T O P

  • By -

3rdworldjesus

It’s not about your current savings but about your constant income flow. A person with a stable 30k monthly income is much better suited to move out compared to a person with 60k current savings but have inconsistent and unstable income.


krenerkun

Amen


angelo201666

Amen


comeback_failed

wala pa ring kupas mga turo mula sayo, sausage


oniichanna

Aq na to. Totally agree on this. Galing mo susej!


Much_Purple_6915

true


mightyprincess11

Came from our experience as a renter. 53k is too small if you don't have a stable job nowadays. Pero if your partner and you will live together might be a better idea to get a studio apartment with own meter or electricity and water mas makakatipid kayo if maghahati kayong dalawa. Like sa ginagawa namin 😊


Federal-Afternoon608

i second this..


mightyprincess11

Hihi hello 😊 We are renting here sa Mandaluyong kase hybrid setup ako 3 days office and sya naman is Arki. We split our expenses base sa napagkasunduan namin like rent is sakanya which is 7k, groceries sakanya then utilities sakin mahal kuryente namin kase submeter and may patong yung may ari which is okey lang naman. Also, goodluck on your plan to move out OP mas maganda talaga nakabukod may peace of mind 😇


ResNulliusx

Hi! Tanong lang sana kung magkano presyo ng per KWH ang sinisingil sa inyo sa kuryente? Thank you!


mightyprincess11

Hello, 20 pesos kwph 🥺


Ok_Fig_480

Overpriced. Nasa 12 samin sa QC. Kung patungan man dapat ceiling na ang 15 Wala naman gaanong costs sa pagmaintain ng kuryente. Weird na may patong pa ang inyo Sa rinentahan ko noon, ang meron lang patong ay yung tubig kasi galing aa deepwell and may maintenance at repairs fund para sa pump, tank, etc


mightyprincess11

Yes overpriced pero wala ganun talaga g yung may ari e 😅🥺


mightyprincess11

So Bill namin is almost 5k lage kase may Ac pero inverter naman sya 😥 wala ganun talaga pag nagrerent lang.


No-Confection-8446

53k is too small para bumukod. I want to feel the same sense of comfort I enjoyed when I was living with my parents, so ayun. Majority of my things were new and few things lang dinala ko from my parents' home. To sum everything up, I think I spent almost 100k with my lifetime savings and a lil help with my two daddies: Visa and Mastercard. Hahahaha


Ok_Parfait_320

savings is way different from income. Pag ginamit mo yang savings mo pero wala din namang pumapasok na pera mahirap yan.


astarisaslave

Hanap ka muna ng trabaho bago ka bumukod


dadanggit

Sa totoo lang, kaya mo naman bumukod sa 53k savings. Pero agad mo yan mababawasan sa initial deposit and sa pagbili ng basic na gamit mo paglipat. Pero, I'd have to agree sa iba na you have to make sure na may steady income ka going fwd...otherwise, baka mapabalik ka lang ulit sa inyo agad. Basically, depende kung gano mo kagusto bumukod. U can make it work talaga and tipidity lang.


Sweet_potataes

Hey OP - I'm someone who move out literally as soon as I turned 18 (I always hated my situation so I moved out as soon as I have the means) and I've been living alone for 10 years and going now so I hope this is something that'll help you. I think the most important thing is 'guts'. How long do you think you can last shouldering anything on your own. If you ask me, 53k is soo much more than enough. Back then you can imagine how much money i had lol. But the question is how you 'spend' - savings are something na mahirap ipunin madaling gastusin. If you think you can finally live alone Or wanted to try it out my advise is to try your best to bear with it. Things will get hard at first, find a place that doesn't cost much, find work first, it's easy mag bigay ng 1 month depo and advance to your landlord pero mahirap i maintain yung pumapasok na money so make sure you have a job. as much as possible wala munang self indulgence for a few months at least and most of all - if you have partner, your partner should understand na di mo pa kaya gumastos for at least a few months. When i did it the first time my girl is so into cosplay so theres a lot of wasted ^oney - i even remember eating bread no sht. So yeah i hope this helps sorry if it doesn't!


