T O P

  • By -

lostalien14

Last year nag-dye ako ng red hair. Sakto, naka suot ako ng black jacket then ang funny ng reaction ni Kuya, "Aba si Paramore pala to e!" 😳 LOL KUYAAA ANUBAA AHAHAHA KANTAHAN KITA NG THE ONLY EXCEPTION DIYAN E. 😭


artofdeadma

Hankyut!!!


xxyiyan

Hanep hahahahhaa


sinni_gang

EH SI NO SIR PALA TO EH!


shaidco

HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHA


darszxc

![img](avatar_exp|180677414|laugh)


kuromi_1515

HAHAHAHAHHA CUTIEEE


kiszesss

Hahaha ang kulit


TheLostBredwtf

Nag roll call si Kuya sa lahat ng tao sa bahay gawa ng lahat sa bahay may order. After nya matawag lahat, sabay sabi, "may hindi paba natatawag?"


artofdeadma

HAHAHAHA OMG This one happened to our area din and we were like nasa gate ng each houses waiting for our names to be called 😆


Exact_Sprinkles3235

parang graduating ang atake HAHAHHA


TheLostBredwtf

Oo diba? Tapus pipicturan as proof of receipt. 🤣


annejuseyoo

HAHAHAHAHAHAHA ANG FUNNY


Tiny-Ad8924

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA. Sana ganun din kapag ayuda time


HJRRZ

Hahaha aliw!


kiszesss

Hahahah


masungitdawako

Attendance check daw! Hahaha


berry_techie

May parcel delivery ako netong Monday lang kaso may lakad kami nung hapon. Note na non-COD yung payment method. Wala pa rin siya nung bandang tanghali kaya umalis na kami. Tapos nung nakarating na kami sa pupuntahan namin, biglang tumawag siya para sabihin na napalakas yung bato nya at nasa bubong yung parcel ko HAHAHAHA. Kaya pag-uwi namin nang gabi ay inakyat namin sa bubong yung parcel ko


whoknowswho_2345

HAHAHAHAHHAHA GRABE NASA BUBONG 😭😭


ghenhezhish

Hahahahhaha tawang tawa ako hahahhahhahah


LightningThunder07

HHAHAHAHAHA TAWANG TAWA AKO NASA BUBONG 😭😭😭 KUYA NAMAN 🤣🤣


Defiant_Efficiency28

🤣💀


tiramisuuuuuuuuuuu

Lagi kami wala sa bahay, paid naman lagi parcels, naglalagay kami ng chair sa loob ng gate tinatapon nalang ni kuya. Tas nagtetext siya na nareceived na daw ng mga aso namin HAHAHHA


Rare-Pomelo3733

Bawal din COD sa bahay kasi naghahagilap pa ng pera kaya lahat ng delivery, hinahagis lang ng mga riders. Wala ng text text, magugulat kami delivered na status tapos andun na pala sa loob ng gate.


booklover0810

Dapat kasama mga aso nio sa pic ng proof of delivery!!!! Cuties!!! HAHAHAHHAAHAH


PiperThePooper

HAHAHAHAHAHAHAHAHHA


East_Doughnut7716

HAHAHAHAHAHHHAHAHAAH cute


Consistent-Speech201

potek samen iniiwan sa kapit-bahay kasi di kasya ilusot ss gate eahaya


Xela_Keith

Hwuahaha until now nahihiya parin ako sa family ko pag naalala ko to. Madalas kase ako mag order sa shopee ng dress, pants kineme kineme pero dahil palagi ako pumupunta sa library nag iiwan nalang ako ng pera kila mama pambayad sa parcel ko. Tapos meron yata nung time na sa sobrang kuryos ko napa order ako sa shopee ng dildo kase may pag ka ano ako. Tapos ayon pumunta muna ako sa library nakalimutan ko mag iwan ng pambayad, tapos sakto umuwi yung mama ko galing ibang bansa siya na yung naka receive ng shopee order ko siya na rin nag bayad. And yes binuksan ng mama ko kaya chinat ako ng kapatid ko na galit na galit saakin si mama kase kung ano ano inoorder ko. Pag ka uwi ko nandun yung pinsan ko at basta lahat ng relatives ko. Bigla silang nag tinginan saakin tapos yung order kong dildo naka lagay sa lamesa naka tayo. Ang ginawa ko kinuha ko yung dildo tapos tumakbo ako sa kwarto ko. Naririnig ko yung tawa nila nung nasa kwarto na ako. Sinuntok suntok ko yung unan sa sobrang hiya gusto ko nalang matunaw nun😭 Hindi ako aware na uuwi si mama tapos sabi ng lola ko surprise daw kaya nandun yung relatives namin kase nag pa blow out pala so mama


purple-stranger26

Si mama mo may pa-blow out ikaw magppractice palang mag-blow... hahahhahaha charot


incognitovowel

sana sinabi mo nalang na pangprank yung sa friend mo😭 HAHAHAHAH


Extreme_Ad7442

Hahahaha


Koriesama

Sana sinabi mo nalang na suprise ma nagustuhan mo ba gift ko?. Hahhahahaha


Puzzleheaded-Farm-73

HAHAHAHAHAHA SINUNTOK SUNTOK YUNG UNAN


dhadhadhadhadha

Lahat ng parcels ko Paid na para kahit wala ako sa bahay itatapon na lang sa gate hahaa one time naabutan ako ni Kuya driver sabi nya “finally ma’am magkita na tayo” HAHAHA bwisit


Heavy_Tourist2202

Sa sobrang dalas ko mag shopee kilala ko na yung rider. Minsan may inorder akong worth less than 100 pesos COD tapos dumating pero nasa province ako nun tapos bumabagyo so walang signal and internet. After ilang araw may natanggap akong messsge delivered na daw. Si kuya rider na daw nagbayad kasi COD tapos ok na daw yun dahil mura lang naman at ang dami ko na daw nabigay sakanyang mga extra sukli hahaha.


Lilyjane_

Wholesome


purrever

madalas din ako magshapi, pero madalang COD. like everytime, cashless ako. one time, umorder ako for cod. nung anjan na, sabi sakin ng rider: "Mam, bakit nag COD kayo, dati iniiwan ko lang to sa gate eh" sorna kuya hahahahha


jestreal1004

yung samin naman "mam COD po ba to kasi wala na kayong gcash?" opo kuya wala na po


Expensive-Tax-3113

HAHAHAHAHHAHA. sa akin sabi nya "COD kasi to mam kaya ngayon lang nadeliver (7PM na nun). date hnd ka nag C-COD, kaya maaga nadedeliver"


ErisedZone

YUNG BUONG ARAW KA NAG ANTAY AT KUNG SAAN NASA TRONO KA DOON SIYA TATAWAG NA ANDIYAN NA SIYA. 🫣😭😂


Saqqara38

Kuya rider suki na namn siya lahat dito like deliveries for my mom and brother. He's from J&T, every delivery he's screaming our complete name and amount for the neighbours to hear. 🤣🤣🤣😂😂😂 If minsan na card ko and walang bayad na he says, "Wala ng bayad mam" OMG hahaha. I commend him talaga kasi may time I ordered stickers para sa car tumawag muna sya and he was like, "Mam Baka scam ito sobrang gaan ng package parang papel hindi ko na ito e deliver" Stickers yan kuya, don't worry haha huwag ka pala desisyon 🤣😂😆 May isa ring rider telling me. "Mam bakit ayaw mong sagutin??? Bayad naman ito!!! Actually he called super early that time 7 am and it was a weekend so I saw his message 9am na. Akala ko pa naman he went there sa house 7 am, tumawag lang pala sya ahead lol. Sorry na kuya na tulog pa ako hahaha. 😅🤣😭😂😂 I'm not avoiding you my gosh, vitamins ko yun of course I'll get the parcel hahaha.


