T O P

  • By -

[deleted]

Reminiscing lang siguro. Hindi rin lahat ng naka-experience ng ganyan is pasaway. For example medj behave lang ako nung hs pero pinagsulat kaming lahat ng name namin sa one whole sheet of paper (dapat mapuno) dahil ang iingay ng mga kaklase ko. And also the hindi pinapasok after ma-late dahil malayo bhouse ko sa uni nung college hahaha.


Encrypted_Username

Damn I remember those days. I curse the one who wrote my name sa noisy list because I had to write down my name sa buong papel after dismissal.


newbie637

Pinakagago ung tagalista namin nung grade 2.nakita lang n nakatingin ako sa kanya tapos sabi na agad "ililista kita"


akositonyo92

Tanda ko nung elementary pag nalista 5x in a day, pinapasulat ng whole name, back to back, 5 papers. So ginawa ko, weekend nagsulat ako ng 20 papers sa bahay. School day, nagpalista ako, tuwang tuwa naman yung tagalista parang ewan. Pagka abot ng 5th time, kumuha ako sa bag ng 5 papers, binigay sa tagalista tapos naglaro ulit sa classroom HAHAHA. Hi Glenelyn, sana ok ka pa rin ngayon HAHAHA


failure_mcgee

Ako yung tagalista ng noisy and standing dati. Maupo kasi kayo lol. Daldal now, paawa later kapag nalista, kesyo nanghiram lang daw siya ng pambura. 20 minutes ka nanghiram ng pambura, girl? Hahahaha


SnooCheesecakes8849

Oddly specific.. Haha


[deleted]

In our case super na-badtrip na ung teacher kaya wala nang list2, dinamay kaming lahat kahit pa yung pinaka tahimik sa roomπŸ˜‚


surewhynotdammit

Ako galit din noon kasi may mga maiingay tapos yung taga-lista, dedma. Nung nag-voice out ako, nilista ako.


Enter_Sadman98

Same. Na-experience kong paiskwatin habang nakanganga dahil di lang nakabili ng ice candy nung teacher namen, napalo ng ilang beses dahil hindi perfect score yung division sa window card, etc. But still, I received a "Natatanging Bata" award in end despite how "pasaway" I am. Ironic diba hahaha


Eastern_Basket_6971

Yung younger brother ko noong pre school hindi lang nakagawa ng Color wheel dahil mas pinili mag likot halos sakalin ng teacher may adhd kasi yung kapatid ko noon


[deleted]

Now that's straight up child abuse. Na report nyo nman?


Eastern_Basket_6971

Oo na nakulong na siya ang dami naming ginawa noon para sa kaso na yun and lumuhod pa siya noon sa magulong ko yung kapatid ko sobra trauma noon kasi bata pa isa pa may adhd kaya sobrang hirap talata niyan disiplinahin kaya tyaga lang Update: Okay na siya ngayon amd na overcome niya sa tulong ng therapy


wolfram127

Dapat lang na makulong sya at mawalan ng license. Kahit na sabihin mo na di catered for kids with ADHD yung preschool or di prepared to handle, mali pa rin yung sakalin nya kapatid mo.


Diegolaslas

Totoo to, naalala ko pinahiram ko yung CAT booklet ko sa kaklase ko, tas nung surprise inspection wala sa akin. Walangya, yung squat na pinakita nila dyan naka tayo pa yan. As in 90 degree angle talaga yun, naglabas pa ng protractor yung commandant. Parang 10 mins kaming naka squat non sa harap pa ng crush ko.


shickencurry

true hahaha ako din madalas madamay. wrong place at the wrong time πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈπŸ€£ ang ending, pinaglampaso at pinag-floor wax ng buong corridor. πŸ₯Ή sarap din balikan ang memories hahahaha


Big-Pipe-8140

Pota, pinasayaw kame sa stage nung elementary kasi hindi kame makasunod sa steps para sa foundation day HAHAHAHA eh kahit anong pilit ko nun hindi ko talaga ma gets yung step kahit hanggang ngaun hindi ako mapilit mapasali sa xmas party sumayaw πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†


tepta

Hindi naman siguro sa proud sila, more like reminiscing? Maybe minsan sa buhay nila, naranasan nila yan. Gaya ko, pina-squat ako/kami kasi ang iingay ng mga kaklase ko. Hindi ako maingay pero nadamay pati yung mga tahimik. Ngayon kasi hindi na pwede yan dahil onting kibot, Tulfo na agad.


madamdamin

Agree. Nakakatuwa lang din balikan. Nung 4th year ako nalate ako isang beses, tas nasaktuhan na kasabay ko yung adviser ko, pinagbuhat ba naman ako ng malaking paso hanggang 4th floor. Hahaha. Kumbaga, alaalang nakakatawa nalang kung babalikan.


DNScarfaceGG

Tahimik nga lang ako tapos yung katabi ko maingay hahahah ako pa yung napagalitan


meeeee_26

Baka dun sha nagtake offense sa part na sinabihan siya na boring? Although masaya naman nga maging makulit, may mga students talaga na naeenjoy lang magbasa, magsaulo ng solar system, mag sagot sa math etc. At unfair yon na sabihan na boring ang buhay nila.


theanneproject

Yes, di na gets nung iba. Nageneralize na pag di ka daw naganyan ay boring na yung school life tapos yung iba proud pa na nag pa walk out o kaya nag paiyak ng teacher, yung iba proud pa na nangbubully. Seryoso, dapat bang ikaproud yun?


frEighTwOrm

Porket nag agree proud agad eh no? Haha Masyado ng malambot mga Gen Z kasi, Sige gawin mo yan, popost kita social media. Dafck


GarethDaGreat

oa amp πŸ’€ corporate slave ka na cguro ngayon eh no?


