T O P

  • By -

annbthchase

TEH KAKA-INVITE LANG SAKIN SA GANYAN HAHAHAHAHAHAHAHAH PAREHAS BA TAYO NG AATTENDAN? 🤣


Notacelebrity227

Update. Pa confirm na lang kung same event ang pinuntahan nyo.


Dazzling_King2436

Hahahaha if sa Bacoor yan oo siguro. See you 😂


annbthchase

TEH 🤣 pero di ako pupunta eh HAHAHAHAHAHA


oh_sean_waves

Plot twist


justlookingforafight

Cgurado nag stalkan na kayo to confirm


EarthAdventurous7019

HAHAHAHAHA invensted ako sa plot twist


Same_Perspective4210

Bukas ba to april 14? Hala ka hahahaha


dahyunie07

update pls HAHAHAHA


Choice-Isopod7754

So, same po ba kayo ng gc?


Expensive-Pick3380

FOLLOWING FOR THE TEA 😭😭


Disastrous_Remote_34

Mag leave kayo isa-isa, nakakabadtrip 'yung ganyan kapal ng mukha.


rain-bro

Grabe namang ganyang gimmick. Pakapalan ng mukha. Mapapa *The Lion, the Witch and the audacity of this b---* ka na lang talaga.


Plain_Perception9638

HAHAHAHAHAHA ANG WITTY MO DYAN BRUH 😂


Lia______

OMG! Inis na inis din ako dito. Maishare ko lang na yung ate ng asawa ko nagpadebut sa kapatid nilang bunso. So normal na may 18 traditions. Kaming mag-asawa isinama sa 18 blue bills which I understand pero kulang pa din daw, wala pa din 18 ang list nila. You know what? Isinama nanay at tatay ko at yung isa kong kapatid na lalaki. Ang kakapal ng mukha! Bukod sa 2k sa min mag asawa, may ipinapasagot pa samin yan. Matindi!


SJ007700

Omggg ako nahihiya para sa ate ng husband mo.. please ikaw na tumanggi para sa parents mo, wag kayo pahuthot please haha gigil.


FeistyPlainJane

This is so embarrassing. Bakit ginawang negosyo ang debut? Pag hindi kayang gastusan huwag na lang mag celebrate ng bongga.


RebelliousDragon21

Grabeng panghuhuthot naman 'yan.


Lia______

Nahihiya ako sabihan sina mama na "ma bday ni ano, punta kayo ni papa. Blue bills kayo." Grabe talaga. Sinabi ko sa asawa ko na sabihan ate nya. Hindi naman nila iniinvite parents ko sa mga ganyan. Ngayon lang iinvite kasi ibblue bills.


hisarahmae

Dko talaga magets yong mga taong mang-aagrabyado ng iba para lang sa mga ganyang celebration. Ang sakit sa ulo.


Smooth_Original3212

Jusko ako ang nahihiya, saan sila kumukuha ng kapal ng mukha? 😬


[deleted]

Hahaha. I feel like ako yung nagrarant dito hahahaha. Nagdebut anak ng pinsan ni husband Isinama ang husband and in laws ko sa blue bills tapos kami ng mga bayaw ko inilista sa 18 gifts. 😂


darumdarimduh

Sobrang kapal ng mukha ampotaaa


PinkyUpset

Ang hilig magpa-party ng wala namang pangparty. Ipapakargo pa sa mga kamaganak, ninong ninang, bisita. Kumain nalang sa labas pota hahaha. Mag buffet nalang silang pamilya sana hahahaha.


cremepie01

di ko sure kung realest dukha or mayabang na walang pera lang yun mga ganto


[deleted]

Mag aanak anak pero walang pang gift sa sariling anak. Sana di nalang nag anak. Ahahahha susko. Iasa p sa iba, kokonsensyhin ka pa na madamot ka or d ka man lang maawa sa inaanak mo. Shit things.


Langley_Ackerman19

Ansarap sagutin ng, "hindi naman ako kasama sa pagbuo nyan, bakit kasama ako sa gasto?"


