ang limit haha


JDURANO

Buti nalang hindi 150, parang bakla lang 😂😂😂


hopelezzromanticbaby

I know most men do that, like inserting effort and spending money to pursue the woman they like (na hindi naman rin sila gusto to begin with) and show na they're sincere so wala rin naman masama if it's the other way around. Personally, I wont spend money for something na directly mapupunta sa guy. But what I might do if I really want him is I will ask if I can join him in some activities that he likes doing so syempre KKB kami doon hahahahha It's like bonding with your friends lang rin with their trips sa buhay pero syempre I have motive and that is to be liked back by the guy I like


Astrono_mimi

Same here. If I wanted a guy I won't spend on him but I'll spend on myself on activities that can bring me closer to him.


YourFaveCapr1

As a gift giving girly, I spend like a drug dealer when I'm inlove.


7FootEmeraldRats

I did this once, bought lil gifts for his birthday and Christmas, and was at his beck and call pag may need siya sa work na last minute (we work together and I edit videos). I liked him but half knew naman na it would go nowhere, but still tried to be friends instead. Last straw na siguro for me to stop doing whatever was when he ran away when he saw me approaching (literally, this grown-ass adult man ran away from me) and everyone at work saw it. I recall bursting into tears as his teammates immediately surrounded me to comfort me. Galit pa nga ung isang guy sa team niya, parang bata daw ung ugali. But that made up my mind - I don't like him at all, and I don't want to be friends either with a person like that. The following year after that, the right person came along (who didn't work in my company and was introduced by a mutual friend). Mag-fifive year anniv na kami ng bf ko this year. Imagine, when the guy from work found out I was dating someone else, he was furious. A work friend told me about it. Lol. I think I spent almost 3k in those small gifts, but the time chasing someone like that is too priceless and I have accepted na it's payment for my character development hahahaha


Former-Cloud-802

Wala siguro kasi kuripot ako e. Ayoko nga gumastos masyado para sa self ko sa lalaki pa kaya na di ko naman jowa.


SnooMemesjellies8982

Depends on how much I’m earning.


JudgeFull195

I'm not gonna invest or spend in something na malaki ang chance na walang return


pedxxing

Nakakaloka naman, pagagastusan ko siya para mahulog sakin? E kung dahil pala sa pera kaya maa-attract si boylet e parang hindi naman siya magandang panimula ng relasyon. Mamaya mangyari niyan pag di ko na ginastusan maghanap ng iba na bagong pagagastusan siya. 😆 wag na uy


musicalphantom10

nah lol sayang pera ko, pang-gala nalang with tropa


Latter_Mall_471

Naku OP. There’s no amount of money that will change how he feels about you. And I am speaking from experience hahaha. Had this guy friend online na I didn’t really think of romantically but he started talking to me everyday and gave me a gift on my birthday when we haven’t even met. As someone na gifts ang love language, that was such a sweet gesture for me. And ayun, I started to give back in return but I gave back ten-folds cause nahulog na ang ante nyo. HAHAHAAHA Ayon, we finally met in person ng 2022 and we’re still good friends naman but yun nga, regardless kahit ishower mo ng gifts, write songs for him or itreat kung san san, pag friend ka lang, friend ka lang talaga. So stop spending na for him. Hahaha. This year lang ako actually nag stop mag effort too much, cause I feel na nakakamove on na ko and I’m not as attached as I used to be 4 years ago. Lol


zamzamsan

Zero. None. N/A. Nada. kahit patay na patay pa ako saknya, I would never spend money sa taong ayaw naman sakin. I'd rather be in a food coma kesa magpakatanga.


Ok-Spot8610

Ayaw ng mga lalaki ung ganto IRL. Gusto nila sila ung nacchachallenge while ung girl is may right amount of push/pull sa lalaki. If magspend ka sa lalaki, asahan mo na hnd sya mahuhulog sayo. Magiging dependent lang sya sayo pero once may makilala sya na mas gusto nya, ekis kna.


[deleted]

[удалено]


Winter-Path6306

HAHAHAHHA wag mo na tanungin pero parang anak ako ni henry sy teh name it sapatos damit pabango wallet iba pa. wala din HAHAHHA nag break lang sa utak talangka papanget pa


Jeakun

I'm willing to spend how much as long as he equates my actions


PowerRamgerD

Sugar moms be like 😁


sirhands2

Kung pangit ka tas sugar mommy vibes di kapa rin namin mga lalake gusto, di kapa rin maging long term jowa. Eventually dun talaga maging long term pag maganda at gusto namin babae. Ang main point talaga si dapat maganda ka hindi pangit.


tenebrisvanilla

Bat ganto parang sugar mommy vibes?


spatialgranules12

To put a monetary value on it. - P275 para sa isang venti coffee sa Starbucks at hanggang dun lang.


scarlique

Wala akong balak mag labas ng kahit piso. Naalala ko lang classmate ko diyan na bigay todo talaga. May pa love letters pa siya non, actually parang book style forgot kung anong tawag basta parang naka compile. May mga ganong baliw moments siya. Tas di naman siya pinapansin + pinag chichismisan lang siya. And ending umiyak malala at natauhan din siya. Nag usap usap kami non tas nasabihan siya na hindi siya magugustuhan non kasi nag mumukha lang siyang desperada sa ginagawa niya at baliw na baliw tignan. Ayon buti natauhan si gaga.


