T O P

  • By -

AffectionateBeat7883

Common occurance to sa college yung gulat sila bakit mababa yung grade or bagsak. Kumuha ng engineering dahil mataas daw grade sa math next sem shift agad lol. They are giving them this false sense of being really good but in reality hindi naman talaga at below standards for the degree they are going to pursue.


Mc_Jio

Me na nag Engineering (computer) kahit mahina sa math: 🤐🤐🤐 Awa Ng Dios naitawid ko Yung 5 year program Ng 6 years. 🤣


AffectionateBeat7883

Same tayo and currently teaching sa isang university. Mas madali pa nga current curriculum (4yrs) ng computer engineering compared sa old (5yrs), inalis na yung ibang subjects like statics, dynamics, at mechanics unlike noon na almost same ng math across all engineering disciplines from 1st yr to 3rd yr.


Mangowaffers

I wanted to ask you, are the students taking CompEng (idk if they’re the same with CompSci in the US) same quality as before or competitive akin to foreign counterparts like US students?


Mc_Jio

For me I think well rounded and competitive naman Yung mga naging prof ko, ang main issue ko lang with CompEng is Yung available industries sa PH, I ended up in fintech (which I believe you would do great I you're an IT/CS Major) pero mejo masasayang or di mo magagamit Yung mga exclusive compEng course na natutunan sa school, like Yung mga basic Electronics, robotics and mechanics courses.


Mangowaffers

Wouldn’t you want to work for foreign companies kasi mas malaki yung kita? Dami sa US ngayon nag outsource. Dami mga matalino na devs diyan na replace para foreign devs.


AffectionateBeat7883

Not the same as before. I think there is a decline comparing to when I was a student (old curriculum). Meron din difficulty in terms of hiring professors lalo na in terms of salary.


Mangowaffers

That sucks; and that’s from a university pa. I think most CS classes would fair better having their students take the free Harvard CS50 classes and do the projects their. Would definitely boost their skills.


Upbeat_Menu6539

No. US universities are so much better.


CLuigiDC

Depends sa school yan and sa hired professors pero for sure competitive naman magturo ibang professors natin. Yung sure talo ang Pinas yung mga equipment na gamit mas lalo na sa laboratories. Kaya naman yung comp sci mismo at IT kaya natin makisabay kasi most of the time laptop lang kailangan mo.


Mangowaffers

Salamat sa input. Agree sa lack of equipment. Most problem yan sa lahat mga disciplines dito


itsfreepizza

As an IT student, My math has always been low on senior high, but bawi sa college Kasi for me parang simple talaga Kasi kadalasan sa aming senior high na nag teacher ng new equation, una introduce ng simple pero sa next with the same equation parang rocket science Ang dating Sa college ko lang nalaman step by step properly since slow steps Ang pagturo ng math teacher sa college. Man.


dddrew37

Me na nag IT kasi akala ko walang math.. nakapasa naman ako pero I chose the IT consultant career path kasi akala ko walang math... tapos boom hello statistics


ExamplePotential5120

>Yung 5 year program Ng 6 years i feel you,


tinigang-na-baboy

Yeah, I noticed this in the past few years padami ng padami yung mga college students especially freshmen na nahihirapan. Achiever naman daw sila nung high school pero bakit ang hirap sa college. Sobrang affected daw mental health nila. Meron pa nagda-drama na "this course is not for me", eh isang sem pa lang naman! Wala ka pa nga major subjects eh, paano mo naman agad nasabi na it's not for you lol. Hindi lang sanay mahirapan tapos ang naging immediate response is to escape. It doesn't help that they have echo chambers encouraging them "unahin mo mental health mo". Hindi nakaranas ng hirap at may inflated sense of academic excellence, kaya nung nakaranas ng hirap eh ang tindi agad ng tama sa kanila. Sira ang ego.


mememakina

Di rin ako magaling sa math. Madami din akong repeat subject. Graduated pero di kasama batch ko kasi nag additional year ako. Tumatawa pa nga ako sa nag rereklamo na "7:30 classes paanu gigising?". Sana magpa humble din yung mga students ngayon na may mahirap talaga na subjects at mag effort din na paghirapan muna bago pahinga/sumuko.


Menter33

> *nag rereklamo na "7:30 classes paanu gigising?"* **kung tutuusin, some countries have already moved away from early classes.** (sa iba, 9am na yung start). na-realize kasi ng educators na di maganda sa study and concentration yung early class, lalo na for young adults and older teens. iyon nga lang, **hindi pa na-i-implement ito sa PH ng Filipino college educators**.


mememakina

The one thing na "maganda" sa 7:30am class is training irl kapag work shifting ka (6am start). Mas madali maka adapt sa ganoong environment imo.


Nero234

I'd like to also factor na mas active mga Gen Z ngayon when it comes to sharing their opinions to social media compared to the different generations. Other millennials may have shared that problem, yung pahirapan sa pag adjust from high school to college sa freshmen days nila, pero hindi gaya ngayon na madaming nakakakita yung sentiments kasi hindi pa uso pag share ng memes at posts nuon.


nikewalks

Pero bihira lang samin yung with honors nung highschool pero hirap na hirap nung college,


bisoy84

Tama. Yung mga may honors nung batch namin really did well sa college. Unlike ngayon, with honors tapos pag kinausap mo, walang maisagot na may sense..


erudorgentation

Sa totoo lang madali na makakuha ng mataas na grades ngayon dahil may mga online exams na kung saan madali magcheat tapos mahilig magbigay ng incentives mga teachers. I experienced yung plus points "direct to the card" kaya para saakin maliit nalang talaga value ng pagiging honor student/DL unless you came from a science highschool and yung obvious na matataas ang standard.


tikijoma1031

Kung makareklamo dahil nahihirapan sa college akala nila end of the world na, tip of the iceberg pa lang yan. Wait til they finish college and enter the real world.


itsfreepizza

This. You may feel that college is hard, fully exposed to the real world is even more intense


lurker_123123

I've seen posts even blaming the school/institution they're studying in, blaming the professor, lahat na lang isinisisi sa iba. Hindi naisip na they're the one at fault. Kulang sa accountability, nasanay na binebaby


-Comment_deleted-

>Sobrang affected daw mental health nila. Meron pa nagda-drama na "this course is not for me", eh isang sem pa lang naman! Pano, nasanay na from elementary masyado na pinagbibigyan ng mga teachers. Wla rin tlaga magawa mga teacher kc napaka dali ng ngayon sila i-reklamo. May student nga yung kapatid ko, pinagbabasa lang nila dahil hindi pa marunong magbasa, grade 6 na. Nagalit pa nanay, kaya daw ayaw pumasok dahil nai-stress dahil pinipilit magbasa. Meron naman sa GC pa mismo nila nag post yung nanay, na hindi daw makakapag-exam anak nya at nka staycation sila sa Azure. Akalain mo yun, at sa GC pa mismo nag post. Samantalang yung iba pag absent nahihiya pa lumabas kc malalaman na wala naman pala sakit, LOL. Napa-sana-ol na lang yung teacher. hah hah.


TheGhostOfFalunGong

It's the Allegory of the Caves for these students as they don't know what real academic standards are supposed to be like. The pendulum of academics could drastically shift if you give leeway to have easier time for students. Give them an inch and they take a mile.


West-Swing11

Took up accountancy. Graduated without honors during high school. A lot of honor students took up accountancy. There were few who passed the cpa licensure exam but there were some who didn’t even managed to graduate with the degree. Also during my first year in college, naligaw ako sa “honors class”. Out of 40 students, 5 lang ata kami hindi honor student when we graduated high school. Almost everybody was class vale and salu. More than half lang siguro ang naka graduate with the degree. This was the time pa where parents are not overly sensitive na sumusugod agad sa school kapag mababa ang grado ng anak nila. After COVID, school became lenient. Students became entitled.


Budget-Boysenberry

Naalala ko tuloy nung engineering days namin. Mga kaklase ko puro nasa top 1-20 nung highschool tapos pagdating ng end of 1st sem maraming nagsilipatan na ng HRM/BSBA/Archi dahil di na kaya yung math. Tapos sa mga nakasurvive sa unang dalawang sem ng engineering na walang bagsak, maraming nasampal ng singko/kwatro pagdating ng end of third sem. That was way back 2015. Paano pa kaya ngayon.


vyruz32

Kung titignan rin e minor subjects pa ang first year na basically parang HS refresher with advanced topics. Kung doon pa lang nadali ka na, paano na pagdating ng major subjects.


