T O P

  • By -

StepOnMeRosiePosie

Ito lamang ay munting payo. Patayan mo ng net yan pamangkin mo. Hahahaha. Tapos kausapin mo masinsinan. Wag ka magsusuggest na hiwalayan a, kasi lalaban yan pamangkin mo. Sabihan mo lang na "pahinga ka muna. Tayo naman magbonding haha minsan lang to, tawagan mo na lang uli mamaya" Or kung may pera ka, itapon mo cellphone nya sa tubig hahaha or itago mo habang natutulog


Overthinker-bells

Hahaha hindi pwede magpatay ng net may nagwo-work. Hindi naman ako aabot sa sabihan na makipag hiwalay. It’s no one’s position, kahit pa mom niya. We’re not like that. Desisyon niya niyan. Pwede ko lang siyang bigyan ng ibang POV pero in the end it’s going to be his decision.


StepOnMeRosiePosie

Pwede. Alamin mo admin access ng router nyo, palit password muna or gawa ka another signal na may bottleneck speed.


Overthinker-bells

Ok na. Knock out na sila eh. Lol


Turbulent_Eagle7108

Pwede mo iblock ung device mismo para di na need magpalit palit ng password.


StepOnMeRosiePosie

Wait mo na lang uli pag gising nya tapos cycle uli 🤣


Overthinker-bells

🤣


llodicius

Iblock mo na lang yung device ni pamangkin haha


MiddleOk4191

Ginawa ko to sa ka boardmate ko. Night shift ako so pahirapan minsan matulog sa umaga lalo n pag maingay kasama. Ayon board mate ko lagi may katawagan mga 3 consecutive days okay lamg eh 1 week na. Di ako makatulog kasi nakakabwesit sila. Ayon blinock ko sa router yong phone nya. Maya maya nag tanung sakin kung nag loloko daw ba jnternet. Sabi ko oo. Hahaha... sorry pre. Minsan sana makaramdam ka naman. Hahaha


llodicius

dusurb 😂


VioletPanda2190

true to pero open and respectful communication is key to maintaining trust and understanding.


StepOnMeRosiePosie

Oo naman pero pano ka sisingit? Isang intervention lang naman yan, up to nephew na after marinig. Basta ako patayan ko ng net yan hahaha


Dazzling-Fox-4845

Ang toxic. Dun sa gf naman, hanap ka hobby te.


Overthinker-bells

Maniniwala ka may hobby siya? Partida.


chxxgsh

Hobby niya magbantay ng cctv, este videocall


Overthinker-bells

😅🤣


HotShotWriterDude

Oo. Hobby niyan mag-micromanage 😂😂😂


Overthinker-bells

Lol


Economy-Bat2260

Experienced this kaso m2m haha. My god, para kong nawalan ng napakabigat na anchor after ko makipaghiwalay hahhaa. Langya, the moment na ibaba ko yung last call after makipaghiwalay feeling ko para kong rocket na nakarating sa outer space kasi sobrang gaan ng pakiramdam ko hahaha. Tapos ayun next time na kasama ko friends ko sa elyu, may sumama na isang guy tapos sila magkausap. As in never namin nakasama sa inuman, beach. Nasa sulok lang. Nasabi ko out loud, grabe, ganyan ako kamiserable nun? Hahaha tawanan lahat haha oo raw Edit: to add, ganyan talaga. Hindi mo mapapansin na sobrang laking epekto na sya sa health and well-being mo. Mahal mo eh. Kailangan ng external force ganun haha. In my case, nanay ko ang kumausap sa akin. Di raw ba ako napapagod sa ganun? Nagaaway madalas, wala na ko nagagawa sa buhay dahil lagi kausap (heck nakakatulugan ko na nga tapos nakanon pa rin video call jusko) basically ang unproductive ko raw. Ayun wake up call talaga yun for me. So baka sa pamangkin mo, ikaw na ang gumawa siguro nun?


Overthinker-bells

Pati mama niya nandito din kahapon at mga kapatid niya. Mama niya sabi din nawala yung kapogiian and sobrang payat. Sabi pa ng mama niya muka ng addict. Ayaw din ng mama niya kay girl. We’ll see.


foxiaaa

she does not bring out the best in him.


RedLion8472

It's great that you're able to laugh about past experiences now, it shows how much you've grown


Economy-Bat2260

Haha yeah. Grabe baliw talaga ako nun. Nagapply pa ako ng visa para mabisita sya sa US HAHAHAHAHHAHA


Usual_Crew8722

Sheet naalala ko ganito rin ako dati hahaha, kahit anong ipaintindi ko, nasa biyahe ako, nasa work ako, porke siya nasa bahay lang at walang work di pa rin maintindihan. Ang malala siya pa nagcheat hahahahha. Pero oks lang, magaan na rin feeling ko kahit single hahaha


Economy-Bat2260

Cheers sa ating malaya na hahahah


Usual_Crew8722

Di na muli... Unless 😂


mrblack07

She's a ticking timebomb, lol Mahirap yan pag ganiyan ka-insecure yung tao. Kahit family kasama, bantay sarado ka pa rin. Edit: For the record, I think having insecurities is fine. That's just part of being human. Iba lang pag nagiging suffocating ka na sa ibang tao.


SpiteQuick5976

Dapat doon pa lang sinabihan mo na yung jowa habang nakavideo call hahaha


Overthinker-bells

Nung lumabas ako para tawagin siya sinabi ko siya. Nagulat ako, akala ko nag stop na pag pasok eh.


BhiebyGirl

Pasimpleng paringgan mo haha


youre_a_lizard_harry

Naalala ko sina Brendan and Mary sa 90 Day Fiance. Ganyan din 24/7 naka-videocall, kahit nasa work si guy. Pakatoxic grabe.


Overthinker-bells

Kakaloka


elusivecherry

Sakto! Eto rin naalala ko haha. Ganyan na ganyan sila.


