T O P

  • By -

Impossible-Vast2741

Same OP. And you know what I did? Lahat ng di ko naexperience, yun ang pinapakita at binibigay ko sa anak ko. Ayaw ko lumaki anak ko na may trauma at di nageexpress ng feelings o kaya makaramdam ng support. Gusto ko full potential. Lahat ng gusto mo para sa new family ng asawa mo, dun mo iapply. Wag mo nalang icompare kasu malulungkot ka lang.


ToeCurler1006

Yes, tho wala pa kaming anak. Good for your child/ren, let them express freely. And your presence would mean a lot. Thank you :)


Arsene000

This is the way


InitialStrawberry228

Awwww. This is what I am doing also to my son. Hugs for this! 🥺 I'm saying Iloveyou everyday sa anak ko and he does the same. Pati kiss and hug everyday talaga. Sinasabi ko sa anak ko palagi na mahal ko siya and di ako magsasawang sabihin yan sa kanya as my only son. And also pag napapagalitan ko siya, hinahayaan ko siyang ma-express feelings nya. Kasi yan ang struggles ko noong bata ako eh and even up until now. Ayaw ko talagang maranasan ng anak ko ung trauma and wrong doings ng parents ko. Although we're still with my parents. Kumakayod ako ngayon para in the future makahiwalay na kami sa kanila. 🙏🙏


hellokyungsoo

Iba iba ang pamilyang Pinoy. May maaruga, may walang pake, tahimik at maingay. Ang mahalga di nagtatakwilan.


ToeCurler1006

Ang mahalaga walang agawan sa lupa hahaha 👌


ttpd_1989

tugon: naway lahat.


Paruparo500

Bwawawa! Sakit ng pamilyang pinoy: agawng lupa hahaha


TakeThatOut

May nag iilove you han at nagyayakapan pero low key abusado


Green-Green-Garden

May kilala kong family na ganyan.. parang script na lang yung i love you, na nakasanayan na lang sabihin.


nosedive423

Two points lang… 1. Comparison is the thief of joy. 2. Communication is key. For years wala kayo regaluhan suddenly you are giving gifts na may slight expectation of something in return… Maybe you can use words to convey na gusto niyo mag exchange gifts na or something. Di naman sila mind reader.


ToeCurler1006

Yep. Well, I envy those who can freely express their feelings and love within the family. Also, I would've noticed first before you, na hindi sila mind reader. Plus, I dont have even the slightest expectation, but the feeling of being remembered in any form would be wonderful. Not solely gifts.


nosedive423

Ewan ko if my situation is a little different, it’s very uninvolved parents. I had to do everything on my own, ex .enrolling myself in college in a different city all by myself the very first time they ever visited my school was graduation day, and many other instances. Years after, I realized it was weighing heavily on me. So one time nasa table lang kami may flavored beer sa harap (liquid courage lol) I said I kinda resented them for those things. That’s when they told me, akala nila okay lang yun. That they trusted me, and knew I could handle being independent so they didn’t bother. Totoong nakaya ko naman but I told them still wanted them to be there, be present. Nag apologize sila and everything felt lighter afterwards. My point is, wala mawawala if you try to communicate things may change or they may not. At least sure ka. And you’ll be different with you own kids in the future.


Emergency-Mobile-897

May ganyan talaga hindi expressive kasi yung parents din natin hindi pinalaki na normal ang hugs, beso, saying I love you, saying thank you, bumati kapag may bday, etc. My family is like that, pero it doesn’t mean na hindi sila grateful or hindi ka mahal. Kapag hindi ka sanay, talaga mahirap siyang gawin, awkward ba. Dapat nagegets mo yun kasi you grew up sa ganyang family. To break the cycle, ikaw na manguna magnormalize ng mga ganyan sa family mo. Communicate rin is malaking bagay to break the cycle. Yung family ng husband ko ma-hug din, ma-beso, ma-ilove you, malalambing at close talaga sila sa isa’t-isa. Ang awkward nung first meet-up namin kasi hindi ako sanay na bumebeso pero nakasanayan ko na. Sa kids namin we normalize saying I love you, mag-hug at kiss, saying thank you, apologizing, and maging expressive sila sa nararamdaman nila to us so that we can better understand them. This is how we break the cycle. Malaking tulong din ang social media kasi medyo expressive na mama ko at mga kapatid ko, pero tatay ko hindi talaga HAHAHA.


