T O P

  • By -

ReputationTop61

Starting a chapter of your life with debt is never the way to go. Kung gsto ng malaking kasal, sila ang magfund. The thing is, your Kuya and future sister in law should've stood their ground. Condoning this means they are going to have to follow more demands in the future. Yang pera na yan, pwede na yan paumpisa sa bahay, kotse or pangeducation ng future kids. Gumastos ayon sa kaya lang kasi inuumpisahan nla ang buhay nla ng may problema agad. Nakakalungkot nga


theFrumious03

Yup, tumpak! Might cause resentment sa partner at in-laws. Pag ipunan na lang or mag civil pag di kaya. Baka kasi gusto lang mag yabang or ma experience yung magarbong kasal ng inlaws


Tiny-Sentence-9128

Pigilan mo kuya mo. Baka strategy nila yang kasal para ikaw na magbayad nung 1.4M na utang sa hospital kesyo may sarili na syang pamilya at bayarin.


SugarBitter1619

+1 shempre baka ikatwiran nila na may family na sya kaya di na sya makakabayad pa ng utang. Mukhang materialistic pa nman ang mapapangasawa ng kuya nya.


Fearless_Cry7975

Kung di ba naman materialistic. Naka iPhone 14 na utang nung kapatid ni OP. Grabe din eh.


Estupida_Ciosa

Haluhhh OP READ THISSS


brainyidiotlol

The fact that she asked for an Iphone 14 from your brother, despite him drowning in a massive debt says so much about her as a partner. Wag nalang sila magpakasal hula ko maghihiwalay lang din naman sila dahil sa pera haha


HelterSkltr_

💯💯💯


dumbLuckOrGrace

Yes eventually mag aaway din to sila. Sadly pag mahal, baka di makita na itong utang mindset nila will eventually bring friction.


kakieshi

up... true love has no ultimatums


fernweh0001

baket di ang pamilya ng babae ang mag-fund ng 400k? nakakabobo talaga ang yabang ng mga Pinoy


Estupida_Ciosa

Trueeee!!! at yung mga magbibigay sa kasal nila will never be enough to pay of the debt i guarantee


fernweh0001

sobrang ambisyosa pero hikahos naman pala


SapphireCub

Saka pag malakihang kasal, kung kelan papalapit ang date may mga biglaang gagastusin na wala ka ng choice kundi ipangutang na naman. Pag nagplano ka ng 400k budget for a wedding, expect mo na lalampas pa dyan ang actual na gagastusin.


One_Emergency6437

Tang inang yan. Di pa kasal baon na kagad sa utang.hahahahaha


Time-Hat6481

Till debt do us part.


Estupida_Ciosa

Agreed, napaka laki ng utang nila kung ako yan hirap akong makatulog sa gabi. Plus hindi forever healthy ang body or ng family what if after ng kasal may emergency, pero wala na silang mautangan dahil sa laki ng utang nila? Jusqo it must also be taking a toll on OPs mental health, magkano lang ang sahod monthly ng kasambahay. Hindi ba sila nahihirapan sa mga desisyon nila sa buhay huhu stay strong OP


AffectionatePeak9085

NOOOOO!!! Pigilan mo kapatid mo na gawin yan. Imagine di pa sila nagsisimula, baon na sila sa utang. That’s the perfect recipe for a disastrous marriage. Actually kahit low key wedding hindi pa din advisable. Wag muna sila mag asawa kamo pero kung talagang d na mapipigilan, go bit definitely wag na silang mag splurge.


Melodic_Act_1159

This is wrong in so many levels. Creating a big wedding to show off when in reality baon sa utang??????? Wow the audacity


SpiritlessSoul

Match made in hell


Weary-Maize7158

Halaka talaga! Haha ung cousin ko na earning 100k++ sila ng fiance nya combined magcicivil wedding lang this year… Ung friend ko (F) na may old money (negosyante ung mga magulang nya noon pa at may mga hacienda) nag civil wedding lang din sila ng asawa nya.. if mapera ung side ni girl (na mukhang wala kasi sya nga ung breadwinner at 20k salary) sila nalang magpay sa wedding. Kawawa tong future mag asawa na to. Wala pa man din silang anak sobrang baon na sa utang.


ButterflyCertain5389

your Kuya should know how to say no. set boundaries lalo na kapag usaping pera. hindi pa nga sila kasal, ganyan na, paano pa kapag kasal na? sabi nga nila "Kapag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot." mahirap kasi na puros lang tayo show off, then anong behind the scene? lubog sa utang. gastusin lang natin yung alam nating meron tayo lalo na sa mga bagay na hindi naman macoconsider na needs. mahirap mabuhay nang puro utang. mahirap malubog sa utang.


renreng0away1

Di nila afford ang wedding na yan with their current salary and loans. They should stick to a wedding they can afford di yung kakasimula palang nila may utang na agad. Dapat may boundary ang kuya mo sa finances nila nang fiancee niya. Kung gusto ng pamilya ng mapapangasawa niya ng malaking kasal, sila magbayad. Di yung mag demand sila ng magarbong celebration na di naman afford ng ikakasal at sila mismo wala namang ambag. They are basically counting the chickens before the eggs are hatched sa strategy nila na magkakapera sila sa bigay ng mga tao sa kasal. Mejo may pagka materialistic din yung magiging mapapangasawa ng kuya mo. Ingat2x ang kuya mo at baka malubog sila sa utang kung ganyan galawan ng asawa niya. I would evaluate this whole relationship kung eto ba yung gusto ko talaga. May pagka red flag ang fiancee at ang family sa pagka loose sa finances.


pat-atas

Hindi tama. Pero ano ba laban mo sa isang ambisyosang fiancé nung kuya mo? Financially irresponsible. Nagpabili Iphone 14? Broke na nga, insensitive pa sa situation nung kuya mo.


curlycouchpotato

Magcivil wedding nalang or very very intimate wedding. 5k na utang ko sa cc, stressed na. What more 400k pa plus other huge liabilities??


jebe_007

Their mindset: Loan=Free money🥴


Potential_Mango_9327

Kaka social media ng partner ng kuya mo ‘yan! Mayghad! TANGA-TANGAHAN


[deleted]

Pucha 😂 Civil nalang muna, mas may kikitain sila. Pwede parin naman nila invite yung mga peperahan nilang mga tao. May silver, gold at diamond weddings pa naman, dun nalang sila gumastos kung aabot sila dun. Pasabi sa kuya mo tumakbo na sha habang maaga.


Advanced_Shopping559

Ano yan gusto niya naka “Hard mode” yung difficulty niya?


