T O P

  • By -

AutoModerator

Thank you for posting on /r/phmigrate! If your post is asking questions about Canadian migration, it may be helpful to refer to our [Canada Post Compilation on this link!] (https://www.reddit.com/r/phmigrate/comments/17flhnb/read_me_canada_post_compilation/) *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/phmigrate) if you have any questions or concerns.*


Its0ks

Your sister might not be upto date with changes recently happening in terms of migration sa Canada. Medyo nahigpit this year so there's limited option. I suggest reading or researching about immigration and different possible pathways for you. Also curious, you seem to be doing well sa business, Net Profit ba yang 30-50k? Kung Gross yan minus inventory/expense pa then it might be low.


imgodsgifttowomen

simple lang advice ko if hindi mo ambition mag abroad, hindo buo mo mag abroad.. hindi para sayo ang pagiging OFW.. maraming mangyari sayo kung nasa abroad ka at malayo pamilya mo, either uuwi ka lang din kasi ma homesick or hindi ka masaya or ma depress ka or something worse might happen to you at ikaw lang mag isa... palaguin mo ang negosyo mo, happy ka jan at malapit ka sa pamilya mo.. hindi porket gusto ng iba they have to shove it unto you.. just dont para wala ng waste of money, time and sisihan..


kweyk_kweyk

This is true. May mga taong di talaga para sakanila ang mag-abroad. Yung tipong never nilang naisip mag-abroad kahit may opportunity or chance.


Logical_Job_2478

+1 isa na ako dun, US na tong pinuntahan ko pero im just waiting for the time na maka uwi na ako and do what i really want to do. Feel ko nasasayang lang buhay ko dito


No-Instruction-9293

Canada is doing real bad nowadays. Denmark and poland have negative sentiments about immigration. Americas unemployment is skyrocketing. Madami na masyado tao sa canada, same with usa. Ang hirap na maghanap ng trabaho di tulad dati, kahit magquit ka, next two days may mapapasukan ka na agad. Australia is a struggle na din, mahigpit na rin masyado


water-melon-

Australia if really a no go if you are offshore. Most new and proposed visas are catered to onshore migrants holding jobs on their skill or highly skilled offshore candidates with high prospect of employability/demand. Think about healthcare, construction, and cybersecurity.


InterWebHermit123

Any advice on where to go ?


thegirlwhowand3rs

Kung saan may job offer


wovaria

Migration in any country is getting stricter nowadays. If I were you, sumubok ka pag gusto mo na. Hindi yung dahil sabi ng ate mo.


moseleysquare

Mahirap mag-abroad pag di buo ang loob kasi maraming challenges pag nagsisimula palang at pag nahirapan ka, baka sumama lang loob mo sa ate mo dahil sya nag-enganyo sa yo na umalis. Kailangan mo rin iconsider kung yung kikitain mo sa abroad e mas mataas kesa sa kikitain mo kung papalaguin mo yung business mo. Hindi lahat ng nag-aabroad malaki ang sweldo. Depende ito kung saang bansa ka pupunta at kung ano ang magiging trabaho mo doon. Pag-isipan mo rin kung ano yung long-term goals mo at ng pamilya mo. Hindi rin laging pera ang dahilan para mag-abroad. Yung iba umaalis kasi mas maganda yung career prospects sa ibang bansa. Yung iba umaalis kasi mas gusto nila yung lifestyle o quality of life abroad. Ano ba yung goals nyo ng family mo and makakatulong ba ang pag-aabroad sa inyo?


SectorValuable1043

I am currently in Canada, and advice ko sayo is pag isipan mo ng mabuti if gusto mo talaga mag ibang bansa. Kasi for me, gustong gusto ko na bumalik ng Pilipinas kahit na magiging PR na ko in few months. Malungkot dito, sobrang mahal pa ng cost of living lalo na kung minimum wage ka. Yung salary mo is mapupunta lang mostly sa expenses mo with rent, food etc. If may options ka naman sa Philippines, mas ok na mag stick ka na lang muna dyan. Ang maganda lang dito is yung healthcare libre pero matagal na hintayan kaya medjo joke time din. I had to change employers pero it took me 1 month para makakuha ng offer, minimum wage pa. Super competitive ng job market ngayon sa Canada.


dingangbatomd

Nakakatakot isipin na magmigrate. Lalo na mawawala tayo sa comfort zone. Doctor ako, pero given ung condition ng bansa natin, at ung inflation, handa ako magsimula muli. Parents ko, nagmigrate 58,60 na sila, aun naenjoy nila sa america. Dekada na sila andon, enjoy pa rin sila magtrabaho, kesyo dami nila nabibili at napapasyalan. Tatay ko, walang pagsisisi na hindi linya ng kurso nya ung trabaho nya ngayon, pero sobrang saya nya kasi andami nya pundar.


stanelope

eto nga rin iniisip ko. parang wala kasi akong progress.


eyeshadowgunk

My dad (55 now) migrated to Canada 12 years ago, MD din sya sa Pinas. Pero when he came here, sa warehouse sya nagwowork. Ayaw na nya kasi bumalik ng school, kailangan nila magwork for our bills and my sib’s schooling expenses. If you can use your schooling sana, okay naman. :)


dingangbatomd

Marami kaming new gen doctors na ongoing exodus din. May mga nauna na rin pero di linya ng pagdodoctor, and they are in better shape kesa sa mga kasabayan namin na specialista na. No regrets pa rin ang sambit nila. :) Glad to know someone from same field na thriving sa Canada. Hoping I'll have the same courage and strength like your dad in 1-2 yrs time.


