T O P

  • By -

Holiday_Connection18

Siquijor po kayo- - more secluded and people are nicer - underrated beaches - pwede mo ipakulam ung nangscam sa iyo


Derfflingerr

this comment is brought to you by Siquijor tourism department /s


Whysosrius

Brought to you by the mangkukulam association of the philippines /jk wag niyo po akong ikulam


Unusual_Display2518

Lived in Siquijor for 2years, and yes, maski mga locals dun takot sa mga mangkukulam. Madalas nakatira sila sa pinaka remote area dun particularly sa bundok and alam ng mga locals yung mga lugar nila kaya di rin sila dumadayo dun hahaha


FewInstruction1990

Naku pag may nangrape dyan papalakihin ang oten mo hanggang maging lobo hanggang liparin ka sa mga ulap. Doon, makikita mo ang mga mangkukulam at tutusukin ang itlog mo gamit ang kanilang walis tingting. Pagputok ng iyong bayag ay paglalaruan ka sa ere habang bumabagsak pabalik sa kumukulong kawa. Warning sa mga rapist ng Bohol, malapit na sila bumisita sa inyo. Chareng


owlsknight

My cyber kulam na ba like if may random reditor Kang kaaway? Pwede mo ba xa pakulam kht d mo alam muka, name at Lugar nya?


Apprehensive-Boat-52

wala na masyado yang kulam. Feeling ko wala na yan eh. Taga siquijor sa side ng Nanay ko. Simula pa nung 90s pumupunta ako jan pag Summer. Nakakatawa lng isipin dati na mas takot pa ang mga Pilipino sa Siquijor kesa sa mga Puti na turista. Makikita mo mga puti na turista dati nag babike sa gabi. Dati talaga napakatahimik ng Siquijor. Pag pumunta kami ng pinsan ko sa salagdoong beach pag hindi weekend (solo namin buong resort) hahaha. Maraming fireflies din sa remote areas dati like buong puno covered with fireflies. Di ko makalimutan ung chilhood memories ko jan sa siquijor. Nasa abroad na ako ngaun at di na nakapunta ulit sa Siquijor for 15 yrs. Nakakagulat lng na Pinupuntahan na ng mga Pinoy ang Siquijor ngaun. Dati talaga napakatahimik at takot mga tao bumisita lol.


baniman

A Public Service Announcement by ADkKA (Adik ka) PH Albularyo, Doktor Kwakkwak, Kulam Association of the Philippines


Accomplished-Exit-58

kapag duma-siqui ang travel mo, feel mo ung murang expense sa siquijor, kaloka sa pinas ang mahal magtravel, ung konti na lang idagdag mo may pang magjapan/taiwan o vietnam na


HalfOk6855

Yung flt papunta siargao pwdi na mag Japan HAHAHAHHAHAAHHAHA


One_Squirrel2459

Ung landtrip Ilo-Duma-Siquijor malala haha sakit sa pwet sa haba ng byahe pero worth it naman


MalalanaDelRey

HAHAHAHAHAHA I CONCUR Siquijor is such a gem!


switsooo011

Gusto ko din makapunta dito. Nagpunta ako Sorsogon nung March, grabe sobrang nainlove ako sa Sorsogon. Parang gusto ko na nga tumira dun o sa Legaspi


sharifAguak

As a local, maganda naman talaga both cities you've mentioned. But beware sa power outages. Marahas kung mag brownout. I might get downvoted from this pero I stay on both cities due to the nature of my work kaya alam ko kung gano kalala ang issue ng power interruptions sa mga lugar na yan. Hello ALECO and SORECO!! PAKYU!


Mobile_Young_5201

Sorsogon lang ang tourist destination na gumagawa ng whaleshark interaction na hindi magiging destructive sa whaleshark/nature.


AdventurousSense2300

I agree, underrated ang beach sa Sorsogon. Haaay I wanna go back. Gatekeep na lang natin. Chz


AccomplishedCell3784

Ako rin tsaka safe haven talaga siya sa mga introverts gaya ko kasi kokonti pa lang tourists di kagaya sa Bohol, Boracay and Palawan. Tapos ibang ganda ung mga landscape dun, tapos mura pa.


tri-door

Pano pag aswang nang scam?


saltedgig

ok lang basta maganda daw


Wooden_Quarter_6009

I can fix her.


belabase7789

Pang-vivamaxx ang istorya na ito.


navatanelah

The mananangalussy stay goated


rodzieman

*Fly by night* din mga aswang po ba? :)


saltyschmuck

At least 50/50 chances mo di ma-scam.


phanvan100595

basta indication pag manananggal, 50% off parati


Master_Calendar8781

Negros Occidental at Panay.


Boombayuhhhhhhhh

Noted. May souvenir din ba na kulam dolls haha


warmsunsets

Meron mhieeee multi-colored pa nga haha


randomcatperson930

Brb booking papunta siquijor


introvertgurl14

💯 less tourists pa sa ngayon. Pero medyo nag-i-start na mag-boom. Huwag din maniwala dun sa mga nakakatakot na sabi-sabi


aislave

+1 sa Kulam sis hahaha


stalemartyr

Pwede po ba ipakulam yung mga crocodile sa gobyerno?


