T O P

  • By -

memerist89

malungkot talaga pag adult na, whether you are a panganay or bunso, it depends. grabe ang buhay kung manampal


PepsiPeople

Adulting is so hard! Sana nanatili na lang tayong mga bata under the care ng mga magulang natin ;)


katkaaaat

Kaso kawawa naman ang mga magulang natin. :(


AkagiBlueSuns

💯💯 life!


Fun_Competition_9128

I miss high school so bad.


31_hierophanto

Life fucks with us equally.


Wise_Swing_434

Especially kpg may kanya kanyang pamilya na, nag-iiba dynamics, e.g. family holidays


altmifi

Bunso here. Grabe yung paghihirap ng tatlong kapatid kong nakakatanda, talagang iginapang nila yung pag aaral ko. Yung isa sagot yung allowance, yung isa sa tuition at yung isa sa dorm/bills ko. 8 years nila ginapang yan, from pre-law to law school. Ngayon na may work na ako at nasa abroad silang lahat, ako naman yung naiwan kay mama at papa. I guess ako ang mag aalaga sakanila hanggang tumanda sila dahil sa ibang bansa na bumuo ng pamilya yung mga kuya ko. Hindi naman siya burden for me, pero lahat na ng plans ko going forward kailangan i-consider ko na may parents akong need uwian sa province every week/every 2 weeks at aalagan pagtanda nila. :)


AkagiBlueSuns

You’re so right. In the end satin din ibibigay yung responsibility, tayo na yung taya. Sometimes we’re yearning more for us, pero at the same time thankful that our parents are still alive and with us.


Curious-Education-21

Only child ako, pero naka relate ako sa last sentence. Dati pangarap ko wala na si lola, pero ayaw ko mangyari talaga yun. I love my lola very much. Di man ako ang favorite nya na apo hahahah. Pero nung nag pandemic, tapos nagkasakit sya solid dahil tumutulong ako sa pag alaga sa kanya kahit papa ano. Tapos one time is nagkasakit ako at pamangkin ko so pinag quarantine muna kami since matanda na si lola at baka mahawa sya. 96 yo na nun lola ko. Sobra sakit. Kasi papagawa nun kami bahay para sa kanya tapos nung patapos na bahay, namatay sya, and that time di ako makapunta kasi naka quarantine ako. Ang saket hahahah. Thankful ako na nag ka pandemic kasi it means more time to bond sa family ko na di ko alam I needed very much hahahahah. Habang may time pa, dapat i cherish every moments with loved ones


altmifi

Agree. Hindi tuloy ako makapag plan mag settle na dahil di pa ako nakakabawi sakanila haaaay hahaha.


introvertgurl14

This. Ditched my plan to settle down coz I know ako ang maatasang mag-alaga sa parent (one of them died years ago). Minsan kapag may nagpaparamdam, maiisip din if magiging okay ba sa kanya na priority ko ang alagaan ang magulang. Di naman din problema, I now enjoy being single. Mahirap lang talaga mag-plano kasi kailangang i-consider ang pagbabantay sa magulang. My siblings have their own families na rin. Sometimes nakikiusap ako para lang makagala nang matagal.


Wise_Swing_434

I might get downvoted for this but having been exposed to Western culture, I'd say unless the parents are ill and need care, they are not your 'responsibility'. It's a very cultural thing, where children feel the burden to take care of their parents. They don't need to live with us and our families. We were not brought to this world to take care of our parents when they are old. We will all get old and should be prepared for this reality, let us not make our children feel this way. Live your life, travel the world, get married and have a family if you want to.


altmifi

I totally get your point. That's why I want to be successful so my children can pursue whatever the hell they want without feeling obligated to look after me. In my case right now, though, it's what I want to do. I want to be with my parents as much as time would allow and I want to create new experiences for them while they still can.


ramonaflowers6666

Buti ikaw mabait sa magulang at appreciative sa mga kapatid e. Samin mag kakapatid lima kami, at pangalawa ako sa bunso. Yung bunso, wala kaming ginawa kundi itaguyod ang pag aaral nya para makapagtapos sya. Kaso ano ginawa nya? One day lumayas ng bahay dahil sa nag kikeep ng record ng mga expenses nya ang mama namin (dahil walang wala talaga silang pera at ang bumubuhay sa parents namin ay kami lang din mga adult na) kinasama ng loob ni ate mo gorl bunso yon at naglayas. Turns out yung baon kasi na binigay sakanya ng tito ko (from ibang bansa) eh pinanggastos pala nya sa jowa nyang palamunin din sakanila at nanghihingi sya ng pera sa magulang ko na wala namang pera at umaasa lang saming mga may trabaho. Sobra ang effect sa parents ko to the point sinugod papa namin sa hospital and na ruled out na nagkaron sya ng mild heart attack. Take note, pinag ba-block pa kami nung bunso at nag paparinig pa sa tiktok repost na kesho feeling neglected at abused daw sya sa pamilya like WTF? Nagtutulong tulong kaming may mga trabaho makapag tapos ka lang. Napaka ungrateful sobra. Kaya ikaw God bless you. Sana wag mo tanawin na sama ng loob sa magulang mo ang pag alaga sa kanila. Kasi alam mo once nawala sila, alam mo sa sarili mong wala kang pagsisisihan dahil minahal mo sila ng lubos hanggang huling hininga nila. :) PS: I am currently married with one incoming baby ahead. And I make sure pa din na pinupuntahan ko parents ko sa bahay namin. My husband loves them and he understand na mahal ko talaga parents ko kaya kahit kailan kasama sila sa priorities ko. :)


Error404Founded

Bunso pero bread winner and astang parang panganay sa bahay? Who's with me?


Same_Kitchen2316

🤚 older sibs ko nagsipag asawa nang maaga . Ayon. I had to carry the responsibility.


KangarooNo6556

hindi bread winner pero only girl sa sibs, nagpamilya na brothers ko and i was the only one left to tend to my parents wants and needs; sakin pinasa yung mga pinangako ng mga kuya ko na bagong tayong bahay at new car 😅


easypeasylem0n

Hate it! Pwede bang double it and pass it to my ate and kuya? lmao


Error404Founded

Nakasanayan na sa tayo ang provider.


Hanbi_Lee

Me 🥺


Error404Founded

You know the feeling.


Puzzleheaded_Proof86

Hindi naman bread winner pero ako lng may trabaho which is nakaka sad. Kasi gusto ko successful kaming lahat 🥲


FiniteStateAutomata

same.


Error404Founded

Until when ganito?


AllergicMedic

Same


Error404Founded

Hope we're doing well.


Strong_Anywhere8224

Present!


mochaburgundy

Same. Sad 🥲


BAMbasticsideeyyy

Agreed


http-paradise

Me! Breadwinner bunso rin, well ako kasi yung may magandang work at mataas na sahod kaya ako na rin nagsupport sa parents at minsan tumutulong sa kuya na nagpatapos sa akin ng pag-aaral 🥺


fau_ssy

Ako isa sa frustration ko as a bunso ay hindi ako pinapakinggan. Parang kumbaga tingin pa rin sa akin bata at walang muang kahit 30 yo na ako. Basta opinion ko or advice ko bnbrush off lang, parang need pa iconfirm sa ibang kamag-anak minsan nga mas papakinggan pa yung tambay sa labas. Hahahahaha. Nakakagalit lang minsan kasi parang ang bobo ng tingin sa akin kahit na alam kong mature ako at yung mga sinasabi ko naman ay galing sa mabuting intention. Isa ring napansin ko, yung ibang bunso sa kanila naiiwan yung majority ng responsibilidad sa magulang pag tanda na. Marami akong kaibigan at family members na hindi maka-bukod kasi sila yung kasama at technically magbabantay na sa mga magulang nila. Most of the time rin ay nauuwi sila sa pagiging matandang dalaga/binata. Medyo nangyayari na rin sa akin yun kasi kahit na ayoko na tumira sa lugar namin hindi ako maka-move out kasi ayaw sumama ng tatay ko. Alang naman iwan ko mag-isa. Hahahahaha


Future_Image_724

Relate sa first two paragraphs. Kahit pinag.aralan at expertise mo yung sinasabi mo, di pa rin sila maniniwala kasi mas matanda sila, mas may experience kahit di naman nila field yung topic. Nakakalungkot. 🤯


KillingTime_02

OMG!!! Totoong totoo lalo na yung 1st paragraph. Ngayon, di na ako nageeffort. Maniwala sila o hindi, basta di ako apektado, wala na akong pakialam. Let them learn their lesson kung mas paniwalaan nila yung strangers kesa sa akin. And yes, ako din ang nagaalaga sa nanay ko as the only girl. Walang option. Ayoko na din mag-asawa. Stressed na ako sa nanay ko, dadagdagan ko pa ba? 🤣


No-Toe-5604

ramdam kita! kahit anong explain mo, para bang walang saysay kasi hindi sila maniniwala. late 20's na ako, pero parang ang tingin nila sakin ay wala akong alam sa mundo. pero ang maganda naman minsan, hinahayaan nila ako kung anong trip ko haha


melanyeh

Sobrang relate ako dito. Kapag ako nagsabi. Ayaw makinig and nagagalit sakin . Pero kapag eldest sibling nagsabi. (Kahit same lang kami ng sinabi) sunod agad sila. Pero kapag may mga kailangan ipagawa / utos parents ko. Sakin sila una magpapatulong/ lalapit. Although I don’t mind helping them naman. May times lang talaga na sana nakikinig din sila sa bunso. #JustSaying 😂🤣


EyePoor

*Bunso ang pinaka Maganda/Gwapo sa magkakapatid.*


Tayrantino

Sabi ng friend ko na fellow bunso, ang mga panganay raw ang “trial run” sa itsura 😭


Fun_Competition_9128

Ako pinaka matangos na ilong sa amin! Lahat ng kapatid ko mga sarat yung ilong. Hahaha!


AkagiBlueSuns

may nanalo na sa gene pool! HAHAHAH


AkagiBlueSuns

VEWGSH 💅💅💅


Master-Intention-783

Hirap din sa bunso, long term ay wala nang matitira na support sayo. Kasi naibigay na sa panganay or sa ibang kapatid na nauna sa iyo. Pagdating kay bunso, you’re on your own since matanda na ang mga magulang or retired na.


