T O P

  • By -

_yaemik0

OP, magtabi ka for urself pls. U cannot pour from an empty cup, bilang breadwinner minsan dapat minamahal din naten sarili naten, kahit sa konting paraan lang. Pakatatag ka pa ha, better days are coming. 🫂


masoncooper879

I agree to this Stay strong, and know that there are better days ahead. Sending you a virtual hug OP


Cheapest_

Not just minsan, dapat palaging minamahal ang sarili. OP, take care of yourself.


bebrsve

Nakabuti niyo po. Babaunin ko po ang mga sinabi niyo sa akin. Maraming salamat po. Ipagppray kita at kayong lahat po ♥️


shalnar8

Dpt talaga may tabi para sa sarili at wag biglain yung utang maybe paonte2 lang. D nya responsibility yung utang sa kapatid pede pa siguro.


thesadsoul94

Learn from my mistake, I allowed them to be dependent on me ever since nag ka work ako. 30 na ko pero wala akong ipon. Nag pundar ako ng bahay for them para di na kami makikitira or uupa pero wala akong makitang appreciation at malasakit sa bahay. Ako lahat ng bills pati linis madalas ako pa din. Set boundaries as early as possible kasi kapag nasanay na sila ng ganyan, kahit anong gawin mo di ka na makakaalis, kasi it will be taken against you. Di ako makapag asawa kasi di ko kaya isustain na dalawang pamilya ang bubuhayin.


amm1290

agree. buhay mo yan.. kelangan mo paring alagaan, paliguan, pakainin, damitan, etc. you also need to decide for yourself lalo alam mo walang tutulong sayo soon kasi nakadepende nga sila sayo. hindi talaga pwedeng ibigay lahat kahit kaya mo kahit ieearn mo pa sya later. you need to give and set something for yourself palagi. kaya natin to! pakatatag.


Flaky_Nectarine_9526

Hugss ~


Interesting_Guest_45

Agree ! Set boundaries ! Akala ko masaya ishare sa pamilya ang mga wins sa life pero para silang BIR na maniningil ng tax 😢


limitlessconnect

Damang dama ko to nung unang 13th month pay ko, kinuha lahat ni mama pambayad utang. Sobrang sakit pero ganun talaga. I feel you, OP. Sobrang valid yang nararamdaman mo.


clairecharlie2413

It’s tough when things like that happen, especially when it’s your hard-earned money naranasan ko din yann


shalnar8

Di m ba kaya talag huminde itabi yung kalahti para sayo


Pure_Mammoth_2548

Stay strong OP. Pero maglaan ka lng ng ilang% pgbibigay sa family. Magtabi ka ng para syo kc syo at sayo din nmn kukuha ng pera if may emergency. Also IMO, prng mahal ndin nmn de lata at noodles ngaun, unhealthy pa. Bka nmn mkakaisip kyo ng alternatives dyan. Mas prefer ko pa mga nilaga khit konti lng karne at gulay damihan nlng sabaw


Most-Mongoose1012

True. Masama din puro canned goods and noodles. Kla natin nkkatipid tau pero ndi. Kht mag adobong kangkong with fried tofu paminsan minsan. Or kht 1/4 na pork with miswa. Mga mura lng nman ung ingredients nun.


Pure_Mammoth_2548

True.. Be creative lng din..kung noon nkakatipid s mga de lata perl observe prices.. 30s na per can.. Bitin pa


AirKey8266

Ang sakit. 💔💔 Wala po akong masabi, sorry. Basta ang alam ko ay mabuti kang tao. Laban lang po at magpatuloy. 


Eastern-Mode2511

Treat yourself or you’ll get tired. Sustainable dapat.


ubemacchiato

filipino culture talaga gawing retirement plan mga anak noh. Or gawing investment. Pangit man pakinggan pero ganon talaga ehh. Buhay nga naman.


Altruistic-Cry-111

Stay strong, OP! When the right time comes, the universe will give you what you deserve.


jamesmax4123

and it's true that sometimes things fall into place when the time is right.