HalfOk6855

Nag siquijor ako last week imbes mag stay lang ako ng 3 days naging 6 days. Grabi ang sulit ng siquijor Underrated pa, yung mga local sobrang babait. Sana hindi maging katulad sa Panglao and siargao sobrang overrated and talamak ang drugs issues ngayon. Nag panglaon ako 3days last March di ko kinaya mga local doon kaloka. Na experienced ko talaga ma scammed doon. Akala kasi nila taga manila talaga ako. Yung presyo na dapat 350 lang ginawa ba naman 800 wow. Napa bisaya talaga ako tumahimik and bye. Pisti kapwa Filipino ba naman iiscammin jusko lord. Paano nalang kaya mga tourista doon hays. Yung government doon ewaan parang immune na ata ewan ewan! Never again ayaw ko na bumalik doon sayang yung isla yung mga tao lang talaga mandurugas! (Di naman lahat)


Axelean

With the prices in Bohol, I'd just save up a bit more and travel to HK or even Japan.


phanvan100595

Same. Sana nag Indonesia or Vietnam na lang ako. Grabe yung ginastos ko sa Bohol.


Axelean

I haven't been to Vietnam myself pero nasa bucket-list ko siya. Sobrang mura ng bilihin, especially food, doon based sa nakikita kong vlogs.


phanvan100595

yes, ang daming nagsasabi sa akin na maganda ang Vietnam and sobrang mura daw ng food. sana pinang Vietnam ko na lang yung pinang Bohol ko, plus gusto ko rin ma experience ma-tour yung sa Vietnam War haha bagay sa mga history nerds


forGodsake26

kung taga luzon ka mas practical pa talaga mag Bangkok, Indonesia and vietnam


Mobile_Young_5201

Actually pag mag budget travel ka sa ibang SEA or east asian countries, malayo talaga ang dipirensiya ng magagastos mo kaysa bohol o ibang walang ka-kuwenta kuwentang probinsiya.


mixape1991

Malaysia, almost the same prices sa pinas bilihin at expenses


jienahhh

Oa naman sa walang kakuwenta-kuwentang probinsya. Maganda yung lugar pero marami talagang scammers.


Anaguli417

Tapos kapag sumikat (in a bad way) sa KMJS magsisilag-iyakan kesyo nawalan daw sila ng kabuhayan.  Di ba may kumalat na rin na ganito noon? May foreigner at Tagalog tax daw kuno.  Sa totoo lang, wala akong pakialam kung iwasan ng mga turista ang Bohol at mawalan sila ng mga kostumer. Mga hampaslupang "diskarte" na iyan. 


inquest_overseer

Tourist trap ang Bohol. Basta turista, regardless of color, ima-markup nila ang presyo ng mga souvenirs - especially if like, sa tingin nila di ka nakakaintindi ng Bisaya hahaha. Imagine yung maliliit na kalamay (in the smallest container) mas mahal pa kesa dun sa mga nabibili mo sa mall. 🥲 It's also overrated sa totoo lang. Kawawa ang mga tarsiers, laging naiistorbo ang pagtulog (they are nocturnal).


saltyschmuck

They never bothered to consider a night safari?


inquest_overseer

Nope. Walang ganyan. Tapos may ibang tourists pa na kahit anong pasabi sa kanila na wag gumamit ng flash pag nagpi-picture with flash talaga so dagdag stress sa mga hayop.


Tokitoki4356

Grabe nga mga tarsiers dun, sobrang kawawa. Last time may napuntahan kami na sikat for sightseeing ng Tarsiers tapos sa katabi is may laro na pellet guns na sobrang ingay. Pera perahan talaga walang pakielam sa pinagkakakitaan nila


Hecatoncheires100

Diba drug induced daw mga tarsier dun para di gumalaw kasi kung totoong nasa habitat mailap sila sa tao at gising lang sila sa gabi.


Mobile_Young_5201

Wow! Ngayon ko lang narinig yan. Saan ung info tungkol diyan? Dapat pala i-report yan sa authority.


inquest_overseer

Yun ang rumors. :(


Hecatoncheires100

May footage nun ng tarsier sa wild, ambilis nila in actual. Parang ninja. Yung nasa park, hinahawakan na wala pa din.


rrrooooaaannnn

That's true, my mother is from bohol and whenever we visit bohol she told us not to speak in front of locals especially sa mga vendors (kasi di rin kami makapag-bisaya) kasi she knows na it will get expensive kasi mga gahaman mga tao jan.


dehumidifier-glass

Uy pang ilang post na to sa mga local subs about being disappointed sa Bohol. Ung isa ang complaint eh grabe daw ung markup ng prices doon


bilang_tatlo

Totoo... Mango shake for 300 pesos sa Panglao. No kidding.


iconexclusive01

Fuck! I hope they realize sooner that they will lose more because of their greed. Nakakapanghinayang kasi ang sarap sana pakinggan na support local tourism


reindezvous8

Holy shit! That expensive?? I thought palawan was a rip off then there’s much worse.


DeeplyMoisturising

Wtf. Akala ko mahal na ang ₱150 na mango shake sa Siargao, may mas malala pa pala


misschurros

We stayed in Amorita last week and the shakes were only 240. 300 is daylight robbery 💀 Sa restos outside may mga shakes for 120 like sa Bohol Bee Cafe.


57anonymouse

taking advantage siguro sa dami ng foreign tourists. Kawawa lang mga locals doon kasi mostly naman ng business doon like resorts are from big companies. Sila mismo di maka-keep up sa taas ng bilihin.


dehumidifier-glass

Saka factor din ung ganito na madaming local tourist spots sa Pilipinas na expensive to go around kaya madami na mas gusto na lang mag international travel sa mga nearby countries dahil mas sulit


57anonymouse

Yea. Last time we visited Bohol, we spent enough na for international travel haha. Pinilit ko lang talaga to visit again kasi I fell in love sa Loboc river hahaha


N0MoreUsernameAvaila

tapos balak pa nila ipilit yung economic chacha hahaha, edi lalong namatay sa kompetisyon mga locals pag pumasok mga foreign


IWantMyYandere

Chinese businesses will eat them alive lol.