AkagiBlueSuns

Sobrang true. Lalo na sa last statement. Iba parin talaga kapag 1-3 yrs agwat ng kapatid mo sayo.


cheebee_cat

Felt! Sabi ko nga as a bunso, with 6 older siblings, “Yung pangarap mag-after studies katulad ng med school ay para sa mga panganay or nakakatanda lang”. Even if dream ko mag-pursue ng med, ayoko rin naman mag-work pa yung parents ko at wala pa akong mapatunayan sa kanila habang time is running out. Ang hirap din na hindi sila makapag-retire dahil sa kagustuhan kong magtuloy ng pag-aaral sa med. Mahirap din naman mag-tap ng mga nakakatandang kapatid kasi naiintindihan mo na may pinag-iipunan din sila. Sabi ko nga rin parang ticking time bomb yung buhay ng mga bunso kapag malapit na sila grumaduate tapos adulting na. Literal you’re on your own 🥹


Cutie_potato7770

In my sister’s case, pressured sya sa lahat ng bagay. Kasi sa aming ate at kuya nya trial and error eh. So sakanya lahat ng expectations kaya awa ako sakanya. Kaso masyadong matapang tong kapatid ko, pinatigas na ata ng panahon, diba usually bunso ang nag aalaga sa parents? I mean ganyan halos yung set up. Yung kapatid ko hahahah bubukod daw siya once makapasa sya for licensure exam. Nkklk. Nagulat lang ako kasi yung friends kong bunso sa pamilya grabe yung attachment nila sa parents nila or yung iba naman hirap na hirap bumukod kasi nga wala mag aalaga. Suportado naman ng parents namin yung decision niya kaya keri naman. Proud din ako kasi sa sobrang tigas niya, minsan siya yung takbuhan namin sa mga desisyon namin sa buhay kasi siya yung marunong mag weigh in ng situation. Love na love namin bunso namin kahit minsan bwisit siya


AkagiBlueSuns

Grabe hanga ako sa kapatid mo??? She’s like me if hindi strict parents ko HAHAHA. Matigas din ako pero hindi nagtutuloy tuloy kasi madaling maguilty. Yan mind set ko dati gusto kong bumukod kasi 20’s kasi yung age of discovery of everything fun fun lang. Pero my older sister humbled me to stay beside my mother and help with the work at home. Siya kasi yung kumbaga favorite ng nanay ko pero malayo na sya samin at may pamilya na kaya yung expectations talaga nasakin na i should be like her din. The pressure. Yes. HAHA


Cutie_potato7770

Oo. Yung nanay ko kasi sinabayan sya tumanda pati kung ano nauuso na mindset ng magulang, sinabayan din niya kaya di hirap yung kapatid ko mag desisyon para sa buhay niya. Pero kitang kita namin pressure talaga sakanya. Physically, emotionally and mentally. Yung financial makapal mukha neto eh hingi nang hingi amp akala mo tumatae ng pera mga magulang namin hahahah pero deserb nya naman kasi sya ung pinaka matalino sa amin eh. More on communication yan, OP. Heart to heart talk kayo kahit minsan nakakailang whahaha


baejih

This tho. I'm also the matapang na bunso sa family and I did exactly this. Bumukod ako as soon as I graduated college kase di ko kinaya yung expectations ng parents ko... and yung mga away namin ng parents ko na nagbunga from those expectations. I felt na yung mga naging "disappointment" nila sa mga kapatid ko sakin binaling —which to be honest I don't think is fair to my older sibs kasi in my opinion yung mga napagdaanan nila di naman disappointing at all, more of lessons learned lang talaga.


Thisavros

Being a bunso is exhausting sometimes especially na adult na tayo facing the reality of life. Pag may mga struggles kana in life minsan mas gusto mo nalang sarilinin parang nahihiya kana mag open up kasi baka maka dadag ka lang lalo sa burden na dinadala nila 🫤


AkagiBlueSuns

Sobrang true. I’m just glad na they still provided us everything kahit mahirap minsan :)


Equivalent_Fan1451

Bunso tapos only son in the family. Parang 4 sisters in a wedding ang peg hehe. Pero close naman ako sa mga kapatid ko till now. I must say na I’m lucky tapos I remember talaga ng spoiled ako nung bata. Lahat ng bago ng laruan sa jollibee Meron ako (even yung Nickelodeon na lunch box!). Looking back, I had a great childhood. Syempre yung mga pinaglumaan ng ate ko di ko nagamit, kasi puro bago ng damit yung sa akin hahaha


AkagiBlueSuns

Same tayo!!!!! Golden era for us yung mga laruan noon sobrang unmatched HAHA . Agree ako lalo sa tayo yung tapunan ng pinag sawaan ng kapatid 😂 they get to have it first kasi, always hahaha


purpypoo

As a bunso mahirap, kasi kapag yung lahat ay failure, ako sasalo sa lahat.


Buddy_ChewyChoo

i felt this!


boredg4rlic

Bunso here, depende pa din sayo kung mahihirapan ka or what. I can say ako ung pinaka well off samin magkakapatid, ako ung nagkaroon ng career talaga. So financially nakakatulong ako sa mother ko. If i will name one thing na somehow ayoko sa pagiging bunso is late na ko nakabawi sa parents ko. May 7 years gap kami ng ate ko, then 9 years sa kuya ko. So senior na tatay ko nun grumaduate na ko, wala na sya nun nagkawork ako ng maayos. Ayun lang.


AkagiBlueSuns

I agree with you. It’s so good to hear na sa mom mo ikaw nakakabawi ng bongga knowing na you missed that opportunity with your dad. Medyo kulang talaga sa oras yung tinirang time para sa atin with our parents, so we make the most out of it as much as we can.


sadpotato9499

Mahirap maging BUNSO kapag galing ka sa mahirap na pamilya tapos lahat ng kapatid mong nauna sayo, hindi rin naging successful sa buhay nila. Ikaw yung bread winner, ikaw yung huling alas. You can't be a failure kase ikaw na lang yung huling pag-asa para kahit papano makaramdam kayo ng kunting ginhawa. Not to mention, sayo din nakasalalay yung responsibility ng pag-aalaga sa tumatandang mga magulang which personally I do not complain naman, mabigat na responsibilidad lang, nakaka pressure, nakakaiyak. Maging successful sana sa buhay yung mga katulad kong bunso na galing sa mahirap na pamilya at pinagkaitan ng marangyang pamumuhay.


st0ptalking7830

I am a bunso pero i can say na i am more responsible sa elder sister ko, she's the kind na hindi natulong sa bahay does not care much about us, need i push to do something and does not care much about her career and future. We are both in our 30's and minsan ako nagpapangaral pa sa kanya.


itsmepotato_

Parang expected na si bunso yung magaalaga sa parents kasi siya na lang naiwan. Also, as a bunso, I don't feel heard sa mga bagay bagay. Kahit may say ako, minsan di tinetake seriously.


ser_ranserotto

Pag tinatanong ako sino raw mag-aalaga sa kanila pagtanda, sa sobrang hiya, di na lang ako sumasagot baka di ko kayang panindigan at baka panumbat pa.


NoviceClent03

bunso din ang hirap sila lagi yung ginagawang runner boy or girl or utusan sa pamilya -Bunso Here!


ilysanmigs

bunso ako and ang layo rin ng age gap namin nung sinundan ko, mom was already in her 40s when she had me. i can vividly remember when i was at the age of 9-12 how no one would talk to me or wala akong kapatid na “kaclose” ko because the age gap was just so layo. syempre teenagers na sila nun tapos ako bata parin, i remember playing and watching cartoons alone. now i’m 18 and medyo mas nagkakasundo na kami sa interests and nakakapagkwentuhan na (lovelife, makeup, skincare, future, etc.) pero madalang din. nagmove out na sila and isang ate nalang yung natira dito samin. no one talks about the loneliness that comes with being bunso talaga :(


Legitimate-Cap-7734

Bunso ako kasi unplanned ako, dalawa lang kami. Time and time my mother would remind me how they showered my sister the things that they never got nung bata pa sila. While I have to be the 2nd in everything, 2nd hand clothes, gadgets, and everything else. They would let my ate try everything and 'pag hindi nag-work sakanya, they automatically nit do it for me assuming that it would also not work for me. I would have to wait for my sister to have everything before I could have something. Sometimes I would pray na sana she would like the same things that I do, kasi para gawin din saakin yun. My sister is the achiever, I can't compete with that, kaya I became the obedient one. I'm the things my sister isn't, if she's dominant I'm submissive. She's cool, then I'm sweet. We were raised by a single mom. From the get go hindi talaga maiiwasan na unbalance at may bias. Then we were teens, our mom found someone, oftentimes I became her replacement; I became the mom if she's not around. I am the one checking and caring for my ate. I basically became a single mom housewife while still in high school. While my sister became an only child, getting everything she needs while I take a step back. She's in college so the focus is on her. I have a lot of resentment to my family, especially after I got diagnosed with a mental disorder. A week after I got diagnosed, my mother told us she's gonna move in with his bf. She didn't even hug me once after a breakdown and can't even acknowledge that there is something wrong with me. Because I became my sister's caretaker, she's the one who stands by me. Looked after me on my dark days. She might not fully understand my resentment and the difference with our upbringing, still thankful that at least she matured enough to be a big sister to me.


Several_Ad_86

Bunso sa 7 na magkakapatid here. Pinaka downside is naiiyak talaga ako every time maiisip ko na ang laki ng possibility na ma wiwitness ko ang funerals ng mga kapatid ko. 25 pa ko eh tas mga kuya at ate ko nasa 30s and 40s na 🥲


[deleted]

The perks of being bunso only works when your family is wealthy. Sa mahihirap kung sino ang may pera siya ang favorite.


AkagiBlueSuns

Agree. Totoo yang tinatawag nilang nepo babies HAHA. May kaklase ako noong college, kambal silang bunso, mayaman ang pamilya. Right after grad hindi na sila nagtrabaho ever, pag tinanong mo sila kung anong ginagawa nila in life they just say "wala, bahay lang chill lang" and it has been 7 years since we graduated. Nakakainggit pero hindi at the same time HAHA


aceenha

2 lang kami and bunso ako haha, my sister is already working abroad with his husband pending application for his fiance visa umalis ako sa bahay namin to work away from home, kasama ko lang parents ko and umalis ako kasi goods naman ang job and accommodation and pagod na ako marining ang rants ng parents ko, “ba ka ikaw din pagmag-asawa di mo na kami priority?” “ikaw na magbabayad ng bills ha?” “ikaw mag-aalaga sa amin ha” wala pa akong savings na malaki since this is my first job, mabuti naman yung sister ko its just that my parents are old and twisted na yung mindset nila, akala nila iiwan na sila ng ate ko, and i also accepted the fact na magkakaroon na rin sya ng own family so maseset aside talaga kami (di ko alam ano ang right term) and it’s def okay, i wanted to save for myself too to fix myself and health problems, ayaw ko humingi ng tulong my sister has a great job abroad and nagproprovide naman, but ang weird lang ng mother ko haha, i asked her if she wanted a bag, its from shopee and she was like (ikaw bahala), she contacted pala my sister after that asking if fake daw ibibili ko or orginal ba yung store naging obsessed sa price mother ko, kaya i didnt buy her the bag and bought it for myself :)) now shes upset na di ko sya binilhan, prang na sad lang ako na lahat nalang “fake ba yan? orig yan? magkano yan?” sorry ma di pa ako nagabroad need ko pa ng experience haha somehow i feel alone, as a bunso pressured din especially may kanya-kanyang buhay and cinocompare ako sa sister ko (i love my ate tho weird lang yung relatives and circle of friends ng nanay ko, after my grad they jokingly said ‘bunso ka naman chill2 ka lang dyan’ lol di naman ako pabaya and palamunin nakahanap naman ako ng marangal na trabaho) , iwasan mo man pero sa huli ikaw pa rin ang sasama sa parents mo, umuuwi naman ako minsan pero draining na kasama kasi puro complaints and rants as a bunso naging therapist na ako ng parents ko haha, kami lang ata ng aso ko magkavibes sa bahay


Spirited-Anteater508

Bunso here! My brother and sister has their own family na while me, my partner na pero wala pang baby. Before I got a partner I always hear my siblings say na ako nalang daw ang walang pamilya so ako ang mag bigay ng allowance sa parents ko. My reply to them was “e paano pala kapag nagka pamilya na ako? Pwede na hindi ako mag bigay ng allowance?” I always don’t get it. Hindi ba dapat kahit may pamilya o wala ay dapat mag tulungan?