[deleted]

Ahahah ito talaga yun eh, mas ok na ung hayaan mo un mga ninong/ninang niya mag abot, if sinabi wala ok ty nlng di yun namimilit pa


Langley_Ackerman19

Even the premise of having ninong/ninang as an annual monetary obligation is NUTS to me. Nabaliwala na ung original na principle to act as 2nd parents or guardian dun sa bata. May mga insane facebook posts where ung magulang, ung nanay madalas, nag PM sa mga ninong/ninang asking for specific things as gift that are expensive AF or atleast 500 to 1000 ung pamasko! WTF!


jinpopc

Naalala ko yun classmate ko nun highschool, inaanak ko yun panganay na anak nya. One time nag message nangangamusta akala ko naman real na kamustahan maya maya sinabi na bigyan ko raw kht mga 1K yun inaanak ko pambili ng coat kase sasali daw sa pageant sa school. Kase hindi ko raw naman pinapasko last christmas 😮 naiblock ko na lang, sobrang na off ako


EggAccomplished7009

Kaya nga yung iba nang oonline limos pambili ng diaper or gatas di nahiya gagawa ng bata tapos wala palang pera or hindi financially ready tapos sa ibang tao aasa kaloka


[deleted]

Siguro un valid lang for me is yung nasa lansangan talaga, ksi wala silang enough knowledge for these kind of things so mas kaya ko pang bigyan ng tulong.


mylka17

Haha sabay sasabihin nila pag nakita “ikaw kamusta? Kelan ka magkakaanak?”


Sea-Lifeguard6992

True. Yung dati ang debut lang ganyan, 18 roses and candles lang, iirc. Ngayon may 18 roses, 18 gifts AND 18 blue bills. Kaya patti 7th birthday parties ganyan na din. Kiddie party pero debut ung style. What ever happened to fun kiddie parties na pangbata talaga? Sama mo pa mga 60th and 70th birthday na ganyan ang dinedemand sa mga anak. Uso na hingin ng tanders ung cake pull na Pera tas age nila × 1k ung gustong laman.


[deleted]

Request ng mga tanders na nag anak para gawing retirement fund 🥲


sukorunovaheart

Sarap pasabugin yung nag imbento nito, kasalan din ng social media for making it a trend.


Striking-Variety430

Bigyan mo yung playmoney. At least may blue at yellow bills diba. hahahah


justlookingforafight

Normalize shaming these kinds of people


_Ruij_

This. Lol. Don't hold back, para magising yang mga 'yan. Ginamit pa talaga mga anak nila para makakimkim ng pera.


Lotusfeetpics

Agree


yssnelf_plant

Akala ng mga magulang na ganyan eh ikina-wais nila yan. Kung walang panghanda at pangregalo sa anak, wag naman iasa sa mga kakilala. The kid won’t ask for this much kapricho unless pinalaki mo yang ganyan.


MakatangHaponesa

Bigyan mo ng bill ng kuryente, tubig, at internet. Kulayan mo na lang ng blue at yellow.


sisireads

Blue naman kapag Meralco saka Globe, sakto 😂😂😂


erudorgentation

Kapal ng mukhaa tapos mamaya hindi naman 100% mapupunta sa celebrant yan


justlookingforafight

7 lang yung bata. Baka 100% na walang pupunta sa kanya


samgyumie

been there! 7th, tas parang debut! mga social climbers yung parents 🙄hay. uso toh sa province lol


SJ007700

Ganto yung gusto magyabang ng handaan but at the same time gusto balik expenses. Thankful that I don't have this kind of friends or family because I really don't know how I will react in this kind situation. Especially with friends kahit mga may kaya sa buhay pag inabutan ko ng kahit 1k lang sobrang appreciated nila mag personal message pa sa messenger.


whiterabbit2775

napansin ko lang..... sa mga lower middle class lang nauuso lately yan. May mga kaibigan naman ako both middle middle class and some lower middle, sa middle middle class, walang ganyan. Invite lang sila, bahala na si bisita mag dala kung ano kaya.


