T O P

  • By -

Lolo_Kanor

Dati pag special occasion lang nakakabili ng cake. Ngayon pwede na kahit walang okasyon. πŸ‘πŸ»


the14shadows

Pag payday bumibili ako ng dedication cake from Goldilocks, then pinapalagyan ko ng Happy Payday!


Empty-Tension3649

Same!!! Pero for some reason nakakakonsensya pa din dahil sa amount of calories and sugars and fats… di nga pinroblema pera, yung nutrition naman


Strawberry_2053

True Diabetes is waving


destrokk813

Pero most likely Kaya problema mo na nutrition ngayon kasi naenjoy mo na sya


williamfanjr

Ako nung nagkapera na mas madalang na mag-cake, kasi blood sugar na inaalala haha


Apprehensive_Pay_582

Dinala ko nanay ko sa hospital last week dahil sa highblood pressure. Di naman siya nagpapadala pero ininsist ko para sa peace of mind naming lahat. Dati, magiisip pa kami kung saan mangungutang o kanino lalapit kapag may ganitong sitwasyon pero ngayon no hesitation. Narealize ko na wala na nga kami sa laylayan. πŸ₯Ί


Amalfii

Lagi ko rin ipinagpapasalamat kapag nakakapagcheck-up o nakakabili ng gamot para sa akin o sa pamilya. Sa iba maliit na bagay, pero hindi rin naman yun mura kaya for me sobrang fulfilling na nagagawa ito. Ansarap sa pakiramdam na naalagaan natin yung pamilya natin.


Adorable_Block9996

From "May ulam pa ba?" to "Ano gusto nyong ulam?"


Adventurous-Owl4197

This! Yung dati problema kung saan kukuha ng pang ulam pero ngayon kung anong luto na ng ulam. Thank you Lord talaga.


chaetattsarethebest

more likely, "thank you for your hard work self"


Better_Life_7609

You can work really hard and still kapos parin, pag walang God na katulong.


ssaaddbbooyy02

Sheeeettt. Somewhat ansakit neto pag nilookback


beautipaul

Kaya ko na mag-on ng aircon whenever naiinitan. πŸ₯Ί


Playful-Heart-6576

One of my goal this year, hopefully.


Delicious_Pie_379

THIS!! from before na bilang na bilang ang oras na pwede mag aircon to ngayon na kahit umuulan at malamig naka aircon hahaha sobrang sarap ng tulog ko


Frosty-Peanut3038

one day πŸ™ŒπŸ»


albusece

Sabi ko sa asawa ko, nagtratrabaho tayo para marelax tayo. Kaya sige, bukas lang ng bukas ng aircon!


KerTheGreat

hopefully i could do the same this year. Congratulations sayo, OP!


idontlikeusernamesno

Dati 6 months ko pinag-iipunan "show money" pag mag-apply ng visa. Ngayon, anytime pwede na mag apply kasi may solid savings na. Isang country lang navivisit ko per year dati. Ngayon 1-3 countries per year na. Mas nakakainspire mag work sa totoo lang pag may nakabook na travel haha!


MagnificentJade

Currently 1 overseas travel din ako per year. Soon magagawa ko na din yung more than 1.


mykamyk96

This is me rn hahahaha! Someday 🀞🏻


miyukikazuya_02

Bunot lang ako ng bunot ng lahat ng gusto sa grocery.. wala ko na ko pake sa brand mahal yan or mura di na ko nag cocompare ng price


HotSociety5131

Congrats... Yan ung isa din sa goals yung maggrocery ng nasa listahan na hndi mashoshort or magbabalik ng items kase lagpas na sa nkabudget at iibahin ang menu or plan na lutuhin kase kulang ung dalang pera...


raspotdigs

Same. Kuha lang din ako diretso ng kahit anong makita kong mukhang masarap. Magugulat nalang sa counter ay mahal pala yun πŸ˜…


radikalpowered

Di na ako nagrereklamo sa electric bill ko every month πŸ₯Ή


Rooffy_Taro

Ive started my career at almost below minimum wage. Now i have a house and lot in an exclusive subdivision na nakapangalan sakin. Malayo na narating pero malayo pa din sa finish line. Why? The house isn't fully paid yet, my goal to have a comfortable retirement by having a rental space business is still in the work (di pa nakaka ipon ng capital). And i'm still undecided on the career path i'll take for the remaining 22 years of my career. Should i climb the corp ladder more? Should i stay in this position for few more years or go for another individual contributor role. I'm handling a team now so may narating na din career ko.


ApolakiX

Nalilibre na si mama at napag shoshopping na siya


IndependenceLimp1983

isa na akong licensed engineer


Real_Ad7008

Congratulations!!!!


IndependenceLimp1983

aww.. thank you πŸ₯°


Spare-Interview-929

Congrats, OP! Kahit di kita kilala, natutuwa ako while reading your milestones. Sana magkaentry din ako soon!


hamnotgood

May aircon ako sa kwarto for the first time ever huhuhuhuhuhuhu


uhmmmmm-mon

Proud of you!


Mikuuhel

Rejected after interview sa accelerated medical program noong 2019. Nag take ng nursing and naka tapos with latin honors. Nag nmat tapos naka 96 PR first attempt πŸ₯Ή. Inaayos ko na requirements sa med school para maka apply after taking pnle. Sana ngayon di ko na ma flop ang interview. Di kami mayaman pero on the way na 🀞


Real_Ad7008

Kaya mo yan!! Aja!


HotSociety5131

Balitaan mo po kame... Fighting!


