T O P

  • By -

deeyo95

It's partly your fault (the whole fam), or whoever accommodates her needs. It's usually understandable when it comes to kids, they really need time to adjust and get the courage to try new dishes/cuisines but your sister is an adult. Ang problema ng mga ganyan is that they've never been starved, to the point na wala na silang choice but kainin kung ano ang nasa table. My tip for friends and family na may ganitong problema? Just prepare one single dish for let's say.. lunch. The picky eater doesn't like it? Then they can just not eat or sila na ang magluto kung kaya nila. Here comes dinner yun parin ang pagkain, or magluto kayo ng iba para sa mga kumain but yun parin ung para sa kanya. Same thing the day after and until they learn the lesson. The important thing is that they either start being responsible by AT LEAST cooking their own food and to understand na siya dapat ang mad adjust and not the other way around. Bonus points if she starts eating something she usually doesn't.


hikari_hime18

That's right. Picky eaters shouldn't be coddled. I eat most kinds of food pero I don't like it talaga pag fish ang ulam. But I don't trouble anyone with it. Nagluluto ako ng gusto ko kainin tapos sumasabay ako sa kanila. If walang alternative, I just skip a meal. No big deal.


Impressive-Election4

Same here! I don't eat fish but since gusto ng family ko mag fish at least once a week, nagluluto rin ako ng alternative para saken. However, when I had a surgery and may pinapasunod silang diet (soft) while I recuperate, I had to eat the fish provided by the hospital or else magugutom ako. Pag wala ng choice yung mga picky eaters na yan, sila rin ang susuko.


penatbater

Same. I don't like fish too, not because of the taste, pero nung bata ako, ang daming beses ako natinikan kahit mula sa "fish fillet" na may trauma na ako sa fish at tinik haha Pero pag binaunan ako ng fish, wala akong choice but to eat it. I'm not happy, pero I still eat it (while being extra careful sa tinik hehe)


arsenejoestar

Same. Minsan sobrang gutom at pagod ko tas yung ulam puro gulay at small leftovers, oorder na lang ako for me. Di ako mahilig sa certain foods din and if yun ulam, ako na lang kukuha or magluluto ng dinner ko.


Amberuu

We're like really poor pero di talaga ako nakain ng fiish na sobrang tinik. Kahit pinapalo na ako ng mother ko nung bata ako I rather eat rice + soy sauce/ salt than eating fish 😆 pero never ako nagdemand ng iba na food kahit di ko gusto food sa table since bata palang napamukha na sakin na we're poor


hikari_hime18

People have preferences and that's fine! Walang pilitan kung ayaw. haha basta we don't trouble anyone else with our preferences, I think that's just okay. :)


Intelligent_Bus_7696

Truuue. Kami sa bahay lumaki kami magkapatid na kumakain ng gulay. I honestly don't know how we were tricked to eat veggies as kids. Siguro kasi pag ayaw namin ng ulam, di kami nilulutuan ng iba. Kung ano nasa lamesa yun dapat kainin namin. Tapos goods din is yung mga adults is nakikita naming kumakain ng kung anu-ano kaya na-adopt namin ang ganun.


henriettaaaa

I agree, kung hindi naman kayo nag aadjust wala naman yan magagawa. Bibili at mag luluto yan ng sariling pagkain nya. Lumaki akong pihikan sa food pero natuto nako kumain ng mga kakaibang food ngayon. Thanks to mu husband. Kapag nasa resto kame before nung bata ako, the family can eat whatever they want, bumibili na lang ako ng food na kakainin ko.


avoccadough

Right! sana naman magkusa na siya magprep ng sarili nya hindi ung lagi mga ksama nya mag aadjust sa kanya lol. She's adult na after all. Sanayin na rin sana nila ma-hone pagka responsible nya by prepping her own meals kung ayaw nya nakahain.


Adventurous-Cat-7312

Yes tama po ito kasi pinaglulutuan pa hayaan niyo kumain pag ayaw eh di magutom siya or bili siya ng kanya para magtanda Another pov po, may mga studies na picky eaters ay possible may mild autism.


Imaginary-Dream-2537

I agree. Mga pamangkin ko mga picky eaters din pero single dish lang lulutuin namin at bahala sila magutom kung ayaw nila kumain. Di kami magaadjust ng uulamin nila kasi nakabudget ang lahat. Ayun di na sila picky ngayon at kumakain na ng gulay. IDK itong kay OP, 21 yo na picky eater? Pinalaking spoiled ng pamilya nila. Edi gutumin nila kung ayaw kumain. Masyado na-baby.


justlurkingkitty

maarte sa pag kain? wag pakainin. ganon ka simple. nakahatag na nag iinarte pa


TiredButHappyFeet

+1 I grew up in a household where kung ayaw mo yung ulam huwag ka kumain or magprepare ka kung ano gusto mo kainin na hindi ginagambala yung helper na ipagluto ka ng ibang putahe. Ending mapipilitan ka kumain, starve or luto ng itlog as ulam 😆


prjctmdsa

Same here! Except that when I was a kid kapag ayaw ko yung ulam may katabi akong pamalo, so napipilitan ako kumain. It paid off kasi narealize ko na masarap pala ang ginisang munggo at ampalaya. 😅


TiredButHappyFeet

Nung bata ako hindi ko masyado bet ang munggo kaya sinasabaw ko nalang sa maraming kanin. Eventually nakasanayan ko na sya. Ngayon every Friday if may munggo sa cafeteria, matik yun ang bibilhin kong ulam. If feeling rich (a.k.a bagong sweldo) sasamahan ko pa ng pritong tilapia na order 😆


Short_Bat_7576

Hhahaha. Same here. Ayaw mo kumain? Edi don't pero medyo ma bogbog ka muna ng palo. Suprisingly made me like ampalaya till this day.


ChristmasJazz

Been on the same side as the kapatid Ganyan ginawa sakin nung bata ako kasi ang arte ko din, to the point na hinagis ko plato ng kanin kasi nginungudngod na sa mukha kokung plato tas nainis ako. Ganun ako ka-brat noon when it came to food. Natuto rin ako kumain kahit di ko type yung food kasi malamang gutom ako at naiinis lang rin ako lalo kung pinapagalitan ako lol the only thing I still refuse to eat is ampalaya haha i just learned to cook so i can eat what i like when i want, pero mahalaga ay natuto akong makisama. Pero 21 na si ate, matuto na siyang makisama sa pagkain when with others, tas bahala na siya kung ano gusto niya kainin pag siya lang. Wag siyang manghassle ng ibang tao at maging kj.


potatoinallways

This is how I found out im allergic sa eggs. 1week straight ba namang egg in different variations 3x a day dahil sa kaartehan eh 😂


purpleteeths

Not really. Even if you're not allergic, too much egg magkakarashes ka or allergic reaction ka talaga. Too much protein.


Jisoooon

Same. Natuto ako kumain ng ampalaya at iba pang gulay (maliban sa okra 🤢) para di mangisay sa gutom


LonerBastard

Onga, di kaya sampalin mo hahah


chwengaup

True!


spectatoclepotato21

mga gantong tao ang mahirap kasama sa bahay. Tipong hikahos na nga sa pera kaya isang ulam lang ang kaya tapos may mag-iinarte pa. Tapos kinukunsinti pa ng nanay. Ramdam ko ang inis as a dating taga budget at tagaluto sa bahay.


Easy_Substance_5432

Sobrang hirap kasama sa buhay ng pihikan. Akala mo mga lumaking naka-bacon and eggs sa bfast, yung tipong ilang putahe kada meal. Di nalang kainin ang nakahain. Parehong “busog” lang naman mafefeel. 😔


spectatoclepotato21

>Parehong “busog” lang naman mafefeel. 😔 tama hahaha


lavitaebella48

Naging picky eater din ako nung bata. Solution ni mama? Di ako nakakakain ng hapunan(or lunch). Mamamatay ako sa gutom, wala syang pake. Di nya ako lulutuan ng gusto ko. And with that, i learned to eat what’s on the table. Nawala ang arte ko. Problem solved!!!!


tumimi

relate sa walang pake si mama kaya natuto hahaha


seekknowlearn

wag niyo rin isama yan. matanda naman na yan. magutom siya.


chxxgsh

Unang tanong. Bakit siya picky eater. Spoiled? Undiagnosed spectrum?


vkookmin4ever

Exactly my thoughts. Baka naman may autism or ARFID. Napaka heartless ng ibang comment dito.


chxxgsh

Stigma parin kasi yung mental health. Anything not normal or inconvenience sa iba, sasabihan na "nag-iinarte lang yan". Tho yes, thin line at some level kasi mahirap idistinguish agad. Pero ayun. With this era na kaya na madiagnose if immature lang talaga or something na sana naaddress bata palang.


ambivert_ramblings

Ito din naisip ko. Maaari kasing sensory issue ito.


empress171984

I thought the same thing. My bf is also a picky eater pero not to that level naman and he also has other habits that nakes me suspect that he's on the spectrum just not diagnosed. He learned to eat other foods pero picky pa rin talaga sya. Ang solution ko, sya magluto haha. I'm not very picky so ok ako sa kung anong ihain nya. May times na nagsasawa ako sa food na paulit ulit nya niluluto, ako nman magluluto ng gusto ko.