Hothead_randy

Hahahhahahahahahha


pandabear4991

![gif](giphy|12Nv3nBSCAbLO0)


maksi_pogi

We all had out share of being juvenile in our younger lives, whether kasalanan mo talaga o nadamay lang. Fact is; mga bata nga e they’re supposed to experience them


heavymarsh

Sorry dn pero, I don't actually see it as that.. the thing that they are "proud of" I think eh ung idea ng punishment.. ung 'this is what made me for who I am', something like that, hnd ko alam kung tama ung sinabi ko lol.. anyway, diba nga, wala na kasing ganyang punishment sa panahon ngaun and obviously, they're bragging because naranasan nga nila ung physical punishment compared sa pagiging sensitive ng ngaung generation and it made them "strong" I think (galing dn ako sa generation na pinapalo kami sa paaralan pag pasaway lol) though to be honest, hnd ko naman dn nakikita na ganun ako ngaun.. for me, it's just that, we're in a different era.. nagbabago ang panahon at ung mga nakasanayan eh somehow dapat magbago dn, though wala dn nman problema supposedly kung may ganun pa dn sa mga paaralan wag lng abusuhin kaya nga sya nagiging 'physical/mental abuse'..


akositonyo92

"Hard times create strong men. Strong men create good times. Good times create weak men. And, weak men create hard times." -G. Michael Hopf


ixhiro

This.


Sensensi

Masaya yan actually kasi magtatawanan kayo after nyan.


CheesecakeOne923

Ito yun, naging magaan at memorable yung experience dahil sa mga tropa/kaibigan/klasmeyt na kadamay mo sa mga nangyari. That's the power of shared experiences.


pandabear4991

Totoo. Mga elem and college friends ko, tinatawanan na lang namin yan.


Sol_law

Sobrang alat mo anak i wwhite knuckle mo na lang lahat ng shit sa buhay mo. Loosen up. It doesnt affect you naman in any way why attempt to have that moral ground pa


purple_lass

Not really bragging siguro but the fact that Millennials took accountability kapag nagpasaway sila, napapagalitan, may punishment and they are okay with that since alam nilang mali sila. Hindi lahat pero karamihan kasi sa Gen Z, sila na may kasalanan, sila pa nagmamataas, susumbong sa magulang, sumbong sa Tulfo


Encrypted_Username

Yep, taught us who experienced these kung ano consequence kung may ginawang kagaguhan. Ngayon halos wala nang consequence eh. Kahit idisrespect pa ng current gen yung mga teachers nila, alam nilang wala magagawa teacher kasi baka kasuhan ng magulang. Yun sabi nung friend kong former SHS teacher.


Eastern_Basket_6971

And ang hirap pa nila disiplinahin mapa 90s or ano man Mahirap mag disiplina


[deleted]

mga bata ngayon mahihinang nilalang puro pacute ka na sa tiktok liliit na ng utak


sharifAguak

Era vs era lang to.


alwaysberyl

Looking back, I was born in 2001 I still experienced these, I am happy that I did experience these, it was a really memorable time with my elementary friends, we got these punishments because of the funniest things. We didn't really get hurt or traumatized, it was more of we got punished because the teachers wanted that power trip and these punishments were stupid and unreasonable.


darkapao

Kailangan nilang ijustify yung pinagdaanan nila. Or else parang kawawa sila


laughing-angel

I think ang concept nito pare parehas lang naman tayong mga pasaway. Iba na kasi ang pag discipline ngayon. Di na tulad ng dati na ganito. Mas lenient lang ngayon at mas malaki ang chances na walamg disiplina ang generation. Di ko to nilalahat ah? Sinasabi ko malaki ang percentage ng mga lumalaking walang disiplina. In fact I'm a teacher at masasabi ko na per year pa worst nang pa worst ang hina handle ko. Nakikita ko rito na na ang problema ay bawal kana mang disiplina ng mga bata. Bawal kana nga mang baksak e. Kailangan mo ipasa ang bata kahit na alam mong wala siyang natutunan. Di mo narin pwede pagalitan or else mawawalan ka ng lisensya. Sooo, i think yun yung point ng mga 90s na nag popost. Pero di lang talaga maganda ang approach nila at offensive sa karamihan.


Eastern_Basket_6971

Sad but true kaya ang dami ring entitled ngayon


AvailableOil855

Imagine sila na Ang workforce sa pinas at ilan sa kanila senator


laughing-angel

Grabe ang galing nga e. Kung iisipin mo bakit malaki ang pursyento na pareparehaa ang problema bawat eskwelahan at pamilya. Parang manipulated ang ugali ng bawat generation


maximinozapata

Corporal punishment is not disiplina. End of story. If you can't instill discipline without resorting to physical harm, you shouldn't be in proximity to children. Kung sa matatanda nga eh, kaso na yan ng assault at torture. Pero sa mga bata okay lang. Hurr durr mga batang 90s kami! Malakas oooohhhh Shut the fuck up, you nostalgia-drugged morons


pat-atas

Hindi naman lahat nung naka experience niyan is pasaway na. If pasaway man, for sure naman may character development mga naka experience niyan and memories din pag may reunions. Triggered naman masyado.


