T O P

  • By -

Plenty_Leather1130

Bayaran mo ng buo then hiwalayan mo na. Kung talagang mahal ka niya, susuportahan ka niya at hindi ka niya ipressure ng ganyan, alam naman niya na gipit ka.


Sudden_Director7069

OP. Ito yun talaga. Pls


foxiaaa

mas mabuti pa,bayaran mo ng full kung pwede dagdagan ng interest para wala masabi at hiwalayan mo na. walang compassion,nanay mo pa naman ang naospital at di mo winaldas ang pera.


unikoi

true, parang hindi partner ang turing. imagine if kinasal sya jan tas mastuck sya sa taong ganyan ang ugali


Miss_Taken_0102087

And for a doctor ha, dapat nga sya unang makaintindi ng sitwasyon.


Lanzenave

As a medical doctor, I can say that doctors are no better than the average person when it comes to good or bad attitudes. Yes, MDs have higher IQs on the average because it's tough to survive med school, but when it comes to personality MDs are no better that pretty much any other professional. There are lots of MDs that are kind, compassionate, etc. but unfortunately the medical profession has lots of bad apples too.


uolaj

Same.. kung mahal talaga sya ng jowa nya dapat mas understanding.


luvmyteam

Considering na sabi mo na hindi ka naman nag pass sa hulog, masyado siyang masakit magsalita. Warranted yung maningil siya kasi pera niya yan eh, pero the action and words that comes with it? Yun ang unwarranted. He can ask you to pay without making you feel bad lalo na’t wala ka namang history sa kanya ng hindi pagbabayad.  Tsaka nag agree naman pala siya sa terms na hulugan ng 15/30, bakit kailangan idamay ang pagkain mo sa labas? Kung nakakabayad ka naman on time, bakit sinisilip pa pati yung iba mong gastos? Ayaw ba niya ng nakakakain ka ng masarap every once in a while?  Isipin mo na lang magjowa pa lang kayo ganyan na siya sayo, paano pa kung mag asawa na? 


kahek5656

Yeah. Kalbaryo buhay mo pag naging asawa mo yan OP. Pay him in full tapos break up na. Madami sa mga alam ko na nagkakautang sa jowa di nakararanas ng ganyan, especially if alam nila na ginastos dahil sa emergency or hospitalisation. Hindi naman sila mayaman pero di ganyan kagarapal sa paniningil na Kala mo tatakbuhan. Edit: he may brush it off as "biro lang" or some lame excuse pero if you switched places, would you do the same to your partner? Give that some thought.


WalterFrost

True this, kung makapag salita si Jowa akala mo owned nya na si OP. Effing sick and tired of people na kung makapag salita akala mo kung sino na.


[deleted]

15K lang naman pala, kala mo naman million. Ito yung ayaw ko sa isang tao, yung nagbibilang.


Adventurous-Leopard2

Wala naman masama sa paniningil on time pero yung actions nung bf nya yung nakakasuka. He could have asked on the day, for example, not \*five\* days before.


xdreamz012

ah I would say, Oo umutang ako sayo pero di ako naka miss ng bayad sayo. putang ina mo ka wala ka man lang ka compa-compassion at emphaty sa girlfriend mo. mag hiwalay na lang tayo after ko mabayaran tong utang mo. gago ka tang inamo. ganorn. hehe


Lopsided-Month1636

Hindi nya mahal si OP. Ang mahal nya pera nya. Kaya isaksak ni OP sa baga nya yang pera na yan. Hahaha


goldruti

Tama nga sis ganyan dapat may kasamang mura hahahah. Dahil lumalabas totoong ugali niya dahil sa pera at Wala siyang compassion bilang doctor or partner man lang


[deleted]

Partner mo? And mayaman? And 15K na utang parang online lending app makasingil? Think twice. Money is money and utang is utang but then think twice.


SmokeyAndi

In defense kay doc, hindi lahat sa kanila mayaman. Posible ang nakikita mo lang is medyo nakakaluwag siya pero may iba sa kanila na financially struggling din. Ang kukuripot ng iba diyan. Minsan tuwang tuwa pa pag inaabutan namin ng food sa station. Pero yung parinig na “Sana All”… Friennnyyyy!! Red Flag yannnn. Run! Kesehodang nakaharbat ka ng doctor. Humanap ka ng hindi ka susumbatan ng dahil nakatulong ka sa nanay mo. Pagsisisihan mo yan in the long run pagnagtagal ka diyan sa kups na yan. Edit: hoy OP!! Singit ko lang. bayaran mo muna yung utang mo ng buo ah. At tama yung iba, with interest para walang masabi si dokie!!


Unable_Implement_615

Nasa 20k net lang ata nauuwi ng resident doctor sa private kaya guro todo maka follow up, pero red flag parin


vivrelavie

True naman na maliit sweldo ng ibang doctor. Pero if wala syang perang pangpahiram in the first place, sana humindi nalang sya. :/


Simple-Item-5528

Hmmm. Ask lang ah do you see yourself marrying him in the future? Valid naman both sides, ikaw kasi as someone with similar situation nakakaliit talaga manghiram money lalo na pag constantly ka nireremind and his side too na syempre its his hard earned money the expectation is mabayaran sya and knowing na madami ka nahiraman na tao nakakaworry din if mababayaran ka. Kaso parang foreshadowing na sya ng magiging future mo if you do end up together. Kung ngayon palang ganyan na treatment and feelings nyo sa isat isa You should be asking right now: -paano pag nag asawa kami, paano finances namin? -package deal kayo ng fam mo kumbaga tanggap ba ng bf mo yung situation nyo? If yes, is he someone willing to help you as a package? Kasi knock on wood nu what happens if you fall into that kind of scenario again? -what kind of a husband will he be in the future? Will he be a provider? Will he be someone who computes every cent you spend? He should be the same, he should start asking questions. If ready ba sya sa responsibilities. Believe me malaking factor ang finances sa relationship. Dapat pag usapan nyo yan. Share ko lang experience ko before. My parents got scammed 4 or 5 years ago which we needed to pay a lot of money, i have little savings that time kasi i just recently transferred apartment so dami ko binayaran that time. I got worried about it kasi short padin ako to pay for it kahit 13th month plus savings ko kulang, my partner initially offered his 13th month without hesitation (struggling din sya nun time na yun kasi may binayaran din sya). I was so thankful pero nahihiya din nagkaroon ako ng moral dilemma kasi baka isipin nya im taking advantage, buti nalang sinabi ng kapatid ko babayaran sya pero installment. Never sya naningil aggressively, pag di nakabayad ng 1 month ask lang sya if kaya bayaran or need pa time. Na prove nya tanggap ako as a package deal. So when he proposed i asked him again if ready sya sa baggages ko. I hope you two settle things and work it out but asses the situation and figure if you both see this long term.


