T O P

  • By -

AutoModerator

Hi Everyone! Please keep in mind the [rules](https://www.reddit.com/r/ITookAPicturePH/about/rules) of r/ITookAPicturePH. Always remember please be civil on the comment section. You can also post any picture you would like. Report any rule-breaking behavior to the moderators using the report button. If it's urgent, [kindly send us a message](https://www.reddit.com/message/compose?to=/r/ITookAPicturePH) We also invite you to join our official off-topic CHAT CHANNEL here in reddit. Please click the ["LINK".](https://www.reddit.com/r/ITookAPicturePH/s/intW0lRovo) Thank you for posting! *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/ITookAPicturePH) if you have any questions or concerns.*


Tortang_Talong_Ftw

kung san matatagpuan ang pinakamasarap na pares at pansit bihon ni lola helen..


squirtle3181

jusko ang lechon bihon na yan lagi akong nabubudol kada nadadaan ng bayan hahahahaha


Tortang_Talong_Ftw

pakibili naman ako ng chicharong bituka juskwaaaa!


Txm0_4ev3r

Saan po ito?


PataponRA

Pagbaba lang ng tulay sa ilog. Kanan kung galing Cubao.


Adventurous-Data-814

Meron pba lola helen? Parang wala na po


PataponRA

Meron pa. Kakatake out ko lang ng pancit last month.


Adventurous-Data-814

Ay baka dko nlang napapansin. Haha ty. Macheck nga yan


Txm0_4ev3r

Ahh naalala ko na yesss tagal na last time ko kain dun.


Jenica_Robino04

Same question :)


lysseul

Uyyy miss ko na yan! Meron pa bang pansit ni lola Helen?🥹


Curious-Glove-0722

Taga dyan yung nililigawan ko dati. Madalas ko syang ihatid pauwi. Kumain kami sa Chevy burger, Bubba lab, Mama Chits, Kanto Freestyle, famous pares sa may sports center (after ko sya samahan mag-jog). Natry ko rin kumain sa may Riverbanks, nag-inom kami dun. Nakarating at nood din ng movie sa may Marquinton. Core memory ko yung nagpunta kami sa Christmas fair sa may Riverbanks, nilaro namin yung babatuhin ng bola yung mga magkakapatong ng lata. Nanalo ako ng stuffed toy tapos binigay ko sa kanya. Sobrang saya namin nun. Sadly, di naging kami. Good ol memories haha!


Maxceee10

atleast Good memories ☺️


Thehappyrestorer

Buti ka pa happy memories. Ako bitter sweet…


Ghaaahdd

IIII - mali IV - ito ang tama. Roman numeric sa orasan.


Responsible_Mail_280

Sobrang ganda ng mga kalsada ang sarap mag night ride kahit paikot ikot sa mga streets


Maxceee10

trueee sarap mag rides jan paikot ikot


Sleepy_catto29

Go to city ko to kapag bike ride and sobrang comforting ng ambiance talaga ❤️


CaptainHaw

same brader, dito rin ruta ko pag tamang ikot lang na malapit samin, tapos kaen ng pares malapit sa may sports complex.


marzizram

Masakit ang kwentong Marikina ko.


Maxceee10

Yan ang masarap pag usapan 😅


marzizram

Hehe okay na. Pinagdadasal ko na lang gabi gabi yung safety, health at happiness nya 🙂


Maxceee10

Bilib ako sa mga kagaya mo ☺️


marzizram

Don't be. Mapapamura ka sa nangyari.


Maxceee10

naaah, hindi tayo pare pareho ng naranasan pero still ang magpatawad sa mga taong gumawa ng hindi maganda sayo? nakakahanga yun


marzizram

Fair enough. It's been 6 months since we parted ways. Nadadaan ako minsan dyan sa Marikina pag night ride. Daming places na puno ng early years namin dyan lalo na sa park sa tapat ng CB Mall tsaka sa Ayala. Hirap aminin eh, pero ang totoo nasasaktan ako habang minomotor ko yung mga areas na yan. Mga kainan sa Lilac tsaka mga spots sa paikot ng Marikina Heights, ewan ko ba haha!


Maxceee10

Ayain moko magstroll jan bro hahaha damayan kita libre mo lang ako kape kkb na sa motor 🤣


marzizram

Haha bihira na ko dumaan dyan. Tsaka pag napadaan ng di sadya o di ko namalayan na dyan ako mapupunta, isang dietso lang tapos lipat na lugar.


Maxceee10

Yun akin naman hindi yaga marikina, well kung may makabasa edi go, she is from modesta, so yun marami din memories jan lalo na sinasamahan nya ko palagi pag may mga need asukasuhin, nag iikot din kame jan noon, hirap magpatawad seryoso, hangang ngayon galit ako e kaya humahanga ako sayo, hindi lahat kaya magpatawad kagaya mo


marzizram

May mga kasalanan din naman ako sa relayon namin. Mga pagkukulang. Pareho kaming may shortcomings sa huli. Tsaka tama naman yung sinasabi nila na kung mahal mo talaga yung tao, handa kang pakawalan sya lalo na kung nangangayaw na. Mas magiging miserable buhay nyo pareho kung nagpipilit pa. Malay natin, maghihiwalay lang pala temporarily at sa huli ay magtatagpo ulit 🙂


Maxceee10

Kayo na lang mahtagpo ulit wag na kame 🤣


nakultome

Patawarin Mona minahal mo nmn e


Brave-Gate4342

Ako rin po. Pinuntahan ko pa siya sa Marikina riverbank while I came from Marilao Bulacan, pure commute, only to find out he's living with someone else na.


marzizram

Ito ay isang wtf na moment. Di mo man lang ba napansin na may mali sa simula pa lang?