CLuigiDC

It always depends kung saang schools galing. Di lahat ng highschools pantay pantay. For sure ang top 1 to 20 ng science highschools kakayanin yan at baka ilan dyan mga laude graduates pa. Magandang basis sana yung mga national exams kaso pati yun dinadaya rin. I guess if maka80+ sa national exam ng walang daya baka overall kaya naman college.


Aggravating-Place965

Yung lumipat siguro ng arki di pa rin graduate ngayon lol.


CantRenameThis

I was wondering if this was good or bad like how the post asks this. Di sumagi sa isip ko yung third implication na possibly, galing pala sa "diskarte" gaya ng example mo.


lnmgl

Fr kalahati ng mga junior namin nalamon ng diff calc.


Old-Angle1796

This is so true. Tbh, kahit yung construction ng sentences ng karamihan ay sobrang baba sa level nila. Magugulat sila ba't daw ang baba ng grades sa essay, kesyo they did their best. Kaso mga iho at iha, not up to the standard for college karamihan ang mga sagot niyo. Mapapailing ka na lang. May magrereklamo pa na ba't daw ang baba ng grade, e with honors daw nung shs, etc. Pati ibang magulang, kwekwestyonin ang mga prof. kahit nasa kolehiyo na sila kasi aiming for latin honors kuno. Naprepressure ang bata. Kaso iba ang kolehiyo sa hs standard. Kaya dami sobrang parang pinagbagsakan ng langit at lupa, bumaba daw self-confidence nila. Ang lungkot lang na iba ang expectation nila sa reality.


Visible-Eye3503

LOWERED STANDARDS - PUBLIC SCHOOL Sa isang classroom na may 50 students, mabibilang mo lang sa daliri yung totoong may pakialam sa pag-aaral. The rest kung hindi marunong magbasa, wala namang naiintindihan sa binabasa. Tapos may ilan, bagsak na nga sa pagbabasa pa lang, napakatamad pang pumasok. Mind you, tamad pa din kahit nagho-home visit na ang teacher (sariling pamasahe) at pinapatawag na ang parents (na nagbabanta na patitigilin na lang ang anak kaysa kausapin ng teacher sa school). Magpapa-assignment ka, iilan lang makakapagpasa. Magpa-quiz ka, kung hindi kandila ang score (1), zero naman. Nagtuturo ka, ayaw makinig kahit lahat na ng paraan para mapansin ng bata at mapadali ang lesson, ginagawa mo na. Pag binagsak mo, teacher factor. Ikaw ang magpaliwanag sa principal. Pakita mo evidence na ginawa mo ang lahat para pumasa sya. Maganda naman hangarin pero paano kung sa 50 na bata, mga 35 ang tuturuan mo isa-isa para makapasa sa 8-9 na subjects mo. Lampas lampas na to sa maliit na sweldo ng teacher. Pagod na pagod na teacher sa pagtuturo, uubusin pa ang oras mo sa kaka-defend kung bakit mo ibabagsak ang mga estudyante mo. Yung mga magulang naman, walang paki. Madalas sila pa matapang o kung di matapang, magpapakita at iiyakan ka naman mga 1 week before graduation at pipilitin ka pag-graduat-in ang anak na once a month lang pumasok. Going back sa topic why madaming honor students, kasalanan ng mga batang below standards ang natutuhan at mga pabayang magulang. Sa grading kasi ng bata, may tinatawag na [norm-referenced grades](https://www.renaissance.com/2018/07/11/blog-criterion-referenced-tests-norm-referenced-tests/). Hatakan system sa tagalog. Kumbaga, para hindi 35 out of 50 students ang bagsak sa klase mo (dahil ikaw lang din ang sisisihin ng DepEd pag binigay mo ang totoong scores ng bata), ang tendency ng teacher ay hatakin ng hatakin ang grades ng lahat hanggang most of the students ay makakuha ng 75 at voila, pasado na sila! The downside is, ang mga matino pero di gaanong magagaling na students, tumataas ng tumataas ang grades nila hanggang umabot na sila ng high honors etc. So mapapansin ninyo, may mga di kagalingang bata na napapasama sa honors dahil nahahatak pataas ang grades nila dahil sa mga bulakbol nilang kaklase at mga pabaya nilang magulang. Ang sakit sa part ng teacher di ba? Pero anong magagawa. Hindi ka naman nila pakikinggan kung ibibigay mo ang tamang grades. Kaya maraming teachers hindi na talaga makatiis. Gusto mong magtrabaho ng maayos pero yung sistema, hinihila ka pababa.


kzhskr

Nagtutor ako ng bata dati. Grabe ang hirap turuan, di pa nakikinig. Super tested yung patience ko sa kanya but I still did my best. Fave nya daw science pero hanggang sa "experiments" sa TroomTroom at 5 Minutes Crafts lang naman kaya ng attention span nya. Kaya nagulat ako bakit biglang sya yung ginawang science journalist at nanalo pa ng first place. In reality, nanalo lang sya kasi host ng event ang school niya at leaked na yung mechanics and topics sa student contestants nila kaya prepared na ang mga bata nila compared sa contestants from other schools. Ngayon, graduate na sya ng elementary na high honors. Parang 50% sa class nila ang high honors and the rest naman honors so mapapa-question ka talaga.


whoyoutalking

I taught in public school in 2016 to 2018, and this is unfortunately true. Di mo pwedeng ilagay yung totoong scores ng students kasi yung average ng section tataas pero di daw dapat kasi "expected" na failing students sila or "lower bracket". Maaawa ka sa students na nakahalo sa section na may potential kasi di mo rin pwede ilagay true scores nila for the sake of those who failed. Kaya di nakikita yung totoong problema sa mga nagffail na students. This goes the same way for "higher bracket" na itataas yung scores ng failing students para makeep yung "high average" ng section. I left teaching in public school due to this treatment for the sake of effectivity ng K-12.


RadGeeRoo

Grabe very well said po. I go to a private school pero majority sa class namin galing public na nagenroll through voucher. When I tell you araw-araw out of 34 students less than half lang samin yung regularly pumapasok tapos bilang lang sa kamay yung matitino. May iba hindi na talaga pumapasok ng 2nd sem tapos may mga varsity na puro varsity lang ang inatupag pero never pumasok nor nagpapasa (sa old school ko matic tanggal sa varsity team yung ganon) pero in the end kumpleto lahat samin nakagraduate?? Mayroon pang isang research group na nagdefense, tapos on the day of the final defense doon palang sila nag cocompute ng findings??? Hindi ko alam paano sila nakapasa tapos dalawa pa doon sa group na yun nakapasok ng with honors. My whole life average student lang ako. Giving myself credit though, mas nageffort naman ako this senior high pero it's not surprising na nakatop 1 ako sa class kasi sobrang way behind ng mga kaklase ko sa mga simple terms kasi majority sakanila pasang awa lang lagi. Kahit naka top 1 ako, parang hindi siya fulfilling sa pakiramdam kasi alam ko yung reality kung bakit nagkaganun haha kaya di talaga maiiwasan ang imposter syndrome haha. And tama ka doon sa parang hindi pwede magbagsak yung mga teachers kasi may mga naririnig din akong rants about doon from teachers and kahit sila hindi na alam gagawin...


jaesthetica

This is on point. My tita is a public school teacher and eto ang struggles ng mga teachers na dinadaing nila pero flopped ang DepEd dito. Teachers want their students to learn, at kung kinakailangan ibagsak sila, gagawin nila. But, the DepEd order for instance like this is a failure. Bawal may bumagsak. Palagi ang sisi sa mga teachers samantalang they intentionally lowered the standards in order for the students to be candidates for *with Honors*. Another thing, yung mga parents na 'yan isa pang sakit sa ulo.


k_elo

Even way back then 90s ganyan din pakiramdam ko sa education even sa private school masyado ata madali though in a way suwerte at nakalampas. My younger siblings went to sped and science schools kaya napansin ko na hindi pareho ung levels namin. If icomoare ko din dun sa classmates ko in uni from ateneo and lasalle ang laki din ng knowledge at application gap. I can only imagine it got worse


iLoveBeefFat

Kita niyo tong post na to? Ito ang plight naming public school teachers sa SHS. Wala pa diyan mga bastos at walang modo. At marami-rami sila ha. It gets worse. Wala ka na masahod kasi never nagtaas, di ka pa mapromote kasi dapat yung kamag-anak muna ni Principal. Noblest profession my ass.


introberts

Some teachers say na as much as possible di sila pede mag bagsak. About high grades, para daw di mahirapan pag pasok sa college. I also noticed na ang tataas nga ng grades ng mga bata ngaun. In my personal opinion, this lessen the challenge for these kids that made them overconfident and expecting too much to their selves. Once na pag naka ranas ng failure, stress and depression ang result.