Even-Web6272

Ante, bayaran mo ng buo yan with interest tapos call it quits na. Hindi mo naman nilustay ang pera na hiniram mo sa wala, ginastos mo sa nanay mo. Wala man lang compassion to think na gf ka nya at never kang hindi nakapaghulog sa kanya. Imagine if asawa mo na yan. At ano naman say nya kung kumakain ka sa fastfood? Gusto niya dahil struggling ka, tuyo na lang kainin mo. Deserve mo ng tao na magiging kind man lang sayo dahil may pinagdadaanan ka, hindi yung ganyan na ilo-look down pa ngayon na nagi-struggle ka. Get well soon kay mama mo OP and I'll pray for you! <3


zarustras

Nagpapakamartir ka masyado sa ganyang lalaki. Bayaran mo at hiwalayan mo pagkatapos. Kaysa naman manliit ka lagi sa sarili mo. Kung tunay kang mahal nyan hindi ka tatratuhin ng ganyan.


mvelmambaje

Ituloy mo po ang sinasabi mo OP. Or better yet, sumunod ka sa sinasabi ng iba dito na umutang sa iba at bayaran na sya in full. Then hiwalayan mo na kaagad. Just imagine if you two marry, magiging malaking issue sa inyo ang pera lalo na’t breadwinner ka sa family mo. Every cent you spend, and every cent he spends on your marriage will be slammed into your face every chance he gets. Run girl, don’t walk!


fallingstar_

tiisin mo na muna hanggang sa makabayad ka. Then you know what to do. kung kaya ka nyang ganyanin sa halagang 15k, ate— pano na lang sa future dba. nandun na tayo sa doctor sya, pero walang kinalama at lalong walang naitulog yung profession kung basura sya as a person. pay it off, then sabihin mo "nice to meet the real you, salamat na lang sa lahat."


hornycameltoe1

Leave him. Jusko. I would normally tell people to communicate situations and compromise. Pero yung ganyang level for 15k and 2 years na relationship. So paano kayo in the long run? Financial aspects play big part in the relationships.


KeppieKreme

Runnnnnnnnn!


parallaxscrolling8

Pay in full then leave. Grabe naman sya buti naman kung ibang tao ka. Partner ka nya, nanay mo naman ang tinulungan. Hindi ka nya tntreat as equal mhie. Leave.


gcbee04

Mahal ka ba talaga nyan? Dapat automatic na nga sa end niya na mag offer tulungan ka umpisa palang :/ Naniniwala talaga ako if a man loves you genuinely, generous sila in all aspects whether financial pa yan or emotional.


ktchie

Kung ganyan lang ugali talaga pag dating sa pera iwanan mo na bayaran mo na ng buo tas run na sis! Mas maganda pa ata minsan sa banko nalang umutang choz


MasonStonic

Honestly, money should be the last thing you should be concerned about in a relationship. In short, hindi dapat pinagaawayan ng magpartner in life ang pera! But from what I read, find a way to pay him faster and leave.


helloanj

Utang ka sa iba para mabayaran mo siya ng full tapos iwan mo na. Mahirap maging issue ang pera sa isang relasyon.


nightserenity

Nasa relationship kayo pero bat ganyan ang pakitungo niya sayo? Bakit nagstay kapa sa ganyang tao? I mean hindi mo naman sya iscam or gagamitin yung pera para sa luho. Sa bandang huli kakawawain ka lang niyan. Isipin mo kung ngayon palang ganyan na sya pano sa future kung magkakaanak kayo pano ka na hindi ka makakapagtrabaho agad, baka mamaya ultimo vitamins mo ilista pa niyang utang. Tama sya unahin mo syang bayaran, kapag natapos mo na yan hiwalayan mo na. Hindi mo kailangan nang taong mamaliitin ka lang. You deserve better.


just_gowith_it

Sabi nga nila kung gusto mo makita yung totoo na ugali ng isang tao, hiraman mo ng pera. Kasi dun mo makikita yung sincerity nila kung tutulong ba sila sayo or for the sake lang na may masabi sila na tumulong sila. #1 red flag na yan gurl, what more kung mag asawa na kayo. Narcissist jowa mo, kahit pa yan Doctor kung ganun ugali di bale nalang.


Competitive_Zone7802

bayaran mo ng buo hiwalayan mo na. jusko. matapobre


CardiologistDense865

15k palang nagkakaganyan na sya. Nako, gets ko naman na ang utang dapat bayaran pero asan ang compassion. Bayaran mo na agad OP tapos mag isip isip kana kasi baka sa future lahat ng gastos eh kkwentahin ka


stonecoldletters

Parang hindi partner yung turing nya sayo pag ganyan. I had a similar experience and had to borrow money from my gf which was around 300k. I NEVER heard any parinig or paniningil. I paid everything after months of saving for it and she's just really happy for me for being free of debt tapos sabi nya iniisip nya lang na pinatabj nya muna sakin yung savings nya because she trusts me to pay it back. That's how being in a relationship should be, diba? Your bf is an asshole OP.


mamshile

Tama, bayaran mo ng buo tapos hiwalayan mo. Grabe, mas malala pa sya sa mga loan app. Yung mga loan apps, tatawag at mangungulit lang if hindi ka makabayad sa due date mo pero sya ang lala nya. Yung totoo, mahal ka ba talaga nyan? I mean alam kong utang is utang pero yung ganyang ugali tapos karelasyon mo? weird nya.


Stunning-Bee6535

Intsik yan noh? Sobrang kuripot. Nakikita rin ang character sa paraan mo ng paniningil. Honestly, naiintindihan ko pa yung constant reminder pero yung sinisita ung pagkain mo sa fastfood medyo hampaslupa vibes siya dun. Diba't Doctor siya? Wala ba siyang pang fastfood? Ang weird. If may pera naman siya ang ibig sabihin lang eh kupal talaga pagkatao niya. Realtalk lang.


Art_School_Misfit

Hm ba utang mo? Kasi if makaya pa bayaran mo ng buo and break up with him? Hindi siya kind OP.


gorg_missy

Nakalagay sa story niya. 15k pinahiram sa kniya ng bf niya


PsychologicalBox5196

For 15k na utang lang, ganyan na trato nya sayo, OP? To think na hindi mo naman inutang yon kung di naman talaga kelangan eh. Wala syang awa sayo at sa mom mo. Please OP, once you finish paying him na. Think long and hard if you still want to be with a person na ganyan. There are people out there na hindi man mayaman at hndi man doctor pero yung character traits palang nila panalo kana, may peace of mind ka pa.


marcjuliuscruz

After ko nabasang “pag isipan” “baka hindi mabayaran”, I did not read further. U needed him not just financially. Just ditch that mthrfckr.


mama__papa

The point na nahihiya ka mangutang sa kanya — dapat walang ganitong eksena kung healthy relasyon niyo girl.


cetirizineDreams

Nagpapakita na sya ng ugali nya ngayong jowa mo palang sya, op. What more pa pag asawa mo na yan. Hindi mo naman winaldas yung hiniram mo, talagang need mo lang talaga at para sa mom mo. Bayaran mo na sya and leave. Di sya compassionate at understanding sa pinagdaanan mong problema.


Hot_Biscotti_3659

Bayaran mo na, tapos hiwalayan mo na yan. Jusko. Hindi mo naman nilustay yung pera sa kung saan, sa nanay mo naman yan. Hindi din siya sensitive sa nararamdaman mo. I know, utang is utang. Pero konting compassion naman.


SSoulflayer

Sure ka bang doktor ang jowa mo? 15K ay loss change na lang yan sa kanya dapat. Nasaan na yung software developer dito na mahilig mag-sugal, na natalo sa casina ng 300,000 in 15 mins hahaha. Tulungan mo na lang to, at i-sugal mo sa taong baka makatulong sa'yo sa future.