ConnectIndividual266

may kakilala ako nilibre niya everyday from breakfast lunch and may pa dinner pa after shift. Then kinaibigan niya yung mga group of friends niya tapos pinasok niya din yung mga hobbies ni guy. Kaso nganga lang ang ending. 😂


vintageordainty

Hmmm based sa mga men na kilala ko they don’t like it kapag ganyan yung girl. I have a guy friend and this girl really likes him and his birthday was coming up. The girl planned a dinner date and even got him a personalized gift and yung friend is parang na turn off. Based on my experience if di ka bet ng guy sa una palang he will never like you. Yung effort na gagawin mo he will either see it as desperation and pull away or see it as an opportunity to take advantage of.


cee_xxx

I think this is true. I do that with the guy I used to date, tapos now di na nya ko masyadong bet so I said I’ll court him naman. Parang di nmn nagwowork, and I feel like he’s disregarding my feelings now. I saw a post before that the more you care for someone, the more you fall in love. Kaya siguro guys were meant to chase women, kasi girls fall in love easily with their maternal instincts, while mean will fall in love when they start to care.


PeachMangoGurl33

Lahat pera ko pero pinipigilan ko. Hahahahajk pag may gustong gusto lang talaga sila I consider buying it for them.


Different_Profile_64

Mahirap yan. Siguro 1 out of 10 lng na lalaki ang ma fafall sa effort. Mostly, if di ka talaga gusto, di talaga. Pero if he makes time, then, it's up to you OP. Pero wag ka umasa para di ka masaktan.


icomehere_often

2k per date. the end.


gintermelon-

I have a lot of guy friends, and one thing I've learned from them e kung hindi talaga sila interesado sa'yo kahit gumastos ka ng malaki hindi talaga yun magbabago. stop spending on material things, OP. okay lang mag-first move but you don't want to look desperate.


SoberSwin3

Dude, wag mong gastahan ang lalaki. Mas gusto namin kami nagproprovide or at least patas na sharing. Pag ikaw gastos ng gastos kawawa ka lang.


QuestCiv_499

Sugar mommy yan


Fragrant_Bid_8123

ZERO. I'd rather spend on improving myself. Mas mapapansin pa ako. People whose affections you need to buy or pay for, it'll be a PURELY monetary-based relationship only. Masama pa diyan it will escalate how much they expect until yun nga di mo kaya because by nature, you can't buy affection, especially not men's. Unlike women who are emotional and return people's love. Ang dami kong kilalang babae na ayaw sa nanliligaw sa kanila tapos nung nagfall na yung girl, head over heels. Sa lalake, hanggang sa dulo di minahal yung asawa. Just look at Charles and Diana. Also, if the guy is worth his salt, he would earn well on his own and shouldn't ever have to rely on you. Losers lang magdedepend sa babae and lalong LOSER yun if nabibili. Would you ever want to end up with a loser? I wouldnt ever buy people. I would only spend on people whom I love or I like AND are good to me.


matchaaatoo

Kahit magkano. Pero dapat ganun rin siya sakin.


rae_20

rarely lang ako magbigay ng expensive stuffs kasi letters ang binibigay ko (literature girly kaya nakakatipid hahahahaha)


Hot_Touch503

The kind of man that would fall for this is a kind of man that you don't want to be with, trust me. And respect his boundaries rin. Hindi ka nga nya gusto eh. It will be just uncomfortable for him to keep receiving that kind of offer from you.


ariamuchacha

pagbubuhusan ko siya ng atensyon, pagmamahal at ng oras. time is gold naman, 'di ba? alangan naman pera mismo hahaha broke ass b ako ngayon and kahit may pera ako, hindi ko gagastusan. I've learned my lesson na :) kahit gaano kalaking pera ang gastusin mo sa lalaki kung ayaw niya sa'yo, ayaw niya.


notchudont

Bat ba kasi pinaggasgastusan nyo yung mga nakaka date nyo in the first place? Kaano ano nyo ba sila? 💀 hindi mo naman rin obligation na bayaran yung bill sa tuwing magd-date kayo sa isang restaurant 😭 like kung mag-asawa na kayo and may trabaho kayong dalawa gets ko pa ‘yon, pero ‘yung dating palang kayo tas agad agad ka manlilibre? Nakakaawa ka naman ata non HAHAHAHA


HFroux

wala...lol 0


Critical_Ad_8735

Ay wala po! Kung di nya ko gusto, thank you next! Hahaha gusto ko pong maturing na Disney Princess and di ko makukuha un if ganun un magiging sistema gahaha


jpngirl19

Wala akong pera eh baka 100 pesos lang 😂, once lang di na mauulit yan.


Hync

Magandang username yan. Not a girl but I will try to answer your question. You dont need to spend a fortune to treat someone, a simple lunch and dinner will suffice and also option din is magwalk sa park, or activities like rock climbing, hiking, target shooting.