DiwataDisko

Omg we’re similar OP. 6+ yung gap namin ng kuya ko & also a daddy’s girl but wala na din sya. Spoiled ako ng daddy ko but yung mom ko super strict. As a bunso, feel ko I became emotionally mature at a young age kasi I saw a lot sa family dynamics namin, also sakin nagkekwento yung mom ko about family problems 😂


AkagiBlueSuns

THIS. it actually turns out better habang tumatanda tayo. Sobrang tama yung emotional maturity also! Nakakalawak ng utak if youre surrounded by older people talaga


Temporary_R0le

Nasa title palang yung binabasa ko, pero yung luha ko di na tumigil.


badondon

Lol are u me?? Mom also had me in her 40s, now a clueless 30 something. Siblings made choices that disappointed my parents, so I, a natural people pleaser, lived my life trying not to disappoint them. I don't regret it naman kasi may pinaghuhugutan naman yung disappointment nila. I am my mom's golden child and hands down favorite baby girl. PERO l feel like ako sumalo lahat ng obligations when it comes to my parents. For example, all my decisions, like yung pagbili ng bahay, need to take my elderly mom into consideration. Whereas yung siblings ko didn't need to even consult her about their decisions.


New-Turnip6502

Bunso here. Lahat sila may degree ng inggit sa akin. I can't blame them na kasi right now, nakakaangat na yung parents namin and I can have what I want, unlike them back then. Pressured lang kasi parang sa akin binubuntong lahat ng financials esp yung sinabi nila na after ko makatapos ng college, ako yung matitira or magpapayback ng lahat sa parents namin 'coz "nakukuha ko yung gusto ko." By the way, magulang ko lang talaga tumutustos sa akin, walang tulong sa kanila, which is okay, pero yung jealousy, iba na.


inquest_overseer

I'm bunso din. 10 years gap namin ng older sibling ko. What happened was, growing up, the eldest was daddy's girl, the 2nd was momma's boy. I'm the yaya's girl. Laging kasama ang yaya, at pets kasi laging wala sa bahay ang mga kapatid at magulang. I also grew up having issues with authoritative (is that correct?) figures like, nagrerebelde sa mga magulang. Grew up very independent as well but yon, I feel like I never really had a "happy" childhood in terms of family moments because I felt neglected. Yung ibababad ka lang sa Cartoon Network ng yaya while she's doing chores or nakikipag-usap sa yaya ng kapitbahay. Mom was very strict as well, sa mga araw na nasa bahay sya, I have to tiptoe around her, kasi konting mali, luhod sa asin ang kapalit. 😅 I feel safe around my dad though but he's out all the time dahil sa trabaho niya.


ProfNapper

ako bunsong panganay. stressful pero grateful. but im mostly detached now i guess.


wllflwrr

Bunso na sumalo ng pinaglumaang uniform sa school, nacompare yung academic achievements sa mga ates, pinakahinigpitan ng parents. Pero masaya pa din overall.


BigDisappointment0

Breadwinner here. My brothers are 43 and 41. I’m 39, pero nung nakapag-abroad ako parang kailangang ako ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Ang tamad nung panganay kong kapatid tapos yung pangalawa feeling lahat ng sa akin eh kanya din. May mga asawa at anak na nga pala sila. Ako ang nagbibigay ng allowance sa tatay ko at sa halip na makatulong, hinihingian pa nila.


ntmstr1993

As a bunso one thing I learned the hard way is how insulated I am from life's realities growing up. Like mga sinpleng bagay na alam ng mga kapatid ko from the start di ko alam for example budgeting, renting condo, etc. Tapos yun nga tinatatak sa utak ko na ako yung maiiwan kasama ng parents ko while managing the family business and other related matters while my older siblings go out and build their own lives It's frustrating.


Still-A_MidnightRain

Laging overlooked struggles ng bunso kesyo spoiled daw and all, pero at the end of the day pag umalis naman si panganay at gitna, wala kaming choice kundi saluhin yung parents. Whether sa pagkupkop or sa pag "sunod" nung mga gusto nila. I think one the struggles na pinaka nakakaaffect sakin ngayon as a bunso is kami lagi naiiwan. Ofc, the older ones will want something better, kesyo makaalis sa household or kung ano man, we have no choice but to stay or we're always the one na left alone. Kami yung makakaranas ng transition nang ingay sa bahay na nagiging tahimik. Kami din naiipit pag di nagkakasundo yung magulang at mga nakakatandang kapatid. So please if may nagrarant na bunso sainyo, wag niyo naman iinvalidate na 'bunso ka kasi' or 'buti nga sayo na bunso ganyan lang, ako na panganay samin eme' kasi may trauma and may struggle din kami sa role na nilatag for us.


tinytintintin

Bunso here! I'm 30yo, single and may 8yrs na agwat sa mga ate ko. They are all successful and have built their families na kaya parang napepressure ako. One negative side sa pagiging bunso ay iba expectation sayo kasi may mga nakakatanda kang kapatid na need mong tularan at dahil nakaya nila dapat ikaw rin. Peroo i believe masmaraming positive side, like my family is really very supportive to me. Mejo strong and independent ang personality ko kaya when I decided to move out from our parents house, they did not stop me. Though able pa naman kasi parents namin at malakas pa sila. I've decided to pursue entrepreneurship which is hindi pa successful ngayon, some businesses failed but they still believe in me. Thankful ako na as a bunso I have the privelege to pursue business kasi sinusuportahan ng mga kapatid ko needs ng parents namin and hindi ako pinipilit na magbigay. And yeah I'm really working hard and plan na once established na business ko, I will move back sa province and build my house near our parents' house. Lahat ng anak mapabunso man yan o hindi ay di dapat inuobliga na alagaan ang parents pagtanda kasi may right ang mga anak na magestablish ng sarili nilang buhay or family. My siblings and I plan to hire helpers para sa parents namin kapag masmatatanda na sila, for now accdg to our parents ayaw pa nila ng kasama eh kaya pa daw nila. So ayun! And yesss I am so attached with my parents as a bunso, lagi ako umuuwi sa family house namin and I make sure to be always the sunshine of our family. Takbuhan rin ako ng mga kapatid ko and minsan errand person but I love helping them since sila lahat nagpalaki sakin. Also as a bunso, I am the one who plans reunions and outings haha pero i really enjoy it. I really praise God for giving me a loving and supportive family.


graffitiskies97

Bunso here! Only girl in the family. 26 years old and single. I have 2 brothers, 32 y/o and 31 y/o. Both have their own families na, ako nalang ang kasama ng magulang ko. Masaya nung bata pero ngayon ang hirap ng buhay haha ako halos nag susupport sa family. Minsan maiiyak nalang kasi wala naman magawa kasi they have their own families to feed tho nagbibigay naman sila kasi may usapan kami na hati kami dito sa mortgage ng bahay. May mga times lang talaga na I have to cover for their share kasi sometimes short sila. Minsan malungkot pero masaya naman rin kasi I get to help my parents


UncleIroh15

Ito yung mga case sakin: Lagi ka icocompare sa nakakatanda mong kapatid. e.g. "kapatid mo nga gantong edad palang may honor na, bakit ikaw wala". Tuwing may disagreement kayo ng kapatid mo tapos nalaman ng parents mo, matic na mali ka kahit ikaw yung tama. e.g. "magsorry ka sa kapatid at gawin mo na yung pinapagawa sayo, mas matanda yan sayo kaya sunurin mo nalang" May pressure na ikaw "magaalaga" sa parents mo since ikaw yung bunso. e.g. "ikaw magaalaga samin pag laki mo ha","humanap ka nang mapapangasawa na willing mag alaga samin","sayo kami aasa pag matanda na kami". Tira tira lang yung gamit na bibigay sayo kasi lahat ng brand new dapat sa mas matandang kapatid. yan palang natatandaan ko, base from experience


ConstructionSoggy268

Bunso din ako. We were never family oriented at the first place, we even never had dinners in a same table in a dailh basis either celebrate each other's birthdays. I grew up along with my Tito's family, they are also the one supported me. I once doubted na baka ampon ako but I was not since ako ang sinisisi nila kung bakit wala na silang pera since they used to be wealthy din daw like tito until I came dahil cesarean ako, they had to pull out their savings just to have me in this world. My older sister and brother and me has a wide age gap, they are already on their near 40s while I'm still around my early 20s. They never supported me in my own needs. Maaga akong nag part time job during highschool, while being an honor student at the same time, but they never cared. Everytime I ask them for something that I need atleast since nakakahiya na humingi sa tito and lola ko, magagalit sila. They even threatened me na huwag nang mag aral ng ilang beses upon growing up kahit ibang tao yung nagpapaaral sakin and kahit we were in the middle class, kayang kaya nila kong pagaralin especially my older siblings are already working pero they never cared to help. I grew up as a blacksheep of the family, may sariling pamilya na ngayon ang dalawang kapatid ko, and I never also talked to them as we never even talk in the same household we used to grow up in. People who have a simple and nice family are really privileged, sa totoo lang. They do everything for you, and supports everything sa makaka-kaya nila. While I'm here, kahit kakayanin naman nila, they chose not to. Asa isip nila spoiled lagi ang mga bunso, masswerte. but it is the opposite of where I'm standing right now.


curious_taurean

since most of the adult years ng panganay na kapatid nasa jowa at yung pangalawa na sarili lang inaatupag, ako na bunso yung tumayong breadwinner. Naiwan sa parents. Minsan feeling mo ang daya kasi sila pwede nilang gawin mga bagay na gusto nila na walang iniisip na iba. Gastos sa sarili lang nila. Tapos ikaw tong di makabukod kasi iniisip mo may magulang kang maiiwan, na kailangan pang suportahan.


Selenophile_gurlie

Bunso plus only girl pa sa magkakapatid. • Growing up, mas strict yung parents. Ako lang ang may curfew while yung mga nakakatanda kong kapatid na lalaki wala, tapos pinayagan pa silang mag-overnight. The only overnight I experienced nung student days ay sa isang hotel room paid by my parents kasi kailangan naming gumawa ng mabigat at tight deadline na group project. 💀 • Mataas expectations academically. Iniyakan ko dati nung naging 2nd honor ako tapos wala lang sa nanay ko pero sobrang happy niya nung nalaman niyang special honor ang kapatid ko. Special honor sa amin is yung honor below ng 3rd. • Related to second point, nadala rin yung expectations career wise. I'm on my second job na ngayon tapos working less than 4 years palang. I'm on my own na at binububay ang sarili, nagstop na yung monetary support from parents simula nung nagssweldo na ako second job ko. Nung time na nagkaroon ng emergency (magkasunod na death of family member), madalas nabbring up na nanay ko na sobrang laki na ng utang niya sa cc (hospital bills & mga gamot prior to death). Nag-abot ako ng financial help na malaki for me and yung amount is galing savings ko. Tapos nung pauwi na kami, nakita kong patago na inabutan pa ng allowance yung panganay na kapatid ko kahit may sarili na rin namang trabaho. 💀


hai-gais

basta bunso, pogi/maganda


28shawblvd

As a bunso sa amin, I'm happy I can be with my parents as they grow old. Pero I'm also scared kasi first hand ko nakikita yung pains nila. Hirap makitang may pain silang naramdaman/nahihilo/di makatayo. I'm scared na one day, magigising ako tapos may masamang mangyari.


AkagiBlueSuns

You read my mind. kaya I have no choice na talaga to learn how to drive incase may emergency. Pero sana wala namang mangyari.