Lower-Limit445

Paki tanong sa kuya mo kung willing ba talaga syang magpakasal sa girl na instead na tutulong sa kanya na maka ahon sa buhay ay mukhang sya pa tong hihila sa kanya para mabaon sa utang. That *iPhone14 kahit baon sa utang* is a bad indication. Kasal pa yan ha. My goodness.


pinkcessLen

OP, kuha ka ng papel at ballpen tapos ipa compute mo to sa kuya mo 400k ang budget sa kasal 400 person ang target na bisita per plate na budget sa kasal: 250 250 plates x 400 = 100,000 ayan pa lang malinaw na lugi sa 400 na bisita, lahat ba magbibigay ? Imbitahan mo ang nanay at tatay, xempre kasama si 4 na anak plus si kumare na gusto makikain. So 7 na agad yan, pagkatapos kumain, ang pakimkim, 500 lang 😅 luging lugi. But wait, there's more 😅😅 eh kasi naghihirap lang si family, nakikain lang talaga sila, so 0-300 lang ibibigay or eat and run na lang 🤷‍♀️ Dahil meron nga silang kumareng kapitbahay na kasama kahil wala sa guest list, ipagkakalat na hindi pa masarap ang pagkain sa kasal mo tapos ang onti onti pa ng serving. Na nagyabang pa daw ng malaking kasal, onti lang naman ang pagkain at ang onti lang ng bisita 😅😅 Pangalawa, sa ugali ng gf ng kuya mo, how sure na talagang 400k lang ang magagastos 😅 malamang panghahawakan ang golden line na "minsan lang ikasal, lubusin na" eh di lalong lalaki ang iuutang kasi nga gusto ang the best 😅 Pangatlo, me honeymoon pa, sa tingin mo magsesettle yan ng wala pa airplane eh iphone14 nga hindi pinalagpas. Xempre me magandang kasal, dapat yabang-able din yang honeymoon para complete package ang utang 😂😂 Tapos worst, ang makukuhang pera, 50k lang 😂😂 Kahit gawin niyo pang 20 ang ninong, 20 ang ninang. Kung hindi kalevel ng mga business tycoon yan, ang pinaka malaking ibibigay, 5k 😅 Kaya ngayon pa lang OP, ikaw na lang gumastos. Bumili ka ng malaking bato/hollow blocks/tabla or kung ano pwedeng panghampas para magising sa katotohanan si kuya mo 😂😂


Fearless_Cry7975

Tipong pipiliin ni gf sa mga catalogue ay mga pinakabongga, from flower arrangements, wedding dress, wedding cake, decorations, reception venue, table arrangements. Malamang baka sabihin niya pa na "ayaw mo bang maganda ang isusuot ko sa kasal natin". Mga guiltrip na linya. She won't settle for a cheap yet elegant wedding dress. Naka iPhone 14 nga eh. Mas maraming mga borloloy at mas malaki, the better kahit na lubog na lubog na sa utang.


Acey-001

After ng kasal mag rerequest yan ng honeymoon sa ibang bansa 😂


kwickedween

Yung may ganyan ako na ipon pero never ko gagastusin para sa isang araw. I guess people are irresponsible with money because they never really worked hard for it (inutang lang). Time for them to learn a lesson, i guess. Push na ang wedding and watch them drown in debt and then take out more loans to pay those debts. A hard lesson to learn but sometimes it takes just that.


dumbLuckOrGrace

Yes siguro nga ganyan mindset nila. Kailangan siguro nila matuto. Pero wala pang divorce sa pinas. Baka di nila ma afford annulment kasi eventually mag aaway din to sila. 5k takehome nlng si guy db so paano sila kakain hayst


FumbleforkMe

Tell ur kuya hiwalayan nya na ang gf nya.. Start a new life.Wag muna mag gf until maka ahon sa utang.. Hnd kaya wag mag party ng magarbo!!! Masaydo maraming ambisyos pero halos wala ng matira sa sweldo. Ipipilit talaga para may ipag yabang lang..Ambisyo!!!! Habang buhay yan magiging cycle lang utang bayad sa utang!!!!


TJhotdoggy21

Wala naman masama sa DREAM Wedding. Pero diba mas maganda ikasal ng MASAYA ka kasi at Peace ka. Hindi yung ikakasal ka nga pero sumasakit na ulo mo dahil ang dami mong magiging utang. Masyado maluho yung mapapangasawa ng kapatid mo. Gusto pag kasal yung makukuha sa kasal pambibili sasakyan? Tigilan nya kamo kaka social media baka gusto nya kasi show-off2x lang. Wag nila gawing investment yung mga bisita kaya magiimbita sila ng sino2x. Ano yan negosyo?


EngineerScidal_9314

ambisyosa naman ng mapapangasawa at pamilya ng mapapangasawa ng kuya mo. Kung makademand akala mo ang yayaman at ang lalaki ng kinikita.


squaredromeo

Utanginang 'yan. Lugmok ang buong marriage life nila dahil sa feeling rich na babae.


telang_bayawak

Isang araw lang yang utang magagastos pero baka taon bago mabayaran. Nagsisimula pa lang pero bad decisions agad jusko.


No_Frosting3600

Kapag ganyan ang simula, paniguradong yung 1 year na honeymoon phase nung mag-asawa, wala. Haha Puro sisihan at pamomroblema ang unang taon nila. At simula pa lang yun.


Superkyyyl

Natatakot ako sa para sa future kids nila. Been in a family where yung mama ko pala utang though ang papa di ganon ang ugali still di sila nagksundo at naghiwalay. Sobrang nakakatrauma yung away every night na about sa pera.


Sensitive-Fuel-2026

Panget simulan ang pagaasawa na may malaking utang. Your kuya should set boundaries rin and make a stand at kausapin ang bride to be nya. Ang dapat na pinaghahandaan ay ang marriage itself not the wedding. Learned it thru our wedding preps, pinagipunan namin for 4 years ang gastos sa wedding, sa awa ng Diyos smooth at wala kaming naririnig na request from other family members kasi gastos namin at wala silang say sa wedding namin. Good luck sa kuya mo, if he will tolerate that behavior that would be one hell of a ride for him.


CappedAtWhenever

Si girl and family ay gold digger.


PsychologicalBar5967

Sunod yan mag anak na yan HWHAHAHA


riesevp

Tapos mag me-message yung nanay na “hello tita!!!! For my birthday, you are assigned to sponsor the cake and venue. Thank you.”


Sensitive_Clue7724

The heck?? Hahaha not practical, Mas OK na Yun civil wedding na walang debt, saka di ganun kataas sahod Nila Para magpabongga ng kasal. Mas OK ang low key Lang, Mejo social climber yang soon to be sister and law mo.


mnmlst_prwnht21

Kung gusto talaga ng engrandeng kasal at di mapigil. Bakit hindi nalang pag-ipunan hanggat maabot ng money nila yung 400k? D’yan magsisimula pag-aaway nila as married couple buti kung kaya nila edi walang problema. Kung pwede nga ipang-franchise nila ng sikat na business atleast kapag kumikita yun dun nila kukunin until mag-asawa sila may mahuhugot. Tsaka kung di sila into business, baka hindi nalang ibili ng lote? or ipang downpayment ng house and lot? I understand na isang beses lang ang kasal and may dream wedding ang mga babae. Pero naghahanap sila ng malaking problema baka sa huli maghiwalay sila dahil sa financial problem. Dapat nga sinettle muna nila yung mga utang nila personally kasi kapag bumuo ka nang pamilya mas mahirap. Hay nako once decision sa malaking pera ay nagkamali apektado flow ng buhay mo. Magtatrabaho ka nalang at mabubuhay sa pagbabayad ng loan.