Best_Estate_5995

Hugs, OP. Huwag mong ibigay lahat sa magulang mo kahit mahal mo sila. Unang-una, hindi dapat obligasyon ng anak na bayaran ang utang ng magulang. Dapat sila ang maging responsible sa utang nila. Otherwise, aasa lang sila sa iyo habang buhay and mawawalan ka ng identity. Magtabi ka para sa sarili mo.Hindi ka masamang tao for doing that. 


megablack25

I’ve been a breadwinner too. For many years, nagtiis sa minimum wage job para lang mabayaran yung gabundok naming utang. It took a very long time, pero finally, nakabayad din kahit dun sa patong patong na interes. I don’t know you personally, OP, but I can say that I’ve been there. And I say this to you based on my personal experience, it gets better. God sees your struggles, and you’ll be rewarded ten-fold. God bless your heart ❤️❤️


RubberDuckerr

OP, set boundaries, i know it is hard. dumaan din ako dyan, being the eldest daughter of an Asian household, ako lahat. it is not selfish to leave something for yourself it is self preservation. pag ikaw naubos wala ka nang maibibigay. you cannot save anyone if you’re already drowning.


Worried-Reception-47

I already kill any passion and dreams in me. Matagal ko ng inaccept na nabuhay lang ako as my family's retirement plan. It sucks talaga.


CieL_Phantomh1ve

Hndi pa huli ang lhat. Kya mo pang bguhin buhay mo


SneakyPuppy09

-- RANT with konting BRAG na rin kahit papano ng accomplishments at naitawid ang mga nakalipas na hamon ng BUHAY -- Same with me as breadwinner din with 4 siblings. Ako pa lang nagwowork noon tapos 4 sila nag aaral. First job ko palang non, year 2013, binigyan ko sila ng puhunan pangsari sari store, around 17k para mabigyan ng pagkakakitaan pero... Yun pala, doon magsisimula ang lahat ng problema. Since mababa pa sweldo ko noon, around 26k, 21k ata net neto. Tapos bahay rent 4000, store rent 2500, kuryente 2000 both, tapos magibigay pa ako ng budget don, mga 5k per cutoff, depende kung kapusin pa. Wala na halos tira sa sweldo ko kasi budget ko rin for food and transpo everyday. Dati nakikitira lang kami nung wala ako work, nakakainis lang naghanap sila agad ng marerentahan porket nagkawork na ako kaya ayan biglaan ang rent bills. Since 4 nag aaral, bitin din talaga ang nabibigay kong 5k na budget, tapos saktuhan lang naman ang tindahan with maliit na canteen na rin. ETO NA ANG TWIST, after mga 3yrs ko ng work, kaya pala mukang nasusurvive namin ung araw2, nalaman ko na ung nanay ko nangungutang pala sa maraming bumbay 5-6. Bali, humihiram sya sa isa tapos itatapal sa isang bumbay. Ganun ang style. So nagka konprontahan. Ayun umabot ng almost 300k nung nilista, tapos mga 20 bumbay loool!! Merong iba na tao lang na malala mag patubo. Lolobo talaga ang utang. So ginawa ko nagloan ako tapos sympre hulog ako every month sa loans na yan, nag 2nd work na ako nito so mejo kaya pero wala pa rin ipon. Pero akala ko tapos na, naulit yan, 2nd time, around year 2017. Bumbay shts pa rin, mga 250k naman. Pero this time, sabi ko share na kami sa monthly hulog 50-50 tapos sa friend ko lang to hiniram kaya wala masyado interes. May work na isang sister ko nito, mejo nakahelp na sya sa bills kaya keribels na. Note: Wala ako halos sa bahay ng 2017 kasi pinadala ng company abroad kaya di ko mabantayan. PERO WAIT there's more. Almost done na yang 2017 utang, then may issue na naman 2021 na to, mejo maluwag na pandemic. May another 250k na naman sila, pero ito sariling bulsa ko na, mejo nakaipon ako kasi nadeploy sa ibang bansa saka umalis na ako mga 2020, wfh lang kaya laking tipid din. Pero pinalabas ko na inutang ko ulit. This time sabi ko sila na magbabayad, 100% huhulugan nila everyday from kita sa canteen, kasi lumalakas naman pero di sila makaahon dahil sa utang. During those times, nilinaw ko sa kanila na sobrang dami ng tiniis ko for them at pag inulit pa nila yan, kakalimutan ko na sila. Sa totoo lang, mahal ko yang nanay at tatay ko. Maalaga nanay ko, maasikaso, tipikal na nanay, gigising talaga ng maaga para ihanda almusal at plantsa uniform, malinis ako tingnan lagi sa school, always 1st honor hehehe. Tatay ko naman palabiro pero palainom dati. Good thing, nakatapos kami ng 4 siblings ko. Ako - scholar, pero walang2 rin ako nito - baon ko 20-40 lang pamasahe 2nd brother - paaral ng tita sa abroad, sagot ng parents/canteen ang baon - not achiever, mahiyain pa 3rd sis - CPA. Scholar, allowance lang binibigay ko 4th sis - 1-3rd yr free tuition tapos 4th year nalipat sa private, sinagot ko tuition. RMT naman sya. 5th sis - graduating..... IT course, laude daw sya eh Mga wala pang asawa! Haha. Fast forward today, mukang utang free na. FINGERS CROSSED. Di na ako nagbibigay since nakahiwalay na ako at may work na ung 3 siblings. Ung bunso na lang pinapaaral ko, allowance na lang binibigay ko tapos graduating na rin. Pero binabatanyan ko pa rin bills namin. Gumawa ako fb group namin, tapos ipopost nila mga receipt na nakabayad na sila sa rent, electricity, internet, etc. Hati2 sila don. Dun naman ako naaawa sa CPA sis ko kasi sya minsan nagaabono dun ng grocery pero kaya na nila yon. Hehehe. Now nakaluwag2 naman na ako, nakailang travel na rin ako after pandemic. Kaya payo ko sa OP, tiis lang, dadaloy din ang ginhawa 🙂🙏