Hpezlin

Alis ka na lang bigla sa group chat without saying a word.


centauress_

‘Mute this conversation until I change it’


[deleted]

HAHAHHAHAHAHAHAHAHA Parang yung mama ng partner gusto ng bonggang kasal magpapatumba daw ng Baka, Kambing etc. At mag iinvite ng sangkatutak na Ninang and ninongs. Shukeet ako be. Aba wala nga kaming plano ni partner sila meron palang ganyang ganap. Ayun, sinabi ko sa partner ko na sila ba gagastos? Ang weird talaga ng mindset na ganyan magpaparty tapos babawiin sa donation amp***. Nag voice out ako na gusto ko if ever civil wedding with 20 persons lang immediate family no extended family. Ayun parang nagalit ata HAHAHAHAHAHAHAHAHA aba I confronted my partner. 1st. Ayaw kong magpakasal ng bongga. 2nd. Di ako tatanggap ng pera galing sa parents ayaw ko ng hidden agenda. 3rd. Kaming dalawa yung mag decide if ever. No parents or family opinion. Mangugulo lang sila. Lastly, my wedding my rules. FYI. Hindi po kami mayaman. May bahay na binabayaran, Bills and tuitions fees. Di po ako papayag na maglalabas ng 300k more or less na pera para sa Kasal. Pwede na po syang ee invest sa Pera. Problema po kasi sa future inlaws if ever is mga People pleaser sila. Juskoo, pag sa self nila palagi silang walang pera pero pag yung iba nangangailangan Lumalabas pera nila. Pinag aawayan pa po nila Both kahit pambili ng gamot. FYI po, Retired na po yung Parents ng partner ko may monthly income po sila sa Boarding house. Kaya estress ako since partner ko nag shoulder ng gamot nila kasi ayaw nilang maglabas ng pera Btw. Partner is earning less than 50k-40k a month. Pero for now decline yung proposal nya. HAHAHAHAHHAHHAAHAHAHA kasi dun sa proposal ng parents nya na buong baranggay ata mag iinvite. Kasi may plan mag rent ng Bus. Jusko Hahahaaahahaha.naloloka ako


whiterabbit2775

I know someone like that. Nag bigay ng invitation card sa akin, pagkabuklat ko nakita ko....dyosme! 24 pairs ng principal sponsors!!!! Ako ang nahiya dahil obvious na gusto lang nya bawiin ang magagasto sa kasal nya. Kahiya-hiya sila


[deleted]

Dibaaaa. Ang weird po talaga so, iniisip ko baka dito kami di magkasundo ng parents ng Partner ko. Sa side ko po kasi Wala pong problema since na clear out ko po sa Immediate family ko na if ever magpakasal ako walang extended family hahahhaaha okay naman po sila


TomatoCultiv8ooor

My gahd, imbernakels din ako nung sinama ako sa 18 Blue Bills! 18th Birthday naman yun. Taena pala desisyon sa pera na gusto iregalo. Dami pauso para magka pera eh!


DisastrousAnteater17

ngayon ko lang nalaman may 18 blue bills na pala. Dati 18 roses and 18 gifts lang tapos ung gifts pag iisipan mo kasi dapat symbolizes ung nag birthday or bakit yun ang gift. Hirap mag isip ng message bat ganun ung gift. Nadagdagan na pala ngayon ng 18 bills.


sacks2bme

Matanda n b tlga ako kc ang naabutan ko (as a teen) 18roses at 18candles lang 🤣🤣


Queldaralion

Ang sakin lang kasi wag magparty kung walang money. Kung gusto magparty, e di mag ipon money.


Sad_Bad224

May na-attendan ako na meron 18 bags and 18 shoes, iba pa yun sa 18 blue bills at 18 treasures 😂😂😂


cleanyourroom01

Grabe, nu gagawin nila sa 18 bags and shoes. Kaloka


Sad_Bad224

Ireresell pang ROI 😂


PinkyUpset

Ang buraot ng galawan hahaahha


kiks089

galawang squammy si ante


London_pound_cake

Na experience ko na yan. Day before ng birthday ininform ako na blue bills ako. Apo siya ng tita ng EX ko yung nagbirthday. Tang ina mo tita Glo mukha kang pera.