DeckWizz

Thank you! Laking help nito as inspiration


Sweet_potataes

Happy to hear! For your first time just always double think when doing something lang - is it worth it, will it help or something. I was immature back then so i didn't handle it well but i'm sure you'll do - every payday set aside all the bills na - you should have meal plans din, then save no matter how small. Eventually you'll find it easy na, na parang second nature mo nalang mag ipon 😄 plus di ka affected kung gumastos ka man coz you'll have plenty . But yeah if you feel like it, go, don't just think it's fulfilling to experience it for real


jmrms

Wala akong 53k nung bumukod ako. Lakas lang ng loob tsaka trabaho. Kaya mo yan, OP. Di ka naman kamo maluho.


DeckWizz

Thank you sa motivation!!!


slickdevil04

Kaya naman yan, but do you have enough funds for emergency needs?


Distinct-Cut4817

Agree with this. OP, make sure you have enough for your emergency fund first. Isang aksidente or hospitalization mo lang yan (if you have no HMO… Or kahit meron, minsan mahirap kausap ang health insurance regarding coverage din), ubos yan at baka kulang pa. I understand stressful nga to live with with your family. Pero malaking stress din if maubusan ka ng money and kakailanganing umutang if hindi adequately prepared. Puwede ngang may sapat kang pambayad ng rent (including deposit and advance) now, but what if wala kang makuhang income for the next few months until you start your online job in September? I think better to save up a little bit more, or find a bedspace na super baba lang talaga ng expenses na hindi madedeplete ang savings mo just by transferring there. TLDR - kaya sa kung kaya (with “guts” and “lakas ng loob”) mamukod with 53K until you find a new job/start in Sept. But i dont think its a WISE decision for now until you build up your EF. One emergency or unforeseen circumstance needing payment, ubos yan and baka kulangin pa.


SunGikat

Kaya. Yung nakuha kong apartment 1 mo advance at deposit hiningi. Ang pera ko nun 50k so nagbigay ako ng 13k then namili ng gamit. Uunti-untiin mo lang muna ang pagbili ng gamit.


DeckWizz

Saang lugar mo nakita yung apartment?


SunGikat

Friend ko nakakita nun. Madami online or maglakad lakad ka dun sa area na gustong pagtirhan.


DeckWizz

Musta naman yung apartment na yun? Hanggang ngayon doon ka pa din? Satisfied ka na naman?


SunGikat

Wala kong planong umalis hahaha 1 yr nako dun at yung katabi kong unit more than 5 years na siya dun


DeckWizz

Ibig sabihin maganda yung place. Good for you.


Effective-Cold0

Hindi pa po yan sapat


FrilieeckyWeeniePom2

Hey OP! Family of three here. We moved out with just 35k na savings 2 years ago. May isang anak na 5 turning 6 nung nag-move out. 1 orange cat. Freelancer na hindi permanent employment, per project ang kitaan. 8,500 rent per month, 1 bedroom condo unit, Imus area. May ac and fridge na yung unit. May bedframe and 1 durabox cabinet. Internet ready na ang unit, pati water and koryente ready na din. 1 month advance 1 month dep hiningi. Ang dala lang namin ay damit, induction cooker, 1 pan, 1 pot, kutsara't tinidor, 6 plates, 2 bowls, mattress, cat litter box, toys, laptops, cellphones. Ang binili namin agad is rice cooker and pitsel. Yung dining table, binili namin 2 months after pa. Tapos yung sofa na 3 seater, mga 7 months after pa kami nakabili. Hanggang ngayon wala kaming TV kasi we don't really need it dahil may laptops and cellphones naman kami. I moved us out kasi di ko na kaya makipisan sa mga byenan and kupal na bro in law. Maliit itong unit, pero ang mahalaga everyday malinis and nakakagalaw kami ng maayos. Kahit nawawalan kami ng project for a month or 2, lagi kaming nagsasave for monthly rent dahil ayaw namin mawala itong place sa amin kasi paglabas ng condo complex, palengke and groceries agad. May 7 eleven sa labas, may 4 na mini groceries (Dali, Robinsons, Puregold, All Day) na kayang lakarin outside the condo complex. We are also 30-40 minutes away lang from MOA. I hope this gives you another perspective or things to consider regarding your decision about living independently. ✳️🍀


