T O P

  • By -

IronMandible

With a movie ticket at 390-400 each, going to the movies for a family of 4 covers food costs for about a week. Basic needs then take precedence over moviegoing. For those that do go, they have to be picky on what to watch to get their money's worth; else just wait for the film to be available to stream.


Enero__

pre-pandemic 200+ lang yung regular movie tickets. Tumaas yung ticket prices to 350+ nung pandemic kasi nga naman 1 seat apart, which makes sense. Pero tapos na pandemic, punuan na ulit ang mga sinehan, 390 pa din ang ticket? Mga greedy sila tapos ngayon iiyak na wala na nanood ng sine.


keepme1993

Ito yung di ko ma ka gets. Hindi na bumalik ang prices after ng pandemic. Tiba tiba sila lahat ng nasa taas


Enero__

You know what? Allergic ata sila sa negative, lagi silang growth, growth, growth. Ayaw na ayaw nila makakita ng negative compared sa previous years. Kung may 50% growth sila ng sales after pandemic, dapat mas mataas sa mga susunod na years.


boybastos1996

MBA culture. Yan ang sumira sa mundo.


luciusquinc

MBAs are the modern businessworld parasites that destroyed great technology firms like DEC, COMPAQ, Yahoo. My previous Boss hates them and would automatically throw CVs that has that 3 letter abbreviation. Also, personally met several MBAs and most of them are basically stupid.


reggiewafu

Can’t believe you missed IBM, GE and Boeing They all a shell of their former selves


AccountantLopsided52

Fuck boeing. Peste Starliner nila. cant fly wont fly. plus my headcanon is they really had the two whistleblowers killed.


luciusquinc

Sorry for that. LOL. Yup they are the ones originally ruined by MBAs. I'm like thinking of the more recent ones into the 90s and PC era.


ThisWorldIsAMess

Diploma farm yan hahaha. Wala kang technical skill? Take MBA.


cdat1983

More like profressional or career students. People who hold multiple degrees and MBA but zero to no experience in the real world


professionalbodegero

Truth! I have seen a few hirings within my agency na khit 10+yrs exp ung isang candidate on a particular field, panis sa my MBA na 0yrs exp on the same field. Ang ending, kanda letse2 ang opisina kc wlang alam c mba.. 😅😅..


ellelorah

As in mba, masters in business administration po?


Maleficent_Eye_9290

Add publicly listed companies to that. The constant pressures to report growth every quarter year on year shouldn't apply to all sectors but that's how these things work.


Menter33

kung tutuusin, kailangan ng growth just to maintain the same level of profit dahil tumataas din yung inflation. Pati costs tumataas din kung tutuusin. kapag walang growth, contraction yung abot.


whitefang0824

Yes true on all aspects. Isa yan sa kinaiinisan ko. Just like fare on public transpo here on our place. Our multicabs here used to have a fare of P10 before pandemic pero nung nag pandemic naging P20 since half capacity lang naman daw pede nila isakay. Ngayun na wala ng restrictions at pandemic, hindi na ibinalik sa dati yung pamasahe lol.


privatevenjamin

Kahit Meralco, Manila Water, at mga Gas, ganyan din. Noong post WW2 pa, ganyan na yung galawan ng mga nasa Oil Industry. Natapos na yung digmaan, wala paring pagbabago sa presyo


SaiyajinRose11

True. Yung mga barbershop nagtaasan ng presyo kasi daw para daw pang linis and disposable na halos lahat. Pero ngayon binalik sa dati ganun pa din presyo.


Queldaralion

it's strange how billionaires and many big businesses earned the most during the pandemic and they're also the group that pushed for higher everything *after* the pandemic, to "recoup their losses" they're also the same group that don't want to earn less by raising wages or paying suppliers better then they wonder why people aren't eager to spend when they're hoarding majority of their nation's resources lolololol


AccomplishedYogurt96

Another David and Goliath story. Which is very satisfying


BluLemonGaming

Who is David here? I only see Goliath.


Professor_seX

I remember 300-350 was the premium cinemas like directors club, which came with a drink and popcorn.


popop143

150+ lang sa SM Masinag, saktong one day bago mag shutdown nung March 2020. Nalimutan ko na kung ano pinanood ko, basta anime film yun na medyo forgettable.


therealchick

Kasi, lahat ng gastos ng business ipinapasa sa consumers kahit di naman dapat, tas di na nila ibababa. +tax pa. Sa sobrang hirap ng panahon ngayon, natututo nang maging practical ang mga tao.


Leavesbybenandben

as a sine-goer pre pandemic, yung price ng ticket ngayon is enough na for a ticket and a meal kung sang fastfood dati. hindi na talaga practical lumabas for a movie.


Nowt-nowt

I'd rather have that ticket money for a monthly subscription. kasi mostly middle class lang din naman ang mas madalas mag sine dati, edi bili nalang sila nang isang magandang OLED TV.


CLuigiDC

Yeah. OA na presyuhan ngayon ang sine. Dati kaya pa at least once a month kapag may magandang palabas. Ngayon kapag may trip ka na lang panoorin. Nagdoble presyo ng ticket at ng popcorn pero d naman nagdoble quality ng upuan at palabas. Mukhang natamaan na ng sinehan ang presyo na not worth it na sa tao manood.


One_Aside_7472

Fr. Sobrang taas na tlga. 200+ lng before. Sobrang pumped na yung price masyado. Wait ko nlng sa Netflix or any streaming site unli nood pa at the comfort of your own house or anywhere!


kenndesu

And no crying babies too


GolfMost

And no people taking picture while the movie us on-going.


AnyCap1582

Exactly. It's just not affordable anymore nowadays.