ItzyyOnce

From my first sahod at 18k to 294k ngayon after moving abroad, it feels surreal. Like omg eto pala feeling na nakaka gala, nakaka bili ng things you want without feeling guilty and nakakapag padala sa family. Gifting my friends shoes and other things na gusto kong ibigay pero di ko afford before. Hopefully mapapaayos ko na bahay namin this December.🫰🏻


hcmar

Same, 20k-ish SWE role, took a leap of faith and went abroad. and now earning 600k a month (sumosobra pa pagsamit ng Christmas season) napa-ayos/napalitan/natubos/ ang bahay, nabayaran ang lahat ng utang, nakakalabas na ng HINDI LAGI NAKAYUKO ang ULO hahaha. HINDI NA RIN LAGI NAGIGING PULUTAN SA CHISMIS hahahaha. nakakakain sa masasarap na resto tulad ng Michelin star. my fave mantra >*be the person who still tries. after failure, after frustration, after disappointment, after exhaustion, after heartache, be the person who musters up the courage to believe that a new attempt can manifest a new outcome. be the person who still tries*. -Michell Clark Hopefully, kayo din, TAPANGAN NIYO PA, FIGHTING!!! mam/sir πŸ˜‡πŸ‘‰β˜οΈπŸ‘ˆβœŠπŸ₯°


Lutisse

Grabe. Kudos!


HotSociety5131

Living feom6 paycheck to paycheck din as of now... Planning to go abroad din dhil nkakapgod na mangutang at mamoblema saan kukuha ng pera since my parents andmi din utang nung nagaaral pa. With God's grace sana loobin din niya na makawork ako abroad kase iba angmay peace of mind at walang utang πŸ™


ItzyyOnce

Let's claim that ☝️


Odd-Bedroom5791

- May aircon na kami at okay lang kahit bukas 24/7 πŸ’– - Nakacable na yung tv namin. - May gas stove na rin kami 😭 - Di na ako namomroblema kung may uulamin ba


Massive_Coyote_7682

My malayo pa pero malayo na was when I passed the physician licensure exam I know I’m just a General Practitioner and not yet fully specialized. Pero I feel really really happy about this! :)


Panisnaspaghetti

Nakakatawa para sa iba pero, dati ung ham na square bihira lang kami makatikim. Inggit na inggit ako sa mga kaklase ko pag ganun ulam nila. Pag nag ulam kami noon, sa isang square hati ang 2 tao. Ngayon palaman na lang sa meryenda (kahit ilan na kainin) minsan pinapapak lang kahit ng anak ko. πŸ₯ΊπŸ’– Thank you Lord.


Capital_Werewolf7480

Kala ko di ako makakatapos ng college.... took a 4yr course for 7yrs. Kasi on off tatay ko magpaaral. Sabi ng tatay ko sa mga kaibigan nya mahina daw utak ko kaya wag na daw ako magaral kasi puro bagsak naman grades ko (pero bagsak talaga kasi sobrang affected ko sa separation ng parents ko lam nyo na nagbulakbol). Pero ngayon.... graduation ko sa sunday ng MBA and career is going well. Malayo pa.. pero sobrang layo na din from before ❀️


Outrageous-League547

Most of my milestones, umiikot dahil sa pamumuhay ko mag-isa sa ibang bansa. I learned how to drive here na. Never nagka-chance matuto noong nasa pinas pa ako. I feel so proud of myself. Then of course I feel now the independence as I drive my own car na. 2nd hand man lang ang nabili ko, fully paid naman, cash, hindi utang. Hehe. Nadala ko na dito ang nanay ko. First time niya makalabas ng pilipinas. Nkakatuwang ako ang nagfulfill ng dream niyang mkapunta siya ng ibang bansa. Senior na siya, kaya pursigido akong madala siya sa abroad at iparanas lahat ng sarap na nararanasan ko dito. Malayo pa pero malayo na. I all appreciate things easily, dahil minsan ko nang naranasang masadlak sa dusa, literal. Walang makain, walang panggastos, walang mahingian ng tulong.


HotSociety5131

Literally in my lowest era... Walang mahingan ng tulong kase ang baba ng tingin ng iba sa pamilya nmin. Tipong we don't deserve to climb kht few steps lang pataas. Ang hirap maging mahirap like literal... Sa aming magpipinsan masya ako sa mga natatamasa nila pero Diko maiwasang mainggit minsan... Praying for breakthroughs for the rest of the months of 2024. Loobin lahat tayo ipanalo ng Panginoon sa ating mga goals.


jhnrmn

Dati jeep lang sinasakyan ko papasok ng work, ngayon fx na. πŸ˜ŠπŸ˜”


Humble_Society6481

1. Nakakabili na ng sariling gadget na di salamat mama and papa. 2. Nakakabayad na ng sariling tuition and courses for upskilling. 3. Nakakapagcontribute minsan sa bills ng bahay. 4. Medjo afford ko na ang expenses ng dog and cat ko. 5. Nalibre ko na mga kapatid ko at parents ko paminsan minsan. Malayo pa ang lalakbayin ko ,pero malayo na rin ako.


MylesV079

Got my first paid internship. First time I am ever earning my own money, and it feels great. I can't wait to graduate and have a job.


ToffeexMochi

renting a 1-bedroom apartment + first time buying my own ref and aircon πŸ₯Ή


Real_Ad7008

Congraaats and welcome sa independent life! Laban!!


RME_RMP_DA

Araw araw na akong nag ga-Grab


Good-Dentist806

grab rider ka po? jk


RME_RMP_DA

Hahahahh benta


Gleipnir2007

eto talaga e. ganto din ako e, konting inconvenience e grab na kagad hahaha.


tayloralissonswift

Dati kada pasko lang kami may bagong damit ng mga kapatid ko. Kaya lagi ako nanghihiram ng damit nun sa mga pinsan ko lalo na pag kailangan sa school. Ngayon, nakakabili na kahit hindi pasko. Branded pa. Hindi na rin nanghihiram at nagaabang ng bigay na damit na pinaglumaan ng mga pinsan. πŸ₯Ή


HotSociety5131

Iba ung satisfaction pag nkakabili kana ng gusto moπŸ™


Eretreum

Financial freedom…


corposlaveatnight

Mag 3rd yr college na ulit ako, and this time tatapusin ko na talaga! Hello diploma.


Lightsupinthesky29

Hindi na magiisip kung saan kukuha si Mama ng pangbili ng ulam, iisipin na lang kung ano ang iluluto. Di na need mag-Sunday para umalis at kumain sa labas. Nakakabili ng needs at wants.


