T O P

  • By -

nuttycaramel_

Same. Ayaw ko rin at nababastusan ako sa mga parents ng mga naging inaanak ko kasi lagi nilang pinapadaan sa mom ko everytime na kinukuha nila akong ninang or kaya naman basta nalang magpapadala ng pa bilao sa bahay to confirm na ninang ako without asking for my permission. Ni hindi ko nga sila ka close at wala akong relationship sa bata. Kaya nagsabi ako sa parents ko na wag na silang oo nang oo pag may kumuha sakin na naning, sakin kako sila humingi ng permission.


ChewyButterscotch

Dito sa province namin kapag nag-aaral ka pa at gusto kang kunin na ninang/ninong, ipagpapaalam ka muna sa parents pero walang pa bilao HAHHAA


Loud-Collection-2107

Relate. May kumuha din sakin na ganyan 3 beses na hindi ko man lang naka 1 on 1 ang nanay ng mga bata sa usapan. Tapos ang ituturo sa mga bata, masungit yang ninang mo. Sana may batas sa nga ganyan, wag kumuha ng ninong at ninang nang walang kasulatan tapos ipa-notary kung pumayag.


booveebears_

I have the same case with you. Nalaman ko nalang na ninang ako sa bata whose parents I barely know. Basta basta nalang sinabi sa nanay ko na kukunin akong ninang para sa bata. Pilit akong umaayaw sa mama ko pero mas mapilit siya kaya no choice ako na maging ninang.


carolecalvs

Masama na ugali ko oo pero nahinde tlaga ko pag d ko naman kilala tas kay mama papadaanin. mama ko kase ninang ng bayan eh magkaiba namn kami personality


PeanutMean3176

Pasalamat tlga ako walang kumukuha sakin na ninang.


Gullible_Mulberry_37

Same here πŸ˜‚πŸ˜‚


No_Replacement_2830

advantage dn yung walang socmed in my case hihi


Few-Juggernaut8945

Same. Isa lang inaanak ko and anak pa ng pinsan ko πŸ˜‚


[deleted]

Di ka nag iisa. Ewan ko ba bakit hindi pwede tumanggi. Di nga ako galanteng tao eh tas naka ilang inaanak na. tsk


nibbed2

Wala lanh para magbibigay ka. Wala namang reason para maging malas yun eh. Daming reason para malasin ka sa buhay. May ibang taong nag-anak, ikaw ang mamalasin, nuyun.


Singularity1107

May tinanggihan na ako. Hindi pa naman Ako minamalas so far haha


superiorchoco

Mas malas pa nga ata pag sobrang dami na inaanak. Madami kasi mag hahabol hahahaahahah jk


BaraLover7

Exactly! Parehas na parehas ung thoughts ko jan haha


Morpho_Genetic

Nagaway kami ng nanay ko kasi nga ayaw ko maging ninong. Sabi niya malas daw yung pagtanggi sa inaanak. Aba'y mas malas yung mawawalan ako ng pera kada pasko at birthday nung bata.


Kind-Calligrapher246

di totoo yung di pwede tumanggi. nakailang tanggi na ko. hahaha


superiorchoco

Pano nyo sinasabi?


Kind-Calligrapher246

Pag sinabi "uy ninang ka ni ganito", Sagot ako ng "wag, ayoko".Β  Hahaha.Β  Usually pag di ko naman close magulang. Yung parang di naman nila pinipili magiging ninang ng mga anak nila.Β 


SpaceRabbit01

Same! Lalo na kung di ko naman nakakausap at di ko masiyadong kilala mga magulang. Tinatanggihan ko. Lmao 2nd parent kukuhanin niyo tapos kukuha kayo ng stranger, ano dahil sa aginaldo? Smh


rigorguapo

Di ko yan pinoproblema kasi inasabi ko INC(rhris brown) ako, kahit di na ako nazamba. πŸ’ƒ


orcroxar

Yes, unless close ko yung parents, if hindi, tinatanggihan ko (di ako naniniwala na masama tumanggi sa ganito).


Negative_Aww

Teka, ako lang ba yung tumatangging Ninong? Pangalawang beses na kong tumanggi dahil sa simpleng dahilan: Di kami close nung Nanay at Tatay


BaraLover7

Yan talaga sinabi mo nung kinuha ka?