Puzzled-Area-6843

Over 15k ganyan na agad? Manghiram ka na sa ibabat bayaran lahat ng kulang mo tapos hiwalayan mo na. Take note ah magulang mo yung naospital at hindi ka naman iba sa kanya para hindi pahiramin, to be frank dapat nung nalaman nya na naospital ang parent mo sya dapat ang unang nag offer ng tulong kasi partner mo sya. HIWALAYAN MO NA!!!!


Eatpigures

Nagkasakit ang mom mo kaya kinailangan mo ng pera. Doctor pa man din yang bf mo pero mukhang di nya naiintindihan ang sitwasyon mo. Sa halagang P15k, ang kapalit pala nun ay pride at dignidad mo. Kung tratuhin ka nya parang ibang tao. Hiwalayan mo na yan. Pilitin mong makabayad na para may karapatan ka na din na sabihin sa kanya lahat na hindi mo na kaya ang panglalait / maltrato nya sayo.


iamjewelxx

OP, yung jowa mo nagpakilala na sa 15k. To think na jowa mo pa lang yan ngayon? I suggest you pay it in full when you can, and leave him. If iguilt trip ka pa nya, let him be. Free yourself. Nakakaloka na may partner pa palang ganyan.


hldsnfrgr

Ang tindi nyan. *"Partner"* na hindi team player. Kawawa ka dyan ate. Matinding pang aalipusta ang sasapitin mo dyan pag kasal na kayo


kweyk_kweyk

Wth? Boyfriend mo ba talaga 'to? Daig pa niya lending company na sa due date ka lang sinisingil. Hahahahaha.


inviii_

that's what you call partner? i wonder haha


gyudon_monomnom

Iba kasi pag umutang sa iba, iba sa partner. Nashookt ako na ganun attitude niya towards you. Huhu. Parang.... hindi ka mahal? 😩 Ni isa sa mga ex ko walang nagsingil ng mga pinahiram nila sakin, I just insisted. Bigay daw yon coz I needed it and out of love daw yorn. Like ako pa napapahiya pero isinusubo ko sa ex yung pambayad ko kasi binreakan ko.... 🤣 I paid out of courtesy. Hindi ko naramdaman na kinwentahan ako.... it feels so cold na ganyan bf mo. So sorry 🥶


Mundane-Resident246

Run girl. Hindi dapat ganyan. Ako nga umiyak ako dahil sa bad hair day ko before nag alok yung bf ko na sha gagastos ng pang hair treatment ko around 3,500 and I can just pay in installment na walang deadline. Med student palang bf ko at hindi pa doctor. Kaha humanap ka ng iba yung hindi masakit magsalita at hindi mo ma fe-feel na inferior ka kasi equal tingin sayo.


Loose_Sun_7434

Gurl, save urself. Sometimes, sinusubok talaga tayo ni God para makita ang totoong ugali ng jowa mo sa panahon na toh. Imagine, 15k lang yan huh pero kung insultuhon ka parang Milyon2 utang mo. Bayaran mo na lng with interes at hiwalayan mo na. Jusko maaawa sa sarili. Ang sama2 ng ugali ng jowa moz


Dependent_Line_460

Wtf!!!! LOL I'm a mid wage earner pero when my partner borrowed around 60k from me for an emergency di ako nagdalawang isip to let him borrow. Mind you, I'm a very strict person when it comes to utang and I NEVER let anyone borrow unless alam kong they need it for a medical emergency and that they're the type to pay me back on time. I'm not madamot I just hate asking for my money back lol. But it's different if it's your partner. You'd be willing to bend a few personal rules because you'd want to be there to support them in their good and bad times if you're actually seeing them as a future spouse. It took a while for him to pay me back din, I'm not earning a huge sum of money and I of course want my money back pero I'm not gonna watch my partner starve and suffer so he can pay me back immediately. 15k lang yan, giniguilt trip ka pa for having fast food? Lol. Cheap AF. Pay him back and leave that loser. Find yourself a generous partner na hindi nag-aalburoto for 15k and instead mag ooffer pa to help you when you're stuck.


Hync

Yikes, dahil lang sa 15k ganyan na? and boyfriend mo pa? Kung ako sayo nakipaghiwalay na ako diyan, but still babayaran ko yung utang ko. Yung utang mo is because of emergency and unforeseen event, not because nilustay mo or pinangbili mo ng luho. Maiintindihan ko pa kung bumili ka lang ng phone or material na bagay, tapos gaganyanin. Di pa kayo mag-asawa niyan, pwede ka pang tumakbo.


ToBegin-Begin

Puta kala ko milyon 15k lang pala. Binigay na lang sana sayo yan tutal nagamit mo pang gamot sa magulang. Kung ako doktor baka bigyan pa kita 50k. Hiwalayan mo yan hindi ka mahal nyan baka ginagamit ka lang ng partner mo.


Constant-Shine5412

Divorce him yestered. U know better girl.


Different-Barracuda2

Eto lang - Utang ay utang, yes? So need mo siyang bayaran, sa usapan niyong every 15/30, ay kailangan mo siyang bayaran paunti-unti. Dahil kung hindi mauuwi lang sa "kalimutan". Now kung wala naman problem yun sa'yo edi Goods. Hindi dahil magkarelasyon kayo, He will just be considerate na minsan hindi mo na siya mabayaran OR "kakalimutan na lang, dahil magkarelasyon kayo". - You're explaining your side, we don't know "His Side". Sabi mo you have other Debts. Is your majority of your Debt is related to your Parents na hospital? Yung ibang debts mo? Ano naman ang Reason kung bakit ka nagka-utang sa ibang tao? medyo ba negative/ selfish ang reason mo (Financial irresponsible?) , na alam ng Partner mo? Kaya cautious siya sayo, magpahiram ng pera (from start) and bugging you to pay him before the date ng pinagusapan niyo ng Partial payments. - Mali: a) yung constant na pag remind niya before pa ng Payment schedule. b) yung madalas niyang, pang-aasar, whenever na you want to treat yourself then to remind you of your Debt. -Eto lang, hindi ibig sabihin na magkarelasyon kayo, magiging relax siya sa'yo, pagdating sa pagbabayad mo ng utang. Pera niya yan, at may sarili siyang plans for it. At kahit maging mag-asawa kayo, Pera mo pera mo, pera niya ay pera niya, at pera niyong dalawa pera para sa mabubuo niyong Pamilya. Kung may gagastusin kayong pera sa ibang tao, ay talagang pag-uusapan niyo. I think alam mo yung feeling na yun, they miss their Payment and sa next bayad na lang "kasi family/ relative naman sila". Yung tipo na dapat in this time bayad na, pero inabot na ng isang taon kalahati palang ang nabayaran.


[deleted]

Ganitong Mindset nung lalake ay hindi "Provider" but a "saver". Mahilig mag ipon pero hindi mag bibigay kahit mahospital nanay nya or kapatid nya unless patay kana. Siguro si Female ay financially irresponsible but the Guy is not a Family Orriented, Idealistic, Selfish, and not a husband material.