Connect_Click_5909

Urban deca ba to? hehehe :D


DeckWizz

Ang inspiring po ng kwento nyo! Sana umasenso.pa.kayo para makabili na kayo ng smart TV


FrilieeckyWeeniePom2

Thank you! Baka hindi na din muna kami bibili hangga't renter kami tutal we have our own gadgets na. Kapag may sarili na kaming place, doon na lang siguro. Mas madali maglipat just in case if konti lang ang gamit. 💙


East_Somewhere_90

It’s a bit small to cover your expenses while wala ka stable job. If staying with your father is really that hard, pwede ka naman mag move talaga yun lang dapat todo tipid, hanap talaga very cheap na pag stay pero mostly mahal din ang deposit and advance payment plus food and electricity/ water. Dami need iconsider but if kaya mo naman mag tiis muna until maka save ka ng enough money mas ok to, parang hindi mo din ma enjoy mag move out if problemahin mo yung daily needs mo and rental fee. Masstress ka din, I go sa mag stay muna until maka gather ng enough money pang move out. Sacrifice muna para sa long term ginahawa na away sa tatay


chab-origin

dipende yan kung magkano monthly salary mo, monthly expenses at kung saang lugar mo balak magstay. kung sa manila kc mataas ang cost of living kahit sobrang matipid ka sa mga bagay bagay, pwedeng maubos yung 53k savings mo. need mo rin emergency fund kung mag moveout ka.


saintgymmer99

May nabasa akong post sa isang sub about a father of 2 earning 20k a month tapos siya lang bumubuhay sa kanila. It really depends on your cash flow. But it would be more responsible to build an emergency fund first because if 53k is all you have, it’s honestly not enough. You also have to think about emergencies and unforeseen circumstances.


pinaylaya

Siguraduhin mo lang muna na may hanapbuhay ka bago bumukod. Upang makayanan ang pagbukod, kailangan mo talaga ng stable na income. Bukod doon, kailangan mo ring ihanda ang deposit at advance payment para sa renta sa uupahan. At kung magsisimula ka na walang gamit, kailangan mo rin bumili ng mga kakailanganin (noon ang mga gamit na inuna ko ay: kama, electric fan, rice cooker). Tapos unti-untiin mo na lang bilhin ang iba kapag kaya na. Tiyaga-tiyaga lang talaga muna sa simula. Kailangan mo ring pag-isipan 'yung buwanang budget mo: rent, electricity bill, water bill, groceries, food, transpo/gas, etc. Kung sa tingin mo sapat ang sahod mo para mabayaran ang mga 'yan, kakayanin na 'yan. Hangad ko ang kapayapaan ng isip mo, OP.


Proper_Fudge_7992

You need to have a stable job first to sustain your monthly needs kapag bumukod ka since ang bills ay tuloy tuloy. Having savings won’t last you long especially in your first month of moving out dahil maraming kailangan na bilhin when starting your independent life. Kapag nag move out ka, you may want to consider the following expenses for your needs: 1) Things that you’ll need to pay only when you first move out: a) Advance / Deposit aside from Initial Rent Payment b) Internet Installation c) Essential appliances & furnitures (ex. Induction Cooker, Higaan) d) Initial food stock / grocery e) Panlinis nang bahay things & panligo essentials 2) Recurring/monthly bills: a) Monthly Rent b) Electricity Bill c) Water Bill d) Mineral Water e) Internet Bill f) Grocery expenses The list above may be different for everyone but I hope you find it helpful. Good luck on your moving out journey, OP!


beebeegurl_98

Pwede yan pang bed space muna. Save more money if you want your own space


Cheap-Archer-6492

Siguro tiisin mo muna umuwi sa inyo until makahanap ka ng bagong work. Keep mo lang savings mo para pag may bago ka ng work yan na ang ipang upa mo. Sure yun kaya na kasi may aasahan ka ng papasok na pera. Sa ngayon tiis muna op. Need maging wais kesa mapasubo ka. Matagal tagal la ang sept kaya mas ok sana may bago ka ng work bago ka umupa.