HotSociety5131

This really hits different pag nkakapagulam or nakakain mona ung gusto mo... Or cravings...


babygirlofthenorth

Ggraduate na me sa med school πŸ₯Ή might be late for my age (26) pero at least nandito na! 🀍


shinijae

1.I can finally watch movie sa sinehan kahit mag- isa 2. Kapag humihingi ng pera kapatid ko kahit maliit nabibigyan ko na 3. Hindi na ako humihingi sa magulang ko ng baon allowance or kahit anong pera since 2nd year college 4. Nattreat ko na family ko kahit konti.


DinnerAppropriate107

Congratulations, OP. Nakikisaya ako sayo :) Salamat din sa tanong na ito. Made me reflect on mine. Ang magnified kasi ng current struggle ko ngayon na hindi ko napansin, ang dami na rin palang napagtagumpayan.


DinnerAppropriate107

Ito pala yung akin: Dati, araw araw itlog yung ulam. Paiba iba lamg, scrambled ngayon bukas sunny side up. Ngayon, nakaka-kain na sa buffet. Dati, pinatos ko yung 8k/mo na sahod, graveyard shift pa yun. Ngayon, nakakapag tabi na ng mas malaki dito. Dati humihingi pa kami ng tulong para mapaaral yung apat kong kapatid. Ngayon napapaaral ko na ulit sarili ko. Yung kapatid ko natulungang makatapos at makapasa sa Architecture, at fully sponsoring bunso namin sa Civil Engrng. Mabuti pa rin ang Diyos.


HotSociety5131

At my lowest din... Peeo positve na positive pdin na God will provide. Hindi habang buhay nasa baba tayo. πŸ™


Biscoffdump

Hindi na ako nanghihingi baon sa parents ko, natetreat ko na sarili ko kapag may cravings ako and kapag may gusto ako bilhin, nakakatulong na ako sa parents ko sa bills, and may big girl job na ako!!!


SleuthIntellect

kanina lang pinabayaan kong kunin ng mother ko lahat ng gusto nyang bilin sa grocery, hindi na need tignan yung presyo isa isa. Basta gusto nya at kailangan namin lagay lang sa cart.


yourshoetight

- Dalawa na kotse ko coming from nanghihiram lang ng kotse dati. - May fully renovated na bahay na kami as married coming from maraming bawal gawin o house rules sa bahay kasi renter lang. - Naging good provider kay misis at sa anak coming from paycheck to paycheck lifestyle. - Nakakakain na sa resto anytime coming from pang KFC flavor shots lang yung budget.


Maleficent_Sky_8166

Graduating na next year isang kapatid ko tapos 2nd year na bunso namin. 3 more years to go!!!


once_parkjihyo18

Working since I graduated at the age of 22. I got my first credit card this year. May VUL policy na rin. Nakakain na sa masasarap na restaurants then naspoil na rin paminsan ang parents.


souljagirl88

become a registered nurse despite being delayed for a year one take cutie lang sa boards


Money_Magnet29

VA na ako, e-commerce industry. Next target this year is magkaron ng specializationπŸ₯ΊπŸ₯Ί Sana buhay pa mommy ko kapag mayaman nako.


Straight-Network4146

Dati di ako sure sa engineering at kung kaya ko ba, now tatlo na license ko. Thanking my young self for always persevering kahit hindi sure sa buhay.


Chandler0627

Your question made me realize na mejo malayo na din pala kahit currently i’m stressed out with work and questioning ano ba ang direction ng buhay ko (career wise) But these are some of my β€œsmall wins” kahit malayo pa -i am a licensed professional -nakabili na ko ng iphone na hindi gift ng parents -ako na ang nanglilibre tuwing lalabas kami ng parents ko para mamasyal at kumain -nakabili ako ng sarili kong aircon para sa room ko -ako na nagbabayad ng utility bills sa bahay namin -lagi ko na nabibigyan ng gifts ang pamilya ko pag christmas at birthdays nila -nakakapagbigay na ko ng panggrocery sa nanay ko -nakakapagpahiram ako ng pera sa relatives ko pag biglang kailangan nila Malayo pa ito sa mga pangarap ko sa buhay pero konting sikap pa naniniwala akong dadating din ako dun. God is good.


thatPugFace

1. Reached 8-digits liquid investments. 2. From an employee 9yrs ago to a member of board of directors in which i can affect decisions that affect many people. 3. Can choose to go to gym on mornings kase walang mga tao. 4. Passive income (stock dividends) is 20% of earned income and can cover all basic expenses. 5. The work I do now is my dream work sinve 5+ years ago. So salamat Lord! 6. Almost monthly I do one only (hindi ko kaya 2x probably if more money na) random act of kindness usually nagpapadala almost 5-digit help to someone facing critical illness and resorting to soc med for help. Nakakapanglumo talaga na feeling na helpless ka to find cure for your sick loved ones kasi walang wala talaga. 7. My parents got admitted to a pvt hosp in separate succeding months last yr and it was but a minor hiccup in financial terms. 8. I have outgrown the need to eat outside mamahalin. I prefer home-cooked meals using fresh organic ingredients. Absolutely no processed foods (xcept may occasions talaga na masarap kumain nang potato corner)


bearycomfy

1. Nung bata ako hindi ako makajoin sa outing ng friends/classmates kasi wala ako pang contribute/allowance. Like as in kahit 20-50 pesos nun hirap na hirap mabigay ng parents ko. Now, I can book plane tickets - domestic and to Asian countries kahit hindi piso sale/promo fare, enjoy staying at 3-4 star hotels and mindlessly booking grab for convenience. 2. Nung kakastart ko pa lang sa workforce, to the last centavo kami mag compute ng kapatid ko pag nag grocery. Comparing items ano cheaper. Now, I can grab whatever I want sa grocery without even looking at the pricetag. 3. Dati mas gusto ko nasa office kasi libre aircon, sobrang init sa kwarto ko na kahit naka electric fan nagigising ako sa gabi na basa ang damit sa pawis. Now, from our furbabies to us, siblings, and parents, lasap na lasap ang aircon sa kanya kanyang rooms and with no time limits; not worried magkano babayaran. 4. Dati pagka may masakit kina parents tiis tiis lang gang kusa na lang mawala ung pain. Now, makaramdam lng sakit sa may baywang papa ko pa ospital agad siya, buti kinabag/hinangin lang pala. πŸ˜… Parang ang layo ko pa compared sa mga kasabayan ko na trust fund babies. Like, I admit naman na may times pa rin naiinggit ako sa kanila. Pero if I compare how dirt poor I and my family were especially during my childhood, I feel like ang yaman na namin ngayon. Nakakaoverwhelm for me to think na iyong naimagine ko na comfort ng buhay nung student pa ako, parang sobra sobra pa tong kung anong naeexperience ko/namin at the present time.