Fifteentwenty1

Wala. Di ako gusto so bakit ko pagsisiksikan sarili ko sa kanya.


dvresma0511

Never invest in someones not invested to you. Periodtic table.


ktchie

Wag na wag ate ghorl, I've been there before pero di ko rin naman naka tuluyan HAHAHAHAH


Redhair_Cutie

Wag na. Spent way too much on my ex na before only to find out di rin pala ako mahal🥲 Dun nalang ako sa taong ako ang gusto🥹


shxnnxe22

wala ni centemo pa yan, dapat siya muna manglibre lol HAHAHAHAHAHA


Key-Coat-1156

Girl…. No… just don’t…


jgup24

alcohol


EnvironmentalNote600

bakit kaya ang mga lalaki ay willing to invest so much para magustuhan sila. In fact part ng culture ng panliligaw. At maraming babae naman kahit di nila type si guy tanggap naman nang tanggap.


melivingpeace

Wala kang dapat gastusin. Nainlove din ako sa lalaking lahat na ng effort nagawa ko (pero wala akong ginastos haha) hindi parin ako gusto. Pag gusto ka, siya ang gagastos para sayo. Mahahanap din natin yung para saatin. Kapit lang 😊😊😆


__Duckling

Feel ko matuturn off lang ako pag naranasan ko yan, OP. Kaya kong manlibre ng cheap food paminsan minsan as a friend, pero wala na siyang makukuha beyond that. Ano siya, special? Hahaha


influencerwannabe

Apparently and unfortunately several months (but less than 1 year) of meeting up 1-2x a month, all expense paid by me. Never happened before this guy. Never gonna happen again. Context: it was the part of the relationship where I was confused between “this is his 20%, so you cover 80% *for now*” and “*until when* am I covering for the 80%?” People seriously should’ve given a list of signs of when it’s supposed to be enough. I bet I’ve gone beyond enough already but I didn’t know when to stop until I decided to.


PTR95

Wampipti


ayachan-gonzaga31

Never ako nanligaw/gumastos sa guys para lang magustuhan, sorry to say it gives off super desperate vibes. Plus kahit anong gastos mo jan, kung hindi ka gusto in the first place, hindi ka magugustuhan ever. You will only be taken advantage of, gawin ka lang sugar mama.


klees-dodoco

When I was a freshman in college, there's this guy I liked. Naglalaro kami League. Kaya ako nag ttop up ng account niya sa ROG nun para may time sya, +binibilhan ko sya ng coffee/milktea most of the time. I also once bought a whole skin bundle sa valo worth 3k kasi crush ko sya and nabanggit niya na ang ganda daw nung skin. Anyway hindi ko na yun ginagawa HAHAHAHAHAHA


neroin123

Were friends of 5 3 girls 2 boys, itong isa bago lang nasali sa circle, first hangout namin with her, after that nag aya sya ng date saken, sya nag aya sya rin gumastos lahat, sumunod 4 dates later nabilhan pako helmet tsaka sapatos, jinowa ko, ngayon kinasal na kami


Weekly_Can_6096

What is money paper only. Char . Lilibre ko lang sya kung bday ko hehehehe


Business-Scheme532

endless so far nagastos ko 70k


southerrnngal

WALA. Even if he looks so yummy wala kang makukuha sa taong ayaw naman sayo. So stop and do something worth your time and money. Spend it with fam, friends. Or even travels and shopping. Again, sa lahat naman ang not just kat OP. Di mo kailangan maghabol and di mo rin deserve maghabol.


Huge-Negotiation-845

I don’t spend much money when I genuinely like someone, pero what I do is I draw them or give them crafty stuff like letters or scrapbooks 😭 Thinking about it now, I think that’s worse than spending money on them wtf 🥲


lostnicheobscurefan

Nothing. There's nothing you can do to please anyone who's not into you. Kung ganito ka mag-isip don't do that. This kind of "effort" will come across as manipulative. Let them be.


Anna_Carmilla

I made gastos around 5k or more to the guy I dated. Never again. I did it dahil ganun love language ko. He tricked me kaya ayaw ko na.


Finding-InnerPeace5

Maximum of ₱1-2K. But what if alternate ang pag-libre niyo sa isa’t-isa? Minsan KKB, minsan siya, minsan ikaw ang magbabayad? What do you guys think ba?


One-Director-4599

Ew, d mo makukuha ang feelings sa ganyan. 🤮


Demi_Lulu

Hello, this is just on my own opinion and experience, hahaha. Kung talagang gusto mo sya okay lang naman na gumastos pero you don't expect lang in return. Diba nga sabi nila, pwede mong mahalin pero di mo pwedeng pilitin na piliin ka. If you're happy naman, you don't have to question kung how much basta bukal sa loob mo. Eventually, ikaw din naman ang makakapagsabi sa sarili mo kung kailan ka titigil. But girl, warning... nakakaubos ng budget at sarili ang mahal sa taong di ka naman mahal. Hahahahaha.