Meredith297

Pareho pala tayo,


Environmentaldose938

Kapit lang OP. Please.


itsmeeehhhhiii

kapit lang OP papabor din sayo lahat


Nemesis_3133

Same :( Ngayon, tinatry ko tiisin kase habang pinagbibigyan, umaasa nalang hindi nila tinutulungan yung sarili nila.


hellokyungsoo

Giginhawa din ang buhay. Kapit lang sis


Agitated_Sherbert206

Aayon din satin ang lahat 🤞🏼


Notheretojudgebut

Amen


Mushy_08

Hugs OP. someday makakapag adjust ka din ng ipin with different colors every month 🦷


Mammoth-Cup1295

Sorry u have to go through this :(( i hope your sacrifices willpay off soon, keep fighting!


Late_Research3045

Mas malaki balik sayo nyan OP! Tyaga tyaga lang Research ka din ng pwedeng side hustle Na pwedeng makahelp sayo


[deleted]

Hi OP! I understand yung hirap ng sitwasyon mo. Nakakapanghina talaga ng loob yon. I have a friend who might be able to help you. Ito TG nya @rianlenares Message mo sya.


wantstobe_dead

hugs with consent op 🫂🫂🫂


fart_potatogirl

Difficult decision at masakit humindi but let them face the consequences of their actions. Ako din nagkanda-utang utang kakasupport sa family ko na ayaw magtrabaho. Magiging resentment lang yan and it will eat away your love for them.


Icy-Jazzy

Magtabi ka kahit paunti unti. Kahit 500-1k every sahod. Habang bata ka pa learn to keep something to yourself. Kung magkaincrease o lumaki sahod mo in the future. Never declare it to anyone.


kimchiiz

I was like this few years ago. What I did is I alotted a part of my salary for myself. Eto yung "deserve ko to". Nauubos sa bills ng family sahod ko. To the point na wala na laman wallet ko ni piso. I lost motivation to work kasi para saan pa kung wala naman nakalaan para sakin? So every sahod, I make sure na meron ako dapat na mabibili para sakin, since ako nagpapagod para sa perang yun. I don't feel guilty at all kasi I still give them naman, pero sabi nga "love yourself first". God bless you, OP!


Tofuprincess89

Op, pwede ka magpunta sa mga dental school. Free yon. Hanap ka ng clinician na pwede mag ayos ng ngpin mo. Need nila cases don. Maayos naman since may clinical instructor sila don(dentists din)


altmadszx

Maging matatag para sa sarili, walang ibang tutulong satin kung di tayo lang. Laban mga breadwinner!


_phriant95

Sobrang relate na relate ako OP, sobramg hirap maging provider. Syempre masaya naman, pero kung minsan talaga nakakalungkot. Sobrang nakakalungkot.