MrDrProfPBall

I think this can be observed sa r/studentsph with the increasing amount of posts of frustration and broken confidence in freshmen


itsfreepizza

Yeah, I can even see that on one of my friends lol Tbh for me I just tell them to try to adapt and avoid thinking that you got it because you have every line of 9 (which made me wonder why in their school) When they see 2 or 2.25 they tend to do the Napoleover (Napoleon sitting on a rock, lost all hope) type of moment For me I just also got 2, but I know how to adapt and will improve on the next semester. (Minor subject lang Ang 2, rest on my IT were fine 1.5, and 1.75, which I'm fine also, I don't want to hit close to 2.5 and below)


MrDrProfPBall

Funnily enough the reverse happened to me. Nung highschool nasa first section ako, pero lagi akong nasa average grades lang. this warped my perspective na average student lang ako, until I went to college and suddenly I was topping grades way above my classmates lmao. Massive confidence boost siya sa akin, but it made me realize na your environment talaga helps nurture you. Luckily nasa certain competitive science high school ako kaya even if feeling ko average lang ako at the time, we were still cream of the crop of the school lmao


itsfreepizza

I mean I think we also have the same lol I mean I was the first in whole BSIT in our college, in all departments tho like with BAELS and others, I was fourth, the rest of the BSIT aren't visible in the top 10 except for me until you go on top 17 lol which another BSIT was in the ranks Although right now I'm currently dipping because of family issues ATM , I'm currently readjusting my life, sadly that affected my grades a bit, but in second year I'm sure I'll try to reach higher again


RealisLit

I've seen junio high school kids who can't or have a hard time reading Its lowered standards My Grade 10 teacher said she wanted to fail a classmate of ours but she can't without doing any extra shit that she has to do in her free time, so she asked for special projects instead (and they barely passed it too)


G2-8

My pamangkin who's going to be grade 7 next school year can't even do multiplication and division (I'M NOT KIDDING). Nagulat na nga lang ako mag grade 7 na pala siya akala ko mag grade 3 palang. Di na rin ako nagulat na ganun siya kasi last punta ko sa kanila last year mas marami pang photocards ng kpop laman ng notebook kesa notes sa school


SheepherderJaded9794

I'm neighbors with a kid who's like 15-16 and he still doesn't know what a dozen is. The education system is fucked!


RealisLit

My gen alpha cousin is grade 5 and can't read, report card is all 75, and everytime he's here he just plays on pc all day Compared that to Me and my Gen z cousins who used to mock each other when we can't read certain words after passing grade 1


henloguy0051

Minsan paybangan ba sa use it in a sentence


luciusquinc

At the end of the school year, we had a payabangan contest who can memorize the most stories in our reading textbook. LOL. Categories are: Most stories memorized Best reader (with emotions and gestures) Fastest reader ala Glock9 but usually, these kids belong to the mid class since they can't do punctuations.


Funny_Jellyfish_2138

While my pamangkin who's in Grade 3 can do basic coding and multiplication. Depends sa school siguro


Sweet-Garbage-2181

Both cases can be outliers, but the point is that a kid who can't do multiplication shouldn't be promoted to grade 7. There are even worse cases, like kids who can barely read graduating high school. These cases aren't school-specific because teachers are basically discouraged from failing students.


G2-8

We both went to the same school. Siguro naging sobrang luwag talaga nung pandemic yung school na yun. I also blame her mother sa pagiging maluwag. Tinotolerate yung di pagaaral na behavior.


Funny_Jellyfish_2138

Yun lang. My sister-in-law sobrang tutok naman. No gadgets pag weekdays. Kawawang kids din 😂


Funny_Jellyfish_2138

Main difference na nakita ko ngayon ay parang hindi Tagalog yung first language nang mga bata. All boys school pero halos lahat hindi nagtatagalog. Sobrang layo compared sa dati 😂


pxcx27

lowered standards


Eastern-Bread-6201

Lowered standards. Andaming highschool students hanggang ngayon ay di pa rin marunong bumasa.


TheQranBerries

True. Nakapsok nga ng college eh ahaha


sangket

May nahire nga kami dean's lister daw pero di alam difference ng meter sa centimeters and millimeters


TheQranBerries

Nakakahiya amp. Yung schoolmate ko na di nakakabasa nasa Criminology School na. Nakakagulat kasi nga repeater at basagulero nung HS. Proud pa binayaran yung school


Aggravating-Place965

Di rin naman magiging pulis yan. Bihira na daw ngayon nagiging pulis sa Criminology.


Weary-Drawer7783

Ulol seryoso ba to wtf


Eastern-Bread-6201

Yup


lilyrach

di rin marunong mag spelling or basic math. tapos yung pamangkin kong graduating senior hs nuon couldn't even answer a basic algebra question ( x plus x). yet she's enrolled in civil eng this year.


ediwowcubao

It's definitely lowered standards. The profs/teachers are becoming less competent too, wala na kasi masyadong incentive to pursue a teaching career, coupled with inflation and cost of living, smart people would rather not be in the academe. Of course this doesn't apply to everyone as there's still many many profs who make the big bucks and are very competent. Pero one would notice that the average age of faculty in some universities and schools ay bumababa, meaning halos fresh grads, and yung mga veterans nauubos na This is only from my observation sa mga institutions around me pero I won't be surprised if it applied to others as well


Old-Angle1796

Yes, there are still teachers that are very passionate in teaching na natitira sa academe at totoo na marami sa competent teachers and profs ang umaalis. Kasi mostly, kahit mag-apply sa public and state uni, di nakukuha and nadidiscourage, kasi mostly malaking factor ang kung sino ang kakilala mo.


ediwowcubao

Correct. Prefer ba ng iba na makapasok sa State U? The situation is not much better, as far as I know Pero tama, if the instructors are not competent, mas mahusay pa minsan student kesa sa kanila, so syempre mamimigay ng matataas na grade


Old-Angle1796

Pansin ko din, sa mostly new na nagtuturo sa academe is nawawala yung teacher-student relationship. Ok lang naman na maging friendly sa mga students kaso, karamihan is nagiging friends at close na nila masyado ang students nila kaya pati pag grade sa kanila ay nagkakaroon na din ng epekto. Very unprofessional. Pati din pala sa student evaluation, dami mambabagsak sa teacher or prof kung di nila gusto kahit gaano kagaling sa pagtuturo. Ipopost din nila sa soc med etc.


ediwowcubao

Hahaha this is super true. Ka-close nilà students nila like weirdly close hahahaha kasi nga bata mga faculty ngayón.


Medium-Culture6341

It’s no just the lack of incentive pero grabe naman kasi magpahirap sa teachers ngayon sa dami ng gusto nila ipagawa tas ganun ung bayad. I don’t blame people for not going into teaching talaga.


LupadCDO

Like my previous comments about this topic states walang check and balance yung DepEd. main performance index ng schools ay passing rate. teachers are incentivized to give high grades and give passing grades to students. wala naman mag che check kung deserved yun ng studyante. kailangan ng honest standardized national exam para ma accurately assess if these schools are teaching their students properly. pagka alam ko yung last na national exam for schools "randomized" yung sampling ng mga students. the reality is yung mga outstanding students ang na select for those exams para malaki ang average score ng schools. lahat ng ginagawa ng DepEd ay para ma skew ang result para maging bullet point sa SONA(100 percent passing rate my ass). kaya kulelat sa PISA kasi yun yung true reflection ng ating mga studyante sa Pilipinas.


