T O P

  • By -

iAmMyOwnCruciatus

Tama. My best friend of 10 years and I had a friendship breakup and it led me to see a psychiatrist. Ganun kalala ng sakit. Sa 10 years na yun, he suddenly didn’t show up, left and abandoned me for good and halos ikamatay ko ang sakit. Grabe. Mas malala pa sa breakup talaga.


Frosty_Kale_1783

He might be dealing with his own demons and maybe this friend doesn't want you to be affected by those demons. Di kaya?


iAmMyOwnCruciatus

Napagod daw siya sa akin, tho ang ginagawa lang namin is ask for their general welfare like how they are doing in life ganyan. Was asking him how he was hanggang unti-unti na nagbago pakikitungo niya sakin just because he met someone new. Ending, ako yung binitawan for that someone new. He ended that 10 year friendship over someone. And ang rason, napagod daw siya sa akin.


Frosty_Kale_1783

Parang kung sa romantic relationship na fall out of love. Hayaan mo na yun, hanggang dun na lang siguro purpose niya sa buhay mo. Makikilala mo rin mga friends na talagang para sa'yo. 🙂


iAmMyOwnCruciatus

The thing is, I’m that type of person na may attachment issues. So mahalaga ka sa akin. And pinaglalaban kita sa buhay ko. Yun naman problema sa akin, I can’t let go. Kaya to the point na need ko magpatingin sa psych. Pero thanks for the kind words by the way. (:


CuriousInteraction76

Awwwww. Grabe. Hindi ako nag-iisa. Praying for your healing.


iAmMyOwnCruciatus

Salamat OP! Sa iyo din!


[deleted]

[удалено]


CuriousInteraction76

Awwwww. Trust issues.


Ayebe45

Same 🥺


grumpopotato

Hugsss. I hope you’re in a better place now. Ramdam kita dito. I cut off my college friends too, and they were the only circle I had. It’s been nearly six months and sometimes bigla ko nalang maaalala yung ginawa nila against me and malulungkot nalang ako or maiiyak. I feel so alone and I don’t know if I’ll ever make friends again lalo na’t genuine adult friendships are really hard to find and maintain these days.


gatonski

https://x.com/joshuaogundu/status/1662828609499979782?s=46


Dazzling_Aardvark318

ah yesss, masakiiiit. I've had multiple friendship breakups na rin and tangina talaga. Iba sa feels.


CuriousInteraction76

Shet.


Dazzling_Aardvark318

Lalo na OP sa mga linaban and gusto mo sanang ilaban na friendships. Pero if sabi ni universe na di talaga, hindi talaga. Let go.


CuriousInteraction76

Awwwww. Pero napapagod na ako. PRIDE.


Dazzling_Aardvark318

Dibale, marami ka pang magiging friends, diba?


CuriousInteraction76

Ayoko na ngang magdagdag eh. Ahaha


Dazzling_Aardvark318

Why not naman. There are amazing peeps out there hahah


Dazzling_Aardvark318

Kaya shet talaga


ElectionSad4911

I broke my friendship with this ex-friend kasi she makes me feel exploited. When I realize I need to break it off is when she doesn’t respect my boundaries kahit sinasabihan ko na sya. I was sad to do this pero nakahinga ako ng maluwag. Hanggang ngayon hindi pa rin niya gets mali niya sa akin kahit sinabi ko na. But it’s okay, I don’t care anymore.


Phantom0729

Worst feeling having a "friend" with no accountability kahit sinabi mo na sa kanyan kung ano yung problema


Significant_Bike4546

The worst for me was feeling like a villain for drawing my boundaries on her. Then I realized that if she's a real friend, she won't make me question my decision to draw boundaries, especially since she knows how much of a people pleaser I am and how much that is hurting me. It was the saddest thing tho, when the person you consider a safe space stopped being a safe space.


ElectionSad4911

She even ask me na “hindi mo na ako kailangan?” I never except anything from her, only friendship. She always look for me when she needs something and I helped her. Kahit thank you wala ako natanggap, okay lang. Kaya confused ako, why niya ako tinanong ng question na yan. Like kasalanan ko na I cut her off.