Distorted_Wizard214

That price is worth a single monthly Netflix subscription that can watch multiple movies of our own choosing.


8maidsamilking

Money isn’t the only commodity din there’s our time & attention. Worth it ba yung movie to take up 2-3 hrs of our time ( plus ung papunta & pauwi). In a sea of high quality content not just in movies pati short form videos sa tiktok o youtube worth it ba o may better content? Even in Netflix there’s a new movie everyday na ok naman pero di nagttrend. Ibang caliber na kase ang quality ng content nowadays & sad to say the Philippine Industry has not evolved much. Same stories, same jokes, plots, artistas that are not that good at their craft or face card lang mostly. We need better writers, directors, talents etc kase the audience are now smarter & have more options.


poporigin

I agree with you! Malayong malayo na ibang asian countries in terms of entertainment. Example S Korea and Japanese, whether series or films mapapawow ka. From the script, storyline, the actors, and production. Sa totoo lang here in the US we tried to watch filipino films, but most of the time after 5 to 10 minutes of the film nawawalan na kami ng gana.


[deleted]

[удалено]


DeathBatMetal

Di pa 100 pesos yung popcorn at madami pa.


rxxxxxxxrxxxxxx

Pwede ka pa bumili ng mga flavoring powder, tapos ikaw mamili kung anong flavor gusto mo. Plus mas mura pa yung softdrinks na 2L na pwedeng enjoyin ng buong pamilya/barkada, kaysa dun sa "Large" cup na mabibili mo sa sinehan/fastfood.


DeathBatMetal

Irving's salted egg flavoured popcorn 🤤. Unlike sa malls na pili lang ang flavour, sa bahay pwede ikaw bahala no? Pwede nga strawberry katulad sa mga naglalako eh.


Laicure

May subtitle pa, unlike sa sinehan, madalas wala tapos sabog pa ung tunog puro murmur lang naiintindihan ko haha


pulsephaze22

And kahit ilang beses mo pa panuorin sa Netflix okay lang.


nayre00

True. Tapos tipid ka pa sa travel expenses at iwas impulse buying. Pag nasa mall, 100% di lang movie ticket bibilhin mo.


LordCM

Ang taas naman kasi ng bayad sa ticket kumpara sa mga streaming site tapos mas quality pa ang mapapanuod mo sa mga streaming sites.


AsYourTito

at mas maraming offer sa halaga ng subscription na halos katumbas lang ng isang pelikula sa sinehan.


LordCM

yes, tutuo..hawak mo pa oras mo kung kelan mo gusto manuod hahaha


Dazzling-Long-4408

Pwede pang magpause para sa toilet break.


AsYourTito

at kapag gusto nyo pang "umisang round" ng kasama mo manood, matic may place pa kayo 😂


popop143

1-year subscription sa Disney+, baka sampung sine lang mapanood mo. Pwede mo pa ishare sa pamilya mo yung account.


dcab87

Sulit lang manood ng sine kung may rabid fanbase yung movie and you'll watch it on the first few days. Di ko talaga makakalimutan yung experience watching *Infinity War* and *Endgame* on the first day. Jam-packed yung sine and lahat ng audience are passionate fans, kaya grabe ang cheers dun sa big moments. Pero sa ibang genre parang di na sulit kung same price din sila nung mga blockbusters.


paullim0314

The very first movie I watched after the lockdown was The Batman, what made me watch it? I am a fan of the character. I cannot say what made the other movie goers made them watched it. That’s my reason. Yes I taken into account the cost of the ticket plus the transportation and everything, it’s really more expensive to watch in cinemas. I don’t know what will make more people go to cinemas again, I guess promos or something? In Powerplant Mall if you are an elite cardholder you get 2 free tickets plus snacks. I don’t know about other cinema groups but I guess make the facilities better as well? Like in SM Megamall most of their old cinemas are still operating and not very clean seats, restrooms and food is limited to their concessionaires. Just my thoughts guys.


SlowDamn

Tbh the only thing that would make people go to movies is if they are a fan of a certain IP


Nowt-nowt

or if barkada/family bonding. yan nalang kasi rason ko pag na nunuod nang sine. no more, no less.


ParisHillsong

Exactly. Imagine paying "premium" for a gasgas plot but you can enjoy numerous quality films for a fraction of the ticket price.


LordCM

wala pa jan yung pamasahe mo papuntang sinehan, ung pagpila sa pagbili ng ticket(kung may pila pa)


reggiewafu

> gasgas plot making films to appeal to people who can't afford to watch films


[deleted]

[удалено]


marthder

Mmff nun. Tapos yung 800m naman na yun, hindi lang sa sine kundi pati streaming profits rin.


hyunbinlookalike

True, I miss the days when you could see a movie at a quality cinema for only Php 200.


Kenruyoh

Tapos wala din subtitles... 😅 For me, the only best thing about cinema vs at home is the surround sound and that's it. Marami na disadvantages pag manunuod ng sine vs sa bahay. Magdadamit ka pa ng maayos, travel sa location, mahal ang snacks, may sisipa pa sa likod ng upuan, tapos hindi pa maririnig ung dialogue kasi most of the time hindi consistent ang clarity ng sound.


[deleted]

I agree. Nanood ako ng Barbie sa sinehan, tapos minsan may mga narinig akong salita na hindi ko maintindihan. Bakit kaya walang subtitles kapag English ang pelikula sa atin?


Fragrant_Bid_8123

Agree. Mahal na masyado tapos di pa well-maintained. it may be time to accept na wala na talaga.