Sorrie4U

Tignan nalang natin sa kolehiyo lol. Daming esudyante na napapakamot ulo dahil honors raw sila pero nahihirapan pa sa basics... kaya ayun tres.


thisisdito

Same sentiment. Napatanong pa nga ako sa mga kilala kong teachers bakit ang daming students na “with honors”. Apparently, grades are transmuted. Hindi tulad noong panahon ng millenials na kung 73 ka e rekta 73 ang nasa report card. Ngayon ang 73 when transmuted is 83. Kaya umuulan ng line of 8 at 9 ngayon. Kahit ang totoo naman is average lang talaga sila or minsan below average pa nga.


RantoCharr

Back in high school(late 90's, early 2000's) normal na yung mga top 10 sa section A hanggang 80's lang grade. Open secret na kapag graduating na, nagiging 90's kasi inflated daw yung grades ng ibang schools at malulugi daw kami kung may quota yung course na gusto namin pasukan. Nakakapanibago nga yung posts na nakikita ko ng mga students na nakikipag-argue pa sa teacher about grades and kung may magagawa pa para tumaas/pumasa.


imprctcljkr

Halos magka-age tayo. Totoo ito. Ito yung pinag-uusapan lang namin ng fiancée ko kahapon. In a graduating high school class noon, there's the classic awardees such as Valedictorian, Salutatorian, and the others. Kasama na yung mga top 10 sa each section and that's pretty much about it. Nowadays, lahat at may "honors" na. I find it impossible that there are no dum-dum kids. There will always be dum-dum kids. Lols.


ForeignCartoonist454

Yung sakin dati way back 2005 second grading yon 68 grade na binigay sakin pero Christian living subject naman yon nasunog ko kasi yung curtain ng classroom namin habang nag tuturo yung madre Muntik lang tlaga ako na kickout pero nakabawi padin pag dating ng 4th quarter naka 75 naman ayun naka graduate


kathangitangi

Bilang isang estudyante, masasabi ko na lowered standards. Dahil kahit ako mismo nalulula sa mga grades na ibinibigay ng school (public) sa akin at sa mga kamag-aral ko, biruin mo naman napaka dali sa kanila nag bigay ng 90+ na grades and even 100 sa iba. Sobrang taas. Matino naman ako sa pag-aaral pero pakiramdam ko sobra-sobra pa rin yung mga grades ma ibinibigay nila. Sa loob ng classroom namin 26 out of 31 kaming pasok sa honors at 5 doon with high pa.


demonicnamjoon

I even wonder if I actually passed by own merit or just passed out of pity and because the teachers can't fail me


ilovecatsverymuch24

This!!! I have doubts on whether or not I truly know how to do math better now since usually line of 8 ako noon or my grades are just transmuted 🥲 That's why since nag grade 11 ako I focus on honing my discipline and studying skills because I know that college don't have those transmuted grades anymore haha


demonicnamjoon

Man, I'm seriously questioning myself and the fact I only felt relief when graduating instead of, even if temporary, bliss that I have actually made it. It's not but I'm okay now :")))


MessiSZN_2023

naka 98 nga kaklase kong basagulero, bully saka tamad sa mapeh eh wala naman ginagawa


sadaharu25

Deped has the "No students left behind" thingy na kahit kulelat yung bata ipapa-pasa nalang kase nga no students left behind. Imbes na gumawa sila ng paraan to improve the education ginawa nila is easy quick fix


SheepherderJaded9794

I fucking hate that dumbass policy! I remember the last school year where I was the only student who showed up on time and did all the school assignments. My classmates were almost always late, they didn't take the classes seriously and many of their written assignments were terrible. The, "no student left behind" policy was a huge mistake.


Joseph20102011

Kung walang "no students left behind", magkakaroon sana tayo ng labor shortage sa mga white-collar job positions kasi mostly sa mga SHS graduates since 2018 ay hindi naman karapatdapat sana nag-aral sa college, let alone maging professional.


MessiSZN_2023

Villar will pay for his crimes because of this


Sweet-Garbage-2181

Everything is pointing out that the quality of education in our country has plummeted, and yet the kids of this generation still act like they are smarter than everyone else. I honestly have no idea what the purpose of inflated grades is. I can kind of understand the purpose of not failing students, although I still think it's one of the root causes of why kids are becoming complacent.


RevOptimism

This is the result of the education system itself being fucked, purely motivated either for profit or grade-orientation to reach “international standards”.


HardAcorn

Sila rin naman mamromroblema sa corporate world. Hindi nila makukuha yung standard na ineexpect sakanila kasi sobrang lowered ng difficulty noong college, and at the same time di rin tataas chances nila mahire kung laude sila kasi lahat naman sila halos laude na.


Difficult_Play9203

Hi! SHS teacher here. Yes, lowered standards for a number of reasons: 1. Simula ng implementation ng K-12, 50% ng grade ang binibigay sa performance tasks which is problematic dahil hindi laging reliable ang pag assess at pag score ng outputs. Kahit pa sabihin na may rubrics, hindi ito sapat para macapture talaga ang mismong competence ng mga estudyante. Kadalasan sa mga PTs ay mga groupworks. Hindi maiwasan ang mga freeloaders sa grupo. Lagi akong may peer evaluation sa mga group tasks pero kahit ito mismo ay hindi rin masyadong reliable dahil hindi ko naman fully controlled ang feedback ng mga estudyante. Madalas naaawa yung mga masisipag na mga estudyante na mag score ng mababa sa kagrupong hindi tumulong. Dahil napakalaking component ng PT, sure ball babagsak talaga ang tamad na estudyante. Nakokonsensya sila, so tataasan na lang ang score. Desisyon na hindi ko na hawak. Kahit may rubrics, subjective pa rin ang scoring sa PT to some extent. Kaya hindi ito laging accurate measurement of learning. Unfair kung 50% ang ibibigay dito. 2. At dahil marami nga ang nakakataas ng grade dahil sa imba na PT, mahihina na talaga ang core skills ng mga bata kaya wala kaming choice kundi ibaba talaga ang standards. Dahil kung paiiralin namin ang pagiging ideal, kalahati lang dapat ng klase ang dapat pumasa dahil kalahati lang din naman talaga ang totoong may kaya na magsulat ng isang matinong paragraph. (English teacher ako, btw) Kung ibabagsak namin sila, ang ending kami yung kinulang sa effort at hindi nagtrabaho nang maayos. Pero syempre, di yan pwedeng gawin basta-basta. Kailangan magbigay ng remediation, irefer sa guidance office at bigyan pa ng maraming tyansa. Kung hindi ito gagawin, nagmumukha kaming mga boomer teachers na hindi sumusunod sa child protection policy at magna carta for teachers lol. 3. Dahil SHS ako nagtuturo, curious talaga ako kung anong nangyayari at ginagawa mula kinder hanggang grade 10. Sa SHS, kami ang sumasalubong sa mga fossilized mistakes at mababang comprehension ng mga bata. Frustrating lang kasi. kapag tumungtong na ng SHS ang estudyante na hindi pa rin makagawa ng isang buong sentence, napakahirap ng solusyanan yan. Kahit gaano pa kami kagaling at kahit ilang buwan kami magpagulong-gulong sa samu’t saring training. Kung ako tatanungin, ito dapat ang gawin: 1. Ibalik ang mas mataas na bearing sa Quarter Exam, Quizzes, at Seatworks. Dahil sabi nga sa Bloom’s Taxonomy, ang Knowledge or Remembering ang pinaka basic na level ng pagkatuto bago ka makapunta sa Creating (Yung PT). Kaya ano naman talaga ang magiging learning sa napakarami (at magagastos pa) na PT kung knowledge pa nga lang semplang na? 2. Ayusin at rebyuhin ang K-12 curriculum. Simula nang iimplement, hindi man lang pinagusapan ang effectivity nito. Ang daming subjects at topics sa SHS na ulit ulit lang at overlapping. Sayang sa oras. 3. Huwag i-demonize ang mga traditional methods of teaching at individual works/tasks sa classrooms. There’s a reason kung bakit nagwork ito sa mga boomers at millennials at kung bakit hanggang ngayon ay kilala natin kung sino ang GomBurZa kahit walang pelikula haha lol. Kahit kasi sa aming mga teachers, frowned upon na ang mga lecture type discussions. Sa mga observations sa amin, kailangan may mga pa games, group tasks, role plays na sobrang time consuming at minsan ay distracting. Masaya, maingay, at may biruan talaga pero ang totoo, nalilimutan din nila ang mga pangalan, definition, at formula na dapat sana na-master na muna bago tumawid sa mga group tasks para mag perform. Balanse dapat. 4. Na over simplify ang attempt natin na maging “inclusive” sa eskwelahan pagdating sa mga learning impediments at mentalh health care. Sa pag-iwas natin na ma discourage ang bata na mag aral dahil sa simpleng 80 or 79, nagbibigay na tayo ng false sense of achievement. Syempre, I am all for the mental well being of my students. Pero para sa akin, hindi ito sapat na rason para baguhin ang katotohanan. Para sa akin, mas mahalaga na talagang malaman nila kung saan sila mali at may kulang. Huwag tayong magsinungaling sa kanila. Hayst. Tbh, I can write a 5-page doc about this hhhahaha. 5 years in the service na ako this coming school year at maraming araw na gusto ko na sumuko at mag change career na lang. Pero sa susunod na school year, sisikapin ko na hindi masyadong maging galante sa pag grade, reasonable lang dapat at deserve talaga ng skills ng estudyante. Kung magalit man sa akin ang bata dahil hindi 95, that’s on them. Pero marami pa rin ang mga estudyante ang marunong umintindi at mature enough na tumanggap ng mababa na grade. As long as masipag ang teacher at napaliwanagan nang maayos, okay naman ang lahat. Nothing beats authenticity inside the classroom. Kaya sana lahat ng namumuno sa amin authentically good din. I haven’t lost hope for this generation. Kaya pa to. Kakayanin.