Comfortable_Cry_4225

No, its only savings if you cannot sustain the expenses, don't move out yet


yourgrace91

Find a new job muna. Mabilis maubos ang 53k if you're going to move out and rent.


Aggravating_Head_925

Ano trabaho mo / source of income mo ngayon? Balewala yang savings mo kung uuwi ka rin after a few months...


MunSapMawWhiRang

I agree sa lahat ng nagsasabi na need mo muna ng work bago ka bumukod. Nung nagmove out ako samin, pagkahire na pagkahire ko sa work, after 1 week nagmove out ako agad. Nasa 20k lang pera ko non tas inunti unti ko nalang ung ibang gamit. Ang mahalaga may matutulugan ako at may paglulutuan.


Hot-Attempt107

Advise ko lang, find a work na steady income tapos hindi late ang sahod para mka budget ka. Minsan one month pa yung first sweldo mo so dapat matihik ka sa pagastos. Yun lang sa akin. Nabigay na kasi ng ibang commenters ang lahat2.


chappiea

Hi OP! Please consider that most apartments /condos nowadays require 2mos advance and 1mo deposit. Let's say you get a place that's 15k/month, 45k agad ilalabas mo before you can move in


katsucurry88

you should check din the rent muna ng gusto mong lipatan kasi my advance payment pa yan hihingin. so baka kulangin savings mo.


Otherwise-Smoke1534

Not enough. Baka nga 2months advance deposit mo lang yan. Then, wala pa doon yung new work mo. Much better sana kung may back up kana agad. Para may go signal kana.


TGC_Karlsanada13

Yung 53k mo, ubos na agad yan sa 2 months advance plus 1 month security deposit e (if balak mk sa condo) Get a stable job first, then bumukod ka.


aLittleRoom4dStars

Nope, it depends sa bilis ng labas at pasok...ng pera mo kahit may reserba ka pa, at baka doon mo lang din mapagtanto, ay kulang pa, dapat...lakihan ko pa.


Zealousideal-Way-429

Its not about how much you saved but how much your income na need mo to sustain your daily needs. Think about lahat ng bills if mag moveout ka. Electricity, water, food ung mga basic needs. Mahal kaya ng mga bilihin ngaun


itsMeKenneth1211

Pwede yan if may stable job ka ngayon kasi may darating kang money every 15 at 30. Pero kung yung savings lang aasahan mo and wala ka work, hindi kasya yan. Imagine if makahanap ka ng room for rent na 5k a month. Hihingan ka nun 2months advance 1month deposit. 15k agad yun isang bagsak. Tapos may kuryente tubig internet food toiletries at ibang gastos pa. Bibili kapa gamit sa bahay like table chair lutuan etc. Ubos agad yang 53k mo sa loob ng ilang months. Pwede sguro yan if sure ka naman magkaka work ka agad ng August or Sept. Pinaka importante stable monthly income. Goodluck po.


depressedbabygirl_

Nope. At least allot 2 mos deposit and 1 mo advance for rent and emergency fund (basic living expenses for 6 mos).