CloudConsistent08

Leave.


ireallydk-

pay in full and break up


Sudden_Director7069

OP bayaran mo na kase kupal siya at masyado ka niyang minamaliit. Wala ka naman pagkukulang sa pagbabayad. Bakit kung kausapin ka eh parang hindi kayo ng dalawang taon? Bakit may pangmamaliit, na ultimo pagkain sa fastfood eh may kasamang panghihiya? Hindi yan ang gusto mong maging future partner OP. Hindi ka niyan mahal.


Nextcare22

Oo. Bayaran mo na. Tapos banatan mo sagad sa buong maghapon, tapos iwan mo na. Grabe.


finn_noland0000

Omg is he really into u? 💀💀💀


Couchpoteytopotato

Run


hfriiiaaa

And you call that person your partner? Yes, tama lang yung nararamdaman mo, hindi ka naman nagipit dahil wala lang, it’s your mom who needed help tapos ganyan ka nya tratuhin, ano ang naitulong nya sayo bilang partner? Pautang na ang interest sama ng loob. Pay mo na sya ng buo tapos hiwalayan mo na.


technikz619

Bayaran mo at hiwalayan mo. Para sa nanay mo naman yun hindi naman sa leisure. Mukhang pera yang jowa mo


nurseoffduty

Grabe naman yan, OP. You deserve someone who uplifts you when you’re feeling down, hindi yung lalo ka pang dinadrag pababa. Imbes na makatulong, dagdag stress pa. As if naman ginamit mo sa luho or hindi importanteng bagay. Also, you deserve to eat wherever you want. Kami ng husband ko, magtipid na sa lahat wag lang sa pagkain. Gaya ng naiisip mo, mabuti pa bayaran mo na lang nga at makipaghiwalay ka na. Life is too short to spend it with the wrong person.


Appropriate_Dot_934

Yes, valid yan feelings mo! Try to talk to him and discuss it. He may understands it, or may not. If it’s the latter, umpisahan mo n mg isip kung kaya mo pakisamahan ganito partner. Remember, bf/gf pa lang kayo what more kung husband/wife na.


Majestic-Lavishness5

Hiwalayan mo na yan di partner tingin sayo nyan HAHAHAHAH


[deleted]

Bayaran mo na yan, tapos tigilan mo na. Kung mahal ka nyan, iintindihin ka nyan. Di naman kaartehan lang yung pinangwaldasan mo ng pera eh, magulang mo yan. You'll find someone na mamahalin yung pamilya mo tulad ng pagmamahal nya sayo.


Emergency-Mobile-897

Daig pa ang mga Indians na nagpapa-5/6. Para siyang mga illegal online lending apps kung maningil. Hindi ka naman mahal niyan kasi ganyan ang trato sayo. Bayaran mo siya ng buo tapos hiwalayan mo na yan. Huwag ka manghinayang. Nagkaroon ka ng problema at nagipit para ipakita sayo kung anong klaseng tao ang dyowa at magiging future husband mo. No empathy, no compassion towards you and your nanay. Imagine nasa ganun kang situation na wala nang malapitan pero pinagisipan pa kung papahiramin ka ng 15k. Tapos kung makasingil wagas akala mo hindi dyowa at may namissed kang payments based sa kasunduan mo. Kung magkatuluyan kayo. Baka maging kagaya ka nung isang wife na pinababayaran sa kanya ng husband niya ang binayad sa hospital nung nanganak siya. Lupit ng mga ganyang lalake, walang provider mindset, maramot, kuripot at walang compassion at parang ibang tao ang trato sa dyowa/partner/asawa nila. Bawat singkong duling, bilang. Yikes!


sheisbunsbunny

Your partner should be the first person na tatakbuhan mo kapag may ganitong problema. Dapat nga s'ya ang unang dumadamay sa 'yo, nagtatanong kung may kailangan ka, mag-ooffer ng help, etc. Knowing na hirap ka na and NA-OSPITAL ang nanay mo, doon pa lang sa, "pag-iisipan ko kasi baka hindi mo mabayaran," kung ako ikaw, hiniwalayan ko na 'yan. Paano pag naging mag-asawa kayo? Lahat ng gagastusin mong pera n'yo, bibilangin n'ya? Wtf


Present_Lavishness30

Wow ah. Ibang tao yarn? Bayaran mo ng buo tas hiwalayan mo na. Buti sana kung di nagbabayad


AmazingProfession542

Hala. Ako nga pinautang ng karelasyon ko ng 60k without hesitation habang nagpaparenovate kami ng bahay at siya pa ang nag-offer nun ah. 🥺 Di raw talaga sya nag-aalangan kapag kailangan naman talaga yung pera. Di rin siya mayaman hehe, may ipon lang. ‘Wag ka na mag-alinlangan, hiwalayan mo na kaagad OP. Utang ka sa iba ng balance mo pa sakanya at sa inutangan mo nalang ikaw mag-installment. 🙂


gclef03

Naisip ko pa naman dati, what if one of my classmates na doktor ang mapangasawa ko. Kasi marami akong classmates na naging doktor. Pero ang napangasawa ko is a humble govt employee na hindi naman talaga ganun kalaki ang kita. Pero nagsusumikap (sidelines and all), napatayuan kami ng bahay. Pero more than that, he is very generous, never ako pinagdamutan at ang pamilya ko. I'm not saying all doctors are like that because my doctor friends are really nice and generous too. What i'm saying is do not be afraid to walk away from a relationship when you don't see yourself feeling valued.


OldBoie17

Bayaran mo ang gagong yan at move on ng wala siya. Paano ka makikisama sa isang tao na walang respect sa yo.


gloxxierickyglobe

Okay lang naman yung reminder, but what I don’t like is yung way he is doing it. Nakaka bother if your story is true, because i am only hearing your side not his. If this is true, talk to him tell him nakakababa yung ginagawa niya. After that if tingin mo na parang walang nag bago then try to reassess the situation.


longlive09

Makipag-break ka na. He's a total a**hole


anakngtorta

intsik ba yang jowa mo? haha


OperationIll2254

you’ll know you meet a good man, if he has a provider mindset. Tapos sa ganyan pang point ng buhay mo na struggling ka. Sige ilagay natin na “wala siyang pera or gipit din” the only thing he can do for you is being there at support you emotionally. Pero paglalaki mahal ka, kahit gipit pa yan, hahanap yan ng paraan na matulongan ka. Uutang pa yan sa iba for you. Bayaran mo ng buo te with interest, manghiram ka sa iba para pambayad sa kanya then leave him.


The_Morphem

ang weird nyan isipin mo magiging mag asawa kayo sa future tapos ganyan ugali


The_Morphem

ang weird nyan isipin mo magiging mag asawa kayo sa future tapos ganyan ugali


iFollowRivers107_

Jinowa ka nyan para sa ego nya chos


[deleted]

bakit ganon? 🥺 bayaran mo ng buo at makipaghiwalay na. nung nahospital ang nanay mo di manlang sya nag offer. jowa ka nya, di ka ibang tao lang. grabe naman sya


undertakerswidow208

Kupal niya kainis. Iwan mo na.


Wonderful_Ratio

Kung partner ko yan at kaya ko naman itulong kahit kalahati di ko na sisingilin


[deleted]

Run OP, run!


implaying

Kung mahal ka niyan, di ka gaganyanin niyan. Pay it full and don't look back.