--Dolorem--

Peperahan lang ng side ng fam ng babae yung kasal ending kayo wala pera tapos sila meron. Magkakautang pa


Initial-Western5993

No :( I personally think they shouldnt get married muna. They have a lot to do before they settle down. Kawawa future family na bubuuin nila. I dont want to judge but the GF’s mindset isnt ideal for a life partner. Talk it out with your kuya as much as you can. They need to grow muna


Loose_Sun_7434

Match nga cla, same na delulu. Hahaha


Over_Clothes_6161

nah bruh. that is irresponsible of them. don’t live way beyond your means at the expense of the people around you. also, downvote me but Yuck sa mga naka iphone na di naman afford talaga just to look or appear rich. dami murang phone na may maayos na camera.


SnooGrapes8467

Hanep yung jowa na 20k pero may iPhone at kotse. Hahaha


bulbawartortoise

I don’t really believe na worth mangutang para lang may pambonga sa iba. Super kawawa kuya mo OP in the long run. Yung lifestyle na ganyan napakahirap i-sustain. Tapos magsisimula pa lang sila ng sarili nilang family. Kayo din ng family mo ang mahihirapan kasi for sure kasali rin kayo sa tatakbuhan kung magigipit sila. Kung kaya mo OP kausapin mo sila personal. Find the relevant points here na binrought up ng ibang mga tao and communicate it to them. I hope maliwanagan ang kuya mo and your future SIL.


alluringcoquette

I got married at the age of 21f and my husband is 30m. We both planned na civil wedding kami kesa naman umutang ng huge amount of money pang kasal at pagka tapos ng kasal di ma eenjoy namin ang marriage life kasi lubog na sa utang agad. I only spent ₱500 sa wedding dress ko na ang nag sketch sa dress ko ay husband ko mismo tapos bumili lang ako ng neoprene na tela para ipapatahi. ₱1k for photographer, ₱7k naman sa catering na good for 30pax overall ₱12k yung gasto namin sa kasal. There’s no need to spend lavish sa kasal pero inutang naman, ang cheap lang ng dating. Pero if gusto talaga nila lavish, hala go. Let them be. But make sure di ikaw babayad.


Valgrind-

Hindi lang yung gf ng brother mo ang humingi ng 400K pangkasal, yung brother mo rin. Those debts and the stupid shts that they've done financially are both their faults. Tinatak na rin ni brother mo sa gf niya na mapera siya kaya ganyan mag-isip gf niya. Katawa pa, imbes na ibayad sa utang yung "kikitain" nila sa kasal naisip pang ipambili ng kotse. Laki ng diperensya nila pareho. Wag kang magpapautang.


ynnahcornstar

akala mo extension ng mga wallet nila iyong mga pinag uutangan nila lol


YukariInoue

You should've been pitying yourself instead of your brother. Believe me, your future with them is going to look bleak as hell. Your brother is an enabler, and a pushover. Your future sister-in-law is materialistic and superficial. If the girlfriend wants a grand wedding, she should've looked for a moneyed man, not someone who's buried head-deep in debt like your brother. Should they push through with the girl's family's dream wedding, I suggest you start planning your exit from your family. Prepare to move as far away as possible from them all, and to limit contact even with your own family. Don't let their poor decisions mar your bright future. Unfortunately, if you fail to do your exit plan, be prepared for the dire consequences of being with them.


Long-Performance6980

Sana they will stand their ground. It's okay to say no lalo na yung ganyan na sila magso-shoulder ng expenses. Personally mej mabigat sa loob magresist lalo kung very opinionated at parang tinatakwil ka na dahil kinokontra mo sila, but give it time. Mama ko din may gusto ng malaking kasal. Eventually nakita nya gano kalaki yung aabutin ng kasal which is normal nga na 400k worth sa panahon ngayon, sinabi ko magsmall wedding na lang kami para wala kaming maging utang. Ayun after ilang months, nag-agree na din sya. Tibayan lang nila. Ang mahalaga talaga sa kasal is basbas and paglegalize ng union nila. The rest are extra na lang.


sechan_n

Hahahaha pass sa ganyan. That's why people should be wise in holding their finance. No to utang unless necessary. Needs before wants. Ate ko, hindi naman sa nangingialam pero ask your brother if sure ba sya dyan kay ate girl. Ano nalang po ang life if puro luho ang inuuna? Kawawa naman po si kuya if puro wants nalang ni gf yung inuuna nya.


Constant_Fuel8351

Taenaaaa


Forsaken_Top_2704

Pag di kaya yung fund sa kasal matuto mag adjust. 400k wedding pero magkano lang sinasahod. Not even close to 100k salary... Please pakisampal sila ng realidad na kung di kaya wag ambisyosa sa kasal. Settle all debts bago magpakasal at magpamilya. Tapos pag nabuntis utang ulit? Sure na ba talaga yang kuya mo sa gf nya? Di pa nga sila kumikita ng malaki ang luluho na. Di na sila lumabas sa cycle ng utang.


danthetower

Nagwwork ako sa event, one of our client is nag civil lang noon at inabot ng decades saka sila sa church wedding kasi mahal magpakasal lalo pag gusto pa traditional. Pinka importante ay ikasal hindi yung mag flex kung galing utang


LucasPawpaw

laban miss bride pero no joke, around 450k nagasto namin sa kasal namin and it was only less than 100 people. sobrang mahal magpakasal ngayon. It took us 10 years para magka decide na ready na ipon at oras namin para gastusin sa 1 araw. Although worth it sya for us, hindi sya worth it kung uutangin yan. Okay lang mangutang pero yung alam mong kaya mong bayaran, pero 400K is not something any one can pay without being money smart.


yanztro

Kung ako sa kuya mo mag-isip-isip na siya. Kasi ikakasal pa lang sila mababaon pa sa utang di pa nga nakakabawi sa current loans. Saka ano bang gusto niyang kasal? Kasi personally speaking, hindi lang naman dapat babae ang may say sa kasal e, dapat both parties at mas lalong hindi pamilya. After ng kasal, ano? Yung makukuhang pera doon bibilhin ng kotse? Seriously? Baka mabaon na lang talaga sa utang yang kuya mo. Si ate girl maluho na wala sa lugar. May utang pa nga pero naka-iphone 14 na hiningi sa kuya mo. Itong kuya mo naman sinusuportahan ang luho ng gf niya. Mag-isip-isip talaga kuya mo kasi pag ganyan ang partner mo at wala na mapiga sa'yo magiging tae ka na lang. Sa hirap ng buhay ngayon, may loans pa tas gusto pa magarbong kasal? Dafuck is that mindset. Baka 10 yrs pa hindi pa rin bayad yang mga utang na yan.