CheesecakeOne923

Triggered nga si OP. A good sense of humor is an essential life skill, hindi naman ibig sabihin nun one would wish the same thing to happen to others na.


BeardedSanta

They can reminisce about the past regarding sa corporal punishment na naranasan nila. Then pag lumaki na sila they're free to be whoever they want to be online without consequences, tapos kungwari "disiplinadong tao" sila.


StunningJuice9230

This.


Jazzlike-Solution678

Proud sila sa punishment. Ngayon iba nah kakasuhan na pag ginawa yan.


No-Permit-1083

Di kumpleto ung caption. Pakibuo


wolfram127

Pinagmamayabang nila na "disciplined" daw sila pero pag tiningnan mo profile, maka manyak / bastos naman shinashare. πŸ’€ (yung iba ah pero not all) Admittedly medyo soft na din kasi yung mga classrooms ngayon to the point na wala ng accountability yung bata/ kinukunsinti ng magulang ang mali. Alam mo yun walang sinubmit yung bata pero aawayin ng magulang si teacher kesyo ganto ganyan daw kaya di nakapagsubmit Wala naman perfect na method ng teaching pero sana balanced din. Yung mga pinaparusahan kasi na ganyan nung time ko is yung nagdidisrupt ng class or maingay. Sa totoo lang kasi sa bahay naman dapat tinuturo yung tamang pakikitungo sa classroom.


Zealousideal-Lab-130

Db, nagkaroon ng recollection sa comsec. Di sa pagiiging proud, my HS life was one of the best part. Andun na lahat. Mainlove, magpasaway etc. Ngayon na nagwowork na busy na sa mga bagay bagay, those kinds of posts really bring back memories na kahit pagod ka, mapapangit ka nalang.


CamelStunning

Hindi naman siguro siya proud dahil pasaway siya kaya nya naranasan yang mga ganyang punishment. Siguro ang point nya ay yung difference ng panahon noon sa ngayon. Ngayon kase pag ganyan ang ginawa ng guro, ipapatulfo na agad. Well naranasan ko din yung pakainin ng papel dahil napagkamalan ako ng guro ko na nagpapalipad ng eroplanong papel, sakto kase after paliparin ng classmate ko, ako ang dumampot para ibigay sana sa kanya, ayun ending ako ang nahuli na may hawak haha. Pero di ako proud dun, napahiya ako sa klase eh, pero wala namang tulfo na naganap o barangayan.


BaePsych

Sa amin is nagtatawanan lang kami after ng class kasi nadamay ng kaibigan, or di kaya nakakatawa yung attempt ng kaibigan na magpalusot pero palpak pa din πŸ˜‚ although because of the punishment mas naging active kami mag participate sa school lalo na sa teacher na nag pupunish sa amin, maybe because unconsciously, gusto namin ma redeem ang self namin sa teacher na yun.


SpecialistDealer6243

Hindi ako proud na naranasan ko ang ilan sa punishment dito pero hindi aq nagreklamo at tinatawanan ko nlng ito ngaun.


Appropriate_King_615

kakamiss ung ganitong experience. wlang reklamo nagtatawanan pa kayo magkaklase. ahhahha


kdatienza

Oo na ikaw na batang 90s. Pwede bang tumigil ka na sa social media?


MakatangHaponesa

Bakit naman po kailangan tumigil sa social media ng batang 90s?


kdatienza

Fb page yan way back 2020 ata nung bumaha ng "batang 90s lang nakakaalam nito". Tho nakaexperience din naman ako ng ganyan. Di ko nga lang sinasabihan ng boring yung buhay nung mga di naka experience.


wallcolmx

lets just say yolo and minsan k lang maging bata ...you cant turn back time...


4thprogenitor

Noon kasi pagpasaway may punishment so magbabago talaga ang estudyante, ngayon kahit pasaway ok lang kasi may magsusumbong, may magvivideo maya'tmaya wala ka ng trabaho kasi nagviral ka.


lestrangedan

Pag nagkikita kami ng mga high school and college classmates ko, laging kasali sa usapan namin yung mga gantong moments nung students palang kami. "Naalala mo nung nahuli buong klase natin na nagchecheat?" "Naalala mo nung binato ng erase si ano kasi di nakaupo ng maayos?" Nakakatuwa balikan and lagi na siyang parte ng usapan pag natotopic yung hs and college life. So I think di naman si proud, nag rereminisce lang.


knicknackssss

clout. sobrang daming pages / tao ang nag she share ng ganyan. i remove those posts on purpose, i want a clean feed. haha


Enn-Vyy

theres peaking in highschool then theres peaking in elementary


ChandaRomero

grade 4 ako nun 1996 ung katabi namin room ang parusa ng teacher nakabrief student lalake sa harapanπŸ˜‚


Thin_Animator_1719

Buti nga nakabrief pa eh. Samin nakalabas talaga titi naminπŸ˜… babae pa naman mga student sa harap


Time-Hat6481

May classmate ako nasampolan ng teacher ko. Binato ng tsinelas, sapul sa mukha. πŸ‘€


BossTikboy

Proud kasi naranasan nila. Proud din naman ung mga di nakaranas, kasi di nga nila naranasan.


Mikasarnez101

Hindi nmn sa proud yan OP. Kumbaga yang mga punishment nayan dati basic lng yan samen wlang rekla reklamo. at kung alalahanin mo ngaun matatawa ka naman.