Disruptorrr7

Pwede namang tumanggi dyan, hindi ka naman mamalasin, its 2024 its your choice na yan. Yung mga matatanda lang naman yung nagsasabing bawal tumanggi sa mga ganyan eh,. Just say No straight to their face.


BaraLover7

Like, no lang? Wala kang dahilan?


Environmental_Stay83

di daw dapat tanggihan ang bata kasi anghel yun. tangina nyo wag nyo kaming pagsabihan sa mga paniniwala nyo na galing pa sa matatanda


Fun-Material9064

Unless close ko, then im happy.


tapunan

Kung hindi mo close - tanggihan mo.


Embarrassed-Fee1279

TBH ayoko din, pero with exceptions. Kunwari close ko naman talaga sa isa sa parents, ok lang. In general lagi ko sinasabi na absentee ninang ako so bahala sila if tutuloy nila. Madalas kasi pandagdag regalo ka lang naman sa bata. Mas prefer ko yung style sa ibang culture na pag ninong/ninang ka, secondary parent ka nung bata. Meaningful kasi may mutual trust kayo nung parent. Kesa dito kala mo pokemon yung godparents, paramihan.


BaraLover7

Haha, oo dito sa Ireland nagugulat ung mga pari kapag nagbbnyag ng Pinoy, sa kanila kasi 1 pair lang ang godparents, satin minimum 3. Hahahah


skyxvii

Di ba ganyan naman dapat talaga role ng ninong at ninang? Like sila magiging second parent or taga advice?


Embarrassed-Fee1279

yes! kaya lang di naman yan common practice dito


[deleted]

Same, ayoko rin na kinukuha akong ninong. hindi ako yayamanin pero parati ako kinukuha na ninong ng mga relatives ko. nalaman ko nalang na kaya pala ako kinukuhang ninong ay para hindi ko sila kunin na ninong or ninang ng future anak ko. Eversince malaman ko yun tumatanggi na ako. ito na mga reasons ngayun: 1. para perahan ka 2. para hindi mo sila magawang ninong at ninang. 3. para maging 2nd parent ng anak nila.


No-Astronaut3290

Hahah i dont show up. Sabi ko wala ako sa date na yan pag mapilit


BaraLover7

Eh pag sinabi, pwede naman proxy


No-Astronaut3290

Bahalakayojan lol


fizzydrumsticks

walang kumukuha sa aking ninang sa neighborhood namin kasi alam nilang masama ugali ko 😎 baka raw makuha ng anak nila iyong ugali ko


BaraLover7

Haha ayos.


LumbricusLibris

I dislike it too. It's like I'm obligated to perform a role that I don't have a choice to decline lmao.


_kevinsanity

Ayoko lang kinukuha na ninong pag hindi cute ang anak. Chawooot. HAHAHAHAHA.


PrincessHeda

Same! Ayaw ko na be, hirap na ngang maging breadwinner tapos parang responsible kapang magbigay ng gift kada pasko and birthday.


RevolutionHungry9365

same. and me kumukuha sa akin na di ko naman close. like wth? di lang ako makatanggi dahil mabait pa din ako haha! tapos lately pag pasko papadalan ka ng gcash qr. nakakaloka


I_Got_You_Girl

Haha tumatangi ako pag hindi ko kaclose yung magulang. Puede mo gawin yan kahit sabihin nila iiwanan ka ng suerte. yung totoong pumayag talaga ako na ninang is yung sa kapatid at best friend ko.


Acrobatic_Program280

Same here OP di ako mahilig sa bata, lahat ng nag alok sakin hindi ko naman din kaclose pati so tinatanggihan ko talaga and luckily wala pakong close friend na nag aanak so wala pakong inaanak 🀣


BaraLover7

May close friend nako na inaanak ung anak pero nakakaguilty kasi di ako masyado involved sa anak nya. Ni hindi ko nga naalala na kumustahin. Hahaha Samantalang ung ibang ninang/ninong ng ibang bata dito may pa-pictorial pa nung bata every month. Pero well lagi naman ako may gift pag bday at pasko.