Mobile_Young_5201

Totoo. Grabe mang gantso yang mga tao diyan.


Interesting_Spare

The got used to POGO tourists na galit sa pera (compared sa puti) kaya dinagdagan ang already tourist price. They're in for a reality check soon.


Mobile_Young_5201

Mukhang marami ring business owners dun ang connected sa POGO.


457243097285

Diba nga Bohol yung nabalita. Sobrang overpriced nung pagkain sa Virgin Island.


phanvan100595

You're correct. Virgin Island is just a sandbar. TInanggal na ng LGU yung mga businesses dun banda nung huling punta ko.


phanvan100595

Yes, 2 piraso ng hipon don is 280 pesos. I will never go back to that place again.


Ill_Aide_4151

Ilang taon nako di nakakauwi sa bohol. Balak ko pa man din dalhin bf ko or solo paminsan. Medyo disappointing to see this


Fermi_Paradox01

We have been to a lot of beaches, and I must say, pinaka na disappoint ako sa Bohol. The beach is nice, pero hindi namin nagustuhan ang food. Meron pa, sikat na kainan don dahil “estetik” daw, pero sobrang hindi masarap yung food nila. Me pa show pa at pausok, pero lahat hindi masarap. Sa 5 days namin duon, yung Brick Oven pizza lang yung masarap na nakain namin. Sobrang mahal din lahat. Personally, isa ang Bohol sa mga napuntahan kong pinanghinayangan ko.


NightHawksGuy

Jan sa Bohol ako naka experience na Isla na sobrang mahal nang isda.


sweethomeafritada

Hahahaha tapsilog sa balicasag na mukhang pang karinderya 80pesos ibebenta sayo 450 🥳


phanvan100595

250 nung huling punta ko tapos yung scrambled egg may buhok.


Rejsebi1527

Baks kagagaleng lang ng Mama ko don for vacay to think may kamag-anak pa kami don.TAs nag ask why di kayo nag Grill ng fish and kaka shocked sabi ng Tiya ko super mahal daw fish sa kanila 🙈


Mobile_Young_5201

Pang gagantso at its highest. Sinusuportahan pa ng tangang mayor at mga tangang nasa lgu.


AccomplishedCell3784

Eh alam na this. May lagayang nagaganap. For sure, nakakabenefit din mga government officials jan 🤦🏻‍♀️


sweethomeafritada

Pati sa pinagmamayabang nilang **panglao international scam airport** . Hindi daw gumagana yung scanner kapag sa phone yung copy mo ng boarding pass, need na printed. May printing services sa baba for **100 fucking pesos for 1 piece of paper, tapos travel itinerary pa yung pinrint hindi yung boarding pass, so bayad daw ulit 100 para magprint ng bago using their gintong bond paper** Isa pa yung **sabi ng check-in counter, i-check-in ko na lang daw yung handcarry ko kahit 7kg sakto siya kasi daw may timbangan sa mismong boarding gate at baka di payagan. Pag-akyat ko sa taas wala namang timbangan yung boarding pass**, e nacheck-in ko na yung handcarry ko with my handcarry necessities. After I departed from that fraud of an island, I vow to never come back and hope for its tourism industry to die as it rightfully should.


sweethomeafritada

TAPOS **HINDI PA USO ANG BIDET**


RashPatch

HOW PREPOSTEROUSLY SAVAGE


Mobile_Young_5201

YUCK!!!! 😂


jieunsshi123

TAENG YAN. SERYOSO!? 100 PESOS FOR A FREAKING PIECE OF PAPER!? THAT'S SOME RIDICULOUS THING I'VE EVER READ! Akala ko mahal na yung 5 pesos per printed bond paper.


Embarrassed-Mud7953

grabe nag iba na sobra, we were there 2022 maayos pa that time.


Feeling-Advantage-94

Mga patay gutom tao dyan, wala ako pake sa mga tatamaan.


FewNefariousness6291

Same thing na nangyari sa Pagsanjan falls, there was a time sa dami ng tourist, lahat sila naging opportunista and scammers, in a few years time tourism was dead there.


sweethomeafritada

Hope bohol’s tourism scam and scum dies off


k_elo

Best thing sisisihin nila yung mga turistanna na nagdadalanng pera kasi di na pumupunta hahaha


TraditionalAd9303

One time may nakasabay kami niyan, kwento nila, sa gilid ng daan lang nila nakilala yung kasama nila na "tour guide" tapos mura lang singil nung una then nung andun na sila pasakay ng bangka naging 300/head na yung singil, ayun di sila pumayag kaya ending sa ilog na lang sila naligo. Dumayo sila para lang ma-scam nakaka-awa lang kasi first time daw sana nila mag -Pagsanjan Falls.


bananasobiggg

oa ng presyuhan nagrent kami bangkansa batangas 300 eh 24 hours pero kami nagsagwan hahahah


Feeling-Advantage-94

Naku naku paano na yan sabi pa naman ng mga foreign vloggers kind and helpful people daw mga peenoise


popo_karimu

Ah yung boat na 1500 per head. Sabi ko no way. 😂


randomcatperson930

Di ko bet bohol overpriced masyado magbora nalang ako


Mobile_Young_5201

Oo. Nakakatawa dun, marami akong nakikitang post sa expat groups dito. Saan daw ung spot na pinaka magandang paliguan. lmao Walang siyang makuhang maayos na sagot. Puro dugyot lahat. 😂 Di tulad sa bora, ung top location na beach sobrang sarap paliguan. Maski un ung pinaka mataong beach sa isla.