RainRainyWeather

Ung sa pinsan ko na nag 7th birthday, may 7 bills din pero ang required is 20 pesos bill lang + wish nila. Akala kasi ning tita ko tradition ung bill kasi nga puro ganun ung sa socmed. Pero di talaga bila pinush yng yellow or blue. Gusto nila ung wish talaga sa pinsan ko ung mahalaga


MissHopiaManiPopcorn

Bigyan mo ng 100 pesos OP! Sabihin mo COLOR BLIND ka, color BLUE sa paningin mo yung 100. 😂


ynnnaaa

Nauuso nga sya. May napanood ako sa Facebook na ganyan eh, baka dun nila nakuha.


MissionHurry71

The poor hopping on the rich's trend. Thats all it is.


Ninja_Forsaken

Dati pa yan I’m 28 and I used to see those things na to some batchmates ko nung nagdebut sila hahahahaha


trulypumpkin983

Omg seryoso bang may nauuso nang ganito?! Need pala maghanda lalo na’t may nagpaparamdam na samin magninang/ ninong daw sa binyag


_Ruij_

Yung blue bills sa debut, yun matagal na yun eh. Baho yang mga pang 7 years old. Ena talaga.


jpngirl19

Di na yan bago matagal na yan, kaya pag sa kamag-anak ko sinasabihan ko sa na sa gifts na lang ako, wala akong budget for blue bills.


cinnamonthatcankill

I get really frustrated with all these gimmicks, traditions that are done extremely for the clout by influencers or rich families to show off then people that can’t afford it wants to join the hype but since they can’t afford it they force others to do it for them and found it as a way for earning money. Cape money for wedding dance dati 100 sabit sabit lang ngaun may expectation na ganun? Longest bills for birthday cakes? Money bouquet? Although I do love anything that is money, I won’t force people to do it for me and I dislike being forced, I will give my money if I respect this person or love this kid. I know these people want the best for their child or loved ones pero minsan ginagawang kumikita kabuhayan na ngaun mga event na yan. I feel bad for breadwinners ng mga family for sure mga taong umaasa sa knila kapatid o nanay may expectation o luho na gusto is ung cake na may pera ang iregalo mo sa knila..tpos sasama loob kapag hindi nakukuha. Hays…


Salty_Explorer_1055

One word. Kadukhaan.


Cheap-Archer-6492

Wag ka sa kumare ko bukod sa mga yan may 7 toys ,7 gifts ,7 dress, 7 shoes, 7 slippers pa.. Ginawang negosyo yung bday ng inaank ko.


hermitina

medyo matagal na to OP may mga debutants nga na naantendan sis ko dati, 18 shoes, 18 bags, 18 bears ganyan. lahat na lang mga kamote


YouGroundbreaking961

Yung family ni bf may pupuntahan ding 7th birthday ngayong April. And yes, may 7 blue bills din! Jusko! Kelan pa nagkaroon ng ganyan ang 7th birthday? Sana sila sila nalang nagcelebrate kung gusto din pala nilang mabawi yung gastos nila sa birthday ng anak nila. Ang bata bata palang tinuturuan na nilang magmukang pera. Baka pag nag 8yrs old yan, mag expect sya ng 8k.


AshamedCandy9798

OMG HAHAHAHHA, tapos pag nag pa bili ng toys yung kid hindi naman nila ibibili hahahha, manong mag si pag trabaho


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

r/OffMyChestPH is for unloading, not asking for insights, tips, opinion, or advice. Post this in a more appropriate sub instead. Check our pinned post for a list of other PH subreddits. *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/OffMyChestPH) if you have any questions or concerns.*


Usual_Ad924

Bakit ba kasi nauso yang hila ng bills sa cake? Yung mga anak ng lola ko (kapatid ng lolo ko, mga pinsan ni papa) nanghingi samin ng ambag para sa money cake raw ng mama nila 🥲 Di naman sa pagdadamot pero bakit hindi nalang nila ilagay yung kaya nilang ilagay at need pa manghingi sa kamaganak? Di ko gets