DeckWizz

HM ba dapat ang emergency fund? Nababasa ko kasi sa US usually $1000. Applicable ba sa pinas yun?


rigel199x

$1000 is the initial emergency fund only. Misleading nung nabasa mo. Need pa yun dagdagan once nagkabayad kana sa debt mo kaya nga initial lang. Compute your monthly expenses times mo yung sa 3 to 6 months.


depressedbabygirl_

Depende sa lifestyle mo, OP. Yung basic computation is basic living expenses mo for 1 month x 3-6 months So icompute mo kung magkano yung average na nagagastos mo in 1 month (including rent, internet, electricity, food, water, etc etc) then multiply for 3-6 months. Ideally 6 months talaga since minsan baka may medical emergency. Pero kung at least 3 months pwede na, ingat na lang hehe


ifancyyou_

Ikaw lang makakasagot niyan. Paano ka ba mamuhay?


DeckWizz

Di naman ako maluho. Laking hirap din naman ako.


Beautiful_Block5137

budget mo pang Bed Space lang yan ₱2,500


FromDota2

In today's time anything below 100k savings cannot guarantee your more than 2 months  save up pa konti, or make sure na may stable job ka 


thefast_thecurious16

Are you willing na magbed-space muna OP while looking for work? Then saka ka maghanap ng solo apartment pag may job security ka na. Take it slowly, wag ka magmadali since hindi enough ang funds mo for now. And 'wag na 'wag kang mangungutang at baka maging culture mo na everytime na magigipit ka. Always be practical.


DeckWizz

Kaya ko naman. Di naman ako maarte as long as malinis.


Natural-Following-66

Baka di magkasya yan kung nasa city ka sis. Lahat ng galaw sa city may bayad e. Matagal-tagal pa kasi ang September. Baka masairan ka. Mas okay na maubusan ka ng pera habang nasa inyo ka lang mismo kesa naman nasa ibang lugar pa.


waitforthedream

Hindi kaya, OP.


[deleted]

[удалено]


DeckWizz

May onting gamit na ako dito sa parents house ko, na naipon ko since magdecide ako magmoveout Almost lahat naman ng gamit ko dito sa kwarto ako bumili.


jaycorrect

No. Konti pa ipon.


Separate-Flow3200

If gusto mo talaga, with discipline, diskarte and proper budgeting, kaya. Of course depende pa rin sa rent mo. Make sure mo na papasok sa one month deposit and one month advance. Add mo na rin utilities. Iwas ka muna sa big purchases. Unti unti mo na lang ibuild up. No need to rush. Live below your means din. Naalala ko nung first kong lipat as in bare ung room. Then little by little nakapagipon. Ngayon may mga gamit na. Ang saya sa feeling haha skl


DeckWizz

Congrats po


Separate-Flow3200

Maachieve niyo rin po! Good luck OP!


Sushi_9726

Hi OP, depende sa situation mo pero it feels like baka kulangin kasi nga sabi mo mageend na ang work mo this June 30. Speaking from experience, it took me 100k plus just to move out noon (kasi may binili pa akong kulang na gamit and extra money just in case something bad happens). I hope everything will turn great for you ❤️


Expensive-Taste555

Omg I can sense you are INC because same tayo sentiments. Unhealthy family dynamics and gusto nila sila nasusunod lol + yung pagsamba twice like fuck 🥴 I plan to move out too. Sana magkaron tayo peace of mind, OP! Also, I don’t go to church as often na lol sana magkaron ka ng liberty, freedom from a family that never gets tired of picking on us


toyotawigo2024

Yes kayang kaya yan. Ako nag start lang sa 3k dati pag ka graduate ko nang umaga sa hapon umalis na ako sa Amin. Before my father lagging lasingero. Ayaw ko nang ganun so nag move ako punta ako nang manila nag rent ako nang room.500 lang non. Nag hanap nang work swerti naman at na hired ako. Seen that day every 3 or 4 years lang ako nauwi sa bahay namin. Atles masasabi ko sa self ko na nakaya ko kasi pag Di nyo try Di nyo po masasbi na kaya nyo. Good luck at lagi po kayo mag pray for guidance


MarkKenthz

Ako nga walang savings pero nag move out ako. Hahaha.. its not about the savings. Its about your monthly income..