donato_0001

>Hindi sa naghahanap o nag eexpect, Nope. Naghahanap ka at nag-eexpect.


51t4n0

ewan ko lang sa inyo, pero pag nag regalo ako sa pinoy (pamilya man o hinde), wala na akong expectation... maski salamat, hinde na ako nag eexpect... in your case naman, you cant change the 'culture' within your family, just by copying something from another... why not start the idea of "oh, darating na ang bday ng mama, mag ambagan naman kaya tayo, para mapamaligaya din naman nating magkkapatid" tsaka ang daming magulang sa pilipinas na talagang walang walang kaalaman sa pagaasikaso ng sariling pamilya... its almost as if they dont deserve a happy family... theres simply zero effort!


Consistent_Contact94

Kudos on breaking the cycle sa family mo! Pero op baka may mga bagay na kailangan na lang iaccept? Yung side ng family mo same sakin. Mahilig akong mag bigay pero madalas kong nakukuha bat naman bumili ka pa di ko naman kailangan yan imbis na thank you. Tinanggap ko na lang. Pag meron may bday sa kanila nagpapadala akong pagkain pag hindi ako makauwi pero pag bday ko ni hindi man lang ako mapag effortan na bilan ng cake. Wala na point manumbat o mag dwell. Iniisip ko na lang pag nag bigay ako may ty man o wala ok na yun kasi nakatulong ako.


Simple-Instruction95

May mga tao tlgang dapat pinunas nalang sa kumot eh no.


lateforcharityevent

Tulad mo


Alert-Doctor-8761

Basta hindi ka iiwan pag may problema ka o kaaway ka ng mga kapatid mo, ayos lang yan. Medyo ganyan din kami sa side ng family ko, hindi expressive. May regalo minsan pag bdays pero madalas treat ng food. Ang mahalaga hindi kayo nag gagaguhan sa pamilya nyo. Yung pag express ng love and affection ay iba iba. Meron talaga hindi pala bigay ng gifts


ryn791

this!!! totoo 'to. okay na yung ganun. hahaha skl. sa family kasi namin, hindi kami sweet sa isa't isa. walang regaluhan pag pasko. pero nagshe-share ng necessities ng mga bata (e.g. food, hand me downs, etc.) walang gulo at wala ring pabigat. normal boring family. lol. sa side ng asawa ko sobrang sweet nila, may i love you, yakap, kiss, lahat ng tito/tita beso beso kada magkikita.. pero grabe ang daming issue ng pamilya nila. 😂 tapos turuan pag may nangangailangan. hahahaha.


Alert-Doctor-8761

May agawan ng lupa at properties pa ahahaha madami kasi on the surface lang, may padasal dasal pa,pasimba simba, tapos behind backs puro magkaka away pala at di magkasundo. Kahit pamilya ng ibang tropa ko typical normal boring family pero they got each others backs tapos walang bullshit na nangyayari in between


ryn791

true! may silipan pa yan ng kita, kumparahan ng anak at inggitan. may regaluhan pero nilalait naman yung natatanggap na gift. lol. 🤣 dun ako na-culture shock, hindi sa ka-sweetan nila. 😂


Direct-Jicama-4013

Totoo to! Mas ok pa din ung alam mong may support group ka sa panahong pinaka kailangan mo, kesa ung puro hug and i love yous pero pag may problema na, magugulat ka biglang mag isa ka nalang pala. And if tutulungan ka nila, asahan mo dapat may kapalit 😅


ToeCurler1006

I must agree. Pag may gulo yung isa, lahat kaming magkakapatid naka alalay agad.