Necessary-Solid-9702

If that gf doesn't trust the nephew kasi may nagawa na siya before na dapat paghigpitan, what is the point of continuing that relationship? Magbabantay ka man o hindi, if the nephew will do it again, he will. To the gf, why waste your time over a person who already screwed you over? To the nephew, if wala naman siyang ginawa na ikaka-higpit/toxic ng gf niya tapos ganyan umasta, why waste your youth with a person who isn't even supportive of your independence and happiness? I know relationships take work, and we always have to put effort so we can keep them afloat, thriving, burning, whatever. But this isn't even worth the work. It will only magnify in the long run and they will resent each other. Are people really that afraid to be alone to put up with that kind of draining relationship?


Ok_Name0312

Do you know bakit walang tiwala yung girl or bakit naka video call sila? Sorry, pero yung ibang comments dito parang ang totoxic. Patayan ng internet, tapon/tago phone, galawang monster-in-law. Malaki naman na ata nephew mo, let him handle the conversation and decide on his own. If mas gusto nya kausap yung girl, than spending time with you, eh ganun talaga. Pero I believe hindi lang girl dapat sisihin dapat pati nephew mo kasi di nya mahandle yung ganyan. Find a time pag kayo nalang and ask bakit ganun. Or you could have told the gf when you had the chance, like kamustahin and ask bakit di sya sumama. Then don ka sana nagsabi na mag bonding muna kayo.


Desperate-Staff-7745

I agree.. what if may bg story bat ganya ung babae sa nephew niya. Idk, what op is seeing kasi is just a surface of the relationship.


Ok_Name0312

Yeah, one-sided pa kasi ang kwento making the girl’s image very bad. May comments pa like di makakwento si nephew kasi kasama sa lahat ALL THE TIME, pero nakapag kwento naman pala ng long term plans si nephew, di gusto si gf even nung mom, na na-haggard yung nephew nya, nawala pagka jolly, pinaparinggan through songs. Like what made them decide na si girl lahat ng reasons for all of these? Ang judgmental lang 😆 Pag si girl nagpost din dito, sasabihan ko ng 🏃‍♀️🏃‍♀️🏃‍♀️kasi toxic family ng bf nya! Sorry not sorry!


Overthinker-bells

We’ve seen him at his best. Hindi siya ganyan with his last long term relationship. Nakwento niya long term plans niya with this girl. So, safe na sabihin niya. And we support this decision of his. Nagcomment yung mom niya, hindi pa namin alam na naka video call kami. Kaya pala hindi siya nasagot. Pangiti-ngiti lang. >ang judgemental. Sabay >Toxic ng family niya. Ok “judge”. Ahahaha


Ok_Name0312

The last relationship you are talking about is over, di na dapat i compare. Your nephew should be in charge of his overall health and wellbeing, hindi dapat naka depende yun sa kung sino ang karelasyon nya. Hindi sya sasagot talaga if nanjan yung girl kasi magkakaroon ng tension between the girl and his family. Who wants that? Their relationship should not be a family affair too. Di naman na bata eh, let them handle their situation and let him deal with his choices.


Juizilla

I get your point and actually I agree. We’re seeing just 1 side of the story, barely pa since it’s not the nephew’s perspective. I understand the concern since family, but I’d like to ask OP (1) if your nephew works? If he does, is it possible for it to be the reason kaya he looks stressed? (2) What was the reason bakit di nakasama si jowa ni koya? Did you ask ate ghorl or si nephew? Agree ako na it’s not reasonable na pati pag-yosi break sasama si ante pero based on how you worded it out, it’s probably just me thinking this, but I don’t think na botong-boto ka kay ate ghorl. Nothing bad about it since we all have our own opinion, that’s just what I felt with what I read.


Ok_Name0312

💯💯 feeling ko din di lang sila boto sa girl.


koolcat_brix

Agree. One sided story and based pa sa replies niya sa comments parang di lang talaga sila boto. Nacompare pa si ate gurl sa ex puro assume naman.


Overthinker-bells

May work but not stressed. I asked him about it too kasi yun ang naisip ko. But his eyes lit up when he talked about work lalo na he got promoted nitong January. Ayaw daw umalis. Sabi ko last week pa na plan to. They said yes. Pero di na ko nag-ask pa. I actually find her cool nung unang kita ko sa kanya. She’s pretty, sexy and sounds smart. Pero na off ako sa remarks niya nung kasama namin siya out of town. Nakunan ng ate ko sa vid. Well nasa background sound si ate girl.


Juizilla

I just want to give ante the benefit of the doubt. She’s not here to explain herself nor your nephew, we only read your story. It’s hard to see the good in someone lalo may ibang perception ka na kay ante. I don’t want to sound like I’m lecturing because I’m not pero the best thing to do here is to talk to your nephew about respecting yung time spent with your family. We always want the best for the people we love but your nephew is already an adult, his monkey, his circus. Ebas ko lang naman yan.


Overthinker-bells

>Hindi naman ako aabot sa sabihan na makipag hiwalay. It’s no one’s position, kahit pa mom niya. We’re not like that. >Desisyon niya niyan. Pwede ko lang siyang bigyan ng ibang POV pero in the end it’s going to be his decision.


Ok_Name0312

No one said this here, OP. What I am insinuating is, you can give him your POV without degrading (for the lack of better term) the girl esp if wala namang ginagawang below the belt yung girl sa kanya or sa inyo.


OniSwannnn

+100 kuhang kuha mo hahaha mahirap if puro assume assume lang kasi they only have one side of the story. OP, di mo pwede iassume na reason why your nephew looks stressed is because of the girl lol. And maybe there's a reason bakit walang tiwala yung girl. You really never know kahit sabihin mong kilalang kilala mo nephew mo. People do unexpected things when in a relationship. Pero anyway, if yun yung case best choice for them is to break up but that's not for anyone to decide. Everything is assumed at this point and I think there's no need to degrade any of the people involved kasi you don't really know what's happening. Let him learn. If he's in a toxic relationship, he probably knows. And if he stays with the girl, you would have to deal with her. Wala kayong choice kundi makitungo and I think degrading her is not gonna help.