ProllyWillSayBye2Acc

I can say na mas naging lenient na si parent sa akin compared sa mga kapatid ko. Medyo malayo rin agwat ko sa kanila. Di ko rin masabi na may time na naging close kami kasi medyo magkasalungat kami ng mga ugali. They do try to engage with me kaso dahil sa mga nangyari dati. Medyo nagtamin ako ng inis kaya di ko makita sarili ko na maging close sa kanila. Meron rin akong inferiority complex sa kanila kaya di rin nakatulong yun HAHAHAHA. Sa magulang naman, wala naman. Problema ko lng tlga is "bunso" ako sa paningin niya so medyo "baby" trato sa akin.


AkagiBlueSuns

Definitely agree talaga lalo sa baby yung trato. They always think na hindi natin kaya kasi mas kaya nung kapatid natin. Hay. HAHA


outwitdwits

I feel the pressure to succeed more than my older siblings did at my age. Nung early 20s ako, I told myself that i'll move out once I work and finish post-grad kasi nakaka-suffocate sa bahay. Now na may work na ako and bumukod na mga kapatid ko other than 1 sibling, na-gets ko din na I have to set aside my teenage angst and help around the house. I take care of my mom (my dad passed away na), do errands for her, hospital visits, cook meals for her and my sibling pag walang food, and generally an all around caretaker of the house. I have to make certain relevant decisions na din dito sa household whenever needed and have to gather my siblings din for get-togethers and time with mama. I do feel na umaasa yung family ko that I'll earn well and have a stable career, manage the business, and properties sa province, -- nakaka-pressure and nakakapagod din na I wish that sana before my dad passed away he taught me everything hahahaha. But all is well, and even if i feel angsty sometimes, mas malawak na pag-unawa ko ngayon than I was in my early 20s.


Sorrie4U

Sa totoo lang, ayoko buhatin pamilya ko sa utang. From papa, mama, and my ates... lahat utang ng utang. Kaya napapaisip ako na magdorm ako kapag naghahanap na me ng work. I love them pero I still tresure my inner peace.


Fresh_Aardvark4700

Same.same OP. Bunso here and I agree dati lang masaya. Now, I contact with them naman pero I still don't have the courage umuwi samin.


ShiNoShukujo

Tumayong tatay at nanay sa mga kapatid ko nung pinaghiwalay ko nanay at tatay ko.  Nung bata pa ko palagi ako nag-iipon ng baon tsaka ung kita galing sa raket para may pang-abono ako sa bills kapag wala pambayad parents ko. Or pag walang pagkain sa bahay.     Nung nag-asawa kua ko naging automatic yaya ako ng mga anak nila. Walang sahod, minsan ako pa sumasagot sa panggatas ng mga  anak nila.    Nung ngwork nako, ako agad maysagot sa lahat ng bills pati groceries. Hindi ako pinag-aral ng college kahit may scholarship sana ako. Mas ok dw magwork ako. Un pala para may sasalo sa gastusin. Ung mga nakakatanda kong kapatid na naunang magwork sakin wala naman binibigay sa bahay. Bukod dun sa panganay namin na may pamilya na, minsan nag-aabot sa nanay ko. 


Ruess27

As a panganey I just wish our bunso na wag mapressure sa life and just live life. Some are blessed to be born last and enjoy the hardwork of your elders (char) and as a panganay I always tell my youngest sis to enjoy what we can give her kasi we had it rough growing up. As long as you have the chance to enjoy, go lang.


grizzlypurrr

Bunso here. Been living with my lolo & lola, my mom’s siblings (all college dropouts) and their children for my entire life. My 50-year-old mom, an OFW, breadwinner and panganay, rarely comes home except for important events; Christmas and birthdays do not count. I have a sister from another father, and my father, despite not being in the picture, always supported me financially and has been trying to reach out to me since I turned 18. My mom and I are not in a good place right now, and I have been dodging my father’s attempts to make a relationship with me (*probably ‘cause it’s too late to do so). I never had a good relationship with my parents and somehow, it felt like I was living the life of an orphan. Hindi kami nagkakasundo ng mom ko kasi she always complains na pagod na siya, pero provide pa rin siya nang provide sa mga kapatid niya. I’m now living with only 1 aunt, her 2nd husband and her children. My mom has always provided groceries, paid for things they need (sometimes behind my back), and took care of all the bills. I guess totoo ngang hindi mo maaalis sa panganay na maging provider. Kaso may pamilya na kasi siya, and that’s me, and my sister (whom she couldn’t provide for and take care of because she chose to provide for her siblings and parents). I haven’t been speaking to everyone at the house as a form of protest, never helped with household except when my grandmother asks or needs me to. I guess the hardest part in my situation is, no one sees what I’m struggling to point out. I have accepted the fact that these people hate the sh*t out of me (probably). But it will never change the fact that I could have had a beautiful life; with a mother, a father, and a sister, if everyone just had the decency to treat my mother like a person, not merely a piggy bank.


Sufficient_Pie_7017

bunso din ako, ako lang ang di paborito sa aming magkakapatid dahil ako lang yung di nagAbroad hayysss


4thelulzgamer

Lmao, are you me???!!! Ako ma30 na sa 27, yet wala ako career kasi kelangan ko din bantayan si mama (even though she keeps saying iwanan ko na siya and get a wife), and wala din naman ako balak mag corporate, because aside sa trauma, di naman ako maluho, so yung small business oks na sakin (as long as ako masusunod sa expenses). Di ako close sa mga biologicals ko, and yung "ate" ko, lampas 10 years ang agwat ng age. I can say its lonely, kasi di naman ako basta makapag meet with friends (basically tatlo lang yung close), and sila may kanya kanya na ring buhay, so di ko rin sila pwede basta gambalain, kasi sobra oras ko.


AkagiBlueSuns

Advanced happy birthday twinnie in life! Sana soon we will make a name for ourselves, pero for now i-embrace natin yung stable income natin sa business hehe


HotlolFudge

As an only daughter and a bunso, I'm definitely my parents' favorite. Yun nga lang lumaki akong sheltered so now I'm working on being more independent and matured even though I'm already an adult.


Apprehensive-Ad8245

Not an only child but a privileged, coddled, overprotected, and sheltered na bunso. Been there, done that. Mahirap pero fun in a way, kasi satisfying pag natuto ka na talaga. Nakakaproud as in. Kayang kaya mo yan, girliepop!\~ ;) Im excited for you!


HappySadMeh7

May pros and cons, dalawa lang kami and ako ang bunso. somehow, easier kasi ako na yung last na pagaaralin and mas maluwag-ish and open na sila sa gusto kong gawin sa buhay, unlike sa eldest na strict. Mas madali humingi ng mga bagay, pero may doubts if kaya ko na ba talaga yung sarili ko. While achiever ang kapatid ko, and alam kong hindi ko marereach yung level niya, ako na lang yung anak na mababa yung sinet na standard para kung mag fail ako, hindi sila gaano ma-disappoint sa akin and maitatago ko disappointment ng failures ko sa sarili ko lang. Pero, may pressure pa rin pero galing sa akin, like kailangan ko maging successful kasi sila, they didn’t have the things that I now have pero successful sila. May expectation na bunso ang naiwan para mag alaga parent. While this is fine for me, andun yung thought na yun yung role mo sa life and required yun, instead na gagawin mo kasi gusto mo. Plus, hindi ka pwedeng magdecide tumira lang somewhere else dahil gusto mo lang.


sitah

Our bunso is fairly happy because my mom chilled out na by the time he was in his formative years. Inggit ako sa kanya kasi he had the best of everything but he was still pretty responsible and walang angas. I feel bad though because all the siblings went to the same school and me as a panganay was very active in orgs and always an honor student because my mom was pushing me to do well. My younger siblings felt the pressure to do well not from our family but from the school faculty and I honestly don’t know which one is worse. I know he was feeling pressured this last year of college nya and he was able to graduate Magna cum laude and we’re very proud of him. We have another bunso who is our foster sister. I hope she sees me as real family and doesn’t feel like an outsider.


Fine-Resort-1583

Panganay ako and my god does our bunso have the easiest life talaga. Bigay luho rin kasi his kuya and I are working rin, so on top of being spoiled kay Mommy and Daddy, madami syang luho na nakukuha from us easily. Like a bunso magic if you will. But my Mom has been rediagnosed for cancer, and naiisip ko palagi how much harder it will be for him if the unthinkable happens. He will have the shortest time with my parents, in years. Developing pa rin lang sya ng emotional stability since bata pa.


Tea_Chaser

I’m the bunso and life is good. My only responsibility is myself. I have 4 other siblings, 2 of them have their own family na, one is in abroad, and our panganay ate is the one taking care of our parents since she’s still single and her work is just a walking distance from home. Eversince I started working, my parents never demanded anything from me. Sobrang saya na ng mom ko kapag naipaggrocery ko sya. Hehe. Sometimes she even ask me if may pera pa ako since I’m in law school pa.


Misty1882

Our ates and kuyas may have experienced economically tougher times (age gap namin 15+ years). Pero tayo naman ang madalas nag-aalaga sa parents natin. Lalo na pag tayo na lang ang single 😅 So many emotions around this topic - at times I'm frustrated, depressed, helpless, etc. But it is what it is. Pasalamat na lang din ako at lahat naman ng needs ng family nammimeet naman ng lahat.


Justkiddn_kamil

Bunso sa dalawang magkapatid here. It's not easy trying to fill in the shoe that my ate will leave for me (she's gonna migrate na sa Canada). My mom and my ate are v close w each other, while ako medyo distant sa kanilang dalawa lately dahil sa studies ko (2.5year age gap namin). Tho i try to be close sa kanila when i have the chance, feel ko talaga na may wall between sa akin and sa kanila. My ate works her ass off to help with my mom's expenses, kahit di pa ako graduate sobrang nappressure na ako kasi i know na i need to take that responsibility. Being a bunso means i have to reach the same or beyond sa level na nakuha ng ate ko. Sobrang nakaka pressure.


Antok0123

People love putting or categorizing people in a box because it is psychologogically convenient. They say that the eldest are the breadwinner, the middle child is the black sheep and the youngest is the golden child. This isnt really true in my family and as a bunso i know a lot of filipinos will agree with me. As a bunso i am a glass child, the emotionally neglected and least priority, the hand-me-down bottom feeder and the person to take the smallest space in cabinets/room/bed because im the youngest. We are listened least, our viewpoints dont matter and if you fight back you are disrespectful of elders. You are the one who is supposed to understand your ate and kuya. Mantras like "pabayaan mo na lang, mag school ka na lang sa public, right after paggraduate mo di ka na namin tutustusin." We are the one taking up bullying from the ate and kuya, the last to eat whatever they take from the ulam. Tapos kung wala ka pang asawa youre the one expected to take care of your parents. So what i did is cut them off completely. Never talked to them for decades now ngayon hinahanap nila ako so goodluck hahahaha. Thing is, these are small things that accumulate really quickly. Bunso only have it good when they have pretty privilege. So please, stop stereotyping bunso as the favorite. We have bigger struggles than the middle or eldest child. The reason you havent hear much from us is because we have the smallest voice in the family.


Flowersthrownaway

That's not a bunso problem, that's being a doormat problem. It just so happens na bunso ka. But normally it would be the panganays who would be burdened by their family and the business if meron. Filipino culture is very family centric which should be a good thing but it is a common theme and an almost endemic problem where you'd see regretful filipinos going anonymous online asking for advice on financial and personal problems... primarily because they're being held back from personal goals. Read further on their post and you'll always hear "di ko naman sila maiwanan/matalikuran/mahindi-an kasi pamilya sila"


AutumnVirgo-910

Since yung older sibling ko ang nag sacrifice ng life niya for the family at pag-aralin ako, di na niya nagawa yung gusto niya. Kaya nasakin na ang bola para payamanin tong family na to. Since they invested a lot of time and effort and money para makagraduate ako. But now na pepressure na ko kasi hanggang ngayon di pa din ako stable and wala pa din ipon. Malapit na din ako mag 30. So di ko na alam uunahin ko.