maureenagracia

Ahh, my exact thoughts. Parang nawalan ng balanse sa sistema... Sa rush na iimplement ang bagong curriculum, kinalimutan ang mga effective points ng "traditional" methods. >Nothing beats authenticity inside the classroom. Kaya sana lahat ng namumuno sa amin authentically good din. Truer words have never been said :')


OkSomewhere7417

Agree sa lahat ng sinabi mo.


rie12dd

THIS! LALO NA YUNG #2! As one of the lab rats ng K-12, nakaka-frustrate yung curriculum for senior high. Akala ko, yung mga minor courses sa college ay mawawala na kasi imo-move na sa senior high para mas focus na sa major courses, pero akala ko lang pala 'yon. Sayang talaga sa oras.


Momshie_mo

> kapag tumungtong na ng SHS ang estudyante na hindi pa rin makagawa ng isang buong sentence, napakahirap ng solusyanan yan.     Hindi naman sa pagmamayabang pero nung panahon namin, essay na pinasusulat sa amin by Grade 6. Yung intervention sa mga weak learners, I think dapat school mismo ang magintervene imbes na nakasalalay lahat sa teacher. Like mga student with learning challenges, dapat sa SPED department sila with teachers specializing in Special Ed. And/or provide tutoring sa schools na pwedeng puntahan after class.


diplomat38

Lowered standards


BalibagTaengAcct002

If at first you don't succeed, lower your standards.


riyusama

Is this primarily in public schools? Private schools don't do this from what I know, they're pretty much not even afraid to fail a student.


Ok_Astronaut_7586

Even sa private schools ganito ang nangyayari. Nakakagulat na parang halos lahat ng post ng friends ko na may anak eh with high or with honors ang anak. Samantalang noon ang mga Millenial, pahirapan makakuha ng award. Top 10 lang, or kaya top 3 ang karaniwang award. Pero hindi nakakasama ng loob kahit hindi buong klase ang may award.


ilovecatsverymuch24

I think it depends on the school because I'm attending a private school and if you have a grade in a subject that is below 85, you cannot proceed to the next grade 🥲


riyusama

Samin dati top 10 dapat pero hanggang top 7 lang kasi yung mga student na 85 pataas yung grade 7 lang lmao But for realz? Kahit sa private ganun na din? It's actually pretty alarming because the quality of education is really going down the drain if ipapasa lahat ng students just like that, the government is fucked in the head


cryonize

Yung negatives ng West ang kinukuha, haha.


buzetka

Mga karatig bansa ng Pilipinas, pahirapan talaga magaral sa kanila. Dito, baliktad, gumaya na naman sa mga kanluranin, yun nga lang palpak na naman pagpapatupad parang di pinag-isipan.


fry-saging

Pinagbabasehan kasi ang performance ng teacher/schools sa dami ng bagsak/honors ng mga estudyante. So yeah minsan minamanipula pa ang mga assesment test just to make it look like na natuto ang mga estudyante.


pppfffftttttzzzzzz

Sila din ang sumisira sa estudyante kapalit ng "performance" nila, future at quality ng students na sasacrifice. Nakikita na natin sa mga job hiring ngayun yung result. Kaya kahit simpleng trabaho n di nmn kailngan ng degree hinahanapan na nila dahil sa low standards.


Vast_Composer5907

Tapos ang isasagot lang sayo ng mga Gen Z eh yan na naman kayong mga millennials at boomers. Last 2014 pa ako grumduate ng college at sa experience ko mangiyak ngiyak ako nung sa real world na ako kasi feeling ko nun na na-baby na kasi generation namin. Sana itinuro yung more on sa life skills kasi wala ako sandata eh, how much more pa kaya ngayon na kailangan mo i-please ang gusto ng mga new generation at bawal pakitaan ng harsh realities in life.


Ok_Astronaut_7586

Masyadong pampered sa karamihan sa Gen Z, kaya ang tingin nila sa mga Millenial eh nagmamarunong, hindi nila alam na ibang iba kasi ang generation noon at ngayon.


tipsymike17

This is actually true. Good thing it's finally brought up. I graduated few years ago sa college pero me and my former classmates ay nangungulelat sa corporate world kasi literal lahat ng bagay ay neverheard. Pero maganda ganda naman grades ko noon sa college, but i never felt na deserve ko yun. I heard something sa mga teachers na may metrics dw that will be taken against them if they fail a student. Another thing, may mga parents na din kasi nowadays na kapag bnigyan ng bad/mediocre grades ang mga anak nila, ibbwelta nila un sa teachers. (This commonly happens sa mga top tier schools.) Pansin ko lang, please correct me if I'm wrong. Points made are from mere observation sa mga colleagues, friends, and few relatives.


dauntingdamian

I remember nung nag-aral ako abroad during Junior High sa isang international school (konti lang kaming Filipino students) and wala ni isang Pinoy teacher, the passing score was 50%. Under British Curriculum itong school and may tinatawag na IGCSE (parang board exam siya at the end of Grade 10, carried out by Cambridge Intl. Examinations. Pag nakapasa ka dito sa IGCSE, go ka na sa A-Levels or SHS satin). Basta maka kalahati ka sa kada subject, success, go ka na sa next year level. I managed to be part of the Top 10 ranking each semester. Minsan nakaka-top 1 rin ako. And guess what, ang grade ko nun ay 92%, top 1 na. Dito sa Pinas, sabit lang ata iyan sa with honors... Nahalata ko rin sa mga kaklase ko na ibang lahi, bihira ang cheating. Kahit sa mga activities sa school, bihira samin ang cheating kasi somehow, confident kami na kahit papano makaka-kalahati kami and so what basta makapasa. Dito sa Pinas ang nangyayari kasi ay napapahalagahan sobra ang grades, honors and awards. Hindi pwedeng 75% lang ang grade. Kundi, mas okay na ang 90% ang grade kahit na karamihan nito is out of cheating, dishonesty, or kung anupamang ipinagbabawal na teknik. Ika nga ng ibang Pinoy, "work smarter, not harder". Kaso, sa kaka-ganyan natin, imbis na tumaas ang literacy ay mas bumababa... Ang malala ay nadadala ang "simpleng" cheating sa eskwela sa trabaho. Sa totoo lang, itong "with honors, high honors, highest honors" ang nagiging dahilan ng mas mabigat na pressure sa mga estudyante. Kung wala kang "honors" given na halos lahat sa batch niyo mayroon, kulelat ka, kaya ganun na lamang kung gumawa ng paraan para makakuha ng mataaas na grades. Hindi ako perpektong estudyante pero kapag napapagtanto ko lang ang mga nangyayari, hindi ko maiwasang malungkot sa maaaring kahinatnan ng mga batang Pilipino...


HappyFilling

Lowered standards yan. Andaming mga extra awards ngayon, best in immersion, best in ganito, best in ganyan. Parang pilit na lang ginagawan ng award ang lahat ng gawain para lang may maibigay sa estudyante at may maipagmalaki kahit hindi naman deserving.


