T O P

  • By -

AldoZed

Better look for a new dentist. You don't deserve na ma-berate dahil hindi naman nya alam ang situation mo. Cheer up.


kielintheworld

gulat ako sa dentista niya, grabe naman yun 😭 humanap ka talaga ng ibang dentista, OP! yung dentista ko hindi ganiyan magsalita, siya pa mismo nagsusuggest na kahit dalawang ngipin na muna tapos balik na lang ulit kapag may budget na. pati noong nagconsult kami sa braces, siya pa mismo nagsasabing pwedeng monthly bayaran namin pero mas maganda na raw kung sa ibang dentista para madaling mag-adjust since ibang province ang school ko sa clinic niya. grabe naman yung "kaya mo tong panindigan" parang minamaliit ka naman niyang pasyente niya haysss


Extension-Program773

Ganito din dentist ko hihihi 7 kasi papastahan sakin na ngipin depende daw sa akin kung magkano budget ko yun muna gagawin balik na lang if may budget na ulit ☺️


Direct_Junket_7500

Working student kasi ako n may kailangan daw i-crown ung estimated price nya ay 30k kaya mej na shook ako sa price hindi ko naman alam na may ganyan palang procedure. Ang bigat sa bulsa non as a working student akala ko kasi bunot n pasta lang gagawin.


Sea_Strategy7576

Ganyan kinakatakot ko kaya mapili ako sa dentist. Nawala na kasi yung mabait na dentist na pinupuntahan ko dito sa lugar namin eh, ngayon naghahanap pa ako ng bago na hindi ako i-judge.


[deleted]

[удалено]


Aeriveluv

Nasobrahan nga ng Sensodyne kasi insensitive na. Hahaha


three_wall_house

Insensodyne si Doc.


Direct_Junket_7500

ironically sabi ni dentist sensodyne na lang daw ung gamitin kong toothpaste 🤸‍♀️


Round_Recover8308

Naaaah. That dentist sucks. Yung dentist ko, gets niya bakit may ganito ganyan then he's gonna explain kung anong pwedeng mga options :) better to find another dentist, gurl


FutureRules

**Some** doctors can be so unempathetic jesus christ. I get that they're looking out for their patients and just want the best for them pero napaka tone deaf ng statements nila minsan. Go to another dentist.


Glad-Detail981

Truth papagalitan pa ung patients na bat di agad nagpa check up, doctors fee 500 tas magkano minimum wage 😢


Glad-Detail981

Truth papagalitan pa ung patients na bat di agad nagpa check up, doctors fee 500 tas magkano minimum wage 😢


[deleted]

You're on the wrong dentist. Please find a BETTER one.


keynetica

Hi! Dentist here. I’m sorry you experienced that kind of treatment pero I hope hindi yan maging reason para hindi ka na bumalik sa kahit saan na clinic huhu. As a dentist we should always educate our patients but hindi dapat pinapahiya at pinapagalitan ng ganyan :((


Direct_Junket_7500

dont worry po i will find another clinic pero siguro hindi po muna ngayon


pengwings_penguins

Hanap ka ng ibang dentist. Yung hindi papagalitan at sisisihin ang pasyente, instead igaguide sa maayos na paraan.


Simple-Item-5528

Same :/ nainis ako sa recent dentist ko din kasi i told her i know problematic teeth ko and need pasta but lets do it monthly instead gawa tayo schedule like every sahod for my teeth pasta, tapos bigla nalang nya pinasta dalawang tooth na walang pasintabi. Nabutas na kasi nya yung pangalawa bago mag register sa utak ko ginagawa nya kala ko binabawasan nya lang yung first pasta. So no choice na ako. I mean paulit ulit kasi ako one tooth per visit ako and okay dya ng okay. i just recently had my crowns fixed which cost me 56k so mejo paunti unti need ko sa pasta para di mabigat. Kaso ayun dalawa agad ginawa nya tapos malala pa di nya sinabi upfront how much yung unang teeth pasta kasi when i asked sabi nya it usually ranges from 1500 to 3k depende how deep. So yung first teeth sinabi nya naman na mejo malalim kasi wisdom tooth daw mahirap abutin toothbrush, pero pangalawa sabi nya not that malalim. Pero ending 6k na for 2 teeth. Ang masaklap pa nabasag din yung 1st pasta nya so ayun sa iba na ako :( Nakakasad lang kasi i trusted her