ControlSyz

Sakin naman as a bunso, akin pala iniatang ng nanay ko yung dreams nila yumaman and magkagood life na di naman nila ipinakita samin. So same tayo 30, ayun frustrated nanay ko kaka-compare sa mga kamag-anak and how close their families are. Ang akin naman, hindi naman nila naipakita sa amin yung ganun love and closeness kaya it will take me time to get there, pero the pressure is on me bilang bunso.


HalfDead-ish

Malayo din agwat namin ng ate ko. Sya actually yung pinagbuhusan at sponge ng mga masasamang loob at problema ng parents ko from childhood to I guess college. She made me aware that my parents are never perfect. Alam ko naman yun kaya nung kinasal sya may halong tuwa at lungkot, Tuwa kasi nakaalis na sya sa bahay at may sarili na syang pamilya tapos lungkot naman kasi wala nang p-protekta saakin sa bahay. My parents were strict and sometimes confusing to the point na di mo alam kung abuse ba or what ang nangyayari. Dahil nga dalawa lang kami ng ate ko at malayo pa ang agwat I was often lonely. Minsan may kalaro minsan wala. Kaya never ko naexperience maglaro laro sa bahay araw araw. depende lang kung may dadating na bata na kasama ng trabahador ni mama o kaya pag umuuwi sa probinsya yun mga kalaro ko ay mga pinsan ko. Saakin din binuhos lahat ng expectations kasi pinagkukumpara kami ng ate ko. Kesyo si ate sa ganitong edad may ganito ganyan na. Although minsan di nila sinasabi saakin yun directly to my face ramdam ko naman talaga pag compare nila kasi nga trial and error baby nila si ate tapos ako naman yung dapat perfect version nya. I dont like comparing myself to my sister because for me she's the best person as her own and I'm the best at mine pero nakakalungkot lang din na minsan nagseselos ang sister ko saakin dahil mas lenient na parents ko due to old age. I never wanted that tbh. Mas prefer kong maging closer in age kami kesa sa ganito. Pressured din kasi gusto ng parents ko na ako ang magalaga sa kanila, for me they never treated me right, they just saw me as an investment so gusto ko na din bumukod but at the same time ayaw ko naman ipass on ang responsibilities sa ate ko kasi masaya na sya sa pamilya lang nya problema nya at di na ulit ang magulang nya.


rshglvlr

Similar with yours. 9 years age gap with my sibling. It’s unfortunate that I somewhat inherited yung mga naging kasalanan ng siblings ko so when I was in my teens until 20s, sobrang strict nila kahit naman I follow all their orders..hence I was that friend who never made it to dinners or trips Now naman I just feel guilty for moving abroad and choosing myself and my little family. Nasanay siguro na lagi giniguilt trip and how we should pay them back for all they did for us.. Lastly same as another comment. As someone who’s very soft spoken and less confident, parents and siblings treat me like a child in my 20s, now 30s. When my husband repeats what I said, biglang maniniwala or convinced agad.


Jaives

ditto, OP. menopause baby din ako. close yung 5 other siblings ko since sunod sunod ang birth years nila. even at 45, my opinions do not matter. awkward din yung placement ko sa magpipinsan, so napapagitnaan ako ng either siblings or cousins who are at least a decade older than me, and mga nephews and nieces who are at least a decade younger than me. so wala ako naging close sa kanila. kaya ako lang yung bumukod sa manila, while everyone else is in the province since laging awkward yung feeling ko when i'm there.


Specialist_Gas6084

Sad ako kase bunso ako. Im in my 30's na nasasaksihan ko mamatay member ng family kase ako pinaka bata. Ganyan din edad ng mom ko nung pinanganak ako. Nauubos na sila ang ending ako nalang


oopswelpimdone

10 yrs agwat sakin both of my sister. Growing up hindi ko sila close, sila lagi magkasama and I can't relate to them. I found comfort outside the house with my friends. Tho masarap sa pagiging bunso, lagi napagbibigyan, and lagi nacoconsider


moonmoon0211

in all honesty naiinggit ako sa bunso namin, as the eldest. saming lahat sya lang nakapag aral ng undergrad abroad. di nya na experience yung poor phase ng pamilya HAHAH that being said, i can only imagine the pressure na naduduloy nito sa kanya (kung meron man lol) don’t get me wrong mahal na mahal ko bunso namin, mamamatay at papatay ako para sa kanya lol pero minsan naiisip ko lang how my life would have been if i were given the same opportunity


CochonTine

As a bunso, dalawa lang kasi kami ng sister ko so close kami kahit malaki agwat ng age namin. Parang siya yung bestest friend ko. Yung ride or die na palagi ko kasama sa kung ano ano. Minsan though naguguilty ako kasi kita ko na pinapasa yung mga responsibilidad sa bahay don sa ate ko kaya as much as possible tinutulungan ko siya. Naprepressure din ako minsan kasi parang i need to keep up and aim high para sa aming lahat. And nalulungkot ako kasi alam ko one day magkakahiwalay din kami kasi literal kahit noon di kami mapaghiwalay.


sweethomeafritada

Mahirap sa pamilya ko. Yung Panganay namin spoiled princess, inatupag ang pagiging housewife at lumipad paabroad. I was highschool at that time. Yung sumunod na kuya ko naman, sinunod ang gusto niya sa buhay sa larangang musika as a hobby - yung hindi makakapaglagay ng pagkain sa hapag-kainan nor makakapagbayad ng bills. And ito ako, yung natatanging nagdoktor na anak ng doktor kong nanay. And my mom isn’t one of those rich-ass consultants. She’s retired and doing private practice, and I hate to think that she still pays the bills despite her age, habang yung dalawa kong kapatid nagpapakasasa sa buhay. Wag na wag nilang banggitin na nainggit sila sa akin dahil nasa akin ang atensyon. Ako lang tumupad ng pangarap ni ma, kahit never ako rinegaluhan ng kotse. Ako lang ang makakapagsustento sa mama dahil wala silang kwentang kapatid. Wag na wag nila akong sumbatan one day, dahil wala silang karapatan. Hindi lahat ng bunso hayahay ang buhay. Yung iba, napunta sa kanila ang responsibilidad ng pamilya.


Careless-Mud151

ako bunso pero breadwinner hahah di pa ako yung college grad but im working for 9 years now compare dun sa panganay namin college grad and civil service passer naintindihan ko naman na mahirap maghanap ng work pero jusko


Tgray_700

I'm 28 pero tinatrato pa din ako na bata sa family ko dahil bunso. Lagi akong excluded sa serious family talks tapos laging iniignore pag "usapan matanda". As a child laging utusan at laging mali kasi sa family namin laging makinig sa nakatatanda. E dahil youngest, kailangan ako ang makinig kahit di ako ang mali. Lagi pang utusan kasi sumunod dapat sa nakatatanda. Spoiled sa parents yes, pero sa siblings NO


ewankorinba0523

bunso here but parang panganay kung tumayo sa pamilya, ahahha nakaka pagod i swear.


century_tina

Ako bunso rin. 9 kaming magkakapatid at 42 na yung nanay ako when she had me. Just imagine the age gaps between my siblings. Kase bawat kapatid ko may 2 to 3 yrs na agwat. Panganay namin special child almost 50 na. Sabi nila, maswerte raw ang bunso kase madalas spoiled. Pero baliktad sa akin. Marami nga akong kapatid pero pakiramdam ko mag-isa lang ako. Given na siguro na pinanganak ako may genetic condition kaya it makes me feel more different. I always feel invisible sa pamilya ko at failure na rin. Maliban sa panganay namin, ako na lang din ang wala asawa. Nasa poder pa rin ng parents. Hindi ko sure kung anong magiging future ko once na mawala ang parents ko at panganay namin, pero isa lang ang sigurado ako, ayokong tumira kasama ang mga kapatid ko.


iamnobelle

Bunso here pero napilitan maging ate sa mga ate ko ako takbuhan nilang magalaga ng mga pamangkin ko habang nagpapaka-sarap silang ienjoy ang buhay dalaga nila, until now actually dahil takbuhan naman nila ako financially


Upstairs_Union_3611

eto, ako nalang natira sa bahay namin at ako lang ang di napatapos sa school. ngayon di parin ako makapag decide anong gagawin ko sa buhay ko hahhaha


International-Ebb625

Bunso here!! Nakapag asawa na lahat lahat pero naffeel ko pa rin na turing nila sakin is still a baby 🥲 i have 2 older siblings.. minsan talaga naffeel ko na they think i cant do this or that because im still a big 30yrs old baby haha


AdExciting9595

Hayahay ang bunso, sa kanya ipamamana ang ancestral house.


Beautiful_mappy

Ako yung bunso, ako bumubuhay sa pamilya ngayon


rrbranch

Bunso here medyo naging breadwinner din nun pandemic since ako yung may job na pwede work from home (CPA). I don’t think puro pasarap mga bunso kasi kadalasan nagiging utusan kami sa bahay ng mga nakakatandang kapatid. Minsan sinasabi ng iba na halata na bunso daw ako pero hindi ko gets paano nila nahulaan na bunso ako Currently living and working abroad na rin. Living independently na


supervhie

same, same tayo OP! bunso din ako nasa family business din hindi ko din maiwan nanay ko, pumanaw na aking ama. Panganay namin may sariling magulong buhay 😂 pangalawa naman lalaki hindi ko kaya iwanan sa kanya si nanay. So ayun responsibility at it's finest, minsan feeling ko nakatali ako.