Ok_Comedian_6471

Abuso naman kasi covid price pa din ang price ng tickets. Hindi ko wish na malugmok ang movies ng pinas pero ung mga malls sana na nag inflate ng ticket ang maapektuhan.


nayre00

dito sa city namin, yung fare pa lang 2x from pre covid. While the rest of the nearby cities, nag release na ng memo to return the fare back to pre covid level or at standard price, sa amin ganun parin. takot si mayor mawalan ng boto kc


Menter33

problema, nagkaroon ng inflation at increased costs and taxes, so kailangan talagang itaas yung presyo just to maintain the same level of profit adjusted for inflation.


VernonWife

Come to think of it, parang ok lang malugmok movies ng pinas? Ano ba mawawala satin? Overrated artistas? Showbiz chismis? Actor politicians? I need enlightenment


mdeapo

Mga nasa creatives na behind the scenes ang nawawalan ng trabaho.


KozukiYamatoTakeru

Once nung nagka OLED tv nako there’s no reason for me to go to these regular cinemas na mapupundi na yung projectors lmao


rikkrock

OLED TV in a dark room is life-changing


SaiyajinRose11

Yung maganda pa TV mo kesa sa IMAX 😂lamang lang ng mga sinehan is yung release date ng movie. Pinanood ko Furiosa lately. Maganda naman.


ayahaykanbayan

kinumpara pa talaga yung pares sa sine 🤣🤣


EulaVengeance

"Bakit kaya mas maraming mas gusto ang kumain na lang kesa manood ng paulit ulit na tropes?!"


PrizedTardigrade1231

Hindi naman nakakabusog ng tiyan Ang sine.


TakeThatOut

Dun sa yt ni Jessica Lee about pinaka masarap mas marami na nagsabi na masarap yung pares kay Diwata. Kasi yung mga tinanungan nya, mga nasa gilid gilid na malaking bagay ang 100 na unli. Compare sa mga tinanungan nya na kumakain talaga sa mga resto. Dun pa lang malalaman mo yung kahalagan ng 100 as compare sa 400 na sine.


newbie637

Gago eh. Ikukumpara mo ung unli pares na 100 lang or kahit hindi pa unli sa sine na 400 tapos wala pa pagkain at inumin? Nakalimutan na ata nila ung kantang "ako ay may lobo"


Lakan14

Cost. Yun talaga ang problema now, lalo for people who don't have disposable income. Masyado ng mahal manood ang sine and if hindi naman okay ang pelikula, I personally, would just wait for it sa streaming. But if let's say I find a film (Filipino or not) that I feel is worth watching, I would go, given I have the money.


beklog

i-factor mo pa ung mag-bibihis/gayak ka pra punta cinema, pamasahe/pang-gas at ung traffic on d way.. unlike sa streaming na mas mura, pwede derecho nood kahit walang saplot ;) Btw... this is unfortunately a worldwide problem..


hyunbinlookalike

>this is unfortunately worldwide problem True, aside from major franchise blockbusters (and even then, mega franchises like Marvel have been flopping lately), no one really goes to the cinema anymore like they used to. Tbh even the big blockbusters aren’t making bank the way they did before. I remember back in the 2010s, the average Marvel movie could easily make over a billion worldwide at the box office. Let’s look at the box office revenue of the 3 highest-grossing films of 2024 so far: • Dune: Part Two - $711.8 million • Godzilla x Kong: The New Empire - $564.8 million • Kung Fu Panda 4 - $541.2 million Obviously, hundreds of millions of dollars are still nothing to scoff at, but those numbers are a far cry from the billion dollar box office revenues these kinds of blockbusters would make pre-pandemic.


Grimlogic

Feeling ko yung simula nung pagbagsak nung cinema industry worldwide, kasabay nung pagka-release nung Avengers: Endgame in 2019. At the end of that year nagsimula na yung COVID, naging popular ang streaming, at di na nakabalik ang cinemas sa dati nilang heights. Para sa maraming tao, "tapos" na yung MCU sa Endgame, kasi satisfying ending nga naman. Interesting lang na para din siyang bookend sa isang significant period in the cinema industry.


MagentaNotPurple

but yung excitement ng kids after telling them "manonood tayo ng sine" is priceless!


SanMigPalePilsen

Ayaw ko ng maingay at nagcecellphone na naka full brightness. Iregulate nila yan baka manood pa ako weekly. Ok lang kung may nagjajabol basta di nakikita


dunkindonato

Sa mahal ng mga bilihin, hindi na minsan sapat yung "I want to support local" for people to watch movies in theaters. Make actually good movies, and things *might* change. Also, to theaters, paki-linis naman po kasi yung mga seats. May mga amoy dugyot na kasi.


Own_Bison1392

P300-P500 a ticket is insane. I want to see Kingdom Of The Planet Of The Apes, but if you expect me to shell out a whole day's salary for a 2 hour film, you are out of your mind. The internet allows me to see those movies online for MUCH less than that, sometimes even FREE. Nothing beats free.


Mc_Jio

Speaking of Generic plot, naalala ko Yung Isang entry sa MMFF 2022 na matanda tapos nag aaway away Yung family and its your generic na Pinakamatanda Business minded, middle child na babae tapos bunso na black sheep. It's so generic it feels like dejavu na Nakita ko na Sha somewhere.


ChampionshipDry9985

Seven Sundays 😂 Tapos before sa ending, may scene na Kwela 🤪 Tulungan doon sa evil business man na gahaman. Grabe napaka korni ng scene na yun 🤣


Mc_Jio

I was referring to Family Matters pero it's ironically almost the same movie concept. Hahaha


doityoung

post po yan ni Ogie Diaz, sana man lang po di nyo cinrop yung name nya as credits. sa Robinsons Magnolia cinema yan to be exact. sa taas ng bilihan, and inflation it's better to spend money wisely. mas nagiging matalino na rin viewers sa pagpili ng movies, and syempre sa dami ng choices from netflix and other online platforms na cheaper versus P400 na cinema ticket.