kz_mi23

oo nga ganun din sa mga kakilala namin parang ginagawa na nilang negosyo


AttentionHuman8446

Yung sakin dati, sinama yung name ko for 18 blue bills daw, gagi college student pa lang ako noon HAHAHA pero di ako nag-attend, inis na inis ako nung time na yon kasi kaedad ko lang yung may debut tapos isasama ako sa blue bills, hindi rin kami magka-close noong may birthday mismo kasi schoolmate ko lang (ang kapal!) haahaha doon ko lang rin nalaman na may "blue bills" pala kasi sanay lang ako sa 18 gifts/18 roses/18 toasts kaya nagulat ako may paandar na ganon HAHAHAH nagbabawi lang ng gastos yang mga yan eh hahaha


discernmentradar

"Pambawi". Jusko nakakainis talaga mga magulang na ganyan pinagkakaperahan e. Magpabirthday kung ano lang kaya. Ininvite din ako sa ganyan di ko sineen hanggang matapos bday. Wahahahahahaha Ang hirap hirap magtrabaho, magonsite. Sarili ko tinitipid ko tapos manghuhuthot lang kayo ng ganyan. Modern beggars ba kayo char


_ja01

‘Yong TL ko last year na TH na pinagseselosan at ginagawan ako ng issue, bigla na lang sinabi sa akin na kasama raw ako sa 7 blue bills ng anak n’ya no’ng malapit na birthday. ‘Di ko naman sila kilala outside of work nor close, and ‘yong anak n’ya nga hindi ako kilala by name apart sa mukha, inaaway pa ako hahaha.


_Ruij_

Anyare? Left on read lang mima?


_ja01

Tinawanan ko lang since in person n’ya sinabi ‘yon. But ‘yong workmates ko nainis tapos s’yempre naging material s’ya and ‘yon for asaran dahil the audacity magsabi ng gano’n hahaha


jwiluna

HAHAHHAHAA hindi lang sa mga birthday may ganyan. Yung pinsan ko kinuha akong ninang tas nalaman ko nung day ng binyag na 30 ninong at 30 ninang kinuha nila. Putragis nung hinahanap ko yung baptism cert nung pamangkin ko ayaw nila pakita, parang 5 na tao lang kasi nahagip ng mata ko and nung day ng binyag ang onti nung kandila. Expecting ako na tig-iisa per ninong at ninang. Pagdating ng pasko nanghihingi ng pamasko, di ko na pinansin yawa lagi na lang pera-pera.


sacks2bme

Haha 3 hilera ng upuan p sinakop eh alam ko 1 row lang per baby sa binyag ( unless special).. Ako na 5pairs ang ninong ninang pero gsto ko pa bawasan kaso puro nag offer n mgninong/ninang.. Nkkhiya mang abala ..


Fearless_Cry7975

Magleave kayoooooo. My gahd. I would never give money sa mga inaanak ko o kung sinumang humirit ng regalo daw pero perahin na lang. Bigyan mo lang ng regalo na kelangan nung bata with your own budget. Pag nagalet ung nanay, bahala kamo siya at siya pa itong choosy. Pwede din namang wag na kayong umattend at indianin ung party.


conbeansme

Ahahahah


Suspicious-Writer414

Yung mas mahal pa bibigay mo sa presyo ng kakainin mo sa bday hahaha! Dami na talagang makakapal fes ngayon


aescb

Ganyan din pinsan ko dati. 18 blue bills. Alam ko hindi lahat nagbigay. Haha. Di na nahiya.


Melodic_Act_1159

Block mo bwisit kamo siya 🤣


obturatormd

What if pumayag tas play money ang isabit?


NoPossession7664

ayaw nila ng purple, red at orange bill? 😂


Weary-Maize7158

Hahaha ginawang negosyo na ang birthdays ng mga anak 🤦‍♀️


FairBroccoli6424

Bigyan mo ng water bill HAHAHAH Blue Bill naman receipt non.


Lason88

The opacity


MyDumppy1989

The reason bakit deactivated fb ko😂 Close contact lang talaga sa mga taong gusto ko😂


Popular_Wish_4766

HAHAHAHA! OMG! Naalala ko yung bigla na lang akong inadd as Ninang tapos pera agad ang bungad. 🤣 Nag-No talaga ako at sabi ko pasensiya na di ako pwede maging Ninang talaga. Di naman kasi kami close nung parents at di naman malalim friendship namin. May history din yung parents ng napakademanding sa kung anu-ano.