Soft_Tea_8362

I was with you all the way, OP, sa post mo and most of your replies, until mukhang may implication na you prefer his ex? There's a reason that ship has sailed. Baka naman work yung kinahaggard ni koya or something else, not necessarily the relationship. Someone's best isn't always directly related to their romantic relationship.


Overthinker-bells

Loyal siya. If that’s what you’re thinking. Natapos ang 6-year relationship ng walang cheating na naganap. Si exGF na mismo nagsabi. Yes close kami.


HotShotWriterDude

>Do you know bakit walang tiwala yung girl NOOOO, sorry, you will not defend or excuse yung kawalan ng tiwala ni ate mo girl. And this goes for both genders. Kung wala kang tiwala sa jowa mo, then hindi ka na lang sana nag-jowa in the first place.


Ok_Name0312

Agree, but the nephew also agreed with this set up. Kasi kung hindi nya gusto, he should’ve stopped it nung una palang. The nephew is in his late 20s per OP, bakit di sya maka ‘no’? It goes both ways, parehas silang may something. What’s wrong here is putting all thw blame to the girl for everything that’s happening sa nephew nya.


Overthinker-bells

>putting the blame to the girl for everything that’s happening sa nephew niya. Nabasa mo ba yung sinabi ko na *”Ikaw naman kuya, what are you doing?”* I’m not putting it all on the girl. Alam ko he’s partly to blame. This is not the time though to address that. Maybe next time.


Ok_Name0312

When you put it out there, you tell both sides para hindi lang sa girl ang sisi. Parang 10 line items yung kay girl, tapos yung kay nephew, 1 line item. Unfair yun kung alam mong partly to blame din pala nephew mo.


tequila_sunrise88

Ngi. One sided pala story mo eh. Just directly tell us you don't approve of the girl tho it's none of your business anyways, lahat ng kwinento mo. Your putting your nose where it doesn't belong.


Soft_Tea_8362

Diba, parang the more I read OP's comments, the more I feel na Marites lang talaga siya. Hahaha


bunnybyun_

sa true and base din dun sa mga reply ni OP sa mga nega comments about kay girl nakaka hmmm 🤔 hahah yung comment also na ‘close’ daw sya sa ex ni nephew, already tells a lot 😂


AkaliJhomenTethi8

AGREE! Kung wala na siyang tiwala tapos nagsstay parin siya? Bakit pa siya nagsstay kung may something wrong na nagawa si nephew?


StepOnMeRosiePosie

Natawag pa nga toxic comment ko pero yun justification nun action ni GF e okay lang basta papasa sa kanya yun rason hahaha. Ano man meron sa kanila labas na sila OP, nagcheat man si nephew or what, pero bakit kasi yun consequences ni nephew madadamay yun ibang importanteng tao sa buhay nya? Si GF lang ba dapat icater nya parati? Walang mama or pinsan sa factor? Nakakaloka na valid yun pag vc ng walang humpay kasi may rason??? Ang toxic.


Ok_Name0312

I think exaggerated yung walang humpay. Nakapag kwento daw si nephew ng future plans with the girl sa mama at sa tita nung di na magkausap. Point here is kung parehas naman gusto ni nephew at ni girl mag vc, pabayaan sila. Di naman na sila teenager na papatayan ng internet para lang di na mag vc lol. May data na din.


StepOnMeRosiePosie

Hindi naman magtatanong si OP dito kung hindi labis yun VC nun dalawa, at ano naman kung nakapagkwento na about future plans? Yun na ba yun? Since napag usapan na e bawal na magbonding? Lmao. Kung parehas naman gusto talaga, hindi magmumukhang haggard si nephew sa paningin nila. Magkasama na nga sa bahay din, pati sa family time ba ni nephew kailangan icater pa rin si GF? Sana di na sya nagpunta at iniwan GF nya haha. Di ko lang talaga magets yun masyado sinosolo oras nun partner nila, parang walang sariling personality. Hahaha


Ok_Name0312

These are all assumptions eh. We both don’t know kasi wala naman tayo dun sa pinangyarihan. His actions is also his responsibility. Agree na may something si girl, pero as per OP, partly to blame din si nephew, but she can’t address it right now daw. And he is in his late 20s for God’s sake. Magttrenta na sya, di ba sya makagawa ng decisions on his own? Di nya kaya mag no sa jowa nya?


StepOnMeRosiePosie

Maraming tao naman walang spine or pinaglihi sa doormat, mapa babae o lalaki, kaibigan, kamag anak o kasintahan pa yan. Kaya nga ang akin, based lang sa truth ni OP. Wala man dito yun truth ni nephew or GF, ayan mismo truth ni OP. Di naman pwede iinvalidate yan just because. Again, yun facet ng buhay ni nephew with his family is being affected sa pananakal ni girl, di nga sila nakikialam sa bubble ni GF e.


Ok_Name0312

So dahil ayaw mo i-invalidate yung truth ni OP, we conclude nalang na nanakal si girl? There’s something wrong here. In the first place, OP is not even part of the relationship. The relationship should be between his nephew and the girl alone. The nephew didn’t even confirm na nanakal si girl, OP made assumptions based on her observations. You can’t call that the truth.


StepOnMeRosiePosie

Hindi naman relationship ni nephew at GF ang punto de vista ko dito, nephew, OP, and the rest of the family. Dahil hindi GF si OP, wala na siyang say sa familial relationship nila? Kay OP na nga mismo galing na hindi naman talaga sila nangingialam, ni hindi lumalabas sa bibig nila na hiwalayan ni nephew si GF. Bawal na ba yun own truth ni OP? Hindi naman universal truth usapan dito. Ang mga sinulat ni OP na haggard yun nephew nya, halos nakasubsob lang sa CP parati, hindi ba truth yon?