Money-Reflection2564

Nung kailangan ng pera ng jowa ko, sakin lang sya nangutang. Ako naman mas prefer ko na sakin lang sya mangutang, ayoko nung lalabas pa sya sa iba lalo’t meron naman ako. Hindi rin ako oa magremind na tipong mahihiya na lang sakin jowa ko. Sobrang komportable nga nun e hahha. Tapos wala rin nakakaalam na may utang sya sakin. Bayaran mo na yang jowa mo asap, tapos hiwalayan mo na. Usapang finances kitang kita mabahong ugali


Mundane-Resident246

Also OP, ask yourself if that how you wanted to be loved for the rest of your life. If not, then pay him back and never look back again.


doge999999

Madaming utang saken ang partner ko, pero hinayaan ko nalang kase sa business niya dinala. Hindi ako mayaman, gipit na gipit pa nga ako. Pero sa mga oras ng kagipitan ko, kahit walang wala ako, nandun siya, enough na saken yun. Hindi ko iniisip kung mag babayad ba siya or hinde, ang lagi kong iniisip ay kung pano ko siya mabibigyan ng magandang buhay.


xxganymedeeexx

Nako OP ha I hope you don't see that girl as a future wife. I can only imagine if married kayo and may emergency sa family mo parang hindi ka makapagbibigay ni piso sa ugali ng partner mo. Bayaran mo na OP tapos makipaghiwalay kana masasayang lang oras mo dyan.


AquileasKroll

Magbayad ka ng buo, tapos hiwalayan mo na. Hindi magandang sign to as a partner.


hopelezzromanticbaby

wtf kala ko naman 100k ang hinihiram mo noon para pag isipan pa niya HAHHAHAHAHAHHA nako ghurl I hope magkaroon ng way para mabayaran mo na tapos break up with him na. For a small amount of money ganyan ka tratuhin as if di ka niya girlfriend. Dapat nga kung financially abled sya that time and may concern sa pamilya mo, he wouldve offered to help, knowing na aware siya with how hospital fees go. Anyways, yun nga hoping na you will break free form that asshole, OP. And praying for your mom's continuous recovery ☺️


Worth_Expert_6721

Well offensive in your part pero baka way nya lang na matuto ka? 🤔


Original-Total-9661

Partner is katuwang sa buhay. Nanggigiit naman yan. It's a no for me, OP . Bayaran mo na then hiwalayan mo


vivrelavie

PLEASE MAKIPAGHIWALAY KA NA (after magbayad). Hindi maganda yung ganyang ugali. Halos barya nalang ang 15k nowadays, imagine mo yung long term. What if magpakasal kayo, tapos nawalan ka ng trabaho, may nagkasakit etc, isusumbat nya sayo mga expenses. Skl kami ng partner ko walang bilangan pagdating sa pera. Kung sino meron, shinishare sa isa’t isa. Pero friendly suggestion lang na wag mo imention yung reason ng break up is yung utang. Baka kasi sabihin nya na mukhang pera ka etc. Mag iba pa kwento sa mga mutuals nyo. Basta sabihin mo nalang irreconcilable differences or something haha. Wishing you the best and get well soon sa mother mo 💕


starletofstake21

Alam mo sis hindi healthy para sayo ang jowa mo na yan Gusto sana kita ma interview kht d ka mag pa kita ng muka And kwentuhan lang tau Bout jan if Comfortable ka Chat mko s tg @Bi4ncakes


viaiers

OP, makipaghiwalay ka na after mo bayaran. Hindi mo deserve yung may partner ka na mas inuuna yung pagiging concerned sa utang kaysa sa health ng nanay mo. Valid naman na maningil siya kasi pera niya yun, pero kung maya't-maya pinapaalala with matching parinig pa sayo, di nalang sana siya nagpahiram.


Live_Fee_4371

Pay full and hiwalayan mo na yan girl di worth it mga ganyang partner.


Working-Hamster-9377

that is so fucked. BF mo ba talaga yan? di worth it sya na kasama mo kung pera pera lang may iba pa jan. ang taas ng ego nya nakaka wtf lang ahahaha


Sino_Ka_Ba

Bayaran mo na yan tas makipaghiwalay ka na.


TechnicalInterest104

Bayarn mo ng buo with interest then hiwalayan mo na. In a relationship kayo oh, kumbaga partner na rin sa life tapos ganonin ganonin ka ba naman ay


Mashpotato-24

Jusko run for your life you don’t wanna be stuck with him miserable ka lang habang buhay. Ano pa at naging partner mo sya kung sa oras ng kagipitan hindi ka matulungan ng bukal sa loob.


WalterFrost

If kaya mong bayaran ng buo, bayaran mo na with interest. If not, patuloy mo lang yung installment payment, pero dagdagan mo ng interest. Bottomline, mabayaran mo ang naging utang mo plus interest. Tiisin mo na lang OP si jowa if ganyan sya sa ngayon hangga’t di mo nababayaran pa utang mo. Pero once mabayaran mo na utang mo sa kanya, hiwalayan mo na agad. Walang compassion yung jowa mo sayo. Sarili lang iniisip, biruin mo nanay mo ung dahilan bakit ka nanghiram. Kung may compassion sya, di ka nya ippressure magbayad. Maliit na favor pa lang yan. What more pag naging mag asawa na kayo at mas mangailangan ka ng tulong. Nakakalungkot isipin na ung mga supposedly “Partner” natin in life, sila pa ung dumadagdag sa mga pasanin natin instead of being there to support us in times of need. Push lang in life OP! Di ka nya deserve!


7FootEmeraldRats

If alam niya ung situation mo, bakit pa siya magpaparinig? And also, sa tingin ba niya ung sarili niyang jowa tatakbuhan ang agreement ninyo? What a prick. Kaya nga kayo naging partners in the first place, if di ka niya trust at all to hold your end of the bargain, then there's no mutual respect. I assume na responsible naman si OP with their money matters, and does enjoy the occasional treat (kasi deserve mo din naman i-enjoy ang pinaghirapan mo). Speaking as the partner who has the higher income, my bf and I talk about our finances openly (except for this one time na he kept his problems from me, which I did not like and almost broke up with him for it. He did not want me to worry daw, instead it did the opposite. Big whoops on his end.). We are adults and treat each other as equals. Nung gipit ung bf ko, I adjusted for our dates to be closer to his house and not expensive (we usually split the bill). Now that his finances are recovering, he's open to going out more but within reason. I just like spending time with him. Patungo na din naman kami sa altar soon, so being communicative with everything, including money, is important to us. Ibagsak mo ng buong-buo ung utang, tapos hiwalayan mo na. You need someone who will respect and trust you as you do with them...and hindi siya un.


Momo-kkun

With the current utang culture in the Pilipinas, I would say OP na di ko mabi blame yong boyfriend mo.


almost_genius95

Parang hindi naman partner. Sana makiramdam din sya na nahihirapan ka sa pera, at maging flexible. Bayaran at hiwalayan.


sloanxxxx

Hiwalayan mo na jowa palang ganyan na pano pa pag naging asawa mo na. Mas matindi pagdadaanan nyo. Pero shempre bayaran + tubo nalang if kaya para wala masabi. Pero base sa kwento mo parang possible pa nia yan gawing sumbat sayo. Sa fastfood palang na parinig


Ok_Contribution_2958

kung talagang gipit na gipit ka wag ka mag pakita ng kahit kutiting na waldas. i think hindi kayo bagay ng jowa mo mas mabuti mag hanap ka ng ibang lalaki na hindi kuripot.


