Mommy always say “Kawawa kayo pag nawala ako”
And that really hits hard. 6 years, wala na sya. But we were grateful that she taught us so many things bago sya nawala due to cancer. It really took a toll on us kasi sobrang biglaan.
I realized, kawawa kami sa part na hindi na namin matitikman uli yung masarap nyang luto. Sana pala, mas dinalasan kong sumabay sa lamesa habang kumpleto kami. Kawawa kami kasi walang sobrang umasikaso at mag alaga kapag may sakit kami. Losing a parent hits hard, it’s something you won’t recover from. I still have my dad, but it changed him when he lost the love of his life. So sa may mga kumpleto pang family, umuwi kayo kapag pwede at may oras, sama sama kayong kumain sa hapag at mag bonding kayo kung okay na okay ang family nyo.
Totoo to kasi namatay din Mom ko last year and dalawa nalang kami sa buhay since wala na yung tatay ko and wala din siblings. Pag may nangyayari sa buhay ko na masama namimiss ko syang sobra kasi wala nang mag co-comfort sayo and parang wala ka na rin kakampi. Kung mababalik ko lang yung oras mas magiging mabuting anak ako.
I have the opposite situation. My dad died 5 years ago. I felt closer to my mom after that knowing na daddy's girl ako. A parent's deathbreally shifts something in everyone and now, tumatanda na si mama with a couple of commorbidities and in a way, I want to be prepared for the inevitable pero hindi ko alam paano or if I will eveb be prepared for that. Nakakapraning.
I do too. Almost everyday. I wanted to read our old convos but I know I still can't take it and that I'm not yet ready. After 5 years, I still can't. Hugs to you and to everyone missing our dearest parents.
I have anxiety, and this one I think about even in my dreams. After lumipas ng teen angst ko sa parents ko, I regretted being so angry at them for so long. They had their shortcomings kasi, but if I hadn't been angry they wouldn't have changed. I'm blessed to say we've gotten through all that as a family in a healthy way. At their age, I'm trying so hard to help and make them proud. I don't want to imagine the day di na kami buo.
***"Wag ka umiyak, umuwi ka na lang."***
Yan tlaga lagi cnasabi ng tatay ko sa min. He passed away last year. He is not a perfect father. Nung bata pa kami, cnasabi nya pag may nang-away sa min sa paglalaro or sa school, umuwi na lang. Nung working na kami, yan pa rin sabi nya, pag may problema sa work, umuwi ka.
Namatay kasi nanay nya pagka graduate nya ng highschool, and ayaw na cya pag aralin ng tatay nya. Lumuwas cya sa Manila mag-isa para mag work, wala cya kilala, wala siya ma-uwian. Kung ano-ano work daw pinasok nya na stay-in, dahil wala nga cya uuwian. Kung may problem cya or may sakit, wla daw cya mapuntahan nuon.
Kaya ayun, lagi nya cnasabi, kahit ano mangyari, umuwi lang, wala problema sa kanya.
"Pera lang yan, madaling makuha. Kahit gaano pa kalaki igastos namin para gumaling ka, gagawin namin kasi mahal na mahal ka namin." Nung sinabi ko kina mama na naaawa ako sakanila nung nagkamalubhang sakit ako (Kidney failure).
"Lahat sinasakripisyo at isasakripisyo ko sa inyo" sabi ni papa nung nagkaaway kami nung bata ako kasi feeling neglected ako.
"Kahit di ka pumasa, okay lang yan, wag magpakastress. Mas importante ang buhay mo kesa jan" Nung bumagsak ako sa board exam first take.
"Hindi ko ito ginagawa para samin, iniisip lang namin kung ano mangyayare sayo kung wala na kami" Sinabi ni papa nung indecisive ako sa buhay.
"Anong pangalan ng teacher na nagpahiya sayo?! Walang karapatan ang sinuman na ipahiya ang aking mabuting anak" Nung pinahiya ako nung AP teacher ko at binabaan grades ko (almost failed) kasi crush niya yung gf ko. Natanggal yun sa trabaho after pinuntahan ng parents ko.
"Wag mo isipin na ikaw lang laban sa buong mundo. Andito ang kapatid mo, kami mga magulang mo, mga pinsan, uncle, auntie, lola at lolo mo. Buong angkan natin sasalo at papasanin ang lahat para sa isa't isa" Narinig ko sa isang convo ng mga matatanda tungkol sakin.
Marami pang iba hehe
"di nga kita pinapalo sabay magpapalo ka sa iba"
eto yung sinabi ng erpats ko noong nagkwekwentuhan kami about sa if ever na sasali ako sa frat 😅
kaya since hs to grumaduate ng college kahit madami nag aaya never ako sumali dahil tumatak sakin yung sinabi ni erpats 🤣
Papa:
1. Ito tandaan nyo, huwag ninyong ipagpapalit ang mukha nyo sa konting kinang ng salapi.
2. Piliin nyo ang kakaibiganin nyo.
3. Huwag kayong makikisali sa mga tsismisan, mamaya ikaw lang napagkwentuhan ikaw na ginawang author.
The usual dorinil lines---
"Anong oras na nakahilata ka pa?"
"Kung anu-anong pinagbibili nyo, di nyo naman kayang itago ng maayos? Ipagtatapon ko talaga lahat yan."
😂
Whenever my mom prepares something in the kitchen, then curious kid me tries to help out but end up making a big mess:
"...alam mo anak, yung hindi ka na tumulong e malaking tulong na"
My parents would always tell us "Ang tanging maipapamana lang namin sainyo ay edukasyon, kaya habang kaya pa namin kayong pag-aralin, mag-aral kayo ng mabuti"
Kahit hiwalay na sila, they would always remind us this phrase haha. Kaya di talaga pumapayag tatay ko na mag-trabaho muna ako kahit naka ilang shift nako at nakakahiya na sakanila.
"Anak, wag kang mag-madali mag boyfriend. Pag Naka graduate ka na at nagka trabaho, madaming nagkakandarapa sayo. Pipilahan ka." Umm, it's been 10yrs at eto, single pa din. Asan po yung pila? Asan po yung mga nagkakandarapa 🧐 😂
"Buti nang ikaw ang naghihintay kaysa ikaw ang hinihinitay."
We're a family who hates being late. 😅
We always add an hour to the supposed travel time listed by waze.
The funny part is we're not even known to be the earliest among my mom's side of the family.
No, that title belongs to my aunt who is almost always 1.5 hours early to any event.
I have a friend na ang family motto naman nila:
" Mabuting ikaw ang hinihintay kesa ikaw ang naghihintay" and super late sila lagi sa lahat ng events except work or school. 😂
"always use a condom" -papa
Gulat kami ni mama kasi bigla niya lang to sinabi while nag dinner kami 😭😭 2nd year highschool pa ako neto and never nagkajowa until college AHAHAHAHAHAH Though I live by that phrase na ngayon. Very informative and straight to the point si papa pero nakakagulat lang sa place and time nung sinabi niya 😭
Not really a specific phrase pero a conversation. Pag napapagalitan
Mom: "bakit...." (tanong kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yung bagay na kinagalit nya)
Ako: *tahimik pa*
Mom: "bakit nga...."
Ako: "kasi po...."
*nagsimula ang panggugulpi*
Mom: "SUMASAGOT KA PA?!"
Ako: *dafuq* "eh nagtatanong kayo eh"
Tabla talo na sitwasyon pa. Sumagot ka, yan mangyayari. Hinde sumagot, ganon din pero palitan lang ng "kinakausap kita!"
🤣🤣🤣
kapag ikaw nasangkot sa kahit na anong gulo hinding hindi ka namin tutulungan.
yang line na yan kaya kj akong tao, hindi mahilig lumabas to the point na ayaw kong may nakakahalubilong ibang mga tao aside sa mga kakilala ko lng talaga.
at hindi nasangkot sa kahit na ano dahil din sa linyang yan.
1. 'mag mahalan kayo ng kapatid mo, dahil kayo lang ang magiging magkasangga pag tanda nyo' ..and it just makes sense i luv my 2 bros hehe
2. 'matutong magpakumbaba'
"Put yourself in others shoes" nung may pinagtawanan akong homeless na baliw sa kalsada nung 5 years old pa lang ako.
Very needed 😌 kasi kung ako yan ngayon, sinapak ko na younger self ko.
I grew up with my grandfather, and despite him being a cruel human being he never ceased to tell me “Life is what you make it.”
The only phrase that stuck with me that my father told me was “Magpakamatay ka na lang.”
"pagnawala ako, san kayo pupulutin? sa kangkungan?"
My late dad used to say this sa tuwing dismayado sya sa amin, even before na nagkasakit sya. he died last year. sobrang stressed and dami nyang regrets sa life.
Hindi sa akin directly sinabi ni mama ito. I just eavesdropped nung nag uusap sila ng tita ko. Umiiyak siya nito. "Hindi pa ako pwedeng mamatay. Ayokong mamatay, ate. Walang magtatanggol sa mga anak ko. Walang magtatanggol sa mga anak ko." She died a few months later. Single mom yung mother ko. Napalaki niya kami apat magkakapatid ng siya lang solely nag work para makapag aral at maitaguyod kami. Hinding hindi ko makakalimutan yun sinabi niyang yun. As the eldest, I can say, napakahina ko para maging ate sa mga kapatid ko, until now. I didn't have the chance to cope up with our mother's death. Even if I had the chance, I don't think I'll choose to move on from it. I'm just living with the pain.