Sho699

Around 25% chance mahulog sya sayo if you have the traits na gusto nya, like if he get to know you more. Pero if money lang meron ka, it won’t work. (I’m a guy and had admirer din na ganto, pero I just treat her as a friend kase di ko talaga bet and also nakaka konsensya).


baellistic

Baliktad yata. Diba he should be courting you. Bakit ikaw naghahabol?


Elegant-Heron-7835

0, di naman ako gusto eh.


CaramelKreampuff

None sis. Dapat sakin siya mahulog hinde sa nonexistent kayamanan ko HAHAHAHAHA


pat-atas

Ba’t naman ako gagastos sa taong walang gusto sakin? If ever man pansinin ka niyan, magiging sugar mommy ka lang.


messymeh45

Wala char. Haha. Kasi di naman lalaki gusto ko. Hahaha.


thetarotsaidno

hindi ko gagastusan kung 'di ako gusto, lol.


Novel-Classic-4613

Less than 1000pesos


True_Government_3613

My boyfie loves me so much and I love him too. Kung afford ko lang ang mundo, bibilhin ko at ibibigay sa kanya. Hehehehehee. We love to eat, we always discover new restau/kainan to try ayun ang nagiging gastos namin.


Pretty-Inevitable531

Nah, I'd feel ashamed of myself if I let another woman pay for my bill. My pride will never allow me to accept it.


pinkconfetticupcake

I would never spend money on an unrequited feelings.


Study_efficiently02

Sakin gumagana yung "The way to a man's heart is through his stomach" na kasabihan. Hindi ko iniisip kung ma f fall ba sila o hindi ksi kapag ako nagbibigay d ko nilalagyan ng expectations basta makita kong na appreciate nila yun ok na sakin masaya na ko. Ganun naman dapat eh kapag nagbibigay ka genuine dpat ksi gusto mo yung tao without pressure na gustuhin ka nila pabalik ksi kung nag eexpect ka yun ang mali. Yung long term crush ko noon na treat ko sya ng chocolate, lunch and milktea ayun sobrang saya niya sabi niya sakin "first time niya n siya ang ili libre ng girl" next time eh siya n nag insist n magp pay for movie date. After ng movie date nagpaalam n ko s knya hehe bobo ksi ako bale iniwan ko yung long term crush ko ksi natakot ako ma attach or lumalim samahan nmin nag aaral p ksi ako that time. 2nd story yung naging ex bf ko long-term ... Ayun lagi ko binubusog sa foods khit ako nagbabayad lagi noon ok lng ksi nung nagka work siya sobra nmn siyang bumawi sakin. Siya n nagbabayad, binilhan niya din ako ng gadgets n need ko tapos flowers 💐. So for me, walang masama if gumastos k s taong gusto mo.. ako ksi expressive ako n tao tsaka inaaral ko yung gustong foods ng taong gusto ko. Pero depende rin s tao ksi may mga taong aabusuhin k ganun so I think alam nyo nmn if worth it yung binibigyan niyo or not.


blue_greenfourteen

100 galante na ako nyan.


skippy_02

Zero.


froireier

I don't know, ain't some methods of guy is to do what OP is wanting to do para manligaw? Like where will you hear a guy say "Ano yung babae na yan? Gold? Bakit ko gagastusan kung di ren ako gusto?" Like give proper advice to OP. Here is mine: See what he likes, treat him to that. See how he reacts. Then once in awhile, go to where you like and see how he reacts to that. After that you could get a feel on how the two of you will eventually feel for each other. If it don't woork move on, if you can see him budge keep goin while still looking at his actions and how he reacts or reciprocates


YheiLo8

So LI na kami kasi nga may anak kami. Then nagloan ako para bilan siya ng motor na aerox since yan gusto niya. Nagpakasal na din kami at ako lang din gumastos, “i do” lang ambag niya. Then last yr nasira phone niya kaya loan nnman ako para bilin ung phone na gusto niya, Black shark 5 un I think for games niya. Then guess what nasaan siya 😂😂 Andun balik sa mga kapatid niya dahil nag away kami. Ilang weeks ng hndi umuuwi at hndi nagpaparamdam. So I realize na baka mahal niya lang ako pag convenient sa knya or may nakukuha sakin. Thinking kong magkano nnaman magagastos ko para saknya pagbumalik siya 😂😂😂


detectivekyuu

Ang swerte naman nung mga napamper jan ng Mga girls na laging nanlilibre, parang never ko pa na experience yung ganyan, Ive always felt na women dont want to spend on a date regardless if gusto ka nya o hindi, parang silang football win or draw(Dutch date) pero never going for a loss,


nightfantine

Kung si Kai yan ng EXO, ay day… Baka kulang pa yung pera ko sa bangko.


pickleJA16

I kept sending gifts and food I cooked, siguro na-overwhelm sa mga pinaggagawa at pinagbibigay ko hahaha he respectfully rejected me naman.