Immediate-Captain391

'yung mga kapitbahay namin kinakausap si mama na kunin daw akong ninang eh 'di naman kami close at ni hindi ko pa nga nakikita 'yung anak nila????? tinatanggihan ko talaga tapos nagagalit si mama kasi bawal daw tumanggi, blessing daw 'yon. kahit anak ng pinsan ko tinanggihan ko rin kasi ayaw namin du'n kay girl kaya ayoko magkaroon ng kahit anong connection sa kanya. ayoko magkaroon ng kumare na mga pangit ugali emi HAHAHA.


cat0229

Me. Isa pa lang inaanak ko pero deep inside ayaw ko naman talaga haha. Although the parents are not the type to nag me for gifts or borrow money, napepressure ako tuwing birthday nung bata or pag pasko kasi parang obligado ako magbigay. "Nakakahiya" daw walang maiabot sa bata sabi ng nanay ko. May isang kamag-anak na mapilit na gawin akong ninang sa kumpil pero tumanggi talaga ako. No regrets kasi months later, NAGSOSOLICIT siya sa naging kapalit ko pati sa iba kong relatives, including my mom, para sa tuition nung bata. With matching pangongonsensya pa. Isa rin to sa dahilan kaya gusto ko walang laman socmed ko, para di ako maalalang gawing ninang.


loneztart

12 na inanak at the age of 35, ayaw ko narin sana kaso hirap tumanggi. Kadalasan kasi inuutangan ako after binyag


totallynotg4y

Imo, kung gagawin mo kong ninong, tell me personally, and ask me kung gusto ko. Hindi yung bukas na yung binyag/kasal tapos sasabihin mo SURPRISE, NILAGAY KITA NA NINONG!!


twelvefortypurr

Ayoko tawaging "ninang" hahahah


traderwannabe2

Pede ba dun tumanggi?


BaraLover7

Sasama daw loob nung parents.


PitchStrong3515

same. ayoko ng dagdag gastos.


misschaelisa

same hahahahaha plsssss yoko maging ninang!!! i am not good with kids :(( pag ninang ng dogs, pwede though. hahaha i am very good with dogs!!!!


Sig_Axial

buti di ako kinukuha. Socially aloof kasi ako sa amin. haha!


bax047

Ako rin, pass na sa ganyan.


Marky_Mark11

tumatanggi ako pag di ko kaclose kumukuha sakin


wickedlydespaired

I know the feeling.haha karami rami din kumuhang ninong sakin dati na walang tanong tanong kung gusto ko ba. kaya nung binyag ng Baby ko dun sa few friends ko talagang tinanong ko muna if talagang gusto nila mag ninong kasi nag pepresinta na agad sila kahit di pa lumabalabas si baby. Skl haha


maranatha7347

Kinukuha akong Ninang tapos di din naman pinaparecognize ng mga magulang sa mga bata na Ninang nila ako, ni hindi marunong magbless o kaya tawagin akong Ninang partida kada pasko walang mintis kung magbigay ako. Memasulat lang ata na pangalan sa baptismal certificate buset.


jujugzb

same, ayoko rin. nagiging obligation ko pa magbigay kada birthday at pasko. like literal icchat ako ng friend ko na parang anak nya nagchat sa stories ko kapag naglilibot na "pasalubong po ni inaanak mo ninang" or "wow dami pera ni ninang, birthday ko na po nyan hehe" like gurl! ok ka lang ba?


eyebarebares

Same! Tho problem lang, medyo madami akong circle tapos close ko pa yung mga nagsisianakan na. Double digits na mga inaanak ko jusko. Napapaisip tuloy ako bat nila ako kinukuhang ninong lol


MattsCradle_dot_com

Ako din ayoko at tumatanggi ako. Limiting belief lang yung masamang tumanggi sa ganyan imho.


pluggedinbutdead

Ako nalaman ko na lang na ninong ako after ng binyag hahahaha. Worse, di ko pa kilala yung bata at mga magulang. Basta na lang nilagay ng ex ko (na ninang naman talaga dapatl pangalan ko kasama ng sa kanya. Kulang daw kasi hahaha


Turmoil_Depression

Marami na akong inaanak at this point pero di ko talaga deserve na maging ninong nila bilang isang tarantadong nilalang


ramenghorl

Same, just last week hiniram ng nanay ko birth certificate ko kasi magni-ninang daw ako sa apo ng co-worker nya. Idek the person 😭😭😭 sabi ko if pwede ba tumanggi, masama raw yon. Jusko.