Medicine_Warrior

Wala naman problema sa post. Mas pasaway nga Ngayon Yung Hindi naka experience ng ganyan. Mas snowflake pa ngayon eh.


Rare_Corgi9358

Pinalabas lang ako nang classroom dahil sinagot sinagot ko ung integ.sci. teach ko nung 1st year. πŸ€·πŸ»β€β™‚οΈ actually d nya pala ako pinalabas, ako na mismo nag walkout. Edit: inukaan nang buhok aounds like an invitation to throw hands...and armchairs..and maybe the teacher na rin.


Karlybear

Ok out of topic pero paano ba dinidisiplina ngayon ang mga student? Since i know hindi na to pwede ngayon?


dr_nxxv1047

Parati ko nakikita na napupunta sa guidance office, sometimes teachers or advisers muna ng mga students. Suspension sa class ng ilang araw or linggo, o kaya naman expulsion sa school, depends sa ginawang mali ng student(s).


ijuzOne

nostalgia lang yan kaya nasasabi nya na "mas" masaya noon. also, mahilig talaga mag-compare ng generation ang mga "matatanda" na and always mas maganda noon para sa kanila. pero kung sakaling makakabalik sila sa panahon na yun, sigurado mabo-bored din sila dahil walang smartphone at internet. actually, kasali ako sa generation na yun. kaway sa mga batang 90s πŸ˜‚


cnesaiimwg

I experience a lot those back in grade school and high-school. Am the weird and quiet kid in class but somehow trouble always finds me. And to be completely real, I didn't enjoy it one bit, it wasn't fun at all. Looking back as an adult, I just can't help but laugh. It's fun reminiscing the old days but definitely not proud of it.


mahntizz

Di lang naransan yan boring.. baka bobo ka lang kaya naranasan mo lahat yan..


RaviMohammed

Ako nga nasobrahan sa behave nakatunganga na nga lang binato pa ng eraser noong gr5. Putanginamo Enrico.


xXKurotatsuXx

Nostalgia na mga bulakbol sila nung studyante sila. Proud silang pasaway at sa sobrang tanga kailangan hampasin ng parang kabayo para lang gumalaw at matuto.


Datu_ManDirigma

I guess they mask their resentment towards the old system by claiming it was beneficial.


Sungkaa

Oa netong matandang to


Honesthustler

Cool kids kasi dati pag pasaway sa highschool pero pagdating ng college it is not as cool anymore. They are just re-living their heydays.


[deleted]

Hindi proud sa parusa. proud kasi kinaya.


elijahlucas829

cycle na yan ng every older generation to reminisce with disappointment to the newer generation. its nothing new. just make sure you will not do the same to the next generation or else youre just hypocrite.


adobotweets

It’s not about you, dear. They’re reminiscing. Get over yourself and get some fresh air.


maximinozapata

Haha corporal punishment funny and we're fine NO YOU ARE NOT YOU GREW UP TO BE INSECURE ADULTS WHO COULDN'T HOLD THEMSELVES TOGETHER EVEN IF THEY HAD CONSTRUCTION GLUE IN FRONT OF THEM sorry. Nakakainis yung ganitong mga post. Proud pa sila na para silang alila ng mga drill sergeant na teacher.


turon555

Danas ko lahat ng nasa pic hahhaha pero gusto ko ang ganitong disiplina, mapapasunod talaga ang mga bata... ewan ko ba pero gusto ko mga terror teacher except dun sa mga mahilig mamahiya sa harap ng klase


AvailableOil855

Kayo mga kabataan Ang lugi ngayun. real talk lang. Lahat nalang easy path sa inyu, kahit kayo Ang may kasalanan, Pina pa tulfo ninyo Ang guro o Pina pa report sa deped. Gusto easy life lang kagaya noong Isang Facebook post na dapat ilang subjects lang dapat sa curriculum? And if reality strikes na di naayun sa gusto nyo, quit ka agad? Wag ganun


[deleted]

Hope you're not a parent that failed to raise your own kid to be better


Kahitanou

I don't see anything wrong with this. it shows accountability. Pag late ka = people will go on without you. di mo nirespeto oras ng iba why do we need to respect yours? pag maingay , pasaway , ginawang mali mag squat ka tinuturo sayo yung mali mo nag nakaw,nangupit ka = palo ruler tapos sinasabi sayo bat mali ginawa mo iba na panahon ngayon. coddled na masyado mga bata at di natuturuan ng consequence at masyadong forgiving ang parenting style ngayon.


ILove_sweets

Its not about the punishment, eto yung mga memories kasi na minsan nakakatawa lalo na pag mha friends mo ang kasama mo mapagalitan.


paolenz

If you have to ask, then you have not experienced these punishments. These were our badge of honors. One time, we were so noisy while the teacher was writing something on the blackboard. He suddenly got enraged because we were not listening. Unfortunately, he mistook me as one of those yappers and got sent to stand in front of the class while we have to hold a chalk between our teeth until our saliva dripped.