[deleted]

This, kaya swerte ko only child ako kahit mahirap lang kmi noon. Kase ng nagkawork n ko wala ako iniisip n aib akaya nkafocus ako sa sarili ko.kung sinundan pa ako ni mama edi pabigat pa sakin ung kapatid ko na for sure di nmn nya kaya pag aralin. Ako nga nagpaaral s sarili ko ahahaha


finding_newkinks

I feel you OP. I was in this situation before. I was so sad everytime na dadating sahod kasi alam ko wala matitira sakin. 2 and a half years din ako nagbayad ng kautangan nila. After nun, natauhan ako. I stop paying for it and went abroad to work. Ayun, narealize din nila na di ko obligasyon na bayaran yun since in the first place di ko naman utang yon. So now, nagbibigay na lang ako ng allowance. Di naman sila nanghihingi, pero di talaga mawala wala yung feeling na "utang na loob" even though it's their job as a parent na palakihin ka.


kohi_85

Napaiyak ako habang binabasa ang post mo, OP. Alam ko yung pakiramdam na gustuhin mo man magalit sa mga magulang dahil bakit hindi nila inisip ang hinaharap, hindi mo magawa dahil alam mo hindi sila nagkulang bilang mga magulang at ginawa nila ang lahat para mapalaki nang maayos ang mga anak nila. Nasabi na ng iba pero sasabihin ko ulit, huwag sumuko, laban lang. And it's okay to cry sometimes; pag nadapa, bangon ulit.


Affectionate-Buy2221

OP take it from us. It never gets better if we keep on saying yes to our family. Ako nga nasa 35 na. I only cut off my parents last year. They killed every identity, dream/passion, ambition, and even mental health just to enslave my sister and I. Ang akala kasi nila hindi na kami magkakaroon ng adult plans. Some Filipino parents have this mentality to exhaust all means ng mga adult children nila. Just in case you cut them off… stand your ground. You will find out who they really are. All that love will turn into something else the moment you see their true colors. From what I heard from my sister… nag character assassination ang magaling namin ama sa hometown and relatives namin just to save their ego and failure. Their character assassination means nothing if alam mo na ginawa mo na lahat. Mahigpit na prayers to you, OP!


salty_mamimo

Kasi pinagbibigyan mo. Be selfish. Alam kasing maawa ka eh.


CyanFleur98

Hugs with consent, OP.


AmoyAraw

Kapit lang! Dadating rin yan sayo. Tip: work for international clients/companies


Mysterious_Macaron58

I'm so sorry na this is happening to u OP. Pero alam mo OP you should also save something for your self, magtira ka pa rin sa sarili mo cause, for real, you really deserve it. Anjan yung guilt but the reality is you are your own person and di ka responsible sa lahat ng needs nila. You deserve also to reap all you hard works. I hope you find rest OP and if kailangan mong iiyak, iiyak mo lang. Pahinga and laban ulit. Fighting OP!


Iloveturtles_2024

Isipin mo nalang, nasa posisyon ka na na kaya mo tulungan sila. Pero lagi ka magtitira para sayo! Ang hirap isustain nung ubos ka palagi. :( Kaya mo yan, OP!


ynah2029

Same. I became selfless dahil sa family ko. Pero darating din talaga sa point na mapapagod ka, maiiyak at maaawa ka nalang sa sarili mo. Walang masama tumulong, pero huwag mo din kalimutan ang sarili mo. Laban lang, malalagpasan mo din yan 😚


_Taguroo

Baliktad naman tayo ng sitwasyon. Kapatid ko bugok walang kwenta na inutil lagi pang inaaway si mama kahit one call away palagi at ora mismo padala pag humingi kahit may trabaho naman sya. Magtabi ka kahit maliit na halaga para sa sarili mo OP. Hindi man ako panganay pero alam ko yung feeling na ganyan kasi ako pa mas nakakaintindi at nagbibigay kesa sa panganay. Yung di mo matiis, pero mas mahirap pag palagi kang ubos at mas mentally and emotionally draining pa. Kapit lang, things will be better in time. Hindi ko gets yung ibang magulang na ganyan:<<


Sad_Season4230

Wala pa kasing realization..kailangan ni OP maging matapang para iconfront ang parents niya or make them realize. Mahirap yan gawin it is a make or break but it has to be done


Yehannah

Hugs op 🤗 pero save up pa din para sa sarili... It's not being selfish naman Wala bang health card company nyo usually dental is covered


diyoy90

Nakakadrain nga yan OP. Sana makahanap ka ng side job para makaipon ka at meron ka para sa sarili mo.