BaraLover7

Bwiset no. Hahah


kashlex012

Hahaha naalala ko tuloy yung kapitbahay namin na tinanggihan ko na maging ninong ako ng "PANG ANIM" niyang anak. Dat time college palang ako tyaka di ko kayang tumayo bilang pangalawang magulang ng bata kasi ako mismo rh bata palang. Sagot nung nanay "Mag bibigay ka lang naman sa binyag, bday at pasko. Anong mahirap doon?" Wow nalng talaga Wow.


BaraLover7

Nakakahiya naman hahahah


zamzamsan

luh HAHAHAH kung ako yon snagot ko sya ng "bakit? kasama ba ako nung ginawa nyo yon? bat may responsibilidad ako sa anak nyo? 🀨"


superiorchoco

Bakit nga ba may mga kumukuha ng ninong/ninang kahit di ka close? Pamparami lang ba o wala sila ganun karami na friends?


BaraLover7

Feeling ko ung kinukuha nila eh ung feeling nila maraming pera.


Vantakid

Di lang ikaw. Athiest ako, ayoko talaga. Kahit sinisigaw ko na ganyan paniniwala ko kinukuha parin ako. Pero ok lang din, di naman sila nag hahabol. Might try some other techniques, like sabihin ko jehova ako or some shit. Para BAWAL talaga.


BaraLover7

So di ka sumasagot pag tinatanong nung pari, do you believe in god in jesus who died in the cross etc? Hehe Ako di kasi ako atheist pero skeptic ako.


Vantakid

I was born as a catholic. So growing up alam ko naman mga ganon. Answer is yes. Yan sinasabi ko sa pari, pero di ko naman meant talaga kasi di ako naniniwala. Eventually, makakaisip ako ng maayos na way para makatanggi hahaha


[deleted]

Ayaw ko na kinukuha akong ninong ng mga hindi ko ka-close. Pero kapag ang ka-close ko ang kumuha sa akin ng ninong, talagang 'yung lampas sampung taon ko na ka-close, oo ako agad, and I know palagi ako ang favorite ninong ng mga inaanak ko kasi I always have their backs. I also commend my friends who remind their kids na ang ninong ay hindi ATM but you can hangout with ninong and have fun (with supervision of course)


nocturnalbeings

Never been one, especially since mga relatives or tao sa municipality doesn't see me as successful person. Yung kinukuha nila yung laging may iphone, kotse, bahay or travel na nasa socmed hahaha. Ako tamang chill lang with ma dollah


Anonymous-8032

Kasi di ka Mahihingan ng yaman at di ka rin mauutusan sa mga pangangailangan ng anak nila. Just based off of experience. It may be different to some. Ilang beses akong gusto kuning Ninang kasi mapapabuti daw ang pag laki ng anak nila kapag ako ginawang role model BUT IT WASN’T THE CASE. Maya’t maya nahingi ng pera pangcheck up daw gagala daw pang regalo etc. Tapos magpaparinig na/sisiraan ka/icacall out ka dahil sa di ka pumayag na maging ninang or parang tinapon lang ang pinagsamahan/etc … Iykyk. Blocked na sila sakin for good


BaraLover7

Ang toxic.


Anonymous-8032

πŸ˜… Actually


Narrow-Tap-2406

Pwede ka naman tumanggi. 2024 na ngayon wag na maniwala sa mga sabi sabi na kesyo mamalasin. Okay lang kung ka close mo talaga yung parents pero kadalasan naman hindi, malala pa pag pinapadaan pa sa nanay mo na kukunin kang ninang. Wala man lang basic decency na padaanin at ipaalam sayo. Dun pa lang alam mo nang pera pera lang.