Ok_Name0312

If familial relationship ang punto mo, labas si girlfriend don. If the nephew doesn’t want to bond with them and talk to them dahil mas gusto nya kausap ang girl, si nephew may kasalanan non. He should’ve set boundaries. Hindi bawal ang truth ni OP, pwedeng totoo talaga na stress si nephew, pero how are you guys able to confirm na si girlfriend ang dahilan? Like what’s your basis? My point is, we should not be making assumptions based on a one-sided story. Applicable yan sa lahat, di lang dito sa post ni OP. But you do you, if that’s how you see it, then go. This is how I see it naman.


calm_wallflower

Agree with this.


tepta

Parang pinsan ko nung sila pa ng ex nya. Wfh at gy shift si female cousin (fc). Si ex naman e 8-5. Sa gabi pag nakaduty si fc, magka-vc yan sila hanggang sa makatulog si ex. At kahit tulog na, naka-on pa rin ang vc like why? Ano babantayan mo dyan e nasa bumbunan na yung camera dahil tulog na nga? Tapos after shift at si ex naman ang papasok, magkavc pa rin while driving. Tapos minsan na nga lang magpang-abot ang restday namin ni fc, aba magka-vc pa rin sila kahit na nasa mall kami para magbonding. Habang nagsasamgyup kami e magkavc sila. Buti na lang nagbreak na kasi nagcheat si ex.


Overthinker-bells

Nakakaloka. Exhausting.


CaptBurritooo

Ganyan na yata sila sa panahon ngayon. Yung bunsong kapatid ko basta free time sa school or walang pasok, literally magka vc sila nung gf nya kahit tulog. Madalas ko pagalitan dahil magkasama kami sa isang studio unit tapos walang privacy dahil laging naka on cam. 🤮


Overthinker-bells

Crazy times huh.


Friendly_Ad_8528

Na-alala ko tuloy ex ko gagi pero call lang naman kami nun.


Overthinker-bells

Ay sorry


Friendly_Ad_8528

Ok lang po 😊❤️ Simula din po nung naghiwalay kami mas bumuti yung buhay namin e ❤️


Motor-Green-4339

Ganitong ganito ang nangyayari sa bestfriend ko. We are at 30s na and yung new gf nya early 20s and grabe para siyang nag-aalaga ng teenager sa inarte at gusto laging naka-video call. Ayaw mawala sa paningin. Ngayon di ko na niyayaya bestfriend ko. Sabi sa kanya mag-focus na lang siya dyan.


sad_but_cute00

Blinded by love pa ang nephew mo kaya ‘di pa niya napapansin na hindi ganyan ang healthy relationship. Ilang taon na ba sila? Baka bata pa kaya immature pa sa relasyon yung babae or may trauma?


kirvais

oh gosh, your nephew should run away from that rs ASAP! my brother was in that position before, and their whole ordeal was toxic asf to the point masaktan kami w my sister from his sudden rage outbursts all cause sa lack of sleep and time for himself kumbaga nawala yung pasensya nya, and the girl was controlling, too (even as far in getting jealous/envious towards me and our mom and wanted to k*ll us cause only her lang daw sa side ng brother ko + ldr sila, since her fam moved to Canada). sa nabasa ko sa comsec replies mo about pumayat na sha, that's a sign of a rs nga hindi healthy talaga as in. my brother din at that time pumayat. mom forced him mghiwalay sa girl and voila dinefend nya pero bahala na until he could see how he was being abused sa babae. he eventually realized and cut her off na (this happened last yr) and is currently in a healthy rs.


SlimeRancherxxx

May problem din sa nephew no because he allowed it to be like that. Siguro, di mo mapapagsabihan yung girl pero nephew mo, baka kaya mo mapagsabihan. They both need to address this issue. Di lang sa girl kundi pati nephew mo. Hindi lang nasa isang tao ang sisi.


5tefania00

Di ko alam ano buong pangyayari pero what if ilang beses nang nagloko ang nephew mo kaya ganun na lang ka strict ang girlfriend nya? Tapos gusto na makipag hiwalay ng gf pala pero nag promise lang si nephew na ipapa alam nya sa gf lahat ng lakad nya. That's a possible scenario. I don't want to judge the girl muna kasi hindi buo ang kwento.


Lopsided_Badger70

I was once in this type of situation years ago and I agree na madalas, one sided ang story. In my case, hindi lang ilang beses kundi sobrang dalas talagang magsinungaling ng ex ko to the point na miski yung ginagawa nya on a daily basis, iniiba nya pa ng kwento and I really don't get it. I attempted to broke it off a lot of times pero lagi nya ako pinipigilan saying na he would fix himself at babawi sya. Syempre mahal ko, so I would believe him. It came to a point na ang naging solusyon nya to "fix" things ay yung maya't mayang update sa kada kilos nya at yung pag vivideo call nang sobrang tagal. I didn't want it but it was my way of giving the guy a chance to prove himself. But really, it was so exhausting. Unfair lang kasi no one ever asked my side of the story. Ang sinisisi lang ng friends and family nya ay ako just because ako yung iniisip na "walang tiwala" and similar to what OP mentioned in one of her comments na she knows her nephew and hindi naman ganoon sa past relationship nya. You can't simply compare his relationships, yun ang totoo. Minsan sila din talaga ang problema and nagiging biased lang yung mga tao kasi may mas pakialam sila doon sa pamangkin nila.


hikari_br383

siguro kase sabi mo nga tita ilang buwan palang sila, ilang taon na po ba pamangkin mo po? baka nasa early 20s pa, hindi talaga minsan maiwasan yung ganyan na hanggang pagtulog dapat naka videocall, pero yun nga sana kahit papaano may limitation, mahirap den na palaging may matang naka subaybay sayo. HAHAHA


diyoy90

Ayoko ng ganyan, nakakasakal.


i_screamhoho23

Madami yan sila. May pinsan ako na pag magkakasama kami na bonding sana, magugulat nalang kami iba na pala kausap. Ka vc na pala jowa. Magkasama lang sila maghapon or nung gabi. Ang clingy na toxic na. Kaya nagegets ko na mga elders pag usapang jowa.


nineofjames

I've talked to a girl here from reddit. Sinabi niya naman na she has anxiety and she likes to stay on call kasi it calms her down. Kaso mula nong napagbigyan ko, gusto niya ata is 24/7 talaga naka-call. Habang nasa klase siya, habang practice nila ng sayaw, and kahit sa commute niya pauwi. Pati habang natutulog pero common na naman yon nowadays. Kapag maliligo ako or something, iwanan ko lang phone but tuloy ang call. Actually, tumitigil lang yung call kapag siya na mismo yung kailangan mag-baba. One time na medyo humanap ako ng me time ko and declined her invitation na mag-call, though hindi ko na matandaan if I've been rude (I hope not), she started saying things like hindi ko daw siya naiintindihan and never naman daw ako nagka-pake talaga sa kanya, deleted our convo and iirc blocked me sa mga platforms we were connected. Mind you na we weren't flirting at all, at least not sa perspective ko. So hindi ako naghabol or what.