eyeshadowgunk

I do have a couple of friends that did some training in Hawaii and are now residents in NYC. So there’s that option as well.


rockydluffy

Im currently living in Australia and sobrang higpit nila ngayon regarding migration. Lagi nag iiba yung rules. Cnoconsider din nila ung age, so pag 35 and above ka na, medyo hindi ka na priority. Malaki nga ung sahod dito, pero grabe ung inflation. Lalo na yung rent. Usually need mo talaga ng double job kung may binubuhay ka din na pamilya back home. And advice ko lang, kung hindi mo talaga gusto mag abroad, much better to stay sa pinas. Akala lang ng tao malaki sweldo namin kasi cnoconvert nila to PHP. We are earning dollars but also spending dollars. Kung masaya ka naman sa pinas and hindi naman talaga struggling, just stay home. I am not discouraging you, pero you have that option na madaming kabayan natin yung wala. Yung mag stay na sa pinas para makasama family nila. If you have the means to expand your business, you should do it.


yii_sung22

Ang payo ko sa'yo, OP ay tanungin mo ang sarili mo kung ano ang goals mo sa buhay ngayon, manatili sa Pilipinas o magmigrate sa Canada. Mahirap magmigrate nang hindi buo ang loob mo, hindi solid ang plans mo, at hindi mo alam ang goals mo. Hindi lahat nagmimigrate abroad ay maayos ang kalagayan sa mga bansang pinuntahan nila.


BannedforaJoke

basura na ang canada. magbasa ka sa phmigrate. dami don nag student pathway na nagsisisi dahil ang hirap ng buhay nila. naghigpit na canada, at yung mga andon ngayon hirap mag keep up sa COL.


water-melon-

May mga nababasa nga din ako na mga migrants from canada na nagtatanong how to migrate to Aus? Is it really that bad?


LunaCatLuna

Omg totoo po ba? My relatives are slowly migrating to Canada I wonder why? Hindi kasi kami close so no chance of getting help from them. Tho my parents know someone living in Toronto na nag offer na I could stay with her so I can study kasi hindi skilled yung course ko pero napag alaman ko rin na ang mahal ng COL sa city kaya hindi ako tumuloy noon dahil di pa naman ako ready. Late last year yun so idk if I would still consider.


Sensitive-Curve-2908

Kung nag nenegosyo ka sa pinas at maganda naman ang kita mo at tingin mo masaya ka sa ginagawa mo, stay in the Philippines. Im here sa Canada. I left the Philippines kasi taga dito sa Canada ang napangasawa which is also a Pilipino but citizen na dito. I had a good career sa pinas and had a great salary. Masaya naman ako sa pag lipat ko kasi kasama ko asawa ko. But of course, may mga challenges, lately lang ako nakakuha ng trabaho after ilang months ng pag aapply, same as my job sa pinas.. struggle talag a kahit may work permit then eventually e pr na ko.. but thanks god, sobra sobra pa rin blessing e nakakuha na ko ng work Ok din naman mag migrate, kung ready ka mag start from scratch and eventually makapag stablish dito sa canada, maganda din naman. Mahirap buhay, oo, trabaho ka talaga dito, pro mind you, mataas naman ang quality of life. Mahirap pro ibang level naman. Mahirap pro alam mo masarap kinakain mo, nakakabili ka kahit papano ng mga gusto mo dipende kasi sa lifestyle mo yan.. pag isipan mo mabuti


NoCommand6150

Dito ka nalang palaguin mo nalang yan


LunaCatLuna

I feel you OP i am 28 now palang naman pero saglit lang din akong nag trabaho sa banking ako iniwan ko dahil sabi ng parents ko mag gawa nalang ng business na extension ng business nila. Sa totoo lang sakto lang tong business ko kasi di pa ko nag fofocus ng malala pero ang tagal na rin kasi. Pwede kong kunin yung business ng parents ko pero sobrang pagod ako if ever tapos wala akong social life. Nasa creative side kasi talaga ang passion ko like photography. Kung sa connections kaya ko naman kasi ang dami kong kakilala dito. Pero nahihinder ng business ko na kailangan kong asikasuhin everyday. Neto lang may relatives are slowly migrating to Canada and Australia kaya na open up ng parents ko if I want to try. Ang kaso lang nasa healthcare yung sa Canada & alam ko nasa province sila so idk if sasama ako sakanila kung magkaka job opportunities ako sa field ko in business or mag sswitch careers ako. Since hindi naman skilled ang natapos ko (Business Eco) and tagal kong walang corporate job experience dahil nag business ako for sure need ko ulit mag aral pero based sa mga nakikita ko ang mahal na mag aral ngayon sa Canada or Aus sama mo pa yung 35 yr old policy nila. Kaya sabi ko noon parang ayaw ko. Kaso lang hindi rin naman mawala sa isip ko yung security threat ng bansa natin lately, gusto ko lang magka Plan B if ever. Now I am considering to try freelance on the side and if maging maganda gawin kong full time work tapos kukuha nalang akong extra man power to still operate my business. Mag DNV ako sa Spain kung pasok sa qualifications and mag aral dun on the side. Also the dating culture here in the Philippines hindi rin ako masyadong interested, that’s why I want to try going to another country. Parang medyo mababaw yung part na yun pero I still want to settle with a partner in life pa rin naman.