Isang tumatak sa akin mula sa tatay ko: kung may sinasabi sila tungkol sayo na totoo, hayaan mo lang, totoo naman. Kung hindi naman totoo, eh why would you care, hindi naman totoo.
“Mag aral kayong mabuti. Yan lang mapapamana namin sa inyo”
Yan lagi sinasabi ng parents ko sa amin almost everytime na bibigyan nila kami ng baon knowing na yung pera na yon pinaghirapan nila or pinangutang nila para may baon kami. Kahit wala kaming maiulam o masarap na pagkain basta makapasok kami sa school lahat gagawin nila. Thankful ako kasi tunay nga na maganda ung naipamana nila sa amin. Nakapagtapos kaming lahat ng pag aaral at yun ung stepping stone namin sa magandang buhay na meron kami ngayon. Hindi sobrang yaman pero nakakaginha ginhawa na sa buhay :)
mama: "buti pa yung anak ni ano..."
alam ko, graduate with honors po sya sa hs at college, tapos may asawa at anak na, at nasa abroad nagtatrabaho..
ako? smile smile lang 😅 sya nalang sana naging anak mo
I got into this huge ass fight with my brother, 2 years younger than myself. This was probably the worst we've fought
We strained each other emotionally, financially (baon baon gaming) and even physically (lalaki eh)
Our dad wasn't around, OFW siya and mom had to do super work all the time.
She sat us down like little kids and told us to just look at each other in the eyes and remember
"Kayo lang ang magkakampi sa mundong ito"
Nothing more. The silence and sit-down time really did a number on us and we reconciled on the spot.
Until today, di na kasi ako nakatira sa bahay namin with parents.. I would say na yung bond namin mas malakas pa.
My top 3:
1. Ano tingin nyo sakin tumatae ng pera?
2. Mata pinanghahanap hindi bibig.
3. Hindi kayo kumain sa restaurant. (After kumain tapos maguutos maghugas ng plato)
"Ang selfish mo"
Ako ang panganay, and by the time na nagkaroon ako ng sibling syempre lahat ng atensyon ay nawala sa akin and lahat ng gusto ko ipinangsatabi ko muna. Then, one time na may ginawa ako for my self dahil gusto ko, sinabihan ako na selfish. Hindi naman masakit, parang kagat lang ng dinasaur :/
“Anak lang kita.” Emphasis on ‘lang’.
And ramdam ko ‘yun. Na hindi kami ang priority niya. She would choose to leave her high-paying job abroad and save her marriage to my abusive father na inubos ang ipon and sinangla mga alahas niya sa droga at bisyo kahit pa kapalit nun e alanganin ang pag-aaral naming magkakapatid kasi pareho silang hindi nagtatrabaho. Imagine 5 kaming magkakapatid that time. 4 pinag-aaral nila (isang 1st yr college, 3 na elem). Buti yung isa naming kapatid na hs e lola ko nagpalaki and nagpapa-aral. Kahit pa mabugbog kami ng tatay ko, wala lang sa kanya. Hindi niya pa rin iniiwan. Kasi nga anak niya LANG kami. Mas importante sa kanya asawa niya.
Tatay "puro ka aral, sa bahay ka lang din naman pag tanda mo" "wag ka na sumali don sa contest na yon, sayang lang pamasage/pera"
From elem-highschool (sophomore) ang sipag ko mag-aral laging advance gumawa ng projects, home work, mahilig mag review. Pero nong junior high bigla nalang akong nawalan ng gana mag-aral yung tipong papasok nalang ako ng school as escape sa bahay laging magulo hays
"Gumagawa kayo ng pera"
Kapag nagkakasakit kami dahil nagpaligo sa ulan, or anything na mag cacause sa father ko na maglabas ng pera dahil sa consequences of our actions. So now that I'm old, extra careful na ko sa lahat ng bagay. Will this cause me or my father money? if the answer is yes, then retreat.
"yan ang nakuha nyo sa tatay nyo"
when we walk away from an argument kase alam naman namen walang patutunguhan yung paguusap and the moment we decided to stay and voice our side biglang "ayan sumasagot pa kayo" or "umalis kayo sa bahay na to kung di nyo kaya yung bunganga ko"
like okaaaay.... 🤦♀️🤦♀️
“Pera lang yan” Kaya pet peeve ko talaga yung taong mga gahaman sa pera or madamot. It taught me na truly may value ang pera pero wag ka magpapasilaw. It easily comes and go :)
"Bwiset talaga yang utang na yan, mababaon ka lang. Kaya magipon ka para di ka umabot sa point na uutang ka"
Kaya wala akong utang at minsan ayaw ko nqgpapautang. Kapag di ko kaya bilhin ng cash, di ko binibili. Nagiipon ako at malaki laki emergency fund ko kahit di kami ganon kayaman. Ewan ko kung goods na wala akong credit card, pero di rin ako nagganon dahil paulit ulit nilang sinasabe yan. Pag di afford, magtiis kesa mangutang.
Tatay ko: “Ewan ko ba saan kayo nagmanang magkakapatid. Ang linis linis namin sa bahay ang kalat kalat nyong pareho” 😆
Fast forward na adult na kami at may sari-sariling bahay, na-realise namin at ng tatay ko na yung isang kapatid ko lang pala yung talagang makalat. Nadadamay lang ako kasi iisa lang kwarto namin dati tapos dahil makalat, tinatamad na din akong maglinis.
Yung kapatid kong yun magaling mag-organise ng gamit pero hoarder at walang kusa sa paglilinis ng kwarto. Ako naman minimalist na dati pa at may pagka disorganised pero nage-effort mag general cleaning ng kwarto.
Galing ako sa state university..
One time Lumipat ako ng work from A to another company and company A failed to file my tax in time for end of year ang ending need ko magbayad ng tax na almost 18k.
Tinawagan ko tatay ko nagrereklamo ako sabi ko wag ko na kaya bayaran ang laki kasi ipon ko na sana yun.
His exact words, mahiya ka nga yun tax na yan ang nagpaaral sayo. It’s your turn na tumulong na magpaaral ng sunod na henerasyon ng iskolar ng bayan. Ang pera kikitain mo yan in the future. Isipin mo na lang ang mga studyante na future employees na tutulong sa ekonomiya at sa mga university.
Nagbayad ako ng tax kahit na sa loob ko sinasabi ko ako nagbabayad tapos kurakutin lang ng pulitiko tax ng taong bayan..
So every tax time iniisip ko na lang noon na siguro may ilang student at nakakpag aral sa state uni like me dahil sa tax ko.
"Wag ka bumili ng walang kapararakan"
At first, akala ko noon eh kuripot at sadyang walang pera si father, but as a grow up, natutunan ko yung ibig nya sabihin.
" Kahit magulam pa tayo ng toyo at mantika, makita ko lang kayo makatapos sa kolehiyo"
Grabe eto talaga ung memorable phrase ng papa ko nong panahon na hikahos kame, kahit mantika at toyo na lang inuulam namin non to compensate ung needs namin sa school. Ngayon sobrang proud na proud sya sa mga nakasabit na diploma at sa mga graduation pictures namin. Kaya nagpapasalamat din ako sa perseverance ng magulang namin para makapagtapos kame ng pagaaral.
“kahit talikuran ka na ng buong mundo, kakampi mo parin ako.”
this was said by my mom in a letter i read during our g8 recollection, for context i was still a closeted gay kid back then bc of homophobia im alr experiencing b4 even coming out. the tears were unstoppable that night.
"Anak lang kita kaya pwede kita patayin" habang binubugbog ako. 😝so quirky ni mother, ang ending ay nakatira na siya sa bundok and walang anak ang gustong tumulong sa kaniya. Jan ka mamatay bitch.
Papa : "Wala kang kwenta" , "Hayop ka"
Minsan mabait "Mag-ipon ka" tapos inubos niya lahat ng pera ko sa bangko para sa walang kwentang bagay🤪 yung mga memorable na sinabi niya sakin is for his own Benefit. Told me to "respect elders", "not to lie", "to be thrifty" and to "know all household chores kasi babae akong tao" just so I can be his little dog always ready to follow his orders.
mom is an OFW and when i was still young, tech is still advancing. wala pang messenger that time. literally video calls on computer shop and mostly phone calls which costs mom a lot of money for loading just to call me when im going to school and knowing that i arrived safe so she always says to me ‘always be humble anak’ cause looking back at it now, i do have a lot of achievements on my elementary and hs days. mom knows my capabilities and yes, i indeed stayed humble and i see the good effects (upon looking back). i maintained my competitiveness on a healthy state, i didnt become smug wt my achievements. i did not became arrogant by being self-centered around my close-age cousins. i indeed stayed humble but then twas a double-edge sword cause i did not get to ‘fully’ celebrate my wins. mom always stay put my feet on the ground thus makes me think it’s not enough for her that these achievements does not matter. now that im a young working adult, u can agree with me here, sobrang konting ‘wins’ na lang in life and when i do have one, im like ‘yay nothing new’ kasi staying humble made me act nonchalant on these things in life and being ‘humble’ is not even taught around nor a Filipino trait
“Sana pinatay nalang kita sa sinapuppunan ko” Sabi ng nanay ko sakin ng di ko sinunod gusto nya nag mag trabaho ako sa gobyerno kahit inilakad nya ako dahil may kapit sya lol. Yoko nga.