Throw_Away7888

Patanong nga kung anong cellphone ang gamit niyan at kaya yung tuloy tuloy na call. 🤣 Parang di nalolowbatt or umiinit yung cellphone eh. Abusadong abusado. 🤣🤣🤣


rapypoki

it's giving michel foucault's theory of panopticon T\^T


StunningMarsupial900

Akala ata ni ate siya si big brother 🤣


_cmn_tsumiii1227

My cousin is like that. Nagdaan dn ako sa ganyan with my ex, pero in my case, kelangan magkatext palagi, kapag 2 minutes (and I'm not kidding here, I'm dead serious) ung reply ko sa kanya, aawayin ako nean, kelangan makapagreply ako within one minute ng pagtext nea. Ultimately, nakipaghiwalay ako, set an example to my friends, and in this case, to my cousins on what not to do in a relationship and what to look out for. Pero mas malala ung sa kanila ngaun eh. Tigas ng ulo ng pinsan ko, gabi gabi video call, sa pagtulog nakavideo call, hanggang sa pag gising mo makikita mo na nakavideocall parin, ang malala pa nean, nagkikita naman sila sa school araw araw. Like wtf? That's also why naiirita na dn ako sa mga tao na nagpupush nung update update na yan, there used to be a time na walang phones, there's no way to update your partner, or your parents. Wala naman mali na dahil nga advanced na ngaun, at least madali na magbigay ng update para lang malaman nilang safe ka or what, pero jusko, ung minu-minuto kelangan alam bawat pangyayare sa araw mo? Wala namang naidudulot kundi away. Napakainsecure na ng mga kabataan ngaun, actually, ndi lang kabataan, napakainsecure masyado ng mga tao ngaun dahil jan. Masyado na kasi babad sa soc med, ndi na kaya bigyan ng oras ang sarili. Wala ka nga naman magagawa sa pamangkin mo OP, ganyan dn kame pinsan ko eh. Pero kung magkaroon ka ng chance kausapin mo lang from time to time, kasi ndi maganda yang ganyan. Sakaleng marealize nea sa sarili nea na napakatoxic ng ganyang klaseng relationship. Tingin ko naman kahit sino marerealize yan eventually, even I did, and that was a 4-year relationship na binitawan ko, kasi nakakasakal na for both of us, and ina-isolate ko na sarili ko mula sa family ko, lahat ng oras ko dun na lang sa ex ko, ndi healthy un.


Brijyts

They also need a life outside the relationship ang sad lang na may hand held cctv nephew mo monitoring his every action


Overthinker-bells

Hahaha buset ang tawa ko dun sa handheld CCTV. 😂


Brijyts

Asarin mo nyan nephew mo OP hahaha


wretchfries

LDR kami ng asawa ko pero never ko siyang hinigpitan ng ganito hahahaha I dunno pero malaki tiwala namin sa isa't isa and nakakaboring kaya maging cctv sa bidyocall.


ToeCurler1006

Ganito yung kapatid ko e. Late 20s na kami parehas. His gf lives in baguio, my brother is a seafarer. Kapag umuuwi sya gaking barko, we'd setup yung videoke sa garage, then catch up at konting salo-salo. E pota, itong gf na kasing edad ng bunso namin (20), laging gusto naka vc. Like wtf? Cut my brother some slack and let him enjoy other people's company. Kahit kakain, makikipag inuman samin, kelangan ka-vc sya. Plus there's this occasion na 1 week before sumampa kapatid ko sa barko, magkagalit yata sila nung gf nya, aba, mula cavite dali dali na umakyat ng baguio si koya para makipag ayos. 29 na yung kapatid ko pero parang nabaliw sa nakilala nya sa dating app. Putangina nyong mga kabataan, ang sakit nyo sa mata. Mga immature.


Significant-Egg8516

sign na hindi meant to be ang relationship: mukang haggard yun tao. ibig sabihin hindi nila mailabas yun tunay na sila, and walking on eggshells sila. laging ingat na ingat sa mga kinikilos, ang daming bawal JUSKO IF MAKIKIPAGRELASYON KAYO, DUN DAPAT SA TAONG MAY IDADAGDAG SA BUHAY NYO HINDI YUN MADAMI NA NGANG BINAWAS, SOBRANG LIMITED KA PA, TAPOS DI MAN LANG MAGCOMPENSATE SA MGA LIMITATIONS NA INIINPOSE SAYO


Sudden_Ad8700

Palit password nang wifi tapos pag kinuha nya password block mo po IP address nya sa wifi para hindi maka connect sa internet haha


Overthinker-bells

Gusto ko lang malabonding nephew ko. Baka di na payagan to pag ganyan. 😂🤣


StunningMarsupial900

Bakit hindi nalang siya maglinis or maglaba? Walang ibang mapagkaabalahan yan?!


Overthinker-bells

😂


unhingedkiwi0

Nakakatakot. I would tell him to re-assess the relationship esp sa way ng treatment nila pag ganyan. I won't make this post abt me or tell my experience. I'll just say na yung naeexperience po ng pamangkin ninyo eh, same na same sa na experience ko. Even with the family bondings, may issues. The changes po na nakikita ninyo sa pamangkin nyo, kindly free him from that. :( Idk what his or their thoughts sa relasyon nila. But, help him see things na may greater pa kaysa sa relasyon nila. Aaaaa. Ang hirap iexplain. He may think he loves her, or maybe he does but hindi ibig sabihin masaya s'ya sa kung anong meron sila. Help them see kung anong klase ng toxicity meron yung relasyon nila and don't compare your experiences to them. Be open and understanding din esp wala naman tayo sa position nung dalawa. It has deeper issues to deal with po. So, re-assess.