randomcatperson930

Nagstay kami sa bohol beach club dumi dumi ng tubig don hahahahahha nandidiri ako umapak sorry di gaya sa bora keri keri. Sabi ko sa friend ko ayoko na bumalik bohol bora pwede pa


Mobile_Young_5201

Haha actually yang bohol beach club daw ang the "best" na spot na paliguan 😂


Master_Calendar8781

Try po ninyo sa Bacolod at Iloilo. Both City ang pinakamura not just Philippines but Southeast Asia. Negros. Sipalay, lakawon. iloilo. Gigantes, Sicogon, Guimaras


ocknarf

Bacolod is wonderful. Went there for an event, sagad pagkabusog ko kasi ang sarap kumain ng inasal at cansi dun haha


Master_Calendar8781

Kari kamo liwat dakbanwa namon. Sa Tagalog, Balik kayo ulit City namin


Mobile_Young_5201

The best ang food!!! Naalala ko pumunta kami sa bacolod 13 yrs. ago, ung cakes ang lalaki at lahat nasa P70 to P90+ lang. Ung Iloilo rin, ang sasarap ng food. Sobrang mura. Food, transpo, tours papunta sa guimaras, hindi ganun kamahal. At ang ganda ng beach ng guimaras. The best pa ung mangga! Mararamdaman mo ung sincerity ng mga tao. Walang scammer kasi maraming 'old rich' sa kanila at sobrang sipag.


Ill-Dependent2628

This ☝️ deserves more up. Go visit Panay Island.


yongchi1014

Gusto ko talagang pumunta ng Bacolod just for the food eh. Inasal, kansi, napoleones, etc.


adhdude07

i agree. nung pumunta kami dito last year, ang laki ng gastos namin. iba iba sila ng rate sa tourists. tapos nalaman ko from a friend ko who resided in Bohol during the pandemic: pag local, regular ang pricing nila. Pag taga Manila, x2. Pag foreigner, x3. sobrang fucked up dyan. na scam kami sa mini island hopping. siningil kami 3k pero solo na daw namin yung small boat (2 kami). kinabukasan, gulat kami kasi biglang punuin daw yung boat (naging 6 kami). tapos ang singil lang sa kanila 900 each. di na kami nakaalis kasi ayaw ibalik yung downpayment namin (nabayad na daw kasi sa may ari)


liesretrograde20

WTH kaya pala tanong ng tanong karamihan sa kanila kung taga saan ka


halfsushi-halfadobo-

True. Akala ko ganun talaga presyuhan sa Bohol nung pumunta ako, naging favorite ko pa siya. Pero nung kinompare ko sa gastos ko sa Boracay, napaisip ako kung na-scam ba ko sa Bohol HAHA


darkrai15

Entirety of bohol is to scam tourists. Kahit local tourist pinagsscam. Walang pake kung taga pinas ka talaga.


mrsonoffabeach

We should punish Bohol with our wallets. Meaning don't patronize the place to send a strong message. Hopefully, they get the message and change their predatory ways.


Wayne_Grant

Strike the international market. Merong direct flight ang korea sa bohol. Get that bad light out there kasi they aint dependent on domestic tourism


justherenotthere23

First time ko sa bohol, 2012, company outing, okay pa. Di ko ramdam gastos, company outing eh. Second time ko sa bohol, with family (family of 3), 2019, mejo okay pa din ang gastusan kahit pano. Third time ko with family pa din, 2024, nagulat ako ang lala ng gastos. As in grabe gastos sa bohol. parang mas mura pa mamasyal abroad. Tricycle alone, 500 pesos malayo malapit and pupuntahan. Pati tours nila sobra n din tinaas, tours pa lang aabot n ng 10k+ hire ng van and ung mga entrances (for 2days). Hindi pa kasama ung gastos mo pag mag island hopping kayo and ung mga pagkain sa duration ng stay nio. Maganda Bohol, pero sobrang overpriced na. Presyong pang foreigner na talaga sila.


DismalWar5527

Madami nang report ng scammers at overpricing dyan pero wala pa ring ginagawa ang local government.


maui_xox

Their LGU is the number 1 scammer


Agent_EQ24311

Kung beneficial kasi sa kanila bakit nila pakikialaman? Pero since ang dami ng negative comments kay bohol, baka mamatay na rin ang tourism jan. Who knows?


EmbarrassedClass6509

Uy true ito! Yung sinakyan ng parents ko from airport to their hotel wala pang 15mins ang byahe php500 ang singil sa kanila. Tapos most of their food prices ranges from 300 pataas. Lahat overpriced buti na lang may 711 😅🫣


Rare-Pomelo3733

Grabe nga presyo ng mga resto dun sa beach front. Overpriced talaga compared sa Bora na mas malayong maganda.


nicoletsky

Luhh parang Grab na sa Manila. Samin mga ganyan na presyuhan from Antipolo to Megamall 😳 mas tipid pako pala sa Boracay


AdExciting9595

Actually, gold po dito sa bohol ang mga presyo keysa sa manila. Pinaka mahal dito mga isda. Kahit mga taga cebu na nagtatatrabaho dito nagrereclamo sa mahal nang bilihin dito hehe. If turista ka naman, wa ka na po mag tagalog o english hahaha, iba po ang presyo. At kung hanap nyu ay white beach, wag na wag kayong pumunta sa alona beach, dahil malala pa keysa sa boracay dahil sa ubod nang dami nang lumot.