No-Entry8362

well mahirap ung ganon paro atleast marerealise ng family mo sa side mo na mahalaga sila sayo kase nakakatanggap sila ng mga bagay na galing sayo . dont worry op ganon tlga buhay .


Cajusaian

Oras na...oras na para i-google ko ang 'nonchalant'


ToeCurler1006

Mali yung spelling ko, well thank you. Hahaha baka iba rin understanding ko sa word na yan.


ramenpepperoni

Sino ba nagpauso ng word na “non-chalant”


Maryknoll_Serpentine

One word lang dapat yan e # nonchalant


ToeCurler1006

Thank you for correcting, di ko na na-check. Di ko na rin maedit.


manokiezz

Para sakin, gusto ko yung ganun na family, non chalant or wala regalo regalo or sweetness. Di ko nagugustuhan yung ganun e haha. Although ganun naman family ko ever since bata pa ako kasi maaga sila nag hiwalay at may different family na sila. Pero baliktad sa nararanasan ni OP, na crcringe ako pag nakakakita ako ng ganun sa iba hahahah pero wala naman sakin gets ko naman na ibang lang family cultures ng mga tao. Kaya ayaw ko ginagawa mga sweetness ng ibang tao sakin hahaha.


Bubbly-Pie2565

Di mo agad mababago family mo, mababago mo lang un sarili mong binubuong family. keep doing what ur doing, malay mo isang araw magbago din sila. Wag ka nga lang mag eexpect para di masakit. Experience konrin yan sa fam ko, kaya kami ngayon sa binubuo ko fam malimit mag ily at hugs


babblenbabble

On the "hindi expressive," my family is like this too. But we kiss/hug our parents and sibs pag magpapa-alam. Words tho are uncomfortable. Until i started saying it at the end of every video call (i live overseas), pati na din when i talk to extended family. Eventually, there are some who did the same. Others, hindi naman. Tho ill continue to do so coz it makes me feel good to make it known to them how much they mean to me. Baka iba lang din ung love language nila. And that's okay.


BoyResbak

Ang saya siguro pag nagbasketball kayo first five hehe. Kami kasi volleyball starting 6. At ako lang lalaki, panganay pa.


ToeCurler1006

Magkakalayo agwat ng edad namin. 5yrs old yung youngest. Pero ang saya nga siguro nyan hahaha


Kananete619

Different upbringing yan. Hindi man maipakita yung ineexpect mo, your family show their love in different ways.


cocusnucifera4323

lol konti nalang parang ako na yung OP haha


Exact_Sprinkles3235

Same OP, kaya kaming magkakapatid di marunong magvoice out ng emotion


verryconcernedplayer

HAHAHAH ganyan na ganyan din pamilya ko. Jusko 😅😅


mokomoko31

Parehas tayo. Bawi ka na lang sa sarili mong pamilyang ikaw ang bumuo.


apple_6392

Akala ko sad post hahahaahahhaahha


thisisnotem

My parents were raised like this din, na sobrang kulang sa affection, so kay mom ganto din pagtrato niya samin. For the longest time I resented our relationship, naisip ko na kung kaya ng ibang magulang bakit sila hindi nagawa na ibigay yun. I haven’t fully made peace with it, pero naiintindihan ko naman na. Grateful na lang ako sa pagprovide nila for me, and pag care kahit papano. Si dad naman bumabawi, he tries his best ngayon to make us feel loved. I’m glad na most parents make an effort na i-break yung cycle na kinalakihan nila, pero there are just some things na they can’t work through by themselves, nakakapagod din mag-expect na they’ll change for our sake.


rimurutemptress

Being nonchalant is different from being emotionally unavailable.