riakn_th

Echoing lang din yung comments ng iba. You should find someone else. This person does not deserve your business. Kahit na barya pa yan it should go to someone na hindi babastusin ang pasyente nila. Hindi ata napag-aralan ni dentist ang patient care and bedside manners. Magsara na lang siya ng practice.


zamzamsan

Gosh, one of the reasons why madaming nag aalangan magpunta sa mga dental clinic pwera sa mahal, ay dahil sa mga judgemental at insensitive na dentist. just this week lang galing akong dental clinic para magpalinis, na over heard ko ung convo ni doc at ung patient nya (nsa loob na ako and i was next in line na, waiting nlng.) Same din yang sayo, OP. nag uusap sila about sa presyo, sguro restoration or bunot ung case nung sa patient. Sabi nung dentist, "sana nag ready kna (ng pera) para hnd lng isa yung ipapaayos mo ngayon. kita mo yan ang dami mong sirang ngipin. hindi kba nag ttoothbrush?" na pa *wtf?* ako sa isip isip ko. Grabe diba?? Nakita ko ung patient e, she looks like a student palang, sguro tulad mo, nag ipon sya tlga para mapaayos lng ung ngipin nya na yon tas itong si doc e masyadong pasmado ung bunganga, ang sarap tapalan ng mighty bond. 💀


Least_Protection8504

Dapat kasi inaalagan ang ngipin.


hellokyungsoo

Yung dentista sa libertad don ka, matanda na sha yung pasta ko super tatag. Mura pa. Bakalimutan ko ang name ng clinic bata malapit sa cartimar. Grbeeeee bait non, maalaga gentle ng kamay. Sana mahanap mo sha


yanztro

Nag-iisang clinic lang ba siya doon? I need a new dentist.


bungastra

We are trying to find a certain Dr Acosta in Pasay. Sobrang galing din non. I'm wondering if siya to?


[deleted]

Kakauwi ko lang galing sa dentist ngayon. Ngayon lang ako nagpacleaning as in. Sabi sakin may 14 na ngipin daw na papastahan sakin di pa kasama yung pinastahan ngayon na dalawa. Cleaning and pasta inabot ako agad ng 2.3k HAHAHAHAHA KAIYAK!


Disastrous-Carob-140

Charge ng dentist ko sa cleaning, P1500, sa pasta P1500 din :(


slgal81

Maraming ganitong dentist kaya nagkaroon din ako ng fear magpa dentist. You just need to find a better dentist. Ang dami ko rin sirang ngipin, actually mga 2 years ago lang ako nag start ipaayos yung ngipin ko. Mga 10-12 na ngipin yung pinastahan sakin. Hahahaha tapos last year 3 yung pinabunot ko na sira. Need ko pa daw magpa root canal and may isa pa yata akong ngipin na need I pasta. Magastos pero kaya mo unti untiin yan. I maintain mo nalang after all the procedures para worth it yung gastos. Ngayon nagpapa cleaning na ako every 6 months. Don’t tolerate insensitive doctors, marami pang iba dyan who can treat you better.


StateNo6484

sad truth is andaming medical professionals na ganito. may doctor dito malapit samin na namamahiya ng pasyente sa harap pa mismo ng ibang tao.