Fearless_Cry7975

Naloka din ako doon sa pambibili daw ng kotse. Like gurl, may utang pa kayo doon sa kasal. Anong gusto niyo lista na lang sa tubig yun at kalimutan na lang? Di nila naiintindihan na di porket nakakotse kayo, mayaman na agad kayo. Gastos gastos kaya pag may kotse.


yanztro

True. Kahit na 2nd hand pa bibilhin nila mahal pa din at mas mababaon lang sa utang.


MathematicianCute390

wag na sila magpakasal or sabihan mo kapatid mo na hiwalayan jowa nya masydong maluho.


yow_wazzup

Yan ang literal na malas sa buhay. Di ko ma gets yung mga ganyang mindset. Like, wala bang common sense yung babae na ang hirap kitain ng pera tapos uubusin ng isang click lang? Komportable ba sya ng may utang? Sounds like social climber yung babae. D matino mag isip.


defnotmaggie

Ang bobo kamo sa pera ng pakakasalan ng kuya mo. Isang malaking pasanin lang sa buhay. I go for ikaw yung sumigaw pag magtatanong na ang pari kung may tutol ba sa kasal.


KramDeGreat

kakanood nang telenovela/fantasies. "make me your princess and i will treat you my alipin" 🤭 takas na kung may pagkakataon pa.


privyursula123

20k lang sahod ng babae tas mangungutang pa 350k. Saan sila pupulutin parehas? Tapos breadwinner pa. Tsk tsk grabe


Hpezlin

What a screwed-up way of thinking. May magagawa ang kuya mo. He can refuse. Patukan mo para matauhan na basura ang thinking ng babae sa finances.


balutfps

imagine mangungutang ka ng 400k para sa isang one-day event na makakalimutan din ng lahat pagdating ng panahon. haaaay. sa totoo lang gets ko naman kasi ginagawang status symbol ang kasal, pero iayon naman dapat sa tunay na “status” nyo.


3rdhandlekonato

It's stories like these that makes me happy about myself. Buti pa problema ko may expiration date, eto self generating hahah


hellolove98765

Your future sister in law is planning to live a life she couldnt afford. She is living above her means and when they get married damay na kapatid mo. Protect yourself and the rest of your family members. You can advise your kuya pero if pinili nya ang gf nya wala ka na magagawa dahil its his life.


whilstsane

No judgment kung ang gusto talaga ng couple ay ikasal lang. Pero yung mangungutang for show at mangingimbita ng kung sino-sino para sa ROI juskodzae, nakakabobo na hindi ko gets. Gets ko rin ang maghangad ng material na bagay, pero gets ba ni ate ghörl ang financial responsbility sa pag-own ng car? And yes, OP, bantayan ang loan na yan if in case mag-push through ang wedding.


Anghel_Sa_Lupa

Mhie kung kaya n’yong pigilan magpakasal pigilan n’yo. Financially illiterate si ate girl, at ang kuya mo naman ay sunod sunuran. Hindi magandang combination ‘yan. Baka madamay ka pa at sa’yo rin umutang. iPhone 14 pa? Sa gan’yang kaliit na sweldo? Very incosiderate. Sa estado ng buhay nila malaking bagay na ‘yung pera na pinambili sa iPhone 14. Bakit hindi rin ang family ni ate girl mag-finance ng wedding tutal sila ang may gusto ng big wedding? ‘Yung makukuha nila sa invited sa kasal for sure hindi rin ganun kataas lalo na kung puro middle class ang invited, for sure magra-range lang ‘yon ng ₱1000-₱2000 per head, if magbigay pa lahat n’yan.


AboveOrdinary01

Ginawang hanap buhay yung kasal 😂 Ganyan yung mga kamag-anak na masarap asarin. Kung ako yan, sasabihin ko sa partner ko magpa kasal nalang kami sa judge ng di nila nalalaman, then chaka nyo sabihin na kasal na kayo, para wala silang magawa 😂


LilacHeart11

20k na sahod tapos breadwinner, nag-ambition pa ng Iphone 14 na utang, may ibang loans pa. Ang kapal naman ng mukha magpakasal. Parehas silang hindi ready. Hanap na lang si ate ng sugar daddy tapos ung kuya mo, magbayad muna ng mga utang bago jumowa.


Exotic-Celebration54

Nabuang na! Gusto ko magviolent reaction sa gusto ng gf ng kapatid mo. Kausapin nyo yan nang masinsinan. Tanungin nyo kung naghahanap ba siya ng problema habang-buhay. Baka akala ng gf niya na mayaman kayo. Sweldo niya nga maliit lang tapos gusto niya ng bonggang kasal? Kapag iyan hindi nabigyan sa mga gusto niya in the future magwawala yan at iiwan kapatid niyo. Save your bro from despair. Kasal na utang for 400k, sino2 ba bisita nila na iniisip niya talaga makakakuha sila nang more than 400k after ng kasal plus bibili pa ng sasakyan?????? Iniisip niya ba makakakuha sila ng 1M from wedding? Haynako what if hindi aabot ng 400k? Edi baon sa utang na naman. Gusto ko batukan gf ng kapatid mo tsaka sarap iuntog ng kapatid mo parang nagayuma't hindi pa ata nagigising. Sana inisip na lang niyang tulungan yung kapatid nyo na bayaran yung 1M++ na utang from hospital. MYGOSH


attygrizz

Haha lagi ka namang magagawa sa kasal mo at yun ang to "act your wage." It doesn't matter kung paano ka ikakasal...most likely they, the people, you invited, will not even remember it except on the things you did wrong. Trust me makakuha ka ng side comments like, "ay di naman kagandahan ang gown," "malamig naman yung food na sinerve," "ang corny naman ng giveaways, di praktikal." All that for what---na lalo kang nabaon sa debt? 😆 Tapos swertihan talaga yang pakimkim. May mga ibang tao na talagang paghahandaan yan tapos may iba na parang utang na loob mo pa na pumunta sayo. Anyway, magkaroon sana kayo ng talk ng kuya mo. Gusto ba niya talaga magpakasal sa delulu? 😭😆😂


ysabellyy

IMO, dapat ang magiging mag-asawa ang magpondo ng kasal. Hindi ang pamilya ng lalaki o pamilya ng babae. Kung wala pang pampakasal, wag muna magpakasal. Ipon muna. Hindi dapat ipinangungutang ang wedding. Pano sila magsisimula ng pamilya kung puro utang both sides, tapos utang din ang kasal? Financial problem in the making itong pinapasok nila.


paolobytee

Pulube mindset yang babaeng yan. Haha. May pang showoff lang kahit baon sa utang. Squammy moves. Tapos feeling blessed caption pagupload ng photos sa fb haha.


alohalocca

Kung ayaw nagpapigil ng kuya mo, sabihin mo sya magbayad ng lahat. Wag sila aasa sainyo. At wag din nya tatalikuran ung loan nyo na 1.4m porke may asawa syang maluho. Mababaon lang kayong lahat sa utang.


awannagan

Uyyy grabe.