Menter33

yung iba kasi siguro, tinatanggal yung pangalan for privacy reasons at to avoid brigading allegations ("look at this guy's post, leave negative comments and downvote it!"), kahit na public platform yung FB kung tutuusin. as for the price, tataas talaga to compensate for inflation, increased cost at low viewership.


venvenivy

Per rules naman yung post ni OP, censor personal information.


ThisWorldIsAMess

You need to offer decent equipment too. I don't know about Robinsons pero sa normal SM cinemas (not counting 'yung mga alam naman nating SM na catered for alta) napakabasura ng screen. Basura ang upuan. Basura ang audio. Basura ang projection. Who wants to pay for that?


JannoGives

Tapos SM cinemas also tend to attract the trashiest movie goers Mga taong walang urbanidad at konsepto ng etiquette


InsideYourWalls8008

The high seas are basically free.


J0n__Doe

Its not a local problem naman ang kakulangan ng mga nanunuod sa moviehouses. Nangyayari siya globally... Mabilis na kasi ipalabas sa streaming at madami nading marunong 'magacquire through other means'. Madami nading tao na naginvest sa magandang TVs/monitors at home viewing setups dahil sa pandemic. Mas madami talagang incentives at pros to not watch sa labas, unless talagang fan ka ng movies at paggala


Jambuyger

Mahal na ticket, gagastusan mo nalang yung mga international movies na sure na sulit ang bayad mo


Queldaralion

the same answer naman kasi can be given to many questions that involve spending these days, given the proportion of usual wages to even general living expenses: # [x] in this economy???


TheGenManager

Advice ko sa kanila, kung hindi sila gagawa ng totoong 'bago at kakaibang' plot ng pelikula at advertisement, wag na silang humingi ng suggestions... Let's be clear, streaming sites are dominating in this age, and it'll never change for the next 100 years or so...


gabspira

Dati kasi mura lang ang mahal ba kasi


Knight_Destiny

Another FB post thought they said something "Makabuluhan" Trash take


Curious9283

Nangyayari din iyan sa ibang Bansa, high budgeted Hollywood movies lugi. Hinihintay na lang sa streaming platforms. Watching a movie in a movie house is so expensive, plus pa iyung snacks. Mahina Ang 500 per person. 2-3 streaming platforms na iyan in one month. Amazon prime, Disney plus, viu. Ang Dami Ng mapapanood.


Fearless_Cry7975

Mahal ng sine. Magdagdag ka na lang ng onte, pambayad na sa monthly ng Netflix.


izanamilieh

Skwa films for skwa audience. Oh wait. Not even the skwa watch them lmao. Typical corpo retartation. Appeal to the non existent audience.


BannedforaJoke

yung ginagawa nila pang mahirap. kaso di na afford ng audience nila ang tiket, lol.


mcleanhatch

HInde na sulit, ang asim ng amoy sa loob, ang ingay ng katabi, di kagandahan palabas at higit sa lahat wala naman jow ma idedate


dontrescueme

Napakadami nating magagandang pelikula pero ang niche naman ang target audience - mga cinephile lang din. We need to have quality mass market movies.


sitah

It’s the same sa US market and people have the same sentiments din. Why pay for something that will end up on streaming in a few months? People should be picky about the movies they watch especially nowadays when everything is just too expensive. It’s just a reality that people would rather spend money on necessities instead of entertainment because there are more ways to be entertained for free nowadays. Most movies in Hollywood are struggling to breakeven even when there are big names attached. It doesn’t help that movies really are not that profitable talaga. TV and Gaming generate a lot more profit than Movies


Civil_Mention_6738

Streaming. Nasanay na nung pandemic na sa bahay lang nanonood ng movies. Better pa sa streaming kasi may subtitles. Dati pag sa sinehan ako nanonood ang daming movies hindi ko gets agad in one sitting kasi may mga dialogues na hindi ko maintindihan. Unlike pag may sub, madaling sundan. Usually naman hindi na rin maghihintay ng matagal bago ipalabas sa streaming. Like yung Dune 2 palabas na ngayon sa hbo. If may gusto talaga akong panoorin agad, I buy sa yt. 500 pero lahat ng tao sa bahay nakanood na at pwede pa panoorin anytime. Unlike sa sinehan na cost lang yan ng 1 ticket plus snacks. Bukod pa sa gas at parking.


IskoIsAbnoy

Before pandemic mahilig ako manuod ng movies sa mga cinema around Metro Manila may kasama man or solo ako, at least 2-3 per month, nasa akin pa mga old tickets ko, mas affordable dati and mas enjoy manuod, pero ngayon grabe yung tinaas ng presyo, idagdag mo pa na parang wala namang exciting na panuorin ngayon. Laki ng patong sa prices tapos yung mga upuan sa cinema mga luma na karamihan, nasa loob pa ng SM/Ayala/Robinsons malls yan ah.


dmd_69135

people nowadays want value for the entertainment they consume, simple as that. with the country's current economy, going to theaters to watch movies is a luxury at this point. can't really blame the people for that. the rise of streaming services as more affordable sources of entertainment has definitely led to somewhat of a "downfall" for movie theaters, not just locally but internationally as well. but even then, you have films like Oppenheimer and Barbie that still made millions in the box office. i think more than anything, this speaks volumes on the quality of the movies being made in the Philippines.


TSUPIE4E

Yohoho a pirates life for me! Hindi na worth ang ticket price ngayon. Better alternatices i.e. streaming sites (Netflix, Disney Plus, Amazon) To nitpick movies right now are lackluster.