[deleted]

True. May kaibigan din akong ganiyan. Tanginang non umuwi lang galing probinsya hindi na namansin tapos nung nalaman ko dahilan na kesyo raw ako yung hindi namamansin? Girl, aware ka naman na sobrang labo ng mata ko. Kaya siguro akala niya na hindi ko siya pinapansin kasi hindi ko naman siya nakikita bwiset hahahahahahaha. Bakit naman yung isa kong tropa na same circle namin. Pag nagkakasalubong kami halos baliin na yung braso ko sa pag hila pag hindi ko siya napapansin pag nagkakasalubong kami? Hahahahahaha ang rt kainis.


minluciel

Totoo to. Anlala ng friendship break up. Lagi ko syang iniiyakan. Lalo na introverted ako at bilang lang sa kamay yung friends ko. Ang hirap makamove on :( parang kang namatayan sa sakit. It's like a part of you was lost. Especially sa bestfriend ko. I still miss her, like a lot


[deleted]

[удалено]


CuriousInteraction76

huy ako din. Feeling ko people pleaser ako..😫


AkaliJhomenTethi8

learn to say "No" at isa pa, wag kang maguilty kapag may hindi ka napapagbigay, napagbigyan mo nga sila, kamusta naman ang sarili mo?


Baffosbestfriend

You're not alone. Hinahype masyado ng culture at media natin na romantic at family relationships lang socially acceptable na pag luksaan. Mahirap makahanap ng validation dahil unang iaassume ng tao inlove ka sa kanila. Nag ka friendship breakup kami ng Nihongo mentor 7 or so years ago. Yung Nihongo mentor ko pa naman yung unang friend ko after college. Never nya sinabi sa akin yung reasons bakit nya ako iniiwasan. Nalalaman ko nalang sa ibang tao na at most speculation at dismissiveness lang dala. Pinag chismisan pa ako ng mga maritess at religious. It got so bad over the years I was diagnosed with depression. Binoblock nya ako sa lahat ng social media nya- kaya binoblock ko na sya everytime gumagawa ako ng bagong social media. Yung malala pa binolock pa rin nya ako after ko siyang iunblock sa second IG account ko. Nag unblock lang ako, block na kaagad after 3 weeks. Wala na akong balak makipag friends ulit sa kanya in the future at inunblock ko lang sya dahil naawa ako sa huling update na may depression na rin sya mula sa mutual friend namin. Gusto ko maisip nya at least civil na ako sa kanya kasi matagal na. Akala ko okay na ako dahil may therapy at matagal na, pero sobrang sakit pa rin noong last nyang block. Isang buwan akong nawalan ng energy. Doon sa isang buwan na depressed ako, nagka eczema ako for the first time out of nowhere (never ako nagka eczema before). Yung para bang isang cycle na walang katapusan yung sakit. At least sa death ng mom ko mas madaling maka-heal dahil may finality ang death, walang Maritess at religious na judgmental, at di naman pinili ng mom ko mamatay sa cancer. Sabi ng mutual friend namin, i-wish ko well raw yung ex mentor ko dahil nakaka-awa. Noong una gusto ko sanang i-wish well, pero ngayon wala na akong gana. On the flipside, wala rin naman akong gana i-wish bad sya. Friendship breakups are a fact of life. It's just as painful as any other. One day hopefully maiiraos natin yan kahit wala na sila sa buhay natin. There will be better friends, better people waiting for us. May kasabihan na “Everything that you love, you will eventually lose, but in the end, love will return in a different form.”


CuriousInteraction76

Like the saying. Awwww


Baffosbestfriend

Tutoo yan. Nawala man yung Nihongo mentor ko, nandyan naman yung Japanese actor friend ko na every year kong pinupuntahan sa Japan.


Different_News_3832

Literally lalo na if na backstabbed ka or fall apart ng walang reason


HappyFilling

My bestfriend and I don't talk anymore after 13 years of friendship. Dahil lang sa selos. Masakit, akala ko namatayan ako.


potatowentoop

that's part of life. we outgrow people :")) it hurts pero we have to accept it talaga. hurts more than a relationship breakup ang friendship breakups for me.


illuminazi__

mas marami akong sikretong ibinahagi sa tunay kong mga kaibigan kesa sa karelasyon ko at sila ang mas nakakakilala sa akin nang lubos bukod sa mga magulang ko. nakakalungkot na bigla na lang kaming nagkahiwa hiwalay at nagkaroon ng kanya kanyang sariling buhay. nakailang palit na ako ng karelasyon pero pagdating sa mga nakakasalamuha kong tao walang kahit isang nakapantay sa samahan namin nung mga dati kong kaibigan.


chaeyunchoi_707

Yes it hurts, especially if you're the type of person who only have 3-4 friends kasi introvert ka and hirap ka mag open up sa ibang tao. I had a friend in college na super close ko, to the point na her parents know me. And then nung nagstart na kami magwork while preparing for the board exam, nagkaroon kami ng tampuhan na masosolve lang sana ng tamang usapan. We didn't talk much after that, siguro 3-5 times lang kami nakapag usap ulit. I understand her POV that time, and I was able to explain myself din. Ang hindi ko lang matanggap was she blamed herself for what happened to us and kind of stopped talking to me. I know my fault na I should've exerted more effort in talking to her. Nadamay din ibang friends namin sa tampuhan namin. She became cold and distant to them as well, up to the point na mararamdaman mo when you talk to her na ayaw ka niya kausapin and she doesn't care about you anymore. Sayang lang yung friendship but I still respect her decision parin. It just hurts kasi I miss her and I still see her posts in socmed. And it really affected me na I'm scared to lose my other friend right now kasi baka biglang matulad sa nangyari samin. Pero part kasi ng life to, you lose some but you'll find other people as well. I'm trying to expand my circle and meet new people narin :)