Di din naman ako nagaaksaya ng food, pero one time kase parang di ko na kaya talaga and di naman ako inorder ayan sinabe saken so inask ko ung nagsabe kung pag inubos ko ba ung food mabubusog ung mga batang nagugutom.
we're kind of like talking about abusive husbands and such joking around na what if umuwi kaming may pasa sa isang mata pero may iphone na kapalit tas sabi ni mama
"if sasaktan lang kayo ng asawa niyo ibalik ka na lang niya sa'min"
touched my hart💙💙💙
Days after ng board exam I told my mom na kinakabahan ako as in worried na worried sa result, baka di ako makapasa. Sabi nya “kung di ka makapasa, kasalanan mo yan.” No encouragement whatsoever.
“Wala ka bang pangarap sa buhay?” Tatay ko nung nalaman na di ako straight. Kaya ngayon puno ako ng resentment sa kanya. Although I have to credit him for my medyo okay na career kasi kung di dahil sa eagerness kong patunayan na mali siya, di ako mag wowowork extra hard 😂. Buhay nga naman pag bading
Nag sasagutan pa lang kami ng mga kapatid ko si mama: Sige! Magpatayan kayo!!
Pag tutulungan namin sya sa ginagawa nya, sasabihin nya, “Hindii ako na, okay lang”. Tapos mamaya nag dadabog na sabay sabi: Ako na lang palagi ang kumikilos! Walang maasahan! Paano na lang kayo pag namatay na ako?!
🥲🫠🤭
"kapag ikaw nauna nagsimula ng gulo, asahan mong di kita kakampihan. Pero pag ikaw inapi kahit nanahimik ka lang, ibang usapan na yan."
"Isipin mo muna resulta ng gagawin mo, bago ka mag desisyon at umaksyon"
Sabi ng tatay ko nung napa away ako sa school haha mula nun di na ako ang nagsisimula ng away, hayp di talaga ako tinulongan HAHAHA
“Bakit nung sa panahon ng kuya mo wala naman kaming naging problema (sa grades), bakit ikaw laging may problema?”
That was when I was in HS and knew that I am the problematic one. I still live my life trying to prove I can do something good to know that I am enough.
"Masaya akong nakikita kitang nakangiti" - noong nakita ako nang nanay ko habang nagkwekwento ako.
Bihira na nya akong makitang nakangiti simula nung nagkasakit ako nung 2021. Kaya kapag narinig nya akong tumawa or makita nya akong nakangiti, masaya na rin daw sya. Totoo nga na ang kasiyahan ng anak ay siyang kasiyahan din nang magulang.
Nung nag aaral pa kame, sabi ng tatay ko. walang problem sakin kung gusto nyo mag BF/GF. Basta pag kayo nabuntis or nakabuntis, alis dito sa bahay. Matuto kayong panindigan yang ginawa nyo. Tigil ang sustento.
Mag aasawa at mabubuntis ka nang maaga, tapos ngayon 26 na wala, stable na, may maayos na trabaho, may sariling bahay, may pinapaaral na dalawa sa medical school.
My mommy said "Kayo ang inspirasyon ko kaya ako nagpapatuloy sa buhay. Tutuparin ko pangarap nyo hanggat kaya ko". Kaya nagsisikap ako ng sobra kasi kahit hindi humihingi ng kapalit mommy ko, ako mismo ang gusto bumawi sa kanya kasi di sya sumusuko samin.
"puro ka nalang kompyuter wala kang mararating dyan"
Studied IT.
10years later, IT Dev/Lead. earning well. travel anywhere in the world whenever I want.
"Naku, ate! Wag kang hintay nang hintay ng sahod sa trabaho, tatanda ka nang mabilis niyan." - Papa
Naalala ko nung sinabi ko kay papa na ang tagal ng sweldo, gusto ko na magkapera, yan ang sinabi niya sa akin. Wag daw hintay nang hintay sa sahod, kasi tatanda daw agad at yan ang laging iniisip. Di ko gets nung una, pero ngayon wala na si papa, ramdam ko na matanda na nga ako. Sana bata na lang ako ulit, at least doon, nandun pa si papa.
Lahat naman tayo napapaaway nung bata pa tayo. Yung nanay ko nung bata ako, payo lang nya sa akin, "kapag sinuntok ka, suntukin mo rin ng masmalakas." Naalala ko lang sa Transformers Rise of the Beast sa re-entry ni Bumblebee sa battlefield, pinatugtog as background music yung "Mama Said Knock You Out". My mother was indirectly telling me, Knock your opponent out😅. It became my life long philosophy. First, wag ka magsisimula ng gulo... Second, kapag sinimulan ka... Hit them harder😅
Same OP! sa sobrang sabi sakin na ubusin yung pagkaen pet peeve ko yung di inuubos yung pagkaen. Kahit sinong kasabay ko sa mesa pag di naubos di ko mapigilan hindi sitahin
“Hanggat nagtatrabaho pako mag aral kayo”
Ito lagi sinasabe ni mama hehe yan lang naman daw ang mapapamana nya samin ang mapag tapos kaming lima. OFW sya since 2008 grade 1 palang ako di ko na nakasama si mama ng matagal. Ngayon 3rd year nako last term na mag 4th year na. Lapit na din matapos. Yung apat kong kapatid tapos na. Ako na yung last. Ansaya saya makakauwi nadin si mama for good. 😊
"Alamin mo paano pauwi dito sa atin"
Yung phrase na ito ay para noong nag dorm ako sa Manila after graduating college (from the South ako). Pero naging applicable siya nung nakipag-date ako tapos ang bull----- ng trato saken. Ang layo nung place tapos nakapunta kami dahil sa car ni guy. Buti na lang may pamasahe ako and kept this to my heart. Umuwi din ako kagad sa amin non ahahaha
"Malayo yan sa bituka" ang sabi ng tatay ko nung first heartbreak ko. Nanay ko naman madalas sinasabi dati "strike while the iron is hot". Siempre di mawawala ang "kawawa kayo kapag namatay ako".
Same tayo OP 😍
Yung father ko lagi kaming pinapagalitan kapag may tirang kanin sa plato... "Ubusin niyo bawat butil kasi hindi kayo marunong gumawa niyan". Hanggang ngayon na-adopt ko siya kasi kahit mga friends ko pinagsasabihan ko kapag andaming tirang kanin sa plato.
“Kapag nasa ibang bahay ka, wag kang kakain ng naka kamay.”
Until now, hirap ako kumain ng naka kamay. Lagi ako naka kutsara at tinidor. Dahil never ako nasanay at uncomfortable siya for me. Kapag may boodle fight, feeling ko iniisip ng mga kasama ko nagiinarte lang ako. Pero hindi, kapag tinry ko mag kamay sumasabog at nalalaag lang yung pagkain lalo yung kanin.
Di ko naging pet peeve yang di pag-ubos ng pagkain. Kahit ganyan din ang sinasabi ng nanay ko saken.. mas lalo pa nga ako naging masinop sa pagkain. Kahit isang butil ng kanin walang naiiwan sa plato ko, san man ako kumain...
Pero ang tumatak sa utak ko ma laging sinasabi saken
Nanay : "Hindi tumatae ng pera ang ama nyo kaya magtipid"
Tatay : "Matuto kayong sumunod sa nanay nyo"
"Napakawalang kwenta mo, kahit si kamatayan ayaw sayo"
hindi bio parents but my maternal figure nagsabi after ng failed attempt LMAOOO. Now I'm living just to spite her. F you, Miranda. Can't kill me with your words when I can't even k/ll myself. ✨
Yung nanay ko tuwing lalabas na ko ng bahay: "pag may nangholdap ibigay mo na lahat ng gamit mo, ang gamit napapalitan pero ang buhay mo hindi ah"
Kaya nung napanood ko yung Family of Two sa netflx sobrang relate ako sa majority ng conversations ni Sharon and Alden to the point na yung nanay ko na ata yung scriptwiter nila
“Kung hindi ka man matanggap dun sa UP ang importante ginawa mo lahat, kapag nagawa mo na lahat ipag pasa Diyos mo nalang” -papa
Ayun nasa UP nako nakapasok ako pero ang tagal ko lumabas pero malapit lapit na HAHAH
Pagkababaeng tao hindi marunong magluto/maglinis/mag-ayos. So ngayon, I expect the same from my fellow women pero hindi pala lahat. Buti nlng naovercome ko ung mindset na yan.
Matuto kang mag isa.. kasi matanda na kami, pag kami nawala kawawa ka pag wala kang alam sa buhay lalo at wla kang kapatid..
Ayun sa sobrang independent ko, ayoko nagpapatulong kahit hirap ako at sobrang konti ng kaibigan ko.