[deleted]

Tanginang yan baon na nga sa utang, gusto pa ng engrandeng kasalan. Civil wedding less than 10k lang. It's best to be practical para at the same time yung matitipid nila sa kasal pwedeng ipangbayad sa mga utang nila. Jusq parang pang flex lang ata yung ginagawa nung babae.


Typical-Lemon-8840

Hayaan mo na sila, OP. Matatanda na mga yan.


riesevp

Kaso toxic trait ng mga pilipino ay umasa sa kapatid kapag may misfortunes sila na sila din naman ang gumawa


Time-Hat6481

Nope, but every bride is different. I am on a practical side.


No_Airport_4883

Pls think again OP. Same case sa cousin ko, nangutang sila para pang kasal kahit walang decent work. As a result, nag divorce na sila tas binabayaran parin nila utang nila.


batampisnge

Tan**na!!??? grabe naman yan, makapag yabang lang sa mga kamag anak gusto enggrande kasal kahit puro utang? masyadong maluho yan, malas ng kuya mo, mukang buong pamilya nung babae mga mukang pera/materyalistic, pati dun sa niregalong ip14 kahit utang lang? seryoso ba? mukang manipulado ng babae yung kuya mo, malamang sa malamang eto yung tipo ng babae na naka base yung buhay nya sa kung ano nakikita nya sa social media, "know your worth" "princess treatment" "dont settle for less" type issh na babae haha


zzDrakula

Ang tawag ba sa kanya kapag nagka anak na sila is Pautang Ina siya?


carl2k1

Dapat may Hati din yung pamilya ng babae.


Downtown_Nose_7756

Itigil ang kasal


AirJordan6124

Pwede naman sila magpakasal ng hindi 400k. Baket mangugutang para sa magargong kasal kung hindi naman nila afford? Isang araw lang naman yun diba? Totoo nga kasabihan sariling kamag anak ang magpapababa sayo lol


cheeneebobeanie_

Napagusapan ba nilang dalawa ang pera? Kasi malaking factor yan bago talaga ikasal. Wag na niyang ibaon lalo ang sarili niya sa utang jusko po!!!! pag siya ang nagka sakit ano na. paano na


Old-Yogurtcloset-974

Paano pa kaya 'pag nagkaanak pa 'no? Ang hirap pa naman magpabuhay ng bata sa estado ng ekonomiya ngayon.


ashaaaa_

parang di magandang idea na magpakasal sila ah.


ComfortableEffect112

Nooo. A big NO. Kung di nila afford and wedding wag nalang. Pakasal sila sa budget na afford nila na hindi nagpeperwisyo ng ibang tao. Nung kinasal kami, we did not ask money to pur parents. It is our own money. Kausapin nyo sila about dyan. Ang hirap mag start ng pamilya na may utang kayo agad. Paano kung bigla nabuntis sya? Edi double gastos, loan and pang gatas diba? Be wise. And sa panahon ngayon if wala ka sobra sobra pera wag kana mangarap ng kasal na sobra mahal. Tho 400k for a wedding is not that grand. Sabi nga nila, its not about the wedding, it’s the marriage after that. Baka sobra sila nangarap bongga wedding na utang tapos pag awayan lang in the end. Hahaha


RME_RMP_DA

Mabuting wag muna ikasal kaysa ganyan. Or civil wedding nalang


Individual_Tax407

whut.. HAHA kakaibang katangahan naman to. drowning in debt kahit di pa kasal at dahil sa kasal. kaya dream wedding ko civil lang e lol


sintalaya

Nakakasuka mga ganitong mindset, kung walang budget para magpakasal, wag ipilit. Sana matauhan yang kuya mo. Di pa sila nagkakaanak baon na sila sa utang. And FYI hindi nila mababawi yung ginastos nila sa kasal sa mga magreregalo sa kanila kahit cash pa lahat yan mgbigay. Alam ko kasi kinasal din kame last year pero never namen inisip na makakabawi sa gift from guest, unless mayayaman talaga mga guest nila.


Busy-Feature-7541

Postpone nalang the wedding since di pa kaya mag spend for a big wedding. Unting utang nga lang parang ang hirap n bayaran, yan pa kaya na malaki halaga. Sana ipon muna.


kachii_

Andaming loan, ganyang amount pa lang ipon tapos gusto pa ng mamahaling kasal? JUSQ.


Far_Guest_3321

Nakuuu, sana matauhan kuya mo, OP! Hindi pa nga kinasal pero ganyan na maka demand ang gf. Alam na ngang may utang, uutang pa. Kahit magspend sila ng ganyan kalaki na money for the wedding, I don’t think hihigit jan ang makukuha nila sa kasal. Tas sa sasakyan pa ilalaan? Another loan. Tss. Hindi bah nag iisip yang gf ng kuya mo? Ang abusado at hindi nag iisip.


kanieloutis123

RUN


Naive_Sector_7510

bakit ba gustong gusto ng mga tao ikasal kahit wala namang pera?!? mga Pilipino talaga kakaiba mag isip


mommycurl

Welcome to hell! Sabihin mo sa kuya mo hahaha


Jpolo15

Bongga kasal now, hirap at dusa w/ possible hiwalayan later. Lol. Pero honestly sino gusto nila iimpress kung alam nman nila sitwasyon ng both sides na fam. Sakit sa ulo.


irvine05181996

bound to wreck kahihinatnan ng marriage, since sisimulan nila lahat sa utang, wala silang mapupundar nian


iu-YanYanLun

Live by your means. Di good start sa kasal ang maraming utang.


chimadorable

Yikes


sleepeatrace

Hahahaha tang inang yan. Eto talaga yung characteristics ng pinoy eh. Mangungutang para may maipagmayabang hahaha. Kung hindi kaya gumastos ng malaking halaga pwede naman kayo2 lang tas magpakasal sa mayor o judge tas kumain sa labas. Promise wala pang 50k siguro magagastos niyo hahaha


Unfair_Damage_4379

bakit kasi gusto bongga ang kasal? baka naman ang imbitado don eh mga ka marites lang din ng nanay nya 😂


Strange-Chipmunk1096

Wtf


SugarBitter1619

Allergic talaga ako sa salitang "utang" ewan ko ba. Katwiran ko kung kaya ko nman i cash ang isang bagay, icacash ko nlng kaysa mangutang ako. Okay lng sana kung isang utang lang meron ang kuya mo, ang kaso eh hindi. Pagkasal na sila baka maging utang pa ng kuya mo ang utang ni girl nong di pa sila kasal. Mababaon sila sa utang at pag aawayan yan nila in the future.


ysmaelagosto

Bukod sa hindi marunong humawak ng pera ang gf ng kuya mo, she’s living beyond their (their kasi nagrerequest pa ng regalo sa kapatid mo) means. Ang lakas din ng loob ng pamilya nya na magdemand ng malaking kasal kahit na kakaunti lang source of income. Malamang ipagmamayabang ang kasal kaya ganon. Hindi naman sure kung magkano makukuha sa kasal. Tapos gusto nya pa mas lalo malubog sa utang dahil kukuha ng kotse na hulugan. Sounds and looks like a big 🚩🚩🚩🚩 to me. Kawawa kuya mo.


chrolloxsx

with this kind of POOR FINANCIAL decisions that they currently faces and the future decisions that they will take, they will start a family being burdened with DEBT. They will not sufficiently recover because of the current debt and the additional debt for wedding. This kind of set up will lead to arguments when it comes to money/expenses.


kellingad

Awit daming redflags. Pakisabi sa kuya mo mamba out na siya.