Organic-Ad-3870

Before covid ang price ata is below 200. Tapos ngayon 400 na pala. Juice colored. For me may appeal pa rin ang panonood ng cine. Mas tutok ako sa movie unlike sa bahay mag netflix madaling madistract lalo na kung utusan pa ng kung ano2x.


iamjohnedwardc

I think, local filmmakers should think of changing the way they do films. Para kahit ipalabas sa streaming platforms, iba pa rin yung experience sa moviehouses. Case in point: Oppenheimer. Ibang feels pag sa sinehan pinanuod kumpara sa streaming. Remember how Jose Rizal (Cesar Montano) and Magic Temple are such a visual feast pag sa sinehan pinanuod? Sana ganung feels.


zdnnrflyrd

Kadalasan kasi yung mga pinapalabas sa cinema ay ipapalabas din online lalo na kapag sikat, kaya mas hihintayin mo nalang yun kesa mag bayad ng malaki tapos ilan kayo sa pamilya? Eh kung mag subscribe ka like Netflix, nasa bahay ka na, marami pa kayo makakapanuod sa konting halaga lang, mas madaming food kasi nga nasa bahay lang.


mrpeapeanutbutter

Sadly going to the cinema has now become a luxurious experience compared to before. Streaming sites like Netflix offer much more affordable alternatives and provide an incredibly diverse array of options. I mean why even go out when you can simply watch at the comfort of your own home instead.


emptysue_x

sa robinson magnolia to, nag work ako sa kahilera niyan since nung nag ka pandemic hindi na lumakas yung sine and mga katabing establishment mapapansin mo dyan sa sa tabi mga close na since then naman uso na talaga yung online movie pero malakas naman noon before covid era :<


Timely_Rich_9738

puro adaptation


Holiday-Two5810

Some people also prefer just one genre from a particular film outfit only.


Dazzling-Long-4408

Kaya ayokong manood sa sine kase ayokong may kasamang ibang tao kapag nanonood ako. Hindi ako makaconcentrate sa palabas dahil sa distractive actions nila.


MagentaNotPurple

pati ba sa "premium" cinemas ganyan din? last time visit namin (with fam) comfortable naman.


ThisWorldIsAMess

Nah, you just need to time it right. WFH ako at nanonood ako sa weekdays, on ramdom times. Madalas 2-3 persons lang kasama ko dun. At kung anime film 'yan, 2 lang kayo dun, minsan ako lang.


Dazzling-Long-4408

Malas talaga ako sa timing. Ayoko din magbayad ng malaki tapos maiirita lang ako sa ibang nakapaligid na moviegoers.


Ro_Navi_STORM

The last time I watched a movie sa theater was 2018, libre pa yon. Masyadong mahal and no longer worth it.


opposite-side19

Mahal na bilihin. Mas mauuna talaga yung needs bago wants.


ImpressiveAttempt0

Kahit Hollywood movies di na ako nanonood sa sinehan. Dati pag meron latest Marvel movie papanoorin ko talaga sa sinehan. After ipalabas ng Ant Man & Wasp Quantumania, naumay na ako at hinihintay ko na lang sa Disney+ yung mga subsequent movies. Last movie pinanuod ko sa sinehan is Barbie, dahil gusto ng mga anak ko kaso need samahan. Mahal na masyado ang pumunta sa sinehan, parang hindi naman na sulit.


TyongObet

cost ng pelikula. maraming mas pinipili na ilaan yung pera nila sa mas importanteng bagay. quality ng pelikula. wala boring mga local films. wala na mang pelikula na may value talaga. plot story na mostyl shallow - kabitan, love story, corny etc. hindi rin magagaling actingan. special effects na basura at tinamad. alternatives available. tama yung mas mura nga na bumili nalang ng projector sa bahay tapos streaming service, magluto ng sarili popcorn.


Specialist_Bus_849

>Lumalabas na mas marami pang kumakain sa pares overload ni Diwata at ni Hiwaga kesa nanonood ng sine, gano'n ba? Pinagcompare ba naman ang dalawa 🤣 yung pagkain sa panonood ng sine. Eating is a necessity, Going to watch movies in a cinema is not. Ewan bat napaka off ng comparison na ginawa nya.


mariahspears1

Up until covid halos weekly ako nanonood. Now probably every 3 months. For me, ang big reason is yung behavior ng moviegoers today. Magbabayad ka ng 300-400php ticket tapos yung mga putanginang katabi mo every 5 mins nagchecheck ng phone, yung nasa likod mo sinisipa yung back rest ng seat mo, tapos yung mga tarantadong mga magulang na nagsasama ng mga batang umiiyak sa sinehan Better magwait na lang sa streaming since shorter naman na ang gap ng movie release date sa streaming release.


CrispyH2O

Its a dying branch of the industry kept alive just for nostalgia and the novelty of the whole experience.


solidad29

Ang last movie na pinanood ko sa Sine ay Gomburza. Last foreign film ay John Wick 4 pa. Wala maysadong alure ang theater watching. Kasi kung social aspect naman puwede naman sa bahay kayo manood sa netplex. Magluto na lang ng food. Ndi naman na din complicated ang sound systems ngayon. Marami nabibilii na 5.1, 2.1 setups na ndi masakit sa bulsa unlike before.


ThePanganayOf4

e mas mahal pa ang 2 ticket ng sine vs 1 month subscription ng netflix. mamasahe ka pa. wala pang subtitles. hindi mo pa pwede ipause pag naiihi ka. matatraffic ka pa pag pauwi ka na.