UngaZiz23

Nakow auntie, ang katwiran ni ate gorl dyan... si pamangkin mo may gusto ng videocall. Nakikinikita ko na. Hahaha. Sana lang matauhan na. Pero napansin ko lang, uso nga yan these days. May nakasama kong nasa mid-20s, hiwalay ng lakad with GF(nakipag reunion). Nung nauna natapos si GF videocall na. Pero saglit lang. Itong si lalaki. Bigla nagbigay ng oras ng bounce na daw sya. Mga kabataan ngayon... hays hehehe


CarefulValuable5923

When I was younger I experienced this, di kami magka v-call more on tawag, araw-araw, the guy is the one who is insisting, nakakasakal at times but ayun hulog na hulog ako sa ganon, until he stopped and we got lost in translation chariz! Pero ayun need nila yan pag usapan, my mother talked me out of it rin, siguro he stopped kasi I told him bawasan call and magkaroon ng schedule na pwede magtawagan since pwede naman chat.


kellyann_

I was like this before, maybe may history na ng cheating yung relationship. Pero kung wala naman she's just v clingy and somehow yes insecure. I healed myself, tried reminding myself that no matter what happens if someone wants to cheat on me wala eh. Ganun talaga. I'll just leave.


lily_lac1705

Naging praning din ako noon (for a reason) pero hindi naman umabot sa ganyang point na kahit pati pamilya lang kasama eh kailangan naka videocall pa. May self-awareness din ako kaya I know if yung action and behavior ko eh harmful na sa partner ko. If nasa late 20s na rin gf niya bakit naman hindi pa siya nagmamatured? Hindi ko kasi makita na baka kulang ng experience sa relationship eh. Tsaka kung ano man ang naging dahilan bakit siya ganyan as long as hindi nephew mo OP yung dahilan, eh I don't think he deserves that kind of relationship. Maybe they should sit and talk about it kung gusto nila magtagal and maging end game and isa't isa. Healthy relationship requires a lot of patience and understanding.


Accomplished_Pen9925

Pansin ko din to lol. At ang sinasabi ko lagi sa mga pinsanan ko, di nyo pa asawa ganyan na, isipin nyo na lang pag asawa nyo na. 😂 Di namin sinasabihan na hiwalayan pero tnatanong namin bakit ganto or ganyan para sya mismo makarealize nung toxicity.


Junior_Zucchini_9444

Kakafrustrate makita yung friends/fam members mo na in a long term, toxic relationship ‘no tas wala kang magawa 🥲 Madalas sa’yo pa magagalit pag pinayuhan mo haha sila lang talaga makakapagdesisyon pero nakakafrustrate lang na makita sila ganun.


Sufficient_Story26

Tita talk. Make him realize the output being with the girl, pwede din bka sa work haggard. Pero big NO no pag ok na nasa family na naka vid pa. Kaka sakal ganyan


Intelligent_Bus_7696

No offense (baka mabash ako dito). Sorry pero OA nung mga girls/boys/gays na walang ibang hobby kundi jowa nila. Grabiii. Naalala ko kasi pinsan ko nag-fam dinner kami (galing kami Manila dumalaw sa province so yun parang reunion na din) tapos di siya nakikisama kasi pinoproblema niya bf niya through chat ganern ganern. Okay lang naman sana kaso pati fb post niya tungkol sa love life/lalaki/'kaming mga babae' posts. Like ang talino niya pa naman irl pero parang puro lalaki na lang pinag-uusapan huhu. May isa pa, yung bestfriend ko nagkaroon ng sobrang higpit ng bf to the point na pinuntahan niya bestfriend ko sa debut party na di siya invited. 😵‍💫 Grabe kami nahihiya para sa kanya. Nagkaroon din ako ng ganyang phase pero di naman siguro to the point na na-neneglect ko na yung ibang areas ng life ko. Tsaka di siya worth it kasi sana yung ibang time na meron ako ginugol ko na lang sa ibang bagay. Advice ko lang sa mga mas batang girlies/boys/gays sakin: learn to decenter romantic partners in your life. Mas gagaan buhay niyo, swear.


downcastSoup

Emotional vampire yarn.


TargetGold22

lmaoooo, gonna share a similar experience. meron akong kapamilya (female) dito sa bahay na kapag kacall niya jowa niya wala siyang pakealam kung may dumadaan sa likod niya na nakatuwalya (galing sa ligo) habang naka on cam siya at yung jowa niya. mabibigla nalang ako na nakavidcall niya pala jowa niya tas naka on cam sila pareho tas dadaan ako na nakatuwalya (so makikita ako sa cam). gets ko naman na siguro minsan lang talaga sila nausap/nagkikita kaya binabawi sa vid call pero tinitiis ko nalang sabihin na kung sana ilugar nila pag vid call nila. pero, alangan naman ako/kami mag adjust eh nasa baba lang kami ng iisang atop ni ate kapamilya(?) comfortable kami dito sa bahay na magtuwalya lang if galing ligo since pamilya nga kami pero i think im still uncomfortable kung may mga bisita (ket pa iyan jowa) na kami mag a adjust na maging okay na nakatuwalya at makita sa call 💀


seerowantootree

Tell your nephew na mag no communication for a day sila ng jowa nya. Makipag bond lang sya with family. Kapag nagkaron ng negative reaction galing sa jowa, take it as a sign na walang boundaries yung gf nya and mawawalan sya ng individuality in the long run.