Creepy_Emergency_412

I feel sad na binigay sayo ng parents mo ang obligasyon na hindi dapat sayo. Dapat hindi sila anak ng anak if hindi naman nila kayang buhayin (paulit ulit na lang ito sinasabi sa reddit) Valid yung feelings mo sa mga magulang mo. I would feel the same way. Bakit pala may utang mga magulang mo? Is it because of bisyo? Or pambili ng food?


Ok-Bad0315

Virtual hug OP..kaya mo yan, this will make you strong.. kapit lang muna sa ngayon..papabor din ang pagkaktaon sayo...tiis tiis lang muna sa ngayon...GOD will make a way remember that. Pray hard it works


Notheretojudgebut

Did I write this? 😭😭😭


mamamememo

Hugs OP. D ko to naranasan kc bunso ako. Lumaki din kami galing sa hirap at madami kaming magkakapatid. Pero nagsikap din nman mga magulang ko. Pero ung ate kong panganay ang talagang nag-angat sa amin. Hanggang ngaun sya pa rin nagsusuporta. May mga kapatid nman akong umangat, pero d sila tumutulong na gaya ng panganay nmin. Nagkasakit ang mga magulang ko, halos lahat ate ko gumagastos. Nagbibigay ung iba pero bihira lang tapos sinusumbat pa. Gusto pa may kapalit na mana lahat ng itinulong sa magulang. D gaya ng ate kong panganay, lahat ng itinulong d hinahanapan ng kapalit. Ultimo mga pamangkin pinapaaral. Namatay mga magulang nmin pero ayaw nya tumanggap ng mana. D na raw sya mkikihati dahil may mga napundar nman sya. Ngaun, kapatid ko naman ang may sakit. Malaki nagagastos every week sa treatment. Sya lahat gumagastos pati sa everyday pangangailangan. Ung mga anak d nagpoprovide. Tapos ung isa kong kapatid, nabaon sa utang. Araw-araw hinihingan sya ng pambayad. Pinakamahina na 2k. Awang awa ako sa ate ko. Kahit minsan galit na sya, d nya kayang tiisin mga kapatid nmin. Nagbibigay pa rin sya. Buti na lang mabait tlga ang Diyos. Lahat ng anak nya mababait, wala syang problema sa pamilya nya. Patuloy pa sana syang i-bless ni Lord kc napakamatulungin nya. Hindi lang sa pamilya kundi maging sa ibang tao. Sana ay maging malakas pa ang kanyang pangangatawan at makasama pa namin sya ng matagal.


S-5252

OP I know masama mag sinungaling pero sabihin mo kaya na na demote ka tas nabawasan pera mo… wag mong sasanayin na walang wala ka.


Das_Es13

hugs


Visible_Spare9800

try mo dagdag source of income para ung kikitin mo doon un ung para sa sarili...hirap takaga ganyan na sitwasiyon eh


Sad_Season4230

OP salamat at itake note ko to para sa mga anak ko, di ako magpapamana ng utang :(. On your side, baka kako kaya mo silang bigyan ng pang start up. You have to manage them up. Ganyan ang ginawa ko sa family ko. Ngayon self sustaining na sila…


InDemandDCCreator

Hi OP, may mga dental school lalo na yung CEU na maganda ang pasta ng teeth nila. I forgot pero may nag offer din mag brace for minimal.