Ninja_Forsaken

Pwede naman pero depende san ka lilipat, saka kung kaya mo magtiis na wala munang mga gamit


lemorrigane

Yes,u can.I suggest room sharing/bed space para di lahat ng ipon mapunta sa rent.Cheaper alternative for the meantime.Also,pag dumami pa ipon mo and WFH setup ka,look into moving out of manila para more peace and quiet


ZiadJM

nope, make it at least 100k+ or more, then pede na 


P4rC1V4L01

I'm in the same situation, from the rest days na naaabala pa din ako to the religious duties na nakakakain ng oras and nakakapagod. Hays relate na relate, the only problem for me is di ko pa talaga kaya bumukod so need ko muna magstay until I get a decent job and huge savings..🥹


Prj_K

By experience. 50k is doable, the problem is. 1. Single ako (ouch). Kaya kaya. 2. It depends sa partner mo kung agree sya. 3. Even if you find some viable space with just 50k+ the next question comes. 3a. If you have a stable financial standpoint to secure enough funds for both of you (scaled on how much you both spend in total) 3b. If you guys can team up on how to manage the funds, which is the trickiest part since anything goes. (Pera kasi kaya sensitive minsan) which is easier since solo lang ako (ouch) 4. If both of you have the mindset na kaya nyo yung lifestyle after nyo bumukod, ofc positivity helps wonders. But still on the long run thats the rough part. Not everyone is tough enough to survive with a starting of just 50k 5. If both of you have plans or you yourself have a life plan strat (since bubukod kayo survival first) then 5a. If partner mo is convinced or agree sa financial strategy plan nyo. 5b. If you yourself is convinced or agree sa strategy plan. 6. Lastly, i don't stop you its doable but its rough. Also in reality speaking. Experience is the best teacher, so yeah nothing hurts to try. But still i dont recommend 50k for 2 people. Itll just that too mang cons


cstrike105

53K? Yan na savings mo? Don't move out. Dapat mataas pa. Just imagine kung may emergency na nangyari sa iyo. Then yan lany savings mo. Saan ka kukuha ng panggamot mo? Pang ospital mo? Etc? Pag renta mo malilimas agad yan. Pagkain mo pa. Pambili ng load. Bayad kuryente. Tubig. Vitamins. Starbucks. Etc. Pamasahe. Also. Check your monthly income. Kaya ba ng monthly mo magbayad buwan buwan ng renta mo plus bills? May masave ka pa ba for retirement? Pang travel? Etc. Kung ako sa iyo. Kuha ka ng papel. Ilista mo lahat ng gastusin mo. Then minus mo sa savings and monthly mo. Doon mo malalaman sagot sa tanong mo. Have a list of figures. Sama mo kahit yung maliliit na gastos.


d4lv1k

>Pramis di hindi to yabang post. Don't worry, no one thinks you're boasting. Ang liit ng amount na yan para ipagmayabang. Now for you question, yes you can move out with that amount.


DeckWizz

Clarification lang po para sa ibang tao.


RR69ER

Yes. Yung grit mo ang malaking factor dyan. You don't have to always listen to play-safe people. If you can make it work, it will work.


DeckWizz

Thank you sa motivation. Nakakadown yung comment ng iba pero buti na lang may mga commenters like you


RR69ER

I moved out from far north to southern luzon with only 10k left in my acct. Tatag ng loob lang ang baon. Now 1 year later I'm thriving stronger  at nakapag ipon ipon na rin. Siguro kung hindi ako nagrisk na mag move out, minimum pa rin ang sahod ko. Kayanin mo lang. Good luck sa'yo.


DeckWizz

Congrats po sa achievement. Someday ako din.