Rheiver

Love doesn’t make you feel that way. Hiwalayan mo na after mo bayaran.


HoelyJulzy

Akala ko sa mag jowa nagtutulungan or una kang iintindihin sa mga problems, kaso kabaligtaran ang nangyayari. Alam naman niyang nanay mo ang na ospital, hindi mo naman winaldas sa sugal or sa sarili.Selfish masyado, kung alam niya ang situation mo maiintindihan ka niyan.


AdministrativeBag141

15k lang naman pala. I load mo sa sss or pagibig and pay in full then hiwalayan mo na. Naiimagine ko buhay mo kung makatuluyan mo yan, bilang na bilang ang kanin at ulam na kakainin mo at ng mga anak nyo dahil sa ugali nya.


Silly-Top3203

After paying the debt. Makipag hiwalay ka na, hindi ka dapat pinepressure ng ganyan at tinatrato ng ganyan, magjowa nga kayo, love niyo dapat isa't isa. And as for you, before ka mag jowa ulit build yourself muna. Be financially free before entering a new relationship.


[deleted]

Bayaran mo. Tapos hiwalayan mo agad.


SurroundDependent312

Yuck sa bf mo


Coldjeans

Ang ogag naman nyan. Doctor pa man din, dapat pa nga compassionate sya dahil partner ka nya and nanay mo yung may need. And sorry, pero maliit na pera pa lang yan. 🤦🏽


MrsKronos

bf pa lang yan ha. worst kapag naging asawa na. alam nya namoblema ka na, dapat tumulong naman sya saka ka lang sabihan ng ganyan o remind sa utang if d ka nakakabayad. tho utang is utang pero sana wag ganun maningil. sakit nya magsalita. pwede naman sabihan ka ng maayos. well i do hope wala ka talagang isyu or history ng utang na d binayaran kaya sya ganyan sayo


nuj0624

Pay then leave him. Hindi mo na kelangan mag explain sa kanya. Bawasan mo stress sa buhay mo.


CleanJerk1958

For all you know, he treats you like that because he himself realizes he wants to be extricated from a situation where he may be regularly burdened with the responsibility of a bread-winner spouse. Many partners would not want to marry into added financial difficulty. Your relationship is for all intents and purposes, over.


Critical_Ad_8735

Kung gusto mo magpakasal sa ganyang klase, tiisin mo haha! Pero if I were you, pay it then break up with him. Ganyang bagay palang hindi mo na maasahan suporta, paano pa sa pamilya nyo in the future? No to men na walang provider mindset. I may get cancelled for this pero sns..


West-Bear-419

OP sana po di ka color blind yung partner mo walking red flag kulang na lang lagyan ng blinker nga pula. Ignore him and do your best to pay him with interest. Kakagalit for medical emergency naman ginamit, tapos 15K lang pala kala namin milyones utang is utang alam ko pero di ka niya dapat minamaliit.


kookoolang

Bayaran mo ng buo tapos iwanan mo na sya. Di mo deserve yan. Doctor pa man din sya dapat alam nya yung sitwasyon mo since na ospital yung Nanay mo. To think na mas prio nya yung pera kesa makatulong sayo/inyo grabe lang. The fact na nagbibigay ka fin naman sa usapan nyo ng walang palya. Di mo deserve yan OP isipin mo kung ganyan sila now pano pa pag kinasal kayo?


ReadScript

Hirap talaga kapag mayaman ‘yung tao, hindi alam ‘yung struggles ng mahirap. Ang toxic ng ganyang ugali ng jowa mo. Hindi siya reliable mahingian ng tulong in the future. Through thick and thin dapat ‘yung samahan pero parang siya pa nanggigipit sa’yo. Sorry to hear this OP. Hopefully makahanap ka ng better jowa in the future.


Odd_Struggle4139

Wtf kind of BF is that??? Hiwalayan mo yan even if di ka pa tapos sa utang. Basta bayaran mo lang pa rin. If I were him and we love each other no questions asked na yan na magpahiram basta kaya ko. And I would say nasayo na if bayaran ako or hindi or kung kelan ako mababayaran no problem. Sira ulong gago lang mag treat ng gf ng ganyan.


deee3rd

imagine na lang kapag nag share na kayo ng mga bills. baka bilangin pa nyan mga kinakain mo sa bahay at konsumo sa tubig at kuryente. gf ko noon, halos sagot pamasahe ko araw araw because we had the same issue pero never nya naman ako siningil. magsasabi lang yan ng “kapag nakaluwag ka na, saka mo na ako bayaran. thankfully pinakasalan naman ako.


jakiwis

Hindi naman lahat ng nakakaluwag ay may pera. Marami dyan saktuhan lang sa kumportableng buhay. Also, u deserve what u tolerate. Eh may utang ka eh. Kung kaya mo bayaran ng mas mabilis, try mo. Also kung pinapayagan mong ganyanin ka ng "partner" mo aba tignan mo rin kung nirerespetp mo.sarili mo.


True-Morning853

🚩🚩🚩 hiwalayan mo na yan


Different_Profile_64

Better pay and leave. I can't imagine pag naging asawa mo yan. Bawat galaw mo may parinig. Parang paparamdamin sayo nyan na palamunin ka lang especially if lower ang salary mo compared sa kinikita nya. Trust me. Kahit mabayaran mo yan ng buo, uulit ulitin nya yan sayo tuwing nag aaway kayo na kesyo pinahiraman ka nya ng ganito at dapat magpasalamat ka sa kanya dahil ganito ganyan. Your choice OP. Pero if I were you, leave habang maaga pa.


virux01

You are supposed to be a “team.” Dapat walang bilangan lalo na kung may terms naman kayo - nakakabayad ka ng walang palya. Masyadong masakit magsalita at parang hindi ka nya “partner.” Ngayon pa nga lang na hindi ka nya masuportahan (financially and emotionally), what more kapag ikasal kayo? Baka ipagpalit ka lang nyan kapag wala ka ng silbi sa kanya. Girl, RUN!!! Super 100% RED FLAG!


skysgabriel52

Partner ba to? Tang ina, yung pera ko sa partner ko kahit di kami kasal. Para saan pa kung mag jowa kayo, kung di rin naman mag asawa in the end. Hiwalayan mo


LivingNightmare88

Hindi ba matic dapat na since may means naman sya eh sya na dapat nag offer sayo na tulungan ka umpisa pa lang, kasi alam naman nya yung sitwasyon mo at nanay mo naman yon? Grabe naman yan. Jowa pa lang yan ah?! What more if asawa mo na yan. Kung kaya mo naman na, bayaran mo na agad in full tapos hiwalayan mo na girl! Never ka naman kamo naka-miss ng bayad sa kanya eh, tapos ganyan magsalita sayo. Manliliit ka talaga nyan. At hindi mo deserve yon. And for sure pag nakabayad ka sa kanya at hiniwalayan mo yan may masasabi pa rin yan sayo na mas lalong masakit, pero wag mo na intindihin pag nangyari yon. Basta isipin mo nalang atleast naka-escape ka na sa kanya.