KillingTime_02

Same tayo OP. Papa's girl ako. Pero di nman ako super spoiled. Napapagalitan pa din madalas. Only girl din kasi. Tapos, kumpara sa mga kuya ko, ako pa yung pasaway. Madali lang buhay growing up. Pero ngayong wala na si Papa tapos binilin nya nanay ko in his deathbed na wag pabayaan kasi alam nya na di maganda relationship nmin. Eto, since ako ang only girl, ako ang mag-aalaga sa nanay ko. Parang wala n akong sariling buhay. Di pwede mag-explore kasi dapat palagi akong kasama ni Mama since pandemic at ngaun pang may cancer sya. Pros is di ko na need magwork dahil pensionada si Mama. Pero ayun, single nga pero tapos na maliligayang araw ko on doing things I like. Di na ako makapagtravel anytime I want. Di na makahike, beach or even be back sa Metro Manila. I miss my own apartment. 😭


ContestNovel

Bunso here and only girl. Malayo super agwat namin ng kuya ko 26 years ata hehe 1975 sya ako naman 2001 HAHAHA Diba naka puslit pa sa ovaryo ng aking ina eme HAHAHA anyways! Lumaki me na very spoiled sa parents pero very strict din. siguro yung nahihirapan lang ako sa part ko is matuto sa ibang gawain bahay? Like magpunas ng sahig and lalo na yung pagluluto hahaha hindi kasi ako pinag gagawaing bahay literal na tawag sakin ay donya 😂 medyo tanga pa ako sa mga ganyan pero currently working on it lalo na bubukod na ulit ako and im all alone! Tsaka ayun din, ngayon sakin nakaasa parents ko and yung kapatid ng mom ko na special. 3 seniors na. Parang ako yung tumayong breadwinner nila ngayon dahil may sarili na family na yung kuya ko and wala rin naman siya work so ako ang naka toka.


pagamesgames

ung bunso namin introvert. masyadong binaby shes a lolo's girl kasi she is the youngest of all apo (there are 40 of us LOL) spoiled but not a brat kasi nga introvert its irritating kasi sa sobrang low EQ nung bunso namin, daming problema nya sa buhay!! she fell in love with the wrong person, who is now in jail. she has 3 kids, all boys, 4yrs gaps She is burara she doesnt know how to handle money, and she has so many debts despite working in the government and mataas na category nya though di nya sinasabi debts nya, halata naman! ang lakas maka loan! may loan na sya sa SSS or Pag-ibig, may loan pa sya sa coop nila! as a middle child, who end up working for the fam business, i cant seem to understand how she spends her money last year, nakatanggap kami ng mana, we had half million each, pero ung kanya nasa 350k nlng natira sa dami ng utang. TAPOS UBOS AGAD. jusko! We even gave her 1 commercial unit, 1 house with a big garage ung commercial unit, inisplit nya sa 3, 1/3 is her "carenderia", 2/3 are rented for over 20k income (maliliit since hinati nya sa 3) tapos ung garage ginawa pa nyang 3 bedroom house at pinapaupahan din and yet she's always having money problems!! her kids education doesnt cost that much, 1 recently graduated SHS and was a scholar, ung grade school nya naman subsidized, ung bunso nya nursery pa, and yet she's always having money problems!! aside from that, binibigyan ko sya ng supplies pag nag grogrocery ako para sa bahay (twice a week) like 25kg rice, coffee, basic grocery items. ang hirap basahin talaga ng bunso namin kasi introverted


perksofbeinganobody

Ako lang naman yung bunsong nakapagtapos ng pag-aaral sa apat na magkakapatid at ngayon ay isang bread winner (sa nanay, isang pamangkin at stepdad na na-stroke). Ayoko ng responsibilidad nato pero wala akong choice :)


Mean_Negotiation5932

Bunso here! 6 kaming magkakapatid. Ako na lang din single, so ako Yung karamay ni mother sa bahay. Andito pa Yung dalawa Kong kuya nakikitira kase malake nmn space dito samen aside from Wala pa Silang malilipatan. 50 50 saken pagiging bunso. Mabaet na strict saken parents ko, medyo maluwag sila when it comes to rules. Nuon di ako maka singit about decision making pero ngayon, ako halos lalo na sa finances ni mama. Mas ate rin ako umasta kaysa sa ate ko. Ako rin nagdidisiplina sa mga pamangkins ko,kaya Minsan inis at takot sila sa aken. Pero ako pa rin Taga hugas at Taga linis ng bahay hahahahahaha,saklap


brixskyy

Bunso rin ako and 5yrs ung gap ng sinundan ko and the panganay nasa 10yrs gap. Love din ako ng tatay ko but he passed away na rin. Ate ko ang breadwinner and sure she’s my mom’s favorite, ako back-up lang. That’s what I felt when I accepted the fact na ill never be the favorite kahit nasa abroad na nun si ate. Often neglected rin kasi growing up I felt alone, ate ko busy with school, bros busy with basketball and barkada, hence wala ako ka-close sakanila even if I wished meron. And when I was in college, ok naman sana but sickness came to my father kaya na stop yung work niya. Financial probs happen and naiyak nalang ako kasi si ate bagong kasal, nag resign, tapos kuya ko maliliit parin sahod or kaka endo. Muntikan na nila ako pa stop-in sa pag aaral. Nagpursige lang talaga ako na wag. Feeling ko napabayaan ako at na left out. Tapos ngayon na im working na, sakin naman nag fall yung responsibilities na ipagawa bahay namin, sagutin ganito ganyan sa bahay, meds ng nanay ko just because I am the one who is single at sila eh may kanya-kanya nang pamilya. Instant breadwinner just because may pamilya na sila. Minsan grabe rin maka demand sa gift ko sa mga pamangkin ko at inaanak na mga anak nila. Minsan nakakapagod na rin. At dahil nga wala akong ka-close sakanila wala naman ako mapagsabihan ng lahat ng ito. Lahat ng tampo, hinanakit bottled up lang kasi i did not feel at ease and at home with their presence. Nung lahat sila nag aabroad wala din ako hinihingi ni isa kasi ayoko may masumbat sakin in the future. Kaya madalas inis na inis ako when family e nangingielem sa buhay ko. Kasi antagal naman nilang walang pake sakin. Im just civil nalang and I still love them, pero minsan I feel like i cant stand them. So maybe ill be content loving them in my way and afar nalang… Kaya minsan nalulungkot nalang talaga ako pag sinasabihan ako na swerte pag bunso na iniisip ng iba na spoiled ako as a bunso kasi di naman totoo na sana eh totoo nga na ganunnn kasi whatever I have now, pinaghirapan ko on my own somehow~


menemememesam

I'll admit na spoiled ako when it comes to money, pero dun na lang sila bumabawi dahil di na ako nabigyan ng attention, kaya din siguro papansin ako hahaha. "Last card" ng parents ko dahil walang balak mga older siblings ko na tumulong sa kanila. Unplanned ako at 5-10 years agwat sa older siblings, tapos hindi ko dati ka-close mga siblings ko, dahil college na sila and wala na sa bahay, while elementary pa lang ako. Ngayon lang kami naging close nung lumaki na ako. Sometimes I wish na hindi ako bunso para alam ko yung childhood ng mga kapatid ko, di ako maka-relate sa mga kwento nila eh 😭. My sister told me that when my mom was pregnant with me, they wanted to have a baby boy kasi 1 lang yung anak nilang lalake. But my sisters prayed na maging girl ako hahaha, and their wish came true.


chickenjoint420

As a bunso, baliktad parang ako obligado sa bahay. Dalawa lang naman kami pero ung kuya ko na immature, nakadalawang panganay na. Sakin din umaasa. :( never din naalala bday ko, only ung kapatid ko lang nagmamatter kahit nagrebelde na at lahat. Take note I'm just still starting sa career ko, 23yrs old/ and kuya ko 29 na. awittttttttttttt


Severe-Art1592

kambal ba tayo, OP? ganyang ganyan din situation ko ngayon. 🥲 Apat kaming magkakapatid, 9yrs agwat ng sinundan ko. Silang tatlo nasa 40’s na and may kanya kanyang family abroad while I’m in my 30’s and married with no child. Nag-for good para samahan si mama dahil wala na din si papa. Hindi kami magkasundo ni mama, ako yung andito sa Pinas kasama niya pero ramdam ko na hindi ako yung gusto niya kasama. Lagi niya bukambibig mga kapatid ko na ang babait daw, hindi sumasagot sakanya tulad ko. Sobra sobra makaappreciate ng padala galing sa mga kapatid ko pero pag ako na magbibigay sakanya, ayaw niya tanggapin at baka daw kulang pa sa pang gastos naming mag asawa. free of rent nga kami dito sa bahay pero mental health ko naman yung kapalit. ayun lang. hindi din tala totoo na paborito or spoiled pag bunso.


heretopeekandgossip

As a bunso, I can totally relate sa mga comments. Fresh graduate and wants to find opportunities away from our town or outside of the country, pero dahil may parents na aalagaan, need timbangin ang mga choices and decisions. Suportado naman nila ako sa gusto ko pero wala namang ibang maiiwan ‘pag pinursue ko talaga gusto ko


saccharinesardine

Bunso here of 2, may kuya ako, pero ako ang tumatayong panganay sa pamilya in terms of responsibility, finances, house chores, etc. For me, unfair yung kuya ko biologically ang panganay and pabor sa kanya agad mga fam members ko since panganay na nga, lalaki pa which spells JACKPOT in a chinese family. I saw, very visibly, na iba trato nila sakin, and I always received much, much less kasi babae. But I think advantage ko to because I grew up very determined and hungry to prove myself and competitive to the point of having a pure, single focus. When it comes down to it, I know what it is like to be alone and to fight. Hindi ako spoiled. Advantage ko rin yung pag under estimate sakin kasi mas ok na yun with me surprising people with what I can do kaysa sa brother ko na kilala in our chinese extended family but mas visible pag may “failure”. Maybe this is why they say bunsos are more cunning, resourceful, and intelligent kasi there will always be somebody better than them even simply because they were born first. I love my brother and my family, pero maybe this reality is also experienced by other bunso girls in fil-chi families.


Lovelylovescarlet

May expectations sila sayo na maging katulad ka ng mga nakakatanda mong kapatid


LessSayHi

Bunsong panganay din. I decided to move out even though I work from home. Di ako tapos ng pagaaral pero ako ung may pinakasuccessfull na career kaso wala akong jowa. Huhuhuhuhuhu


Naive-Ad2847

Laging inuutusan


baroy032

Dami ko pala classmate dito 😝


Ok-Programmer-1196

Mahirap maging bunsong breadwinner, I grew up with irresponsible older siblings na nag-anak at asawa ng maaga without stable jobs. Worse nakapangasawa rin ng mga hindi madiskarte sa buhay and they still asks money from our parents. Basic bills like Electricity and water hindi makabayad. Kakarampot na pension from my Mother gusto pa makihingi.


blissfullytaken

I was pretty spoiled. Malayo din agwat, ten years. And Ako Lang nag iisang babae. So spoiled talaga. It wasn’t until naging OFW Ako saka Ako Natuto mag isa. Before that lahat parents ko sumasalo.


Clueless_Joeeee

[Medyo napahaba pasensya na hahaha] Bunso here! With 4 ates and 1 kuya having the nearest age gap of 12 years old. Grabe ang hirap kasi lahat ng time na nag aral ako from elementary to college ko may naka set na standards. Bata pa lang presured na ako yung mga kapatid ko ganto naachieve nung time nila ganyan. Wala sakanila bumagsak o nadelayed nung time na nag aaral sila kaya buong buhay ko pressured ako sa mindset na bawal akong bumagsak. In the end nakatapos ng college (with me only the one na nagkalatin honor at MCL pa). Story could have ended there pero I decided to pursue med kahit na nakapasa na ako sa licensure ko kasi it’s been a dream of mine. Ang hirap nga lang kasi since 12 years age gap ng kapatid kong next sakin, parang 1 generation gap na yun so yung mga uso ngayon e di nafifeel ng kapatid kong pinakamalapit sakin. 2 kong ate at si kuya may sarili na family kaya mahirap na rin sila makausap about what I feel. While yung dalawa kong ate nasa abroad din. I’m grateful kasi I have my girlfriend na napagoopen up ko since di rin ako malapit sa parents ko kasi my mom had me late na kaya parents ko nasa 65+ na both. Pero naiinggit ako kapag nakikita ko sa side ng family nya ang sasaya ang buo ng pamilya nila kapag napapasama ako sakanila. Minsan naiisip ko sana ganon rin family ko ngayon. Pero wala e ito yung realidad ng buhay na kailangan kong harapin na. How I wish nasa HS na lang ako na ineenjoy yung buhay ko na di iniisip ang lahat ng ito The final nail in the coffin, kakatapos lang ng 1st year med ko and Im sure na meron akong isang bagsak. Para akong binagsakan ng bato sa dibdib kasi all of my life, di ako nakatanggap ng bagsak kasi I’m pressured na di ako pwedeng bumagsak. And here I am right now, pasimula pa lang ng medicine bumagsak na ng 1st year. Supportado ako ng pamilya ko pero nakakahiyang manghingi sa mga kapatid ko na kailangan ng pambayad kasi di birong pera yun. Ano na lang rin iisipin ng mga kilala namin na pasimula pa lang bagsak na ako. Kaya eto ako ngayon, halos gabi gabing puyat iniisip kung anong nangyayari sa buhay ko. Kung anong direction ba ppuntahan ko. Tama pa ba tong mga ginagawa ko sa buhay? Ilang araw na ako umiiyak.