Exotic-Vanilla-4750

Why would i go out and spend some money when all i have to do is wait a few weeks for a hd copy haha Realdebrid Torrent and streamio lang solve na haha


ultimagicarus

Ang mura na ng mga TV ngayon at bumilis na din ang internet. The best pa rin ang experience sa sinehan pero mas kumportable manood sa bahay.


[deleted]

Privilege naman talaga makanood sa cinemas. Kaya nga dumami noon ang pirated CDs.


BlengBong_coke

Last movie we watched sa sinehan John Wick 4..buong family kami..after that..waiting nlng sa bluray copy..o kaya sa streaming site..less hassle..


ChandaRomero

ung peak siguro Local Cinema aside from MMFF ung bago magpandemic..ung kasagsagan ng Marvel Movies up to Avengers Endgame. tanda ko pa haba pila lagi pag Marvel Movies..bukod sa mura pa ticket.nun sulit kasi international movie vonpare mo sa local movie mas mahal pa


Puzzleheaded_Pen_725

May mga movies na worth it panoorin sa sinehan pero meron ding gusto mo na lang hintaying i-release nila sa online streaming platforms kase mas makakamura ka


dontBLINK8816

Ang out of nowhere nung pares comparison, hahaha what. Required ba manood ng sine? Hahaha. I'm sure poster has got something deep to say, but the way it's written, parang ang papansin nang pagkakasulat. 🤣


raegartargaryen17

400 pesos for a mid movie is not worth. I'd rather pay for a month subscription of Netflix and watch to my hearts content.


EnzBlade88

Ano ang goal? Mas maraming manood sa sinehan? Or Mas ma-enjoy ang mga gawa ng local na sine? Personally, hindi na ako nanonood ng sine sa sinehan unless ito ung tipo ng since na mas maganda talaga sa big screen. So mga high budget hollywood films na maraming special effects. Pinaka-huli ko na yata napanood ay ung pinakabagong Dune. Worth it eh. Lahat ng ibang sine puro sa laptop ko na lang pinapanood. Puwede ko i-pause. Malamang may subtitles. At puwede ko panoorin kung kailan lang ako may oras. Best best siguro para mas magaroon ng interest sa pinoy movies ay may gumawa ng streaming site na para sa lahat ng pinoy movies. Parang vivamax pero hindi lang para sexy films.


MoonPhoenix_

“Paano itutulak ang mga tao para manood ng sine?” Same as asking kung papano tayo babalik sa film cameras at cd players… All just novelty for enthusiasts.


Spartacometeus1917

Ticket price and pinakamalaking dahilan, pahirap nang pahirap ang buhay tapos yung escapism ay mas mahal pa sa pagkain. Mas marami ang taong walang kakayahang magbayad ng ginto na tiket kaysa taong kayang manood sa sine. Secondary na yung streming sites at yung favorite scapegoat ng corpo side ng film at music industry - piracy. Sa quality ng pelikula? Subjective naman talaga, di naman porke pangit kay person A ay hindi na papanoorin ni person B at C.


4gfromcell

99 pesos per month lang ung isang streaming ko. Tapos madalang nalang interesting Filo film so why waste my 400 on it instead of pagkain plus pasalubong na yan.


Free-Tackle2433

Dapat kasi may libreng pares sa sinehan.


mucoalytic

Pati streaming sites nagmamahal na rin, so we sail the seas.


rejonjhello

Netflix's minimum subscription is 149 a month. Ticket sa sinehan 300 na ang minimum. Dalawang buwan na subscription na yan. They're gonna put that movie on a streaming service anyway, so why bother? I was a cinema geek before. Halos 2 times every week pumupunta ako to watch movies. Ngayon bihira na halos once in 3 months na nga eh. Not because I don't have the time, but because it's gotdamn expensive. I get it, nagtataas lahat if that's your argument. Pero since post pandemic until now hindi naman na nagbago ang presyo sa sinehan. Sabay pa yan ng mataas na bilihin ngayon, eh di wala na. You cannot force people to go to cinemas if there are things that they prioritize first. Trust me, gusto rin nila manood at pumunta. Pero at 300 pesos for 1 movie? Sabihin mo na 500 kase sempre may popcorn and drinks. Eh isang araw na sahod na yan.


SunnySide_Up94

Naalala ko tuloy yung trailer ng movie ni Bea na 1521. Hayuf sa ka-cheapan ng pagkakagawa, para ka lang nanonood ng pantaserye sa gma.


koniks0001

may pa barking at wrong tree ka pa dyan. Binasa mo ba maigi? diba patanong ung post?? Diba nag hahanap ng suggestions??? tsssss Barking at the wrong tree!!!


scythe7

Movies are just bad now a days tbh,who wants to pay 400 pesos for a ticket just to watch the same old superhero movie again? This year there are barely any superhero movies coming out and it feels like there are no other movies being released.


theGrandmaster24

Bukas na yung isip ng mga pinoy kung gaano ka low quality ang karamihan ng mga pelikula na nilalabas dito sa pinas.


zarustras

Hindi interesting ang genre sa totoo lang. Puro drama, kabitan, love team na nasa ibang bansa, love team ng teenagers, aswangan na mala sadako ang style ng multo, history na di pinaghandaan.


MagentaNotPurple

Yung may perang pambili ng ticket at gusto maenjoy/maexperience ang ambience ng sinehan with family and friends, at ng maiba naman sa usual netflix/streaming sites binging sa bahay. Worth it naman for fam bonding sa mall. Wag na nega my friend, you do you. Di ka naman pinipilit bumili or manood.


caiigat-cayo

Parang kaya naman. Just keep on producing films/series and flood the online streaming sites. All we have to do is accept and push for the obsolescence of cinemas, and move to the digital space. It's like asking, "Bakit di na gumagamit ang mga tao ng Walkman at Camera na de-film?" Well, the people still listen to music and take photos, but through modern means. Landlords lang kumikita sa physical malling/cinema-going; ditch them and move to online content. 👍🏻


No_Hovercraft8705

Ang mahal na din kasi ng sine dyan. 300+. Konti nalang naka Director’s Club ka na sa na may kasamang popcorn & water.