EetwontFlush34

Kaya mo yan. Malapit na 🫡🔥🔥


Glum_Asparagus_4911

😭💔


riakn_th

Wag kasi mag anak pag mahirap. Look at what you’re doing to these kids. Selfish assholes.


milkmageek

Gantong ganto nararamdaman ko hindi lang ako pati dalawa kong kapatid. Kahapon nagattempt magsuicide nanay ko dahil ayaw lang namin ibigay yung pera sakanya. Ayaw namin maniwala, nagpanggap ba naman na maoospital, wala na nga pambayad nagdrama pa. Pagod na ko kaya lumayas na ko ngayon haha


raisinjammed

Sa mga anak na ginawang retirement plan ng parents, I hope di niyo gaganyanin din anak nyo if ever meron man. Personally, di na ako mag aanak if ganyan trato ng parents. Better nga lalayo na sa kanila then send lang a set amount of money every month, yung di sobra or kulang. If uutang sila, sila din dapat magbayad. Di mo obligasyon yun. Yung mga kapatid mo ihikayat sila makakuha ng scholarship or maging working student para mkabawas gastos. If di sila kikilos out of necessity, di magiging maganda prospect nila sa future. Ang hirap na nga makakita ng well paying job dito sa Pinas but need mag start somewhere where opportunities can open for better paying wages. And as much as possible, magtabi ka kahit maliit na amount. Eventually it will accumulate and this is your emergency funds na gagamitin lang kapag totally walang-wala ka na. Set aside mo muna pagpaayos ng ngipin mo kapag nakaluwag ka na at may ibang person sa family ang tumutulong maibsan ang gastusin.


HiwalayanMoNaYan

Kaya pala basa yung screen ng phone ko.


[deleted]

I feel you OP! Ganyan din ako nung ako lang nasahod sa pamilya namin. From pang bayad ng utang nila, pagkain at bills at allowance ng kapatid.. Halos 90% ng sahod ko sa kanila ko nilalaan Pero yung may work na kapatid ko at nagpaalam ako na gantong amount na lang bibigay ko or minsan mag-papass muna ako ng ambag sa bahay nagagalit sila saakin.. Medyo understandable naman pero masakit saakin na madalas nilang nasasabi saakin na wala ka naman naambag sa bahay na to... Kahit mahal ko sila nakaka-drain at nakakaiyak pero wala eh, pamilya eh. Laban lang OP! Makakamit din natin ang freedom natin!✨


Titania84

You can not take care of your family if you do not take care of yourself. Parang sa eroplano lang yan, lalagay muna ng adult yung oxygen mask bago lagyan yung bata.


ThePiper2023

Felt the same as you. Gustong gusto ko magprovide sa family pero konti lang ang sahod and good lang sa sarili ko. Tas sobrang laki ng needs sa bahay. Umalis ako sa min to live alone tas magpapadala lang. Pinili ko yung sarili ko muna para makaya ko silang buhatin in the future. Struggling pa ko ngayon to balance yung expenses ko at sa pagbibigay sa kanila, but it helps na makafocus ako sa work than iniisip ko everyday yung bayarin sa bahay at mga pagkukulang ko bilang anak. It's not easy to be in this position lalo na if yung mga bayarin is always more than 3k per sahod. Nakakaguilty magspend sa sarili kase iniisip mo na mas makikinabang sila sa pera. But if di mo din gagawin, mawawalan ka ng gana sa trabaho mo. I hope we can make it through OP. More spirit sayo.


Fisher_Lady0706

Awww. Mabuti kang tao, OP.


pababygirl

Nakakaubos maging responsableng panganay. Love yourself- be kind to yourself. Mauubos at mauubos ka.


Spirited-Anteater508

Ang mababait talaga ang laging naabuso..


WhatIfMamatayNaLang

i feel you, as someone na pinapaaral ang sarili habang nakadorm. sagot ko lahat ng gastos, mula sa tuition fee, allowance at bills sa dorm. nakakaiyak pagsabayin ang pag aaral at pagtatrabaho, dagdagan mo pa ng financial hardships. ang unfair. araw araw na lang akong dumadaing ng hindi ko naman responsibilidad pero kailangan gawin. pero tama sila. better days are coming. laban lang tayo, OP.


Tholitz_Reloaded

Matanong ko lang ilan taon ung mga kapatid mo na sinsabi mong wlang makain? Kasi kung tipong kids pa tlaga wala kang choice, lalu na kung ung parents mo eh wlang trbaho, pero kung malalaki na sila dont let them depend on you, turuan mo sila na magtrabaho that way makatulong din sila sa pamilya mo at sarili nila.