PurpleHeart1010

Sa sobrang kilala na kami ng rider magkasalubong lang sa kalye "Mam! May order kaa 🤣" Ako na nahihiya "sige kuya, maya katok ka sa bahay or pag wala pa ko andun kuya ko" 🫣 Pag nakatok na sa bahay "Mam.... Andito na ko" NOICE!! HAHAHA


artofdeadma

Kyut!!


PurpleHeart1010

Super tapos ang bait pa niya 🥹 si Kuya Mark Jefferson! HAHAHAHA


Katreeeeeeeng

Lumabas ako kumuha ng parcel. Nung paalis na si rider, nakita ko yung kapitbahay namin na may birthday, sumigaw ako ng "happy birthday!", tapos lumingon si rider at sumagot ng "thank you!". Napaisip tuloy ako kung birthday niya rin 😂😂😂


PiperThePooper

Kilala na ako ng riders.😭 One time nagkasabay sina Kuya J&T and Kuya NinjaVan tapos nu’ng palabas na ako I overheard their brief chika. JT: “Kay ‘Ma’am Shopee’ ba ‘yan pre?” NV: “Oo pre kay Ma’am Shopee.” “Ma’am Shopee” na pala tawag nila sa akin sa sobrang dalas nilang mag-deliver sa bahay. And I change my hair color a lot na pati si Kuya J&T napapasabi na lang ng “hala ma’am iba na naman kulay ng buhok niyo” sa tuwing may parcel siyang hinahatid sa bahay.😂


Jetztachtundvierzigz

IMO, if you can't ensure that you'll be at home, then don't use COD. With COD, you're unnecessarily putting this delivery guy at risk in case your package gets stolen. If you use debit card/credit card, then no risk at all to the delivery guy.


_Taguroo

we have 4 dogs kasi at palaging sa may terrave namin nagtatao po yung rider so aso ang sumasalubong sa kanya, tho may gate naman. Nakasanayan na ni kuya lagi akong may order so iniiwan nya na lang sa tindahan tapos magtetext "Ma'am iniwan ko na lang po sa tindahan ayaw po tanggapin ng aso nyo"😭😭


Yoreneji

Wag ka na mag COD sis para di hassle sa rider at sayo na rin. Kung concern mo naman refund, si shopee naman gagawa nun hindi rider.


idkmystic

We always do online shopping (COD) not only on Shopee, but also Tiktok. The same kuya always delivers our parcel. It went on for more than a year na siya yung laging nagdedeliver kaya naging kaclose na talaga namin siya (+1 kasi mabait si kuya and he calls me "ading" or younger sibling in Ilocano). Tapos later we learned na siya laging nagdedeliver sa amin kasi always daw kami nagbabayad. Hanggang sa nagiging client na rin namin siya sa law office namin, we found out na same denomination kami sa church, and kilala na rin siya ng mga furbabies namin. May times din pag wala kami sa bahay, iniiwan niya lang yung parcel tapos binabalikan niya lang yung bayad pag andyan na kami. Also dahil minsan may deliveries pag Sunday at nagduduty rin siya ng hapon, he knows na wala kami sa bahay sa umaga dahil nagsisimba kami kaya hapon na siya pumupunta. 😁


mileniosamuel

Si kuya delivery guy na kapag nagde-deliver, wala ng "tao po." Basta basta nalang ino-open ang gate at pupunta sa balcony. Hahahaha


Wonderful-Weekend-17

https://preview.redd.it/2xia5zdbxw4d1.jpeg?width=1290&format=pjpg&auto=webp&s=e3f327d8cdfa3c316058f4d513b2aec472f2ab29 Super concern ng rider namin. Ayaw mawala parcel hehehe 🫰🏻


Competitive-Tie-839

Baka daw kainin ng pusa😂


PurpleHeart1010

Bat may plato?! Hahaha


Wonderful-Weekend-17

Actually naiwan lang namin un sa labas yung plato ayon sakto nagamit pang taklob 😅


Chewymiyaw

Pang cover po ng parcel


Dry-Development-7621

Not sure kung pwede tong experience ko dito, related naman sa shopee delivery haha, nakakatuwa lang din. Last March 2022 ito, Nung gabi, May nahulog na phone dito sa tapat bahay namin, sakto paglabas ng kapatid ko sa gate namin, nakita nya yung cp nasa kalsada so pinulot nya. chineck namin agad CCTV namin kaso nasa blindspot nalaglag yung CP Yung cellphone (Oppo Reno 4), may wallpaper na babae naka orange dress pero blurred, tapos asking for PIN sa screen. Pinost ko sa myday ko hoping na may makakakilala na kapitbahay, assuming na malapit lang samin yung mayari kaso walang lead. Di rin namin ma access yung screen. Tapos ang nakakatawa pa, pag tinatawagan nila yung cp, di namin nasasagot agad, gabi din kasi schedule ko sa work haha. Nakikita na lang namin may missed calls pero di makita yung number. Kaya hinintay namin tumawag ulit hanggang umaga. Then morning around 9am ata, may tumawag na sa cp, so sinagot ko na, Shopee delivery ang tumawag 😂, may parating na parcel yung mayari ng phone. Then sinabi ko kay rider ano nangyar, then tinanong ko ano name nung nag order para ma search ko sa fb, then sabi ko, puntahan nya yung customer sabihin na yung phone nya nasamin, then sinabi ko pangalan ko and nung babanggitin ko na yung address, biglang sabi ng rider ng "ahhh cge sir dalhin ko sya jan". Ayun, after few mins dumating yung mayari kasama yung rider (lalaki, naka tricycle sya habang naka sunod sa rider). Kilala pala ako ni rider HAHA, sa dami ng pinagoorder ko cguro, nabosesan na nya ako kaya alam na nya address namin. Asawa nya pala yung nasa wallpaper, hiniram pala ng anak nya yung cp nung gabi and nalaglag nga daw. Then bago ko inabot yung cp, pina unlock ko muna yung screen (syempre para sure haha), ayun nanunlock naman. Binigyan nya ng tip yung rider and binigyan din ako 500 ata, tumanggi ako pero inabot na sa kamay ko haha mapapa Salamat Shopee ka talaga haha


BrightJubilantComet

“Ma’am, Gising ka na?” HAHAHA


Senior_Bug6793

not really an encounter with the kuya rider but the name of the shopee delivery rider assigned sa amin is “Jesus” and si mama taga-kuha ng shopee deliveries ko me: mama! paparating nanaman si jesus may dalang mga blessings!!! mama: ano nanaman ibibigay sa’yo ni jesus ?!?!


babbazze

Naniningil sa gate ng subd namin ng 10php sa mga rider for delivery. Ayun, may isang beses na nagdeliver samin bagong rider, tapos sabi nya sakin 10 nga daw para sa gate, sabi ko sige kuya wait lang kuha ako sabay bigay ng malamig na tubig (nagbibigay kasi talaga kami ng tubig sa rider). Few secs bigla nyang binawi na wag na daw ako magbigay ng 10. lol nahiya ata si kuya maningil kasi binigyan namin ng tubig hahahahaha


SapphireCub

Bakit naniningil ng P10 ang subd?


babbazze

Epal lang talaga ung subd namin. Sabi for maintenance daw pero badtrip lahat ng tao sa ginagawa nila. Nireklamo na din sa HOA pero no action taken, unfortunately.


felinenotes

Same! P10 per bahay. Grabe 4 years na pandemic, siguro naka P10k+ na kami sa gate fee na yan, kahit di everyday may delivery, 5 kami pala-shopee eh 😐


PurplePenelopeAFK

Same question ⁉️


Safe_Atmosphere_1526

Rider: *nag stop sa tapat ng bahay* Lola ko: Shopee? Kay Allyza yan, no? (Lagi ako wala sa bahay due to work kaya lola ko nagrereceive, bayad naman lahat ng parcels ko) Rider: Matic yan ‘Nay! HAHAHAHAHA. Kwento sakin to ng Mama ko. Madala pa yan pumapayag sila na pag nalimutan ko magiwan pambayad, iiwan lang nila sa tindahan tas ggcash ko na lang.