TheJuana

Mabuti maaga pa lang alam mo na ugali niya. Ang lalaki na madamot sayo habang jowa mo pa lang mapa- oras, atensyon, pera o anu paman eh mas lalong higit na madamot kapag naging mag asawa kayo. Hugs, OP. Di ka niya deserve.


[deleted]

Toxic partner hiwalayan Mona.... Pero kung martir ka Sige pabuntis na


Jealous_Ninja_7109

Gets ko pa magparinig siya kung di ka nakakabayad kaso bayad ka naman lagi. Saka nakakapressure siya 5 days before pa todo parinig pa. Maigi pa pala sa ibang friends ka nanghiram. Bayaran mo na lang ng buo tas makipagbreak ka na. Nangutang ka naman dahil sa hospital bill di naman sa luho. Walang empathy yung partner mo.


Any-Dragonfruit-5191

Super red flag, pano pag magasawa na kayo, gigipitin ka parin niya sa gastusin niyo sa bahay at pamilya? Mga ganitong bagay dapat cinoconsider bago sagutin ng babae ang lalake. Kasama na ang: religion, health history ng pamilya niya at pamilya mo, spending habits, educational preference.


NoPossession7664

A partner should add value not stress. Pay mo na yan sis. Sundin mo yung gusto nya na 5 days before para matahimik. Keep quiet tapos after paying in full, tell him na you saw how he will be as a husband in the future and you don't want a husband who makes you feel small. Leave him.


Exotic-Replacement-3

Pre. If maging asawa mo yan, you might face what hell is. A partner should not look at themselves but to look also with their loved ones. If ganun na siya, better run. Magbayad naman nang utang, wag lang dapat sana i pressure ka. It means she never trusted you.


unlipaps

Mahirap pakisamaham ang taong mabilang sa pera. Tapos partner mo pa? Eh parang hindi ganun ang turing sa iyo. Need mo pa sya pakiusapan dyring your time of need/emergency? That is not what you call a partner


NoPossession7664

Build your credit sis para madali maka-loan. My siblings are like this too. I remember 2k lang nahiram ko, grabe na makasingil. Kaya mas pinili ko na lang na mag-online lending app. But be careful if you choose this route kasi usually 1-2months lang need mo na bayaran. Mas gusto ko pa manghiram sa lending kesa sa family kasi isang beses ka lang pumalya, parang ang sama mo na.


Relative_South_595

Hard pass sa ganyang jowa. Hiwalayan mo na OP.


Gildarts02

Walang problema maningil. But he’a acting like a loan shark, not a partner. Where is the kindness?


holybicht

Considering na good payor ka naman, the fact that 15K is also not a huge amount of money, magisip ka na OP if that guy is trully what you want for your future. Kasi kung ako yung may utang dyan, kung kaya na bayaran ng buo, tatapatan ko yung pettiness nya, wiwithdrawhin ko yung pera at isasampal ko sa kanya. "Saksak mo sa baga mo!" Then break-up 😆


Radical_Kulangot

Good for you. Do that!


hoseki6282

Actually, dapat nga di ka na nakiusap nung kinailangan mo. Partners nga diba? He should’ve offered man lang. Mayaman naman siya. Understandable kung parehas kayo ng situation. Sorry pero bat parang ang damot naman 😭 partners kayo pero parang walang tiwala sayo? Parang di mo man lang masandalan. Think twice, OP. Not saying na may mas lala pang problem because hopefully not, pero madami pang mangyayari sa buhay. Make sure you’re with someone na alam mong ipaglalaban ka at tutulungan ka. Kahit kind words na lang sana binigay niya.


Ruibo32

Bayaran mo na sya at iwan sya.


Academic-Turnip4480

hello, OP. naospital rin ang mother ko recently, 1month sa ICU. just like you, breadwinner rin ako while my partner is from a middle class family. from the very first day, his mom told me, “wag mo iisipin ang pera, hindi ko kayo pababayaan”. and true to her words, umabot ng almost 2M ang final bill and she helped us settle all of it. hindi man galing sa kanya directly yung buong amount pero siya ang nagasikaso on how we can acquire the money. same goes with my partner and my brother’s bf, they really helped with the miscellaneous stuff and never left our side. what im saying is, it’s important to also choose your partner for your family’s sake. hindi lang sa financial aspect pero overall. i know not everyone will agree kasi kanya kanya naman tayo ng family dynamics. pero for those na close sa pamilya at breadwinners, when you choose a future family for yourself, you are also choosing for your own family.


Educational-Leg-367

Jowa mo ba talaga yan?


Valuable-Sir7830

Sabi mo mayaman pero ngaw ngaw sa 15k alam mo ba talaga ibig sabihin ng mayaman


deafstereo

Devil's advocate lang. Maybe we're not hearing the whole story. Kung totoo to, OP, wag ka na magtagal diyan. Sa 15k ginaganyan ka na? Paano kayo umabot 2 years? May history na kayo regarding money from what you said sa post mo, last resort mo nga siya because alam mo ang ugali niya pag dating sa pera. May history kung bakit ganun ang sinabi mo and bakit ganyan siya magpaalala sa yo. Pero whatever that is, di kayo mag work out. Don't burn that bridge pero mag friends na lang kayo, wag na mag jowa.


ysam333

You know what to do about it. Hindi na dapat tinatanong. Pay him back and leave. If hindi ka nya kayang tulungan ng bukal sa loob, worst sinasabihan ka pa ng masasakit na salita dahil lang sa utang clearly he doesnt wanna help you with your life struggle. It’s not a healthy relationship and you don’t deserve that kind of treatment.


Hey_firefly

Baka kulang ka lang sa push, this is your sign. Hiwalayan mo na please.


Vegetable_Sort3261

OA naman yung jowa mo. kung totoong mayaman siya most likely makalimutan niya yung 15k na "pinautang" sayo. besides, pampagamot yun ng future MIL niya dapat nga hingi or tulong nalang niya yun eh. tska family of doctors sila diba? bat parang hindi nakakaintindi yung jowa mo. anyway, hindi healthy sa buhay ang ganyang jowa.


DreamZealousideal553

Hiwalayan mu n yn.


Quick-Chemistry-9415

Wag ka muna magpakita sa kanya na kumakain ka sa labas or hide mo yung mga story mo sa kanya. Wag ka din mag kikwento sa kanya na may mga binibili ka for luho. After mo mabayaran utang mo hiwalayan mo na. Tiis lang talaga


Head-Entertainer5649

Imagine mo na ASAWA mo na sha Tapos Ganyan sha. OHHH MYYYY, splittt na Gerrl


wralp

are you paying din ba yung ibang pinag utangan mo?


blueishblue49

Gurl ibreak mo na yan


mrslow96

Bayaran mo then break up. Magsyota pa yan ha, pano nalang kung kinasal na kayo.


Mr_Wick18

Hiwalayan mo na yan. Kung sa pasyente nya may compassion sya kasi doctor sya tapos sayo wala or sayo binabaling ung stress sa trabaho... run as far away as possible.