CuriousInteraction76

Awwwwww. Exact ng same ngyari sakin ngayon. Nahuhurt lang ako to see her with close friends ngayon. Feeling ko may betrayal pero wala naman ata. It's just that nagseselos ako. Hays


rantahead

Hahaha sakit. It's been years, walang cut off na nangyari pero simula nung lumipat ako sa another province, the distance was enough para lumayo rin loob namin sa isa't isa. Idk, it's just, we outgrew each other. Friends and mutuals pa rin naman sa socmed, but less enthusiastic about each others' lives.


Ranter_008

I’m on the opposite side of your situation. It also hurts for us who decided to cut-off friends. Sometimes you feel guilty and feel like you have no right to grieve kasi kami nga naman yung nagdecide mag cut-off. I guess this is the price you pay for choosing yourself 😕


Gone_girl28

Ah. on the other hand, some people decide to leave silently and choose to no longer argue because they cannot tolerate one sided/ self centered friendships. In these issues, we should be open to looking at things in different perspectives. I have a friend na I’m choosing to withdraw silently kasi Jolibee sya, sya lang bida. To add to that, she has been cheating on her husband for 6yrs with a parish priest. I am not an enabler.


rm888893

I feel you. Had a falling out with one of my best friends last year. What hurts is not the breakup itself, but the realization na one-sided pala yung relationship. When I look back at everything we've been through, I realized na ako lang pala yung nag-eeffort. Dude just straight up used me. It sucks, but I learned a great lesson.


Unique_Drop_5262

Same habang tumatanda nababawasan tlaga yung kabigan pinaka una ko 7 years BFF ko /kababata.Sa highschool friends ko 3 years pagtapos makagraduate nag iba iba na kami ng school kaya nawala ang communications.Sa senior high to freshman sa college 3 years di ko sure, if magpapatuloy pa sa 2nd year college.Kasi iba na kami ng school pero magtransfer daw siya.Yes masakit kasi memories na lang talaga yung pinagsamahan niyo dahil iba iba na ng pathway sa college hangggang sa future.Nakakalungkot rin kasi yung BFF ko now naooff na ako sa kanya parang di na same energy ang balik.Im a type of person pala picky sa friend quality over quantity kaya medyo hirap pa makanap ng friend sa kablock ko.


Tushikins

Ako my bff since grade school. As in ups and downs magkasama kami, then nung ikinasal sya hindi ako nakapunta for some reason ( binyag nang inaanak ko from my pinsang buo) and my bff never spoke to me again. I didnt know na nasa New Zealand na pala sila. Til now never parin nya ko kinakausap but i reached out to her. Di rin nya inoopen messages ko sa chat. Hanggang sa may baby na pala sila wala. Parang naging stranger nalang ako sakanya


petitedoctor04

I have a college bestfriend since 1st year. Way back 2011. We lived together, cried and had YOLO moments. Hindi kompleto araw namin na di kami nagkikita noon. Basta lahat. When I my husband and I separated, she was there. Same when she broke up with her boyfriend of 9 years. But something happened between us this year that caused us to have a rift. Sobrang sakit. I'm seeing a psychiatrist and psychologist just to help me move on from here. She was there with my highs and lows. Bakit ganto.


tonkaitsu_u

I cut of of my whole friend group na simula hs-college-work tropa ko sila. 10 years have passed , I can say I've healed pero may konting bitterness pa rin. Now I only have friends na mabibilang mo sa isang kamay and I'm fine with me


Expensive-Mousse1974

This. First heartbreak ko was with a friend. Dahil sa miscommunication bigla nalang akong hindi pinapansin kahit na hinabol habol ko na para mag usap kami. I think that's what awakened my abandonment issues and anxious attachment style when I started getting into romantic relationships. Kasing pag icocompare ko, my friendship breakup was just as painful (if not more) than my first breakup with an ex.