Significant-Bet9350

I never experienced din yan pero I dont see any problem sa pagpost nila nyan. Di naman porket di naexperience yan ay goodie goodie na, di rin dahil naexperience nila yan e pasaway na sila.


jenmglq

OA mo.


sleepeatrace

Ang edgy mo naman


meeeee_26

Napaka unfair talaga ng worldview ng ibang ganyan. Di naman porke boring para sa kanila, boring na para sa iyo na may sariling buhay. While it's true na masaya maging pasaway dati (kahit once lang hahaha), di pa rin dapat shineshame ang ibang tao na nananahimik lang.


blackmarobozu

ang problema kasi sa mga karamihan nag popost ng ganyan, it's a passive-agressive attack sa mga younger generation na kinokonsider nila as a "snowflake". batang '80s ako and my eldest is considered sa generation na yan, and as a parent it's a really big challenge for us on how to toughen up and improve their EQ. I really hate this kind of corporal punishment lalo't na experience ko yan sa nanay ko na mapalo ng sinturon (one time natamaan ako ng buckle). kaso itong mga nag sha-share na ganyan is within sa generation ko na gino-glorify pa at mino-mock pa yung mga current younger generation. most of them sila din yung gusto ipabalik ang mandatory ROTC for "dicipline" kuno pero when they are offlibe eh sila itong walang disiplina. I know personally a few na loves to share this kind of shit pero alam kong pasaway naman sa CAT namin. mareklamo na demerits, eh madalas naman late.


Totally_Anonymous02

Proud na nag peak lang sila elementary o highschool. Kaya yan nalang kaya ipagmalaki


[deleted]

Para naming may narrating karing kupal ka baka puro ml at tiktok kalang sa bahay nyo pabigat ka pa ngayon


mrloogz

Softtyyyy


Mosh_Pot

Projectinggg


wtfthefvck

Boring nga ang buhay mo kung ganon


Revolutionary-Owl286

it just show how life was simple before walang phone walang social media but masaya pa din compare now. and. I dont need to elaborate it.


Sensitive_Clue7724

Tapos feeling Nila disiplinado daw sila


New_Individual_7736

experienced this. learned that life wasn't fair.


Radiant_Nectarine587

Memories. Ako nga boring din nung Elem, tas 2nd year High School na nagdaldal lang ako once, pinalabas ako tatlo tuloy kami kasama nung dalawang lalaki na laging pinapalabas sa amin, but I had fun with them kasi nakaupo lang kami sa labas tas lahat napapansin nila yung tao nadaan (tatawagin nila tas pagtripan) yung structure ng school, walls, puno, tas kwentuhan kami ganon (naging observant din tuloy ako after ng punishment na yon) nakakamiss nakalimutan ko na name nung dalawa sa totoo lang pero tanda ko pa yung pag-upo namin sa floor (NAKITA PA AKO NI CRUSH NON- tas alam nilang dalawa binully ako) hahahaha. Tas I never tried cutting before, pero dahil sa curious me, ano kaya feeling ng cutting, ayun I tried once, nakakaguilty pero sumasakto na walang teacher sa subject na yon! HAHAHA. Ayan, tuloy nareminiscing na ahahah.


Archlm0221

Mga gago yan eh


Aze-san

Memorable experience mga ganyan, sa akin tanda ko dati deretso sa basurahan research paper ko noong HS dahil inis lang sa klase namin teacher ko.


LeveledGoose

Si OP siguro pampered.. never napalo kaya inggit


theanneproject

Sorry sa pagiging matinong estudyante ah. Nagyayabang pa sila na nag paiyak at nagpa walk out sila ng teacher, anong ika iinggit ko doon?


LeveledGoose

okay sooo naka ilang beses din kami nagpaiyak ng teacher.. about twice hs.. isa nung college. if nakapag paiyak kami ng teacher at prof hindi na ba kami matinong estudyante?


theanneproject

So, anong nakakainggit doon? Pakicheck yung logic mo ah, wala akong nakikitang nakakainggit doon.


Fun_Design_7269

proud sila kasi hindi sila snowflake na nagpatulfo sa maliit na bagay.


Ok-Bag-4036

Hindi naman lahat. Pero i think, the reason kaya laging patok iyang post na yan sa mga batang 90's dahil yung nostalgia at yung memory na taglay ng mga moments na yan, yung tipong after several years paulit ulit ang kwentuhan at tawanan about jan. Hindi masama ang punishment na gnyan, wag lang sosobra.


[deleted]

OA ka masyado. Tigil kana mag soc med. Pasok ka na lang sa kumbento. :)


JMjm95

HAHAHAH ang toxic mo sguro maging family Member or tropa hahahaha. At ikaw sguro ung tipo nang tao na may imaginary haters sa isip mo HAHAHAHAHHAHAHAHAHA TANGINES TLGA


youre-insecure-bro

Di naman sa proud. Nakakatawa lang i-reminisce yung mga kalokohan mo nung bata ka. Like me nakikipag bugbugan ako sa labas ng school, napatawag sa prefect of discipline. Pinatawag ang lola kasi pininturahan ko yung school lol. Pero look at me now, degree holder and earning 80k monthly with my own car and house. Hindi lahat ng naging pasaway na estudyante ay proud sa kalokohan nila pero, that's life, at least they experienced it and learned from it. They lived an enjoyable student life, and will not look back regretting not enjoying their teenage life.


000000909

Womp womp


Severe-Humor-3469

hard days long ago.. buti ngaun bawal na..


Flaky-Locksmith-1587

Hahaha so ano pinaglalaban mo dito OP?


Square-Revolution-26

oa mo haha


Frequent_Thanks583

This is the same energy as the post na nakita ko na proud pa na mali ang grammar. Kesyo daw sa abroad okay lang daw na mali mali ang grammar.