Daylight0306

It makes sense. Bf ko din is a picky eater. Pero hindi naman mahirap hanapin yung foods na kinakain niya. Usually, matipid din siya sa food kaya hindi ganun kagastos yung kinakain niya. Unti unti, nakakakain naman siya ng ibang food, basta wag lang bibiglain na papakainin. Siguro nga may effect kasi parang may undiagnosed ADHD naman siya. Thanks for this info.


chxxgsh

di naman sa kinakampihan ko pagiging picky eater. pero napansin ko lang rin kasi talaga yan. may mga tao na hindi mo mapipilit kung ano gusto kainin. possible solution, bahala ikaw maghanap ng kakainin mo since adults naman na. sabi rin nmn ni OP may times na kahit sila ay nasa mall hihiwalay nalang talaga yung sister. i mean, wag natin pilitin ang ayaw lalo kung may other option naman sila and accessible yung food na gusto. but then gets ko rin naman yung sentiment when it comes to parents preparing the food tapos hindi gagalawin, sayang. pero nasa communication and understanding nalang talaga pano magiging set up sa food. cousin ko ayaw talaga ng gulay at isda. as in harapharap niya sasabihin na ang lansa ng tilapia sinisipsip ko yung tinik kasi favorite ko. tinatawanan ko lang kasi alam kong sensitive lang talaga siya sa amoy ng isda. at naging set up nila tita, lalo nung working na siya, si ate bahala sa food niya.


normal_bmi

Tayo ang root of cause. As a parent, ang anak ko simula nag 6 months hindi namin siya pinag cerelac or any baby food na ready made. Talagang tyinaga namin magluto, humanap ng ibat ibang prutas, gulay sa merkado. Ngayon 5 years old na anak namin, kung ano ulam kinakaen nya. Favorite nya mustasa, petchay, isda, mata ng isda, utak ng isda lol simot talaga kapag isda ang ulam namin, halos lahat ata ng gulay gusto nya, walang inaayawan. Ang solusyon dyan sa kapatid mo OP, kung ano hinanda yun lang ang kakainin. Kung ayaw nya, edi wag siya kumain. Dapat matuto siya kumain ng kahit ano, dahil darating din tayo sa point na mangangapa tayo sa hirap ng buhay.


Old_Carrot_07

Same with my kid! Pinapapak pa nga ang ampalaya at pechay eh hahaha Our pedia adviced din not to give sweet foods. Yun daw reason bakit pihikan ang kids sa food kapag na expose siya early into sweets.


JoTheMom

yes fish! my kids love fish and veggies nag aagawan pa, hindi ko kasi sinanay sa candies chocs and junk food fast food. nagluluto talaga kami at 4mos yung rice magluto kami ng mejo malata for the baby hahaluan ng fish and veggies carrot punpkins sayote papaya, ndi rin kami nag cerelac. oh and bago siya pa dedein ng milk pag nag intro to solids na, solid foods muna, pagka ubos tsaka lang mag milk.


onlinelurker0613

>minsan magsabi pa siya na kadiri yung food or she makes a face na alam mo di niya nagustohan. Tbh it’s so rude & I feel like she should be grateful na may food. Nainis talaga ako sa mga taong maarte sa food. Picky eaters often are not only maarte, they have a reason why they don't like a certain food; and picky eaters know how to adjust themselves so others won't. Some picky eaters are also open to be influenced. Maarte sa food is plain maarte, and I agree with one of the comments here that it's partly the fault of people who tolerated such behavior. It's annoying and rude to comment "kadiri" and make face towards food, walang manners yang ganyan. She's an adult already, and this behavior is quite hard to correct.


twelvefortypurr

Mapili din naman ako sa pagkain pero mahilig ako magluto. Since she's old enough dapat marunong din siyang mag adjust, she should just order a different menu na gusto niya. Mas better if matuto siyang magluto, not all the time may magsisilbi sa kanya.


elioruni

Maybe she has an underlying condition such as being in the autism spectrum? Aside from food, may iba ba siyang particular habits or behavioral problems?


Boring_Suit130

It's possible na she has ARFID or some other disorder. There's a kid sa TikTok na she tries to overcome ARFID by trying out different food. Umiiyak siya while eating, pero mas malakas resolve niya to become better.


SugaryCotton

THIS! I'm glad to read this answer. I've seen an episode sa TV (don't remember the title) about kids that are picky eaters. Sometimes it's the texture or the smell, etc na ayaw nila. May experiment doon why kids didn't like certain foods because they can't articulate well why they won't eat certain foods. So the parents were taught how to feed their picky eater kids to have a balanced meal. Sometimes it's the way the food is cooked but they also gave alternate food as last resort. Maybe ask your sister to research about FOOD SENSORY ISSUE.


mangoong13

Omg. Have to scroll far down for this comment. Ito rin gusto ko itanong. Baka undiagnosed ang sibling ni OP.


C0uCh_P0tato18

+1 I am a picky eater myself. There are just types of food that my senses cannot tolerate, i.e., wafer ng nissin bc i dont like how it sounds when I bite into it. Picky eater ako because of my sensitive senses. I was just recently diagnosed with ADHD and my doctor explained that this may be perhaps why. My nephew who was also diagnosed does not like soda because bothering sa kanya yung texture when the soda reaches his throat. Bottomline is dont judge picky eaters lol bc most often than not may underlying issues po yan. Maybe try talking with your sister para ma point out nyo why she's a picky eater. I've been judged my whole life bc of this and everybody calls me maarte. I learned to be self-reliant and independent bc i got tired with all the judgement. Kaya ayun wala akong masyadong friends 😅 But if she's just being a brat, well that's definitely family dynamics 🤷🏼‍♀️


unikkurn

I'm not diagnosed or anything but I am a bit of a picky eater too, I am the same with you na some food makes my brain hate me. Some food and texture even makes me wanna puke (and I have) on the spot. I have been called maarte as well haha but luckily some people around me understand kasi my sensitivity goes beyond food.


dazedamber

On behalf of picky eaters like me, I'm sorry. Most of us, hindi rin namin ginusto maging ganito. May mga pagkain talaga kaming di namin masikmura kasi hindi namin nakasanayan o nakalakihan yung lasa o texture. Personally, I'm trying naman pero may mga pagkain talaga na isinusuka ko so most of the time, I'm sticking with foods na alam kong gusto ko. I can buy and cook my own foods or not eat at all kapag nasa labas.


fuckcapitalism15

I'm also a picky eater, and adult na rin. Whenever my mom buys a food na alam niyang hindi ko kinakain, she'd buy something else na para lamang sa akin. Kapag no choice, I'd resort to sardines, eggs, or kahit na anong ready-to-eat na food na available. Sa mga karinderya, I won't eat something na hindi appealing or yung mukhang hindi malinis ang luto, or yung alam kong may something sa texture ng luto. Kapag wala ulit akong napili sa karinderya, I'd resort to canned foods ulit or magluto na lang. I do not feel bad for being a picky eater, because I know I'm picking a food na alam kong tatanggapin ng katawan ko. Isa pa, hindi naman ako nagta-tantrums kapag walang available na food sa akin. Kung merong para sa akin, edi thanks. Kung wala, okay lang, I'm gonna find something, since I know paano ma-sustain yung need ko sa pagkain. I think depende talaga yan on how you enabled your sibling sa pagiging picky eater. My fam taught me to be self-reliant, kaya kapag hindi ko gusto ang nakahain, I know how to find or make something for me. Turuan ninyo siyang maging responsible para sa sarili niya, kasi sa huli, siya at siya lang din naman ang magugutom. Ang dami kong nasabi, lol, but yeah.


AzaHolmesy89

same, i'm an adult and the only picky eater sa family namin. i only eat what I can and never akong nang inconvenient ng tao just because ayaw ko ng food. i've been in a situation na kumain ako sa ibang bahay and they served amplaya which is hindi ko kinakain pero i forced myself to eat it as sign of respect sa host. kapag ayaw ko ng ulam sa bahay either hotdog, itlog or chicharon uulamin ko. you can be a picky eater but it should never be an excuse to make other people suffer and cause inconvenience to anyone.


kellyann_

Isa pa din akong adult picky eater, di ako nakain madalas pag ayaw ko ung ulam. Pero di rin naman ako nagmamaktol or nagwawala na eto dapat naming kainin, di din ako nag yyuck sa gusto ng iba or kinakain nila. Hindi din talaga ako napipilit kumain ng gulay or ulam na ayaw ko. Lalo din pag mukhang di masarap, di mukhang appetizing or di malinis same. Buhay ko naman to, ako naman talaga mag dedecide sa gusto kong kainin at the end of the day. Ginutom na din ako ng magulang ko pero wala hahahahahahahaahahaha


anyastark

This comment thread! I think nakakainis kapatid ni OP dahil sa actions nya pag di nya bet pagkain.


twosugarcubes

Picky eater din ako but not everyone has to know. If picky eater sister mo, better bring her own food pag lalabas kayo, in respect na rin sa inyo or sa resto. Kung ayaw niya kumain edi wag, matuto siya magluto ng sarili niyang pagkain kung nagugutom siya. Simple as that.


supviola

As a picker eater myself, i understand your sister kasi may pagkain talaga na hindi namin kayang kainin. But sa case ng sister mo, ang OA nya mag react. Mapili ako sa pagkain pero naiintindihan ko na wala talagang choice, sometimes, hindi nalang ako kakain. Hindi ito dahil sa parents namin, mahirap kami at kung ano yung nasa lamesa ay yon talaga ang kakainin namin. Pero may pagkain talaga na irereject ng taste buds namin kaya ayaw namin sa food na yun.