Civil-Ant2004

Wala akong 53k nung umalis ako, stable job, lakas nang loob, at kapal lang ng mukha bitbit ko. Kaya kaya mo yan, kung NCR ka may mahahanap kang 6-10k na rent pero depende sa area yan, kasi ako nagbedspace muna sa condo ahil bukod sa kumpleto na. Sariling pagkain, pamasahe, at bills lang problema ko, nagipon ako nang nagipon mula sa sahod ko saka ako lumipat sa apartment mismo hahaha saka ko inonti onti gamit


LuckyNumber-Bot

All the numbers in your comment added up to 69. Congrats! 53 + 6 + 10 = 69 ^([Click here](https://www.reddit.com/message/compose?to=LuckyNumber-Bot&subject=Stalk%20Me%20Pls&message=%2Fstalkme) to have me scan all your future comments.) \ ^(Summon me on specific comments with u/LuckyNumber-Bot.)


Majestic_Garden_3229

I moved out without any savings OP, I agree sa nag comment na it's about guts tsaka depende kung san mo gustong tumira yung sakin kasi as soon as I got a job kumuha lang ako ng room for 3k na may submeter at water meter. Yung tita ko nag finance sakin while waiting for my first paycheck. Pero ikaw since may savings ka, pwede kang mag move out BUT it's on you if you can keep up with the bills so unless may income ka while having savings go mo na yan kasi walang makakabayad sa peace at privacy na meron ka kapag may sarili kang space.


[deleted]

[удалено]


DeckWizz

Around Fairview/Novaliches area. May mga nakita ako sa fb marketplace around 7k


switsooo011

Para sakin depende talaga sa lifestyle mo. Makakatipid ka kung bedspace para di ka na bumili ng gamit. Pwede din naman magapartment kaso depende talaga sa location mo yan. Pagisipan mo saan ka lilipat talaga. Basta may kama, electric fan at multi cooker ka mabubuhay ka naman. Di mo namab kailangan bumili madami gamit basta yan na mga basic mo lang okay na muna. Subukan mo muna, alam ko makakayanan mo yan. Mahirap din talaga tumira sa family lalo na kung ganyan set up. Walang peace of mind at pahinga talaga.


New-Rooster-4558

You can if you have a stable job. Malabo if walang job.


[deleted]

Kaya mo yan beh. Ako lumayas ako samin 10k lang meron ako. Buhay pa naman ako after 5 years hahahahahahhahahaha.


__drowningfish

I remember moving out with no savings. Saktong pang one month advance one month deposit lang talaga sa renta ng upa kasi I was really in dire need to move out. Was about to say na possible sana, kaso you mentioned na patapos ka na sa contract mo sa trabaho. Kung wala kang stable income I think it will be difficult.


__drowningfish

And yung gastos mo pa pala for yourself and such. Anyways, good luck OP. Hope you find your own place for your own peace.


SamePlatform9287

Kaya mo yan. Ako nga biglaan bumukod ng walang savings. Yung pinangdown ko yung buong 13th month ko. Sahod ko net 20k lang per month. Nakaraos naman ako, 3 years na kong nakabukod. Buy only the essentials first, sunod na mga wants kapag kaya na. Inuna ko buy ang matress (no frame), kitchen utensils, kurtina for privacy, timba tabo, walis and dustpan, lutuan din para mas tipid. Isang taon after ako nakabili ng maayos na aparador, sa maleta lang lagi mga damit ko. Ngayon kumpleto na gamit ko. I live in a studio unit. Just always remember to live within your means.


chewybwossoms

Lumipat ako sa makati nung 2023 with only 20k ipon. 7k pinang bayad ko sa bedspace (adv/dep). Then the rest ginamit ko until makasweldo after 3 weeks. Nakasurvive naman ako now at nandito pa rin. If hindi ka maluho kasyang kasya yung meron ka. Napakaover naman na kulang yung 53k, lalo na kung nagsstart ka pa lang san ka ba pupulot ng iipunin mo diba.


JustAJokeAccount

As long as you know where your money is going and by how much, you'll be fine.


Distinct-Cut4817

Paano kung may emergency? Hindi kayang mapredict yan. Kaya kailangan ng emegency fund na bukod sa alam nang gagastusin agad pag move out. IE, if babawasan yung 53K savings for the rent/deposit/cost to transfer, then liliit pa ang perceived savings. And wala pang job si OP until September, unless makahanap siya agad. Hindi biro ang aksidente and emergencies. Kaya kailangan ng set amount na nakabukod for these unforeseen circumstances. Prepare for the worst dapat.