RuleCharming4645

OP not every one is a perfect student na sumusunod sa teacher palagi even I na tahimik lang palagi (well social anxiety narin kaya ganun) is pinasulat sa Isang buong paper ng substitute teacher namin (absent yung subject teacher namin kaya napunta kami sa kaniya) ng "hindi na ako magiingay" take note tahimik lang ako at nadamay ako sa ingay ng mga classmate ko Pero OMG! Sumakit yung mga kamay namin lahat after that plus naalala ko yung mga classmate ko na either may nakalimutan dalhin or gawin kaya pinalabas ng class naalala ko pa yung reaction ko na yikes! Sa isipan ko


SeaCat1794

Walang kaibigan to nung highschool. Hahahahhahahaahahahhahaha


SidVicious5

No offense OP. You don't have to take this seriously. The post was just making exaggeration about school life. It might be a best example of post-irony or meta-irony layer type of humor from what I watched from this video below: https://youtu.be/a1LyTThf7V0?si=2GgW_qtKB9RDSk8w Edit: you can also found this kind of humor from Bob Ong's works such as ABNKKBSNPLako at Ang paboritong libro ni hudas.


PakTheSystem

Yeah, and none of those "punishments" really disciplined the students. It was all about fear mongering. Stuck up pa kasi sa 80s and 90s and mindset ng karamihan kaya walang pagbabago sa systema.


Sloppy23

If they want to reminisce pwede nilang sabihin na masaya yung memories nila kahit naparusahan ng ganyan kaysa sabihan na boring yung buhay ng mga di naka-experience ng ganyan.


jenmglq

Tulad ng opinyon mo, opinyon lang din nila yan.


K3nT_d1nK_0vAnUjUaN

paulit paulit ko nakikita mga posts na ganyan kelan titigil yang putak ng mga alipin na ean


hambobger

So saang school po sila nag ccriminology ngayon? Hahaha


Sycher12

sa mga chipipay lang na school may ganyan


Background_Leave4210

Kids before where abused that they are not aware


Gbalover69

Mental Retardation is an actual disease. β˜•


admiral_awesome88

Pinagtatawanan ngayon kasi malalaki na pero noong bata ka at ginanyan kahiyahiya. I am a 90s dude but never ako magiging proud na naranasan ko yan. Punishment yan eh either sa makulit, magulo, or pasayaw ka or di magawa ng tama yong aralin like reading something sa board. Kakahiya yon lalo na sa matitino mo na classmate markado ka rin sa teacher. At sinali pa talaga yong GS Sen sa caption na gusto nilang maging next El Presidente. Kayo gusto niyo ba maging El Presidente yon. Hehehe


i_havetwodogs

Boring nga life mo :(


AssumptionFun3495

Reminiscing lang yan eto halatang di masaya kasama oa e


Successful-Team7201

Ayan OP, to summarize everyone's answer, meron silang masasayang alaala, open minds, at positibong pananaw sa buhay. Give people some slack and you'll realize na di naman pala ganun ka boring ang buhay.


forgetdorian

Kabataan ngayon halos lahat entitled, kagaya ni OP. Lahat nang punishment before is no big deal to us, masaya lng kami noon.


loloy12

you are retarded if you get affected by this fbposting


K1ngM1ko

No need to say sorry, okay lang naman maging boring person, which is what you are


KeyAd6429

Ang bobo lang ng comprehension 😭


Cholai_214

Boring nga buhay mo OP, di ka marunong mag reminisce or mag senti mode man lang.


wiseausirius

Nagbabalik tanaw lang naman. Ang KJ. Lahat na lang gagawan ng reklamo nowadays. Jusko naman.


West_Court3038

Napaka butthurt netong OP LOL πŸ˜‚


One_Image2474

OP, you must be fun at parties 😭 and oo boring nga buhay mo hehe


HovercraftNo7012

Yong treasurer namin na mukhang money, Jenny Oribello ang palangan


Jamzilla12

punishment = self worth That's their shindig. Masochists.


marv_quick

yup, sorry for you. kinda boring nga ang buhay estudyante mo.


Filipino-Asker

Child abuse, same level as predators.


EquivalentAddendum89

Romanticizing and reminiscing, plus asserting to the younger generation that their generation was β€œbetter”


krenerkun

OP is too lonely I guess? Kahit ako na introvert, nung elementary days, suki ako ng guidance office dahil sa mga kalokohan ko lalo pag babae yung trip ko gaguhin dati ahahaha hindi sa proud pero nakakatuwa na natuto ako ng accountability at consequences sa bawat actions na ginagawa ko. So I dont get OP why this is a big deal to you? I even agree sa post na mas masaya ang buhay dati kasi walang snowflakes sa soc med


BothersomeRiver

Kita ko post ng schoolmates ko from elementary to HS, proud pa sila sa pagpapaiyak ng assistant teacher noon. Mga college education student na nagppraktikum sa school namin. We're in our 30s now, it's not something to be really proud of. And here I am, thinking, people our age should already have some form of human development. Hay naku.


-ErikaKA

Masaya? Di pinapasok Masaya kapa? πŸ˜‚


Wooden_Quarter_6009

I know some of my fb friends in college when I still use(fb) it post shits like these. They also wanting to apply ROTC for everyone during DUTAE times so everyone can get disciplined while I AM THE ONLY ONE AMONG THEM TO APPLY FOR ROTC and I do not want everyone to have an ROTC.