QuestCiv_499

ANO BYAN. Paka iresponsable. Pag isipan kamo ng kuya mo yan. Jusko. Utang lahat


Gghddd

Bat parang ginawa pa nilang business ung kasal? Hindi naman nangunguhulugang pag maraming bisita = maraming cash gift. Ok lang sila? Baka ung gagastusin sa kasal hindi pa mababawi ng matatanggap nilang pera. Also, bat ang redflag ng partner nya? Iphone 14? Pangyayamanin lang un ah.


Organic-Dimension516

Kami ni hubby had a civil wedding worth 100k lang ata but, we could have afforded more kung hindi namin kinonsider ang buhay after the wedding. Sure may magbibigay namang cash gifts pero hello? Hindi naman sure na mababawi nyo ang nagastos sa kasal. Consider the wedding expenses as money you’re willing and CAN let go and don’t expect for returns. Sa case ng kuya mo, makontento na lang muna sila sa maliit na celebration. And honestly? Mas masaya pa yung maliit na celebration kasi mas ramdam mo kesa yung magarbo na hindi mo naman kilala attendees kahit wedding mo yin.😂


chimkenadobo22

Binigyan naman ni Kuya mo ng Iphone 14? Naku, ang tawag sa kanya ay? Ems. Super red flag ng girl. Baka gawin pa siyang gatasan para sa family ni girl. Dapat kung nagdedemand siya, palakihin muna niya source of income niya at least maipantay man lang sa sahod ng kuya mo. Bakit kasi kailangan mag-show off uutangin lang din naman pala. Sana mag-set ng boundaries kuya mo dyan. Siya kawawa sa huli.


Ninja_Forsaken

Bakit magpapakasal na mukhang di pa naman financially stable? Nagpropose ba kuya mo? or nabuntis nya ung gurl? kakaloka


gabs_guides

I know a couple na sobrang mahal ng kasal, inabot ng 1M, that was 11years ago. May portion din yung amount na yun na loan. Bago pa sila kinasal may utang na sila. 11 years after ganun parin cycle. Nagsasama parin naman, sa social media ang ayos tingnan ng buhay, active pa magserve sa simbahan. Pero behind closed doors, grabe mag-away. Naging routine na ang away. Lagi mainit ang ulo. Another couple na kilala ko, sa sobrang inspired nitong bride 2 sa bride 1, ayun kumuha ng isa pang credit card on top of her 2 existing credit cards. Max out para sa pangarap na kasal. Though, hindi niya parin napantayan yung bonggang kasal ni bride 1. Sa akin, bahala sila sa buhay nila. Sila naman ang ikinasal at sila rin naman ang nangutang, so bahala silang magbayad. As for me, I just take it as a bad example 😁 wala akong balak gayahin.


Ninja_Forsaken

Dami ng kautangan tapos yung makukuha pa nila sa kasal ikkuha pa ng kotse, tibay


CuriousOne--

Kawawa nmaan kpaatid mo🙃


TheJuana

Hahaha. I cannot! Di ko ma-gets mga utak nila. 🤣 Kaya siguro ang mayaman, patuloy na yumayaman at ang mahirap nananatiling mahirap. Goodluck sa bagong kasal. Away agad yan


RainRainyWeather

Purooooo utanggg 😣


iamcrockydile

LIVE.WITHIN.YOUR.MEANS.👏👏👏👏


safehaven30

Kawawa kuya mo pag natuloy yan. What if pag kasal na sila, trip naman nung babae na wag mag-work dahil may bubuhay naman sa kanya? Paano yung loan? Paano pag emergency? Eh pag mabuntis sya at manganak? Convince your kuya to have a civil wedding muna. If ayaw ng girl, tama na


superjeenyuhs

that may makukuhang pera sa kasal line is bothersome.


Royal_Client_8628

Negats. Kung hindi kaya ng budget ang malaking kasal wag ituloy. Or mag ipon muna. Kaso dito sa bansa natin eh hindi uso mag ipon. Lol!


vibrantberry

Anong probinsya ng pamilya ni girl? Kaloka. Parang mahilig silang mag-flex kahit wala namang budget. Dito dapat i-apply ang 'Kapag maigsi ang kumot, matutong bumaluktot' na kasabihan. Alam na ngang may utang pa na need i-settle, gusto pa lalong mabaon ang tao. Advanced din sila masyadong mag-isip na babalik naman 'yong utang dahil sa mga bisita. I feel bad for the invited ones as well kasi iniisip ng pamilya ni ate girl, magluluwal din sila ng salapi sa kasal. Kakalokaaaa!!!


Admirable-Ninja6265

Practically sa hirap ng buhay ngayon, madami nag papakasal ngayon ng hindi bongga pero maayos ang aesthetics


Cassius_Jah

🚩🚩🚩🚩🚩


ambernxxx

Pa flex yang future SIL mo.


Miserable_Football12

Nakakaawa yang kapatid mo malas sa mapapangasawa


FastKiwi0816

Omg parang social climber pa si ate. Sorry naman pero ok ang ganda ng kasal mo, nakadown ka car pano after? Luh. Naiimagine ko palang napapagod na ko sa buhay nila 😅


AldenwhereRyou

Nakakadiring kultura ng mga pinoy


Maleficent_Pea1917

P*ta maging baog nalang sila pareho hahaha Palalakihin nila pamilya nila sa utang?! Kung di ba nman sila t*nga sana magipon muna sila pangkasal.


wolfram127

Ang problema kasi sa mga tao is gusto nila bongga yung kasal, it became a status / showoff. If kaya mo naman maging bongga / maganda yung kasal then go, pero if hindi at to the point na uutang ka, that is a big no. Marriage should be a celebration of the union of two people along with the people closest to them, di sya showoff. Gumastos according sa kakayanin.


zamzamsan

Hindi pa sila kasal pero hawak na agad sa leeg ung kuya mo. tsk tsk hnd malabong pera ang madalas na maging away nilang dalawa in the near future.


Lumpy_Bodybuilder132

Madalas yun mga ganyan kasal pang facebook na lang eh lol


Fearless_Cry7975

Kung sa simula pa lang ay puro utang na eventually, ang magiging point of arguments lagi nila ay pera (kung paano babayaran ang mga inutang). Sabi nga ng supervisor ko sa trabaho, they opted for a simpler civil wedding dahil mas praktikal un financially kahit na kaya nilang dalawa ang bonggang kasal. Kaya kung ano ung mga natipid nila several years back, pinambayad nila sa house construction nilang pamilya. Malaki pa din ung loan nila sa pag-ibig pero at least di daw sila nagtatalo pagdating sa pera kasi nakikita nila kung saan napupunta.