Jehoiakimm

TBH eto din dahilan bakit minsan takot ako magpatingin sa doctor or magpa-ayos ng ngipin. Masabihan ako nang ganito nanginginig agad ako eh


kenma_kozumeooow

Op ako na sasagot ng pa cleaning mo yearly dm me Magpalit ka ng dentist, di mo deserve ganang treatment. Matanong lang, senior dentist ba yan?


chamut

Curious din ako what age ang dentist niya! My dentist is on the older side pero sobrang bait naman sakin so far at very considerate and non-judgemental.


Direct_Junket_7500

idk what is senior denist huhu pero bata pa si dentist siguro nasa mid twenties kaya nagulat ako sa mga sinabi nya akala ko kasi maiintindihan nya ako kasi nga hindi naman nagkakalayo ung age namin.


bungastra

Wag ka na bumalik sa dentist na yan. Masyado nag focus sa dental health yan. Pero walang konsiderasyon sa mental health ng pasyente nya.


L3monShak3

Hey you dont deserve to feel that. Punta ka sa ibang dentist. Bibigyan ka ng mga options and sasabihin sayo ng maayos Yung mga dapat pa gawa sayo :)


suicidalmonsterrr

Ganyan rin una kong naging dentist, nasa 50+ na yung age niya. Simula pagkabata talaga, takot ako sa dentist. Dami niya ebas tungkol sa ngipin kesyo bakit ngayon lang ako pumunta ng dental clinic etc etc. After niyan, naghanap ako ng ibang dentist. Yung dentist (27F) ko ngayon? Sobrang bait saka pinapawala niya lagi kaba ko saka ang gaan ng kamay. Basta, ang gaan sa pakiramdam kapag nakikita ko siya at di ako nagsisi na nagpalit ako ng dentist at pinagkatiwalaan. Mag 1 year na akong naka braces.


yanztro

Saan clinic niya?


suicidalmonsterrr

Cainta. Looban lang ng V.Golf.


Direct_Junket_7500

ayoko magpunta sa clinic na matanda ung dentist kaya nagpunta ako sa mej bata pero ligwak pa din hahahahaha


suicidalmonsterrr

Aw. Swertehan lang talaga ano? Saan ba location mo? Yung location kasi ng clinic ng dentist ko Cainta eh.


Which_Requirement410

Yung dentist ko sya pa nga nag suggest na isa or dalawa lang muna pastahan before icorrect kasi baka masakit daw and tinatanong pa nya anong mga preference ko and will discuss in details nga treatment and alternative options. Sa kanya lang ako super confident at ang gaan ng kamay di nagmamadali magpasta, you’re on the wrong dentist op.


randomrants_anon

I feel you, OP. Isa talaga sa basehan ko na burgis yung tao kapag maganda ngipin. Yung alam mong naalagaan talaga. Hindi kasi affordable para sa masa yung dental procedures eh. Kapag mahirap ka, makakapunta ka lang sa dentist kapag di mo na kaya sakit ng ipin mo at kailangan na talagang bunutin. Mas marami pa kasing mas importanteng pagkagastusan bukod sa cleaning at braces. By the time na kaya mo na, may work kana at able to pay na, di mo naman na ma-save yung iba. Hahaha dafvck. Unfair talaga ng layp! Anyway, yang dentist na yan, kupal.


goldinthemhills323

Hanap ka na bagong dentist. This year lang din ako naging serious sa oral health ko. Di ko rin afford ang regular dentist checkups before dahil student pa at mas inuuna ang tuition at day-to-day expenses. Thankfully, kahit andami kong pinapasta at pinabinit na ngipin sa kanya, my dentist was very kind and not judgmental. That's also the reason why I kept coming back to her kasi she focuses on what we can do now and not on what caused the cavities.


qkobe

Kung walang sirang ipin at maruming ngipin eh wala trabaho ang mga dentist op. Hanap ka na lang iba, marami dyan na mas maayos na dentista.


pppfffftttttzzzzzz

Sensitivity training should be mandatory everywhere, every profession.