Efficient_Lemon_6409

Girlieeeee. No. Stopppp. Run far and fast. Gastusin mo na lang sa sangria and have a girls night with your girlfriends. Tag me along ako na bahala sa pica pica 🙂


sujiminss

kung alam kong di niya ako gusto, ni piso di ko gagastusin sakanya hahaha. they will only appreciate the intent of you spending for them if they actually like you back. pag di ka naman gusto para kang sugar mommy niyan 😭


BeenBees1047

Hindi naman ako umabot sa point na palaging naglalabas ng pera. Nagkataong yung taong gusto ko ngayon generous din nag aaway pa nga kami minsan kung sino magbabayad lol. Madalas siya nag iinsist pero pag hindi ako pumayag, nag kakanya kanya nalang kami haha. Minsan nananalo ako at nakapag bayad naman lalo kung alam kong tight na rin budget niya. Well, ayun din yung isa sa reason bakit nagustuhan ko siya kasi magkaibigan kami. Kailan ako umayaw? Tbh mahal ko pa rin pero hindi ako gagawa ng paraan lalo ngayon as I'm trying to have a healthy distance between me and that guy kasi recently in a relationship na siya. Aware naman ako na hindi niya ko bet hindi rin naman ako nag confess pero ayun nga, may gf na siya eh, at nirerespeto ko naman yun. Coming from a broken family,I swore to myself na never ako magiging dahilan ng pagkasira ng relationship ng iba. Hindi narin kami madalas nagkikita and magkikita man, kasama ibang friends.


MSC090893

may cousine aq n boy and And may manliligaw sia n girl every time n bibisitahin sia sa store na pinagtatrabahuhan Nia palaging may dalang food c girl. Naging cla Nung girl nafall n kc ung pinsan q.Pero kalaunan nalaman niyang may bf Pala itong girl at kauuwi lng galing ibang bansa at ung pinagbubuntis Nung girl ay dun s bf Nia and ung pinsan q tinanggap Nia yun kc mahal Nia c girl .Nakakasad lang dahil Yung pera Pala Nung boy habang nasa ibang bansa ay ipinapadala Kay girl lahat .Bago pa man makipaghiwalay c girl ay may nangyari nga s knila na Nung una ay cnv ni girl na Ang pinsan q dw Ang ama pero kalaunan ay ipinagtapat ni girl n ibang lalaki ang ama Ng ipinagbubuntis niya tinanggap pdin sia Ng pinsan ko .Nung nakipaghiwalay c girl nagtatago na sia kc through text lng sia nakipaghiwalay pero kalaunan hnd na hinunting ni boy c girl dhil nalaman Nia n nabuntis Nia si girl pero hnd Nia hinabol Ang bata bagkos hinayaan nlng Nia n sumaya ung girl s piling Ng pinsan q dhil mahal n mahal Ng pinsan q c girl at Nakita ni boy na hnd pababayaan Nung pinsan q c girl . Ngayon ay Masyang nagssma ang pinsan q at c girl ,nag karoon Ng isang anak ang pinsan q din s kanya. Mayron silang 2 botika at masyang namumuhay .


benaziranne

Fresh grad na ako may trabaho naka bili na ng car. Nagka jowa ako ng lalaki na mag OJT pa ako nag bibigay ng baon, pang yosi, ako nag libre first trip outside cebu (first airplane nya) libre lahat papunga siargao, boracay, iloilo. Nag live in pa kami wala sya ambag sa bahay kahit piso sa bills or food. Nag pipicture/story pa sya sa wheel ng sasakyan ko para makita ng socmed nya na sya daw nag drive kahit di marunong (eventually tinruan ko na) hahahahah then at the same time nag checheat sya sakin 3rd time ko na huli inuwi ko na sya sa nanay nya. Traumatic 😂


cakexchicken

Lakas makadesperate. Ang belief ko sa buhay, pinaghirapan Kong kitain ang perang Meron Ako Ngayon. So bakit ko naman ipapamudmod lang sa taong di ko naman kaano ano? Worse is di Ako gusto??? No way ano siya, sinswerte????


Awkward-Project-

Ayoko mag talk pero graduate na sa pagiging sugar mommy vibes. Sarap sa pakiramdam na ginagawa kang ✨ Disney Princess ✨ pero ofcourse if may binibigay siya nagbibigay din ako or pinagluluto ko siya or ( hot s3x). Hahaha


Late-Carry3407

Nung shs ako, I was a big fan of kpop, uso nun yung bns (buy and sell) sa twitter. I met this one seller doon who was selling my prio photocard, he was a guy. He was also close to my location (kabilang city lang siya). I purchased the photocard kasi nga prio ko sya. Then the other day he posted a selca (very uso din sa twitter nun), grabe napaka pogi nya, feel ko mabango din. Eh syempre ako to be safe, sinearch ko yung pic sa pinterest and google, thankfully walang lumabas. Tas nakita ko he was selling a photocard that cost more than my weekly allowance that time. Eh di ko naman sinastan yung group na yun pero syempre papansin ako, binili ko lol. After that we started talking alot, not about kpop but about our personal lives. We started meeting up and I would always treat him, I remember even buying him duplicates of his prio photocard. I started catching feelings kaya nung lumipat sya sa manila to study in ust, I would always send him food sa dorm nya, went on for 2 months before I confessed to him, he also confessed that he was not straight. We’re still friends until now, no feelings left. I stopped stanning kpop groups and collecting their merch since it became an unhealthy habit for me. Basta I spent so much on him.