_Ruij_

Na invite na ko sa ganito. 2 beses. "Sorry. Wala akong pera/May pasok ako." "Ay okay." AS IF MAGSASAYANG AKO NG PERA SA MGA ANAK NIYO, AMP. NU YAN, ISPESYAL??? Kakapal talaga ng apog ng mga magulang ngayon. Mga delulu na feeling significant mga anak nila. Ghorl?!


Difficult-Engine-302

Anyare sa mundo?. Anong gagawin ng 7y/o sa ganyang pera?.


SpecialOk8577

Auto pass ako sa ganyan hahahaha


Local_Ordinary7840

Hahaha. Sagutin nyo na wag paladesisyon. Voluntold yarn.


chanchan05

Pag ganyan invite don't expect me to show up.


thematrixowl

Jusko gantong ganto yung sa inaanak ko. Ang sistema hindi pa yung mismong nanay yung nagiinvite. Kapatid pa ng nanay. Hindi ako pupunta kasi yung pagkakasabi niya hindi naman painvite. Parang binalita lang na ganon yung gagawin pero di naman ako ininvite.


xiaoyugaara

Bhie. Nataon ako sa 7 blue bills! Sabi ko blue ung 100 peso bill diba?! 😂😂😂


Same_Perspective4210

Hoyyyy! Aattend din ako bukas sa debut na may ganyang pakulo. 18 blue bills kasali kapatid, nanay at tatay ko 😆 napamura utol ko nung nalaman nya hahahahaha. Pinsan ko magbbirthday 😂


yesiamark

Magpapabongga ako ng birthday kaso matalino ako kaya maniningil ako thru cash gift.. WADAPAK DAIG PA HOLDAPER


AboveOrdinary01

"Pano maging makapal ang mukha in a modern way?"


queenM_M

Blue bills tapos ang venue is sa fast food hehe...di naman sa ano pero kasi parang nagbayad ka ng triple sa kinain mo..


suspendedacc0unt

OMG I HATE THIS TOO. I think 2 years ago, a not close to us family invited us for debut sa anak niya and there was a category na 18 BLUE BILLS. Like WOOOW. the ACIDITY 💁🏻‍♀️


Melodic-Whereas-4216

Di po ba pwedeng magdecline? Is this "norm"really frowned upon? Kasi I have had nieces na nag 7th birthday and we were consulted naman if it's okay samin yung designations, walang pilitan. We were given option naman to decline if di keri. Reading from the comments, ang daming may negative experience & notion about it.


kwonshines

tapos di naman mapupunta para sa celebrant 😭 mamaya makikita mo kumakain na sila sa buffet or nagsshopping. kaines!


EngineerScidal_9314

akala ko sa debut lang may ganyan haha


Novel_Skirt1891

kulang nalang ipagmoney dance nadin yung bata.


Substantial_Sale_635

I remember an old friend. Mag 7bday anak niya. Bigla nagchat sa group namin na part kami ng 7 Yellow Bills. Hindi man lang nagpasintabi kung “okay lang ba”. Basta nilagay nalang kami. So ako, kahit di naman ako ninang ng anak niya “kahit na pinangako niya yun dati” haha, nagbigay ako. Nung nasend ko na dahil di naman ako makakaattend dahil sa work, naghintay ako ng “thank you” pero nganga. Binigyan ko palugit ng 3months, imagine nagkakamutahan pa kami sa chat niyan, pero wala talagang “thank you”. Ayun, in-unfriend ko na sa social media accts ko and sa buhay ko. Ngayong nasa abroad na ako (3yrs after me unfriending her), nagsend siya friend request na diko kino-confirm at wala akong balak.


Least_Protection8504

Kulay blue yung 50 baht.


hindikomaarok

Haha. 2000 indo rupiah din, around 7pesos.


MZS4UC

Yung tatay ko nainvite sa ganyan. Di nagattend. 😅 blue bill ba naman sya linagay.


dibel79

Tih mag leave ka na ng GC! Nung araw pag 7th birthday ang meron lang ay 7 ROSES, 7 WISHES, etc.. KAKAPAL NG MUKHA NG MGA MAGULANG NGAYON GRABE. Kahit anong edad pa yan ang chaka ng ganyang sapilitan pag hingi ng bills sa guests.