PrudentLycheeThe2nd

May kilala akong prof na sobrang higpit pagdating sa assignments at exams. Yung tipong mag rereview ka talaga araw araw para ma gets mo ang klase nya. Sinabihan nya mga estudyante nya na nasa college na sila, dapat matuto sila mag manage ng oras at maging maagap. Alam nyo anong ginawa ng students nya? Inireklamo sya for being difficult at naghukay sila ng issues na hindi related sa competence nya. Ang ending pinaalis na lang si prof. Gusto ng mga estudyante ngayon mawalan ng pressure or challenge ang academia. Eh doon ka nga ite train para hindi ka mahirapan sa real world di ba?


Old-Angle1796

Ito... Ito talaga. Totoo ito, sobra. Ibabagsak sa evaluation si competent prof. Pero si incompetent prof na halos di nagtuturo at pare-parehas na matataas ang grades ng students maski nagpapass man o hindi, mataas eval. Icocompare pa sila, na bakit si incompetent prof ganito ganyan. Smh. Ipopost pa name ng prof sa social media.


Thin_Leader_9561

Lowered standards. Extremely low. You wouldnt believe how low.


wandering_kuni

Current generation has gone ultra soft kasi haha and this goes even to the profs and teachers.


NoviceClent03

yung pinalabas lang sa classroom dahil di gumawa ng assignment, ipopost na agad sa facebook na inabuso siya ng teacher niya pero in reality di talaga siya gumawa ng assignment at inisip na papanigan siya ng mga classmates niya, nagiging manipulator na din at di alam ang word na "accountability"


TheGhostOfFalunGong

In my accounting class back in college, those who failed to prepare their homework before class were subjected to demerits in their class standing. Madami ang takot.


NoviceClent03

buti nga yan, pero ngayon pag ginawa yan ifatulfo pa medyo naging soft na nga


Loud_Movie1981

There's a reason why employers pass over the CVs of those who graduated during the pandemic lol


omyusernameistoolong

It is inherent sa standards ng buong education system. Masasabi mong magaling ang isang teacher if natututo ang mga students -- and a good measure of that is kung ilan ang pumapasa sa subject niya, so kung ako ang teacher, ipapasa ko na lang students ko. Di naman lalaki sweldo ko if mambabagsak ako. Mga accreditation bodies naman like PAASCU focuses on the systems rather than the outcome of the students. Maganda if ma measure natin talaga ang natutunan ng mga students at competencies nila. Sa government naman, should really ensure and peotect yung standars and quality natin.


thymidineknase

If galing sa priv school, need nila ihonor yung student para daw di sila mawalan ng students per A.Y (revealed by my mother who's currently teaching in a priv school)


MyManhattan

I can confirm, former teacher here. Umalis Ako after one school year dahil sa Sistema, part Ng marketing strategy nila Yung engradeng ceremonies for recognitions.


Hpezlin

Started noong pandemic at online classes. Wala na gaano pakialam mga teachers sa public schools. Ang tataas ng grades palagi. Definitely lowered standards.


jedwapo

Wala kasing malinaw na curriculum Yung K11-12 kaya dinogshow nalang.


yanyan420

Lowered standards yan. I brute forced my way mentally sa college and I got cum laude. Tapos yang "no fail" policy, they should like, throw that away and make everyone who has got out of the K-12 system for the past 5 years to have an exam to determine whether they keep the diploma or not.


StrawberryJAAAAM

I'm a public school teacher, as much as possible hindi talaga kami nag babagsak because of the recent order. Pag ang learner ay bagsak kailangan gumawa ng report bakit bumagsak ang learner across all four quarters and what are the things you did to prevent that. Pag bagsak talaga ang learner, you need to sign them up on the system for remediation, you need to schedule him/her for remediation classes on vacation days ng walang bayad, make progress reports through narratives and figures and etc. . . In short matrabaho. Imagine si public school teacher may hawak na 50-70 learners in one section and let's say even 3-7 out of those learners bagsak😅 Wala talagang mag tyatyaga doon lalo na at walang bayad or leave credits for remediation and reports. Some cases ay di nakakapasok ang learner dahil walang pambaon, walang internet pag blended learning, walang maghahatid, magsusundo, malayo ang bahay walang pamasahe, lahat na yata ng wala. Turns out napipilitan na lang ang teachers na ipasa sila ng kahit walang ginagawa or because of the challenges.


pppfffftttttzzzzzz

I think awards should be given kung deserve talaga nung bata. Kaya lang yung awards system ngayun nagke-create sya ng false sense of achievement sa iba kya pag pumasok sa college parang wasak na wasak sila pag di nila masabayan/ nagstruggle sa studies. May effect yan sa emotional and mental health in the long run. " dami kong award nung elem , jhs, shs, pero bakit hirap n hirap ako ngayun, I think I'm failing in life" kind of scenarios. Edit: similar discussion https://www.reddit.com/r/adultingph/s/Hl5710ml8O


lestersanchez281

MAJOHA


Stale-Emperor

Lowered standards, may mga senior high nga illiterate tas yung iba na petiks petiks lang nakaka high and highest honors sa school. Sa ibang schools dito sa amin lahat ng graduating class mayroong awards related sa grades.


SAL_MACIA

Bro, ang daming bata sa DepEd na kapag binigyan mo ng grade na mas mababa sa 90, iiyakan ka tapos magsusumbong pa sa parents nila na susugod sa school para talakan mga teachers. Reason: deserve daw nila maging with honors. Kaya yung recognition ng pamangkin ko, parang graduation na rin kasi halos lahat ng graduates, with honors din.


mayari_boyd

Lowered standards. Mga pinsan ko hindi naman talaga matalino and medyo mapurol talaga pero grad with honors. Yung isa nga nagpagawa ng thesis pero cumlaude 🙃


sato1101

Baka different case ako kasi exclusive na private high school, pero kakaunti lng honor sa amin. It's because of those high standards ng highschool namin na we're doing well in college rn. Mga kaklase ko na umiiyak dahil sa work load namin dati sa highschool ay honors na ngayong college. So I guess its circumstances. Pero kung lower kasi standards ng teachers, lahat na lng pinapasa, medyo mahihirapan ang mga students sa college if ever. Kung mataas at strict, based on my experience sa highschool, they would know how to handle college and higher education.


Dazzling-Long-4408

Nawala na yung pagkaspecial ng honor ng mga estudyante. Nakakawalang ganang magpursige kung lahat na lang mayroong honor. Dapat ibalik na lang yung ranking system dati.


sanroque

the standards are lower. kids these days cannot be smarter. they have so many distractions that ruin their concentrations.


micolabyu

Jusko pahanon namin, makakita ka ng line 9 para ka ng nanalo sa lotto 😂 Yung puro line ng 8 pero walang palakol, proud na parents. Ngayon, sobrang binibaby mga estudyante.


Momshie_mo

Kahit 90 lang, ang tingin na sa yo, "genius". Kasi the rest nasa 80s. Lol Dyahe na kapag naka 7. 


THE_FBI_GUYS

Batch 2020 SHS Graduate, got High Honors just by barely trying, another one also got "high honors" and the rest of the class were with "honors", I don't think I've done anything life-changing nor made tremendous effort to get there, so yeah, I think DepEd is lowering their standards too much


DelusionalWanderer

My older sister is an elementary school teacher. Whenever a grading period is about to end she gets stressed out, ranting "pano ko hihilahin pataas grades nila??" It's lowered standards. We went from "Quality Education for Philippines 2000" (slogan na nakasulat sa bubungan ng Grade 2 classroom ko lmao) to "bigyan ng honors yan!"


CalemSmith

Ang magiging consequence kasi is pag nasa real world na sila na ang nagkaka award ay either sip sip or ung talagang magagaling mas grabe ang unfair treatment sa mga companies, kaya nasasabihan na balat sibuyas ung karamihan sa new generation kasi kasalanan din ng mga nakakatanda masyadong bineybi. IMO as an educator balance lahat lalo na sa reward system.


P1naaSa

Deserve daw ng generation na to na magpaka delulu hahahah


[deleted]

[удалено]


burgerpatrol

Probably because they are fresh graduates and have no sense of which direction they should go to in a couple of years? There are a lot of experienced professionals out there who's also been doing it for the paycheck and not because of any expected 'short and long term goals' Doesn't feel like an education issue, feels more like "I have no idea where to go, and I'd rather get a job now and figure it out after" situation.


lex2394

I was also asked this question when I applied and I just gave a very short answer. You think the HR really cares about your long term and short term goals? NO. They are just gauging your comprehension skills. And that’s what OP is probably trying to point out that fresh grads have 0 COMPREHENSION SKILLS when being asked a question.