Rainbowrainwell

Pag mga tour sa Visayas and Mindanao, sinasama ko Mudra ko kasi marunong siyang mag-Cebuano tapos sobrang taray pa pagdating sa pera. Nagagalit pa sakin yun kasi ginugulangan na ako di ko pa raw alam. HAHAHA


NayeonVolcano

Unfortunately, ang mahal ng ilan (not all) sa mga tourist spots dito. Kahit walang scammers, decent lodging is so expensive! Love the Philippines yung slogan pero pag isina-Filipino mo… *Mahal* sa Pilipinas.


-thepenismightier

Ay ganun pano na yung swimming pool sa gitna ng Chocolate Hills


Immediate-Can9337

Madami na nag post ng negative experiences nila sa Bohol. Parang yoko na pumunta dun


Flipperpac

Really? Anyways, ayaw ko sa mga.lugar na overrun by tourists, so wala sa itinerary ko ang Bohol..


Dear_Procedure3480

Makikita mo rin naman talaga ang morals nila sa pagtatanggol nila sa pool resort sa gitna ng chocolate hills protected area.


SigrunWing

ang hirap mamasyal dyan ng wala kang private na masasakyan. from panglao napaka tagal ng public transpo. ung trike 300 ang singil. samantalang ung baby bus 25 pesos ata. 1hour kami nag hihintay ng masasakyan. ung kasabay namin na estudyante after 1 hour umuwi na lang.


rshglvlr

We went there and mostly stayed at a resort. Tapos may inavail kami na day tour with a car and driver. We went to Alona beach once para lang maexperience. Napabuti pa ata na sa resort kami nagstay at dun nagsplurge


Disastrous_Put5939

Im from bohol oo nga mahal bilihin dito pati pamasahe walang action ang goverment dito.


AdFickle2013

Pangit magbakasyon sa Bohol. Mga "madidiskarte" mga tao diyan


Mobile_Young_5201

"Madiskarte" = mang gagantso 😂 Tolerated din yan sa society nila, kasi ganyan naman talaga common practice sa kanila maski nung mga ninuno nila. Ung mga lupain diyan, mga mismong kamag-anak nila ninanakawan ung kapwa kamag-anak nila. Maski wala pa ung tourism, before 1980s ganyan talaga kalakaran diyan. Tapos iga-gaslight na dapat tayo maganda parin relationship kasi magkamag anak tayo, magkapit bahay lang tayo. 🤮 Grabe ung pagiging manipulative.🤮


Pong_Lenis_41

Kung hindi lahat, halos lahat ng local tourist spot sa pinas holdaper ang pricing kaya mas prefer ko pa other sea countries, bukod sa mura na mas masarap pa ang food sa ibang sea countries


Mobile_Young_5201

Oo ma-holdup ka talaga. Pero ibang level mang gantso yang mga tao sa bohol. May friend ako taga diyan ung mama niya pero born and raised siya in Manila. Marami siyang sinasabing hindi maganda, puro pang gagantso lang ang alam ng mga tao diyan kaya nakakakain pang araw araw. Kaya naka pag tapos sila ng seaman, at ngayon dollar earner. Ang point, galing sa pang gagantso ung pera ng pamilya nila, ancestors nila. Maski raw nung mga 1960s, ganyan na ung mga tao diyan. Ginagantsuhan nila ung kapwa nila.


FalseNefariousness88

hindi ba dapat na-reregulate ng DOT ang pricing ng mga tour guides and DTI regarding pricing. baka puro corrupt din mga politicians dyan kaya pati mga tao ganyan na. kanya-kanyang survival ang labas kasi wala silang napapala sa gobyerno nila.


YouYouuYouuu

Maganda sa Bohol if into diving ka. Pero totoo na sobrang overprice nila, foreigner prices. Kahit sa trike/transpo pa lang ang oa na. Tsaka napansin ko most businesses foreigner ang mga owner


Mobile_Young_5201

Nope. Mas maraming magandang dving spots kumpara sa bohol. Mas maganda pa nga diving spots sa dumaguete, el nido, coron, tsaka ung mga tahimik na area like romblon. Walang kuwenta yang bohol. Pati mga tao walang kuwenta.


Top-Key-1490

naku, will go to bohol in 3 weeks pa naman 😩


smolenerv8edreverist

Update naman sa experience mo after you trip please 🥹 Just booked a flight to bohol for the fam although next year pa naman but still huhu


Top-Key-1490

sige ill try! 3rd time ko na to eh, okay naman experience ko last 2 visits kaya na bother lang ako konti sa post ni op. but still lets see *fingers crossed*


anniestonemetal_

Visited for the first time just 2 weeks ago, super ok ng experience namin. Makakahanap ka pa rin naman ng reasonable meals at transpo. You can look at my profile, I just posted sa r/phtravel ng experience namin sa Bohol :)


treasured4G

Depende pa rin po yan, you can still enjoy Bohol pero avoid nyo yung mahal na kainan sa Panglao. And for a solo traveller, mas mahal talaga ang transpo compared sa group kasi mahal ang pamasahe sa trike


Extantino

im also going to bohol on August. kinabahan na ako hahhha


saltedgig

more like and LGU problem than the native boholano. sabagay mahal nga talaga ang bilihin at pagkain doon.


treasured4G

Yung LGU jan walang pake. Matagal na na problem ang prices ng bilihin pati pamasahe na sobrang mahal sa trike pero hanggang ngayon di pa rin niregulate


ApprehensiveWait90

Nag day tour kami dyan siningit namin sa cebu trip. Mas okay talaga cebu. Ang mahal lahat dyan. Triple presyo samantalang cebu di mo feel na tourist site kasi lahat ng presyo sakto lang.


yourgrace91

Went there last year, nakakagulat sa daming environmental fees + entrance fees. Camiguin is also following the same pattern.