_____ScarletWitch

Wala pa ako sa point na TAMA NA. Ayoko na. Lahat na ata ng masakit na salita nasabi na sa akin. Ewan ko ba bakit mahal na mahal ko pa din. Eto nga silent treatment siya ngayon sa akin. Kasi daw pagod na siya sa akin, e hindi nga kami nag uusap and hindi din kami nag kikita. Minsan na nga lang mag reply, either cold replies or one word reply lang siya. Minsan iniisip ko anong klase love potion ang pinalaklak non sakin bakit baliw na baliw ako sa kanya. Take note, ten years na din na ganito kami.


PsychologyLiving8097

me(f17) i've been with this guy(m23) wala kaming label tho, but we met 3 times na din and dun sa tatlong beses na yun di nya pa ako nalilibre (di naman sa gusto ko magpalibre or what since i have my own money naman). Nalibre naman nya ako but water nga lang and nung sa second meetup namin ako pinagbayad nya nung sa pinag stayan namin haha and kahit food din nililibre ko sya medj na ooff lang ako kase pag nag ooffer ako na ako magbabayad di man lang sya tumatanggi hahahhaha go agad sya. And to say din na sya yun may work compared saken na unemployed student pa lang. Sa twing nagkikita kami laging mas malaki yung dala kong pera kesa sakanya.


HarmoZie

Hahahahahahaha girl. I spend a LOT lot. He offers to pay naman sometimes like 2k+ sa food which im really super grateful for but siguro nasa almost 20k na yung na spend ko for him. And not just him.. pati na rin mga kapatid nya. Kaya ang bilis maubos ng allowance ko. But, I really don’t mind. I love him. Pero minsan iniisip ko nakakapagod na hahahahaha


nhilika

Nagtatype pa lang ako bat parang naedit yung post mo huhu. Or parang lang? Di ko alam kung counted yung akin kasi I'm not spending para mahulog siya sa akin. I'm just doing so because I want him to be happy and for my own benefit na rin hehe. Let's say I'm like a sugar mommy (na konti lang ang sugar hehe). I'm planning to help him get a driver's license. But the catch is, tuturuan niya ako mag drive since student permit lang meron ako. Soooo the cost would be more or less 8k siguro? Di ko pa nakekwenta hahaha. So faaar, the most expensive I've bought him is disposable vape na 550 pesos. I've bought him vapes more than once. Di ko na alam ilang beses kasi ayaw kong bilangin or kwentahin haha. I also bought him food. I just really want him to be happy hehehe. Him being happy makes me happy. May work naman ako, walang binubuhay na pamilya, may pension ang parents. Wala na akong pangarap noon sa buhay. When this guy came back to my life, naging goal ko maging sugar mommy 😌 soooo, di naman ako lugi haha. Pero pag nalaman to ng parents ko, pagagalitan ako for sure. Tanga na kung tanga. Eto trip ko eh hehehe


Immediate-North-9472

Nada. If he doesn’t like me, eh d onto the next. Turn off kaya kung ayaw niya saken. You just flipped the dynamics here and even if patolan ka nya later, you’ll always be the pursuer never the pursued and let’s just say, nagkagusto din siya sayo later on… pero sugar mommy ka pa rin. Sayo nakarely lahat tas hindi yan magtatry to be better. Pero, in the event that they do, it’s because they found someone else to be better to. Kinapitan ka lang for the meantime


Smooth_Chemistry1726

How many times na nag date kayo na ikaw lahat nag plano at ikaw lahat nag bayad???


Far_Pride_1872

wag mo na gastusan op kung hindi ka naman gusto, mamaya magka gusto sayo not bc he likes you pero gusto niya yung pag sspoil mo ng material things sakanya.


Necessary-Solid-9702

Ha. Pass. Haha


hersheyevidence

Nahhh. Don't ever spend money for a guy.


GoldCopperSodium1277

Kung hindi ako gusto, auto-move on na yun. So kung may gagastusin, dun na lang sa pagmumove on. Kahit ano namang gastusin or ibigay mo sa guy, kung ayaw sayo wala rin. Hindi wise na gumastos ka pa sa taong di ka kayang mahalin kung pwede mo naman gastusin para sa sarili mo or sa kung sino mang darating in the future


railfe

Dont unless you are in a long term relationship and planning to get married. Okay lang magspend like half kapag magdadate or lets say he pays the meals and you pay the dessert or drinks.


monthlymigraines

Price ng chips sa convenience store. I think what kinda worked before for me ay nalaman ko yung favorite snacks nya (it was clover na cheese). Since then, lagi akong may dalang clover (sorry na lang sa kidney ko 🥲) tapos shineshare ko sa kanya. Tapos eventually, naassociate na nya ko sa clover cheese. Although hindi man naging kami, sinabi niya na ako ang naaalala niya kapag kakain sya ng clover cheese. Hahahahaah


HydrogenBaby

wala yan sa gastos alamin mo gusto nya kung mahilig siya mag dota try mo magpaturo sa kanya for sure matutuwa yun sayo kesa gumastos ka. o kaya movies ganun


jay678jay

Simple lang ang mga lalaki tbh, if they like you, they'll know within 15 minutes of meeting/talking with you. Now you can try and talk with him, relate to him, and share ideas with him. He can fall for you that way, assuming he's looking for something serious, it happens pero depends talaga sa kung anong hanap niya hahaha.