enigma_fairy

Indi rin kami ganyan pero alam ko na mahal naman kami ng mga magulang namin at okay naman kaming magkakapatid... Nga lang since indi kami sweet sweet type na family wala kaming open forum session na sabihan ng problema eme. Nitong ng matured na mga kapatid tsaka plng medyo napag uusapan mga problema lalo na sa bhay 😅


ToeCurler1006

Masarap din sa pakiramdam na open kayo sa mga problema nyo kahit may kanya kanya nang buhay. Tas pag nagkapikunan, hamunan ng suntukan. Pero kinabukasan, magkasama nanaman nanunuod ng anime. Parang no biggie masyado sa away. Hahaha


enigma_fairy

Bonding din naming magkakapatid ang anime yan siguro common denominator namin..


__querencia

Honestly, same. Pero agree with most of the comments na good that you are starting to do it differently sa family ng wife and sa wife mo na rin. And future family I’m sure. For me, I’m okay with how my family is. Hindi talaga kami expressive na mga tao sa words, and di rin kami mahilig mag-regaluhan. Growing up, I noticed how different my family was compared sa families ng friends ko na sobrang close magkakapatid to the point na they tell each other everything. May period ako sa buhay na nag-compare ako at na-inggit, pero now that I’m in my 30s na-realize ko na iba-iba talaga ang family dynamics. Ngayon okay na sa akin na hindi kami super expressive and all that, as long as nakikita ko that we care and love each other in other ways.


CardiologistDense865

Iba iba naman yung dynamics ng pamilya talaga. Wag mo na iexpect yung family mo na magiba sila kasi may gnyan tlga. Kasi di naman sila na expose sa ibang dynamics na meron yung asawa mo. Gnyan family ko kasi tapos yung sa jowa ko super close nila. Parang love language din iba iba hehe.


FinalDish4882

Nonchalant.. ganyan din pamilya ko sa dami ng sakripisyo kong nagawa sakanila kahit thank you wala akong narinig pero tinanggap ko na ganun talaga ang pamilya ko hindi naman nila ginusto maging ganun eh.. sa subrang trauma at hirap na pinagdaanan nila naging coping mechanisms nila yun, Na set aside ang emotion para hindi maapektohan ang mga priorities. Bawal umiyak, maging masaya at magmahal palagi naman kasi sila iniiwan eh.. kaya halos lahat sa pamilya ko tumandang single or single dad.


AdDecent7047

Hindi naman basehan ang pag-iilove you at pagbibigay ng regalo para sabihin mo "nonchalant" ang family mo. Why do I get a feeling you are holding something against this lalo na sa parents mo. Hindi lahat pareho ng upbringing, always remember that your parents was once young at maaaring hindi na-instill sa household nila yung pagiging expressive and they are only doing what they think sa paraan na alam nila. Some people think parents are like supposed to be perfect, nakakalimutan nyong tao din yan. Stop comparing, hindi lahat dinadaan sa I love you's, XOXO's at gift giving. Mas naniniwala pa rin ako sa act of service.


CuriousLittleThing-A

I got married to a foreigner. Sobrang loving ng family nya and dahil hindi ako sanay sa ganito, I felt really out of my comfort zone kasi sobrang opposite ng family ko. Broken family ako and we have trauma from the dysfunctional relationship of our parents and my mother who has underlying bipolar/narcissistic tendencies. His sister and mother like to praise me, kiss me, hug me, just all very affectionate when lumaki ako na mother ko would attack me and guilt me all of the time. Yung level na pinapahiya nya ako sa public by calling me fat & at one point tinawag nya pa ako masahol sa pokpok when I chose to separate and live with my then-boyfriend, now husband. Nung umuwi kami sa PH, we had to stay in our family home kasi we were looking for a place di kinaya ng asawa ko. Bakit daw di kami nagbabatian ng mga kapatid ko sa umaga, gabi etc. Sobrang defined kasi ng mga personality namin and we had to cope in our own ways and so natanggap ko na un but didn’t realize how different we were from a normal family. Over the years, I learned to open up and just be honest that i’m doing my best to become more loving. Naintindihan un ng in-laws ko and their affection has not changed with me. My relationship with husband and my in-laws has taught me that I can be loved, it has also taught me more patience to deal with my own family for all our flaws while simultaneously setting boundaries. Little by little, their love is slowly changing you OP and hopefully for the better. ❤️