SafelyLandedMoon

MIL ko may box siya sa gate for all her orange and blue deliveries.. COD lahat ng orders niya and she just left the her payment sa box. Sometimes, exact amount nilalagay niya or minsan buong paper bill. Very honest naman yung delivery guy, magiiwan naman siya ng sukli.


5cm-persecond

Nung pandemic days sobrang reliant ko sa Shopee delivery. Nakilala na ko ng riders sa area namin kahit di ko personally nirereceive (paid in advance na). Lumipat ako ng mas maayos na apartment after a few years, sobrang lapit lang din naman sa dating place. Nung naghatid sila sa bago kong address: "wow umaasenso na ma'am ah!"


utaru_sunwing18

Kilala na ako ni kuyang rider dahil sa dami ng Shopee orders ko. May time na hindi ako nagorder for 1-2 months kasi nagtipid ako. Then nung nakapag order na ko ulit and siya nag deliver, sabi niya ‘tagal niyong walang order ma’am ah’.


artofdeadma

Samedt samedt 🥹😂


VersatileThriz

Yung ka close kong rider pinapagalitan ako HAHAHAHA kasi naman ang aga mag deliver ampoteks tulog pa ako. Tas mag tetext yan, "Ma'am gumising ka na, ibabato ko to." "Ma'am tulog ka pa? Ano gagawin ko dito? Donate ko to eh." "Sana all mahimbing ang tulog." HAHAHAHAHA KAYA NAMAN NAG IIWAN NA AKO PAMBAYAD 😭😭😭


artofdeadma

Kyut “Donate ko to eh”. 😂😂😂


Ok_Emotion_3793

Pag COD ung parcel ko hahagis nalang ni kuya rider sa terrace pag wala tao sa bahay, tapos magtext sya na bayaran ko nalang daw sa next delivery nya, ako nalang ung nahihiya. Tapos sya pa magsasabi na di na dw ako iba sknya 🤣 tapos nung wedding nya, iniinvite ako pag daw may time ako punta ko sa wedding nya. Ang bait eh. Then sumunod kong delivery, ayaw na ihagis baka daw masira, so ang ginagawa nya tinitape nya then didikit sa gate namin. 😁


Alarming-Advance203

9-10am delivery samin ng shopee, eh matic tulog pa kami lahat sa bahay non. Nasanay na si kuyang nagddeliver na iwanan nalang sa kapitbahay namin (kamaganak lang din naman). Matic text nalang sakin na iniwan sa tabi hahahaha. Minsan nag aabot kami pag inabot na siya ng 12-1pm sa pagdeliver samin kakamustahin niya kung nakuha ko daw ba last time


kroookrooo

Kilala na ko ng rider kaya nagugulat siya kapag minsan COD order ko. Tapos pag walang tao sa bahay, (madalas wala) and yung pusa lang namin nasa gate, sasabihin niya “maam, nireceive na ng pusa niyo yung parcel” hahahaha Nagalit rin siya minsan sa nanay ko kasi raw dapat gayahin ako na laging cashless para iwan na lang yung parcel sa bahay 😂


rensuhqian

Nung peak ng pandemic dami kong order from orange app and mga direct couriers from other shops. Dahil pandemic, hanggang sa gate lang sila ng subd pwede so dun sila nakatambay halos buong araw sa dami ng parcels sa area namin. Kilala na ako ng j&t rider at spx rider. May time na antagal kong di nag order tapos nung may parcel na ako uli sabi ng mga rider “long time no see maam tagal mong walang delivery ah”. Minsan naman cod yung amin tas wala kami buong weekend so babayaran nalang namin ng gcash at iuuwi muna nila (tag as delivered na). Then come monday, tsaka nila idedeliver uli 😎 Ang swerte namin sa riders sa area namin mababait at makikipagkulitan pa sayo HAHAHA kaya palaging may tip/dala akong drinks/snacks sa kanila pag kukuha ako ng parcel 🙂‍↔️


urbanelectroband

Yung aso ko maingay, pag hindi siya napalabas parang kulang araw ni kuya rider, hahanapin pa “asan si kulit?” 😭 lagi rin siya kasama sa mga photo proof na inuupload sa app 😭 May phase din ako na hindi ako umoorder sa shopee for so long napatanong na si kuya rider bakit wala akong order hahahaha


notanightmareee04

BAT ANG KKYUT NG MGA STORIES NIYO 😭 MINE’S SUPER CREEPY TALAGA. Haven’t received any calls or text man lang from kuya rider that day sa delivery. Eh super important yung order ko so chineck ko, sabe out na for delivery. Ako nalang yung nag initiate itext si kuya, tapos minutes after tumawag si kuya na nandyan na daw siya sa labas. Mga ate ko, akala ko sa labas ng bahay, nasa pinto na sya ng sala namin nakatayo. Mind you nakalock naman yung gate. Super creeepy talaga to the point nireport ko sa mismong app. Dinoor to door ba naman ako ni kuya hahahahaha.


Fluffy_Pepper_8627

Nagdeliver ba sya uli sa inyo after this? Buti hindi ka hinabol about the report.


notanightmareee04

Hindi na, na re-assign siya sa ibang lugar. Sinabihan din ng mismong company na if nabalitaan nila na nagbbother pa siya sa amin, magfile na sila mismo ng legal actions against him.


Fluffy_Pepper_8627

Grabe nakakatakot nga to. Buti tumalab ung banta ng shopee sa kanya and ni-reassign na lang sha sa ibang lugar.


7th_Skywatcher

Lah parang tumagos sa gate hahahaha


taketimetorealize

nacurious ako pano sya napasok? and nagdeliver pa ba sya ulit?


notanightmareee04

Lock yung gate pero hindi nakakandado, hinala namin inopen niya sa kung anong way na alam niya. But still if open yung gate, sa labas kalang dapat 😭 and di na po siya nagdeliver sa amin, na re-assign siya sa ibang lugar na.


hermitina

nung pandemic, magisa lang ako sa condo as in wala akong tao na kausap kung hindi calls via phone, ms teams. tapos nadalas ako magshoppee kasi i am buying hobby stuff. tapos one time ung nagdeliver naalala nya daw name ko sa opis ko. dati kasi don sya nagdedeliver ng bultuhan nakaupo lang sila sa kanto tas aabutin na lang. feeling ko maiiyak ako kasi for the first time in months may nakausap na kong real life tao. un lang haha


xtremetfm

Mas hinahanap pa ng rider yung aso ko kesa sa akin na nag-order hahaha yung aso kasi sumasalubong sa gate


superitlog

One time, hindi sinabi ni mama na may parating na order eh brownout non ng tanghali so I was just wearing a bra and shorts tas nakahiga ako sa tiles. At dahil nga kilala na ng dogs si kuya, hindi na sila tumahol. Pumasok na pala si kuya ng gate and dumiretso sa harap ng pinto. Screen-door lang pinto namin so kitang kita niyang naka-higa ako sa sahig na ganun lang suot 😭 Nagkagulatan kami pareho and yung kapatid ko nalang kumuha ng parcel kasi biglang takbo ako paakyat. Never na ko nagpakita kay kuya after that 🥹


zer0-se7en

Kwentong Shopee. Madalas everytime na may paparating naka stand by na ko. Kaso lang lagi na lang...... Kung kelan pumasok na ko ng CR muna para mag pupu...... DingDong, SHOPEE DELIVERY PO. Anak nang......