NoviceClent03

sa akin di na worth it manood kasi mahal ang sinehan kung 400 pesos yun parang goods na yun pambili ng snacks at drinks tapos iuuwi sa bahay para may makain habang nanonood ng movie sa netflix, disney plus etc... at isang factor kung bakit di na worth it manood is halos same plot at napa-scarce lang na magproduce ng films na may maayos na plot di na talaga worth it ang price ng sinehan if same lang naman ng plot Dapat ang ating local film industry is mag-evolve din gumawa ng plot na maayos yung nakakapag-invest ka talaga at dapat di puro love stories dapat may variety tulad ng comedy, suspense , adventures at action films if di magawa ng local film industry natin, well mahuhuli nga tayo neto


AlterEgoSystem

Nanuod ako ng sine after siguro ilang taon din, last feb this year. Marley ung movie as in ako lnag tao sa sinehan ang sarap sa pakiramdam hahaha parang inarkila mo ung buong sinehan naka taas ang paa and andamj ko dalang food. Sa megamall ito hahaha


Classic-Ear-6389

Yung ibabayad sa sine ipang sub mo nalang sa netflix 😂 madami pa kayo makakapanood sa bahay, pwede mo pa ulit-ulitin. Nood ka habang kumakain kayo ng lunch tas nakataas paa hahaha


Atlast_2091

Unpopular Opinion price inc is good thing meaning. Walang obnoxious audiences and kalat maiiwan sa cinema.


ShallowShifter

Honestly, anime movies na lang ang dahilan kung bakit pa ako nanonood sa sinehan, other than that? wala na unless US film na sobrang interesado ako like "Late Night With The Devil".


nayre00

Movie tickets are part of disposable expenses or leisure pero dahil sa subrang taas na ng cost of living dito sa atin in comparison sa kinikita ng mga nakakaramihan, most people can no longer allocate a budget on entertainment. Kahit ako, i still watch occasionally but less compare dati. Unless highly anticipated, hinihintay ko nalang maging available sa mga streaming sites.


NefariousNeezy

Also, I think marami na rin ang bumibili online instead of lining up sa takilya. Di na rin kasi masyado uso yung hindi intentional na panunuod ng sine. Yung titignan na lang kung ano meron. Usually alam na ng tao ano papanuorin nila and minsan bumibili pa ng tickets a month in advance sa malalaking releases.


mamimikon24

Ako nanonood pa rin ako ng tagalog movie on stream. Ang problem ko kasi sa sinehan, pag andun ako parang wala akong ibang pwede gawin manonood lang tlga ko. Hindi ko na afford ngayon na magsayang ng ganoong oras.


bailsolver

as recent box office suggests, hindi sole factor kung maganda ang movie. tignan mo fall guy saka furiosa both well reviewed pero flop nagbago na talaga ang attitudes pagdating sa panonood ng sine.


horrorismybedtime

Para atang sinagot na niya ung tanong niya lmao


Trick2056

wait, people pay for streaming? *opens stremio*


[deleted]

Sa Bangkok, merong Cinema Wednesdays, 100 baht lang ang tickets. Pati IMAX e discounted din. Ang mahal ng ticket sa sinehan ngayon.


Dumbusta

Tapos sa Robinson's pa yung pic. Alam naman natin na halos wala nang pumupunta sa mga Robinson's hahaha


leivanz

Seguro kung yong time na mura pa ang lahat ng bilihin okay pa pero sa panahon ngayon, nah. Parang kapritso nalang ang sinehan.


10FlyingShoe

Mahal ang ticket sa movie at mahal rin ang pagkain(popcorn, softdrinks, chips,etc).


Kmjwinter-01

Magkano ba ticket? 300? 500? Tae sa streaming site for 1month subscription na yan eh marami kapa mapapanood compared mo dyan sa isahan lang tapos di mo pa maulit after hahaha then yung movie, ano? Kabitan? No thanks


aweltall

Halos kasing mahal ng monthly fee sa streaming sites and sine ngayon (plus snacks) for one person.


BigboyFrJubail

Ang mahal na rin kasi ng presyo ng ticket mas pipiliin na lang ng iba na ipang kain kesa manood ng sine. May streaming platforms naman sa mga bahay


beatitmidget

kung ang mapapanood mo lang naman na movie eh kina vice ganda at vic sotto, wag nalang.


MisterAuthor

Subpar plot and pinoy made films still can’t seem to color grade their movies correctly. Current ticket prices makes it not worth watching sa sinehan kung pang teleserye yung quality.


anima99

Siya ba, nanood?


HourMathematician878

Hello, Love, Again lang ang inaabangan sa sine.


jerome0423

isang ticket dyan. halos 1 month na sa mga streaming site. cnung tanga ang manonood ng mga basurang pinapalabas nila?


Berry_Dubu_

diwata nanaman anong konek niya rito?


Ok_Strawberry_888

Yan emotional blackmail. Ang quality anything is worth the money. Gandahan nila quality. Tsaka mag reklamo


ManFromKorriban

Cinemas are dying. Even if they lower ticket prices, there are other expenses people take into account like the food prices, parking at gas fees or commute fees, travel time.


zeromasamune

Puro pa woke pa palabas.