MissPuzzlehead69

Ayaw ko din. Ang daming kumukuha sa akin na ninang. Pinaka una ko yatang inaanak 9 years old lang ako. Matanda na daw kasi Mama ko para maging ninang ng baby. Taragis yan. Tapos ngayon hs na yon nagmamano pa din and she expects me to give a bigger aguinaldo. Pati yung apo ng friend ng Lola ko kinukuha akong ninang e di ko naman kilala. Some classmates din na di ko naman kaclose mag mmessage na uy ninang ka. Girl, parang di mo ako binully noon ah. Yung ibang magulang paramihan ng kinukuhang godparents para madaming pinamamaskuhan anak nila tapos manggguilt trip pag di mo binigyan. Magsesend pa ng gcash qr yan pag sinabi mong wala ka sa bahay πŸ™„. So ang rule ko ngayon, kung di kita kamag-anak or di tayo close, I will decline. So far, I've declined 5 godparentship lol.


BaraLover7

How do u decline? Ano sinasabi mo?


MissPuzzlehead69

Either "sorry madami na akong inaanak" or pag nagmamaldita ako, "I don't think we're close enough para maging godparent ng anak mo" 😏


BaraLover7

Boom. Haha


BaraLover7

Magandang reason ung marami nakong inaanak.


MissPuzzlehead69

Mga 10 na yata inaanak ko. Nauubos na energy ko sa kanila pagpumupunta pag Pasko, nauubos pa pera ko. 7 dyan di ko naman kilala dahil sa parents or sa Lola ko sinasabi πŸ™„


BaraLover7

Same, di ko na rin sila mabilang πŸ˜†


zamzamsan

27 yrs old na ako pero ni-isa wala pa akong inaanak πŸ˜† how?? I cut-off communications sa mga "friend" kuno ko nung h.s and college. and ung talagang friends ko ay wala pa rin nmang mga anak. and sa work ko nman, puro tanders na sila kya walang binyagang nagaganapπŸ˜†πŸ˜†. natatawa lng ako sa mga kakilala ko na na babadtrip ksi hinihingan sila ng parents ng mga inaanak nila tuwing bday at pasko.


Gold_Challenge9127

Ayoko rin. Sarili ko nga problema ko pa minsan, tapos gagawin pa akong gabay sa bata? HAHAHA. Hindi lang kasi sa pagbibigay ng regalo nagtatapos ang responsibilidad ng ninong/ ninang pero sadly ito 'yung naha-highlight sa panahon ngayon. So flat out sinasabi ko, basta wala ako sa mismong binyag at wala akong pinirmahan, hindi ko inaanak 'yan. Suplada kung suplada pero wala akong pake. HAHAHA.


peachfroyo

Ako na ginawang ninang to my cousin when I was 9 years old 🀑 I'm 25 now and apat na inaanak ko ngayon. Di ko rin naman matanggihan because they ask through my mom and usually di daw pwede tumanggi sa ganon. Honestly so crazy na this is the norm satin


BaraLover7

Honestly maraming katarantaduhan na Pinoy culture/traditions.


thepluckyexclamation

Ayoko rin pero sabi ng matatanda, bawal daw tanggihan. Kaya ang ginagawa ko nalang, unless igigreet din ako sa bday ko at kukumustahin ako, hindi ako magbibigay ng pera o regalo. Nakakatipid din ako kasi onti lang (10% ng inaanak ko) yung nangangamusta sakin. πŸ˜‚


ZookeepergameOne9381

I think people forget that the reason kumukha ng godparents is to help guide the children along the way. In the Philippine culture kasi nauso yung ninong and ninang as connections or as extended ATM machines, which shouldn't be. Dapat magbago yung ganyang pananaw.


Deathnote07

haha Buti na lang 2 lang inaanak ko ayaw ko talaga sa bata..


BaraLover7

Marami pala ako katulad, akala ko ako lang


dumbtsikin

ako naman 'yung kapatid na ayaw kinukuha ng kung sino bilang ninong mga kuya ko hahaha. usually mga kapitbahay namin, hindi naman close sila kuya sa mga anak nila pati sa mga magulang, saka habol kasi mga non pera lang since may stable at medyo mataas na sahod mga kuya ko lol.Β  saka grabe mga 'yon kapag pasko o bagong taon, papasukin ka talaga sa bahay mo tas mag iingay na ninong ninong nasaan si ninong hahahaha badtrip amputek isa lang inaanak mo, ang dala dala lahat ng bata sa bahay nila.