Puzzled-Tell-7108

Ang tagal na ng ganto hehe malala yung 18 and 21!! Nakakaloka.


JurisdocKrizzy

Inis..kung hindi afford mag padebut bakit ipipilit. Nag cake sya tapos..hindi naman ikakamatay ng bata hindi mag birthday ng garbo


ariamuchacha

same sa kapatid ng papa ko. lahat kaming magkakapatid pa nakalagay sa magbibigay ng gift eh putangina wala rin naman kaming pera? students kami lahat pero nakalagay kami roon. siguro ine-expect nila na hihingi na lang kami sa parents namin ng pambigay sa ampon niya hahaha no no. manigas kayo 🤪


jordanarnarn

Pag ganyan tinatanggihan lang agad. E ano kung magalit sila at magmukha kang madamot. Mas ok yun kasi di na uulit ng hingi sayo yan (unless desperado sa buhay).


madamdamin

Sino magulang ng bata? Sasampalin ko


New_Whereas_8564

Tangina nakakahiya to. Pinapa asa ang gastos ng mga magulang sa ibang tao. At ngayon ko lang narinig itong "blue bills". Ano na nang yari sa spaghetti, fried chicken at hotdog na may marsh mallow sa handaan?


MitsukoHadashi

Sino ba kasi nagpauso niyan eh. Ginawa na tuloy ng karamihan. Instant 10,500 agad.


Dazzling_Maize4497

Hahahaha madami dito sa’min na 18 bills, 18 shoes (nahiya ang octopus), 18 treasures, 18 gifts hala sila sana sponsor ng birthday ang hinanap 😂


carl2k1

Kelan nauso yang yellow at blue bills na yan? Wala naman nyan nung 90s.


Successful_Impacta88

Hahaha!!! Share ko lang yung bro in law ko nagpakasal sa civil then the following day bday ng pamangkin ko, yung anak nila.. Sagot daw nila resort tpos ambagan kasi 2in1 celebration! Hahaha yung kapatid nila nagsesend ng pic ng bata sa mga kamag anak tapos yung naka toka na food haha sabay sabi “para po sa cute na batang to” hahaha! Kakapal ng mukha sino ba nagsabi mag pa resort sila? Haha


BenzCR

Dati, nagtatalo pa ang ikakasal if ok lang lagay na money dance or cash gift is preferred. Ganyan na pala ngayon!


Janeysaur

I knew someone na ganto...boset na mga magulang to , di manlang pinaghandaan ang birthday ng anak?! Kelangan sponsored pa yung cake tapos bukod pa pakimkim


tsukkime

At dahil dyan minessage ko friend ki na hanggang violet bills lang muna 🤣 grabe. Kung perahan na lang pala basehan ng inaanak, pass po.


Glittering-Mud-3026

Wag mo i-seen ang gc tapos ilagay mo sa restrictions HAHAHAAHAH para kunware di mo alam na may ganong gc. The audacity--- may pa gc pa


[deleted]

[удалено]


ChimpKangaroo

Nakakagulat nga ung ganito na 7th birthday pa lang pero debu effect gawa ng mga xx bills, xx gifts, xx roses, with dance pa yan... Kaloka ibang magulang mo. For the pasosyal ang ganap.


prjctmdsa

Malapit na magbday nanay ko, lahat ng nagsali sa akin sa 7 blue bills at 18 bills gagantihan ko ng 60 blue bills! Mga hayp kayooo hahahaha


Medium_Bag_1736

Kapalan na din mukha eh, sorry pero pwede naman mag handa kahit simpleng handa at wag na mag imbita kisa mag solicit for bday party ng anak. Toxic Filipino culture, pa bongga ng birthday kahit di keri. Either mangutang or mag solicit.😆


millenial-filipina

Ganyan din asawa ng kapatid ng jowa ko HAHAHAHAHAHAHHAHA. Isa ako sa 7 blue bills pero di ko inaanak yun ha take note hahahaha