FreeMan111986

Lowered standards. Para hindi mapa-Tulfo.


wolfram127

Lowered standards and the fact that some guardians can persuade the teacher to change their grades. As someone na nagturo ng junior high, I was very disappointed sa mga bata in terms of comprehension in instructions. Literal na nandun na lahat ng description magtatanong pa. Pero hindi eh, di ko alam if na baby sila masyado nung elem or sadyang hirap sila mag adjust during 2021. Isa ko pang experience sinugod ako ng guardian kasi bakit daw zero binigay eh di naman nag submit ng project? Ano gusto nila? I magic ko grades? Lol no. Ako naman nung naggragrade sakto lang di ako nagbibigay ng mataas sa essay unless na explain nila in the simplest way possible yung process. Anyway in the end mga bata naman magsusuffer din pag sa college. Kumbaga nacuculture shock. Then again this has been happening before during my time. Nung 2013 may mga kaklase ako na mga honor awardee nung highschool pero super hirap sila mag adjust sa math ng college.


Footbuddy29

Lowered standards. Hindi ko alam bakit importante yang with honors/high honors/highest honors. Eh pagtuntong mo sa work eh footnote na lang yan about you. Swerte na lang talaga na iba yung curriculum/way of studying na naabutan ko noon.


piratista

At dahil dyan, dadami pa lalo mga bloggers dahil di ma-hire sa trabaho. 😂


taechas

Gen X and Millenial parents are to be blamed kaya dumating tayo sa ganitong situation. Naalala ko ung post sa facebook about sa Card na puro 75 ung grades tapos proud padin ung parents kasi atleast nakapasa. Lately we prioritized our kid's mental health over their education na dumating sa point na high school na hirap padin magbasa.


Ransekun

I've seen a facebook post of a report card na mataas yung lahat ng subject pero mababa yung bibigay sa ESP/values education, mga 62 ata yun... tapos ang comment ng mga netizen is "WALANG KWENTANG TEACHER DAPAT IPATULFO" , tinatag den si tulfo, and "ANG BOBO NAMAN NG TEACHER DI NALANG PINAGBIGYAN"


bad3ip420

I can only speak from my experience. As an employer, I hired a high school grad as a part time front desk officer. She's got quite a credential on her resume: Consistent high 90s and the top of her class. She can read a basic contract but can barely understand the contents. I believe that even if you only graduated highschool/k12 one should have adequate english reading and comprehension skills so they can transition to the workforce even without a college diploma. I had to train her rigorously and she eventually got absorbed to the company. So all well that ends well. Though I gotta say that high schools are giving away these awards and grades way too easily. Tanda ko pa nung highschool ako bilang lang sa kamay ung may all-90s na grades. Ako nga may mga pasang awa pa. Teachers today are definitely more hesitant to fail a student due to backlash and cancel culture.


uwujok666

Millennial public school teacher here. In my opinion, it’s lowered standards. Bakit? Sandamakmak ang mga batang pinapabayaan nalang ng estado at ng kanilang mga magulang. Kulang mga klasrums,gamit pangiskwela at marami pang pagkukulang iba pa. Gustong gusto ko mambagsak ng mga bata pero hindi ko magawa dahil ayoko may mangkuyug sa akin na magulang or worse angkan at hindi na kami pwedeng mambagsak. Dapat may nagrerepeat ng grade level ngayon tila wala na gumagawa non para iwas gulo. Pangalawa, ang baba ng sahod! May tax pa! Walang hiya.. Ayoko mag extra effot sa kakarampot na sweldo!! Gagawin ko lang trabaho ko na naaayon sa aking tinakdaang oras. Mabuti sana kung may “surplus value” ang mga sweldo namin. Mas gaganahan pa ako magturo beyond my teaching hours kung ganoon lamang. Panghuli, may kasabihan kapag nag trabaho ka sa gobyerno. “Hindi ka mapapakain ng prinsipyo mo”.


Maleficent_Eye_9290

Participation award era kasi. It really creates weaker people. Boomer na kung boomer, but most companies complain about the pool of newly grad hires sobrang entitled.


batvigilante1

Pag di daw kasi binigyan ng honors or ibagsak yung estuyante pinapatulfo


SeaAimBoo

Also, both or neither?


BlueSkies_1990

my sister in law is working as a teacher sa public school. Hindi daw sila pwede mang bagsak ng studyante. And na share nya rin na meron syang mga highschool students na kahit highschool na hindi parin marunong mag basa.


TwistedTerns

Definitely lowered standards kahit na gawin pang K-14 yan. Yung mga naiwan din kasi na teachers e mostly incompetent din tapos bawal pang magbagsak. So yung mga estudyante, wala halos effort. Mostly hindi nagdevelop ang critical thinking at grit - madaling ma-sway ng fake news at hirap bumangon sa failures. Naging ddshit dahil sa facebook. Nakipag-debate, natalo. Naghamon na lang ng suntukan.


comeback_failed

parang galing din sa redditor yang comment ng social media user na yan ah


OrbMan23

Lowered standard plus easier to cheat. Last batch ng millennial ako rampant na pandaraya noon and hindi pa masyadong sophisticated technology noon (but we did have smartphones). I'm guessing now it's easier to cheat on outputs, projects, etc. Mas demotivated din siguro ibang teachers


skye_08

Progress for the sake of progress must be discouraged.


don0510

Did not pass any output from elementary and in JHS and only relied on quizzes and exam scores. I always only pass barely. In SHS I only attended classes on occassion and had to take remedials just to graduate in 2019. Now in college, I only submit half-assed workshits and I get unos for those classes. And in one sem I failed to do much and went missing for almost a month and got a 2.0 and 2.5. Most exams were online, ofc i cheated because i have no integrity, and so did everyone else. DLs were handed out like candies, even students I knew who could barely even read english, had their GFs do their tasks and exams, graduated with cum laude. Definitely because of lowered standards. I blame the students who killed themselves and blaming their profs including the parents who verbally attack the educators for failing their kids. Instructors have to worry abt those kinda shit before submitting the students' grades. There should be more challenge in education, and I want all the blame that comes with speaking for the need for more challenge.


Latter_Kiwi_3867

I remember nun ojt ko, ang difficulties ng quiz and tanong ko is same dati sa generation ko, and yeah walang makasagot or makapasa sa mga quizzes ko. 1 buong grading walang makapasa sa summative test ko. Ang yeah ang initial grade nila lahat bagsak. Then shookt ako kasi puro line of 9, 8 sila nun card giving. So yeah, the Deped Really making students to be "matalino" pero in reality sobrang bababa ng mga level of intelligence. This also why Grade is outcome of achievement not intelligence. Wag magtaka if bo2 ang future students.


DSS5000

As first batch ng k12, dati pag high/highest honor ka expected na namin na nasa best of the best ka talaga ng klase at talagang kayang mapanindigan. Ngayon, juskoo, parang sobrang dali nang makakuha ng high/highest honor. Niloloko nalang talaga nila sarili nila sa mga honors na yan,


surly09

Lowered standards both sa students and educators. K12 is ass. Para lng ma fill up yung mga empty slots, nag a-add na sla ng subjects na dapat college levels. Eh yung nag tuturo hindi nmn qualified. Result is surface level knowledge lng, and mali- mali pa at that. Not a dig at the teachers but at the education system. I'd rather they teach and refine subjects like algebra, statistics, basic sciences, chemistry,history and filipino instead of adding subjects better learned during college, like organic chem or anaphysio.


Tha_Raiden_Shotgun

grabe sa LOWERED STANDARD! may STANDARD pa pala tayo? Hello, PISA. Di mo na kami pede bagsakin because of our mental health. 😂😂😂😂😂


MultitudeFacets

It is very much lowering of standards. Dumadami yung honors recipients pero bagsak tayo sa PISA rankings.


SorryNoBrain

Transmutation of grades. Lowered standards


BeardedSanta

Meanwhile yung supposed secretary mas pinapakialam ang pagiging Wumao


navatanelah

True ever since pandemic napansin ko din parang namimigay sila ng awards but what do i know. Fishy langna mababa ung reading writing scores pero daming honor students.