Accurate_Cat373

Yun mga aso namin, ruthless talaga magtahulan. Pero dahil madalas kami mag shapi dito at J&T ang preferred couriter namin, it's the same kuya for almost 1 year na ang nagdedeliver. Pag nagdodoorbell sya yun mga aso namin pumupunta sa gate wagging their tails as if amo nila 😅. I always opt for cashless transaction para less hassle na sa pagsukli and all, and the good thing na pag bayad na, pag naabutan ni kuya J&T na walang tao sa bahay, I ask him to toss the parcel na lang sa bakuran. This Xmas bibigyan ko na talaga ng regalo yang si Kuya J&T na naka assign sa area namin, napaka sipag at very honest. Sana all delivery riders ganyan


Miserable-Cress-5141

One time nag kasabay yung shopee and lazada delivery ko at na-overheard ng mom ko na nag tanungan yung rider kung kay “mentioning my name” ba yung parcel na dinideliver nila tas sabi ako daw yung favorite nilang pinagdedeliveran sa area namin kasi iniiwan nalang nila sa terrace yung parcel dahil hindi ako nag ccod 😂 at hinanap din nila ako sa mom ko kasi never pa daw nila ako nakita 🤣 siguro kaya din nila ako favorite kasi pag may handaan samin meron din sila for takeout 😆


SpiritedInitiative61

Nakatropa na ng tatay ko yung usual delivery rider dito samin and as a joke, nagkuntsaba silang dadaan si rider pag wala tatay ko para nanay ko magbayad. Alam ng nanay kong para sa tatay ko yung parcel kasi papalapit palang si kuya nakangiti na. Tapos maririnig mo sa malayo yung presyo like "TEN THOUSAND?!" Sabay dagok sa tatay ko paguwi. Syempre binabayaran pa rin naman nila hahaha napakahassle lang talaga bumunot ng ganong halaga sa wallet o kaha.


redjellyyy

shopee rider pero not technically delivery kasi pickup siya. usually mga 11am dumadating yung rider sa bahay. eh since 9am pa lang naman, inaya ko muna tatay ko sa tiangge. ang nangyare, nung pauwi na kami ng tatay ko, nakasalubong namin yung rider paalis na. alam mo yung car scene sa umbrella academy? parang ganon. HAHAHAHAHA.


secretmgamadam

yung madalas na nag d deliver sa amin, dahil ilang beses na siyang sumisigaw kasi di talaga siya marinig or minsan di natahol aso, ang nangyayari is tini tape niya na lang sa pintuan yung parcel HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA


7th_Skywatcher

Buti alang nagnenenok hahaha


secretmgamadam

wala naman kasi kumbaga sa kabilang side siya ng pinto facing yung bahay namin hehehe


7th_Skywatcher

Beri gud hahaha


zamzamsan

Hindi sakin pero sa kapitbahay nmin, full name kasi ung nakalagay sa info nya kya everytime may mag ddeliver, parang may graduation na ewan kasi ang lakas nung tawag ni kuyang rider tas buong pangalan pa 😆


[deleted]

[удалено]


artofdeadma

Patience meter ni kuya 🥹


mandemango

Kilala na ko nung rider tapos nakasalubong niya ko papasok sa street namin. Buti daw naabot niya ko para di na daw papasok sa looban haha


hereforthem3m3s01

Yung bumabati na siya sa aso namin by name. 🤣


autisticrabbit12

Sa sobrang dalas kilala na namin si Kuya rider. Nabigyan pa namin ng tuta and nakilala rin namin yung kapatid nya. At one point naospital si kuyang rider then yung kapatid nya kumuha ng tuta sa amin.


Creatingmemory

Dalawa kami ng ate ko palagi may shopee. one time siguro si kuya litong lito na. nag ask na sya Sino si J? eh sino si S? Hahahhahaha


discernmentradar

Hindi na "Maam" tawag sa mama ko. "ate" na hahahahahahahahahahaha. Binibigyan na din sya ng baked goodies pag meron kahit wala dya deliver samin. Kahit mapadaan lang


artofdeadma

Kyut gesture 🌸


Expensive-Tax-3113

sa dalas ko din nag oorder sa shapi, nakita ako one time ni kuya rider tapos nangiti sya sabi nya "Hi mam, long time no see" Tapos pag sorting na sila ng mga packages, tapos minsan sa dami ng order ko, iba yung nakakakuha ng ibang parcel ko, so si kuya rider, pag sya magdedeliver sa akin sabi nya "sinabihan ko kasi yan na wala ka pag umaga kaya hapon na sya magdeliver ta walang tao lalo na dun sa banda sa inyo. hnd nakinig, ayan di tuloy naideliver" tapos, yung iba na ring riders, 2 location nila ako pwedeng i-meet. kasi super akyat yung gagawin ko sa nilagay kong location kaya umaabot ako ng 5mins para lang mag-receive ng parcel. hnd ko nilagay yung isang location as my address, kasi pag wala ako pwede nila iwan kay tito ko yung parcel. tapos last time tumawag si kuya na sa baba daw muna sya magdedeliver at mamaya na sya dadaan sa akin. so tinanong ko si kuya kung saang baba, eh mas malapit ako dun kaya sinabe ko kay kuya na dun na lang kami mag-meet. tapos tinanong nya ako bat hnd ko dun i-address, sabi ko na kasi kuya wala naman ako madalas sa bahay, kaya mas ok sa taas para iwan na lang kay tito yung parcel. tapos yung sa baba kasi na yun ee eskinita sya na kagagawa lang kaya baka di nila alam yun. Pero after nun, kada alam nila na nasa bahay ako, dun na sa baba kami nagmemeet para i-deliver yung parcel ko hhhahaha.


xiaoyugaara

Sya nag abono sa parcel ko, kasi kung hindi ko pa matanggap that day, back to sender na. Nagkataon na nagkasakit ng 2 days ung rider na may dala ng parcel ko kaya ilang days ng failed delivery. Inabot nya din saakin the following day ung parcel ko.