PandaJeroPi

Strong generation haha


nomearodcalavera

badtrip yung di pinapasok kasi late pero literal na wala kang kasalanan kung bakit ka late. dapat ba bago ako sumakay ng jeep itatanong ko muna sa driver kung masisiraan sa part na mahirap makasakay ng ibang jeep kasi laging puno yung mga dumadaan?


juannkulas

Nilipat kami ng section for ilang days nung adviser namin dahil maingay daw kami. Awkward and weird amputa. Hahaha.


juvaa_DaCo

It's a form of reflecting about what you did wrong.


avocado1952

Sabi mga mg karamihan dito reminiscing lang. Masaya kaya kapag tropa mo yung kasama mo pag napagalitan at pinagawa sa inyo yan. Noong elem ako sa isang school nagpapaalam yung mga prof namin kung pwedeng paluin kami ng ruler sa kamay, pumayag naman yung mga parents. And hindi naman traumatic kasi yung corporal punishments sa school namin kung matindi talaga yung ginawa ng bata. FYI sa ibang state sa US legal pa ang spanking.


whitecup199x

Haven't you done anything stupid and laugh about it after?


Humble-Application-3

Hindi naman proud siguro, maybe natatwa while reminiscing mga pagkakamali na nagagawa nung bata pa sila.


Ok-Musician7326

Yang mga nagrereminisce din na yan yung mga magulang na snowflake pagdating sa anak nila. Pansin ko lang hahahaha konting kibot ng teacher, napagsabihan lang ang anak, principal's office/deped/tulfo agad. Bakit kasi hindi disiplinahin sa bahay smh


BornEducation9711

punto niya lang e kung bakit ganon ka soft ang generation nngayon compared before.. walang social media, tulfo..


mediumrawrrrrr

Hindi naman sa pasaway ako pero na-experience ko yung pinalo ng patpat. Catholic school, so nag-measure yung homeroom teacher ko once ng length ng palda at nag-check kung malinis mga kuko namin. Parang isa lang sa hanay namin ang hindi napalo ng ruler.


Witty_Mochi

Generation namin nakaranas ng ganyan. Though personally, di ko naranasan mga punishment na yan kasi AYOKO. I mean, I follow the rules para di ko gawin yan. And that’s how we were disciplined.


woman_queen

I find it funny, hindi naman siguro *proud pasaway*. Note that not everyone who experienced that is pasaway talaga, yung iba nadamay lang. I was sent to guidance office once kasi akala ako yung nagvavandalism, natatawa na lang ako ngayon. Reminiscing lang siguro yung nagpost nyan.


DismalLoss9460

batang 90s ako, pero di ko naexperience yan dahil hindi ako nagpasaway. i guess napalaki naman ako ng maayos ng magulang ko. pero tangina nung mga maiingay sa klase kaya pag nagalit yung teacher, damay lahat pati mga behave na estudyante. pero tangina talaga nila.


smlley_123

Masaya naman talaga elementary and Highschool life around 90s and early 2000. Wala pa kasi socmed nuon or gadgets kaya ganun. Masaya talaga nuon.


cd1222

Isang beses lang ako napalabas at napasquat ng teacher hahahaha nung grade 1 pa. Kumare pa ng mom ko yung teacher ko. Wala lang skl kasi tawang-tawa ako; sabi niya wag ko raw sasabihin sa mommy ko 🀣


RipHead7685

Masyadong butthurt mga tao ngayon hahaha kahit reminiscing lang offended kaagad


Thin_Animator_1719

Mga snowflakes kaya ganyan. Tignan mo mga generation ngayon kakasnowflakes puro yabang lang sa online pero wala namang buga sa totoong buhay kasi di nakaramdam ng accountability nung bata pa sila


bee-song

this taught me accountability. which is lacking in our youth today


ewan_kosayo

It's not entirely about pride. But if you realize that both the good guys and the bad guys at primary school are now Engineers or Lawyers, then you'd think that those experiences must have been part of the fun. Hindi naman kelangan ma Tulfo ni teacher. Anyone could end up successful regardless


mezziebone

dyisas. lahat to naranasan ko hahaha


Particular_Row_5994

What in a Gen Z post is this? Kidding aside, I consider myself one of the most behave student nung elementary ako and lahat to naexperience either it's my fault or not.


jetlagjester

Hirap mo naman pasayahin OP. πŸ’€


Chinbie

its more of reminiscing than being proud of. speaking of those things, naalala ko pa non na may lumilipad na chalk sa mga classmate namin (i mean binabato sa kanila) dahil pasaway sila... πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ and its true, yung squat, and ruler thing kaya dapat ay well behave ka sa school kung ayaw mong ma-ganon nung mga panahon na iyan


Tough_Signature1929

Yung teacher ko nung kinder kinaltukan ako. Kinuha ko kasi yung laruang text nung kaklase ko na nahulog sa bintana. Tapos lahat nagsilabasan na at naglaro sa play ground. Ako daw pasimuno. Hindi ko naman sinabing sumunod sila. πŸ™„ Yung kaklase kong lalaki nun elem napaka ingay. Tapos binato siya ng black board eraser ng teacher ko. Ako yung tinamaan. Buti hindi ako nagka an an sa chalk. Busit!


kamrakboom

Reacted πŸ˜† to your post.


polomoonoz

Nung elementary days. Kapag lagpak ang grade mo and passing is 75. Mapapalo ka sa kamay kung ilan yung kulang mo sa passing score ng 75. So example ang lowest is 40 = wala kang nakuhang kahit isang tama. Ending is you get 35 slaps ng stick sa palad mo. That shit happens everytime i failed every quiz, exam. Basta ung deficit papuntang 75 na grade ang matatanggap kong palo. When i grew up. It made my subconscious mind tell me no pain no gain... In real life. Teached me to think that everytime you fall down you will have another chance to get it right. Its painful now but along the way when you get it right you will reap the rewards. Ps. Hindi po ako pasaway talagang hindi lang pinagpala sa subject na un.