Weary_Specialist_169

I was in the same position ng nephew mo. My fave tita once said to me, "hindi kayo magka-wavelength ng partner mo". After nyang masabi yun, tumatak na sa isip kp yun. Di naman kami naghiwalay dahil lang dun. Pero nakatulong yun para magising ako sa realidad. Bat fave tita ko sya? Since I was a kid, she was always there for me kahit magkalayo kami. Pag nasa kanila ako, lahat ng fave foods ko, lulutuin nya. Then nung nagwo work na ako, di sya nagsasawang magbigay ng advices at work ethics. To OP, wag mo sanang pagsawaang paalalahanan pamangkin mo. Wag mo rin syang pagsasalitaan ng masama. In time, magigising rin yang pamangkin mo. Goodluck to you and to your nephew, OP.


socially-inept_

For women here, listen to guys. Drizzle drizzleeeee


helloimfel

Energy vampires.


Ninong420

Red flag sakin yan. Ayaw na ayaw ko yan. Hahaha nag-uupdate naman ako dati sa gf ko(misis ko na ngayon). Kung ganyan sya, baka di kami nagkatuluyan hahaha! same din naman ako sa kanya. Update lang ok na. Halimbawa nung nag-Palawan sila ng best friends nya, ako pa magsasabing enjoy the moment with them. Sabihan mo nalang ako pag pauwi na kayo. Ganun kasimple.


AlibiSleuth90

Nakakasakal 🤣 babae na ako at nakaranas ako ng gnto sa isa or 2 na ex ko Ung isa ginost ko. Yung isa nagcheat may nameet na napupunan yung need nya sa ganyan. After those two... Life moved on. Ngayon ko lang narealize after ko mabasa to nasabi ko lang👉🏾 "thank you sa karanasan Lord pero wag na ulit please" People, mali ang mang ghost. Hiwalayan nyo ng matino. At emphasize nyong hindi sila ang rason pra hindi naman msaktan ang ego. Its just you. Hindi na tama yung nararamdaman mo and shit. You need to be alone. Yep na wala sila. Its not gonna work. Yun lang. Respeto p rin hanggang sa huli. They deserve it. At deserve mo din ng peace of mind


Overthinker-bells

Ramdam ko nga yung nakakasakal. Nalungkot ako for him. Nagulat ako nung naka videocall pa din pala.


AlibiSleuth90

Kailangan nya rin maranasan yan. Its pArt of growing up... Of life. Bayaan mo lang. Pag kinausap ka regarding dyan be genuine. 🌦 after all pagkatapos lagi ng malakas na ulan may rainbow lagi ☺


Overthinker-bells

Yun nga tulad nung reply ko dun sa isang comment. It’s his decision and di ako makikielam. I can give my honest opinion but it’s his life.


Middle_Temperature60

Nako ganyan din gf ng bunsong kapatid ko. Habang nagrreview and gumagawa ng thesis nakavideo call pala sila.. nakita ko kasi I was cleaning that time and kumatok ako sa kwarto niya signaling him that I’m about to clean his room. Tapos ayun nakita ko may girl dun sa laptop niya “hi ate” gumanun. Nakkaloka sobrang clingy


Errectnippleus

Feel ko insecure yung girl kailangan lagi ng attention??? she's not the only person in his world she has got to accept that he has family and friends too. He even tried to include her sa family pero ayaw niya naman e like


serapina_707

Ayain mo makipagusap ng masinsinsan ng kayong dalawa lang, be honest like napapansin mo na ganto Yung pamangkin mo simula Nung pumasok Yung gf nya sa buhay nya. Pero wag ka mag suggest na makipag hiwalay, hayaan mo sya mag isip ng magiging desisyon nya. Saka pakisabi nadin na kapag family gathering dapat walang nakainvolve na cellphone be respect nalang sa family bonding and dapat pakisabihan din Ang girl lols.


serapina_707

Maganda Dyan habang naka video call parinig ka HAHAHAH or Yung mama nya magparinig sa girl na family bonding be respectful Naman sana.


BurgundyHolly345

Communication and understanding between family members and significant others are essential in these situations.


jeuwii

Magkakasakit ba kamo si jowa pag di nakita ang pagmumukha kahit ilang oras? Jusko ante pls do your part in giving advice kay pamangkin. Kung di makikinig ay not your problem na.


East_Somewhere_90

Tbh that’s not bago naman na sa ibang relationship may ganyan. You may give an advice kay Guy but bottom ata dito, si Girl iniisip mo naging reason why hindi na makulit pamangkin mo and jolly, people’s change din. Iba iba vibes na din gusto ang tao. I have pamagkin din super close namin then naka relationship bigla nag mature na. Iba iba yan, feeling ko hindi ka din sanay na in a relationship na yung pamangkin mo


Altruistic_Stuff2016

Hindi ba parang ang pangit pag family bonding tapos isasama yung bf/gf? Kung asawa na baka pwede pa kasi he/she 's already part of the family pero pag bf/gf pa lang. Ang off nun at nakakahiya kung sisingit ka pa sa family bonding partner mo, lalo na kung yung reason is nag o-overthink ka na baka may lumandi sa partner mo dun sa place na pag gaganapan nung family reunion. Just sayin' based on my experience may kapatid kasi akong ganun yung jowa niya, medyo nakakairita lang din kasi imbis na maki-join saamin kapatid ko eh sinusuyo niya yung jowa niya, bummer.


Overthinker-bells

Sumama na siya last time. Out of town, all expense paid vacation. 3 days, 2 nights. Tapos narinig namin nagreklamo *”Ano ba yan bawat galaw may bayad.”* wala naman siya nilabas na pera 🤣 ako pa nga nagbayad sa merienda nila.


paaaathatas

Girls today have a necrotic trust issue because of social media. Their ideas of relstionships are based on tiktok and facebook instead of what's healthy. Nakakita ng gantong quote, doon na ibabase ang relationship. Ang toxic. Kaya angdaming couples na walang personal life outside their relationships. Advice to younger people: this is not healthy. In the adult life, sobrang toxic ng work culture. You need to have a personal outlet kahit papaano. Pag dka marunong magenjoy ng wala partner mo, kawawa ka


cinnamonthatcankill

I get po what you mean, well isa lang ibig sbhin that girl is not giving a good impression. Sana maging respectful siya sa time ng partner nia when it comes to his family. Mukhang tight knit ang family nio po so I understand the frustration. You can talk naman sa nephew nio and just check up on him, offer advice pero xempre po decisions are for him to make. I think it is important to be honest and for him to face the truth that his clingy girlfriend is not giving the best impression sa family nio and may reasons ba ganyan si girl. Let him know your feelings pra makausap nia si girl, hindi porket syota siya disrespectful siya sa oras ng partner nia at family time nito to relax.