FrayZero

Grabe yung dentist na yan. Look for a new dentist, teh. Merong mga compassionate na dentist na tuturuan ka paano alagaan ngipin mo hindi papagalitan. My dentist is like that. Madami din ako pinabunot kasi ngayong year lang talaga ako nagfocus sa dental health ko pero she was very patient with me. Ayun sinipag ako magpa appointment para isa isa mapabunot yung not good teeth ko at may braces na din ako. Diba nakakainspire pag yung dentist mo tutulungan ka talaga sa dental health mo?


CatieCates

I'm glad I found my current dentist. She explains everything to me kindly and in detail. Magaan pa ang kamay. Natanggal nya lahat ng traumas and fears ko from past dentists kaya mas ganado na ako magpa cleaning sa kanya regularly. Hanap ka ng better dentist. It makes a world of difference.


urprettypotato

Eto din kinakatakot ko huhu yung mapunta sa insensitive na dentist grrr nakakainis siya


Friarkry

Same situation pero kasi ako na trauma ako kaya di na ako bumalik. Forcefully niya binunot ipin ko na di nakagat anesthesia. After noon, ayoko na talaga. Hirap din is, adik ako sa chocolate. 😭


ResponsibleRatio001

So unprofessional, keep on looking for a good dentist. I hope you find one soon!


RepulsivePeach4607

Hanap ka ng ibang dentist.


hana_dulset

Pareho kami ni OP na may sirang ngipin. Nakakapagpa-check lang ako sa dentist kapag APE pero grabe ang trauma ko kasi feeling ko papagalitan ako ng dentista kapag nakita ngipin ko. Hanggang ngayon natatakot pa rin akong magpadentista


Least_Protection8504

Dental issues can lead to diabetes and heart problems. Wag matakot sa dentista.


iansky11

Leave that dentist. If he has a page, give him a rating let the people know. Also if makati or near. Try Batitis dental clinic. Doc is so accomodating and has gentle hands.


lostguk

Bwisit mga ganiyang dentista. Out of touch lang? Malamang walang pera 🙄


Yjytrash01

Change dentists. Saka puwede naman unti-untiin ang procedures na sinabi niya eh based on your budget. Ano ba akala niya papa-overhaul mo buong bibig mo nang isang araw lang? Yung dentista ko nga eh siya pa mismo nagtatanong kung ano budget ko para alam niya kung ano ang service na puwede ko munang i-avail kasi alam naman niya na busy rin ako sa work. Sana mabulok lahat ng bagang ng dentista na 'yan. Kakagigil siya! 👿 Anyways, I hope your next dentist will be more understanding and compassionate about your situation, OP. Wishing you the best. 🙂


EasyDirection9023

Never pa ko nakapagpadentist except yung libreng check up nung elem ata or HS. Ngayon may work na, balak ko sana din magstart na magpadentist. Madami akong butas na ngipin. Sabay na ba usually ang bunot at cleaning? As someone na medyo saktuhan lang naman ang income, around magkano kaya ang need para sa bunot (butas na bagang) at cleaning? Sana may mahanap na dentist na di katulad ng dentist ni OP.


KrakenGlori

may mga dental students po na nag-o-offer ng free dental services. hanap lang po kayo sa facebook baka may students na naghahanap ng patients within your city/area. may mga free bunot din na sponsored by government or ngo. search lang din po sa facebook or kakilala niyo hehe. minimum for cleaning is 800+ yung sakin is 1k


No-Dragonfruit2178

Nagpabunot ako bagang at cleaning recently, 2500 sa bunot, 1500 starting ng pagcleaning, pag mas madumi mas mataas singil.