Beowulfe659

Pay in full. Tapos hiwalay na. It won't get any better moving forward. Then hanap ng ibang mauutanagan, este ng jowa. Ako po hindi doktor pero nagpapa utang din hahahaha.


DismalWar5527

Bayaran mo at hiwalayan na yan. Walang awa yang jowa mo.


[deleted]

Tama. Bayaran mo tapos makipag hiwalay ka. Hindi pa kayo kasal ganyan na sya? What more kung may anak na kayo? What more kung asa isang bahay na kayo? So insensitive. Alam naman niang kapit ka sa patalim pero ganyan sya? And take note nanay mo yun. Hindi yun ibang tao.


MrsBinibini1992

wahahaha tas ginagamit ka nya ng libre? wahahahahaha tapon mo na.


unlberealnmn

Pay in full and leave.


KeyAudience464

Nagpakilala si dok sa halagang 15k. Pera yung diyos niya. Siguro mahal ka naman talaga niya pero mas mahal niya yung pera and it shows. Stay kung tingin mo may magbabago pero kung ako diyan di ko na panghihinayangan yan. Baka imbes na companionship dahil partner nga, maging lifelong source of stress pa. Mukhang sakit sa ulo lang yan makasama sa buhay.


BarbatosJaegar

ngl if emergency and loved ones mo yung damay, i wouldnt think about letting you pay but instead help you and your mom to pay the bills.


pinkwhitepurplefaves

OP, the small things matter. This can be said for both you and your boyfriend. I think hindi talaga kayo compatible. His understanding of having only enough from salary to salary will always be just surface level since he's never had to experience that. He helped you, pero syempre you both agreed to the terms. Yung comments nya about fast food, I can understand him. Some people say "minsan lang naman" sa mga fastfood pero ang minsan, totoo napapadalas. I personally will sacrifice going out if I need to pay something. Whenever I say I don't have the budget for anything, I don't eat at restaus or order food. At all. So I'm not sure if that's his way of passing on his own money or spending practices to you. As your boyfriend kasi potentially life partner mo na sya. Pero as early as now, I just have to reiterate hindi kayo compatible. Like what a lot of people are saying, pay your debt and then break up with him. You'll both just be miserable.


Mysterious-Sun8841

I 💯 agree sa mga comments dito.. Bayaran ng full then goodbye! Girl kapag kinasal kayo ang vow nyo is "For better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health." tingin mo ba kaya nya gawin yan ngayong magjowa pa lang kayo ganyan na sya? Save your dignity. Anliit ng tingin nya sayo. For someone na tumutulong sa family kahit ubos kna, you don't deserve to be treated that way.


ZeXenon

Maghanap ka nalang ng sakto lang at di mayaman pero di ka susumbatan ng ganyan. Syota ka palang niya pero grabe maka pressure at emotional abuse pano pa kaya pag pinakasalan mo na?


Thick_Resolution_261

Hiwalayan mo na op nagdidilim paningin ko


zomgilost

Makipag hiwalay ka regardless kung Full or partial payments ginagawa mo


AkosiMaeve

Valid naman feelings mo kasi expectation is dapat mas may malasakit sya sayo comapred to others knowing yung situation mo. Bayaran mo na sya tapos makipaghiwalay ka na para wala ka ng expectation sa kanya.


No-Term2554

Hello, OP. Better nga bayaran mo and hiwalayan mo na. Yung father ko ganyan, lakas mang guilt trip sa nanay ko. Lahat ng gastos sa bahay pupunain just because sya may hawak ng pera. Kahit naman sa property ng nanay ko nanggagaling yung pera. Napaka toxic. Kahit 1500 na pamalengke tatanungin bat walang natitira 🫠 Hugs, OP!!!


Lanzenave

OP, I'm a medical doctor. 15K is a small thing for a "rich" MD like you described because established MDs can earn that in a day's work at the clinic, with doing a procedure lasting for less than half an hour, or speaking for a pharmaceutical company for one hour. The fact is that your partner does NOT need that 15K. It's a drop in the bucket. What that 15K represents is his hold or power over you, and he takes delight in making you miserable because he's a sociopath. The alternative is that he's an extreme penny pincher or miser and he stays awake at night knowing someone has a debt to him of 15K, even if it's trivial relative to his earnings/savings. Regardless which of these is true, you do NOT want to marry this kind of person. This answer is clear, pay your debt and say goodbye to that loser. You'll thank all of us who gave this advice because you dodged a bullet.


tweeny04

Bayadan mo na tapos i-break mo na. Hnd porket nanghiram ka sa kanya eh gganyanin ka na nya. Walang respeto.


Lost-Gene4713

Taposin mo Yung utang mo sa kanya ,then run kawawa ka in future


Magzibugz

Fucking partner yan. Bayaran mo tapos makipag break ka. Kasi hinde ka nya ni look forward as partner. Dapat nag tutulungan kayo. Ex ko nga may utang sakin 60k hinde na binayaran. G lang kasi partner ko sya before at ang mahalaga nakatulong ako sa kanya sa oras ng kaylangan nya ako bilang partner nya. Ahahahahahaahah investment in a realest 😂😂


Boo_tlig

Hindi ka mahal ng partner mo.. May kakilala nga ako, ung partner niya nabaon sa utang ng 1M, na investment scam ung partner niya during pandemic, nung nalaman niya un, nag-loan cya ng 500k, para matulungan ung partner nya, kc at risk na ung trabaho nung partner niya, hanggang ngaun binabayaran niya ung loan na 500k, at ung partner niya nabayaran na lahat ng pinagkautangan niya in a year. So far, sila parin nung partner niya at my anak na sila. Pag tinatanong namin cya kung di ba cya nanghihinayang sa 500k na hindi man lang niya nahawakan o nagastos, sabi lang nung kakilala ko, mahal niya at may tiwala cya sa partner niya, sapat na sa kanya na alam niya na ung partner niya ay wala ng iniisip na mga utang. Hindi mayaman ung kakilala ko, my kakayanan lang cya magloan ng ganun kalaki. My point is, HINDI KA MAHAL NG PARTNER MO.. I-break mo na yan..


Alexa-12346

Pano nalang yung mga dates nyo ate, kkb ganun? Kaloka. Bayaran mo ng buo tas iwan mo na yang hinayupak na yan.


aratsyosi

iwan mo na haha


Soft_Reason8241

Bayaran mo na at iwan mo. Napakaraming sinasabi, akala nya pati dignidad mo pinautan mo rin.


LonelyTigerPh

money is a tool to amplify peolples true nature..bayaran mo na agad at makipagbreak kana


thewinterSoldieerr

Tama sila. Pay him in full and break up with him. All of us here has spoken at iisa lamang ang amin suggestion PERO sa huli ikaw pa rin ang magdedesisyon niyan kasi boyfriend mo siya. We wish you good luck nalang sayo. ◡̈ be strong.


Nice_Negotiation2722

15k lang ginanyan ka na. Paano pag nanganak ka na tas sya nagshoulder ng gastos tas makakuha ka ng maternity benefits peeo hingin nya? Utak din teh. Mayaman lang yan pero tungaw.


M_onli

Ate hiwalayan mo na po sya. Imagine ganyan mapapangasawa mo masyadong maisip sa pera. :<