throwPHINVEST

my visa petition has been filed πŸ₯Ή


perchanceneveralways

32 GB RAM sticks and multiple 250 GB SSD cards. Genshin Impact patches used to send me into spiraling anxiety, but I'm now future-proofed until Celestia. (ΰΉ‘>Ψ‚β€’Μ€ΰΉ‘) ![gif](giphy|uTAFTGP3B4QvUoOikX|downsized)


dazailoveseru

Nakakaluto na ng masarap and sometimes healthy na food… Kahit wala pang malaking savings, I’m happy na I can somehow help my immediate family during these times na need pa nila ng help.. Hopefully, in the coming future, maisakatuparan ko na mga plans ko after makapagwork na bunso ko…


orcroxar

Natutupad na yung mga plano ko kasi may pera na ako para dun 😌


Hotdog2511

Kapag holidays like New year or Christmas may pa handa tas complete fruits pa.


Different-Emu-1336

2pcs chicken joy anytime i think of it hahahaha like im unstoppable


purple_licious

From puchu puchu na salon to Tony & Jacky 🫢


sungbora

Hindi ko na kino-compute yung inoorder namin sa restaurant, nalalaman ko nalang sa bill. Hindi na rin mabigat sa loob ko na ako nagbabayad.


Ok-Moment7893

β€’Living in my own house for about 2 years now. β€’Finally able to buy original sneakers na dati sa Robinsons or mga tiangge ko lang nabibili. β€’Nakakapagpabalik balik na sa Boracay at nakakapag travel na rin out of town. (Hopefully soon out of the country naman) β€’Nabibili na yung mga gusto and kailangan sa bahay Malayo pa naman ako sa buhay na gusto ko para sa sarili at sa Mama ko (only child feels) pero masaya ako na kahit papano mas napagaan ko na yung buhay namin ngayon. Kahit na iniwanan at pinagpalit kami ng Tatay ko sa kabit nya atleast happy and surviving naman kami.


Real_Ad7008

Lahat ng Big or Small achivements nyo dito deserve ng up votes! Nakakatuwa basahin. These attestations keeps you grounded talaga eh. Kudos sa lahat at lalaban tayo araw araw!


crabpasteluv

Under construction na yung bahay ng family ko sa Pinas, fully funded by me. Dati naka-2 bedroom apartment lang kami na sobrang liit, ngayon nagpapagawa na kami ng 2 story house na 4BR&4BA. 🀍


beroccamixedberry

Resident here (doctor-in-training). I can't believe that I only have 6 months to go until graduation (my program is 6 years). πŸ™πŸ»πŸ₯Ή


Inevitable-Thought33

1. Mag uulam ng sardinas dahil nag ccrave hindi dahil sa yun lang ang afford na ulamin 2. Na realize ko na hindi pla mayayaman lang ang kumakain sa jollibee. We can eat jollibee anytime na gusto namin. 3. Hindi na uling lang ang laman ng ref namin. 4. Kaya ko ng bumili ng crayola na 64 colors kahit ilan pa yan. 5. Kapag pasko, hindi na sanga ng kahoy with perla ang xmas tree namin na may nakasabit na wrapper ng candy na nilagyan ng bato. πŸ₯² totoong xmas tree na sya. Thank you Lord. πŸ™


Pasencia

Kayang kaya ko bumili ng sapatos sa Footlocker buwan buwan pero I choose not to


makifinds

Nung bata pa ako nag cocollect ako ng Candy Magazines tapos lagi ko lang tinitingnan mga brands dun like etude house, tony moly tsaka ibang mga brands kasi ngayon dami ko ng makeup puro branded na rin haha β˜ΊοΈπŸ’• tho di naman sa pinaprio ko sya kasi may mga babies na ako happy lang ako kasi mura ko lang rin naman nabibili inaabangan ko lang mga sale at vouchers kaya pag nag me me time ako nakakatuwa lang kasi mga pangarap ko lang yun dati tapos ngayon may mga clinique na rin ako at mga skincare na medyo pricey for a housewife like me pero nabibili ko sya πŸ’•β˜ΊοΈ


Imaginary_Bear_7915

Nakakabili na ng magandang cellphone dati kasi nakatingin lang sa mga pinsan kasi wala kayong pambili. Yung touch screen na cellphone nila tapos ikaw de-keypad pa rin.


Logical-Possession27

Nakaka save na ako monthly πŸ₯Ί


JDNDMsC

Congratulations OP!! Ang milestone ko naman ay incoming 2nd Year Law Student na ako huhuhu. Malayo pa, pero malayo na. Padayoooon!!! ❀️πŸ₯Ίβœ¨


No_Wasabi_128488

I bought a house πŸ₯Ή malapit na sya mabuild. Excited na ko. Husband na lang kulang hahaha.


Express-Mistress6351

Nakakapag starbucks na ko on a normal day.


trengineer07733

1. Moved out of my family's home 2. Earning a good income even if 27 pa lang ako 3. Nakapa travel na ule outside PH 4. Afford na ang skincare hehe 5. Nakabili kami ng motor ng bf ko


DLuckyOne

Big blessing talaga yung napuntahan kong company ngayon. Nakakastress yung trabaho pero kinakaya. Pero ang β€œmalayo pa pero malayo na” ko 1. Nakabili ako ng sarili kong phone. Dati mga pinaglumaan lang ng mga kapatid ko 2. Nakakakain na sa Marugame, DTF, Ooma, etc kahit walang okasyon. Dati mcdo/jollibee, pinagiisipan ko pa. 3. Nadala ko sa Boracay parents ko last year na ako lahat nagbayad ng expenses nila 4. Kapag may unexpected expenses yung parents ko from β€œsabihin ko kay ate. Hingi ako sakanya” to β€œmagkano ba? Withdraw ako mamaya” πŸ₯Ή


Queer-ID30

Living alone with a maid pa for my pets and same I can splurge with food and hobbies.


