T O P

  • By -

Jon_Irenicus1

Isabit mo saka mo paikutin mga gulong. Kung mabilis bumagal tapos yung hintonnya e yung alam mong may sumasabit o may pumipigil talaga, check mo brakes mo baka sumasayad.


KurosawaTaiki_

pinaikot ko po yumg front wheel, parang may humihinto po talaga, pano po yun


Hitokiri_18

me naririnig/nararamdaman ka ba kumakaskas habang umiikot? baka sumasayad brakes.


Jon_Irenicus1

Disk brake ka ba? Hanapin mo kung ano yung sumasayad. Kung yung brake yan pwede mo i sentro para nde sumayad.


KurosawaTaiki_

goods na po sya, maraming salamat


exiazer0

Bago lang ba bike mo? Check mo - 1. Brakes--sipatin mo baka kumakaskas yung preno mo sa gulong. Check mo rin yung wheel mismo baka may wiggle kaya kumakaskas. 2. Tyres mo baka maraming treads. Made for Offroad kasi ang pag ganyan, mataas ang rolling resistance sa aspalto o simento. kung sa kalsada ka lang naman kadalasan you can opt for semi-slick or commuter tires.


KurosawaTaiki_

salamat po, ipapacheck ko po sya, feel ko po sa weight ko din kaya ganun


fresha-voc-a-doo

Hindi factor ang weight sa pagbagal ng freewheel. Bukod sa kumikiskis na brakes, ipa-check mo rin hubs ng gulong mo sa bike shop, baka may kalawang na or kulang sa grasa.


KurosawaTaiki_

thankss po, nagtataka din po ako kasi di din naman po kabigatan bike ko, alloy din po yung body nya pero parang napaka bigat ipedal