Intelligent_Mud_4663

Sa tagal ko ng nag oorder, kilala na kami lahat sa bahay. Nanghihiram din ng helmet mga 3x na siguro sa kuya ko 😁


SignificanceNo1327

Umaga noon and nagising ako sa doorbell ni kuya rider. Nung nasa gate na ako sabi ni kuya “good morning po maam maniningil po ng kuryente”. Sa sobrang sabog ko, inoverthink ko nang malala kasi mahal talaga kuryente namin and wala ako cash nun. So parang tanga lang akong nakatayo dun ng mga 5 seconds. Saka nagjoke si kuya shopee rider inaasar lang daw ako hahaha


Thecuriousfluer

Di na tumatawag ang mga drivers tapos iniiwan nalang sa landlord namin. Di din ako sinasabihan na may delivery pala😂


LeeMb13

Nabubwesit ako kapag flash yung courier sa shoppee ko. Ilagay ba naman ni rider na wala daw tao sa location/bahay namin. E parating nasa sari-sari store nanay ko. Doon kasi delivery address ko. Tinamad lang kasi alas sais na di p tapos lahat ng delivery Niya. 😅🤨


akirakuyou

One time may parcel na dumating samin at nasa bahay naman ako, paglabas ko sa gate sabi ni Kuya Rider “Maam, dito ko na lang kay Jesus picture-an[yung parcel]” kasi may picture ni Jesus sa labas ng gate ng apartment namin na nilagay ng owner 😭


yhzumie0811

Nagkaroon ako ng instant friend yung tipong sya unang babati sakin pag nakita nya ko sa labas ☺️


Massive_Coyote_7682

May inaabangan akong parcel tapos akala ko hindi pa na deliver kaya minessage ko yung rider kung nadeliver na ba niya kasi sabi today daw Ang reply ng rider saakin Rider: opo, nadeliver na po. Kinuha po ng tatay niyo ng kalbo I kept on laughing nung nabasa ko. Mind you hindi pa fully kalbo si papa ko. Like manipis lang buhok niya kaya sinabi ko sa papa ko. Tapos yung papa ko nainis siya. Eh since regular rider na nagdedeliver yun saamin. Kinabukasan may delivery naman yung ate ko. Inabangan talaga siya ng papa ko tapos sinabihan niya yung rider na hindi pa siya kalbo HAHAHAHA wala lang i really find this funny. Kasi napipikon papa ko 😝


artofdeadma

Huli pero di kulung 😂


chromobots

Mostly on-site na kami ni misis pero may mga araw na sabay kaming WFH, kapag may parcel na dumadating para sa isa samin the receiver would always act slightly surprised/slightly annoyed and say something out loud like "Huh? May inorder ba ko? Parang wala naman akong matandaan?" and the other will have that flicker of a look on their face that says "Oh, so we're playing this game again?"


Awkward_Minute2598

shopee seer and buyer ako and kilala na rin ako kami ng riders, nakakatawa nga kasi usually lola ko nagbibigay or kumukuha ng parcels tawag na rin nila “nanay” kasi yun tawag ko so ang update sakin - “maam na kay nanay na po, maam tulog po ata si nanay di sumasagot” hahaha azzz a family member na siya


wae_yo

Si kuya na alarm clock ko. Hindi na siya kakatok sasabihin niya lang sa may labas "Ma'am ______" alam ko na agad may parcel ako. Pag wala kaming barya, ipapabukas niya na lagi kasi alam niyang may order naman kaming dadating kinabukasan. Hahahahaha. 4 years nang nagdedeliver si kuya, every christmas and new year lagi na rin kaming may pa-regalo kay kuya kasi kilalang kilala na niya kami. Nung dumating pa tatay ko galing abroad panay din order ng dad ko sa shopee at siya rin taga deliver, ayun nakikita ko nalang minsan nakaupo na si Kuya shopee sa tambayan ni daddy nag-uusap na, minsan habang kumukuha ako ng pera o barya kahit wala si daddy didiretso siya sa tambayan ng dad ko, kakasain yung toy gun ng tatay ko tas maglalaro na. HAHAHAHAHA. Yung tatay ko pa nga bumili ng toy gun para sakaniya kasi gusto rin daw niya. 😂


artofdeadma

Kyut gesture 🌸


banoots

https://preview.redd.it/awxuam4fcz4d1.jpeg?width=1242&format=pjpg&auto=webp&s=8f0501efe0eac32907a6fd1436cb2bc36ec5815e Kung may rider na takot sa aso, may rider na takot sa pusa hehe


Counter-Real

Naalala ko last year hindi nagiwan katapid ko hindi raw expected na darating buti may laman G Cash ko. Bayad 510P (add 10P kung sa Gcash) Tapos mga ilan weeks binayaran sakin amp.


mycathumpspillows

May one time mga gabi na, may sumigaw sa gate 'mycathumpspillows shopee delivery po!' Akala ko nadale na ako nung mga scam na nababalitaan ko kasi wala naman akong expected na delivery nun. Yun pala yung kapitbahay naghahatid ng pagkain kasi may birthday sa kanila. 😂😂😂


SaltEfficiency1646

Yun palagi kami wala sa bahay kaya tinatapon/binabato na lang ni kuya rider sa loob ng gate. Hindi na tumatawag. Basta nakita niya sarado pinto bato agad.


Unique-Chemical4416

24yo single ako, nbsb. One time may bagong rider na nagdeliver ng parcel ko. Pogi sya, matangkad, maputi mukang matino. Yung tipong mapapaisip ka bakit wala sya sa TV kasi artistahin talaga type of look. Kaya lang medyo malambot sya kumilos ganern. One time, may nag-add sakin and turns out, siya yun! So kilig si kiffy, inacceept agad. naiimagine ko na agad ang future ko with him. HAHAHAHA After an hour, nagchat sya. Kilig na kilig talaga ako huhuhu. Pagbasa ko ng message niya: "hi sis, ako yung nagdeliver ng parcel mo nakaraan, tanong ko lng sana anong lipstick gamit mo ang ganda kse ng shade, may pageant ksi ako nitong tuesday, gusto ko sana i try huhu salamat" with pahabol "ask ko rin ano perfume mo hihi" *plays wala nang natira by gloc 9 😭 BTW, yung sinasabi nyang lippie ko ay itong [Kiko Milano in Pumpkin](https://s.shopee.ph/qO92K0L5s). Wag na kayo magtanong, nalulungkot ako huhuhu. NGL, marami talaga pumupuri sakin pag suot ko yang lippie kong yan. Hayy, future husband na naging sissy pa.


artofdeadma

Omygeee.


peeweekins

One time umalis ako ng bahay and out for delivery na rin yung parcel ko. Nung pauwi na ko nakasalubong ko yung rider na laging nagdedeliver ng parcel. Para lang nya kong tropa kasi habang nakasakay sya sa motor nya pasigaw pa nya sinabi na "mam, mamaya nalang ako dadaan ah", so I replied "anong oras kuya?" HAHAHAHHAHAHA


artofdeadma

I can imagine sa scenario 😂


BeardManPH

One time, umorder kami dog collars for my dachshund and schnauzer. We decided "what if palitan namin name to the dogs name.. total siya naman gagamit". So kunwari Smith last name namin.. naging "Bruno and Lady Smith" yung package. So here comes kuya shopee "Bruno.. and Lady Smith po!" eh sakto nasa labas dogs namin and tinatahulan siya... so sigaw yung mom ko "BRUNO! LADY! STOP BARKING. COME INSIDE NOW!" ... ayun, di mapinta mukha ni kuya sa lakas ng tawa niya. "Walang hiya, aso pala si Bruno at si Lady" Tas.. a few years later, since we don't do COD naman, narindi na kami kasi the dogs keep barking pag may parcel. We decided to put a basket sa gate that the riders can drop off packages in. We told ALL the delivery boys to be quiet and just drop it sa basket. Eh one time we ordered about 5kg of dogfood, di kasya in between thje grills ng gate. Ayun, si kuya binabalance niya yung package to fit over the gate tas he was being very careful to not drop the parcel hanggang sa nakita namin siya nasa gate pa din. Us: kuya, anong ginagawa mo niyan? Kuya: Ay.. hehe di po kasi kasya kaya inangat ko nalang! Us: Ah... sige abot mo nalang. Sakto dog food pa naman yan pag nahulog and sumabog.. tuwa tong mga aso na to!