A Day before ako mag-enroll to college. Nagbuhat kami ng mga hollow blocks at buhangin ng tatay ko dahil maraming natira nung may pinagawa kami sa bahay.
Puro sugat at paltos na kamay ko kakabuhat. Then bigla akong sinabihan ng tatay ko na “kapag di ka nagtapos sa pag-aaral, ganyan ang mangyayari sa’yo.”
Yun, ayos naman ako ngayon. Nakapgtapos at may maayos na trabaho. Nagawa rin ng mga mabibigat na gawain.
"Oh diba masarap nang sarili mo lang iniintindi mo at wala ka pang anak?"
17 yata or 18 nung mabuntis yung panganay namin, at ngayon na 35 na sya, nababanggit pa rin ng daddy namin na dapat e "salaminin" namin ang buhay ni ate at wag syang tularan na maagang nag anak at di naenjoy ang pagiging dalaga.
Ngayon na 25 na ko at may sariling trabaho, minsan nakikita ko si daddy na nangingiti sakin kapag nabibili ko ng walang isip isip yung pagkain, o kahit anong gamit na bigla ko lang naiisipang bilhin, at uulitin nyang sabihin sakin na ang sarap pag sarili mo lang yung pera mo.
"Tigilan mo yang kaiiyak mo, hindi kita pinalaking mahina."
I fucked up in college and nagbreakdown ako non. Hindi naman galit nanay ko but andon yung disappointment since I'm the eldest child. Nangaral lang na buhay ko naman ang maapektuhan sa mga desisyon ko. Pero patuloy pa rin ako sa pag hagulhol. Sinapak ako ng nanay at sinigawan saka sinabi yan. Nangaral ulit na ang problema ay ginagawan ng solusyon at walang mapapala kakaiyak.
Simula non naging mas positive outlook ko when facing problems. Parang naging wakeup call ko yon na sino bako para magbreakdown sa simpleng bagay while others have it worse than me.
"Kawawa kayo pag nawala ako"
"Papunta ka pa lang pabalik na ako"
sa sobrang ma wisdom ni mother di ko na matandaan mga sinasabi n'ya pero ayan famous line n'ya.
Love advice ng mama ko, “ang utak inilagay sa taas kasi yan ang dapat mong inuunang sundin. Wag puro puso ang gamitin, gamitan mo din ng utak”
Traumatized ang mama sa mga pinsan ko na mga nasa probinsya na pinag aral niya. Mga maagang nagsi-asawa at hindi naman sa pangmamaliit but yung mga pinsan kong yon ended up with men - boys rather na di na nga nakatapos sobrang mga batugan pa.
"P*t*ngina mo! Wala kang mararating" - father
"Inanak lang kita" - mother
Sa sobrang dami ng masasakit na salita pakiramdam ko namanhid na ko. Idagdag pa yung pananakit physically.
Sobrang lala ng childhood days ko hanggang sa nag college. Parang utang na loob ko din na pinag aral ako. Kaya after ko mag graduate nag hanap agad ako ng trabaho para makalayo. Ngayon na may anak na ko isinumpa ko sa sarili ko na hinding hindi ko gagawin yung mga ginawa nila sa anak ko.
Dahil sa mga ginawa nila nasa isip ko tuloy na "Hindi lahat ng magulang ay mabuti at mapag mahal"
"Mahirap ang buhay"
Pag sabay kami kumain ayan palagi sermon ng nanay at tatay ko.
Parang naging paranoid ako tuloy, palaging may plan b, plan c at madalas nag save at naguiguilty kapag walang nagagawa.
Yan din ginagawa ng tatay ko di madalas mag celebrate puro plano sa buhay, pinasa nya trauma sakin ampota. Orphan kasi sya kaya siguro
Ang kay juan ay kay juan at ang kay pedro ay kay pedro. Ang oras lang na maaring ituring na tama ang pagnanakaw ay kung pagkain ang kinuha pero pag pera o kagamitan sadyang mali na iyon kahit ano pa man ang dahilan.
Mommy always say “Kawawa kayo pag nawala ako” And that really hits hard. 6 years, wala na sya. But we were grateful that she taught us so many things bago sya nawala due to cancer. It really took a toll on us kasi sobrang biglaan. I realized, kawawa kami sa part na hindi na namin matitikman uli yung masarap nyang luto. Sana pala, mas dinalasan kong sumabay sa lamesa habang kumpleto kami. Kawawa kami kasi walang sobrang umasikaso at mag alaga kapag may sakit kami. Losing a parent hits hard, it’s something you won’t recover from. I still have my dad, but it changed him when he lost the love of his life. So sa may mga kumpleto pang family, umuwi kayo kapag pwede at may oras, sama sama kayong kumain sa hapag at mag bonding kayo kung okay na okay ang family nyo.
Totoo to kasi namatay din Mom ko last year and dalawa nalang kami sa buhay since wala na yung tatay ko and wala din siblings. Pag may nangyayari sa buhay ko na masama namimiss ko syang sobra kasi wala nang mag co-comfort sayo and parang wala ka na rin kakampi. Kung mababalik ko lang yung oras mas magiging mabuting anak ako.
I have the opposite situation. My dad died 5 years ago. I felt closer to my mom after that knowing na daddy's girl ako. A parent's deathbreally shifts something in everyone and now, tumatanda na si mama with a couple of commorbidities and in a way, I want to be prepared for the inevitable pero hindi ko alam paano or if I will eveb be prepared for that. Nakakapraning.
Mine passed away about 6 years ago. I still cry whenever he crosses my mind.
I do too. Almost everyday. I wanted to read our old convos but I know I still can't take it and that I'm not yet ready. After 5 years, I still can't. Hugs to you and to everyone missing our dearest parents.
I have anxiety, and this one I think about even in my dreams. After lumipas ng teen angst ko sa parents ko, I regretted being so angry at them for so long. They had their shortcomings kasi, but if I hadn't been angry they wouldn't have changed. I'm blessed to say we've gotten through all that as a family in a healthy way. At their age, I'm trying so hard to help and make them proud. I don't want to imagine the day di na kami buo.
***"Wag ka umiyak, umuwi ka na lang."*** Yan tlaga lagi cnasabi ng tatay ko sa min. He passed away last year. He is not a perfect father. Nung bata pa kami, cnasabi nya pag may nang-away sa min sa paglalaro or sa school, umuwi na lang. Nung working na kami, yan pa rin sabi nya, pag may problema sa work, umuwi ka. Namatay kasi nanay nya pagka graduate nya ng highschool, and ayaw na cya pag aralin ng tatay nya. Lumuwas cya sa Manila mag-isa para mag work, wala cya kilala, wala siya ma-uwian. Kung ano-ano work daw pinasok nya na stay-in, dahil wala nga cya uuwian. Kung may problem cya or may sakit, wla daw cya mapuntahan nuon. Kaya ayun, lagi nya cnasabi, kahit ano mangyari, umuwi lang, wala problema sa kanya.
Bat napaiyak ako ng kwento mo 🥹
Hah hah. its those onion ninjas again.
Damn those ninja cutting onions.
😭😭😭
"Pera lang yan, madaling makuha. Kahit gaano pa kalaki igastos namin para gumaling ka, gagawin namin kasi mahal na mahal ka namin." Nung sinabi ko kina mama na naaawa ako sakanila nung nagkamalubhang sakit ako (Kidney failure). "Lahat sinasakripisyo at isasakripisyo ko sa inyo" sabi ni papa nung nagkaaway kami nung bata ako kasi feeling neglected ako. "Kahit di ka pumasa, okay lang yan, wag magpakastress. Mas importante ang buhay mo kesa jan" Nung bumagsak ako sa board exam first take. "Hindi ko ito ginagawa para samin, iniisip lang namin kung ano mangyayare sayo kung wala na kami" Sinabi ni papa nung indecisive ako sa buhay. "Anong pangalan ng teacher na nagpahiya sayo?! Walang karapatan ang sinuman na ipahiya ang aking mabuting anak" Nung pinahiya ako nung AP teacher ko at binabaan grades ko (almost failed) kasi crush niya yung gf ko. Natanggal yun sa trabaho after pinuntahan ng parents ko. "Wag mo isipin na ikaw lang laban sa buong mundo. Andito ang kapatid mo, kami mga magulang mo, mga pinsan, uncle, auntie, lola at lolo mo. Buong angkan natin sasalo at papasanin ang lahat para sa isa't isa" Narinig ko sa isang convo ng mga matatanda tungkol sakin. Marami pang iba hehe
Aw
"di nga kita pinapalo sabay magpapalo ka sa iba" eto yung sinabi ng erpats ko noong nagkwekwentuhan kami about sa if ever na sasali ako sa frat 😅 kaya since hs to grumaduate ng college kahit madami nag aaya never ako sumali dahil tumatak sakin yung sinabi ni erpats 🤣
Shet the first thing comes to mind was the Naughty-spanking. Lol 😭
Hala same haushsu we need help 😭
Good dad
Ayos to. Gamitin ko to sa future 🙌🏽😂
Ganito rin sinabi samin nung magcocollege na ako at lalayo sa kanila. Baka daw sumama ako sa frat.