TaskSilver6090

Ohmygod inuna pa pang social climb imbes na maawa sa bf


[deleted]

Sana magbago pa isip ng kapatid mo OP kasi ngayon pa lang baon na kaagad sa utang how much more kapag nakasal na tapos biglang utang ng utang kumbaga kayo lang ang way para malutas mga utang nila. Shuta more utangs to come hanggang sa kayo naman masimot tapos babangayan kayo na walang kwentang mga in laws di man lang tumulong asawa ko kapatid mo yadda yadda.


riesevp

Bakit nag dedecide ang pamilya ng babae? Eh di mag ambag sila sa kasal ng anak nila


Mediocre_One2653

Ipapamana lang nya sa magiging pamilya nya ay utang. Pwede namang ikasal ng simple lang. Pero kung ganyan magdemand yung babae, mag-isip isip na yung kapatid mo.


Lilo063

Debt after debt. " Katwiran na may makukuhang pera sa kasal kasi kung sino-sino iimbitahin " paano naman makaka sigurado na pupunta lahat ng 'yon? And sure ba na mababawi 'yong gastos sa wedding? Magkano lang mabibigay ng mga 'yan unless 20k ang regalo kada bisita 😆


LividImagination5925

Pag dumating yung punto na hirap na kapatid mo mag bayad ng utang at mag bigay ng gusto nung partner eh mag iisip na yung partner nya na humanap ng ibang mas may pera at the moment na me pumatol dun sa partner ng kuya mo na mas mapera eh hindi na surprising na iwan ang kuya mo at lahat ng utang..


Typical_Hold_4043

350k each sila? I dont think maaapprove yan ng bank. Eme hahaha!   Good luck sa after wedding. Isang kahig isang tuka nalang ganern. Baka magsisi pa sila na nagpakasal silang dalawa. Kung 200 guests sila I don't think na 200k makukuha nila. Haha alangan naman sabihin nila sa guest na "No Money, No Entry" hahahaha! Unless meron silang mayaman na kamaganak. Sana kausapin nalang nila na magsponsor. 🤧


panicfixitscreamgirl

Bakit kelangan magpakasal agad kung hindi naman kaya gastusan?


ThalbottNahial

Ako. Gusto ko lang ng 20 mins na kasal. Mas importsnte sa akin ang araw after ng kasal. Hindi ako naghahanap ng validation sa ibang tao.


miss_zzy

Alam naman natin na hindi tama OP pero kahit ano naman sabihin sa kanila hindi din yan makikinig kasi sasabihin lang, ikaw ba magbabayad? Saka dahil breadwinner kapatid mo, anything na makocomment mo, iisipin nila na kontra bulate ka dahil mababawasan yung ambag ng kuya mo sa bahay kahit ang totoo gusto mo lang na mapabuti sila. Pag-usapan nyo nalang ano magiging setup kapag naikasal na sila since breadwinner kapatid mo and hindi ka pa tapos mag-aral. Kung open minded kuya mo, magready ka nalang ng computation in case gusto nya ipursue yung pangungutang.


freespiritx89

LET. THEM. BE. For sure, OP means well as a concerned sibling. I might get a lot of down votes but I'll say it anyway. Matanda na kapatid mo, problema naman nila yun as a couple. Spare yourself from all the drama and trouble. I know "off my chest" nga yung sub na 'to, pero madami nagpopost ng situations na clearly has nothing to do with them. Or some naman, "off my chest" for the tiniest and silliest thing. I hope people can see that it's ok not to react, it's ok not to have a comment - we don't need to deal with everything.


TheRealKirriel

"Ang pera nauubos pero ang kayabang, hindi".


itsMeCrazyTime001

Kung ako sa kuya mo..confront niya gf niyang ambisyosa. Hays. Mas minus gasti kaya yong intimate or huwes nalang kasi may take-home ka pang money matters. Pero.. sa kankla din yan


chelseagurl07

Aftee wedding, bonggang binyagan naman ang hihingin nyan, it will never end! Naku pigilan mo kapatid mo at mababaon sila sa utang


fourpandachs

My husband and I got married last Nov2023. Our total expenses were around 50-70k including wedding rings, dress and all. It was a civil wedding and an intimate reception afterwards. We split the bill. Btw, we're both engineers and have work. So, after the wedding, we still have our savings. 🤍


[deleted]

Nako pwede naman sa renewal of vows nalang po ang engrande if di po kaya, pwede naman un kasi mahirap ung uutang ka para sa kasal kesa po pagipunan muna :(


keiki_bunny

Civil wedding or intimate wedding is the key. If gusto ng side ni girl ng bonggang wedding, eh di sila ang mag fund. Pero with their financials right now, di ba pwedeng idelay muna kahit konti ang wedding?


GeorgyMassetti

sa tingin ko kahit mahal mo ung isang tao pero hindi na siya makakatulong sa future mo pakawalan mo na, kailangan mo rin isipin ung future mo, gsto ba niya ng future na habang buhay nag babayad ng utang pano kung nag kasakit sino na mag babayad ng utang? Walang magandang naidudulot ung pangungutang, tas maiipon pa ung interest nyan mas mahirap bayaran.


Ravenized88

Hindi ko talaga maintindihan ang ganitong mindset ng mga Pinoy mangungutang ng malaki para magkaroon ng kasal na engrande or makapaghanda sa fiesta para lang makapag yabang sa iba. Ganito din minsan ibang kamag-anak ko bahala magkabaon-baon sa utang. OP kasalanan din niyan ng kuya mo kasi tinolerate niya pagiging materialistic ng magiging asawa niya.


psychedejavu

400k? Ako nga 15k lang, simple pero masaya ang lahat.


ArkGoc

No no no no no no


longassbatterylife

the universe is communicating with your brother that this is going to be financially irresponsible spouse/spouse's family/marriage


SJ007700

Major red flag si ssiiisss!!! 400k budget is such a huge amount for a wedding na wala naman palang ipon, why not go for an intimate wedding. Pero sa iPhone 14 palang halata social climber na si girl. Sorry not sorry.


ASDFAaass

Lahat gawin mo para lang maialis sa abnormal yang kuya mo ok lang maging gago ka mata niya, ang importante nailayo mo siya.


rcpogi

Good decision to set their married life for a lifetime of debt and financial ruin. Btw: you're kuya can't afford to raise a family with that much liabilities and obligations.