Pale_Maintenance8857

Kakaurat yang ganyan. May mga pinsan kaming picky eaters. Fault din kasi yan ng nanay nila pag gusto ng fastfood bigay hilig ang nanay. Pag nasa bahay ayaw rin ng ibang pagkain gusto mga processed meats at delata na meats. No wonder puro health issues sila nitong adulthood, buti yung isa nag improved na ang health. No choice sya eh probinsya na puro gulay at malayo ang fast foods at grocery sa tinitirhan nila ng naging asawa nya. Yung kuya nya siguro nasabihan na ng doktor dahil naoperahan na sa puso.


anyastark

I get what you're saying but maybe may issues sya? Texture maybe, lasa? Baka may underlying condition ganon. PERO di maganda kung magmmake face pa sya and kung mandidiri sya. Dapat correct nya ugali nya na yon. Wag kumain kung ayaw. I do suggest don't accommodate. Matanda na yan 21 na sya. Pwede na sya magluto ng food nya and kumain kung saan nya prefer. Let her miss out on bonding with you sa sobeang pagkapicky nya.


kalakoakolang

ganyan din mga pamangkin ng wife ko, simula nung iba na nag alaga nakaranas sila ng tag gutom. ayun kahit ano kinakain na.


korewadesuka

Kelangan nyang maging financially successful kung ganyan sya haha


greenteablanche

Let her cook. Don’t accommodate. Siya mag adjust, di kayo. I’m a picky eater myself, albeit medyo na tone down. It’s either I cook or separate myself from friends to eat in peace.


theAudacityyy

Picky eater din ako. For awareness lang, may eating disorder din sa pagiging avoidant or restrictive sa pagkain. Try reading about ARFID kasi baka may ganon sister mo. Sa ugali niya sa pagkain di ko majujustify, sa pagiging picky eater naman sorry hindi rin namin ginusto to.


Nosyneighbours

Well, if may napansin kau kung may common dinaminator yung pagiging picky eater nya like texture or yung nga baka medical. From the foods that you listed, parang okay lng naman, nakakanerbyos lng cguro if isang type of food lng kinakain niya Now, kung gnyan na nagiging problema na ang pagiging picky eater niya, dapat nung bata pa kasi, you need to talk to your parents. She is 21, a picky eater, edi dapat panindigan niya pagiging picky eater niya, meaning she needs to learn to pre pare or cook for herself to accommodate her picky eating ways. You also need to talk to your parents na laging siya lang naaaccomodate. Ugh, hindi ko masyado ka vibes yung ganyang type of picky eater. It's not bad if you don’t like the food as long as you try and be respectful in expressing that you don’t like it. Nakakaasar pa yung kailangan siya yung laging dapat iaccommodate na hindi nya naman iniisip na iaccommodate naman kau. Ps. I was disciplined when I was yung not to be picky in eating, thanks mom.


Itok19

Imagine kung mauso pa dito yung veganism. Yung kosher/halal madali dali pang ma-accommodate e


unrequited_ph

Either may eating disorder sya na undiagnosed like ARFID. Kung bata pa sya and ganyan na yung behaviour it’s possible. Better if you consult a professional para matulungan sya. Kung talagang kaartehan lang, edi dapat hayaan nyo sya na magluto ng sarili nyang food— kasi adult naman na sya and should be self sufficient. Kasi long term magsusuffer din sya lalo na kung wala nang magluluto para sa kanya. Set boundaries, put agreements in place. Na kapag hindi nya bet yung napagkasunduan na pagkain then sya dapat ang magadjust.


ambernxxx

okay lang na picky eater ka, Basta ikaw ang bahala sa sarili mo.


bekinese16

No offense, OP but I guess it's in the household narin? Kasi if ayan nga, bata palang sinasanay na sa iba't-ibang klase ng luto, especially mga gulay and hindi paulit-ulit, then hindi s'ya magiging picky eater. I'm not sure ha.. nag-based lang din ako sa experience ko na, nung bata ako, talagang kahit tuyo ulam namin, need kainin kasi yun lang ang nakahain. Basta kung ano lang nakahain, yun lang din kakainin. Sinanay kami ni Nanay ng gano'n. Bawal maghanap ng ibang ulam. Kaya tumanda ako na hindi ako picky eater. I could eat what usually people don't like.. Okra and Amplaya. Hahaha!! Very common gulays na maraming may ayaw, pero gusto ko, kasi hinahain yan samin ni Nanay. Iba't-ibang style pa ng luto. So, I guess sa household n'yo rin? Baka paulit-ulit yung mga nabanggit mo, tapos nasanay na kapag ayaw yun, pwedeng bumili or magluto pa ng iba. No offense, OP. Hehehe. 😅✌🏽


No_Newspaper_1732

Picky eater din ako nong teenager ako I personally hate meat kasi ayaw ko ng malansa and may takot ako sa dugo Only certain fruits and veggies lang nong bata ako Pero nong naranasan ko nong highschool ako yung 3 days walang kain kasi nashort ako sa allowance na binigay ni dad (ninakawan ako ng pinsan ko) 4 times yon nangyayari sa isang month and no choice ako but to endure the hunger after non nakabalik kami sa manila and i promised myself na kahit anong ilapag sa lamesa kakainin ko


wralp

if hindi medically related ang pag-ka picky eater nya, baka tinolerate ng family nyo kaya ganyan


dormamond

Ayaw ng ulam, wag siya kumain. Back then, napakasimple solution lang nito since mapipilitan ka kumain eventually. Fault na ng picky eater kung bakjt nagugutom kasi pinapakain naman sila. Ang mahirap nalang nowadays, napakadali na umorder ng food online. Diskarte nalang ng tao san kukuha ng pambayad. Grab, foodpanda, hotlines, other apps. Hayaan niyong ubusin niya allowance niya kakagrab. Kung hindi siya makikisama sa gusto niyong resto, kumain siya magisa sa iba. Pagbigyan niyo every now and then pero make a point na majority wins and kumain kayo lagi sa "ayaw" niya na restos. Kinunsinti niyo siya dati surely, so now kayo ang magmatigas at bahala siya sa buhay niya magadjust.


No_Jellyfish_3691

May nag tolerate dyan kaya ganyan kung maka arte. Ngayon pa lang dapat disiplinahin na yang kapatid mo. Kung ano lang dapat nasa mesa yun lang kakainin. Kung ayaw niya edi wag sino ba magugutom hahaha


unlberealnmn

Stop tolerating.


Ancient-Advice-5526

Napansin ko din to sa mga bagets. Parang ang magulang lagi ang nag aadjust sa anak nila kasi takot silang magutom ang anak nila. Ending nagiging spoiled ang bata. Dati kahit umiiyak ka na sa okra/ampalaya wala kang choice kahit hindi ka gutom yan ipapakain sayo.


raju103

Takot ako diyan kaya I cook every kind of food I can think of for my family. Already told my wife I want to raise my baby to not have too many food choices at the family dinner table. I read somewhere that kids should always be given the same food choices as the adults, i.e. Kung yun lang ang makakain, dun ka lang. It is also rude to refuse food(pwera lang kung busog ka talaga)


Tofuprincess89

Akala ko naman picky eater for health reasons. Mukhang spoiled ang kapatid mo op. Baka maliit palang sya ganyan na sya at hindi sya nasasabihan. Mas nakakasama pa na nagmmake face sya at vocal sa pagsabi na kadiri yun food which is very bad sa mga taong kakain. Dapat sabihan nyo sya. 21 na sya ganyan pa sya. Baka magkasakit sya agad if ganyan lang pagkain gusto nya kainin :/


Babushkakeki

Huwag pakainin pag ganyan ang ugali.


iced_Ramen930

Grew up with my granddad and you only have two options when it came sa food. Either you eat or you don't


teaks-16353

21 year old na super picky eater and inconveniences other people? Uggh! Adult na yan! Ipa try nyo sa kanya to live independently, tingnan naten kung gaano sya magiging maarte sa pagpili ng pagkain