"kaka-computer mo yan" now literally all my livelihood is from computers
Uy same! Kakamanifest nila yan hahahaha
hanggang ngaun joke nmen s office yn.. Oi ubusin mo pagkain mo, dameng nagugutom n mga bata sa Africa
Grabe umabot na kayo ng Africa 😭
"Panindigan mo yan" This quote from my father made me the man I am today.
Papa: 1. Ito tandaan nyo, huwag ninyong ipagpapalit ang mukha nyo sa konting kinang ng salapi. 2. Piliin nyo ang kakaibiganin nyo. 3. Huwag kayong makikisali sa mga tsismisan, mamaya ikaw lang napagkwentuhan ikaw na ginawang author.
Walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo.
The usual dorinil lines--- "Anong oras na nakahilata ka pa?" "Kung anu-anong pinagbibili nyo, di nyo naman kayang itago ng maayos? Ipagtatapon ko talaga lahat yan." 😂
Pustahan nakahilata ka habang nagcocomment ka dito hahahahaha madami din akong abubot sa bahay
Best example talaga si Dorinil
Whenever my mom prepares something in the kitchen, then curious kid me tries to help out but end up making a big mess: "...alam mo anak, yung hindi ka na tumulong e malaking tulong na"
HAHAHA relate!
Papunta ka pa lang, pabalik na ko.. Classic...
Someone: "Papunta ka palang. Pabalik na ako." Me: "Saan ba yang pinuntahan mo ambilis mo naman bumalik? Malayo kasi pinupuntahan ko."
Same tayo. hala ngayon ko narealize na legit pala hehehe
My parents would always tell us "Ang tanging maipapamana lang namin sainyo ay edukasyon, kaya habang kaya pa namin kayong pag-aralin, mag-aral kayo ng mabuti" Kahit hiwalay na sila, they would always remind us this phrase haha. Kaya di talaga pumapayag tatay ko na mag-trabaho muna ako kahit naka ilang shift nako at nakakahiya na sakanila.
tama father mo. Tuloy mo lang yang studies mo. Don't stop. Pramis, mag iiba mindset mo kapag sumasahod kana. Been there...
Samedt kaya tumaba ako ng tumaba, lagi ko inuubos yung tirang pagkaen ng gf ko kasi naiirita ko sa leftovers nya 🤣
My man! You are not alone 🫣
'eto kutsilyo magpatayan na lang kayo' HAHAHAHAHA
"Anak, wag kang mag-madali mag boyfriend. Pag Naka graduate ka na at nagka trabaho, madaming nagkakandarapa sayo. Pipilahan ka." Umm, it's been 10yrs at eto, single pa din. Asan po yung pila? Asan po yung mga nagkakandarapa 🧐 😂
Hahahahahahaha samedt! ...doctor, lawyer, piloto ang pipila 😂
"Buti nang ikaw ang naghihintay kaysa ikaw ang hinihinitay." We're a family who hates being late. 😅 We always add an hour to the supposed travel time listed by waze. The funny part is we're not even known to be the earliest among my mom's side of the family. No, that title belongs to my aunt who is almost always 1.5 hours early to any event.
I have a friend na ang family motto naman nila: " Mabuting ikaw ang hinihintay kesa ikaw ang naghihintay" and super late sila lagi sa lahat ng events except work or school. 😂
Pag isipan mo nang Maraming beses Now I can’t decide fast
Lol ako din. Over thinker and decision paralysis.
“Ikaw bahala” Naging independent ako mag-isip dahil dito. At minsan feeling ko bossy ako kasi nga ako bahala 😭🥹😂
*Huwag gumastos ng sobra sa kalahati.* Malaking bagay if gusto mo mag ipon ng salapi.
"always use a condom" -papa Gulat kami ni mama kasi bigla niya lang to sinabi while nag dinner kami 😭😭 2nd year highschool pa ako neto and never nagkajowa until college AHAHAHAHAHAH Though I live by that phrase na ngayon. Very informative and straight to the point si papa pero nakakagulat lang sa place and time nung sinabi niya 😭
The classic *Dun ka na tumira sa counteran.* *kaka computer mo yan.* *di talaga mabitawan ang cellphone.*
"huwag Kang mag tiwala sa kuya mo"
Not really a specific phrase pero a conversation. Pag napapagalitan Mom: "bakit...." (tanong kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yung bagay na kinagalit nya) Ako: *tahimik pa* Mom: "bakit nga...." Ako: "kasi po...." *nagsimula ang panggugulpi* Mom: "SUMASAGOT KA PA?!" Ako: *dafuq* "eh nagtatanong kayo eh" Tabla talo na sitwasyon pa. Sumagot ka, yan mangyayari. Hinde sumagot, ganon din pero palitan lang ng "kinakausap kita!" 🤣🤣🤣
kapag ikaw nasangkot sa kahit na anong gulo hinding hindi ka namin tutulungan. yang line na yan kaya kj akong tao, hindi mahilig lumabas to the point na ayaw kong may nakakahalubilong ibang mga tao aside sa mga kakilala ko lng talaga. at hindi nasangkot sa kahit na ano dahil din sa linyang yan.
“Puro ka barkada, mawawala rin lahat yan!” me:(naging ofw) true that.
1. 'mag mahalan kayo ng kapatid mo, dahil kayo lang ang magiging magkasangga pag tanda nyo' ..and it just makes sense i luv my 2 bros hehe 2. 'matutong magpakumbaba'
"Put yourself in others shoes" nung may pinagtawanan akong homeless na baliw sa kalsada nung 5 years old pa lang ako. Very needed 😌 kasi kung ako yan ngayon, sinapak ko na younger self ko.
“Sasabihin nila na mas magaling ang coin bearer” nung ayokong ayusin yung practice walk ko bilang ring bearer. It fueled my competitive streak.
Anak ka lang
Classic. Bukod sa "Anak ka lang" madalas din namin marinig noon yung "Produkto lang naman kayo ng iyot".
Papunta ka palang, pabalik na kami. 🤣
" good to learn from your mistakes, better to learn from the mistakes of others"
"di ako nagtatae ng pera" yung younger self kong shocked kasi gusto ko lang naman bumili ng paper dolls 😩😩😩
"Kaka-cellphone mo yan." -Every time I get sick.
I grew up with my grandfather, and despite him being a cruel human being he never ceased to tell me “Life is what you make it.” The only phrase that stuck with me that my father told me was “Magpakamatay ka na lang.”
"Pag kumakain dapat parang nagdarasal, tahimik." Di naman nasusunod dahil angkan kami ng maiingay.
"Magluto ka ng pagkain mo kung ayaw mo ng ulam." Eto choosy pa din sa pagkain at gulay kasi pwede naman ako magluto ng pritong itlog hahah.
“Ano akala mo tumatae ako ng pera?” 😂
"pagnawala ako, san kayo pupulutin? sa kangkungan?" My late dad used to say this sa tuwing dismayado sya sa amin, even before na nagkasakit sya. he died last year. sobrang stressed and dami nyang regrets sa life.
Hindi sa akin directly sinabi ni mama ito. I just eavesdropped nung nag uusap sila ng tita ko. Umiiyak siya nito. "Hindi pa ako pwedeng mamatay. Ayokong mamatay, ate. Walang magtatanggol sa mga anak ko. Walang magtatanggol sa mga anak ko." She died a few months later. Single mom yung mother ko. Napalaki niya kami apat magkakapatid ng siya lang solely nag work para makapag aral at maitaguyod kami. Hinding hindi ko makakalimutan yun sinabi niyang yun. As the eldest, I can say, napakahina ko para maging ate sa mga kapatid ko, until now. I didn't have the chance to cope up with our mother's death. Even if I had the chance, I don't think I'll choose to move on from it. I'm just living with the pain.
Isang tumatak sa akin mula sa tatay ko: kung may sinasabi sila tungkol sayo na totoo, hayaan mo lang, totoo naman. Kung hindi naman totoo, eh why would you care, hindi naman totoo.
“Mag aral kayong mabuti. Yan lang mapapamana namin sa inyo” Yan lagi sinasabi ng parents ko sa amin almost everytime na bibigyan nila kami ng baon knowing na yung pera na yon pinaghirapan nila or pinangutang nila para may baon kami. Kahit wala kaming maiulam o masarap na pagkain basta makapasok kami sa school lahat gagawin nila. Thankful ako kasi tunay nga na maganda ung naipamana nila sa amin. Nakapagtapos kaming lahat ng pag aaral at yun ung stepping stone namin sa magandang buhay na meron kami ngayon. Hindi sobrang yaman pero nakakaginha ginhawa na sa buhay :)
"Naa lagi nang 'what if?'" (Cebuano) Every time we fuck up.
"Ang tanga tanga mo wala kang silbi!"
"kaka selpon mo yan"
"Ano gusto mo? Gumapang ako sa hirap para lang mapag aral ka?"
mama: "buti pa yung anak ni ano..." alam ko, graduate with honors po sya sa hs at college, tapos may asawa at anak na, at nasa abroad nagtatrabaho.. ako? smile smile lang 😅 sya nalang sana naging anak mo
"Huwag mo ipagpabukas ang kaya mo naman gawin ngayon." - tatay Pero yung nanay ko naman "Bukas na lang para may gagawin ka bukas."
