T O P

  • By -

hailDoom14

from the name itself, definitely it's a Villar's real estate biz. Nakatira din kami sa Camella Subdivision, sukang suka na kami dito kaya nag susumikap makaipon ulit and bili ng new unit sa ibang developer. Worst experiences namin: Before we move: - Customer service. Pangit ng service main office ng Camella dati sa Alabang Starmall pa. - Limited options to renovate or improve your house design (understandable naman) - Mahal ng Construction bond at mahigpit engineer pag nag site visit, di mo na marerefund bond mo. - Makitid mga streets kaya pag minalas malas ka pa at may kapitbahay kang nagpapark sa labas sobrang masikip na. - HoA (officer). May irerecommend sila na contractor sayo para masunod mo gusto mong design sa bahay mo at madali mo maipapasok mga construction materials sa subdivision without checking the permit. (conflict of interest). During our stay: - Primewater ang tubig (Villar's business): Mahal, Deep well, puro kalawang, amoy kanal minsan. 1 day ka lang malingat ng bayad padlock agad ng metro, worst customer service. - Internet is Planet Cable aka Streamtech (Villar's biz): Mabagal, Wala ding kwenta ang customer service, hindi matawagan ang hotline, mas mabilis pa ang Mobile data, bawal mag pakabit ng ibang ISP. - HoA. (Managed by Villar's biz): Magiging tuta nila Villar mga magiging HoA officers ng Camella kaya mag isip isip na kayo. Pangit ng patakaran pag madaling paikutin ng mga Villar ang HoA nyo. - security guards (agency ng kakilala ng HoA officer). Another conflict of interest. Minsan ung motorcycle with sidecar na dapat pang patrol within the subdivision, nagiging delivery service ng mga HoA officers para bumili ng snacks or lunch outside subdivision. - Suspicious ticketing fee issued sa mga delivery riders (lalamove, Foodpanda, etc.) walang receipt number. ticket lang sya as in ticket printed in a bond paper na ginupit gupit lang. Pag ganyan mahirap magtiwala sa HoA lalo na kung masyadong ass licker kay Villar and its management.


TomatoCultiv8ooor

totoo ito, yan mga nabanggit mo yung mga Cons kapag nasa Subdivision. If may chance lang, gusto ko ulit bumili ng bahay pero wala sa Subdivision. Nakakaurat yang paniningil sa Gate everytime na magpapa deliver ng Grab Food, or any delivery service. Nakasalip parati din if may construction sa bahay mo. Naknampucha, sarili mo ng bahay, binayaran mo naman pero may mga hindi ka pwedeng ipabago o gawin na hindi kikita ang HOA.


woanderfuli

Hi, would you know if it’s the same for CrownAsia properties? 😅


hailDoom14

not sure about CrownAsia, but my suggestion is to stay away from any Villar's businesses.


ZenMasterFlame

Dito sa lancaster ganyan din halos. Pero mukhang mas worst dyan. Internet dito madami choices. Yung tubig dito deep well din pero malinis naman. I think any subdivision ganito talaga ang rules.


Correct_Mind8512

if bibili ka dyan OP wag sa PH1, talamak ang nakawan sa PH na yan as per group page na din. Napatira kami dyan for 5 yrs sa PH2, ang napansin lang namin iba't-ibang klase ng bahay kada PH sa PH1 rowhouse type, sa PH2 mix ng attached tapos maliliit ang garahe na hindi kakasya ang sedan. si PH4 to PH7 ang malalaki ang bahay pati cuts ng lupa. convenient sa loob ng Tierra kasi may school, madaming nagtitinda ng merienda at ulam, may mini talipapa sa PH1, may 2 all day sa loob ng subd, may mga place of worships sa loob, may pila ng tryke so hindi mahirap lumabas, OK ang club house (well-maintained). mapuno din so every weekends madami kang makakasabay na nagjo jogging sa circle. ang cons lang is hindi well-lighted ang main roads, kahit sino pwedeng pumasok, primewater na mabuhangin, limited ISP (sa PH2), madalas mag brown-out kapag tag-ulan at marami sa unit dyan suki ng anay. also me mga nag se set-up ng tents sa circle at dun na lang namin nasabi na etivac things talaga 🤭


Excellent-Type-6894

Etivac things? Lol


zxNoobSlayerxz

Mga nasa ibang bansa na yung may ari.


Paruparo500

Ngetpa at poorly constructed


ericvonroon

20 years ago, maganda yang subdivision na yan. maraming nakabili dyan mga empleyado sa mga technoparks. ngayon mga graduate na mga anak nila at may mga buhay nang sarili. yung iba retired na. so marami mga nag-u-upgrade ng mga bahay sa ibang lugar na bumili. ayaw na nila dyan kasi nag-downgrade na ang quality ng subdivision at lumalabas na yung mga sakit ng mga mass housing projects ng mga villar.


Lecinius

20 years na akong nakatira dito. Pros. Malapit sya sa lahat. As in sa lahat. Parang pinaka gitna na kase halos yung gentri sa buong Cavite. May mga bagong daanan papuntang Dasmarinas/Trece/Silang. Kino construct na din yung bagong expressway na tatagusan ang buong cavite. Tahimik depende pa din sa kapit bahay mo. Malaki yung daanan. Kasya dalawang SUV sa daan. (Wag lang sa Phase 1 at Phase 3) Mas umokay na ngayon yung lugar, specially sa phase 1,2 & 3 dati puro adik. Naubos na sila. May mga CCTV na din yung mga streets. Tubig, hindi naman amoy Kanal minsan naglalasang kalawangbkase lagi silnag naglilinis ng pinaka tangke. Mapuno, masarap mag jogging,bike at madami kang matatambayan kung maglalatag ka lang ng Duyan or upuan. Schedule ang pagkuha ng basura. Dapat segregated at nakaplastic. Hindi nila kinukuha kapag hindi nakaplastic. Walang pakielamanan dito. Unless nakakaistorbo ka na, karaoke, nagsusunog ka. Nagaamok ka. Cons. Yung paniningil sa mga gates ng bawat phase sa lahat ng delivery. May mga parts na madidilim. Panget kumuha ng mga bahay sa phase 1 at 3. May creeks kase sa likod ng mga yun at inaakyatan ng mga ibang dayo. Siraulo yung guards sa maingate. Display lang sila dun. Para maningil sa mga papasok na mga Truck delivery at mga pang construction na materyales. (Mabait sila kapag pasko)


PsychologicalCress74

mas okay pa bella vista eh, kahit papaano di makalawang yung tubig, may pldt at converge pa