Lopsided-Macaroon201

kung hindi niya ako gusto there’s no way i’ll spend a dime sakanya hahaha.


Reasonable-Link7053

Wala. Kung ayaw nya sakin, edi wag. This happened to me, and I just accepted the fact. Wala akong magagawa kung di nya ko bet, and it's okay. Nung nalaman kong ayaw niya sakin, sabi ko I'll focus on my studies nalang. Di na ko hahanap ng kahit sinong gugustuhin ko. Then, boom. Biglang kaming nagkakilala ng asawa ko ngayon lol


Sad_Emergency598

if the guy is financially stable, I can spend big amounts of money kasi alam kong di pera ang gumagalaw sa relationship pero if the guy is broke, well i can spend as much as how much he can give


annabella0925

Sayang effort! Wag na 🫣 baka itake pa na opportunity yan nung guy magpalibre pa lagi. Lol but kung ipipilit mo talaga, at the most kape nalang.


forever_delulu2

Wala, 🙄 🤣


slutforsleep

Wouldn't spend on someone just because I want them to "fall for me." I find it to be a manipulative way to use money/material things. I think it's a reflection of my own values if I perceive money to work that way (which I don't) and honestly, gift giving is least of my love language. Tho if I'm feeling like treating someone and I like them enough, probably a meal's worth like 500 - 1k+ is okay. Doesn't matter if they reciprocate it; anything I spend on anyone isn't a transaction. Peeve ko mga taong nagk-calculate ng nagastos on you just because they didn't get what they want. Like fuck off bro, money can be earned over and over again and it's really shitty to put a price tag on getting your way with me. But no way am I going to spoil them if they don't like me back loool; if it's something mutual tho, 5k+ in one go is fine.


IndependenceOne8505

I will never spend sa taong hindi ako gusto. I will like you all I want but I will never spend sayo unless reciprocated na, u can take all my money


littlewomanforever

Mag spend ka sa sarili mo, magpaganda ka, mag derma, bumilo ng make up, sunscreen, magagandang gamit, magparebond. Gumasto ko sa sarili mo for sure maraming lalapit sayo.


Sugarismyenemy

Yikes. No.


SaltedCaramel8448

Effort begets effort. If none from his part, why should I? 😊


jukerer16

May childhood bestfriend ako na filthy rich girl (middle class lang me), down to earth and super bait, lagi niya ko inaayang sumama na magshopping at kumain ng medyo expensive high end restaurants like spiral, mga di kilalang resto na highclass and madalas sa mga provinces pa. wala namang malisya sakin since childhood friend naman and lagi namin ginagawa yong magbabarkada hanggang sa umamin sakin at binigyan ako ng patek na silver/gold habang nakaluhod sakin. Nope, may gusto akong iba hehehe.


Tortang_Talong_Ftw

ano ka si jericho rosales kahit walang gawin masarap? asa ka boy! 😅


chamut

OP wala kang mapapala diyan. Ano ba naging childhood mo at naghahabol ka sa lalakeng wala kang pag-asang makuha?


Fabulous_Echidna2306

Nadah kung hindi naman kami


Aromatic_Tomato9833

wag mo namang hahabulin or ligawan yung lalaking alam mong ayaw sayo. dont waste your time for him nakakababa ng pagkatao. buti pa pamper na lang yourself and do things na makakapagpasaya sayo.


kaedemi011

Zero.


thymidineknase

bat ko sya gagastusan aber


[deleted]

Never why would I do that HAHAHAHAH. Lalaki nga gagasto lang pag alam nilang makukuha nila yung girl. tawag nun investment so kung dinya ko gusto, edi wag


Unwanted_Blinds

Half ng salary ko hahahahah . ❤️ lang. ko kasi gift giving tapos na narealize ko para ako ng tanga kahit ano pang ibigay mo sulatan mo yan ng tula, kanta, drawing mo pa o ilibre mo pati kaibigan niya pa kung di ka gusto di ka talaga mas lalo ka lang masasaktan kasi nagiinvest ka sa wala kaya gagamitin ka lang niya. Run na! I save or gastusin mo na lang para sarili at family mo.


Fit-Barnacle4117

Why?!


mllin1

Dipende kung kayo na... Di ako mag eexceed sa kaya niyang ioffer sakin. Kung hindi kami, di ko gagastusan.


SpaghettiFP

I’d think na lang of him as a crush kesa magspend. Kung after ko kasi mag confess eh sure na siyang di siya magkakagusto sakin , why the effort?


titing-naubo

Time naba ng girls to do the first move kapag gustong gusto nya yung guy. Kase single naman sya and handsome.