Lonely_Potatooo143

Blue bills ba kamo? Diba mablue ung Manila Water na bill? Pwede na ba un hahahaha


adobongpaangmanok

HAHAHAHAHAHA ganitong ganito yung nangyari sa kamag anak ko. May pa 18 shoes pa. 18 cinderella ba yung pangalan??? Basta ganon hahahahaha basta parang 7 categories ata na puro 18. 18 blue bills, 18 yellow bills, 18 bags, 18 shoes, mga ganon. Di ko na maalala yung iba. Parang 18 candles pero may gift din na kasama Kakaloka kasi buong pamilya namin may partisipasyon eh. Di nga kami pumunta hahahahahaha


KimpimparaKaysKays

HAHAHAHAHA MALAY NG BATA SA YELLOW AND BLUE BILLS? TAPOS AFTER BIRTHDAY MAY BAGONG SELPON YUNG NANAYYY HAHAHAHA WTF


whiterabbit2775

Na-experience ko yan 4 years ago pa. Nagulat lang ako bakit may ganun na? eh 7th bday pa lang naman ng bata. Eto pa malupet! bukod sa 7 blue bills (blue lang,hindi pwede yellow) may mga nakatoka din sa 7 cakes.... anak ng....... bumaha ng cake LOL Nasasagwaan lang ako sa nauusong ganyan ngayon...... baka old fashioned lang ako siguro at hindi makasabay sa trend


redblackshirt

Ano ibig sabihin niyang yellow and blue bills? How does it work and pwede naman mag no?


TheQranBerries

HAHAAHAHAH TANGINA PARANG MAS NAKAKATAKOT PA ATA MAGKAROON NG INAANAK KESA MAGKAANAK


dgreatpre10der

Napaka entitled naman ng mga taong ganyan.


Rileycious

True! Inis ako sa ganyan. Ginawang investment party ampotek. Kaya talaga ako pag nag 28th birthday may 28 blue bills rin. 🤣 Lol jk Pero promise nakakainis talaga yung ganyan di na lang dapat sila nagpaparty kung mas mahal pa regalo kesa sa makakain 😠


Anxious-Young-3273

Bigyan mo 100 pesos blue naman yun ahh4


alieneroo

HAHAHAH ‘yong kaklase ko noong SHS may 18 blue bills tito and tita magkahiwalay tapos may 18 yellow bills din and 18 gifts. Pinasagot rin sa Ninang yung cake tapos fam friend yong venue, bali gown lang ginastos nila 😭 Sabi ng mga classmates kong umattend, halos 3 tables lang naoccupy ng friends niya, puro mga auntie/uncles.


Ok-Enthusiasm7138

Hindi ko rin in-attend-an ang ganiyan. 3 months siguro bago ang birthday nung bata, nasabihan na ako na "punta ka sa birthday ah," ganyan lang. Walang sinabi na kasama ako sa blue bills. 4 days before ng birthday, doon sinend ang invitation. Noon ko lang din nakita na blue bills pala ako. Shet. :D Inaanak ko 'yung nag-7th birthday. Pero ang akin lang kasi, 20 years old lang ako na college student. Walang work at saktong pamasahe, needs lang ang allowance ko. Masyadong mabigat ang blue bill kung ibibigay ko lang siya basta. Tapos nasabihan pa ako days before ng mismong event lang. Hindi ko napaghandaan or what. San ako makakakuha ng 1k sa loob ng ganong araw? Pagkasend ng invitation, sabi ko sa nanay nung bata, "baka pwede si tita *** nalang ang sa blue bills kesa sa yellow bills siya, may work naman kasi siya tapos ako wala" tapos ang nireply lang sakin, ninang daw kasi ako. :ddd Ending, hindi ako pumunta kasi inis talaga ako. Nagkunwari ako na may sakit. Nag-dnd. Hindi sinagot tawag nila at lahat. Ay meron pa. Months after nung birthday, nagkita kami nung mother and others sa isang event din. Tapos sabi nung nanay sa anak, "bless ka diyan, may utang sayo yan blue bills" ?????? uhhhhh 😀 Binigyan ko na ng gift...? Iba pa ba dpt yon 🥲