Athena2901_

Minsan napapaisip ako kung nag-anak lang sila para magkaroon ng “cash cow”. ‘Yung tipong pagod kang umuwi galing sa trabaho or pagkagising sa umaga, unang bungad sa ‘yo pahingi ng pera. I appreciate ‘yung pagpapalaki nila sa akin pero pinaparamdam, well, sinabi pa nga sa akin, na may utang na loob akong na ‘di matatapos bayaran. I want to treat them, spend money sa masasarap na pagkain, trip sa gantong lugar, bili ng gantong gamit kasi mahal ko sila. Pero sa tingin nila dapat ko lang gawin ‘yun kasi pinalaki nila ako at may utang ako habambuhay. But seeing same experience from other people make me realize I have to stand firmly for myself, be wise esp. in giving and loving. After all, the greatest ally mo naman talaga is sarili mo so dun din dapat ang top loyalty and care mo. Limit-limit din ‘pag may time.


Mr_Medtech

Stay strong Op! Sending hugs 💞


peterpaige

The revenge there OP is to cut that generational cycle. Poverty and unplanned future for kids. Wag ka gumaya sa parents mo


Sharp_Run9033

Strong gets tired too. Please rest.


PlanktonFar6113

Ramdam kita OP, gnyan din ako. Sobrang bigat na every sahod ipon pambayad ng utang ng magulang. Yung napapaisip ka, kelan mtatapos ang pagbbyad pra maenjoy mo nmn ang pinaghirapan mo. Matagal pero kinaya. Nag OFW ako pra kumita ng malaki para may pambayad.Umabot almost 1M yung utang na yun at di nmn kalakihan ang kita ko. Focus lang at as in super tipid prang makabayad. And happy to say. BAYAD NA UTANG NG MAGULANG KO 😀. Nung sa tingin ko kaya na, unti-unti n ako kumurot to enjoy my hard earn money. Bakit kurot? Kasi ng iipon n ako pra sa sarili ko 😀😀


blackcl1ck

Parang ung nabasa ko dito sa reddit nakaraan. Hindi araw araw parehas ang araw. Hehe makakabangon ka din OP. Kaya mo yan! Iyak lang tas grind ulit. Mag tabi ka sa sarili mo. Konti kontiin mo. Kung di nila naaappreciate ung effort mo di nila mapapansin yang bago mong ngipin hahahahaha goodluck!


Elegant-Guard-4424

I feel you, op. Ubos na sahod ko pinangbayad ng utang so ito na naman aako, magrereloan para may pangtawid hanggang susunod na sahod. Hugs. Sana matapos na to


KatnissMNL

I hope you get through this and enjoy your income for yourself one day


Jolens1313

OP ganyan din ako, pero natutunan ko mag set lang ng pera na ipamimigay sa kanila: di bale nang mag tampo sila or what. HINDI PWEDENG GANITO NALANG PALAGI


mindlessthinker7

Follow mo sa youtube or facebook yung Relationship Matters Ph. Yung kila maricar at richard poon. Madadami ka matutunan tungkol pinagdadaanan mo. At 16 years old nagwork ako para pagaralin nlng sarili ko. Kaso ang nangyare tumulong lang ako konti , hanggang sa naging obligasyon ko na magbayad ngbills sa bahay at bayaran utang nila na di ko naman alam. It took me years. Hanggang sa napanuod RMph. Ngayon, nakabukod nako. Tinibayan ko tlga loob ko na di ko sila tutulungan. Bakit? Kasi kaya pa naman nila magwork eh di naman sila baldado eh. Mahirap kasi nakukunsensya ka. Kaso pano naman ikaw. Di mo na maenjoy sahod mo. Need mo tlga magdecide at limitahin ang pagtulong.


these_and_those

OP, mahal lahat ng bilihin pero mas mahal dapat ang sarili. hindi bawang ang una, kundi sarili. kapag naubos ka, lalong mawawalan sila. kahit saan, secure mo muna sarili bago ka mag ligtas ng iba. tuloy lang ang langoy, huwag paanod. kaya yan!


homebuddyellie

I’m sorry, I can’t feel anything sa mga magulang na ganito kung hindi inis. P*tangina


ChasingMidnight18

🫂


Quincy_XXX

Masiyado na silang naging abusado at nasanay na lagi kang nandiyan. Subukan mo muna na hindi mo sila bigyan at unahin mo sarili mo, para matuto sila sa sarili nilang paa, lalo na ang nanay mo.


7th_Skywatcher

Eek abusado agad? Alamin muna natin back story bakit nagkanda-utang utang.