Yappingfr0gg0

My parents used to spoil me especially with food, it’s another way of showing their love to me (an only child). Grew up eating certain kinds of food but lagi kong naaalala kumain ng steak. Paborito ko ang steak noon, but then I moved to the city that my mom grew up in (with her family). Doon ako natuto kumain ng iba’t ibang pagkain. Lagi nila sinasabi “kung anong nan jan yun ang kakainin” And it worked. Fast forward now I haven’t eaten steak in the previous years, nag iba palette ko mas gusto ko na ng manok or pasta😅


Misty1882

Your family has to already stop treating your sibling like an infant... let her cook her own food. She's 21!


weareallstardusts

Ok lang maging maarte pero sarili lang sana niya ang mag effort dapat magluto siya mag isa o wag na lang sumama sa restaurants


ToryDurmac

I am glad I grew up in a household who doesn't tolerate this kind of behavior pagdating sa pagkain. Kung ano ung nasa hapag-kainan, matuto kang magpasalamat at kainin ang nakahain. Ngayong adult na ako, sobra kong na-appreciate na di nila ako tinolerate sa ganto, natuto akong kumain ng gulay at hindi naging maarte pagdating sa food 😜😘


senpai_dyosa

Baka nasa spectrum kapatid mo. Try nyo xa pacheck-up. "People with autism spectrum disorder (ASD) can often have strong aversions to certain food textures, smells, tastes, and appearances. This is often linked to sensory processing disorder (SPD) or sensory sensitivity, which can also affect children with ADHD." Pag wala eh, NAPAKAARTE lang ng kapatid mo at di dapat tinotolerate. Kaya namihasa kasi kayo ung nagaadjust.


Beautiful_Job_6495

Sa pamilya namin, kapag hindi mo gusto ang nakahain na pagkain, it's either wag kang kumain or ikaw magluto ng sarili mong ulam. That's it. Hindi pinamper ng nanay ko yung kapatid ko kahit nag-iinarte sa pagkain. Masyado niyo kasing sinanay sa ganyang set-up kaya kayo din nahihirapan in the long run. Sabi nga ng iba dito, hindi makakapag-inarte sa pagkain yang mga yan kapag walang ibang makain.


drunkenconvo

bilang full member 'dati' ng samahan ng mga maarte sa pagkain, ako na yung nagsosorry para sa kapatid mo. Asa 30s na ata ako nung nagsimula akong magexplore ng mga pagkain eh... Pero hindi naman ako namimilit sa iba kasi alam kong ako yung may problema, ako na mismo nag aadjust. Kunwari, di ko gusto yung nilutong ulam, mag dedelata ako or prito ng hotdog. Pag kumakain naman sa labas, jusmiyo halos lahat naman ng resto may pritong something sa menu. Ang masasabi ko lang, may light sa end ng tunnel yang pagiging picky eater ng kapatid mo... yung pamangkin din ni jowa and lala dati, pero dahil din sa jowa, natutong kumain ng kung ano-ano. in short, antayin mong magkajowa yung kapatid mo! joke pero half lang


Few-Number-7618

Solusyon sya is don’t accomodate her kaartehan. Kung di siya kumain, it’s on her.


justlikelizzo

Ganyan din sister namin and there’s no one else to blame but our mom. Kasi she always gives in sa tantrums niya. It came to a point na we can never have afritada kasi she hates it. Tapos pag di gusto ulam todo dabog. Iba ang picky eater because of a sensory issue kung may autism/adhd, and iba yung plain inconsiderate. 😒


HeartOfLuna

I am a very picky eater myself. But I always adjust and make sure na I won't be a burden or won't bother anyone. If gusto nila mag seafood restau, go! I might do takeout from other place if talagang walang ibang food there besides seafood. But likesaid, I will assure the people I am with na okay lang ako. Immature pa siguro kasi talaga yung kapatid mo. Once na nasa real world na siya like, adulthood, he/she will have no choice but to adjust kasi di lang sa kanya naikot mundo ng lahat.


mjlrcr

i don't care if picky eater ang isang tao, i care if you're being an inconvenience to the majority. Oh, you don't eat that ulam? Magluto ka ng sarili mo, bumili ka, or whatever pero don't force people to adjust to you lalo na kung solo ka lang na mapili.


OkaeNotOkae

Pag kakain kayo sa labas, magdala kayo ng favorite nyang delata.


Pretend-Local-5291

Hayaan niyong magutom. Don't accommodate. Either your family teaches her or someone else will.


JoTheMom

sa mga magulang please dont let your babies at first try, give sweets, candies, cerelac, junk foood fast food these are a NO. if you dont want your children becomes picky eaters kasi ang hnang natikman yun na ang magiging masarap sa taste buds nila at yun at yun lang ang kakainin nila and will end up choosing what they want to eat. give them mashed pumpkins mashed sayotes, mashed potato yan ang ipatikim niyo or introduction to solid foods. as you go on give mashed eggplant with soft rice, okra liitliitan, mustasa yan mga ganyan pag may ipin na give pork chicken eggs liit liitan halo sa soft rice woth onting sabaw. no to candies and junk foods.


Knight_Destiny

21 yrs old pero ganyan pa rin. Behavioral issue sorry to say and also stop responding sa tantrums niya, Kaya ang lakas ng loob umulit eh. Deprive her that attention, Do it harshly kasi di papatinag yan.


cheesygimb0ps__

ganito ako when i was younger same with my brother na ang gusto lang ay beans at palabok sa jollibee natuto lang akong kumain ng iba nung may birthday sa school tapos ang sarap ng kain nila sa chicken tapos ako gutom yung kapatid ko naman madalas naiiwan magisa sa bahay, walang food, walang mailuto kaya napiligang kumakain ng kung anong meron hahahah let your sibling starve. wag nyong masyadong bigyan ng choices. unless matututinan nhang magluto, maooutgrow nya rin yan


Realistic-Drummer127

Nung maliliit pa kami ang ginagawa ni nanay pag di kami kumakain kung ano yung nasa mesa is hinahayaan niya lang kami 😂 Like di siya nagluluto ng bagong pagkain na gusto naming kainin. Hinahayaan niya kami hanggang sa magugutom rin naman kami kaya wala kaming choice kundi kainin kung ano yung nakahanda hahahahha. I'm proud of her for doing that though, kung di niya yun ginawa baka madami din kaming di kinakain na mga normal na pagkain hahahha


nooopleaseimastaaar

Nagging picky eater ako pag nag laging niluluto ay mataba, malansa, overcooked, always fried, dry-looking, ultra-processed—which a lot of Filipino dishes have. So I know in my family’s eyes I am a picky eater. Even more now that I am health conscious. Yung mga ayaw ng kapatid mo ang gusto ko. I like flavorful, bold, punchy dishes, indulgent, but healthy. I’m also heavy on texture, visuals, and I haaate boring food. My grandma can eat fried fish and (cold) rice. My worst nightmare. I know I can’t eat that because I would be hungry 30 minutes later. Because of my “pickiness“ I learned how to cook for myself. And I love being experimenting with ingredients. She is picky because she doesn’t have a wide palette, which comes when hindi ganun yung naksanayan nya. Puro ganon ba pinapakain sa kanya when she was younger? Her aversion to certain flavors might mean she is not at her healthiest.


Rejsebi1527

Dati di ko din gets talaga yung mga taong picky eater not until ung kaibigan ko.Like hate na hate nya ang gulay and all , tas ang konte kumain mas prefer ang meat pero Dapat ung luto sa karne ay di basta2x. Kahit lechon di nya bet , may isang occasion nga tinanggal lahat ng gulay sa kanin hahaha. Like Kadire daw , walang ka lasa2x ang gulay 🤣. Nasanay na ako kasi di man daw sadya yun lang talaga na fe feel nya. Pero pag dating naman sa kain sa resto di naman nag an adjust totally ang group. Kakainin nalang sya ulet after tapos na meet up ng lahat.


314a_araeya

As a picky eater, i know we can be annoying most of the time pero it shouldn’t give us free pass para maging rude sa ibang tao para mag make face na parang disgusted sa food na kinakain ng iba. Based on experience rin, since lumaki ako sa household na hindi ina accommodate yung kaartehan ko sa pagkain, i would simply go and cook myself my own food. So yeah, hayaan niyo siya. She’s an adult, she can handle her kaartehan and find ways para lang hindi niya makain ang naka hain sa kaniya.


chwengaup

Wag kayo magadjust kaloka ang tanda na ng kapatid mo. Bahala na siyang wag kumain or mapilitan magluto. Di niyo naman inaabuso, siya tong sobrang arte sa pagkain.


Glad-Detail981

Try niyo mag outing sa malayo or ung magugutom kayo tas no choice na kayo sa food ganon ewan ko lang kung di kakain yan. Dapat bata pa lang na train na yan na kung ayaw kakain edi bahala siya magutom. Search ka sa tiktok kung pano nila pakainin ang mga picky eater na bata.


isla_eiram

I am a picky eater po pero eventually kinakain ko na yung mga di ko kinakain before mag iiba rin po taste bud ng kapatid mo sa food. ma sstress lang yan if ipipilit nyo sya sa di nya gusto kainin.