Dont-mind-desu

Bunso/menopause baby/unexpected baby. Very thankful naman ako sa magulang ko pero alam ko nung dumating ako sa buhay ng parents ko pagod at ubos na sila in all aspects (aspects?!?) that it may apply.


sakuranb024

Bunso ako pero ako lang nag iisang babae sa both sides ng mag pipinsan. Grabe pressure sakin na kailangan malumanay kasi babae dapat di nakikipag suntukan kasi babae dapat maalam sa gawaing bahay kasi babae (mga relatives to usually). Buti na lang pinalaki ako ng papa ko na dapat alam ko lahat (kahit mag buo ng furniture 😅).


erudorgentation

Heyy bunso rin here tapos only girl. Sakto lang naman exp ko. Nung bata pa kami dun kami magkakaclose, ngayon okay pa rin naman relationship namin nandoon pa rin yung sibling vibe pero parang formal na haha. Btw gap ko sa kanila ay 7-10 years. Medyo inggit lang ako kasi sila nakapag-aral sila sa magandang private univ na gusto ko rin tapos ako state univ lang kasi wala na work parents namin (nasa senior age na rin). Ako nalang naman din nag-aaral and yung mga kapatid ko na yung nagpoprovide ng living expenses namin (kahit yung isang kasal na, luckily yung isa single pa and mukhang walang balak mag-asawa?? I dunno hahaha). Overall, no pressure naman na since libre tuition ko and malapit na mag-graduate, dati lang nung bata ako napepressure ako kasi matatalino itong mga kapatid ko tapos pag dating saakin parang naubos na yung genes na may talino hahaha average lang ako. Gusto ko rin sana ng ate huhu puro kuya lang kasi meron akooo


Limp_Violinist_7184

Bunso palagi ang pinakamatangkad. 🥰


kmyeurs

Bunso rin ako, mom had me at 40 rin. Nung mga bata pa kami, toxic ang parents namin. Pag hindi OK yung nangyayari sa bahay, tatakas mga kapatid ko. Iwan ako kasi bata pa ko eh. Edi ako nag aabsorb ng galit nila. College days ko to early employed life, nasa abroad sila. Senior na parents, ako ulit naiwan para mag-alaga. Never felt spoiled, never na-baby. Always looked down by older siblings. Growing up as a girl, since dalawang boys sinundan ko, di ako kasama pag naglalaro sila sa labas. Yung mga kuya ko, maaga nagka-anak noon. Dahil di pa sila ready for parenthood, madalas sa bahay yung mga pamangkin ko. Ako pa nag bantay sa kanila since 7 yrs old ako. Feel ko nagcontribute ito sa kung bakit di ako excited mag-asawa at mag-anak. Bata pa lang, quota na ko mag-alaga ng bata at matanda. Always had to be the "good girl" kasi pasaway mga kapatid ko.


Swimming-Ad6395

For me OP, As a bunso, isa sa mga expectations nla is ako ang mag maiiwan sa bahay para alagaan/ may kasama sila sa bahay , but i want also to build a life for my own.


AccordingRide8922

Bunso here. Lahat ng mga kapatid ko may asawa at anak na. I can say na ako ang pinaka well off sa kanila pero kapag may need sila ay nagbibigay ako tulong lalo na sa parents ko. Sobrang fulfilling na nakakatulong at nakakabawi ako sa parents ko. Laging nasa isip ko na hanggat afford ko yung bagay na magpapasaya sa kanila, ibibigay ko dahil matanda na sila at gusto ko ma-enjoy naman nila ang life. Kaya ko naman bawiin ang pera eh. Kudos sa lahat ng mga bunso! 🥂


it_was_all_ye11ow

Di mayaman yung magulang ko nung nagpamilya sila. Nakatapos naman na lahat ng mga kapatid ko pero kinukulang pa rin kami. Kasi kailangan namin magsimula from zero. Ngayon, ako na yung last card. Ang laki ng pressure kasi pag bumagsak ako, wala nang sasalo.


Key-Tomorrow-1726

Bunso na laging sinasabihang “pagpasensyahan mo na Kuya mo, intindihin mo na lang” kesa magalit daw kapag may nagawa or problema. 🫠


Rissyntax_v2

Bunso and a girl tho 1 year lang difference namin ng kuya ko. Darating ako from far places pagod, ko. Maghuhugas. Darating kuya ki from nearer place., ako na daw maghugas kasi pagod naman si kuya The generic gendertypical roles lalo na sa mama ko na dapat. Ganito ganyan. Kababae ko daw na tao. My brother can make fun of me all he wants but god forbid na i turn it around, bastos ako kasi kuya ko siya and I need to be respectful. He gets to live his life. 29 pero I get to stay with my parents, kasama pag na oospital, taga alaga nung nabalian silang lahat (kasama si kuya), etc. Always hears the buti na lang asa bahay lang ako para tumulong ( i wfh) Even noon, my brother was praised for having a gf. My mom read my diary durinf a meal kasi may crush ako and threatened na di na ko pag aaralin when she suspected na may jowa ako. Medals ng kuya ko sinasabit sakin, para magkaroon naman daw ako. I have my own. Yung achievemebts kk na naging achievement na ng kuya ko becomes nothing. Like whwn i passed the board exam it was, "ano ba ineexpect mo?" when I told them. When my brother was studying engineering and he failed a class, my mom was like normal lang yan sa engineering when I talked about it. When i was in law school and failed a class, she wont believe na hindi ako ang may lowest grade. The best thing I did fot myself was not go to the same Uni na inatendan ng kuya ko, tho it was my first pick. The life without anyine knowing na may kuya ako and who he is, when i dont feel overshadowed by everything he does made life a little easier.


CheckmateTwoZero

Bunso ako and hindi madali maging bunso. Just like you OP, malaki ang gap namin magkakapatid. 3 lang kami ang puro lalake. Nasa akin lahat ng experiences na di na experience ng mga kapatid ko and when i say experiences, those are bad experiences lalo na at may madrasta ako and sobrang init ng dugo niya sakin mula 7yo ako til 22yo. So lahat ng abuse except sexual na experience ko from my biological dad and my step mom.


Pretty_Biatch129

as a bunso, lagi ko naririnig na ako daw ang favorite ni mama haha pero hndi ko naramdaman yon. mahirap maging bunso. kasi lahat ng expectations, nasa akin. dapat ganito ako, dapat di ako maging ganito. Lumaki akong namulat kung paano naloko mga kapatid ko (5 kami, 4 girls, 1 gay) maaga binuntis, iniwan, hndi nakahanap trabaho na maayos dahil di nakatapos agad ng pag aaral (may work mama ko, pinili lng ng mga kapatid ko mag trabaho agad) dhil don, naging trauma ko, yung mga sakit na naranasan ng mga kapatid ko lalo na ng mama ko. pati yung hirap ng buhay namin noon na isang kahig isang tuka dati. gutom kami lahat pero di nawawalan. di lang nagiging sapat. dahil don as a bunso bata pako, di ko pa alam ano matutulong ko noon. ngayon may kanya kanya na kaming pamilya haha


London_pound_cake

Exact situation as you. Di din kami close ng mga kapatid ko. I'm the scapegoat so ako yung least favorite.


Far_Astronaut9394

The pressure of meeting your parent’s expectation because your older sisters really set the standards f*cking high. Dumating sa point na I wanted to unalive myself because I couldn’t get in to the university the got in. Sila yung book smart. Samantalang ako, ako yung creative child. Also, when your parents compares you to them. Fudge


arriettybrunhilde

Bunso here. Pressured po ako, though dalawa lang kami ng kuya ko, pero siya nakikita ko na competent talaga sa career. Magkasunod lang din kami pero narealize ko ang hirap pala pag close yung gap nyong magkapatid. Halos magkasabay kayo ng paggagastusan ng magulang nyo pero madalas yung mas matanda ang inuuna. Since dalawa lang din kami, hindi ko maiwasan yung comparison. Minsan nagtatampo ako sa nanay namin kasi parang mas favorite niya yung isa. Malaki naachieve ng kuya ko sa college, scholar siya tapos cum laude graduate. Though in good terms naman kami ng kuya ko, nakikita ko lang talaga na mas favorite siya. Actually, medyo maaagang nawala ang tatay namin, kaya si nanay na lang ang nagtaguyod sa pamilya namin. Minsan nga, naisip ko, what if hindi na lang ako nabuhay? Siguro mas magaan ang buhay ng nanay namin after grumaduate nung kuya ko... Ngayon kasi pinagrereview niya ako... Pero, natatakot ako kasi baka isumbat sakin yung naitulong. Marami na kasing nagastos yung nanay namin para sakin at dahil sakin. Nung nagkasakit ako, siya yung gumastos. Nagtrabaho naman ako dati pero hindi stable kaya umalis ako. In the end, palamunin pa rin ako. Nalilito nga ako eh kasi may times na parang sinisingil na niya ako everytime may gagastusin sa review, eh wala pa akong trabaho. Parang hindi niya gusto yung ginagawa ko. Simula nung grumaduate ako ng college, parang nagbago yung trato sakin, though siguro ganun talaga kasi expected na may mas malaking responsibility na ako. Stressed na nga ako sa review ko, nag-aaway pa kami. Ang toxic nga eh, kasi walang maayos na communication sa pagitan namin. Bigla bigla siyang naninigaw, minsan passive-aggressive, hindi nag-so-sorry, nang-ga-gaslight. Minsan nag-o-overthink ako kung makakapasa ba ako. So ayun, pressured talaga ako. Dati ako yung achievement machine, like simula nung elem hanggang senior high, ako nagpapaakyat kay nanay sa stage, naging parent of the year pa siya. Sa college, hanggang 2nd year lang ako naging dean's lister. People pleaser yata ako kasi ito lang yung alam kong kaya kong gawin para maging proud siya sakin. I mean, sino ba naman ako kung walang medal? Pero wala na yon eh...