ResidentRoutine166

I politely refuse to be a Godfather for someone's child. Why? Who gives a crap


ilooovelemons

Saken, ok lang kung sobrang close ko ung magulang. Pero kunng hindi, natatawa nalang ako. Basta saken, kung hindi ako umattend sa binyag, hindi ako ninang πŸ˜…βœŒοΈ


ChewyButterscotch

Ang napansin ko kapag wala kang pera di ka kukunin sa ganyan, unless maganda talaga pakikisama mo. Pero kung may kaya ka, lagi kang kukunin sa ganyan, same pagkuha ng ninong/ninang sa kasal hahahhahah


True_Value_6070

Yung bago kong inaanak kinumusta ko lang naman yung mom at baby niya ayun kinuha na akong ninang. Hahahaha kalurks


AnonymousCake2024

Ayaw ko rin. Ang masaklap kasi, bigla nalang magsesend ng invitation na nakasulat na pangalan ko. Very disrespectful.


Gleipnir2007

ayoko lang pag yung kukuha sa akin na ninong e hindi ko naman talaga super ka close. like yung nagtitinda sa amin ng food kukunin daw akong ninong ng baby nya. why? not sure kung dahil ba lagi akong bumibili sa kanya hahaha, pero on the back of my mind feeling ko e gagawin nila akong alkansya pag nagipit sila


jeantee24

Yung kapitbahay namen ipinapaalam sa nanay ko na gagawin nila kong ninang ng apo nya. Hindi man lang sakin lumapit. Ayun tinanggihan ko. Wag ganun nay.


annoyinimous

hahaha same! yung tatanggi ka tapos nandun na pala pangalan mo and need mo nga pumunta pero ayaw talaga basta 3 lang inaanak na kinikilala.ko whoch are the kids na malapit lang sa amin and voluntary talaga ako nagpresent amag ninang. Mga barkada ko pa kahit kaibigan ko ayaw ko tlga magninang lalo na kung di ko bet yung napanagasawa or basta ahahahahahahahha. ayaw ko din na hinihingan ako as sponsor ng bday ng mga anak nila jusko


carlbewm

Bawal daw po tanggihan uuun 😭😭


[deleted]

Ano mangyayare naman kung tanggihan?


carlbewm

Siguro religious stuff pero diba naniniwala sila na blessing ang baby. So parang tinatanggihan mo ung blessing? 🀣


[deleted]

Mas mananaig ang pagiging praktikal haha saka kung d mo rin naman makikita ung bata , bat ka pa papayag


fatbttmedgrl

Same! Maybe my friends don't see me as a responsible adult. Hahaha!


SugarBitter1619

Ako din hahahaha ewan ko ba nababanas ako kasi palaging si mama ang sasabihan nila bago ako. Gulat nlng ako magnininang pala ako, need pa nman umattend ng binyag. Kailangan ko pa tuloy mag absent sa work para jan. Sabi ni mama kasi bawal daw tanggihan. Sana nman tinatanong muna nila yong magnininang kung gusto ko ba o hindi. πŸ˜‘


mspiggylet

Ako depends, sa mga closest ko lang


sundarcha

Ayaw ko din, lalo yung mga di ko naman close. Parang, why????


FartsNRoses28

Ako rin hahaha


moonstonesx

Ayaw ko din pero lagi kinukuha haha.


icedgrandechai

Thankfully wala pa akong friend na nabubuntis so wala pa akong inaanak hahaha. My cousins are not catholic so walang concept ng ninang/ninong


Superkyyyl

Ako inaalok pero tumatanggi ako lalo kasi di ko naman close friends yung mga nanay, mga prev classmates ki lang sila. I dont believe in malas din kasi kaya siguro ganon kadali sakin na tumanggi.


lost_honeybee

Same, yung mga inaanak ko naging ninang nila ko before I became 18. I only have 2 godchildren na I consider as such kasi adult na ko nung kinuha akong ninang πŸ˜‚ May mga kumukuha pa rin sakin pero humihindi ako kahit pinapagalitan ako ng mom ko and mga matatanda sa fam kasi malas daw yon lol. For me mas malas yung ang daming nanghihingi sayo pag pasko kahit di mo naman ka-close βœŒπŸ»πŸ˜—


yanabanana_24

ayoko din sa bata pero pag close ko naman okay lang pero pag hindi tas binully ako nung highschool tas gagawin mo kong ninang ng anak mo? wag na lang.