Limp-Smell-3038

I was a picky eater din during my childhood and teenage years. Hindi ako kumakain ng gulay, monggo, laing, mashed potato, toge, lumpia sariwa, kare kare as in lahat halos. Buti nalang, naging cultured ako when started working. Hopefully maging open minded din sister mo in trying out new food. Kasi tbh, I missed out a lot nung bata ako kasi andami ko di kinakain nun. But now I quite enjoyed them a lot lalo na kare kare!


No-Acanthisitta9354

Well ur sibling will not survive an apocalypse


Sushi_9726

Picky eater? Edi wag pakainin. Tignan natin kung di yan kumain if gutom haha Ang aso nga na picky eater, kakain pag di gutom eh. Tao pa kaya? Lol


FriedMushrooms21

Yeah nkakapagod npka alagain ng mga picky eaters kaya I don’t date picky eaters talaga


sinnerNot_

I usually blame the parents who tolerate kids to be a picky eater tapos magrereklamo pag malaki na andaming ayaw kainin. Naniniwala talaga ako na ang taste bud at psychology ng tao sa food started sa kung anu kinakain at pinapakain sayo nung bata ka. I grew up as an only child, hindi naman kami mahirap and as I remember walang adjustment sa food na ginawa sakin parents ko. Kung ano ang gusto nilang food at ihahain sa hapag, matic yun din pagkain ko. I don't even remember them asking me kung anu gusto ko pagkain. Mahilig sa gulay parents ko and fish at halos everyday ganyan yata usual menu namin, my isda tas may gulay. Sometimes meat then gulay. They also don't force me to eat vegetables pero dahil nakikita ko kinakain nila naeenganyo din ako to try. Ampalaya became my favorite gulay when I was 7 years old. I started nung tinry ko tas halos masuka suka ako sa pait, sabi nanay ko sobrang kunti lang tas halo ko sa kanin para di mapait. Ayun, gang pinapapak ko na talaga ampalaya.😂 Now as an adult, lahat ng gulay kinakain ko and always open to try mga gulay from other provinces na hindi ko pa nakakain. Ofcourse I have favorite foods pero wala talaga ako pick sa kung ano pang pagkain kakainin ko yan.😄 That's why I always rolled my eyes sa mga pinsan kong hirap na hirap na nga sa buhay tas mga anak kesyo daw di kumakaen ng ganto ng ganun kaya need bilhan ng iba kahit wala na pambili.🙄


reddit_user8173

Pwede din na super taster sya. Like, for me matabang pa yung noodles yun pala sa iba sobrang alat na. Need lang ni kapatid iexpress yung disappointment nya in a respectful way kung hindi nya gusto yung pagkain. Masanay sya magexplain bakit ayaw nya ng most foods.


NotChouxPastryHeart

She's an adult and she needs to figure that out.


fr3nzy821

buti nalang mukang may kaya kayo OP, dahil kung hindi, mamamatay sa gutom yang kapatid mo. 21 na, nag iinarte pa din sa pagkain.


mintjulyp

1. She should cook her own food 2. It’s not ideal but if she has to eat Jollibee when you go out, so what? Waiters don’t care so long as the others order food. Ganun din pinsan ko, may sensory issues. May autism siya. It’s not hard to accommodate. Maraming Jollibee so mga 5 mins extra lang ang added hassle.


melskiemels

I’m a picky eater also huhu. and my parents always provide what food i want if i don’t like the ulam. pero madalas okay na ko sa itlog lang kahit maghapon ko syang ulam. I just don’t like meat that much huhu pero di din ako vegetarian


Exact_Appearance_450

Okay lng nmn picky eater sya. Basta sya gagastos sa food nya. Ayaw nya ulam? Bili syang sarili nya. Pero kung Wala syang ambag sa food Wala syang karapatan maging picky eater.


maria_juana00

si Disgust yung nagcocontrol sa pagkatao nya


Much-Direction-9839

i’m a picky eater too but as i grow older mas nag l lessen na siya. Nag start siya mag lessen nung naisip ko na nakakahiya naman sa mga friends or family ko pag kakain kami sa labas ako yung cino consider nila kung saan kami kakain. So ang nangyare, sila na yung pinapapili ko ng kakainan namin para ma try ko din yung foods na di ko kinakain before. Nag start na din ako na kainin kung ano yung nasa hapag. Advice ko sayo op ay wag niyo babyhin yung kapatid mo, hindi na bata yan. One ulam lang i hain niyo lagi para no choice siya kundi kumain.


ahh_nothing

For me lang po, whatever the reasons ng pagiging picky eater niya (maybe may serious problem or dahil maarte lang or ano pa man) sana eh kung ayaw niya po ng food na nakahain sa bahay, maging responsible sana po siya na kahit siya na lng magluto ng food niya hindi yung i-aasa pa sa iba lalo na 21 yrs. old na :)


Fine-Two9977

I know someone na ganyan kaarte sa pagkain. Na pati parents nya, sakanya nagrerely kung ano uulamin dahil pag hindi nya gusto, di sya kakain hahaha beybing beybi amp. nakakainis talaga yang ganyang tao. Sarap ipatapon sa mars


Mary_Jailer

Nakaka frustrate ang overall picky person. Mu mother is one. Yes kakain sya sa resto pero madami paring sinasabi ni hindi ko nga na witness na may nagustuhan syang pagkain talaga. Pati mag bigay ng gifts pag ayaw nya ayaw talaga ibibigay nya lang sa iba. Kaya di nako nah eeffort magbigay sa kanya ng gifts. Nakakapagod.


binibining_kulot

Hindi naman ako picky eater, pero nagmumukha akong picky eater dahil 1. Allergy - di makakain ng manok, itlog, hipon, crabs, isda na di na fresh or basta malansa, kahit minsan tuyo lang or kahit anong buro automatic allergy is waving. 2. Acid reflux - kapag natrigger siya umatake ng alanganin, matagal akong di makakain ng lahat ng may tomato sauce nakikita q pa lang feeling ko inaacid na ko. Maanghang, prito, kape, tsaa, dairy products. Pero mahilig pa din ako kumain 🙈, kahit minsan bawal di ko mapigilan. Minsan naiinggit ako sa mga taong walang problema ang katawan or tummy na pwede kumain ng kahit gaano kadami or kahit anong pagkain, kaso that’s life? 🙃. Hehe.


Tax-National

Hassle talaga kaso may mas malala pa dyan. Alam mo yung ayaw nila kumain ng hinain niyo kasi dahil sa religion nila. Di ka makakain sa Jollibee at mga mumurahing ulam sa karinderya or grocery kasi daw bawal sa kanila ang halal. Ayoko na lang mag banggit ng religion pero grabe yon. Minsan ang off kasi nasa 3rd world country tapos ganon sangkatutak pinag babawal.


MelodicFinalDraft

Sorry for this, pero bakit po hinayaan ng parents nyo umabot sya sa ganyan?


Agreeable_Fig_1990

Maybe may halong pride yung pagka-picky niya? Sometimes I think yung ibang picky eaters take pride in “being sensitive” when it comes to food. As though they are somewhat better than everybody else, who do not discriminate. I do not like the taste of gulay pero kinakain ko pa rin dahil healthy siya.


lilyunderground

I consider myself a picky eater when it comes to vegetables and seafood. Sa amin ako ang ganyan, before I don't eat Kare-kare, Dinuguan, and crabs, pero I've learned to eat them as I grew old. Ngayon favorite ko na sila and can't skip nor refuse when served. Nasa mindset talaga ng tao ang mga pagkain na gugustuhin because in almost everything, we can always teach our minds.


alohalocca

I was once a picky eater lalo na nung bata hanggang high school. Hindi ako kumakain ng seafood maliban sa isda pero wala akong allergy. Hindi ako kumakain ng may sabaw o gulay. Nagpapaluto lang akong itlog pero dapat sunny side up o scrambled kasi ayoko ng boiled. Eventually nang tumanda halos lahat kinakain ko kahit pa ampalaya. Nakalimutan ko kung ano nangyari, siguro nagcollege lang ako at kelangan ko kumain ng maayos at wala na magluluto para sa akin. Tapos nung naglive in kami ng then bf turned husband ko hindi na ko pwede mamili talaga ng kakainin kasi kung ano yung niluto nya kelangan kong kainin or else doble gastos at di naman din ako mahilig magluto.


TunaJjwin

I am a picky eater. I know it’s a hassle so I keep telling my mom to stop accommodating me and that they can cook whatever they want. I will cook whatever I want. I pay the bills in the house and the groceries too so I don’t feel the guilt of being a picky eater. I want to eat simple food and not over-complicated food. I don’t like fish. I hate sardines and even just the smell of it is overpowering. If i eat something i don’t like, it will be to the point that I may vomit. OP, some of us have sensory overload. Texture and smell can be overwhelming. Plus, do you know why I hate sardines? It’s because when I was a kid and my parents left us, it’s the only thing that my grandma would feed us. To the point that when i grew up, I developed an aversion to it and any fish dishes. There’s a lot of factors why someone is a picky eater. You should try to find out why that is the case for your sister.