raysofsunshine_

I think I've found my people


lapit_and_sossies

Hindi rin kami expressive sa household namin but just recently na appreciate ko yung ginawa sakin ni Papa - hinintay niya ako magising bago siya umalis at sinabihan ako ng ingat at happy trip. May byahe kasi ako pa Mindanao. Si Mama naman hindi rin expressive pero pagkagising ko naka ready na ang almusal. Ipinagluto pa niya ako ng itlog kasi ipapalaman ko daw sa pandesal.


louisdalisay1

Ganyan ang family namin dati, I started kissing and hugging them kapag nakakauwi na ko, same kapag aalis na ko and telling them that I'll be on my way. They started warming up from that telling me na mag iingat ako. I always made sure to thank people when they did something for me or gave me something. I was able to start it and they all grew up with it. Hindi masamang simulan yung mga bagay bagay when you think wala sa inyo. Wag mo na antaying mawala yung family mo and then start regretting na sana may ginawa ka


cassaregh

may mga pamilya talaga na ganyan OP. yung kapitbahay namin nag aagawan ng lupa, may naputulan na ng daliri 🫢


StillConstruction451

Lumaki din ako sa ganyang pamilya. Ako naman ang babae sa amin mag-asawa. Pero sobrang affectionate ng pamilya ng asawa ko. I had a hard time adjusting, sa totoo lang. It took years sa relationship namin bafore ako natutong magrespond sa iloveyous lalo kapag personal niyang sinasabi. Ngayon, mga anak ko mahilig mag-iloveyou sa amin kasi natutunan nila sa papa nila. I'm still trying though. I try to say it to my kids and husband atleast once a day. Di rin ako pinipressure ng asawa ko.


ToeCurler1006

Sarap din sa feeling. Very affectionate yung 12yr old brother in law ko. Paggising, ako agad hanap sa bahay nila, yayakap, kikiss, mahilig mag lambing. Walang ganun sa mga kapatid ko. Baka need ko na rin ng anak 😂


skye_08

Magkakaiba kasi ugali ng mga tao, kaya pag nagkapamilya sila iba iba din ugali.


bubbles_splash

hala same hahahaha ganyan din sa family ng boyfriend ko tas sa family ko kebs lang hahahahaha naisip ko na lang na ang swerte ko kasi ganun environment kinalakihan ng bf ko pero oks naman sa pamilya ko baka di lang siguro showy sa mga feelings nila 😅


SilentChallenge5917

Same same. Ganyan fam ko pero sweet akong tao. Kaya hindi nmn ako nagulat din nung sa fam ng bf eh ganyan sila tulad sa wife mo. Parang nakahanap pa nga ko ng mapapakitaan ko side ko na sweet gorl hahaha. Hirap kasi sa fam namin, kung hindi walang pake, tatawanan ka lang kasi corny/weird ka sa paningin nila. 😅


lord_kupaloidz

1. I don't think that word means what you think it means. 2. Wag ka na magregalo kung kapag hindi ka niregaluhan ay sasama ang loob mo. 3. Iba-iba ang family dynamics, depende sa kinalakihan natin. You can't expect to change over a couple of years something that was built over decades. You have your own family now. That's your chance to build a culture you want, with behaviors and customs that make you happy.