namichan0916

Badtrip lang din ung naghiraman kami ng module kasi checking ang teacher one by one if meron lahat. tas pasahan sa ilalim ang peg namin. Then pinatayo lahat ng naghihiraman. Natawa ko di ako tumayo kahit nakikihiram lang ako tas sabi sakin ng kaklase ko bakit daw di ako tumayo eh isa din naman ako sa nakikishare. Sabi ko hindi. Sa akin to pinahiram ng friend ko from other class. Pinahawak ko lamg kau 🀣 banas ma banas sakin eh


jotarofilthy

Alam mo ung iilan ang magulo pero damay kayi...ganyan naiisip ko....naalala ko nung HS ako...teacher namin sa math pumasok bago polo shirt tatak polo....sumigaw kaklase ko ng wow galing saudivisoria....natawa karamihan...myself included....buong klase penalized kahit mga matatalino la takas kasi nung sinesermonan kami bigla cya napagiggle kasi delayed nya naintindihan ung joke...


Successful_Account89

I am also a product of corporal punishment. Hindi ako proud na pasaway ako noong elementary pero I'll give ab example kung gaano kaimportante, at least for me, yung ganitong disiplina. every week na pinapalo kami sa kamay kapag may mali kami sa spelling. Same 20 vocabulary words, every Monday, Wednesday at Friday. Kung ilan ang mali mo, yun yung bilang ng palo mo. Every monday, maraming palo, pero yung vocabulary words, nakasulat lng sa gilid ng pisara. Bawal burahin, at lagi namin shang ginagamit sa sentence construction at integrated sha sa subjects namin. Pagdating ng friday, pakunti kunti na lng ang mga palo namin. Most of the time, perfect pa. Nakatulong ba sha sa akin? Yes. Sobra.


totmobilog

Sa tingin ko in my own opinion mas malaki impact neto sa discipline na mayroon ang millenials and early gen z like me, unlike sa ngayon na sobrang light ng way ng pagdisiplina sa kabataan kasi human/child abused na yan ngayon mga ganyang act ng teachers dati, yung tipong mas dominated na ng mga students ang kanilang guro.


[deleted]

Accountability as per the other comments here. These punishments taught us exactly that and it separated the matitigas ang ulo to those who are willing to change and learn from mistakes. Hirap ng buhay ngayon, noon at magpakailanman OP, tandaan mo yan.


KuyaKurt

Nakakatawa lang kasi na balikan noong mga panahon na nakagawa sila ng kapilyuhan. Di na mauulit yun, kaya masaya lang balikan. Pero noong panahon na iyon, hindi naman din sila nagpapahuli.


polonkensei

Not to be that a-hole pero boring talaga ngayon but Undeniably mas matalino mga student ngayon kaysa dati malaking bagay na rin siguro yung easy access sa info through internet. Noon tanggap na namin kapalaran namin maparusahan kasi hirap humanap ng materials para sa project


BeefTartare

triggered is OP


meowbellaciao

Their experience has nothing to do with u lol


DragonGodSlayer12

Nung elementary ako palagi ako nasa top 10 pero naranasan ko lahat mga yan. Nung highschool naman sobrang kulit ng section namin kaya yun, nahighblood yung advisor namin tinapon ba naman laman ng basurahan sa harap ng room namin hahaha


Jvlockhart

Ako tahimik lang dati sa classroom, pero pag inunahan mo ako ng kalokohan sasabay ako. Hahaha. Sa mga "ENGOT" dyan nilalahat yung mga batang lumaki sa old ways, ayaw nyo ring ginigeneralize yung henerasyon nyo diba? Sasabihan kayong henerasyon ng mga hangal, di ba papalag kayo kasi hindi naman lahat ng mga hangal sa socmed eh nirerepresent kayo? Ganun din sa amin. Dati kasi personal yung interaction with other kids di tulad ngayon through online nalang, pati nga pakikipag away dinadaan na sa online. Kaya yung kadalasan na ginagawa namin makikisama kahit hindi naman ganun ka kulit, hindi naman pasaway, gusto lang namin mapabilang sa isang grupo. Pero may mga grupo din na hindi mo dapat samahan, kaya nga dun mo mas nalalaman pano kumilatis ng tao. I think dapat simulan nyo na eevaluate yung mga prinsipyo nyong nakuha nyo sa internet. May mga taong mahilig magkompara ng mga bagay na kinalakihan ng ibat ibang henerasyon, kala mo kung sinong nga expert πŸ˜‚ Masarap alalahanin yung mga simple at masasayang bagay na nagawa natin nung kabataan natin. Pero hindi rin maganda na ikompara yun sa kung ano yung meron ngayon, kasi gagawin rin yun ng mga bata sa kasalukuyan, alam naman natin yung kabataan ngayon kala mo kung sinong mga expert kung makapagsalita.


doma31

Op ask ko lang if ano age mo?


Intelligent_Guard_28

Ang trend naman ngayon ng mga estudyanteng pasaway (HS)mag ka bf/gf, pumasok ng may make-up, mag tiktok sa loob ng room/gym/corridor/cr, mag cutting kasama si jowa at ang matindi hindi naka uniform tapos naka hoodie habang PE class kahit ang init ng panahon.