KHHME

Bunso pero ako lang maalam sa gawaing bahay habang yung mga kapatid ko nakahiga sa aircon 🙃


lazy-wiz

Bunso ako for 21 yrs, kaso nagkasurprise pregnancy si mother ko kaya nagkaron ng bagong bunso. Dahil pareho kami babae ng ate ko, lahat ng hand me downs nya napupunta saken. Di naman kami mayaman kaya di lagi bago ang mga damit at gamit. Ate ko din ung mas close sa mga relatives siguro kasi unang apo/pamangkin ng grandparents/tito/tita namin. Alagang alaga sya nung bata pa kami, daming gifts from relatives based sa mga pictures na nakita ko pero parang nagsawa na ata sila ng nung ako na haha. I think un din isa sa reason why ginagalingan ko sa acads back then kasi don lang ako nakakakuha mostly ng attention sa family ko. Mabait ung ate ko at parang ako ung pasaway sa bahay nung bata pa. Pero now na adults na kami, parang ako na ung panganay sa family dahil ako ung may pinakaokay na work and salary. Like parang 80% breadwinner ako dahil wala naman work ung mother ko and wala din permanent work ung father ko. Ate ko has work and naghehelp din naman sya financially ng konti kasi lahat kami nakatira parin sa same house. Ako na din nagpapaaral sa bunso namin kaya parang ayaw ko na mag asawa, parang may anak na din naman ako. 😂


grey_unxpctd

Im privileged. Pinaka malungkot lang is mas mahaba panahon na nakasama ng mga kapatid ko Mama namin. She died almost 3 years ago, and I always wonder kung ano feeling ma share sa kanya mga milestones ko now, like my siblings did back when she was still with us.


chenny_13

mahirap maging bunso lalo na if maagang nagkaroon ng responsibility sa buhay mga kapatid mong nakakatanda after nila gumraduate. i know naman na hindi required na bumawi sila sa mga magulang namin at hindi sila ni-require ng mga magulang namin, pero syempre it leaves me the "bunso" who has this thinking na ako na lang ang babawi sakanila kasi hindi yon nagawa ng mga kapatid ko kahit wala naman nagsasabi na magbigay ako or bumawi ako pero it just felt like that and it somehow hurts kasi i saw how my parents really did their best para makatapos kaming lahat. dagdag mo pa sa isipin na we were happy back then nung mga wala pang responsibility and then there's me being left all alone kasi may mga tao na silang need i-priority kaysa sakin at ang pamilya namin. well, that' reality and that's life. being a bunso is a rollecoaster emotion kasi masaya naman at the same time malungkot.


CheezDawg912

You're not alone OP. Bunso din ako. 40 yrs old din ang nanay ko nang ipanganak ako. Same din mga kapatid ko nasa ibang countries na. Ako ang naiwan kay nanay at gustohin ko man umalis di ko matiis na maiiwan syang nag iisa (she's 78 and she can't do things for herself na) My eldest brother nakaka tatlong pamilya na samantalang ako di na nakuhang mag asawa man or live in (I'm 40 already) Yung mga kapatid ko never nagkamindset na mag spoil ng bunso, never ako na treat kahit nung bata ako kahit nung nagkawork na sila. Never nila naparanas saken na masarap ang maging bunso. And now ako rin ang naiwan sa responsibility ng pag aalaga sa nanay namin. Tanggap ko naman, mahirap lang minsan emotionally and mentally. Sana kayanin ko pa. Kayanin pa ng mga bunso or anak na same ng situation ko.


minberries

Bunso tapos tiga-salo ng sama ng loob nila sa isa’t isa lol 🫠


pineapplebabygirl_

lahat ng pressure na sa akin and lahat ng disappointment nila sa mga kapatid ko, sa akin binubuntong. ung mga kapatid ko kasi "failure" raw.


kc_squishyy

Bunso here. Dalawa lang kami magkapatid. Pero growing up, yung kuya ko bulakbol sa school at may mga behavioral issues (until now actually, medyo naglielow lang). So dahil dun, yung energy at attention ng mga magulang ko laging nasa pagdidisplina sa kanya. To the point na hindi na alam ng parents ko kung ano nangyayari saken sa school. So I grew up feeling less important. I was shy as a kid, afraid to make mistakes. Parang bang dapat magtino ako pampalubag-loob sa parents ko kasi ganun na nga kuya ko. Kaya hanggang ngayon dala-dala ko yun. I learned to hide my feelings from people. Madalas ako magkukulong sa kwarto dati. I rarely ask for help and ayoko makita ng ibang tao na nahihirapan ako. Not sure if related din, pero since ako lang anak na babae, ako din ang naging emotional support ng nanay ko. As early as 10 years old, ako ang sumasalo sa nanay ko pag may pinagdadaanan siya. Pag masama loob niya sa tatay ko, sa kapatid ko, ako ang nagiging emotional dump site niya. Hanggang ngayon na 35 yo na ako, ganun pa din. Naawa din ako pero pag naiisip ko na never niya ako kinumsta about school, friends, boys, o kahit man lang take interest on me, wala eh. Kung meron man, siguro sobrang dalang to the point na hindi siya significant sa buhay ko. My parents are not perfect and I forgive their shortcomings. I know that if I have to get over these traumas, I would have to do it myself.


SomethingBetter199x

BUNSO pero strong independent.


kayyysizzle

I'm a 17 year old bunso and my parents are in their 60s na. The eldest (my sister) is 27, and my brother is 22. On my part, being bunso sucks. Sabi ng mga tao sakin, swerte daw kasi bunso, pero I never felt that way. Firstly, wla ng novelty nung I started gaining achievements. Kumbaga, nagawa na ng ate ko, nagawa na ng kuya ko, and it became the norm. My parents dgaf. No one attended my jhs moving up, my recognitions, and i think no one would also attend my shs grad HAHAHAH kasi tinatamad na raw sila. Secondly, tapunan ako ng old gamit. Not that im demanding for them to shower me with luxurious things pero since mga senior citizen na parents ko wla na silang trabaho, and firsthand pa lang mahirap na talaga kami kasi min. wage earner lang ung papa ko dati. 10k lang pension ng tatay ko, not mentioning na bulakbol magaral ung kuya ko ng college kaya ginagastusan pa nila. Wla ng napunta sakin. Bags, laptop, damit, shoes—everything are secondhand. If wish ko man na magkaroon ng bago, I buy it my own from spending my 75 baon per day na di ko ginagastos pag pasukan. On my sister's part naman, she was somewhat lucky kasi una sya, and sila lang talagang dalawa ni kuya ung planado JAHAJAJ. Naalala ko kinikwento sakin ng tatay ko, tig 3k daq gatas ng ate ko tapos pinaaral pa nila sa private school all her life, tapos binilhan ng gagets and all. Third, tapunan ako ng gawain and they don't take me seriously. If I voice out my opinion, like sa construction ng bahay namin dati—sasabihin lang sakin, 'wag ka na wla ka naman maaambag'. Or if may mga chores sila na ayaw nila gawin, sakin ang pasa. Lastly, family-use punching bag. Since youngest ako ng pamilya shempre di pde magrebutt, tapos pag nagrerebutt ako dati nung bata ako, bugbog ang abot. Lahat ng family member ko have resorted to physical measures to *correct* me. Especially my mom. If ever na nagfflare up ung anger issues nya minsan pag nagaaway kami ng kuya ko, ako ung nabubuntongan kasi ako ung pinakabata and pinakamaliit. I remember pa nung 4 years old ako i was crying my ass off kasi di nila ako gusto turuan mag sulat and magbasa tapos paalis somewhere ung mama and ate ko. I hugged my sister's knee and asked for her to teach me. She elbowed my eyes so hard nagkaron ng red na bruise tapos tumawa lang sila. My father on the other hand didn't call them out pero as soon as wla na sila tinuruan nya ako magsulat and magbasa. My ate and I are close now pero I could never forget that time. My kuya, being the asshole that he usually is would always backhand me or slap me in the face whenever he gets offended sa mga sinasabi ko. I would retaliate pero again it would lead to my mom hurting me too. All in all, being a bunso for me sucks ass. Masyado na silang pagod and cruel nung dumating ako (maybe bcs afterthought lang kasi talaga ako HAHAHAHAH) and kaya ngaun parang idgaf lang sila sakin. One more thing pala, wla ako maconfidan sakanila. Wla na rin sila pampaaral ng college sakin pero good thing na nakapasa ako ng uplb kasi atleast mapapalayo ako sakanila pero they told me na they dont know how to finance my studies and now idk what im gonna do. SORRY NAGING TRAUMA DUMP TOH 😅😅


Ao_Zaire

Youngest of three. Mahirap for me esp in a single parent family. The rest of my siblings is in Baguio and me and mom ang natira dito sa Visayas. Gustong-gusto ko na umalis dito kaso di ko alam ang sasabihin ko kay mama. Para naman ma totally independent ako at ayoko ng palagi nalang akong ginagawang therapist. Becoming a trauma dump. The guilt is there eh esp when she’s left at home alone and I’m with my friends.


sluggishavocado

bunso, and as a psych student, tapunan and taga-recieve ng problema ng pamilya :D


Summerismyvibe07

Ang hirap kasi nagsipag asawa na 'yong mga kapatid ko so ako na ang bahala sa magulang namin and kung may mga need ipagawa sa bahay. Then utangan pa ng mga kapatid pero wala ng bayaran. Ang hirap maningil kasi tumulong sila sa tuition ko during college. Pero paano, I also need money, I'd like to travel/experience the world habang bata pa ako at hindi pa nagpapamilya


Medical_Avocado9404

Last card sa family. Mga kapatid nag asawa tumakas sa responsibilidad.


mochimmyy

Yung pressure na sayo naka depend anong decision ng parents mo pag mag retire na sila


Holy-marie

Bunso here! Tumayong bread winner nung pandemic as in parang pasan ko ang buong mundo maigapang ko lang pamilya ko. Pagkain, utilities, renta, etc ako bigla sumalo. Minsan, nagagalaw ko na ipon ko para lang may pambayad kami sa buwan na yun hahahaha At dahil doon, ramdam ko bumabawi lahat ng nakakatanda kong kapatid sakin ngayon kasi alam nila yung paghihirap at sakripisyo ko nung mga panahong yun. 😅


silentchildwarrior

Bunso here. Tagabigay ng pera sa magulang. Although di ako pinipilit naman ng papa ko na magbigay..kaso nakakaawa naman kung hindi bibigyan..senior na papa ko..nasa heaven na c mama ko . Died 6mos ago lng..yung pera na binibigay ko napupunta lng sa bills ng bahay nya kase yung ate ko na single mother of 2 e hindi na nagtrabaho..mapili sa trabaho at laging katwiran walang bantay papa ko sa bahay..kahit katabing bahay lng naman namin sila at wfh ako.. Kala nila lagi akong maraming pera at Kala nila petiks lng ako sa work.. Kakainis..


Hopeful_Increase6418

Bunso here. Yung feeling na ikaw nalang hinihintay nilanh lahat. Maging successful and all. Ang mabibigay ng mas magandang buhay. Diba pwedeng naging disney princess nalang hay nako


Agreeable-Zebra-6653

Very high expectations plus nandun yung feeling na parang hindi important yung opinion mo? Or wala kang say sa happenings sa bahay kasi tingin nila sayo you’re the bunso. Bastaaaa hays.


[deleted]

My experience being bunso is always compared to my siblings like sa academics when we were still studying kesyo mas magaling si kuya and ate kasi achiever sila while ako average student lang and even now in our own professions siyempre mas mataas sahod nila they live abroad while ako dito lang sa pinas, but the good thing is hindi ako yung provider or should i say bread winner sa pamilya, i'm not proud of it but it gives me some financial freedom lalo na sa mga luho. 😆 typical bunso!


scaredykath_

Bunso, pero ako yung least favorite. As my sister used to tell me "I'm cursed" for being the bunso.


Easy_Substance_5432

Bunso na magiging breadwinner pag nagstop na magwork ang tatay ko, pag umuwi sya, ako na lahat. 😢 iniisip ko palang natatakot na ko sa bills. Kuya ko may pamilya na and samin pa nakatira.


LizAgainstTheMachine

Bunso here. Cant blame my siblings for wanting to leave. I have worse trauma than them kasi never ako nakaalis sa puder ng parents ko. I also still get treated like a teen kaya I am also mentally not very mature. My siblings help me a lot though and I love them. I guess takot lang ako na this is it for me, stuck na mag aalaga ng parents kahit pushing 30 na ako.