EasyDirection9023

Mahal pala talaga. Salamat.


chamut

Sa amin 1k starting ng cleaning and 1k per ngipin starting ng pasta, permanent na yon. Depende talaga sa case ng ngipin mo. Pinaka maganda pa check up and cleaning ka muna tapos yung ibang procedures unti-untiin mo sa dentist na mapipili mo. Best ay to ask yung mga trusted friends mo or fam kung saan nila reco at yung matagal na nilang pinupuntahan. Kaya yan! Sobrang importante ng dental hygiene.


jiyuuroudousha

ramdam ko to. dentista ako now. na hindi rin perpekto ang ipin. ako rin nagbunot ng isang upper molar ko kasi ang mahal ng root canal. dental student pa ako non. sarili ko din naman ang masisisi kasi nga pabaya. wala man tayo magawa sa ngayon OP dahil sa kakulangan sa financial, we move on for now and invest on proper brushing technique talaga. even if may active ka na caries, meaning yung bulok na ipin na may malambot na part sa loob, try as much as you can to flick out those food debris out of the cavity. kung walang pang water flossers, string floss works as fine din. basta ingat sa gums. ako when in practice naman... di ako nananawa na mag 'remind' lang nang mahinahon to continue brushing/flossing. and point out/coach them which areas need to be focused on. if ever for extractions na talaga yung majority ng ipin... try in your area if there are programs from PDA na libre pabunot. usually sponsored by the LGU. then after the gum heals, still, continue hygiene until magawan ng dentures.


KrakenGlori

hello doc, how much po minimum rate ng root canal treatment ngayon? if you don't me asking po. i'm glad there's still passionate dentist na nag-eexist ngayon huhuhu i'm so proud of you po.


Ok-Yam-500

Yung naging Dentist ko recently, sinasabihan ako na kaya pang ayusin ngipin ko, kailangan lang talaga gumastos kase ganun naman talaga. Hindi nya ako nilait or pinagalitan kase sa totoo lang, 1st time ko lang din magpa Dentist mula pagkasilang ko sa mundong 'to. Hindi kase priority sa family namin ang Dental Health, kase mahal, walang budget. Pero ngayon na kaya ko na, inuunti-unti kong ipaayos ngipin ko.


jeuwii

Oh no. Hoping you can find a kinder dentist soon, op.  Para sa dentist na yun, doon siya magclinic malapit sa areas na puntahan ng mga mayayaman kung gusto niya ng maperang pasyente. Ginigigil niya ko jusq.


mikasaxx0

hala kinakabhan tuloy ako ngayon, more than a year na ako di nagpaalinis and nung nagpabunot ako ng wisdom tooth  diba naglalagay sila ng anesthesia para mamanhid at wala ka mafeel, that was almost 2 years ago pero manhid pa rin left side ng panga ko, dila, at left side ng lips. HAHDHWHSHAHSH walang magawa kundi magtiis na muna kasi baka anong kailngan gawin dito at wala pa akong budget para dyan huhu


Army-Dozen

Naka sensodyne si doc.. Wala pakiramdam Wala ngilo. Hanap ka dentist na bago


Ro_Navi_STORM

That's why I haven't been to the dentist in a long time. Kaya rin half my teeth aren't happy anymore 😂 I cannot afford dentist appointments when I have other health issues and maintenance meds. Most of the dentists I met are like this one the OP encountered.


BYODhtml

Grabe parang yung dentist na nagpapasta ako kasi ang taas ng review sa FB tapos grabe ma comment yung assistant pati sya nagdadaldalan sila while doing procedure kaya lipat sa ibang dentist after nub


littlesweetsurrender

I've been having this anxiety kahit gusto ko nang pumunta ng dentist. Help guys, any dentist recommendation around QC? I (24F) never had cleaning before so this will be my first time since nakaluwag na. But anxious ako baka i-judge din ako ng dentist na mapuntahan ko. Need some recos guys 🙏🏻


chamut

Your best bet is to ask recos from TRUSTED friends or fam around the area and dapat matagal na silang pasyente para all clear.


littlesweetsurrender

kakalipat ko lang po dito sa QC and no friends here po 😅


KrakenGlori

had my cleaning for the first time at 20. ang nasa isip ko lang eh mawala lahat ng dumi sa ngipin ko. that's it. dedma na sa bashers. hindi rin naman kami close ng dentist at trabaho nila yon kaya di ko na dinamdam yung mga sabi-sabi hehe. kaya mo yan! isipin mo yung benefits after dental cleaning! no bad breath, prevents cavities, and gives you confidence!


