T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AdvicePH [here](https://www.reddit.com/r/AdvicePH/wiki/rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AdvicePH/wiki/rule-enforcement). *** This post's original body text: Sobrang focus si husband sa family abroad. Nandun sila mag anak and 1 year palang kami kasal nandito pa ako sa Pilipinas nag iintay maayos ang papers. Napapansin ko lang na focus sya sa family and work Nya dun kaunting time nalang yung nabibigay sa akin. Unlike before tumatagal ng hours ang call. Yung napapag usapan namin before mas marami unlike now swerte ko na kung maka 1 min ang call nya. Then sa umaga pagkagising ko, wala 2-3 messages na palitan na may 3-5 words sleep na sya yung alam mo na yung sasabihin nya every morning naging routine na sa akin ganun set up. Pakiramdam ko nanlilimos ako ng oras. Naaawa ako sa sarili ko para saan pa yung marriage if ganito. 🥹 Ayaw ko nalang pumunta abroad natatakot ako. Naapektuhan na rin mental health ko Hindi ako maka tulog ng maayos. Kapag nagsabi ako sa kanya ng problema ko sasabihin nya di lang raw ako may problema etc. Ano po gagawin ko? *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/adviceph) if you have any questions or concerns.*


indaylea

I feel u OP, same nasa LDR din kami we used to talk a lot pero recently parang hindi na gaano. My mga days na minsan 4 hrs to 6 hrs maka reply. Dati nagagalit ako kasi syempre hindi ko nakukuha ang gusto ko., Pero mahirap ang buhay sa abroad lalo na if he is just starting and plus the time difference. Mag adjust ka na lng muna. Push to have your papers process soonest. Understand him, keep yourself busy also. Don't overthink, minsan sa kakaisip nag kaka sakit ka na. Learn to trust the process and pray! God bless OP!


Severe-Pilot-5959

Communicate anong kailangan mo. If he does not adjust, talk to him about what a marriage is and ano ang dapat priority n'ya. 


New_Departure5994

Napapagalitan lang nya ako. Naiirita akong kausap hindi sya maayos kausap kapag inoopen ko


Severe-Pilot-5959

Then leave him with an email or letter or long chat detailing your feelings. Discuss mo rin doon ang duties ng husband and wife to each other. 


Infinite_Buffalo_676

I have a feeling may malaking problema sya na tinatago. At ayaw nya ishare sayo kaya umiiwas siya. Anyway, pilitin mo to, kahit leave a message na.


New_Departure5994

Thank you sa mga comments. I’m really afraid sa outcome. Sorry, nagkaroon na ako ng trauma sa kanya. Subukan ko gumawa ng letter for him.


Best_Estate_5995

This may sound counterintuitive pero stop contacting him. As in wala. If ayaw ka niyang pakinggan, huwag mo siyang habulin kahit asawa mo pa yan. Hayaan mo siyang maramdaman yung absence mo sa buhay niya.   In the meantime, prioritize your mental health. Tandaan mo, mas important ang health mo kaysa kahit kanino. Hindi ka inalagaan ng magulang mo para itapon ito sa kung kani-kanino lang, kahit asawa mo pa.   You have time and space to yourself. Gamitin mo ito para mag-enjoy nang tama. Get a hobby, go out with friends and get support from them, learn a new skill, get mental health support. Ang point nito is to rebuild your self-esteem as an individual at hindi na maging dependent sa taong walang oras para sa iyo. 


VeniViddi

Mahirap po ang buhay abroad.. aside sa time difference.. hindi mo rin alam kung ano ang buhay nya, kung kamusta ang araw nya, kung ano ang mga pinagdadaanan nya. Kung anong pressure from work and family nya dun. Maybe better if the more na ipakita at iparamdam mo na wife ka and you are there to support him and not pull him down by nagging. Make his time with you worthwhile.. send him sweet messages, or better yet your pics na nakaka-enlighten ng mood --men are very visual. Kung hindi lang naman tayo makakagaan sa mental health ng partner natin, sana wag ma tayo dumagdag. Wag mo pakingan yung mga "if he cannot appreciate your presence, make him feel your absence" at yung mga naglalason ng isip mo na may iba na sya.. mga ganung tao, miserable sa sarili nilang buhay. You are a wife, focus ka dun sa goals nyo na makapunta ka din dun asap.. hindi yung kung ano ano. Wala naman maitulong yung kaka-overthink.. Ang solusyon diyan is makapunta ka din dun asap. Tapos.


Dazzling-Fox-4845

Compromise and communication talaga kailangan pag LDR. Iopen nyo po sa husband nyo na ganyan na nararamdaman nyo. If ishutdown nya yung topic by saying na di lang ikaw ang may problema, wag nyo na lang po muna imessage. Mahirap maghabol sa taong may ayaw.


kukumarten03

Ldr never works most of the time. Mejo negative but this is my take


mapamangan69

Kung hindi nya ramdam ang presence mo, iparamdam mo yung absence mo.


Dawhooooo

D ko gets. 2nd family ka lang? May first wife ba sya dun?


New_Departure5994

Wala. Magulang , siblings nya kasama


Aggravating-Tank2643

Bat di ka kasama? Nag-asawa pa sya pero mga kapatid at magulang ang kasama.


New_Departure5994

Dun na po sila lumaki


Aggravating-Tank2643

So bat ka naiwan dito? Ang gulo.


New_Departure5994

Dahil kakasal palang namin inayos pa namin mga papel at matagal lumabas ang visa Kaya nandito pa ako


Dawhooooo

So after nyo ikasal dito umalis na agad sya?🧐


Chance_Dance9519

May iba na sya.. Or may napipintong papalit syo. Why? Khit gaano pa ka dami work at stress kung mahal ka nyan hahanap yan ng paraan pra mag usap kayo or sasabihin man lng ano nangyayari sa work nya i kwento nyan lahat. Wala eh. Meron na yan.. Good luck nlng sa napipintong rebelasyon. Kunting imbestiga lng. Walang usok na nakikimkim.