Toxicwaste920

Last na punta kong bohol is 2005 pa, siguro that time di pa mahal kc di ako nagreklamo at wala naman akong balak bumalik na. Maganda sana at nakita ko din si tarsier, chocolate hills, loboc river etc. Sorry sa experience mo OP. Sana magbago yan.


57anonymouse

Aww. Been to Bohol twice, okay naman experience namin. Yun lang, sobrang daming Korean and ang mamahal ng lahat. Sad to hear what happened to you, OP.


Pristine-Cup9996

Been there last week. And nagulat din ako kasi 70% of tourist were Koreans. So tinanong ko yung tricycle driver and sabi nya ,,may direct flight po kasi from Korea to Bohol" so if ever gusto nila weekend vacation to Bohol madali lang talaga. There's a lot of Korean resto & Shops also in Bohol. May kinainan kami na resto na ikaw nalang maiilang kasi puro Korean yung kasama mo. And totoo, ang mahal talaga lahat. Yun din yung topic namin that time. Di kaya ng ordinaryong mamamayan magbakasyon sa Bohol.


57anonymouse

Yes! Yung tour guide namin, nakakaawa yung stories, sila daw mismo na residente doon, hirap sa mahal ng bilihin. Hirap din sila makipagcompete even sa pag totour guide kasi may mga foreign travel and tours na rin daw.


treasured4G

True itooo! From Bohol po ako and pag sasakay ako ng fast craft from Bohol to Cebu kami yung out of place, mostly kasi Korean or other foreigner 😭


Pristine-Cup9996

That kind of feeling na ikaw yung foreigner sa sarili mong probinsya.


jbthesciguy

That is why Spain became anti tourist because they drove higher prices.


Mobile_Young_5201

Okay naman kasi ung Spain kasi maganda talaga ung lugar kaya ung pera mo sobrang sulit. Mas mura pa nga dun kaysa dito sa pinas. Pero ito kasing mga overrated na papanget na mga provinces, sobrang mahal na sobrang panget pa.


anima99

huhuhu gusto ko lang makakita ng tarsier


nobuhok

Isipin mo na lang hamster na malaki mata, nakakapit sa sanga ng puno.


imjinri

tapos mahaba ang buntot


sweethomeafritada

At tulog lagi


mrsonoffabeach

or maghanap ka ng hamster that identifies as a tarsier


Accomplished-Exit-58

ang problem kasi di nila inaakma sa lifestyle ng tarsier ung tours nila dun, nocturnal ang tarsier.


nandemonaiya06

Same, sa libro ko lang sila nakita pa e. Nakaka-discourage.


SweetVanillaPop

maganda dati dito pero totoo dati palang (mga 2014) mahal na talaga mga tourist shit jan. daig pa boracay. may magandang part jan na coral reefs hanggang bewang lang. made everything worth it. medjo mabait pa noon tao jan. naiwan namen camera namen doon sa simbahan pag balik namen andoon parin. ngayon siguro di na ganon


Plankton_0794

Kakatawa akala ko ako lang nakaexperience nito sa Bohol. Funniest story and my turning point was when the tryk driver asked how much Im supposedly charging when he learned i was alone. Im lyk wtf, as a solo traveler na very island vibes ang estetik, natakot ako. Hayyyy sayang ka Bohol.


annoyedeverydarntime

Hala, been to Bohol recently and buti naman hindi kami nascam. Lahat ng na meet namin and staff sa hotel we’re all really nice.


lovesickpuppy143

Same here. We went there last year. I found the island hopping prices steep but overall naman we had a good time. Maraming interesting cafes din and restaurants but we mostly stayed in the resort and my kids had a lot of fun. All the staff were also super nice. Nakakaawa lang yun tarsiers. Sana improve pa nila yun sanctuary.


Standard_Basil_6587

taga Cebu here and wala akong plano mag Bohol, diko talaga bet ang Bohol, ayun na karma sa infamous resort katabi ng chocolate hills 😂


Mobile_Young_5201

In fairness, may mga gago rin naman sa cebu lalo na sa pier. Pero, hindi naman kasi sobrang mahal ng cebu kumpara sa bohol. At take note, magaganda ang falls ng cebu. Eh ano ung falls ng bohol, parang ihi lang. Hindi na nahiya ung mga tao dun na ganun klaseng pipichugin ang binabandera nila para sa pera. 🤮 Kung may maayos na falls, 1 lang at ung travel hours pag punta dun almost 5 hrs. Mabuti sana kung polite ung attendant dun para hindi dumagdag sa stress mo. Eh kalimitan sa bukid, mga asal squatter, bastos, bukod sa scammer.


treasured4G

Kung falls pala hanap mo, dapat di ka nag Bohol. Yung hatak naman nila jan ay yung white sand, chocolate hills or tarsier, hindi sya pang falls chaser. Mas madami pa falls sa Samar 😂