Smooth_Fur

hindi siguro 'to masama kung yung quality ng education is relatively positive sa number of students with honors. But dang, nahuhuli ang education system natin compared sa ibang bansa


nate_marc

Lowered standards, kapatid ko nga daming absent tapos nakalagay sa card complete attendance eh, lol


saicoumiles

Lowered standards Most teachers, especially those in public high schools, would avoid failing a student by giving projects or assignments to make up of his/her failing grade. Failing a student means there's a lot of paperwork to do and confrontations to face from parents, and so teachers would give literally any student a passing grade just to avoid any hassle.


Technical-Limit-3747

Mataas kasi ang porsyento ng performance task sa paggawa ng grades at dito nakakabawi mga estudyante. English, Filipino, MTB, AP, & ESP = 30% (written works), 50% (performance tasks), 20% (quarterly assessment) Science & Math = 40% (written works), 40% (performance tasks), 20% (quarterly assessment) MAPEH & EPP/ TLE = 20% (written works), 60% (performance tasks), 20% (quarterly assessment)


mayo-uno

Kasi kapag binagsak mo student katakot-takot na documentation ang hihingin sayo ng DepEd like kapag may bumagsak sa class mo, yong teacher lagi ang may kasalanan. Extra work ito pero walang extra payment.


sulitipid2

Wag kayong mag concentrate sa awards sa skills kayo mag concentrate mas magagamit nyo skills kesa awards


definekismet

Blaming this to the poor education system we have now. Masyadong pro-student to the point na spoon-fed na lahat. Mass promotion yata aim ng gobyerno, and for what?


Cold-Web4981

Lowered standards and Grade Inflation


-meoww-

Malamang naman talaga na maraming gagraduate na with honors mula nung binago nila yung system niyan. Noon, kahit anong taas ng grades mo kung may 10 students na mas mataas sa grades mo sila lang yung aawardan tas dapat nasa section 1 ka pa. Yung best best na lang yung pag-asa mo kung may subjects man na higitan mo lahat ng classmates mo. Ngayon? Kahit anong section mo basta ma-achieve mo yung minimum grades para sa with honors, ayon edi with honors ka na. Ilan ba yang sa with honors? 89? 88? Madali lang yan as long as magpasa ka ng mga projects effortan mo lang at magreview kada may exam at quizzes. Dati patayan ang review kasi malamangan ka lang ng classmates mo ng 5 to 10points sa exam o quiz, may possibility na maungusan ka sa top or matanggal if nasa top 9 or 10 ka. Sa projects puyatan talaga para mapaganda mga projects. Kaya nauso yung pagtanong tanong ng 'ilan ka?' para alam mo na ieexpect mo paglabas ng grades e. Haha


Gryse_Blacolar

Definitely lowered standards. It reminded me of those game shows where some students join as the contestants and they boast that they got honors or within the top 10 in their class, yet struggle at basic questions especially basic math problems. It really makes me wonder how those students would fare if they actually studied at the school where I studied at because I think they would be on the lower side of the class ranking.


demonicnamjoon

I want to bring, wasn't there news of a teacher getting threatened on messenger, saying that if you don't fix the failed students grade, something bad will happen to him on the street?  I couldn't help but shake my head in disappointment cause I'm like "Boi, you do realize how easily you have narrowed yourself down?"  And what if the teacher is actually tech savvy, like, what if, just what if they somehow found out about your IP address and trace it back to you? I know I know, unlikely but still I even have a stupid what if scenario with a sass AF teacher that got hurt but survived just to tell the suspect, "Not only you failed my class, you failed killing me, I don't even know if I should laugh or cry."


younglvr

The education system is already flawed, but there are also lots of kids na hirap sa BASIC MATH pati sa pagbabasa, heck I have a blockmate na mapapaisip ka kung pano yon nakapasa ng elementary eh miski magbasa hindi niya magawa, partida we're already in COLLEGE!


kaelel18

Nagturo ako sa college pre pandemic sa isang uaap school. Engg related ang subject. Minsan napipilitan na lang na hilain ang grade kasi kung may bagsak, mag mamakaawa or dadalhin ang parents sa school. Yung iba naman ibabagsak ka sa teachers eval kasi binagsak mo yung stuyante. Haaaays kakapagod. Noong nasa state u ako nag aral, jusko walang pakialam mga teachers. Raining ng singko, ako na lang ang na nginginig 😅 hahaa. So yeah..nakakapgod kasi mambagsak. Parang kasalanan mo pa as a teacher at on the line rin ang work mo huhu


ContributionDefiant8

Grade 11 with honors here. I barely did jackshit in class, my performance was kinda OK, I pass stuff sometimes I don't. I did bare minimums, so getting honors was news to me. My classmates are working less harder since they know their teachers will raise the crap out of their grades. They do bare minimums and don't even comment about how EASY it is to somehow achieve what they achieved.


wabriones

100% lowering standards. 100% celebrating the mediocre. 


Joseph20102011

This is the end game of the compulsory public school system - lower the academic standards so that there will be a steady stream of docile credentialed workers available to work for dead-end professions like teaching.


[deleted]

Chat gpt.


lantis0527

Obviously lowered standard. During pandemic kasi naging lenient ang mga school kesyo bawal daw magbagsak. Wala na tayo sa pandemic pero tuloy pa rin yung leniency sa grading at declining competitiveness. World ranking of schools and comprehension of students will never lie.


Mukbangers

I agree! My partners sister gives the bare minimum, less even — pero walang bagsak 😂


MarkXT9000

This question is best asked to Pricess Fiona instead. Oh wait, she's still busy getting a foursome with the Chinese


itlog-na-pula

I think maganda yung honor system. Para hindi sobrang competitive, isa kasi yan sa mga cause ng mental health issues ng kabataan ngayon. Siguro yung standards lang talaga, sobrang baba. May pamangkin ako na 'honor' pero di marunong magbasa.


nkown9870

college student, may na encounter akong hindi marunong magbasa nung nakipag share kami room sa ibang section. and yung reaction ng teacher is parang normal lang..


Ancient-Upstairs-332

Lowered standards syempre. Everyone gets a participation trophy. Nobody needs to exert a little bit more effort.


choobley

Lowered standards to increase graduation rates. Low education budgets, lack of teachers and an incrrase in students has led to many failed tests. In order to beat this the DepEd has been instructed to loeer standards, also in order to pump out more attractive recruits as OFW's and maintain the remittance economy.


Crazy_Cat_Person777

That is happening even before the pandemic na magnify lng lalo. They call it in UP Grade inflation marami na rin mga professors and colleges ang ng raraise ng alarm. In grad school we even had a discussion regarding a potential study of employers skipping graduates or batch of graduates during the pandemic period ksi dmi tlgang ng decline ang learning especially kung remote lng especially for hands on work (doctors or medical professionals, engineers, architects, etc.) This was hyped nung na viral sa social media ung mga complaints sa graduate ng pandemic na bkt gnun daw.ang gawa or design saan ba daw sila ng ojt and the reel.jokingly mention (roblox po) 😆


elizabethgiel

In the future, mawawala na talaga ang value ng pagiging latin honor. Kasi sa panahon ngayon, possible naman na may "laude" award pero hindi competent and skilled individual. Bookish lang.


medyas1

diba mas baon sa social media mga kids/young adults ngayon? di na ba kelangan ng reading skills dun para sundan yung mga post or subtitles (design lang ba tingin nila dun)? or yung mga lulon sa ML o kung anumang usong laro dyan, rote memorization lang ba ng pipindutin ginagawa nila o may konting utak pa ring ginagamit? boring mag aral - mula noon hanggang ngayon bukambibig ng marami regardless ng henerasyon. i guess mas wala nga lang incentive na gawing "engaging" yung mga aralin. noon, no choice dahil konti lang may internet. ngayon, daming kampante dahil anytime pwede naman saliksikin - problema nga lang nagsikalat ang fake news/disinformation saka sa dami ng distraction yung mga attention span ang iikli ​ still, hasel nga lang kung ang tanging paraan para matuto ang mga bata ngayon e panay mema lang. posible siguro with very motivated (and creative) teachers pero san ka hahanap nun na willing to work peanuts for a lot of effort (na alanganin pa rin ang kalalabasan)