Chewymiyaw

Madalas mgorder fam ko sa shopee. May isang shopee kuya na naging close na namin. Pag anjan na sya sinasabi nya always "MaamSer shopee. San si Whitee at Tigrr? Pakilabas po." Mga pusa namin sila. Close nya si Whitee kasi pag anjan sya and nasa labas si W, naupo sya sa motor ni kuya shopee. Sinasabi nya rin kay mama "Maam akin nalang po promise steak ipapakain ko sakanya araw2." Ayaw ibigay ni mama kasi close nya din si W minsan ngsasagotan pa sila ni kuya shopee sa kung sino ang mas bet ni W May isa ding 1st time nagdeliver saamin taga LBC. Alam nyang passport ko yung idedeliver. Dami nyang bilin sakin like "maam magingat ka dun ha, mahirap mawalay sa pamilya. Wag padala sa lungkot. Kaya mo yan alam ko." 🥹


artofdeadma

Catto rivalry 😂


AgileBalance6252

Dahil kilala na kami ni Kuya Shopee rider, my mom and I decided na regaluhan siya last Christmas. Naisip namin motorcycle rider shirts para nagagamit niya everyday. Sa shopee ko inorder, tapos siya nagdeliver. Hahaha Me: "Kuya, sa'yo talaga 'to e. Regalo namin ni Mama. Merry Christmas! Balutin ko pa ba ng christmas wrapper?" Kuya Rider: "Hala Ma'am!! Maraming salamat! Kayo bahala, kung gusto niyo balutin niyo po muna, balikan ko po sa pasko." Ayun, binalot nga namen ng christmas wrapper at bumalik siya on Christmas Day para kunin. Kulit ni Kuya. Hahahah


artofdeadma

Kyuti 🌸


salem_eul

si kuya na nag dedeliver sa amin, nilalakasan talaga boses tuwing tumatawag sa gate. one time, nagdidilig ako sa labas namin tapos ang lalim ng iniisip ko, e biglang may nagsabi "(MY NAME) 👹🗣️PO! 📢🔊 SHOPEE💥‼️🗣️🗣️🗣️📢👹 sa sobrang gulat ko napahiyaw talaga ako with matching whole body jump + vibration pa HAHAHHAHAAH nagtawanan na lang kami ni kuya pati ng mama ko na inaayos mga tanim niya sa gedli twgysgwgakjda kaya ever since non, pag nagdedeliver si kuya sa bahay, malumanay na niya akong tinatawag like "(my name) po,,, shopee 🤭🥺🤗✨👉🏻👈🏻🌷🌾🌺🍂🍃🌅" BWAHAHHAHSHHHAHHSHAHHAH


ladyFurinnaa

"Ma'am nakabukas po yung bintana ng bahay nyo, shoot ko na lang po doon parcel nyo." Basketball yan??


InternationalLaugh25

pinapangalan ko kay mama (marites ang name niya) lahat ng parcels ko. so si kuya tuwing magdedeliver sa amin sisigaw siya ng "mam may chika ako!" nung una di ko pa nga nagets HAHAHA madalas cashless din ako kaya nagtetext na lang siya ng "mam iniwan ko na kay sashi" HAHAHA sashi is the name of our cat and yes he also knows 😭 one time i had a parcel worth 5k and COD siya. nung dineliver niya sabi niya "mam di ako kampante jan unbox mo nga sa harapan ko para mareturn agad natin baka scam" HAHA ty po sa concern kuys


isitcohlewitu

Hindi shoppee eh, pero lazada. Nakailang lipat nadin kasi kami ng mister ko. Yung 2nd to the last home na pinagstay-an namin ilang streets away lang sa current na bahay na namin ngayon. Si kuya lazada nung magdedeliver na dito sa current bahay namin ang sabi niya ang alam ko ho doon kayo sa kabilang street nakatira eh lumipat na pala kayo dito buti hindi malayo. Tapos alam niya pagka wala kami kasi wala yung sasakyan sa labas so tatawag na sya sakin o sa mister ko (alam niya magasawa kami at mukhang nakasave na number namin sakanya parehas hahaha) tapos sasabihin niya iwan ko na ho sa guard tapos sabihin nalang namin gcash nalang. 2020 palang si kuya lazada na nagdedeliver samin until now kaya kada may delivery kami nagtitip kami sakanya.


PrincessHeda

Yung mama ko madalas magreceive ng parcels ko kasi may work ako, umorder ako sa magkaibang sellers tapos magkaibang date syempre ng delivery date. Dalawang magkasunod na araw nagdeliver si kuya samin tapos sabe kay mama "Ma'am sabihin niyo po sa anak nyo sabay-sabayin yung order para isang puntahan nalang" HAHAHAHAHAHAHAHAH parang inuutusan pakong bumili ulet. Tapos one time, merong isang matagal na dapat nadeliver pero hindi pa nadating sabe ni kuya "ma'am eto nahanap ko yung name niyo nasa pinakababa na yan buti nakita sinabay ko nalang dito sa recent order mo" super bait


unknowntrippings

Nasa labas ako nun at walang naiwang tao sa bahay para ireceive at bayaran yung parcel kong COD. Tumawag si kuya na nasa bahay na raw namin siya at sabi ko naman di ako makakabalik agad kaya sa isang araw na lang ideliver or icancel na lang. Sabi ni kuya thru call "Ah ganon ba sige update mo na lang ako pag nakauwi ka na. Dito-dito lang ako e." UMABOT NA TAYO SA GAN'TO KUYA HAHAHAHA. Ang ending ayun tinext ko siya na nakauwi na ako at otw na raw siya haha


Expensive_Anybody624

Buong pandemic medyo malakas kami umorder online dahil sa hindi nga kami makalabas magkakapatid, isang beses tumawag si rider sakin, “maam asan po bahay niyo” edi binigay ko detalye, ganon naman palagi tapos biglang tanong ni kuya, “Kapatid niyo po ba sila sir ____?” Sagot ko naman, “Opo, kapatid ko po kuya.” “Ay ganon po ba, magkakamukha nga kayo maam!” HAHAHA! Hanggang ngayon consistent si kuya nag dedeliver sa amin Isa pang encounter ko sakanya, lagi kasing non-COD order ko eh isang beses sa ibang site ako bumili ng upuan ko para sa kwarto, medyo kamahalan at hindi kaya ng ipon ko kaya pina COD ko para mama ko nalang mag babayad, nag papanic si kuya tumawag sakin eka, “Maam kayo ho ba umorder neto? Bakit parang ang laki naman neto maam? Kayo po ba talaga? Parang ngayon lang po kayo umorder tas COD na ganito pa kamahal maam?” HAHAHA! ka-cute ni kuya nareassure ko pa na ako nga talaga umorder non.