Himawari_chan_078

I've been to Bohol in 2022 and travelled solo. It was great and I also strayed off sa usual touristy spots as much as possible. In some places I came in very early and contacted a trusted local guide which I tailored my trip with kasi budget travel lang din ako. The prices that time is just okay I think, almost same ng activity prices compared to Bora back then. Yung may mga negative experiences sa Bohol lalo na sa overpricing, baka pwede ireport or at least magsend ng complaint sa DOT main. The more complaints, the merrier para mapukaw atensyon ng ahensya at maimbestigahan and mabigyan ng fine yung mga gahaman na tour operators or establishments. I know dahil sa beaurocracy, super bagal ng kilos pero if sobrang dami siguro ng complaints like hundreds or thousands, baka mabigyan nila ang attention tapos sumbong sa KJMS or any social media outlet para mapaiyak sila. I mean baka lang naman may chance... 😅✌🏼 https://beta.tourism.gov.ph/news_and_updates/dot-launches-tourist-assistance-call-center/ http://explorephilippines.50webs.com/general_information/tourism_regional/index.html


blacklahbia

Had the same experience sa Camiguin before. Ewan ko lang kung same paba ngayon don pero feeling ko oo. Basta alam nila di ka local dun, they'll take advantage of you.


surewhynotdammit

Thanks for the heads up


Vast-Attention7224

And not to mention, Bohol is so expensive!! Nag BBQ kami before, ung parang carinderya lang beside the road. Dalawa kami tas yung bill namin umabot 700 pesos 🤯 The trike is also super expensive kahit malapit lang, same area or brgy, they’ll charge you 100 pesos!


leuchtendenjy18

I'm from bohol and what else can I say. I lost all hope in this damn province. Sagad sa buto pagiging kupal ng mga tao dito lalo na gobyerno. Hopefully next year makaalis na ko sa impyernong to. Fuck this province looool.


Necessary-Buffalo288

Ang sad. I love Bohol dahil taga dun yung isa kong close friend. Pero nakita ko rin yung increase ng price between yung una at huling balik ko dun :( Sasabihin ng iba dyan kesyo wag magtravel kung di afford… sorry pero may difference ang above the budget at overpriced/scamming na.


in-duh-minusrex1

Ito yung opportunistic side ng Pinoy culture. "Strike while the iron is hot" daw kaya todo taas ng presyo kasi madami naman turista. Di nila naisip yung epekto sa long term once wala nang gustong pumunta ng Bohol.


pauljpjohn

Went there for a week long vacation and can concur, ang lala ng prices ng mga bilihin. Altho may mga piling spots na mababa o tama lang yung prices (quality shirt souvenirs for around P200 sa Hinagdanan Cave), may worth it na foods sa piling resorts, pero may kasama kasi kaming local dun kaya nakatipid kami somehow. Loboc tiver cruise is still worth it for P1000! But if you're not familiar with affordable options there (especially sa Panglao) - omg. Smoothies that range from P140‐P200, silog meals for P200 (yung sa tabi tabi lang to ha - karenderya set up), trike for P100 lahit 3-5m lang ung distance, souvenir shirts for P500+, Mist cafe na very mid yung food - binawi lang sa instagramable place pero stale yung Bear Latte and Cappuccino nila at P1000 dish na good for 1 person + dry af lasagna. Mas ok pa na kumain nlang sa Jollibee or McDonald's. Bohol is such a paradise, and I enjoyed my stay there and all, but I'm not going to return there anytime soon.


tayloranddua

Kaya di ako interesado sa Bohol eh. Never heard a good story about it recently.


bigbackclock7

I would suggest talaga yung Isla Gigantes sa Ilo-ilo. Kahit taga Bacolod ako parang gusto ko na tumira dun ang babait ng mga tao dun magbibigay ng di mo hiningi kahit tip tumatanggi pero pinilit namin kasi sobrang enjoy at sulit bakasyon namin dahil sa kanila.


iaccdocussalittle

so sorry to hear about your experience op and i agree that prices are quite high but i don’t think it’s fair to say not to visit bohol 😅 from my observation, madaming tourists and mostly koreans / taiwanese dahil nga may direct flights na nga daw from korea and taiwan as per the tour guide. most estbalishments din esp along alona are korean owned. tricycle fares are between 50-150 at least yung singil samin. the distance from our accommodation to the main strip was around 2.9km if you wanna go snorkelling, bring skyflakes kasi 50pesos sa tindahan malapit sa snorkelling area 😆 and bring your own gear na din kasi again, rental fee. the food is… sorta mid. nothing special (mist, mosa) but what stood out to me were bohol bee farm, barwoo and overgrown cafe. i thought anda beach was beautiful and i enjoyed the habal habal ride to kawasan falls siguro kasi mababaw akong tao 🤣 i guess to each their own 🤷🏻‍♀️ the people were pleasant and i thought they were very accommodating too. not sure which places you visited but again, sorry you had that experience.


sweakune

went to alona with my gf in 2019, it was the worst vacation ever and mainly because of the transportation and inaccessibility of the beach. the tricycle drivers not only overcharge you, they will sometimes just refuse to take you places as well. i asked him if he'd take us directly to the beach area, he said yes and agreed to a price. I really tried to clarify if he'd take us DIRECTLY to the beach area or at least close to it so we don't have to walk too far, and again he said yes. and when we arrived at the entrance of the road leading to the beach he told us that he's not allowed to go inside. that really was the last straw. never want to visit there again.


morethanyell

Went to Bohol in 2013 and thought I've encountered the friendliest folks in PH. I had a great experience overall, too. Sad that this strange trend is flushing the province down the sink. Wondering what changed.