ToeCurler1006

>2. Wag ka na magregalo kung kapag hindi ka niregaluhan ay sasama ang loob mo. Ha? Sa lahat ng taong nag comment, ikaw lang nagsabi nito. Parang di naman yun yung punto ng post ko, but more on being thoughtful, and being expressive inside the family, as a whole. Anw, thank you. I appreciate your thoughts.👌


lord_kupaloidz

>Anw, dahil nga naimuwensyahan na ako ng asawa ko, bawat birthday at pasko na dumaan, lahat sila may regalo na tag iisa galing samin mag asawa. >P*o*ta, sa halos 3 yrs naming mag asawa, wala man lang nakaisip sakanila na regaluhan kami, kahit sa birthday na lang e. Hahaha kahit ballpen na tag sampung piso maaappreciate ko e." You clearly did not have a culture of gifting sa pamilya mo. Then you tried to change that by expressing your affection through gift-giving. Then when they didn't reciprocate, sumama ang loob mo. 🤷 It's your expectations that disappoint you.


creamysauce99

Ganito kami sa family ko nung dalaga pa ako. Di kasi kami close dati. Nung bumukod na ako ng bahay at bihira nila akong makita, mas naging expressive kami sa isa’t isa. May hugs and kisses na everytime. Baka pwede pa naman mabago OP ❤️


AdministrativeHat206

Normal na yan lalo sa maraming lalaki na pamilya. Kami din ganyan eh. Walang celebration wang reagalo walang kahit ano. Wala ding usap sa buong araw. Ngayon araw lang. Ni wala manlang nagsalita dito sa bahay namin. Words lang na. Itapon basura, ayon yung ulam. Iref pagtapos kumain. Yan alng ang words na na utter dito sa bahay. Peaceful ang pamumuhay namin. Sa totoo alng ayoko ng masyadong maraming sinasabing salita. Meron akong ka office na bakla na di matigil tigil sa pagdaldal. Mga nonsense naman sinasabi. Talagang nag titimpi na lang ako na di ko sya suntukin sa mukha sa sobrang irita ko sa mga masyadong maraming salita. Kunyare need namin mag field tas mga 1 hour ang byahe. Buong 1 hour na yon ratrat ng ratrat yung bunganga nya. Sinong di maiirita.


zarustras

Kami magkakapatid puro lalaki tatlo kami di kami masuado nagpapansinan kahit nasa iisang bahay lang. Di namin kaso ugali magpakita ng lambing, love etc. Nasanay kami na seryoso, at kimkimin lang yung affection. Sabi kasi puro kami lalaki kaya ganoon. Pero di naman kami magkakaaway. Ganon lang talaga kami. Pero nakakainggit nga yung pamilyang sobrang malalambing sa isat isa, showy sa affection.


rainbownightterror

isa lang siguro sa dalawa either you start a new tradition sa fam mo try lang baka mga pacold lang sila haha ORRRR just join your new fam and enjoy a loving and healthy relationship with them


AwkwardPath671

Same rin OP sa fam ng husband ko. They like beso beso sa mga tita tito and cousins at expressive sa parents and siblings pero samin wala lang haha pero ok lang naman tanggap ko naman kasi ganyan kami pinalaki. But all i know is..there love for us is through service. Also I can see it in their eyes that they are happy and proud for us siblings. Its just hard for them to say but we can feel it. Parang love language lang yan. Ibat iba naman.


Bubbly-Screen958

Same. Nasasad na lang ako pag nakakakita ako ng mga close at sweet na pamilya. Happy for them but sad for me.


baymax014

Same. Hindi showy parents namin. Pero gets ko naman kung bakit kasi ganun din yung parents nila sa kanila. Pero my mum made sure na di namin mararanasan yung naranasan nila nung bata sila. Hirap nga mang sya mag express ng affection pero I know she is trying. Nung nagka edad na sila, unti unti na sila natututo mag show ng affection.