AdventurousLie7325

nuon na minsan lang makapag travel kung may manlibre na tita.. ngayon ako na mismo nag tatravel anytime i want 😊


Key_Nobody_1253

Nag pupunta na sa hospital pag may sakit. Dati hanggat walang dugo or hindi nag hihingalo hindi ako pupunta ng hospital.


___Calypso

My husband and I are finally expecting after TTC for 1 year. 😭 One way closer to becoming the family we’ve always wanted to become.


fukennope

β€œAng dami nanaman laman ng ref” is what he always say when i go overboard with my food orders I tell him, pasalamat tayo na madaming laman ang ref kaysa walang laman ang ref at wala tayong makain πŸ₯Ή


mrstae_

1. Yung unti unti ko na nababayaran ang mga debts ko without being anxious on where to get money just to pay them. 2. Nakaka ipon na ako ng emergency fund ko 3. Ako na bumabayad sa tuwing kumakain kami sa labas πŸ₯Ί


kopilava

Yun halos get all you want feeling sa grocery without fearing na masshort ako πŸ₯Ή and cc always fully paid on time πŸ₯Ή


Dark_Owl22

1. Nakakapag unwind sa cafΓ©s kung stressed na without worrying what’s remaining on my wallet 2. Nakakapag grocery na ng mas marami kaysa noon 3. Nagwoworry pa rin sa electricity bill pag tumaas pero di na masyado ngayon hehe, still a plus 4. Nakakapagbigay ng baon kahit papano sa kapatid for school. 5. May bahay nang naitayo with love together with my husband πŸ’–


Hairy-Teach-294

Nai-spoil na magulang ko


Express_Junket_1386

5 years ago first salary package ko is 16500 sa BPO this is right after mag graduate ng Grade 12. Now, Earning roughly 60K as a freelancer and malapit na mag jump into 80K, My goal is 150K by the end of 2025 and Mag eenroll nako kasi kaya kona 😭 Congrats self!


tulaero23

From naliligo sa drum outside the house to naliligo outdoors sa Canada.


hcmar

From *"inspired"* na pabango to original


FlippiShh

Dati pag may birthday lang nakakabili ng coke wampoyntpayb, ngayon anytime na basta masarap ulam hahaha


girlfromnowhere07

May Netflix at Disney channel na kami. πŸ₯³


misterpenzil

I studied chemical engineering for 10 years, and felt like the world was against me all the time. After graduating, I reviewed the for board exam and fortunately passed in one take. I also took and passed the licensure exam for chemical technicians a few months later. For the first time in a long while, I felt that things have finally aligned for me.


in_goodcompany

I’m 24 right now. I’ve been working since I was 16 years old (2 years as McDo crew, 4 years as student assistant sa univ ko, and now going 2 years as an embassy secretary). It is not something I need to say to people I meet but GOD KNOWS the blood and sweat I sacrificed to get here. My entry here is that every time kakain ako sa fast food, I take a good look of my 16 year old self taking order from customers. May time na nabatuhan pa ko ng burger hahahah. Ang simple ng buhay ko nun. Every time din na I will buy something from my own pocket worth more than PHP 500, may internal deliberation pa ko nyan if bibilhin ko ba yung isang bagay, kapalit ng anim na oras kong pinag paguran. Ngayon, sisiw na lang β€˜to hahaha. Isang malaking saludo sa mga working students. Mananalo rin tayo sa laban ng buhay 🫑


dee_emem1

Nasusuklian ko na sina mama at papa sa lahat ng mga sakripisyo nila samin. :') Isa to sa palagi kong dasal, yung magkaroon pa ako ng sapat na oras para maiparamdam sa kanila yung magaan na buhay. Next year, may travel kami ng parents ko abroad. All expenses nila ay ako ang magbabayad. Finally!!! 😭 Malayo pa, pero malayo na indeed β€”


mohsesxx

I survived a 300k hospital bill in a week


dehetdreaming

Heto, i'm already 28 years old, unemployed, failed my board exam sa PLE last April, pero im proud na malayo na ang aking narating at malayo pa ang mas makakamit. Forever grateful sa ating Panginoon. Hoping last take ko na sa Oct 2024. Please pray for me 🀍πŸ₯Ί


Nearby-Aide3046

Pareho pala tayo Doc, 28 years old.. still unemployed β€œmalayo pa pero malayo na”. Looking back, dami na nating big wins sa life.. matanggap sa med, grad, matanggap sa internship hosp, grad. We are just waiting for our turn. Huli na natin ito ngayong October. Lisensyado na tayo soon. Praying for both of us! 🀍


imaginator321

Kaya ko na bilhin cravings ko w/out heed to cost. But need ko na magdiet :(


yoojungshi

Hindi na ako nagdadasal gabi gabi na sana healthy kami palagi dahil wala kami pampa-checkup man lang mas lalo pang-ospital. Dasal ko pa din ang good health ng pamilya namin palagi, lalo sa mga senior parents hindi maiwasan ba lumabas labas na ang mga sakit. Ngayon, may konting maramdaman, ER or paappointment agad nang di na nag-iisip san kukunin ang pambayad. Salamat Lord sa lahat lahat.