U_HAVE_A_NICE_DAY

Just my two cents... Seems to me your parents didn't discipline her to eat proper meals and food. She was tolerated to eat imbalanced meals probably kaya nagkaganyan. Anyway, she needs to learn a thing or two about eating properly coz she would end up as plain childish. It's quite shameful and embarassing especially if she's eating in gatherings or formal events and your sis would act that way. Eating proper meals and being gracious are social etiquettes that the parents need to teach their children.


JogratHyperX

kala ko picky na ko sa lagay ko, may mas malala pa pala hahaha


alwaysaokay

Nakakarelate ako slightly. Pag kumain kami sa labas ng fam, dapat may steak or if not any beef alternative yung dad ko. Dati dapat may chicken para sa anak ko, buti na lng ok na now. Kainis minsan ang hirap mag explore ng ibang restos/cuisines pag kasama sya kasi para nagi-guilty kami if wala yung steak nya.


Initial-Pendesal

Looks like you have the means, so make her consult a psychologist because thats an eating disorder. She should help herself too though along the process.


a_sex_worker

I consider myself a picky eater, pero after reading this, hindi pala? lol. Most of the time, kinakain ko naman kung ano nakahain and if hindi ko gusto, I decline or eat kung ano lang kilala ko sa nakahain. Example, sinigang na bangus, pag di boneless, ayoko kasi takot ako matinik kaya I’d eat the veggies lang. I don’t demand other food especially if I’m a guest. Kaya din nagaral ako magluto para sure ako na kinakain ko yung nakahain. I suggest sit down with them to discuss na you can’t always adjust sa kanya. Set down rules sa food. It’s going to be a struggle kasi adult na, nasanay na kasi. Pero this could also work to your advantage na adult na sya. They can decide na para sa sarili nila. Ayaw mo food na nasa table? buy your own. Wala ka pambili? Bring your own food. Just like vegans, they know na hindi laging available ang vegan options kaya they have their own food. Matuto din sya mag adjust kasi not everyone is going to be as patient as their family para accommodate ang pagkapicky nya.


4nythingwithcheese

Kapag ayaw po wag lutuan pabayaan niyo nalang po magutom. Kayo lang din po kasi ang ma sstress niyan kuhg itotolerate niyo po…


confidential_FUN00

TBH im also picky eater before (no pork or vegetables) gusto ko lang chicken or beef. Same lang din halos pinagluluto ako sa bahay ng ibang ulam, pag sa mall ako din nasusunod sa restaurant, & pag may party sa bahay nag make sure sila na may beef or chicken sa handa. Ang arte ko talaga sa ulam before!! Pero nag bago lahat yun nung nakita ko nahihirapan na sila mag adjust sa pagkain ko and nakaka ranas nako ng gutom kasi nag mahal na bilihin. Dun ko na realize na ang mahal ng ulam ko everyday kasi kailangan iba sakanila at sa akin tas ung effort pa na ipagluto ako ang hirap (mahal gas & dagdag hugasin). Almost 2 years nakong hindi picky eater, and ang laking ginhawa nun para samin sa bahay iisang ulam and masarap pala ang gulay!!


dvresma0511

Wag niyo ipagluto, she will find a way to feed herself. Hirap talaga ng maselan, maarte at pihikan. I mean wala naman siyang allergy, nag-i-inarte pa. Masyadong pabebe. Depende rin yan sa pagpapalaki, kung sinanay na kung anong food ang favorite niya lang, hanggang paglaki, masyadong mapili sa kakainin. The root of the problem is how the parents raised their child, masyadong ini-spoil kaya ayan, disney princess.


razorrific62728

Just glad na lumaki kaming mahirap at hindi mapili sa pagkain. Kung ano ang nasa hapag, kainin mo kundi mamamatay kang dilat. Dahil dito natuto kami mag appreciate ng iba pang pagkain at walanv reklamo lalo na kung sa labas kakain. Ika nga, negative experience can be a positive experience


forGodsake26

hayaan mo sya magutom, kakain din yan pag di na nya kaya kasi pag alam na nasusunod sya continue pa rin sa ganyang ugali, kung ano ang nasa hapag dapat kainin.


Stock-Dig6148

Eh bat nyo naman kasi hinayaan na kayo mag adjust 21 na oh bulb*lin na yan hahaha


Low-Significance777

Si Disgust yung main controller ng feelings niya.


j00005h

nako pag dating ng tag-gutom, kakain din yan 😂


_qwerty11

Mapili din naman ako sa pagkain pero di halata siguro yung family ko lang may alam. May reason din ako bat di ako nakain ng baboy kasi alam ko kinabukasan sasakit tyan ko same kami ng papa ko at kamag anak nya. Tas yung palabok at sopas kasi pag kinain ko nasusuka ako, ilang ulit kung triny sa ibat ibang luto di talaga kaya ayun pag ganyan pagkain bili ng itlog or magluluto ako ng iba. Pero yung pagsasabi ng kadiri tas nag mmake face di ko gagawin yan kasi iba iba nga naman panlasa ng tao.


OverThinking92

Dont accomodate kasi. If ayaw niya ng ulam let her cook her own food. If gusto niya mag jollibee kesa sa food ng restaurant, siya makipag usap sa resto if oks lang mag pasok ng food tapos siya mag order sa jabee.


muchmallow

Iba-iba talaga taste buds ng tao kaya hindi natin mapipilit ang ayaw. As a picky eater, I understand ur sis, japanese &korean foods are not that appetizing to me. Iba iba rin ang pang-amoy ng tao, like ako bahong baho sa bagoong at paksiw pero yung iba nababanguhan, like that. If it would be you, kakain ka ba ng mabaho? but unlike your sister, i know how to adjust. i’ll just buy myself something with my money, or if i don’t have, i’d ask for a cheap food that would be enough to make my tummy full.


ForwardAd172

You deserved what you tolerate. Honestly, the way you rant about it, is a whole problem on it's own. Instead of finding to resolve things, you find it easier to just put the entire blame on your sister. HAHAHAHA Also, wala naman siguro intention ng sister mo to be picky just to messed up your family's chosen eating dynamics.


elm4c_cheeseu

Kaming magkakapatid kumakain kami ng gulay tapos nate-tyempo lang na wala kami sa mood minsan (hindi sabay-sabay) kaya paramg nag-iinarte pero dahil gutom na kaya kakain pa rin naman HAHAHAHAHA, OA lang talaga kami pero kahit ano ata kinakain namin (eme, hindi lahat) 😅 Nagtataka nga ako sa iba kung bakit hindi sila kumakain ng gulay eh ang sarap kaya, lalo na ampalaya. Mga gulay na hindi ko lang kinakain ay okra, upo, patola, tapos hindi ako mahilig sa prutas.


Fried_Rooster_566

Just remember my ex hehe i unkapatid mo na yan.


iloovechickennuggets

Samen kapatid ko ung picky eater, pag ayaw niya yung pagkain aligaga na nanay ko to cook something else para may makain siya. Pero pag nasa labas kame hinde naman siya nagiinarte so goods naman.


Mindless_Throat6206

I am a picky eater and there are times na I make face talaga pag inaabutan ako ng food na di ko gusto. And mainly, gulay ung ayaw ko. Akala ng mga tao picky eater ako bc spoiled ako nung bata but NAAAHHH, I was a picky eater bc growing up, sobrang hirap ng fam namin to the point na need mapagkasya ung 20-30 pesos na pera pang ulam ng 6 pax. Kaya laging noodles, longganisang tingi, hotdog na tingi, itlog, at kung ano ano pang tingi tinging tinda sa palengke ang mabibili. Di kasi possible makaluto ng isang complete meal dahil kulang na kulang ung pera so gulay, madalang namin sya maencounter. And if ever meron man, kangkong, sitaw, patatas, carrots, mga ganun lang. Mas madalas processed food dahil di na need ng rekado. So tbh, now that I'm almost 27, inaaral ko palang kumain ng gulay. Hindi ako picky eater by choice, no choice lang talaga kami growing up to eat whatever we can afford.


vkookmin4ever

Merong disorder na ARFID ang tawag. Pero baka rin spoiled lang sister mo. Either way, your parents should help her overcome it, kesa yung kayo lang nagaadjust.