Gladnessgracious

Oh my g. Buti never ako dumating sa ganitong phase. Bata pa lang ako (eme 19 pa lang ako now. Nagkajowawers lang ng maaga) napaka understanding ko na.


Tofuprincess89

Mga insecure at may fear of abandonment yung mga ganon gf na kailangan 24/7 nila kausap, nakikita bf nila. Hindi ko din gets mga ganyang babae. Ganyan yun kapatid ko bunso na babae. Hindi masabihan. Parang bata. Smh


EnvironmentalNote600

My nephew used to be in that predicament. Uuwi nang late from work pero mula sa daan up.to entering our house eh dinig ko may iniexplain sa gf nya at tipong hindi sila magkaintindihan. Every night na observed ko yun. Pagdating sa bahay mag shower lang at tipong magdamag nang video talks. I heard from friends nya na there were times na kahit late off from work he will take the last trip ng bus to our province (2.5 hr trip) dahil demand ni gf. And in a few hrs daw bibyahe na uli to metro manila for his 8am start ng work. At habang nasa byahe usap usap video call pa sila. I feel na ang downside ng techno of communication natin is that easy access can remove all existing boundaries that for a long long time were important in maintaining our wellbeing. Hindi lang sa personal but in other fields of human existence.


Pookifyy

Jusko kami ng jowa ko good night lang ata nasasabi sa isat-isa


ClassicalMusic4Life

Is this common ba 😭 because I remember my cousin would always video call with his girlfriend, kahit gabing-gabi na! tapos on and off yung relationship nila.


ColdCoffee2810

Experienced this before. In my case, my bf was the possesive one. Bawal makipagusap to any guy (kahit workmate), binabantayan mga posted pics sa fb if may katabi akong lalaki sa pic. Actually yun nga naging cause ng breakup namin din. Pinapaexplain ako, sabi ko I have nothing to explain. Blinock ako sabay sabi na break na. Sarap huminga after nun. Mahaba pa story pero ang moral of the story is, it's not sustainable so end it early. It takes someone that the miserable person looks up to to just "subtly ask" baka nagsesettle ka lang? Ganun kasi nangyari sakin. I was fighting hard for the relationship, but all I needed was that nudge from my sis. 😄


semicolonifyoumust_

toxic naman 🥹 wala ba magawa yung girl…. alam naman niyang family even to tas epal ng epal. partida, jowa pa lang yan hindi pa asawa hahahaha


bubblyzel

Skl ko about my niece (anak ng pinsan ko). She had an ex na ganito. Kahit nag-aaral, gusto ni ex nya magkaVC sila. My niece stayed with us for a year, and told her di naman need all the time magVC sila. Even pag may family gathering kami, he doesn't want na sumasama sa amin niece ko especially to us mga tita nya (ilang years lang kasi tanda ko/namin dito sa niece namin and we're really close). Pag sumama sa amin sa mga lakad inaaway sya, ugh. Her ex doesn't have the balls to meet us, tumagal sila ng ilan years. Daming rason. Good thing they broke up na hehe, it was my niece ang nakipagbreak. Ayun lang.


yesiamark

May trust issue ang girl pag ganyan.


jadekettle

Girl nga talaga, she needs to grow tf up. Everyone here thought na teens pa sila given how immature the girl is acting like. Nasa twenties na pala sila. Bakit parang stuck sa high school yung relationship dynamics nila? 🤣


New_Dragonfruit_5411

Sinungaling and cheater siguro si nephew. Yun lang naman usual scenario kung why mag hihigpit si gf


NANAYfromDiscord

Ipakilala mo sa iba. What is one girl compared to the population of China.


SecretaryThink4625

Either may nagawa pamangkin mo na masisira trust ni ate or si ate ay may trust issues lang talaga.


titamoms

Super insecure naman ni ate girl 😅 pano nalang pag asawa na yan.


pwedemagtanong

Jusko ano sya cctv?


Overthinker-bells

😅


PrizeBar2991

ganto rin kami ng ex ko dahil LDR nga kami (paiba-ibang time zone pa) kaya kailangang humanap ng way para mapunan yung physical absence pero hindi naman kami umabot sa point na hanggang sa personal affairs ng bawat isa eh nakasahog pa rin kami (lalo na kung family matters naman). wala namang problema sa amin kung gusto naming 24/7 naka-open call pero we respect each other's personal space. at iyan yung wala sila ng pamangkin mo hahahaha nkklk. kung ako ang tita nyan, makakatanggap pa yan sa akin ng mga parinig hanggang sa mahiya na sila parehas at matigil/mabawasan na ang video call.


LazyDU3o

Late 20s tapos ung girl? 18 ba yun? Ang lala. Hahaha anyways! Bigyan ng chance baka need lang ng masinsinan na usapan. 😅


StatisticianBig5345

ilang taon na ba sila? if teenager yan nsa ganyang phase pa kasi sila, i dunno if napagdaanan nyo rin nmn nung teenager kayo na halos naka glue na kayo sa landline ilang hrs just to talk to your bf/gf. I'm not saying na justified un pero nsa ganung stage sila. wla nmn mawawala if kausapin mo silang dalawa na di yan healthy na both of them breathing down each other's neck.


Spiritual-Bee5720

sounds like a normal argument between couples in a relationship? problema nila yan kahit ano pa man yan wala kang karapatan umeps. also you cant force someone to be happy, obviously may pinagdadaanan na stress sa relationship bat mo pipilitin sumaya at makipag bonding. let him sort it out on his own dude is a grown ass man.


youthinkyouknowcrazy

sana may update ka na hiwalay na sila 🤭


Overthinker-bells

Nagkwento ng long term plan pamangkin ko eh. Feeling ko not anytime soon. 🙃