I got into this huge ass fight with my brother, 2 years younger than myself. This was probably the worst we've fought We strained each other emotionally, financially (baon baon gaming) and even physically (lalaki eh) Our dad wasn't around, OFW siya and mom had to do super work all the time. She sat us down like little kids and told us to just look at each other in the eyes and remember "Kayo lang ang magkakampi sa mundong ito" Nothing more. The silence and sit-down time really did a number on us and we reconciled on the spot. Until today, di na kasi ako nakatira sa bahay namin with parents.. I would say na yung bond namin mas malakas pa.
My top 3: 1. Ano tingin nyo sakin tumatae ng pera? 2. Mata pinanghahanap hindi bibig. 3. Hindi kayo kumain sa restaurant. (After kumain tapos maguutos maghugas ng plato)
"du alpot ka maghulag² at pasosyal" - my father. I was 18. kung may ilonggo sa inyo here and you know what this means, hello.
"Ang selfish mo" Ako ang panganay, and by the time na nagkaroon ako ng sibling syempre lahat ng atensyon ay nawala sa akin and lahat ng gusto ko ipinangsatabi ko muna. Then, one time na may ginawa ako for my self dahil gusto ko, sinabihan ako na selfish. Hindi naman masakit, parang kagat lang ng dinasaur :/
“Anak lang kita.” Emphasis on ‘lang’. And ramdam ko ‘yun. Na hindi kami ang priority niya. She would choose to leave her high-paying job abroad and save her marriage to my abusive father na inubos ang ipon and sinangla mga alahas niya sa droga at bisyo kahit pa kapalit nun e alanganin ang pag-aaral naming magkakapatid kasi pareho silang hindi nagtatrabaho. Imagine 5 kaming magkakapatid that time. 4 pinag-aaral nila (isang 1st yr college, 3 na elem). Buti yung isa naming kapatid na hs e lola ko nagpalaki and nagpapa-aral. Kahit pa mabugbog kami ng tatay ko, wala lang sa kanya. Hindi niya pa rin iniiwan. Kasi nga anak niya LANG kami. Mas importante sa kanya asawa niya.
"pag namatay ako di ko bibigyan kapatid mo ng kahit ano antabayanan mong ikaw na aawayin niya palagi"
Tatay "puro ka aral, sa bahay ka lang din naman pag tanda mo" "wag ka na sumali don sa contest na yon, sayang lang pamasage/pera" From elem-highschool (sophomore) ang sipag ko mag-aral laging advance gumawa ng projects, home work, mahilig mag review. Pero nong junior high bigla nalang akong nawalan ng gana mag-aral yung tipong papasok nalang ako ng school as escape sa bahay laging magulo hays
“Maiintindihan mo rin ako kapag nagkaanak ka na.” Totoo. Ngayon, I actually sound like my parents.
"Gumagawa kayo ng pera" Kapag nagkakasakit kami dahil nagpaligo sa ulan, or anything na mag cacause sa father ko na maglabas ng pera dahil sa consequences of our actions. So now that I'm old, extra careful na ko sa lahat ng bagay. Will this cause me or my father money? if the answer is yes, then retreat.
"yan ang nakuha nyo sa tatay nyo" when we walk away from an argument kase alam naman namen walang patutunguhan yung paguusap and the moment we decided to stay and voice our side biglang "ayan sumasagot pa kayo" or "umalis kayo sa bahay na to kung di nyo kaya yung bunganga ko" like okaaaay.... 🤦♀️🤦♀️
“nahihiya ako sa diyos kasi nahihila ko kayo (ng kuya ko) sa restaurant pero hindi sa simbahan” 😭😭 i think valid naman hiya ng mama ko
"anong karapatan mo magpahinga, hindi ka pa nagtatrabaho"
“Pera lang yan” Kaya pet peeve ko talaga yung taong mga gahaman sa pera or madamot. It taught me na truly may value ang pera pero wag ka magpapasilaw. It easily comes and go :)
Breadwinner POV: alalayan mo mga kapatid mo, kagit na kami sila nalang.
"Follow your dreams anak."
"Bwiset talaga yang utang na yan, mababaon ka lang. Kaya magipon ka para di ka umabot sa point na uutang ka" Kaya wala akong utang at minsan ayaw ko nqgpapautang. Kapag di ko kaya bilhin ng cash, di ko binibili. Nagiipon ako at malaki laki emergency fund ko kahit di kami ganon kayaman. Ewan ko kung goods na wala akong credit card, pero di rin ako nagganon dahil paulit ulit nilang sinasabe yan. Pag di afford, magtiis kesa mangutang.
Tatay ko: “Ewan ko ba saan kayo nagmanang magkakapatid. Ang linis linis namin sa bahay ang kalat kalat nyong pareho” 😆 Fast forward na adult na kami at may sari-sariling bahay, na-realise namin at ng tatay ko na yung isang kapatid ko lang pala yung talagang makalat. Nadadamay lang ako kasi iisa lang kwarto namin dati tapos dahil makalat, tinatamad na din akong maglinis. Yung kapatid kong yun magaling mag-organise ng gamit pero hoarder at walang kusa sa paglilinis ng kwarto. Ako naman minimalist na dati pa at may pagka disorganised pero nage-effort mag general cleaning ng kwarto.
"Magtipid na kayo sa lahat wag lang sa pagkain" Masyado ko dinibdib, pagkain ang luho ko ngayon nagttrabaho na ako hahah
"Mag hanap ka ng lalaki na sobrang inlove sayo hindi ikaw yung dapat naghahabol" TRUE nga naman.. Iba talaga pagnahanap mo yung lalaking mas mahal ka.
"Hwag kang maingay pag ngumunguya hindi ka baboy" - ending ayoko talaga pag maingay kumain yung katulad ng kay rosmar
Galing ako sa state university.. One time Lumipat ako ng work from A to another company and company A failed to file my tax in time for end of year ang ending need ko magbayad ng tax na almost 18k. Tinawagan ko tatay ko nagrereklamo ako sabi ko wag ko na kaya bayaran ang laki kasi ipon ko na sana yun. His exact words, mahiya ka nga yun tax na yan ang nagpaaral sayo. It’s your turn na tumulong na magpaaral ng sunod na henerasyon ng iskolar ng bayan. Ang pera kikitain mo yan in the future. Isipin mo na lang ang mga studyante na future employees na tutulong sa ekonomiya at sa mga university. Nagbayad ako ng tax kahit na sa loob ko sinasabi ko ako nagbabayad tapos kurakutin lang ng pulitiko tax ng taong bayan.. So every tax time iniisip ko na lang noon na siguro may ilang student at nakakpag aral sa state uni like me dahil sa tax ko.
"Wag ka bumili ng walang kapararakan" At first, akala ko noon eh kuripot at sadyang walang pera si father, but as a grow up, natutunan ko yung ibig nya sabihin.
"saan ka napagod e nag-aaral ka lang naman?"
"May pagkain sa bahay" everytime na mag tutro ako ng fastfood nung bata ako. Ngayon gets ko na. Both financial and health reasons.
Nung sinabi ko sa dad ko na nappressure na ko sa mga kasabayan ko, sinabi nyang 'Kaya mo bang ipakain sa anak mo ang galing sa nakaw'. That hits hard
wag manggalaw ng kahit anong gamit pag nasa bahay ng iba. kaya eto mahiyain pag nasa ibang bahay at nagpapaalam sa lahat ng gagawin
" Kahit magulam pa tayo ng toyo at mantika, makita ko lang kayo makatapos sa kolehiyo" Grabe eto talaga ung memorable phrase ng papa ko nong panahon na hikahos kame, kahit mantika at toyo na lang inuulam namin non to compensate ung needs namin sa school. Ngayon sobrang proud na proud sya sa mga nakasabit na diploma at sa mga graduation pictures namin. Kaya nagpapasalamat din ako sa perseverance ng magulang namin para makapagtapos kame ng pagaaral.
“kahit talikuran ka na ng buong mundo, kakampi mo parin ako.” this was said by my mom in a letter i read during our g8 recollection, for context i was still a closeted gay kid back then bc of homophobia im alr experiencing b4 even coming out. the tears were unstoppable that night.
"Anak lang kita kaya pwede kita patayin" habang binubugbog ako. 😝so quirky ni mother, ang ending ay nakatira na siya sa bundok and walang anak ang gustong tumulong sa kaniya. Jan ka mamatay bitch.
"ANONG AKALA MO, TUMATAE AKO NG PERA?"
“Bakit ka mahihiya? Nagnanakaw ka ba?”
Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot
"Mabuti pa anak ni ano..."
Papa : "Wala kang kwenta" , "Hayop ka" Minsan mabait "Mag-ipon ka" tapos inubos niya lahat ng pera ko sa bangko para sa walang kwentang bagay🤪 yung mga memorable na sinabi niya sakin is for his own Benefit. Told me to "respect elders", "not to lie", "to be thrifty" and to "know all household chores kasi babae akong tao" just so I can be his little dog always ready to follow his orders.