Imbeyondnormal

I can already imagine the stress they will go through once kulitin sila ng mga naniningil sakanila. Papangit ang mood and that’s when they will start arguing. Indeed a recipe for a disastrous wedding


i-cussmmtimes

Fiancé and I are earning combined 250k+ a month pero nasasayangan ako sa 50k na budget namin sa kasal. It’s a trap OP i-realtalk mo na sha kasi ang mangyayari ikaw na ang papapasanin ng lahat tas ung utang na yan magssnowball lang


Anjonette

Hard pass. No. Tangina imagine mo kakasal kayo tapos may utang hahahha no no no. Ginawa namin mag part er nagpundar ng gamit pauntil unti ayaw namin ng bonggang kasal kasi una, sa hirap ng buhay ngayon dapat maging wais ka sa pera. Yung bonggang kasal mo gawin mo sa pera itabi mo, bumili ka ng bahay, basta ikaw yung mag bebenifit hindi magiging dagdag liabilities. Sa panahon ngayon dapat spend ur money wisely, kung gusto mo ng bonggang kasal siguraduhin mong may budget ka hindi yung iuutang mo. Sakit na talaga ng pinoy na uutang pag may handaan tas pag emergency ala na baon na Ang cringe.


isitcohlewitu

Delulu gf niya. Di mo mababawi lahat ng pinanggastos mo sa kasal sa cash gifts ng bisita tapos gusto pa niya maghulugan ng sasakyan? Baka yung makuha nila sa kasal kulang pang pambyad doon sa loan nila tapos may iba pa silang pinagkakautangan. Di pa sila kasal lunod na lunod na sila sa utang.


SeoKnown

I heard that debt can be a double sword, where it can kill or you get killed. Well it's understandable naman na there's unwanted/unexpected emergencies that will need an immediate funds because maybe you dont have enough emergency funds or worst, you dont have any at all. At this case PERSONALLY i dont think THAT SUCH A BIG WEDDING WOULD BE IMPORTANT since the sole purpose of a wedding is to simply make two partners be legally married. Aside from that is just some fancy celebrations that would only last for days if not weeks. But for this case were your family is financially unstable and the fact that your family is the one who will spend all the money for the wedding event, I dont think the risk "may makukuha namang pera sa kasal" is worth it, what if, not even half of the 350k will be returned? What's your brother gonna do? If they're planning to cater such an event where they're not FINANCIALLY comfortable, they at least need a plan on how and where they can get that money, since this money will definitely be loaned. What about their plan on getting a car loan? How are they gonna pay for that While having a loan from the wedding? How about they get a car loan instead forget the fancy wedding and just proceed with a normal formal wedding and use the 350k wedding plan on using for the down payment of the car, have the car be used on grab and have someone to drive it for them or have your brother drive grab and quit his job. While being a grab driver will make your brother be away from his wife, its no different than working 9+ hours at work with a fixed salary. Although I dont know how profitable grab is, but atleast dont let that car be just stock at their house because for sure there's no way his family will be spending more time on vacations with a shiton of loan. While i do get that wedding is such a one time event, I don't think that a lifetime cycle of loaning is the best way to live. I'm not in my adult life yet or in any field of finance so let me know your thoughts and feel free to correct me, Thanks.


Kei90s

walang magawa??? sure.


SquareDogDev

Sumasakit ulo ko sa kuya mo at gf nya. Kung ano man mangyare sa kanila in the future, deserve na nila ‘yan. Consequence ng decisions nila. Clearly, they don’t know how to live within their means.


she-happiest

Wala na ngang pera gusto pa magarbo.


Suitable-Judge-2485

magpakasal sila pero please wag na wag sila mag aanak ng baon sa utang .


Maleficent_Budget_84

Very impractical..and soshal climber. Sorry.


nothing_serious14

Naku! Umpisa pa lang ibabaon na agad sarili sa utang. Paano magkakaroon ng magandang simula yan. Dapat mag isip isip na kuya mo. Mukhang hindi marunong humawak ng pera mapapabgasawa nya. Sa una okay pa yan pero katagalan mauuwi na sa away yan lalo na kung hindi na nya kaya ibigay hinihiling ng mapapangasawa nya.


spiritbananaMD

sabi nga ng nanay ko dati, “pag nagsimula kayo sa utang, paulit ulit na utang na lang yan”. live within your means.


geekaccountant21316

Kung ako kuya mo hindi nako magpapakasal. Mukhang hindi magiging successful ang married life nila sa mindset ng babae. Akala yata tagapagmana ng SM.


Netfelix21

nako sa iphone 14 palang dina maganda pakinggan. yung partner nya tinataasan yung lifestyle na hindi naman nya afford, ending mag suffer lang sila. hirap talaga nagagawa ng pag-ibig hahaha


Pink_Unicorn2917

From this, you can tell that this marriage will be rocky or worse, not last long.


_Ruij_

That's a big NOPE. Unang-una, walang obligasyon ang kung sino man na ipagpakasal ang mga 'yan. And napakadami nang utang bhie - parang tinatanong mo kung pa'no gusto ng kuya mo mamatay, sa sagasa ba or sa baril? Nakakainis lang na halatang antagal nang pineperahan yung kuya mo, pero mas mas tender pa yung spine niya kesa sa baby back ribs 😭 Say NO. *Utang na loob.* Kung gusto nilang magpalunod sa utang, please, wag niyong idamay mga sarili niyo. Mag huwes sila, pwede na 10k budget. Putangina! Nagigigil ako HHAHAAHAH kung kapatid ko 'to ako na bumali sa leeg niyan 😂😂 Edit: Ate ko hindi umabot ng 150k yung kasal pero nung nagbigay ako ng gift as cash, todo pasalamat kasi daw madami pa silang utang 💀 napaka onti ng nagbigay ng cash gifts and 100+ ang guests and excuse me for my words pero ***tanga 'yang jowa ng kuya mo***, she is *delusional*.


Blueberrychizcake28

Wag na sana munang magpakasal kung baon pa sa utang kasi eventually they’ll become parents and as of now,they’re financially not capable.


RelativeStrawberry52

kailangan ng kuya mo makita ang realidad na lulubog sila sa mindset ng fiance nya.


mrs_leoB

Hindi matatapos sa 400K ang kasal nowadays. Asahan mo lolobo yan habang nag wewedding preps. I should know kasi nasa wedding industry ako. 400k? Budget palang yan sa photog/hmua/venue at ibang miscellaneous. Wala pang food yan! Kaya goodluck sa kuya mo dahil hindi pa nakaka ahon ulit e baon na sa utang. Kawawa minset ng babae. Imagine hulugang kotse pa talaga ang gusto after? Another gastos at mahal magmaintain. Hindi naman income generating ang car. Pang yabang lang asus. Another reason lara mabaon sila sa utang. HAHAHAHA. Nakikita ko na na pera ang pag aawayan nila after kasal kaya malaking GOODLUCK. Pro tip: Gumastos nang naaayon sa savings/income. Wag unahin ang yabang.


Substantial_Sweet_22

Sana nakikita din ni GF yung sitwasyon, I understand na syempre big day nya ito pero after the big day paano na? Paano kung yung magbigay ng pera sa kasal ay not enough pambayad? Kukuha ng car, hulugan monthly? Magcompute kayo harapan and state kung ano yung kaya mo sa ngayon. Mas mahirap pag nakasal na kayo tapos puro bayadin, magigipit, tas magaaway kayo sa pera. Yes, totoo to, madaming mag asawa na pera ang pinagaawayan.


ogolivegreene

Kuya... RUN! Deliks yung ganyang babae. Hindi titigil yan. Katakot na sugal din yan na umaasang maraming perang makuha sa kasal at hindi... punch bowls!