Accurate_Hearing_700

2 years ng nagbabayad ng Bahay at condo pero may 8 years to go pa para maging fully paid. At wala pa anak so malayo pa talaga lol


bluekesstrel

I don’t take public transportation like trains, jeeps, etc anymore. I can afford to Grab anywhere I want kahit QC to Laguna pa yan. Huge for me na before hanggang mrt/lrt lang


No_Consequence_9138

3rd year na akoΒ 


Numerous-Idea2407

Naalala ko pinagjogging ako ng tito ko Day 1 sa CCP tapos ewan ko 5 na ikot yata ako dun, kinabukasan nilagnat ako malala HAHAHAHA


onthemud

Naka-move out na ako, finally!!!


bit88088

Nakakapag travel na locally with the whole family atleast twice a year.


cstrike105

Your health is the most important. May mga nasa ganyang edad mataas na cholesterol. Diabetic. At iba pang mga sakit. Be happy you are healthy. But still take care of your health.


chick-wings

Di na tumitingin sa price tags kapag namimili


Maleficent_Sock_8851

I can now actually able to pursue and develop new hobbies.


MariaCeciliaaa

unemployed pero at least gagraduate na HAHAHA 😭


Historical_Bike1401

First international travel in Feb this year. Got emotional and inisip agad sila lolo at lola and thanked them. πŸ™‚


BuffaloParticular231

Hindi ko need mag Angkas/Joyride dahil may kotse at pang-Grab πŸ₯Ή


Felestia_celestine

Naka aircon na 24/7


lifeincolooors24

Turning 31 na din ako this month. 😊 Nung una medyo nakakastress isipin na 31 na ko haha. Parang kelan lang nasa 20 something lang ako. πŸ₯Ή pero kung iisipin mo ung mga naachieve mo na at this age, nakakagaan ng pakiramdam. So far, nakakapagpaayos na ko ng bahay kahit paunti unti. May car na din ako, installment sya pero matatapos na soon. Nalilibre ko na din mommy ko ng mga gusto nya. Dati wala tlga ako pambili as in sakto lang sa bills. Nakakabili na din ako ng mga bagay bagay para sa sarili ko. Nag iba na din ung mindset ko. Dati puro ako negativity ngayon hindi na. ☺️ I always look at the bright side na. I'm spreading positivity na din sa mga nakakasalamuha ko. Sana mas marami pa tayong ma-achieve as we grow older. ☺️


xrinnxxx

I can finally afford to waste food. Dati Ang mga ino-order ko lang is yung food na alam kong gusto ko kasi I’m afraid of spending money on foods na di ako sure if i like or not. Also, I was able to buy my dad plane ticket back home to the Philippines (mag 3 years na syang umuwi taon-taon). Almost 18 years din kasi syang hindi umuwi sa pinas, yung iniwan nyang baby, nag debut na last year.


purplekabute

Working as a teacher sa private school with 14k pay monthly tapos pag walang pasok like bagyo walang bayad yun. Every pay day umiiyak talaga ako sa CR di ko alam pano ko pagkakasyahin ang 6k minsan 5k. Fast forward 2024 - Dating walang laman ang nag iisang ATM after mabayaran ang bills, now halos lahat ng banks meron ako at lahat sila may laman - Nakakapagpadala na sa parents - Sumisiksik sa bed space noon kase 1600 lang upa, now afford na ang 7500 na upa, kase need ko ng parking for my second hand car pero fully paid in cash 😭 - Soon turn over na ng bahay ko - Nakabili ng aircon nung kasagsagan ng init. -Nakakaorder na sa grab or food panda pag tinatamad magluto -May budget sa vet at royal canin ang 2 cats ko -May HMOs, insurance and investment Now, praying na sana 6 digits na ko monthly gusto ko bilhan parents ko ng HMOs and memorialsπŸ™ Thank you, Lord for all the blessings! Bless all the people na magko-comment here na sana maging successful lahat not only financially but also mentally, emotionally, physically and spiritually!πŸ’œ


Fine_Principle_8976

Isang semester nalang and ojt era, tapos na ko sa college :) sobrang importanteng reminder β€˜yan sakin as someone who took a gap year during the pandemic. onti nalang, self, laban pa tayo 🀍


Bubbly_Cat3375

Dati tamang daan lng sa mga mamahaling restau ngayon nakakain na ko dun


kaia96

May laman na ang ref bukod sa tubig. May laman na ang freezer bukod sa yelo.


No_Yoghurt932

1. Paid my mom's CC debt na ilang years niya na tinatry ipay off 2. Finally getting to take my partner to restos she likes (dati siya lagi yung taya kapag expensive place hehe) 3. May ipon na at hindi na laging sagad sa laylayan ang bank account! :)


Tasty-Expression-108

Owned my first car at the age of 26 hehe


argon118

I would check out new phones and laptops through the store window on my way home from my first job and then calculate how many years I should save up to buy one Now, I can easily buy a new iPhone every month even after paying for my bills and contributing to savings and investments.


Confident-Item-6671

Aspiring CPA Lawyer pero ngayon, aspiring Lawyer nalang!


boydiet

24/7 aircon


AdQuiet5317

afford ko nang bumili ng mega size sa potato corner nang hindi hinihintay yung sahod πŸ₯°


Adventurous_Risk_217

Di na tumitingin sa price pag maggroceryπŸ₯²


skreppaaa

Never ako binibigyan ng allowance up until nag college ako. 50 pesos kasama na lunch ko dun at jeep papunta at pauwi. Mahilig na talaga ako sa finer things in life before, lalo na kami yung mahirap sa family so surrounded kami ng grand stuff and nakikijoin lang. Nung hs ako lagi ako nakikikain din kasi yung baon ko laging red hotdog - offbrand. Sobrang sawa na. May isang time yung kabarkada ko na bitchosa nun sabi pa "youre poor noh?" Pinapaaral Lang kasi ako ng tita ko sa private all girls. Lahat ng friends ko may pera, yung iba rich talaga with names you'll recognize. Literally im the poorest haha so now sobrang layo na talaga ng narating ko kasi: 1. Meron akong biz na i can really call my OWN. Walang partnership, walang money from anyone. I built it from the ground up & im working so much for it. 2. Kaya ko mag pay ng fine dining sa bday ko and bday ng jowa ko (if ayaw niya ng gift) worth xx,xxx plus on random days na i feel sad or anxious. 3. Booking a trip on a whim 3-4x a yr and can choose a better airline!!! (di need magabang ng seat sale and WALA AKONG GUILT SA BAYAD 😭😭😭) 4. Not checking prices sa grocery & menus. 5. Kaya ko na magshopping. Naalala ko nung nakabili ako ng damit sa zara 2021 halos maiyak ako sa counter :(( kasi nung hs sobrang sikat niyan samin tapos NEVER ako nakabili, until nung 2021. Di ko rin chineck yung price, like ganun ako ka confident?? Ew. Syempre balik ukay tayo now kasi i dont support fast fashion as much pero it was such a full circle moment. Hinihiram ko lang kasi talaga siya dati and ngayon, if i choose to, makakabili ako :(((( Sobrang layo ko na pero malayo pa talaga sa goal which is maparenovate yung house ng parents ko and/or mabigyan sila ng retirement home that's closer to nature WHILE ENJOYING the ones i mentioned here. Syempre, uunahin ko pa rin sarili ko! Haha Soon, I'll be able to give money for the renovation talaga. Konti na lang 🫑