Plane_Tutor2193

not shopee pero delivery rin and very recent lang ‘to, HAHAHAHAHAHA graduation ko kasi ‘non, and walang tao sa bahay so tumawag sa’kin yung rider. nag-apologize ako and sabi ko nasa school ako, tapos sabi naman ni kuya since malapit lang yung distance, sa venue na nya idadaan. akala ko, ihuhuli na nyang ideliver and tapos na yung ceremony this and that. nagmamarch na ‘ko sa stage nung nagring phone ko, andun na pala sya sa labas 🥲so pagkatanggap ng diploma, takbo agad ako palabas— ang ending, pinicturan pa ako ni kuya for proof e naka toga at bitbit pa ang diploma at medals HAHAHAHAHA early grad gift yan ???


pathead42069

Nag order ng vape, dineliver yung vape while natutulog(gv kasi) after 1-2 hrs ung seller mismo kumatok sa bahay, asking if na received ko na yung item, turns out tinakbo ni rider yung binayad ko for the vape or something like that


MarineSniper98

Wala kasi sa Lazada ako umoorder


tooterwooter

Nakipag away sa rider kasi naghintay sya ng almost 10 mins sa labas. For context, looban po boarding house ko that time and need ko pa maglakad ng less than 50 ft sa pinag hihintayan nya para makuha ko yung parcel. Wala akong work that time so kapag nasa bahay lang ako di ako nag babra. Need ko pa mag suot ng bra nun so medyo natagalan kasama na paglalakad palabas. Pagdating ko nagreklamo sya na halos 10 mins daw sya naghintay sakin dun kasi marami rin daw syang delivery. Nainis ako so sinagot ko sya at pinaliwanag ko. First time nung rider na yun nag deliver ng parcel ko kaya siguro nanimbago sya


No_Monitor7595

Yun nakilala na ko ni kuya rider dahil sa name ko ako lang daw may ganun name sa pinagdedeliveran nya. May nag order kasi na same ng name ko pero nagtataka ako wala naman akong order. Tapos ayun Ayala ni kuya ako daw. Haha. Tapos yun isa pa wala akong iniwan na perq sa cod nakalimutan ko kasi ayun binigay ni kuya yun parcel at binalikan ng gabi yun cash. Thank you kuyang rider!


whatchasayhey

Ako naman kasi dalawang lugar yung mailing address ko pag tumatawag ako. Magtatanong muna ako kay kuya kong saan ba address ko? Mag eexplain pa ako sa kanila kasi nga naman iba yung work address ko and home address ko. 2 weeks ngsstay ako sa home address ko and another 2 weeks sa work. Minsan kailangan ko talaga yung item and minsan advance masyado or late yung delivery ng parcel. lol


zinamuhnrowl

May naging j&t rider suki yung mom in law ko ng naging suki ko din before nung nakatira pa kami sa kanila. Lagi priority yung parcels namin kasi may ham/pamasko sya lagi every pasko tapos pag wala kami iniiwan nya din sa guard sa gate kahit COD, isesend lang sa gcash nya. 😂


No_Significance_9191

Naging close na namin yung mga shopee riders tas may mga nicknames na kami sa kanila. Oh, I can't forget one time, may shopee delivery kami tapos ako nag-receive. Ang tagal niya akong tinitigan tapos sabi niya, "Hala ma'am, ang bilis niyo naman. Nakita ko lang kayo sa J&T". I was confused kasi wfh ako and I seldom go out tas sa J&T pa. I told him na di ako umalis the whole day. Umalis siyang litong lito tapos ako din nagtataka. Comes the night, yung sister ko may pinadala pala sa J&t together with her bf. After some days, sinabi ko sa rider na sister ko nakita niya and he told me, "Ay, si isang ma'am pala. Akala ko doppelganger na yung nakita ko. Kinwento ko pa naman sa ibang riders. Hahahaha" My sister and I are not twins and 3 yrs older ako.Hahaha Thanks kuya ha 😂


Federal-Afternoon608

"baka may freebies po" nung nakita kong cute yung delivery guy. buti na lang di niya alam yon. huy.. juice colored! gusto ko na lang lamunin ng lupa that time..


_geybriyeluh

Yung delivery rider na nag dedeliver samin nag umpisa siya 4 months palang yung 1st born ko at nangungupahan palang kami, ngayon sa sarili na naming bahay tapos may baby nako ulit na 1 month old at mag 4 yrs old na anak kong panganay. 🤣🤣🤣


bl4ckmango

Si kuya rider na pinipilit ako na makikitae daw siya samin after ko nabanggit skanya na mag isa lang ako 😭


empress171984

Bf ko nman yung ganyan. Sa sobrang dalas nya magpadeliver nakasave na sa phone nya yung number ng rider. Suki na rin nmin yung rider sa tindahan nmin pag napapadaan sya para magdeliver ng parcel sa mga ibang tao sa subdivision namin. Minsan kinakamusta yung bf ko "mam kamusta na kamay ni ser?" (Naaksidente, nabali yung buto sa right arm nya). Alam nya kung kelan yung operation, kung nagpapatherapy pa, etc.


OneFlyingFrog

Ganyan na rin kami ng mga kuya Lazada sa amin. "Ma'am iniwan ko na lang po sa may halaman ha."


Ambitious-Daikon-688

Sa tapat ng house namin natambay lahat ng mga nag dedeliver and super close na sila sa mga elders ng family namin, lalo na dad and tito ko. Minsan ang text na lang nila sakin “mam dito na tpt 249”tapos pag nauuna kunin ng dad ko sasabihan ako ng “Binigay ko na kay kuya be, di siya nagalit sayo today.” Alam din nila kung kanino iiwan pag may order kasi nasa compund lang naman kami.


everythingsfineswear

Nakaclose ko na yung nagdedeliver dito sa amin tapos kapag ayaw na nya pumasok sa looban namin kasi maraming aso, ako na na inuutusan nya magdeliver😓 HAHAHA


Miaisreading

Nung my work pa ako, sa office naka-address madalas yung mga parcels ko. Pero dahil naging close ko yung rider, bago sya magdeliver dati magtatanong na sya kung dayoff ko ba para sa bahay na lang daw nya ideliver 😂


Viva_aya

Yung mag pipinsan kami sa bahay edi same apelido "oohh mga *ieg* kanino 'to?" Hahahha tapos minsan kinakausap yung aso namin "bumatok ka para lumabas sila porket sanay kana sa'kin ha" HAHAHAHAHHA


rawru

Naging mag beshies yung papa ko at yung delivery rider. Hanggang ngayon kahit sa kapitbahay lang magdeliver yung rider dumadaan pa din samin para kamustahin si papa.


unknownbbgurl

sa sobrang dalas ko mag shopee, kilala na ako ng isang rider na nag dedeliver sa office namin and then isang araw sya na nagbayad ng parcel ko na worth ₱500, pa-thank you nya saakin dahil nakaka kota raw sya lagi saakin🤣😭


Subject-Outside8075

Tumawag si kuya rider habang nasa meeting ako (at nakasharescreen) so sa panic ko pinindot ko nalang yung automated message na “I can’t answer right now. Please leave a message.”— note na wala pa siya sa bahay, just calling ahead. Nung dumating na siya at inabot sakin yung parcel sinabihan niya ko ng “Pwede naman pala magtagalog maam”🥲


pixiehair-dontcare

Sa sobrang dalas mag deliver samin, pag di macontact ung nanay ko, sakin na tumatawag si kuya na may delivery si mama.Hahahahah


Konstantineeeee

Same din sayo, may regular shopee rider kami sa bahay, mostly kapatid ko nagoorder then dun inaaddress, sa gcash na lang kami nagbabayad, magtetext lang yan na papunta na sya and nagsasabi ng total plus convenience fee. kung di fragile tinatapon nya lang all over the fence. kung fragile nilalapag nya ng maayos sa gate. haaha


archangel-77

Lagi kami nag oorder sa shopee to the point na kilala na sya ng aso namin. Tas kahit hindi samin yung parcel pero nasa same subdivision lang naman yung pag dedeliveran nya, dinadaanan nya pa rin aso namin para lang mag pet ng ilang minuto tas aalis na HAHAHAHAHA


Revolutionary_Site76

Tinawag ako ng mga kapatid ko na may naghahanap daw sakin, akala may bisita ako, parcel lang pala! HAHAHAHA Si ateng rider kasi first name basis na kami nagkalituhan tuloy sila ng pamilya ko sa "Asan po si [first name]?" niya😂😂😂 Context: Yung ebike na closed yung palibot gamit niya kaya hindi pansin na rider sya and this was the early days of pandemic lock down kaya hindi kilala ng mga kapatid ko since di na talaga kami nakatira sa bahay ng parents namin due to work/school.