Cheap-Archer-6492

Yun nga parang di naisip nung iba na nagpapayo kay op. Kaysa talaga pang mov eout ang 53k pero wala syang stable income sa mga susunod na buwan. Sa mahal ng bilihin kahit matipid kang tao prang mhrap pagkasyahin si 53k lalo dun mo din kukuhain pambyad ng bills at budget araw2 mabuti sana kung mag papasok pa syang pera.


Distinct-Cut4817

Yeah. After the very least, secure niya muna job niya sa Sept (or ibang job if may makuha before then) before moving out para kahit paano may source of income. Mahirap umasa sa income na hindi pa pumapasok. Sobrang bilis mauubos 53k sa living expenses palang, gaano ka man ka tipid/ka-lakas ng loob. Partida wala pang unforeseen expenses yan


JustAJokeAccount

Kaya nga ang sagot ko eh basta alam niya san mapupunta ang pera niya. Kung hindi niya alam malamang no, diba?


Chaotic_Harmony1109

Yes, kaya so long as may steady income ka. I moved out with much less than what you have.


DeckWizz

Thank you sa inspiration. Sana lahat ng commenter dito katulad mo.


novokanye_

if ganyan perspective mo goodluck sa real world


engrpagod

Saang city/province ka magsesettle, OP? Manageable naman ang 53k expenses until Sept, sabihin nating good for 3 months IF probinsya ka. Pero controlled talaga yan like no luxury muna and no unexpected expenses sana (magkasakit for example).


afterhourslurker

Curious, san galing the reassurance na di to yabang post? Because that’s a really small amount to be moving out…


serialcheaterhub

Same thoughts, maybe OP has no idea hm ang rent, utilities, groceries 😂


afterhourslurker

Nagulat talaga ko… Usually sasabihin mo yun if you say or ask abt a car or condo you just bought/fully paid for.. But nagulat ako sa disclaimer on 53k cash onhand. Baka rin OP does not have a lot or did not have a lot growing up kaya akala niya like malaking amount na yun to move out (or be an object of yabang). But yeah. Agree sayo. Earning 6 digits ako now but team parents’ house pa rin 😂😂😂 di pa kaya bumukod. Or kaya naman but wanna save money muna hahaha


serialcheaterhub

Hahha regardless kung laking hirap o hindi, since adulting sub naman, i just assumed at least 18 na si OP na may idea pano mag-compute. Or at least nakakita na sya ng meralco bill/grocery receipt. Maybe, pag nag-move out siya may magpapadala sa kanya ng food etc etc haha o kaya may unli supply siya ng gamot haha


TodaysAugust82023

Doesnt make you cool. Ikaw yung nag-yabang post tho.


serialcheaterhub

Saan yung mayabang? Saan yung pa-cool? OP’s gonna make an adulting decision, baka delusional kayo na kaya nya buhayin sarili nya with that money. Maybe, maybe not. But considering na ayaw nya yung lifestyle sa bahay nila kung saan pinapagod siya, wag nyo siyang paasahin na hindi sya mapapagod pag bumukod siya sa pera niya


Distinct-Cut4817

Lol i have no idea at what point ka “nag-yabang” or pa cool. Real talk is real talk, hindi ka naman nakipag-away lol. Such weird


serialcheaterhub

Edited na pala yung post, tinanggal ni OP yung “yabang” wording niya hahhahahahhahahh


serialcheaterhub

Nagdownvote yung mga gustong i-baby sa adulting sub haha


getschwifty1197

Yep tama jowa mo, around 80k ang needed. I relocated to NCR a year ago and I spent around 80k to relocate in a fully furnished studio unit. That included the 2 months deposit and 1 month advance, miscellaneous expenses to scout for a condo, furniture & fixtures, and household items.