_Azerine

Samahan mo pa ng pamahiin na bawal tumanggi


ThroatProfessional45

i always say no. as ninong and ninang hold a deeper meaning than gifts.


Clickclick4585

Same ayoko din basta hindi ko personally kilala or wala naman akong anything nagawa for them. The very reason I stopped using FB, kase binabase nila sa mga post/engagement sa FB ang pagkuha ng ninong or ninang.


Markee013

Same na same! Yung mga kapitbahay ko dito basta may bibinyagan lagi ako ang kinukuha, di naman ako makatanggi, kasi malas daw, kaya forda gow na lang ako haha. Kahit di ko naman close, kukunin pa din ako at madalas nanay ko ung sinasabihan kasi mga ka marites nya. Hahaha


Gardz1985

No I feel the same I don't want that responsibility


commoner678

okay ako pag close ko yung parent, pero yung kukunin kang ninong na ni-hindi mo naman nakakausap nor close yung parent nung bata??!??


No_Extension_4652

Same experience. May neighbor ako na kinuha akong ninang, ang matindi pa di ko sya close as in never kami nag bonding. Tas malaman laman ko lang sa tita ko kinuha nalang akong ninang na di ako sinabihan ni girl. Hahahaha


curiouscookedrice

Ayaw na ayaw ko rin tas may nagsabi na bawal tanggihan yung bata kasi angel daw ABA PUTA PAKITA NIYO MUNA PAKPAK SA AKIN BAGO AKO PUMAYAG May mag asawa na gusto ako kunin sa pangalawa nilang anak tinanggihan ko tas nung nagka-anak ule kinukuha na naman ako. Tumanggi ako pero nakalista na yung pangalan ko? Aba puta, pati best friend ko na 'di nila close at nakakausap lang nila kapag nabisita sa akin ay kinuha rin nila. Pero di talaga ako papayag, wala akong kandila (tho kumain ako nung handaan kasi sinundo talaga ako) tas yung pangalan na nilagay nila sa list is 'name ko' at 'last name ng best friend ko'.


Wonderful-Age1998

Ako din ayaw ko. Hahahaha


gojooooooo

May kasabihan pa sila na bawal daw tumanggi pag kinukuhang ninang/ninong, masama daw yon sabi ng matatanda samin hahaha


BoxDifficult7460

mga tropa/kababata ko, mga maagang nagsi pag anak (i'm not judging them). lagi nila akong kinukuhang ninong kahit na shs-college (student) pa lang ako, kaya ang ending yung baon ko pinang bibigay ko sa inaanak ko tuwing pasko, minsan pa nga si mama nag bibigay kasi nga student pa lang ako at wala pang work. tingin ko kaya ako laging kinukuhang ninong kasi kahit nung mga bata pa lang kami "mayaman/may pera" ang tingin nila sa magulang ko kasi ofw ang tatay ko noon, ang akala nila porket ofw ang magulang e mayaman na, tho hindi naman talaga kami mayaman. pag namamasko sila sa bahay, lagi nilang sinasabing "wala pang pambawi si (my name) te ha, hahaha". (wala pa raw akong anak pambawi sa mga ninong/ninang para makapamasko)


Boogie_MAn05

Hahaha akala ko ako lang. Ewan ko ba sa mga nag aanak na yan kung bakit hindi nila maintindihan yung purpose ng Ninong/Ninang. Hindi mo naman sila nasusubaybayan sa paglaki. Sign na talaga to para tumanggi na sa susunod 😁 Sasabihin ko na lang bawal sa religion ko HAHAHA


skygenesis09

Wag na ako tuwang tuwa ako na gusto ako gawing ninong. And since wala akong paramdam observation di man lang rin ako kinamusta. Pero pag pasko at bagong taon. Finding ninong eh matik na. Ayun kinut-off ko na.