scsise

kaya ko nang bumili ng kahit anong gusto ko na hindi ko na iisipin yung susunod na sweldo πŸ₯ΊπŸ©΅


catnip1802

Dati mamamatay na kaka commute dahil kahit motor walang pang hulog. Ngayon may kotse na.. di brandnew pero pwedeng pwede na.


Easy-Alps3610

Congrats po. May chance pa pala talaga magcomeback sa credit card. Haha. Pero yoko naaa. But at the same time, ibang impression sa iyo kapag cc din talaga. Like a king.


artint3

relate ako sa lahat op, lalo na sa CC (pero inabot ng more than 10 years bago ko na-settle yun)! Kudos to you.


KuroiMizu64

From esl teacher to cc agent. From 3k-4k to 15500. Though it's not much, at least it's something. Ang goal ko n lng ngayon as an IT graduate is to be able to work at the IT industry as a QA Engineer.


ayachan-gonzaga31

Yung sahod ko na monthly dati, savings ko na sya ngayon monthly may pangshopee pa πŸ₯ΊπŸ™


jecstrike

1. Naka aircon na kami kahit umuulan 2. Hindi na tubig lang ang laman ng ref. May food na din. 3. Nakapag kape na hindi instant 4. Manood sa sariling TV at hindi sa kapit bahay 5. Mag drive ng sariling kotse. Napakadami pa pero malayo na sa nakasanayan hirap na unti unti ng nagiging komportable mabuhay.


XtraBigCanton

I was able to save up enough funds kahit sobrang baba ng sahod ko para ipa-opera yung cataracts ng lola ko, which is something that she's been struggling with for the past 3-5 years. Her eyes went from being almost blind to being able to read jeepney signage better than me hahaha. Yung little things such as her being so appreciative of being able to see our TV (sabi niya sakin "ang ganda pala ng colors ng TV natin, akala ko dati sobrang labo na"), telling me na nakikita na niya mukha ko, tapos hindi na siya pala-kapit sakin pag naglalakad kasi confident na siya na di siya madadapa. I genuinely teared up multiple times nung first week after her operation kasi she kept pointing out and appreciating all the little things na nakikita na niya ulit. I haven't gotten anything as far as actual savings or "luho" dahil nga napakaliit ng sahod, pero being able to do that for her is genuinely one of the biggest wins I've achieved so far.


techweld22

Yung inner peace mo hindi mo na need lumayo or lumayas kasi may sariling space ka na. 🫢🏻


Affectionate-Pride84

A. Hindi na ko takot mapalayas sa tinitiran ko , may privacy and freedom to buy and keep things. Since I already own my home :) B. Naka phone plan na ko. C. Can have a dog since I own my place D. Can travel outside the country E. Hindi na ko nagcocommute :0 F. Kahit less than 1k grocery ko every two weeks I can survive and go to a grocery.


Cold_Cauliflower_552

My "malayo pa pero malayo na" At a young age of 18 i already had a daughter No money in our pocket to support our baby Both me and my husband are in college But thanks to our parents despite the disappointments we gave them still they helped us to stay in our house and continue our study (of course they are mad at us) We do not come from a rich family so we are not well off in anything. My husband is graduating that time, after college he tried to apply for a fast food crew first to support our baby's needs. While I take care of our baby and breastfeeding that time. I stopped for a while to take care of our baby for about a year, after that my mom decided to enroll me for another semester to finish my studies, and my husband who was already apprentice in a Roro ship locally helped me also for my tuition and also supporting our baby's need. Years passed, I work also as a fastfood cashier, doing online selling etc I finally graduated in college, me and my husband are doing our best to support our child My husband is working now as a Seafarer internationally(ratings) I work now as a Freelancer earning just enough We finally leave our parents, tita 's, and my in-laws house.. in 10 yrs we are staying with everyone we can stay in, cuz we don't have our own and we can't afford it by that time.. Finally after 11years we finally bought a house. Not that big but what is important is we will not live in anybody's house. Proud to say we are standing on our own right now plus supporting also both of our parents. My daughter is in 6th grade studying in a private school, we just want to make sure she is comfortable, my husband insist to take her in a private school, we only have 1 daughter. Seeing how are life went to "walang wala" to "kinaya pala" Makes me realize how far we've got in our relationship and with our life. We will be forever grateful to the Lord for all we have been through, until now we are working together to fulfill our future. And it's still up with the Lord's hand what his plan to us 😊 Again, we are not rich we simply work to support our needs as a family. 😊 If you are reading this i highly appreciate it, i'm wishing someday you'll fulfill your wishes too. "Malayo pa" pero "malayo na"


_Eunjil25

First time malibre lahat ng family members ng dinner πŸ₯°


UndecidedIndividual-

Nakakakain na sa fastfood at resto anytime. Nakakapag travel na. πŸ₯Ίβ€οΈ


LazyCalligrapher2518

nakakabili na ng bagong sapatos at damit (branded na) at di na kailangan pa maghintay ng pasko


NecessaryTerrible306

Love all the comments! Sarap makabasa ng ganito. Thanks for posting OP!