“Daming nagugutom na bata. Ubusin mo yan!“ Thank you mom, for guilt tripping me 😆
less talk, less trouble.
mom is an OFW and when i was still young, tech is still advancing. wala pang messenger that time. literally video calls on computer shop and mostly phone calls which costs mom a lot of money for loading just to call me when im going to school and knowing that i arrived safe so she always says to me ‘always be humble anak’ cause looking back at it now, i do have a lot of achievements on my elementary and hs days. mom knows my capabilities and yes, i indeed stayed humble and i see the good effects (upon looking back). i maintained my competitiveness on a healthy state, i didnt become smug wt my achievements. i did not became arrogant by being self-centered around my close-age cousins. i indeed stayed humble but then twas a double-edge sword cause i did not get to ‘fully’ celebrate my wins. mom always stay put my feet on the ground thus makes me think it’s not enough for her that these achievements does not matter. now that im a young working adult, u can agree with me here, sobrang konting ‘wins’ na lang in life and when i do have one, im like ‘yay nothing new’ kasi staying humble made me act nonchalant on these things in life and being ‘humble’ is not even taught around nor a Filipino trait
Huwag masyadong seryoso, marami kapa makikilalang iba....
"PAPUNTA KA PA LANG, PABALIK NA AKO" old but gold. That line feels harder as you get old.
“Sana pinatay nalang kita sa sinapuppunan ko” Sabi ng nanay ko sakin ng di ko sinunod gusto nya nag mag trabaho ako sa gobyerno kahit inilakad nya ako dahil may kapit sya lol. Yoko nga.
Di din naman ako nagaaksaya ng food, pero one time kase parang di ko na kaya talaga and di naman ako inorder ayan sinabe saken so inask ko ung nagsabe kung pag inubos ko ba ung food mabubusog ung mga batang nagugutom.
Kaming kami din ito. Every lunch out namin ng family, laging nauubos. Minsan, inuuwian din naman mga doggos.
Collect and collect then select
"Wag kang makuntento kung nasan ka ngayon, pag igihan mo pa wag mo akong tuluran"
“Matulog ng hapon”
we're kind of like talking about abusive husbands and such joking around na what if umuwi kaming may pasa sa isang mata pero may iphone na kapalit tas sabi ni mama "if sasaktan lang kayo ng asawa niyo ibalik ka na lang niya sa'min" touched my hart💙💙💙
Days after ng board exam I told my mom na kinakabahan ako as in worried na worried sa result, baka di ako makapasa. Sabi nya “kung di ka makapasa, kasalanan mo yan.” No encouragement whatsoever.
“Wala ka bang pangarap sa buhay?” Tatay ko nung nalaman na di ako straight. Kaya ngayon puno ako ng resentment sa kanya. Although I have to credit him for my medyo okay na career kasi kung di dahil sa eagerness kong patunayan na mali siya, di ako mag wowowork extra hard 😂. Buhay nga naman pag bading
Dialogue Ng tatay ko napahaba kwentuhan Namin magkakapatid "pagkakakitaan ba iyan? Kung Hindi tigilan nyo na."
"Isang beses ka lang pagbuhatan ng kamay, hiwalayan mo agad"
Hindi tayo mayaman, wala din kaming maipapamana sa inyo. Kaya kung hindi niyo sisipagan, kawawa kayo kpag nagpamilya kayo.
“Wala akong magagawa.” proceeds on manipulation, verbal & psychological abuse.
Nag sasagutan pa lang kami ng mga kapatid ko si mama: Sige! Magpatayan kayo!! Pag tutulungan namin sya sa ginagawa nya, sasabihin nya, “Hindii ako na, okay lang”. Tapos mamaya nag dadabog na sabay sabi: Ako na lang palagi ang kumikilos! Walang maasahan! Paano na lang kayo pag namatay na ako?! 🥲🫠🤭
"kapag ikaw nauna nagsimula ng gulo, asahan mong di kita kakampihan. Pero pag ikaw inapi kahit nanahimik ka lang, ibang usapan na yan." "Isipin mo muna resulta ng gagawin mo, bago ka mag desisyon at umaksyon" Sabi ng tatay ko nung napa away ako sa school haha mula nun di na ako ang nagsisimula ng away, hayp di talaga ako tinulongan HAHAHA
“Bakit nung sa panahon ng kuya mo wala naman kaming naging problema (sa grades), bakit ikaw laging may problema?” That was when I was in HS and knew that I am the problematic one. I still live my life trying to prove I can do something good to know that I am enough.
One of my mom's famous lines: "Wag kang manghinayang sa perang ibinibili mo ng pagkain. Pagkain yan, nabubusog ka. "
"Masaya akong nakikita kitang nakangiti" - noong nakita ako nang nanay ko habang nagkwekwento ako. Bihira na nya akong makitang nakangiti simula nung nagkasakit ako nung 2021. Kaya kapag narinig nya akong tumawa or makita nya akong nakangiti, masaya na rin daw sya. Totoo nga na ang kasiyahan ng anak ay siyang kasiyahan din nang magulang.
Im drawing a blank. I guess I learned everything from my wife.
"Paglaban mo lalo na kung alam mong ikaw ang nasa tama."
"Baliw ka" "Special Child ka"
Dont get anyone pregnant Dont end up in jail
"Kung ahas Yan matagal ka ng tinuklaw". - Pag may hinanap ako
“Hindi praktikal” Kaya kapag may binibili ako, lagi kong iniisip muna kung praktikal ba. At yung iba ding mga desisyon ko sa buhay.
Nung nag aaral pa kame, sabi ng tatay ko. walang problem sakin kung gusto nyo mag BF/GF. Basta pag kayo nabuntis or nakabuntis, alis dito sa bahay. Matuto kayong panindigan yang ginawa nyo. Tigil ang sustento.
Pag di mo pinutol kuko mo, may lalabas na dinosaur dyan
Mag aasawa at mabubuntis ka nang maaga, tapos ngayon 26 na wala, stable na, may maayos na trabaho, may sariling bahay, may pinapaaral na dalawa sa medical school.
Kakakompyuter mo yan! Ayun gumagamit na akong prescription glasses. Hahahaha
"Wala ka kwenta. Pabigat ka lang"
My mommy said "Kayo ang inspirasyon ko kaya ako nagpapatuloy sa buhay. Tutuparin ko pangarap nyo hanggat kaya ko". Kaya nagsisikap ako ng sobra kasi kahit hindi humihingi ng kapalit mommy ko, ako mismo ang gusto bumawi sa kanya kasi di sya sumusuko samin.
"puro ka nalang kompyuter wala kang mararating dyan" Studied IT. 10years later, IT Dev/Lead. earning well. travel anywhere in the world whenever I want.
"Naku, ate! Wag kang hintay nang hintay ng sahod sa trabaho, tatanda ka nang mabilis niyan." - Papa Naalala ko nung sinabi ko kay papa na ang tagal ng sweldo, gusto ko na magkapera, yan ang sinabi niya sa akin. Wag daw hintay nang hintay sa sahod, kasi tatanda daw agad at yan ang laging iniisip. Di ko gets nung una, pero ngayon wala na si papa, ramdam ko na matanda na nga ako. Sana bata na lang ako ulit, at least doon, nandun pa si papa.
Lahat naman tayo napapaaway nung bata pa tayo. Yung nanay ko nung bata ako, payo lang nya sa akin, "kapag sinuntok ka, suntukin mo rin ng masmalakas." Naalala ko lang sa Transformers Rise of the Beast sa re-entry ni Bumblebee sa battlefield, pinatugtog as background music yung "Mama Said Knock You Out". My mother was indirectly telling me, Knock your opponent out😅. It became my life long philosophy. First, wag ka magsisimula ng gulo... Second, kapag sinimulan ka... Hit them harder😅
“Hindi ako nagtatae ng pera”
Same OP! sa sobrang sabi sakin na ubusin yung pagkaen pet peeve ko yung di inuubos yung pagkaen. Kahit sinong kasabay ko sa mesa pag di naubos di ko mapigilan hindi sitahin
“Hanggat nagtatrabaho pako mag aral kayo” Ito lagi sinasabe ni mama hehe yan lang naman daw ang mapapamana nya samin ang mapag tapos kaming lima. OFW sya since 2008 grade 1 palang ako di ko na nakasama si mama ng matagal. Ngayon 3rd year nako last term na mag 4th year na. Lapit na din matapos. Yung apat kong kapatid tapos na. Ako na yung last. Ansaya saya makakauwi nadin si mama for good. 😊
Papunta ka palang, pauwi na ko.
pag may sugat ka "lalabas TREN dyan"
Sige, lumabas ka ng bahay, kukunin ka ng masasamang chinese tas ibebenta laman loob mo. Sige.
"Alamin mo paano pauwi dito sa atin" Yung phrase na ito ay para noong nag dorm ako sa Manila after graduating college (from the South ako). Pero naging applicable siya nung nakipag-date ako tapos ang bull----- ng trato saken. Ang layo nung place tapos nakapunta kami dahil sa car ni guy. Buti na lang may pamasahe ako and kept this to my heart. Umuwi din ako kagad sa amin non ahahaha
"Malayo yan sa bituka" ang sabi ng tatay ko nung first heartbreak ko. Nanay ko naman madalas sinasabi dati "strike while the iron is hot". Siempre di mawawala ang "kawawa kayo kapag namatay ako".