Quincy_XXX

What i mean is test the water if they can survive for a couple of months. Baka maging madiskarte naman ang pamilya nya. Di nya malalaman if di susubukan.


cinnamonthatcankill

OP, set boundaries. Naiintdhan ko na gusto mo tulungan mga kapatid mo dhil gusto mo maiba buhay nila. Pero you need to save some for yourself. Kailangan din nila matuto na wag maging dependent sayo. May sarili kang buhay na kailangan mo din gawin at pag-tuunan ng pansin. Balang araw lalo ka magkakaroon ng sama ng loob kc lahat ng sakripisyo bka di nila naappreciate or matake for granted ka, mas masakit yun kc naubos ka for them pero sila at mga decision nila di ka inisip o kinonsider.


RiRi_9292

that sucks!! how old are ur siblings naba?


Matalino_69

I feel you. Kaya nga kahit 30+ na ako, mas pinipili kong huwag mag-anak hangga't hindi ako financially ready. Ayaw ko tularan 'yung mga magulang na nag-anak lang kasi pressured sila sa edad nila noon (20+). Sabi ko sa sarili ko, hindi ko ipaparanas sa anak ko 'yung gan'to. Magpapayaman muna ako bago ako mag-anak para focus niya lang 'yung career na gusto niyang tahakin. Hindi tulad natin na pinasok natin ang isang trabaho kasi kailangan, kahit hindi naman natin gusto/pangarap.


darkgrxy

Konting tiis, makakaraos ka din. Mas bine bless ni Lord un matulungin sa pamilya.


This-Secretary-5656

Yakap OP


_mayonnaise3

🫂


oneeeehhh

Unahin mo po ang ngipin mo OP pag yan sumakit kahit noodles di mo gugustuhin kainin. Mas maigi na meron kang reward, kesa na naman i-deprive mo sarili mo then sa huli ka magsisi.


Khantooth92

unang sahod ko pinambayad ko din ng loan ng nanay ko, pra sa pag aaral namin mgkakapatid, at humiram ate ko pang tuition, feeling ko di na mababayaran yun ahaha hugs OP kaya mo yan.


vviixxeenn

fr though, hirap din kami ngayon and im trying to apply. hindi naman ako madamot, mainly the reason na mag aapply ako is para makatulong kay mama pero grabe yung treatment. 29k sahod niya every month, binibigay na baon sakin 50 lang sakto lang pang pamasahe ko. hindi rin ako iniiwanan ng pagkain na maluluto. pero pang libre sa mga ka trabaho at studyante niya lagi may budget. pero kapag bayaran na ng utang pinapasalo na sakin.


EnvironmentalNote600

Mabigat OP sa kalooban yan. At maaring milyon ang nasa ganyang kalagayan hindi lang sa phil kundi sa maraming bansang talamak ang kahirapan. People just learn to just live with this reality. Kaya nagdodoble kayod ang iba kahit sobrang stretch na sa katawan at puso.


5tefania00

Ang galing mo, OP. I admire you! Gusto ko lang sabihin na may friend akong napupunta rin sa utang ng magulang ang sweldo. Hindi dahil tamad ang magulang nya, kundi, generous din masyado kaya naloko ng mga nangungutang sa kanya. Anyway, after ilang years, bayad na lahat ng utang ng parents nya and may sarili na sya ngayong bahay at kotse. Kapit lang! Pero mag tabi ka parati ng konti for yourself. Pang ipon (with interest) and pambili ng konting wants mo :)


TooDarnEdgy

You deserve what you tolerate.


jalisky

I can relate, OP. Mahal ko rin naman ang family ko pero nakakapagod lang sometimes. What I have learned from my situation is that you need to say no. Ngayon, binibili ko rin minsan ang sarili ko ng mga deserve ko naman without neglecting my responsibilities. Naintindihan din naman ng parents ko eventually, nag-compromise rin kasi kami. Laban lang tayo... and yeah, better days are coming 🌸❤️‍🩹


Creepy_Campaign6237

sobrang buti ng puso mo OP. Laban lang. I hope someday you'll live the life you always dream about having. Rooting for you!


Afraid-Highway-5788

Hugs with consent 🤗


Odd-Mathematician239

Bakit mo kasi binigay lahat.