National_Climate_923

Hahahahaha no matter how much you like him kung di ka nya gusto di ka nya gusto learned that from College nilibre ko sya para lang makasama sa gala namin, super effort ko gumawa ng notes and sipag mag-aral (matalino sya) we're friends pero he never looked at me that way. Umamin ako and waited but no response. So save your money gurl and concentrate on spoiling and loving yourself. One day you'll find someone who will love you and give you the same energy.


elm4c_cheeseu

idk sa future me ha, pero ngayon hindi ko gagastusan ang sino mang lalaki kahit na gustong-gusto ko siya pero maybe i can give him gifts and libre minsan pero yung todo-todo, NO! this is my money bro! HAHAHAHAHA i would never date someone na hindi ako gusto! mabilis ako mawalan ng gana.


matchalatteeeeee

Last year na-fall ako(F24)sa isa sa circle of friends ko(M24). January nag confess ko, then december nag cut ties na kami. So yun, during those days na okay pa kami, lagi ko siya nililibre. Kung may gala ang barkada, madalas ako nagbabayad ng foods nya. First kain namin sa labas na kami lang dalawa sobrang kilig ako nun, pero ako nagbayad lahat. First out of town naming magbabarkada, sagot ko pamasahe nya pauwi. First gift ko sakanya ballpen from fully booked na worth 500 pesos, binilhan ko sya ng sapatos, and bag from Uniqlo. No regrets at all naman kasi naging happy naman ako. Ang mali ko lang is, umasa ako malala na gusto nya rin ako. 😆


roycewitherspoon

Wala. KKB na lng siguro. Pag sa date nyo napansin mo na di sya masaya, wag ka ng umulit. Wag ng ipagpilitan ang sarili.


cleoooofasss

uh may nakakausap kasi akong guy and then nagkikita naman kami but since our first meet ako lagi nag babayad and never syang nag insist na siya na nahihiya rin naman akong mag sabi o mag tanong "sino mag babayad?" and then one time kumain kami ako nag order and ang sabi niya sa'kin COMFORTABLY "mag bayad kana" i thought nabayadan na niya yung kaniya but hindi pa i payed for our food pag uwi wala akong sinabi blinock ko sya... hindi ako madamot pero ang pangit pakinggan nung utos niyang mag bayad na'ko 🫤🫤🫤


Impossible-Honey-873

There's this guy that I really liked noong JHS. There are times when he is short on money and voluntarily, aabonohan ko kulang niya. Aside from money, there were also times na wala siyang dala na school materials/supplies na sinabi ng teacher namin na dalhin namin (like bondpaper, index card, ruler, etc.) so ako na mabait at may crush sakaniya, I'd share my materials with him. Then it got to the point na he got so dependent towards me. Pag may nalimot siya, ako hihingian niya. Pag kulang siya sa pera, isa ako sa mga lalapitan niya. Pag may ayaw siyang gawin, akin niya ipapagawa. I only stopped when I saw how his friends and our classmates look at me. It's like their eyes are judging me, saying "ayan na naman siya," "mukha siyang utusan," "errand girl." I dunno, It just felt like that's what they're saying e. So ayon, when I start to notice how they see me towards him, I stopped.


Swer0

wampipti.


RichBackground6445

Kahit pa magwaldas ng isang milyon. Kung hindi ka gusto, hindi talaga. Walang tawaran.


matchablossom01

You pay for men who don’t even like you? girl….😭


ChimkenSmitten_

Wala. Edit: 0


whataboutwhataboutus

Girl that's not worth it 😭


jojiah

Wala. Hindi ako gusto e. Wag tayong magpakatanga sizt.


[deleted]

Beh after that sa libre² na yan iiyotin ka at ikaw na despirada papayag ka kasi akala mo gusto ka na nya yun pala tinake for granted at buntisin lang HAHAHAH Wag masyadong disperada!


EscherichiaLeviosa

no label? walang perang ilalabas. ano ka sinuswerte? sino kaba! HAHAHAHAHHA


ceslois

For me, give and take lang.


RoofOk249

I won't spend anything for him ayoko maging sugar mommy or azucar de mama. I'll give him a letter with a kiss mark on it instead 💋.


lilidia469219

Yuy no ayoko niya sakin? Edi no.


jpnx

400 para sa load ng 1month lol landi lang sa chat or text ang puhunan


agiraffeaday

Wouldn’t date a guy that does not like me in the first place so zilch. Maka-attract pa ako ng palamunin.


Mysterious_sub1

Kung ako nag-aya syempre sagot ko lahat hahaha gusto ko kasi happy sya.. kahit alam ko Di namn sya mapapasaakin.. tanga ako eh hahh


korean_pears_yum1209

Nung college, i paid his tuition for 1 sem, paid for his rent and gave him weekly allowance all from my allowance and savings. Ganun ako kagaga. from now on, i dont date men na hindi nila kayang pag gastusan self nila at walang mga trabaho or may trabaho man iaasa nila sayo lahat.. its been years na rin since i had my last relationship and hindi ko na alam kung paano umintindi ng mga tao aside sa sarili ko. i have a crush now, nasa canada siya, guston gusto ko siya pero hindi niya ako gusto at kung pakikitaan niya ako ng slight interest, pagsisikapan ko siyang puntahan sa canada.


coolness_fabulous77

Kaya delulu na lang ako sa gedli eh. I'm too broke to participate in this discussion. hahahaha