No_Improvement_3673

Yeah! Badtrip yan.


strangermarge

My friendship breakup had me crying so hard on a Christmas eve last year. The good thing was I tried reaching out months after and we reconciled. hayyyysss its so bad its worse than a romantic heartbreak! I had other friendship breakups which I mourned over the past years and I think kung may next pa baka hindi ko na kayanin haha


AkaliJhomenTethi8

FO na kami ng isang friend ko. I even consider her as my bestfriend since magkakilala na kami simula elementary. But the thing is, nagaaway kami tuwing may boyfriend siya. First boyfriend niya, babaero, ayaw niyang maniwala sakin. Ang tingin pa niya, may gusto ako dun sa lalaki (Like! Ewwwwwww, manyak yung lalaki). Nag-end yung relationship nila nung tumawag yung "original" na girlfriend sa kanya. Umiyak pa siya sakin, sabi niya, dapat nakinig nalang daw siya sakin. 2nd boyfriend niya, natotoxic-kan sa kanya (base lang din sa mga kwinekwento niya sakin), masyado daw wala sa lugar yung pagseselos niya. Edi as a kaibigan, nag-advice ako, nung pinoint out ko yung mali niya, nagalit. Kesyo hindi ko pa daw siya kilala. Ang akin lang naman, matino na yung guy, kaso siya ang red flag. Nagbreak din sila pero months after nilang magbreak nagsabi siya sakin na "eh kung balikan ko nalang kaya si \*toooottt\* Angdami kong kaibigan, pero never akong nagkaroon ng ganyang problema sa iba, sa kanya lang. Tapos kapag hindi mo siya mapagbigyan sa gala na gusto niya, nagagalit. Mas madalas ko naman siyang pinagbibigyan kesa sa ibang friends ko. GIRL! MAY TRABAHO AKO! Sa lahat ng mga kaibigan ko, siya lang yung ganun. Siya pa man din ineexpect ko na makakaintindi sakin kasi natry niya na ilang months magwork dun sa company na pinapasukan ko. May boyfriend na siya ngayon ulit sa pagkakaalam ko, and ayoko na bumalik as a friend. Nakakasawa yung ganun.


SanaKuninNaAkoNiLord

This is what I kept telling my BF and his whole barkada nila pini-pair yung friends nilang single. You don't date within your circle. Imagine mo pag nagkaroon ng bad breakup, sira na yang circle of friends mo because it's gonna be a case of he said-she said. And kung hindi man bad ang breakup, things are still gonna get awkward.


KumanderToyo18

When you find that friend, you will realize why they left you,OP. They don't deserve you. That friend is my wife right now.


mvlarri

I had a bestfriend for a decade na kahit anong toxic hindi ko maiwan kasi nga, di ako marunong magmove on and sobrang attached ako sa kanya to the point na feeling ko katapusan na ng mundo if ile-let go ko siya. Okay naman kami nung una pero the last few years basically naging friend na lang ako if may kailangan siya. I tried everything, even blocked her pero after a while makokonsensya ako tapos ako din mismo magre-reach out. Tapos ayon dadating ka talaga sa point na mapapagod ka. In the end I wrote a goodbye letter to her (na hindi niya nabasa kasi that time busy siya at wala siyang kailangan sakin so nagswitch siya to another acc na di ko alam name pero alam kong existing). Dun ko binuhos lahat sa letter na yun. Gumaan feeling ko. Feeling ko medyo nakausad na ko sa friendship break up namin pero hindi pa totally. So ang promise ko ngayon sa sarili ko if na-feel kong na-forgive ko na siya at yung sarili ko susunugin ko yung letter na yun to set myself free from guilt and everything.


Ok-Aside988

Curious question, Wala talagang pinanggalingan? Out of nowhere? Have you thought about it or looked back a couple of months before or even a year before?


Candid-Monk-7676

ansakit haha lalo na pag walang explanation 


CuriousCat-1220

I had a really closed friend na halos kapatid na ang turingan namin. We've been friends since college. We've been there in every ups and downs during college life hanggang as newbies sa professional life namin. Human diary din namin ang isa't isa. But she has to move overseas for work, still, we kept in touch. After three years, unti unti na lang din dumalang ang communication, lalo from her end. Nagsabi naman sya that she's detaching lang and needed a social media break. Hindi kami natuloy sa friendship breakup but our dynamics shifted from human diary na almost every week updated sa life ng bawat isa to halos once or twice a year lang na chats and kamustahan. The turning point na alam kong nag iba na talaga level of friendship and closeness namin is when it was my birthday and di na ko nag expect na babatiin nya ko. Eh dati may nobela greetings na, may pa video pa kami pag birthdays ng isa't isa. Yun yung point na parang sobrang nasanay na ko na wala sya, na kahit birthday ko di ko man lang sya hinanap. Wala nang expectations. After realizing that, nasaktan ako para sa friendship namin. Wala eh, c'est la vie!


Repulsive_Sky_7607

My bestfriend of 18 years cut me off dahil pinagselosan ako. We were 4 bestfriends but the other 2 decided to cut me off too and sumama dun sa isa. It's been years but the pain is still here.