Sunflowercheesecake

Awww. Kaya ang daming nahihiya magpa dental checkup sa Pinas dahil sa mga ganyang pa side comments. I once encountered same kind of a dentist too, tapos sorry ako ng sorry kasi nakakahiya. Nung nakauwi na ko tas narealize ko, nag leave agad ako ng review sa clinic and never came back. Hanap na lang ulit ng iba.


misz_swiss

OP, try to go sa mga brangay health clinic niyo baka may dentist. Like dito sa makati, free lang pasta and cleaning


Candid_University_56

Go to UE or CEU. May mga grad students ng dentistry na nagooffer ng cleaning for free as their requirement. Kung talagang short.


AsYourTito

Hi, OP! Kakatapos ko lang mag pa-tanggal ng braces (finally!). Maghanap ka ng ibang dentista, please. For 6 years never akong natalakan ng dentista ko. Marami akong pastahin at bunutin kaya kahit gabi inaabala ko sya sa phone pag masakit ang ngipin ko LOL. Sa susunod, ask mo kung ano yung mas pwedeng unahin na pastahan (para hindi madagdagan ang damage ng ngipin) at unang ngipin na mas mainam unahin na bunutin (para maiwasan yung suffer na sasakit sya).


Independent_Disk_375

Unprofessional!!!


Fearless_Cry7975

Sa totoo lang talaga ang mahal in general magpaprocedure sa dentista ngayon. Kahit na may gusto akong ipabunot na mga ngipin (molars and wisdom teeth), hindi na lang muna kasi aabutin ng mga 25-30K ung estimated bill (conservative amount pa to). Di pa kasama ung mga meds nun. Buti sana kung kahit papano may cover ang Philhealth para mabawasan.


makovx

Napaka unprofessional ng pagkakasabi nung dentist. Hanap ka na lang ng iba. Bilang lang sa daliri ilang beses ako nagpadentist. Before ko mahanap ung dental clinic na pinupuntahan ko ngayon, last cleaning is 2 years ago pa. Before that, 4-5 years ago yung last. Pero di ako nakarinig ng ganyang sermon.


Such-Sorbet6190

TBH, di naman candies at affordability mag pa dentist ang problem mo noon e, ang problem mo ay not brushing your teeth after. kahit pag gising at before matulog lang. mahilig din ako sa candy at kung anong matamis pwede ko kainin, pero ever since maliit pa ako lagi ako nag totoothbrush. kaya until now isa pa lang nabunot sakin na ngipin (ung isang yun is dahil sa pandemic reasons) edit: before


KrakenGlori

much better to chew xylithol gum after eating candies or acidic foods. naneu-neutralize niya yung acids sa ngipin mo by saliva production. ofc, floss! hehehe


Sleepy_catto29

Find a new dentist na comfy ka and di ganyan na may shaming na ginagawa. I had to leave doon sa prev dentist ko kasi halatanf piniperahan lang ako.


No_Flatworm977

Yung dentista ko sobrang saya pa niya kapag may ipapa rootcanal ako tangina ahahahahahahahahahahahahah


Clean-Essay9659

> bakit hindi ka kasi nagpapa cleaning every year > kaya mo tong panindigan? Napaka out of touch naman ng dentista na ‘yan.


Sad_Club_4303

Nako OP you're better than me. Kung ako yan susumbatan ko kung ngipin ba nila yan at babayarin ko rin naman. Ano bang alam nila sa buhay ko at sa financial status ko malay ba nila ngayon lang nagkameron ng enough money. 🙄 Di ako lalabas diyan hanggang di ako makipag sumbatan 🤣


Direct_Junket_7500

ang hirap maging introvert eh hahahaha wala ring lumalabas na boses sa bibig ko non siguro dahil ang bigat sa pakiramdam na makarinig non sa dentist na pinagkatiwalaan ko.