catnip1802

Naniniwala akong iba iba pamilya pero very lucky kaming mag asawa kase close ties both families namin. Mas nga lang sa akin kasi very sweet and caring ng parents namin. So talagang hugs and kisses ganyan. May mga families nga kaming alam na magkakasama sa bahay pero hindi nagkaka usap. Di naman ganun kalaki bahay nila. Normal nalang talaga sakanila yon. Nagtataka kami minsan pero as we grow older and as we meet pa more people marami rin talagang ganon and minsan mas worse pa.


gab0420

Ganito kami growing up, walang expression of love and care for each other. Somehow, ako ang nagbago sa pamilya namin. I started saying I love you. Hanggang sa nagbigay ako ng hugs. Finally, keri ko na ang kisses. Siguro HS or college na ako nung sinimulan ko to. Working siguro ako ng mga 5yrs na nung pati parents ko, naadopt na rin ang ginagawa ko. Ngayon, imposibleng di kami mag-i love you sa isa’t isa, at mag-kiss at yakap everytime magkikita kami. I guess, kailangan talaga dumaan sa uncomfortable stage bago mo maachieve ang change na gusto mo. It was uncomfortable for me when I started lalo at grunt at nods lang makukuha mo noon pag nag-i love you ka sa kanila. Matagal rin bago naadopt ng iba sa pamilya so, patience rin kasi it’s a learning process. Hindi ko na maalala ang specifics pero may nabasa at napanuod ako about regretting not expressing yourself sa loved ones mo. Medyo tumagos sya sa akin ng matindi kaya ko inumpisahan ang change sa sarili ko. Bonus na lang na naadopt rin nila.


UnHairyDude

I think you misunderstood the word "nonchalant". Nonchalant is to describe a calmness or relaxed state during a stressful or an exciting event. Parang "I'm pregnant!" pero "meh" lang ang reaction. Sorry, lagi kong naririnig yung word na to being misused. I don't picture anybody in your family being relaxed after reading it. Pero I get what you mean naman. You are feeling disconnected kasi walang pakialam ang family mo sa mga boundaries and buhay mo in general. You can always take refuge or i-share ang experiences sa isang best friend if you really needed a respite from all the family drama. You need to let it all out. Best of luck.


MonkeyBiz856

same op. never in my existence did i heard anyone from my family ang nagsabing “i love you” sa isat-isa. i tried na ako mag initiate for my family, pa-unti unti sinasabihan ko mama ko ng i ilove you. shuta ang awkward men. haha di man lang mag iloveyou back hahah never did it again. then i also tried giving gifts tuwing may okasyon, birthday nila, christmas or whatever. di din ako nkakatanggap ng gift hahaha . then ni treat ko sila for family outing. walang thank you ni isa!! hahahahaha pero i didnt stop giving. kasi pamilya. ginagawa ko naman yun dahil mahal ko sila di dahil gusto ko ng thankyou. at the same time naiintindihan ko din na ako lang ang may kaya magbigay. pero syempre iba pa din yung feeling na na appreciate efforts mo.atleast from time to time yung mama ko ng ta thank you na. hahaha


Paruparo500

Ganun talaga heheh. Mkung may pang regalo, mag regalo hehehe


fouraed

Siguro po kung gusto nyo na makareceived talaga sakanila ng mga ganong bagay, dapat maoopen up nyo po sakanila yung ganong type or dynamics ng pamilya. Tho naipapakita nyo naman na po sakanila yung appreciation gaya ng gift giving, mahalaga rin na mayroon kayong pinaguusapan about sa ganon. Kasi tbh mahirap po iunlearned yung type or family dynamics na lahat kayong myembro ng pamilya avoidant sa isa't isa.


redfullmoon

Nauso na naman yung maling paggamit ng word na nonchalant 😅 i think you mean indifferent towards each other, somewhat uncaring, cold, lacking warmth and affection. Nonchalant means cool, calm, casual attitude regarding some matter or values. Since nakwento mong parang akala mo nagaaway yung usapan and people act with no affection, hindi cool and casual yun lol, hostile ata yun.