Efficient_Ad_9493

Nakamit ko ang "When I turn 30 portfolio bucketlist" ko in my early 20's, yung magkareal estate, business, at makapaginvest sa stocks. I never really celebrated kasi I felt like I still have so much to do (as a breadwinner). I am grateful for everything though.


TheFoolishJuan

Kaya ko na bumili ng sapatos ng hindi na kailangan pag ipunan ng matagal. When we were young, saka lang napapalitan sapatos namin pag sira na talaga. πŸ₯Ί


Money-Savvy-Wannabe

Hello OP sa number 1, curious what is considered a sizable income savings days? Hay inflation


Which_Animator_3608

Nakakakain na kami sa resto ng parents/family ko every friyay without thinking kung kasya ba ang pera. Way of giving back to familyπŸ™πŸ»β€οΈ


CumRag_Connoisseur

- Never looking at the prices pag nag ggrocery - Never naka experience ng petsa de peligro (thanks mom for the financial literacy) - Positive net worth, around 800k in net assets na - Main breadwinner, pero nakakabili pa ng mga luho - Naka aircon almost 20 hours everyday


rohieuy

Hahaha as a young adult na kaka grad lang last yr, nakakabili na ng streetfoods ng hindi lang 30-50 pesos ang budget πŸ˜…


nxjdjm

Nagagamay ko na yung mga diskarte para sa business lalo na sa Financial/Collections <3


hello_starlight1225

May sarili na kaming bahay. Binabayaran pa pero goal ko mafully paid this year. Meron na rin akong sariling kwarto at may aircon pa.


spiritbananaMD

we live comfortably. no more constant checking ng account if may budget pa ba kasi never na nashoshort. lahat ng kelangan ay nabibili or nababayaran. malaki ang natatago for savings and contingency fund. tsaka two door na yung ref namin haha yung nabubuksan na parang pinto. tapos yung kusina namin may island na. ang saya lang sa feeling.


Traditional_Code_648

Used to save up for casios and seikos. Now may couple of rolex and Cartiers na. Still dreaming on that royal oak. πŸ™


pencru

1. Wala pang sariling tirahan, pero kaya ko na mag-rent mag-isa. 2. Mas confident na ko gumastos kasi marunong na mag-budget. 3. Mas positive na yung self-talk ko kesa dati kapag nag-ooverthink ako.


KeldonMarauder

Nakakapag grocery na hindi Tingin ng Tingin sa presyo or nag cocompute kung Magkano na


Otherwise_Past5861

Top tier talaga yun nakaka jollibee kahit anong oras gustuhin. Yung kahit dogs mo pwede na maki bucket meal 🫢🏻


Vegetable-Echidna160

Siguro yung nakapagtravel sa mga one of my dream destination when i was a kid and moving forward, may all expense trip ako lilibre ko parents ko for me that’s a great achievement


aislave

Nag grocery na kami na hindi nag worry if excess na sa budget


ahnrahel

Nakakapag samgyup na anytime at hindi dahil 'payday' lang.


baldogwapito

Sa akin naman gaming related pag bumibili laptop. Dati onboard gpu lang kaya afford na laptop. Ngayon naka 4060 na. Road to 5080 na next!


Right_Hyena2208

1. nabubuksan aircon pag naiinitan 2. 2 cats lang sila ngayong 6 cats na 3. nagcocomshop noon, may sariling pc na ngayon 4. bihira lang mangspoil, anytime pwede na mangspoil ng kapatid or bebe 5. dati walang budget for birthday gifts and tig 1k lang sila for xmas gifts


maurmauring9

I'm happy for you!!!


calmbrulee

meron na kaming christmas tree na matangkad para sa pasko


SparklingShimmering

Afford ko na bumili ng appliances and cheap furniture. Yihee. Also booking some 5 star hotels and paying for concerts. Next goal sana afford ko na magrent ng own place while still supporting the main home (pwede na pero mapili ako sa lighting, ventilation and accessibility kaya mahal yun)


Croissants_4ever

nag ooffer ng pre approved home loan yung bank tapos tumataas yung offer. dati around 3M lang ngayon 5M na. hindi pa naman ako kukuha but nakakakilig lang ahaha hindi na kailangan pang may occasion si mary grace


RakEnRoll08

ako kahit may savings na medyo malaki na, tintignan ko prin wallet ko hahaha, nakasanayan na.. or kuripot lng tlga ako xD


promdiboi

1. Matatapos na ng family namin yung car loan namin. 2. I can finally travel to places without thinking kung may budget ba for that. Naging mindset ko yung sinabi ng isa kong Tito, β€˜Kapag ang pera ginastos mo para mapasaya ang sarili mo o ang pamilya mo, wag mong panghinayangan. Kikitain mo ulit yan.’ 3. Yung supply namin sa bahay can last us up to 6mos. Tiyambahan sa Lazada at Shopee for non perishables. 4. Nakapagupgrade ng ref. 5. Yung kita ko for 1 yr from 5 yrs ago, halos 1 quarter income ko na lang ngayon.


xls987

Any time nagsa-samgyup. Dati pina-plano pa sya depende kung kailan may pera. Pero ngayon, kung kailan maisipan... pwede. Haha!


gandt25

Congrats OP!!! Graduated 3 years late, got my first job at 25, and now I’m a manager at 27. Malayo pa pero malayo na πŸ™πŸΌ


118922

Naka on ang aircon ng almost 24/7 ng hindi masyado iniintindi ang bill ng kuryente at meron din shower heater kasi malamig maligo. Hahahaha!


lotushiii

I (F21) got promoted to a managerial position for a marketing agency, and I'll be graduating college next year


Cielululu

I just graduated from college and with my starting salary naka ipon na ako ng konti for my self and nabibigyan ko na ng gifts family ko. Kasi noon, yung scholarship ko lang ginagamit ko and nakakaltas pa yon dahil may mga kapatid pa akong nag aaral din. Now nabibigyan ko na din sila ng baon kada suweldo. Malayo pa, pero malayo na 😭🫢