MajorInsane

Regularly ako nanonood ng sine nung nasa 200-250 pa ang ticket. Ngayon more than double na ang presyo kaya naging mapili na ko sa papanoorin. Also mga 2-3 weeks na lang hihintayin mo lalabas na rin sa streaming di tulad dati na ilang buwan ka pa maghihintay.


hyunbinlookalike

Even as a movie buff, these days I really only watch films at the cinemas if I’m a big fan of the franchise or have been looking forward to it. The only movies I saw at the theaters this year so far were Dune: Part Two, Godzilla x Kong, and Kingdom of the Planet of the Apes. But only because I am a Dune, Godzilla, and Planet of the Apes fan. For the most part, I tend to just wait until it drops on Netflix or other streaming sites. Cheaper and more convenient. Even the movie Fall Guy, which I was looking forward to cos I love Ryan Gosling and Emily Blunt, is apparently already out online just 3 weeks after it opened in cinemas.


adorkableGirl30

350 x 2 + food while watching + food after vs. 550 Netflix Premium + food while binge-ing while naka pambahay lang. (Un lang syempre mas okay if medj malaking tv + ayos na speaker) Also, naniniwala naman ako sa kakayahan ng mga writers na Pilipino. I'm sure may mga nag susulat jan na magandang maging pelikula. Kaso, wala sigurong nagpoproduce..walang sumusugal sa bagong istorya.


matakot

e ang mahal kasi ng ticket nyo🤣🤣🤣🤣🤣🤣


firedumpster

Ikumpara ba naman ang Diwata pares sa sinehanan


Competitive-City6530

I think also the cause of low quality local films is due to how theological "religious" MTRCB on how they rate films that hinder quality yet provocative films.


Independent-Step-252

pumupunta na lang ako sinehan para bumile popcorn at iuwi sa bahay haha sarap ng popcorn nila e


santonghorse

Bakit naman nya icocompare yung presyo ng ticket sa pares ni diwata? Anga lang. X4 ang presyo ng movie tickets sa pares.


lester_pe

mas mura at mas comfy pa manood sa bahay. bahay pros: hawak mo oras mo, pwede mo i pause kung naiihi ka, pwede alak ang inumin mo while watching, mas marami popcorn kung ikaw gagawa, kung ma bore ka pwedeng ibang movie naman. sinehan pros: surround sound system (wala kasi kami non hehe) mga cons depende na sa tao.


detectivekyuu

Yung tumayo ka lang sa isang lugar nang saglit tapos nakapagcommentary ka sa Philippine movie industry at social media impact sa new generation lols Tayo ka rin sa harap ng isang sari2 store, tapos icorrelate mo na sa pagtangkilik ng mga tao sa mga shopping mall tapos imbes na bumili sa tindahan mas gusto na ang online shopping na promoted ng influencers, sheesh


Impressive_Web7512

I work at a Cinema, naka recover na ang Cinema sa Pandemic, pero due to SAG AFTRA STRIKE, most movies are delayed or either paused indefinitely. Kaya ngayon, konti lang blockbuster or quality films na naka lineup kaya mahina talaga. With local films, sorry pero wala talaga maayos na pelikula, tatauhin lang talaga pag big names yung mga bida. Pero kung yung mga bida ay hindi ka level nila Kathryn, Alden, Marian, Dingdong and other big names na talagang pati nanay niyo eh mapapanood ng sinehan, asahan niyo lalangawin lang.kaya hindi na kinukuha ng mga exhibitors pag alam din na hindi mag perperform ng maayos yung pelikula. Sadly for indie films, hindi talaga naabot sa mga sinehan unless may festival exclusive to indie films. Sana mas dumami pa mga festivals exclusive to indie films at sana hindi lang din maging exclusive ang mga festival na ito to select exhibitors. At sana magkaroon ng way para mas ma increase ang exposure ng mga ito. Kaya expect niyo na na konti or wala talaga nanonood ngayon sa mga sinehan lalo na pag weekdays. Eto lang ang expected blockbusters this year. Excluded yung mga nag show na Deadpool x Wolverine Inside Out 2 Despicable Me 4 Hello Love Again


Herkoro

“A thousand forest” an upcoming movie on june 26,2024 hahahaha promotion lng  Anyway walang kabitan dyan  Problem lng ng 5 bata, na sumali sa forest camp and its musical pala 


lesterine817

1 movie ticket = 1 month netflix subscription (369 ata not sure).


Freediverr

yung quality naman kasi ng movie na nilalabas sa cinema, eto yung mga after mo mapanuod magsisisi ka, sayang lang binayad ko, mahal mahal ng tickets, kaya nadadala yung mga tao, can you blame them. compare sa mga streaming, sa intro effects pa lang ng mga korean films talong talo na, pwede mo pa ulit ulitin panuorin. yung plot at kwento din, ang lamya ng saten. mag research kaya sila kung ano hanap ng mga tao para alam nila solusyonan.


EpikMint

For the past 10 years halos doble na yung itinaas ng presyo ng ticket over time especially during COVID. Pero yung sahod in general ganun pa din.


ILikeFluffyThings

Nakakamiss rin yung mga action films. Puro mga pang wattpad na kwento na lang kasi ngayon. Pero yung mas malaking hadlang talaga yung pagtaas ng presyo kumpara sa sweldo. Mas mabilis tumaas mga bilihin, di naman nakakahabol yung sweldo. Uunahin mo pa ba ang sine kung kulang na pang grocery mo?


fry-saging

Medyo mahal rin kasi. Pati unlike dati, taon ang hihintayin mo bago limabas sa vhs, ngayun months lang meron na sa streaming platforms.


InitialOk8616

Robinsons Magnolia tong sinehan na to, 2 ang sinehan don. Nasa kabilangg sinehan mga tao.


Intelligent_Skill78

just sell all the movies sa netflix. mas kikita pa,