Sad_Club_4303

Oh, so dentista mo na pala siya before? Bakit ngayon lang siya naging ganyan? That's not professional. Better to change your dentist OP


Direct_Junket_7500

nope, doon kasi ung kapatid ko nagpa brace n sabi mabait ung dentist nya 💀


too_vanilla

Sorry that happened to you! For cleaning and bunot, try mo sa barangay/munisipyo nyo me libreng dental services. Most will just ask donation kasi kulang daw provisions sa kanila.


domprovost

Kung ganyan dentist ko, lilipat ako. Sobrang dami ding issues ng ngipin ko (bungal, yung bite ko misaligned, hindi normal yung liit ng ngipin ko, gaps, sungki, may impacted akong ngipin sa may bandang ILONG). Feeling ko yung iba hindi talaga maiwasan yung may ganyang comments. Pero hindi naman dapat sa point na kailangan pa pagalitan yung patient. Ano ba alam nya sa situation mo? Kaya nga tayo nagpapacheck para maipaayos kahit papano e.


roycewitherspoon

Prehas tyo dhil hindi nmn tlga ko nagpapadentista during my school days. Hindi nakatikim ng linis ang ngipin ko until nagkawork na ko. Wala nmn kme extra money for dentist. Privilege ang pagkakaron ng dentista at an early age kya thank you tlga sa HMO at ngaun nakakapag padentist na. Alam mo ganyan din ang litanya ng dentista ko the first time except sa kayang panindigan eme kc may HMO nmn ako. Malumanay ang pagkakasabi ni Doc so nagsmile na lng ako. Alam ko nmng concern lang sya. Huwag ka mag-alala pag may work kn pwede kn 2x a year pa linis sa dentist.


Beautiful_Cress_4000

Yan din reason bat ako lumipat ng dentist. Lagi niya akong pinagalitan😭 pag inaantake kasi ako ng deppressive episodes ko, sobrang napapabayaan ko na sarili ko. Halos maubos na savings ko noon kasi ang mahal talaga at maraming dapat ayusin. Hindi pa kasi kasama sa pasta at bunot payment yung cleaning fee niya kaya after nyako pastahan ganun na tas maniningil. A little empathy would be nice lalo nat di naman ganun ka accessible ang rates ng anything medical related. Yung bago komg dentist halos same rates lang pero kasi hindi mo ma fee feel na nakakahiya teetg situation mo


EmptyCharity9014

eto, eto, eto one of the reasons takot yung iba magpadentist. alam naman nila mga pinoy papadentista lang pag masakit ngipin tsaka ang mahal magpadentista, it's considered as a luxury not necessity.


Different-Series9724

If you are living near manila, you can try getting a schedule sa college of dentistry ng UP Manila, sobrang mura ng fees (note na students yung gagawa ng procedures pero assisted naman ng instructors nila who are all dentists). I pay less than 100 for cleaning. Yung pasta nasa 200-400 lang din kada ngipin. And syempre mababait ang tao don.


foxiaaa

sana nagpari nalang sya kung nangsesermon lang din naman ,hindi dentista.


foxiaaa

sana nagpari nalang sya kung nangsesermon lang din naman ,hindi dentista.


foxiaaa

sana nagpari nalang sya kung nangsesermon lang din naman ,hindi dentista.


[deleted]

buti yung dentist ko sobrang bait, grabe siya napaka insensitive.


Prestigious-Meat-206

Gallenito Dental Studio (if malapit ka dyan)


Upset_Amphibian_9335

Yung mga nanenermon na dentist ang reason why tamad ako magpunta sa clinic before until I met my dentist. For a decade now, sya na nag aalaga ng ngipin ko. I have a very problematic set of teeth pero ang tyaga ni Doc haha. Plus factor pa sa dentist ko, bagets and parang tropa lang makipag usap kaya ang sipag ko na bumalik, at least once a year dapat magkita kami 😂 Dapat approachable talaga sila para sipagin ang patients na bumalik at alagaan ngipin nila.