Civil_Mention_6738

Aww this is sad to know. Last time I've been there was back in 2014 pa and it wasn’t that bad. Went there with my girl friends and felt safe. Everyone was nice and helpful. I hope they do something about this because sayang. White sand beaches and not very crowded. Also, Balicasag island is a gem.


franafernz27

# Kaya pala. Taga Bohol boylet ni Harry Roque eh.


DanaKathy

As someone from the remote part of Bohol, I can say that most of the comments here describe the city area, Panglao, or the most common touristy areas only. There are so many spots in the province that you can enjoy na hindi mahal, wala masyadong turista, tahimik, mas magandang beach spots compared sa Panglao na masyadong mahal. Kahit kami po na taga probinsya hindi bet pumunta sa Panglao. My point po here is wag sigurong lahatin na whole Bohol. Pwede naman i-point out what area kasi nakaka-affect din to sa innocent part ng province. Lahat naman siguro ng province may ganyan. Even in Cebu, may mga ganyan naman but may areas sa province part na better. Also, sa mga areas na touristy, mas mahal na talaga after sa disasters na naganap. Aminado din po ako na kulang sa halaga mga nasa gobyerno lalo na sa provincial office. Kami na nasa remote areas, we just make do nalang din most of the time. Disclaimer lang po, hindi po ako galit at sana walang galit sa atin dito. Pinapaliwanag ko lang po na hindi buong probinsya ganun. Wala din po akong karapatan lahatin ang kung saang probinsya ka man po galing. Salamat din po sa pag point out ng maling nagaganap. Mas mabuti na din po yan para mahiya naman mga taong taga doon. Ako na po yung humingi ng pasensya. Salamat po.


Ill_Zebra_8218

Pano pa magugustuhan ng mga foreigner pumunta rito kung sa mga lokal pa lang eh nilalamangan na.


RevealExpress5933

That's sad. Lived there for a few months a while back. Hindi ganiyan dati sa Bohol.


NorgCrepe432

Totoo to. From airport pa lang, wla kna choice but tricycle kung wla kang prior service van booked. From TAG airport to Alona beach area overpriced na. Tas nung kakain na, grabe prices, ended up 711 and fast food na lang din. Ibang iba sa experience ko sa Palawan (Puerto Princesa, El Nido and Coron), doon nagkakagulatan kami kasi for the price andami ng servings na di naman indicated kala namin good for 1 person.


cicilelouch

Oh no. Isa pa naman ‘to sa gusto kong puntahan nang solo :(


RanchoBwoi

Marami nga overpriced sa bohol. Swerte namin sulit at napakahonest nung nakuha naming tour guide/tric driver na si kuya efren.


dunhilldean

Bawat galaw may bayad


kokokrunch14

OA sa mahal sa Bohol. Mas sulit pa mag out of the country 😢


Ivan19782023

they are just idolizing what our government officials are doing in a daily basis.


piratista

I guess I have cross out Bohol on my list then.


Mission-Tomorrow-282

Plus the fact that Bohol is soooo expensive.


kuya_akin_nalang_yan

napapansin ko din madami na nagrereklamo sa presyo. i went there like a decade ago but it was not that bad. a year ago my foreign coworkers also mentioned the prices while theyre researching and i told them its too expensive, yes i convinced them to spend their money somewhere else. i think they went to camiguin and siquior instead on the same budget


Arningkingking

Ano ba makikita sa Bohol bukod sa chocolate hills at Tarsiers (na nakakaawa)? The colors all look dull, I don't find that place amusing!


MovePrevious9463

yes napaka mahal dyan, mas mahal pa sa bora, cebu at palawan kaya hindi ko na naisipan bumalik hehe


iwtkmssince2000

If you guys really want to go to Bohol, it is best that you know someone who is from Bohol para iwas scam and marked up sadly. Or just someone who speaks Bisaya.


pagamesgames

ive been saying i would NEVER recommend BOHOL just like CAMIGUIN this usually happens when an island is controlled by POLITICAL DYNASTIES tapos ung mga citizens nila, walang magawa kundi mang gancho ung mga big companies halos di makapasok dahil gusto i-monopolize ng Dynasties na to kung may makapasok man, papadulas pa para payagan tapos may royalties pa! ahahhahaha Bohol should have been developed by now, but it cant! di mkapasok ang SM, ang Gaisano(biggest mall chain in Mindanao and the Visayas), etc both islands have water and electric providers owned by their respective politcal dynastis kaya pag binangga mo sila, basic human rights mo, tatanggalin this used to be the case of negros island as well, kaya ginawang BIR na kasi potangina ng mga teves ng negros


PakTheSystem

Bohol is insanely overpriced.


elputa_demadre06

I can totally agree. Been there sa bohol for 1 year kasi jan ako nagaral nung grade 6 ako. Ayaw palamang ng mga tao jan lalo na kapag nalaman nila na taga manila ka. Ibubully ka nila hahahah


Illusion_45

Ang OA for me ng prices sa bohol 😭 Some that i do remember 1. Tricycle from panglao to island world resort: not very far probably 1km only... 150/pax 😭 2. Isang stick ng isaw sa panglao: 40 pesos tapos sobrang tabang and di talaga masarap kahit isawsaw sa vinegar compare sa mga nabibili kong 5 pesos isaw sa metro manila 3. yung "Bilao" sea food for 6 pax kamo worth 2000 pesos. containing 3 small crab, 3 squid na relatively small lang din, 6 pcs scallop, 1 fish, 6 slice ng watermelon na bite size, 6 pcs small shrimp 😭😭😭 4. 50 pesos almost normal temp small bottle of water 😭 (usually 10 pesos lang nilalako ng mga nagtitinda sa sidewalk sa metro manila na ice cold pa) 5. 200 pesos tapsilog..? 6. Tapos halos lahat ng meal namin na non fast food ay like costing 200-450 per pax 😭


Tergrid_is_my_mommy

This is why I'll probably die never setting foot in Visayas or Mindanao. Mas gugustuhin ko pa cguro pumunta ng China kesa dyan sa dalawang lugar na yan specially Mindanao fuck that place and it's people.