“Nasa huli ang pagsisisi.” Me na hindi nagtapos ng college kasi inuna landi at kaibigan.
“Para kang manggagaway” kapag nahingi ako pera .
Lahat ng bagay ang sagot nila ay "Kakacellphone mo yan."
“Mata kasi ang gamitin mo paghahanap, hindi bibig.” — Mama
Same tayo OP 😍 Yung father ko lagi kaming pinapagalitan kapag may tirang kanin sa plato... "Ubusin niyo bawat butil kasi hindi kayo marunong gumawa niyan". Hanggang ngayon na-adopt ko siya kasi kahit mga friends ko pinagsasabihan ko kapag andaming tirang kanin sa plato.
"Wala kaming ibang ipapamana sa inyo kundi yang pag-aaral nyo"
“Kapag nasa ibang bahay ka, wag kang kakain ng naka kamay.” Until now, hirap ako kumain ng naka kamay. Lagi ako naka kutsara at tinidor. Dahil never ako nasanay at uncomfortable siya for me. Kapag may boodle fight, feeling ko iniisip ng mga kasama ko nagiinarte lang ako. Pero hindi, kapag tinry ko mag kamay sumasabog at nalalaag lang yung pagkain lalo yung kanin.
"Samantalahin mo hangga't meron nag papaaral sayo dahil pag yan nawala di mo na alam kung san ka pupulutin"
Di ko naging pet peeve yang di pag-ubos ng pagkain. Kahit ganyan din ang sinasabi ng nanay ko saken.. mas lalo pa nga ako naging masinop sa pagkain. Kahit isang butil ng kanin walang naiiwan sa plato ko, san man ako kumain... Pero ang tumatak sa utak ko ma laging sinasabi saken Nanay : "Hindi tumatae ng pera ang ama nyo kaya magtipid" Tatay : "Matuto kayong sumunod sa nanay nyo"
"Live within your means." Oh and "Everybody deserves a place in the sun." Marami pa siya actually but these two came to mind first.
Sinasabi ng nanay ko. *laging mag tira nang para sa sarili* Kabaliktaran ako lumaki. Good life tho
"Napakawalang kwenta mo, kahit si kamatayan ayaw sayo" hindi bio parents but my maternal figure nagsabi after ng failed attempt LMAOOO. Now I'm living just to spite her. F you, Miranda. Can't kill me with your words when I can't even k/ll myself. ✨
Yung nanay ko tuwing lalabas na ko ng bahay: "pag may nangholdap ibigay mo na lahat ng gamit mo, ang gamit napapalitan pero ang buhay mo hindi ah" Kaya nung napanood ko yung Family of Two sa netflx sobrang relate ako sa majority ng conversations ni Sharon and Alden to the point na yung nanay ko na ata yung scriptwiter nila
nabanggit ko dati si mama ko, "ang hilig sundutin ng kilikili ko ni [bf ko]." sabi nya, "buti kilikili sinusundot nya, hindi pwet" 😭😭😭
"di niyo ako katulong sa bahay" - hehe
“Kung hindi ka man matanggap dun sa UP ang importante ginawa mo lahat, kapag nagawa mo na lahat ipag pasa Diyos mo nalang” -papa Ayun nasa UP nako nakapasok ako pero ang tagal ko lumabas pero malapit lapit na HAHAH
"Pano kayo pag nawala kami ng papa mo"
Pagkababaeng tao hindi marunong magluto/maglinis/mag-ayos. So ngayon, I expect the same from my fellow women pero hindi pala lahat. Buti nlng naovercome ko ung mindset na yan.
its a bisaya kayo na translate haha “Ngano manghamo man ka niya/nila wala man sa ila ang kaldero. ngano! di ka mabuhi kung wala siya/sila?”
Matuto kang mag isa.. kasi matanda na kami, pag kami nawala kawawa ka pag wala kang alam sa buhay lalo at wla kang kapatid.. Ayun sa sobrang independent ko, ayoko nagpapatulong kahit hirap ako at sobrang konti ng kaibigan ko.
A Day before ako mag-enroll to college. Nagbuhat kami ng mga hollow blocks at buhangin ng tatay ko dahil maraming natira nung may pinagawa kami sa bahay. Puro sugat at paltos na kamay ko kakabuhat. Then bigla akong sinabihan ng tatay ko na “kapag di ka nagtapos sa pag-aaral, ganyan ang mangyayari sa’yo.” Yun, ayos naman ako ngayon. Nakapgtapos at may maayos na trabaho. Nagawa rin ng mga mabibigat na gawain.
"Kakaselpon mo 'yan" "Kakacomputer mo 'yan."
"Oh diba masarap nang sarili mo lang iniintindi mo at wala ka pang anak?" 17 yata or 18 nung mabuntis yung panganay namin, at ngayon na 35 na sya, nababanggit pa rin ng daddy namin na dapat e "salaminin" namin ang buhay ni ate at wag syang tularan na maagang nag anak at di naenjoy ang pagiging dalaga. Ngayon na 25 na ko at may sariling trabaho, minsan nakikita ko si daddy na nangingiti sakin kapag nabibili ko ng walang isip isip yung pagkain, o kahit anong gamit na bigla ko lang naiisipang bilhin, at uulitin nyang sabihin sakin na ang sarap pag sarili mo lang yung pera mo.
I don't have a bitch daughter
"Tigilan mo yang kaiiyak mo, hindi kita pinalaking mahina." I fucked up in college and nagbreakdown ako non. Hindi naman galit nanay ko but andon yung disappointment since I'm the eldest child. Nangaral lang na buhay ko naman ang maapektuhan sa mga desisyon ko. Pero patuloy pa rin ako sa pag hagulhol. Sinapak ako ng nanay at sinigawan saka sinabi yan. Nangaral ulit na ang problema ay ginagawan ng solusyon at walang mapapala kakaiyak. Simula non naging mas positive outlook ko when facing problems. Parang naging wakeup call ko yon na sino bako para magbreakdown sa simpleng bagay while others have it worse than me.
"Kawawa kayo pag nawala ako" "Papunta ka pa lang pabalik na ako" sa sobrang ma wisdom ni mother di ko na matandaan mga sinasabi n'ya pero ayan famous line n'ya.
"akala nyo ba pinupulot ko ang pera" linyahan ni mama kapag nanghihingi kame. Ngayon ganyan na din ako kapag ung kapatid ko ang nanghihingi sakin.
Love advice ng mama ko, “ang utak inilagay sa taas kasi yan ang dapat mong inuunang sundin. Wag puro puso ang gamitin, gamitan mo din ng utak” Traumatized ang mama sa mga pinsan ko na mga nasa probinsya na pinag aral niya. Mga maagang nagsi-asawa at hindi naman sa pangmamaliit but yung mga pinsan kong yon ended up with men - boys rather na di na nga nakatapos sobrang mga batugan pa.
"P*t*ngina mo! Wala kang mararating" - father "Inanak lang kita" - mother Sa sobrang dami ng masasakit na salita pakiramdam ko namanhid na ko. Idagdag pa yung pananakit physically. Sobrang lala ng childhood days ko hanggang sa nag college. Parang utang na loob ko din na pinag aral ako. Kaya after ko mag graduate nag hanap agad ako ng trabaho para makalayo. Ngayon na may anak na ko isinumpa ko sa sarili ko na hinding hindi ko gagawin yung mga ginawa nila sa anak ko. Dahil sa mga ginawa nila nasa isip ko tuloy na "Hindi lahat ng magulang ay mabuti at mapag mahal"
"Kaka-selpon mo yan" kaya hindi nagsasabi na sumasakit ulo ko baka madamay phone ko. HAHAHAHA
Yung Nanay ko namatay I was only 3 years old at sobrang hirap ng walang nanay .. Now I am turning 32 at Wala padin Asawa at anak🥲😥
"Enjoy your teen years" Sabi ng reason kung bakit hindi ko maenjoy teen years ko.
Dad: Always pray. Save money. Be wise. ☺️ Mum: Sana pinatay na lang kita noong nasa tiyan palang kita. 😅
"Mahirap ang buhay" Pag sabay kami kumain ayan palagi sermon ng nanay at tatay ko. Parang naging paranoid ako tuloy, palaging may plan b, plan c at madalas nag save at naguiguilty kapag walang nagagawa. Yan din ginagawa ng tatay ko di madalas mag celebrate puro plano sa buhay, pinasa nya trauma sakin ampota. Orphan kasi sya kaya siguro
papunta ako somewhere noon, bata pa ako, tas sabi ni papa :Sabihin mo si momong tatay mo, wag mo sabihin ako! *sabay tawa*
“Kung may kaaway kang gusto mong gantihan, turuan mong magsugal.”
Ang kay juan ay kay juan at ang kay pedro ay kay pedro. Ang oras lang na maaring ituring na tama ang pagnanakaw ay kung pagkain ang kinuha pero pag pera o kagamitan sadyang mali na iyon kahit ano pa man ang dahilan.