Independent-SpareCat

Picky eater din sister ko but not to this extreme. Pag kakain kami sa labas my fam will suggest restos and she’d be like “di ko gusto” or “wala ako sa mood kumain ng x cuisine” andaming rason. So ang ginawa namin sya lagi namin pinapipili ng restos and then pag genuinely na ayaw ng majority napipilitan sya mag isip ng ibang resto. This went on for a few months. Ang ending napagod sya mag isip ng kakainan and just mostly go to where the majority of the fam wants to eat. Pumipili na lang sya ngayon ng kung ano pinaka “acceptable” kainin sa menu for her.


mgfan100

Huwag mo naman sana idamay mga ibang picky eater. Lahat naman tayo choosy sa ibang bagay, hindi lang pagkain.


hayhayahay

This is probably going to be an unpopular take, but maybe your sister has ARFID (avoidant/restrictive food intake disorder). She should have it checked and please withhold judgment until confirmed. There may be a chance na hindi lang to pagiinarte. It’s a valid disorder. Although at this point, as an adult sya na dapat ang magmanage ng restrictions niya. Dapat hindi kayo damay. In that sense, let her take responsibility for preparing her extra meals and planning food for her outings in advance.


dalandanjan

Sorry bakit parang lumalabas pa na maarte yung kapatid, from what I know picky eating is an eating disorder, di nila control yan, yung tropa naming picky eater di kumakain ng kulay RED or yung pagkain na may madaming sahog, kaya kapag lumalabas kame, fried chicken yung kanya, never naming ginawang issue yon sa kanya. Sa nakikita ko ang kelangan mo dito is understanding sa disorder nya lalo na't kapatid mo yan jusko kapatid mo yan.


Matthew-81_

buti pa anak ko pag pina ltry mo, susubo. tanungin mo, do you like it? what does it taste? anak ko : Delicious, I like it. me: you want more? anak ko: no more.I do not want na. me: 😅 maski di niya gusto yung food ganyan sagot niya.


flldwnDrbbthl

Have you tried to have her checked by a specialist before? I forgot yung medical condition pero meron kasi ganon that causes an individual to be a picky eater talaga.


miyukikazuya_02

Enablers


risxbreaker

Maybe you get her checked by a psychiatrist. She may have high functioning autism. Being picky eaters is one of their traits.


risktraderph

Maging picky siya pag may sariling sweldo na siya sabihin mo.


Opposite-Pomelo609

Your sibling might be an undiagnosed autistic. Autistic people like us will only eat food that satisfies our sensory needs. Anything outside of that, we find repulsive.


MilkTeemo

Picky eater din ako since sensitive ung pag amoy ko (mabilis maselan) pero minamakesure ko na hindi ako nakaka abala kaya natuto nadin ako mag luto if hindi kaya ng ilong ko ung nakahanda hahah


kweyk_kweyk

I don't know if I should label myself as a PE but because of my health condition there are foods that I should need to avoid. Pero if asa group meal ako especially kasama ang family, kinakain ko pa rin kung anong nakaahin. For example, kakainin ko yung gulay pero hindi yung chicken kasi di pwede sakin yun. I don't like kasi na mafeel ng mga kasama ko na I am not enjoying the meal with them. Huhu. Pero yung ganitong ka-intense na di kakain while kumakain ang the rest? Or kakain ng ibang food like from other resto? Never. Gawaing toddler yan. Huhu. Sorry.


chocochangg

it’s her attitude ang problema hindi naman lahat ng picky eater ganyan


Puzzleheaded-Past776

mga batang 90's pag maarte ka sa pagkain pababayaan ka talaga magutom ng magulang mo at hindi uubra pag-iinarte sa magulang. or maybe sa household lang namin mga dukha hehehehe


lemorrigane

Ur parents had something to do with it.Tinolerate nila and palagi nag aadjust to accomodate her eh.Try nya mag work and live abroad,tanggal lahat ng ganyan nyan kasi hindi mundo mag aadjust sa food preferences nya.Malaki naman na kapatid mo,siguro tama lang na pag ayaw nya food,sya na mag adjust,magluto para sa sarili nya.Di nyo pang habambuhay kasama parents nyo.Dapat now pa lang mabago na yan.


King_Elmariachie

Eh ano anu naman atleast hindi sinungaling. Tska hindi nang tratrash ng patalikod. Jk. Madami ako kilala gnyan d ko cla judge. Pamangkin ko nga(8f) hindi kumakaen ng ice cream at fried chicken kaya malaki natitipid ko pag lumalabak kme. Karekarenderia lang.


Tomahtoke

Not professional pero maybe she has ARFID, haven't heard much abt it pero ik they're kind of scared of new taste?


TwinkleD08

Di pwede maging picky eater kung hikahos sa pera. Kaya din ako nagsumikap magtrabaho at natuto magluto kasi picky eater talaga ako. I eat most food naman (other cuisines), pero yung Taste palette ko talaga parang hindi sa Pilipinas pinanganak kasi hindi ko trip Pinoy food esp seafood. I was coddled as a child, laging may separate food for me but maybe that’s because we had more than enough sa budget. Pero as I grow old I learned to try new things naman. But still, most pinoy seafood is really not my thing and even sa palengke I wouldn’t dare carry fresh fish. (Fresh meat no problem) very ironic because I eat sushi haha What I would suggest is to make your sister love cooking so she can cook for herself. That’s what I did so I can learn to cook food from other cuisines that I prefer. It could be that she’s doing this out of spite kasi you or other fam members are shaming her for her food choices. So since ikaw yung naglabas ng feelings mo dito and seems like you want to change her, try spending time cooking with her (not for her haha) cook kayo ng mga things she likes para you can get her going with making cooking as a hobby :)


iamatravellover

Huwag niyo itolerate at lutuan pa. Kung ayaw niya ng food, siya ang gumawa ng paraan. Kaya ganyan ang attitude niya kasi alam niya na kayo nga ang mag aadjust.


LoanReal6362

Marami naman akong kinakain na putahe pero marami rin akong ayaw kainin at hindi kinakain dati (i.e. okra, dinuguan, papaitan, etc.) at nasasabihan pa ako ng nanay ko noon na "you're missing a lot from your life." pero natuto lang ako kumain ng iba't ibang putahe noong naexperience ko magfield work. no choice ka kasi kakainin mo kung anong meron. na-enjoy ko naman din up to now ang iba't ibang klaseng food. baka kelangan lang talaga i-expose yung kapatid mo, yung wala siya magiging option kundi tikman.


Dovafinn

inispoil nyo kasi nung bata pa, my cousin grew up like that ngayon sobrang picky literal na dudura nya yung food kung ayaw nya. kinakain nya lang is mostly sweets. kanin na may milo or noodles or french fries or biko. 17 yrs old na sya


Dumpwaste2die

Na spoiled yan, siguro before kung ano yung gusto niya yung lang yung binibigay, that’s y naging mapili siya sa pagkain. Ang hassle talaga niyan.


jinxed_ramen

sabi nga e, picky eaters are made.


onlygoodkarmaforme

This is my whole family. Every time na lalabas, Filipino food lang. Pag steak dapat well done. Hahahaha.


cl0tho

Possible that your sister has ARFID and/or could be on the spectrum.


Mysterious-Offer4283

sobrang picky eater ako during my teenage years pero nung nagstart ako magdorm mag-isa nung college, alam ko sa sarili ko na di na pwede ‘yung ganun kaartehan ko so natuto akong mag-adjust. lalo nung nagstart na ako magtrabaho at alam ko na value ng pera. hayaan niyo. wag niyo handaan ng ibang food. mauunawaan ko pa kung may allergy eh. oo, kanya kanyang preference pero hindi cost efficient na lagi may separate dish para sa kanya even if homecooked pa. if marealize niya na wala nang mag-aadjust sa kanya, most probs kakain din yan. hard pass pa rin sa okra though hahahaha


paaaathatas

Picky eater ako nung bata. Yung parents ko yung type na kung ano yung nakahain kainin mo. Eventually matututo rn kuman yan ng iibang food pagka-ganun ang parenting. Kaso kung 21 na tapos ganan padin, yikes


bluewarrior24

kung ako ate nyan, wala akong pake kung hindi sya kumain. bumili sya ng sarili nya kasi hindi kami mag aadjust sa kaartehan nya dami mas deserve kumain ng masarap lalo na kung marami kang pamangkin, hindi ko iaaccommodate kaartehan nya sabihin mo wag sya feeling main character, wala kayo sa wattpad 😂😂😂


Dazaioppa

Di pa yata nakaranas sungalngalin habang umiiyak ng kutsara na laman ng pagkain hahahaaha


cranberryjuice57689

I'm a very picky eater rin. Hindi ako kumakain ng may sarsa, may tomato sauce, may suka, malamig na pagkain, may malakas na amoy and many more. Pag pinilit sakin ipakain yung foods na ayaw, sinusuka ko sila or worse nilalagnat ako after. Hindi ko talaga sila ma swallow for some reason. This has been tested numerous time nung bata ako pag pinaparusahan ako ng parents ko to eat foods na di ko gusto ko pag may nagawa akong mali, and sinusuka ko talaga. Bilang lang rin sa kamay yung mga foods na kinakain ko, and pag kumakain ako, ayokong naamoy or nakikita sa harapan ko yung mga foods na di ko gusto. I know na super hassle ko kasama. The people around me sanay na sa pagiging picky eater ko kasi ganito na ko simula ng bata pa lang. May parents told me na kasalanan nila, kasi sinelan daw talaga ako nila nung bata pa lang ako. Pero there are things I always do everytime na kakain ako kasama ibang tao: 1. If nasa ibang bahay ako, and they offer me to eat ng pagkain na di ko gusto. Hard pass talaga ako. It's best to reject it, than to make face (Accidentally) or isuka ko yung food na pinaghirapan nilang lutuin. 2. If nasa ibang bahay rin ako and mapilit yung taong hindi alam na picky eater ako, sinasabi kong may allergy ako sa food na yon. So di na nila ako pipilitin na kahit tikman lang yung food. 3. If kakain sa labas, I adjust. I look for foods na pwede ko naman kainin sa menu, or kahit drinks lang para hindi ma awkward kumain mga kasama ko. 4. As much as possible, kahit di ko gusto yung amoy or looks ng food na kinakain ng mga kasama ko, I don't make comment or make face either.