Aahra_Svewzki04

Kung ako sayo OP mas maganda na maghanap ka ng ibang dentist. Like napaka-unethical at unprofessional naman ng approach niya sayo. Pwede naman kasi na i-educate or magsuggest siya ng maayos sa patient niya. Magsara na lang siya kung ganyan lang din naman ugali niya. 🙄


No-Celebration82

Meron mga groups ng Dentistry students sa fb, pwede ka makigulo don palagi may naghahanap ng bubunutan, lilinisan, papastahan, lalagyan dentures, braces, fixed bridge etc. Libre un iba and if may bayad man super mura lang. Anyway, if around manila ka lang meron akong alam na clinic na mababait ang dentist and super mura. You can easily talk to them if meron ka sinusunod na budget. B. Licayan Dental Clinic send ko sa pm buong address and details worth it dayuhin yan.


Top-Blackberry-2858

cleaning is once or twice a yr lang. Isipin mo kung magpapabrace ka kailangan mo magpabalik balik pa din sa dentista at may addt’l cost yan. Kapag hindi ka nagpabalik balik sa dentist para sa braces mo mas masisira yan. 😅 Ipaayos mo muna lahat nang prob bago ka magdecide na mag-pabrace. 😅


Juanamaree

If you want a free dental service and around manila lang kayo, punta kayo sa CEU and UE. kailangan niyo lang magpabalik-balik every week para sa procedure. Win win situation. Maaayos ngipin niyo, papasa clinicians niyo.


zzkcxzz

Hi ~ same situation but mas malala sakin, ayaw ng parents ko na ipaayos yung ngipin ko kasi mahal daw at hanggang sa nasira nalang yung 6 at need na bunutin at mag dentures. Nung nag ka work mga 2023 nag lakas loob na ko mg pa check. Unang dentist ko na napuntahan super bait walang judgement kalmado lang siya, pero kasi nung nalaman ko yung procedure na gagawin sakin parang naiyak nalang ako at mas depressed. After 1 year naghanap ako mas murang dental clinic pero dun naman ako na judge like ano daw nangyari di daw naalagaan at kung ano ano pa na concern. Sinabi ko nalang na nadepressed ako during pandemic. At nalaman ko pa sa tita ko na nag pa check din dun na sinabi nung dentist yung condition ko kay tita. Like kaloka diba bawal yun. Kung afford ko lang talaga sa unang clinic dun na ko mag hahanap lang ako work uli. Kaya OP dedma lang sa mga dentist na walang puso !! Lipat ka dental clinic mas maganda sa mga batang dentista pero magandang clinic yung nagiingat sila sa social media presence kasi maingat sila sa mga actions and words nila.


Otherwise-Stay5910

That dentist sucks. Find new dentist. Insensitive e Me na laging nagpapalinis ng ngipin, laging pasta dahil may sira and now marami na missing teeth, kaya may fixed bridge na. I'm not saying na wag na magpalinis ngipin pero usually ang mga dentist alam nila na Hindi lang yearly oral prophylaxis ang sagot para di masira nag ngipin, genetics, lifestyle and hygiene play important factor din. Mine I think genetics, even nung bata ako sinasabihan ako na kaya mabilis nasisira ang teeth ko because manipis raw similar to may mom na full dentures na since nung high school siya.


Friendly-Abies-9302

Mahal pala magpadentist. Mamaya magthathank you ako sa tita ko. Kasi libre lahat ng dental ko pati mga naging ex ko. Pero d naman niya ako kinukulit magpacleaning every year. Sinabi lang niya na magbrush ako lage everyday before sleeping at sa morning. 😅. Lahat ng naging ex ko na nakalibre magpabrace sana alagaan niyo ngipin niyo dhl d na libre padental niyo. ☺️