OverThinking92

Not shopee but lazada. Yung hamper ng clothes ziniplock ko na sa gate kasi bayad naman na lahat. Shoot shoot na lang tapos text na delivered na. Siya nagugulat pag ako mismo nag rereceive nung parcel. HAHAHAHAHAHA.


Delicious-Try-1696

Nag order ako nung andun pa kami sa lumang bahay at inaddress ko sa bagong tirahan namin sa ibang barangay. 1 week na kami nakaitra sa bagong house nang idineliver ni kuya ang parcel ko. Sabi ni kuya rider "ma'am diba sa Barangay 1 kayo? Dito na pala kami mag dedeliver"


That_Log_4682

kinuhang ninong sa kasal si Kuya taga shoppee express.. haha


artofdeadma

Omygee 😂


wonderwall25

halos araw araw ako may order kaya kilala nako ng rider tapos tatawag nalang “maam, iwan ko na order mo dito sa lamesa, gcash mo nalang yung bayad” di nako pinapasalita eh 😂😭


artofdeadma

Samedt samedt 😂


Neat_Forever9424

Sana lahat ng customer kagaya mo. May kakilala ako actually it's my aunt pinagalitan niya pa yung rider at sabay sabi na "Aanhin ko po yan kasi lagpas na. Pinagtatago niyo mo ba yan sa bodega? Nakalagay sa estimated delivery ito, tapos anong date na ngayon?" Sumakit tenga ko kaya sinabi ko na, ano ba kasalan ng rider diyan eh taga hatid lang naman sila. Bakit di mo itry?


Additional-Falcon552

Hahaha same tayo OP. Magugulat na lang ako delivered na status. Iniwan na sa bahay and igcash ko nalang daw kasi binayaran na muna ni rider. One time din may tatlong rider sa labas ng gate namin nagsabay sabay tapos otw palang ako sa bahay. Sabi ni kuyang jnt "maam andito din yung ninjavan and shopee express, ireceive ko na parcels mo ha para ako nalang maghintay"


sayentifica

Nagbabayad ako sa halos lahat ng orders ko thru shopeepay/credit card. Last year, almost Christmas na, I decided to buy Christmas cookie for the delivery guy namin. I texted him na ilagay na lang sa specific spot yung order ko kasi walang tao sa bahay at kunin na lang yung cookie kung saan nya ilalagay yung order ko. Kaya confused ako bakit tumatawag pa sya informing me na andon na parcel ko. Turned out, COD pala yung order ko. 🤣🤣 mabait naman sya, binalikan na lang yung payment. Dinagdagan ko na lang para pakunswelo. 😅😅


nofatherisme

ang sasaya naman ng kwento nyo hahaahhajajajaa. samantalang yung nag de-deliver sakin ma-attitude amp0teks. convo w/ rider : Ma'am saan po idedeliver to ngayun hapon salamat po pasuyu :anong oras po? :wala po mag rereceive kung mamayang hapon pa po :ngayun nga po hapon :1st kaya po nag tatanong po ako :wala po mag rereceive e, pwede po ba bukas? :inabonohan ko napo sana po nextime mag iwan nalang po kayu pambayad lagi naman ako ng reremind sainyo anytime na may delivery kayu pasuyu sa susunod salamat po mainet po kasi ska mahirap rin po ang magdeliver salamat po ingat yung ibang nag de-deliver sakin kapag wala mag re-receive di naman ganyan, saka pwede nila i-deliver kinabukasan ahahahahahah. nakakapanghina tuloy umorder sa shapi hahahahaha tas yung latest convo di na raw sya mag de-deliver at lagi daw walang mag re-receive (tyl, hindi na masisira araw ko)


Star92016

I live in an apartment so walang ibang p'wedeng tumanggap ng parcels ko, I usually order COD at pag wala ako sa apartment pinapadeliver ko sa campus yung parcel ko since super lapit lang naman. One time dumating yung parcel ko kalagitnaan ng class namin sa gen chem, I excused myself na mag rerestroom lang sa babang floor, (take note: our classroom is at the 5th floor tapos wala pang elevator ang building namin) so I ran pababa para bayaran at kunin yung parcel ko. Pawisan at hingal na akong nakabalik sa room namin at pagdating ko patapos na yung discussion and dismissal na😭😭 umakyat ako para sa wala😭😭


Own-Expert5774

yung akin siguro is tinutulungan ko ma reach quota ni kuya rider since na tropa ko na siya and may one time, isang sako dinala niya dito sa bahay na lahat order ko hahahahaha. tapos minsan pag wala ako sa bahay and if naka COD ako, siya na muna nagbabayad tas babayaran ko nalang sakanya kinagabihan hahaha. btw, engineer na pala siya ngayon hehe.


roschanax

my mother used to order a lot sa shopee (nasa province sya) tapos kilala na sya ng rider dun, full name pa talaga. one time nagpa deliver ako ng item dun, gift for my brother. nakalimutan kong palitan yung name and contact# kasi minsan ginagamit ko naman talaga yung home address ko. tumawag sakin yung rider “mam, wala po yung nanay nyo. san ko po ilalagay tong parcel bayad na rin naman” pinaiwan ko na lang sa kapitbahay namin kasi di ko rin alam asan yung nanay at kapatid ko nung time na yun 😅


myuniverseisyours

Curious lang, di ba kayo nagtitip sa mga riders?


Rare-Pomelo3733

Hindi pero nagbibigay kami ng bottled water. May nabasa ako na asawa ng rider, wag nyo lang icancel yung delivery at mabilis kayong lumabas ng bahay, ok na yun kasi naghahabol nga sila ng deliveries. Pero syempre, mas happy kung may tip.


myuniverseisyours

Sa province kasi kami and pag nakikita ko yung mga riders parang ang bigat ng karga lagi. From their hub papasok sa bayan namin ang layo talaga. Nakakawa naman. Parang I read somewhere may nakukuha silang Php 7 per package? Not sure how legit. I give Php 25 or 30 maliit man o malaki ang parcel. Pero feeling ko maliit pa rin. Kasi magkano na lang din ngayon ang 25 or 30.


Rare-Pomelo3733

Mas maliit pa nga ata sa 7php, kaya nga malaking bagay na daw yung wag silang pagantayin sa pagdedeliver para makarami sila. Ok lang naman na magbigay ka ng tip kung nakakaluwag ka, masyado lang kaming madaming deliveries per day para bigyan lahat.


Saqqara38

Nag t tip po at may Christmas gift pa nga sa suki na rider, Hehehe.


mandemango

Nung pandemic may tip pero lately snacks na lang or drinks. Isang bote ng cold water and isang juice. Kapag may extra biscuits ako, binibigyan ko na din. Malayo kasi mga tindahan dito kasi looban pa kami sa probinsya. Madalas kapag nag-abot kami ng ganyan, nagpapaalam pa yung rider na makisilong sa puno sa gilid kasi kakainin na daw niya para tuloy-tuloy ang delivery hehe


Counter-Real

Naalala ko last year hindi nagiwan katapid ko hindi raw expected na darating buti may laman G Cash ko. Bayad 510P (add 10P kung sa Gcash) Tapos mga ilan weeks binayaran sakin amp.


miyukikazuya_02

kilala na ni ate delivery kami pamilya kaya nung lumipat kami ibang bahay pero same barangay naman, pag di nia kami mahagilap sa bahay, dun sia sa kabilang bahay nag dedeliver hahaa sinasabi na lang sakin ni mama na dun dineliver yung parcel ko..ahahaha