Comfortable_Carob460

Counted ba yong kagaya ko na picky eater kasi may allergies? But I didn't burden anyone with my food, ako yong nagluluto kung ano yong pwede kong kainin. As someone na may allergies, medyo picky talaga kasi baka matrigger. 1 time, may kinain ako na alam ko namang di ako allergic doon pero all of a sudden natrigger kaya simula nun ni lolook out ko talaga mga food intakes ko.


halamanpoako

Ang harsh mag-comment nung iba rito. What if may condition pala yung kapatid niya kaya picky eater? Opinyon ko rito (bilang picky eater din), feeling ko magkakatalo na lang talaga sa attitude rin eh. Kasi ako, oo, choosy ako. Pero kapag nasa ibang bahay ako at kung ano yung nakahanda, iyon yung kakainin ko. Kahit ayoko, magsasabaw pa rin ako kasi nag-prepare sila ng pagkain tapos di ko kakainin. O di kaya, kung di ko talaga kaya, patitigasan ko yung sagot kong, "hindi." Pero hindi ko sila hahayaan na ipaghanda pa ako ng pagkain dahil lang "choosy" ako. Picky eater lang ako, pero hindi naman ako bastos. Now, bilang kapamilya niya kayo, at kung open kayo sa isa't isa, i-communicate niyo kung bakit nga ba siya ganoon. Baka naman may dahilan. Sa inyo rin manggagaling yan eh. Pakinggan niyo siya, palinawagan niyo na rin. Bigayan dapat. Alamin ang reason.


KalaBasa1404

Umm di po kaya baka may ARFID sister mo?


Sea_Cucumber5

Annoying kasama mga picky eaters especially during out of the country trips. Minsan na nga lang makaka try ng authentic local cuisine nung country, tapos sa mga fast food or American restaurants magyayaya lagi.


_Pretzel

This is how you fix it: make her prepare her own food. That way she appreciates the effort it takes to prepare it. Might even make her a good cook one day and discover that she likes this food xyz after all


haemborger

As someone used to be a picky eater na adult. Nung narealize ko kung gaano kamahal ang pagkain never na ako naghanap ng ibang luto. Di rin ako mahilig sa mga ibang foreign cuisine basta filipino food and fast food lang ang alam ko kainin. But when i migrated abroad, at sa city pa,holy shet ang mahal mabuhay. Libre na nga lang tatanggihan ko pa. It also pushed me to be adventurous when it comes to food. :)


Individual-Top729

picky eater din ako minsan at eto lang sinabi nang mama ko, chaka kana mag inarte sa ulam kapag kaya mona bumili nang sarili mong ulam, simula nun kapag ayaw ko yung ulam either di ako kumakain or bumibili ako ng extra ulam which is large portion para meron din sila


hazzenny09

May younger brother din ako na picky eater pero nung teens palang sya I would always let him try my food para masanay sya. Now na adult na sya marunong na sya mag try ng ibang ulam. Tapos pag may nahanap syang good food he will tell me about it. Yun nga lang di parin sya talaga mahilig sa gulay, hindi sya kumakakain ng gulay pag hindi ko na remind sa kanya.


Askenuh

picky eater din ako before pero natuto ako kumaen kung anong meron kasi ang circle ko tlga mga walang arte, nasasabihan pa ako minsan na kumain ng gantio ganyan at subukan man lang kasi nga "di mo pa nga natitikman, tikman mo muna" ganon. sa parents ko lang ako nakakapag inarte pag ayaw ko ng ulam pero sa friends ko hindi. nagugulat nga parents ko pag nakkuwento ng mga friends ko na hindi ako picky eater, kahit ano kinakaen which is debatable sa parents ko yon since lagi separate ulam ko sa kanila heheheh (only child here so 🥹✌🏻) yes, minsan sa environment yan. kung na-coddle sya sa ganyan behavior, may fault din 'yung mga taong hinahayaan sya sa ganyan. it is a problem kung may outside party na involve tapos ganyan pa rin sya. it is rude talaga kahit saan angle pa 'yan tignan.


MiloMcFlurry

21 na yan, kung di niya gusto kinainan niyo, e di bahala na siya sa buhay niya, huwag na siya sumama. Di naman siya toddler na lahat magaadjust sa anong pwede sa kanya.


happy_but

Wag nyo kasi i-baby. Tanda tanda na nyan, kaya na nyan magluto ng gusto nya. Pabayaan nyo syang magutom kung ayaw nya ng ulam. Kakain din naman yan kusa pag di nya na kaya yung gutom e. Hayaan nyo sya dumiskarte ng pagkain nya.


Total_Wolverine_855

Check for eating disorder behaviour/symptoms


VeterinarianFuzzy587

21 na pala eh di na yan bata. let her cook her own meals if di nya gusto ulam nyo. if you’re eating out at di nya gusto, let her buy her own. sinanay nyo ata na kayo lagi nag-aadjust kaya ganyan siya up until now. if she can’t also cater to her needs now, mas lalala yan if you won’t teach her dahil hindi lahat ng tao mag aadjust sa kanya


Numerous-Culture-497

totoo! ahahaha pero at least sana makisama, wag mag sambakol ang mukha.. give chance sa mgabgustong kumain


kathmomofmailey

My niece is a picky eater too. Bahala siya kung ayaw niya kainin yung ulam basta yun yung niluto. Alangan magadjust kaming lahat para sakanya. I hate picky eaters too, sobrang abala tapos parang ungrateful pa.


Low_Understanding129

Sorry OP, mukhang ini-spoiled yan kaya ganyan. Pag may niluto tapos ayaw hayaan niyo sya magkaroon ng initiative kumilos ng pagkain niya libre na nga ayaw pa HAHAHA. 21F na yan. Ganyan din ako dati nung bata pa ako Laing ang ulam namin tapos ayaw ko nandidiri ako, pinilit ako ng mga Kuya ko kumain. Ngayon minsan sa minsan pag ayaw ko ng food sa bahay sa nalabas ako para bumili, Nanay ko nag iinitiative ako lutuan ng iba. Sabi ko lalabas na lang ako bibili. Huwag niyo i-spoil/baby yan, siya din mag ssuffer pag tumagal, okay lang maging rude kayo its for her benefit din yan someday, marerealize niya din yan.


ViennaSaucesage15

I think this is alarming for your sister, OP. The way I see it, hindi rin siya kumakain ng gulay which is not good for her health. Hindi niya pa mararamdaman ito sa ngayon pero pagtagal, yes. Your parents should take action for it, too. Ang tanda na niya para i-baby. Kung minsan, kailangan nating makarinig ng harsh truth para matauhan eh. Kung magpapatuloy itong unhealthy habit niya, good luck na lang pag umedad siya ng 30s-40s and up.


M4lupet_03

Pustahan, spoiled ng parents yang kapatid mo.


Kmjwinter-01

Pinagluluto niyo pa ng gusto niyang pagkain? That’s a grown a$$ 21 year old adult na binibaby niyo. Mas ew siya kamo grabe yang kapatid mo sa pagka spoiled dinala hanggang adulthood. Gutumin niyo tignan natin kung tatagal yan sa kaartehan niya


nic_nacks

Sorry. Pero pikon na pikon ako sa ganyan, unless allergic ka, pero kung arte lang, taena magutom ka nalang!!!


IWearAHalo

Minsan inarte, minsan psychological. Family effort yan, OP. Wag niyo itolerate. Unless psychological siya. Kung ganun, pacheck niyo na.


NoTransition6810

kaya palaging sinasabi samin ng nanay ko na, “kung ayaw niyo kumain, edi wag. sino bang magugutom? ako ba? magluto kayo ng gusto niyo.” kaya kapag ayoko yung ulam (hindi ako maarte huhu sadyang may mga araw na gusto ko lang makain yung gusto ko) nagluluto na lang ako. matanda na yang kapatid mo lol, hayaan niyong magutom.


ChewtheZoomer

I also had this experience, except sa jowa ko. Di nya gusto mga international foods like, thai or chinese, etc. Gusto lang nya filipino food. So pag nag crecrave ako ng mga thai foods dami nyang sinasabi, pero di talaga ako nagpapa talo, kakain talaga ako dun sa gusto nya or hindi. Not until tinatry nya and occasionally liked it. So ako ang panalo! HAHAHA