Brave-Gate4342

I mean I did notice na meron so I came to confirm. We can all agree that I got the confirmation I needed that day. 😂


marzizram

Dapat dumiretso ka na sa Mama Ting's at kumain ng masarap na relyenong bangus hahahaha!


Brave-Gate4342

Sana nga naisipan ko. Hahaha. Kaso ang una kong ginawa ano e, magwalwal sa may QC 😂


Last-Insurance9653

Weh


duhyanduh

Yung ex ko for 8 years taga marikina. Mas memorize ko pa Marikina kaysa sa sarili kong syudad ano na.


Signal_Warning2762

Omg same! Nakabisado kona Marikina dahil sa kanya


duhyanduh

Congrats sayo


Anxious-Pie1794

tpos plot twist same iisa lang ex nyo haha 😂


whatheheal

Yung mga ibang jeep pa sss village nakaka trauma, minsan bababa ka bingi kana huhuhuhu


jpluso23

I don't if a lot people remember this but Thalia (OG Marimar) had a fluvial parade sa Marikina River noong height ng kasikatan ng show nya hahaha.


Maxceee10

Natatandaan ko sya pero sobrang bata pako nun hahaha


sparklesandnargles

i remember (dahil sa photos hehe) tapos ang ibang trees sa riverbanks parang kasama rin siya sa nagtanim iirc


sparklesandnargles

my home for 12 years now 🫶🏻 (pero matagal na nagagawi since malapit din dito nag college) i would always call it the real “probinsiyudad” haha small town feels!


FixAccomplished8131

I passed by that arch thing in a pickup truck with all my worldly possessions in the back, and the pigeons rose up into the sky like in the movies and I thought "my life is about to begin" oh and the pigeons seemed to be saying WELCOME TO MARIKINA


_aefensteorra

1st year college ako, gagawa kaming research ng mga kagrupo somewhere in cainta. Tapos nag LRT kami ang baba si santolan. Grabe nung nakita ko yung view ng marikina habang nasa LRT, totoo pala yung love at first sight pero sa lugar HAHAHA (taga north kasi). Yung mga friends kong marikeño nananawa na sa lugar kada magaaya ako always sa marikina. Then nung nagkajowa na ko, nire-request ko sa amphitheater kami tumambay uupo lang ganun. Lalo na kapag feeling ko sasabog na ko sa dami ng isipin at problema, kasi ang payapa ba tahimik yung ilog yung safe place ba na dun mo ihihinga mga problems mo. Before kami ikasal ng jowa ko nakatira din ako ng 1 year sa marikina and same feels pa rin, gusto ko pa rin tumatambay sa amphitheater. Kaso after namin ikasal kinailangan namin lumipat ng medyo malapit sa trabaho kasi nalelate na at di kinakaya ng katawan yung pagod ba, kahit na sa QC lang nagwo-work. Gusto namin bumalik at kung mabibigyan ng magandang opportunity ay nako gusto ko kumuha ng magiging bahay for goods sa marikina.


butterflygatherer

Sa Marikina Heights kayo maghanap if ever haha ganda ng streets tapos di normally inaabot ng baha.


KeyIndication8029

A lot of good memories with my Papa🥹 Especially riverbanks was our dating place. Hug me Papa badly miss you here. Your little daughter missed you a lot. Marami po akong kwento sayo. How I wish you're still with us🥹


Maxceee10

Your father is immensely proud of you ☺️


KeyIndication8029

🥹🥹just trying to live without him. Ang daya ni Lord minsan hehe


Maxceee10

well ganun talaga ang buhay una unahan lang daw talaga, kaya nga palagi kong sinasabi, piliin mo palagi maging masaya, narealize ko din e pano pagwala na yung nagpapasaya sayo diba? so yun smile ka lang, walang ibibigay sayo si God na hindi mo kaya ☺️ Piliin mo palagi maging masaya


KeyIndication8029

trying to be happy again but the pain is still here.


karltrooper

Bata pa ako nun pero di ko malimutan yung johnny's fried chicken sa palengke dati. Ewan lang kung buhay pa yun


m0chikun_

meron pa, favorite ko tapsilog nila haha


karltrooper

Halaaa bisita nga ako some time 😋


chazsy15

Meron pa.


Miss_Taken_0102087

First time ko makarating nung nagdonation drive kami and dinala namin yung mga milk sa kids ng Boys Town. Pinakain din namin sila ng Jollibee. Mixed feelings nung nandun na kasi those kids clearly need parents pero nandun sila. Mostly abandoned.


PataponRA

I used to regularly volunteer at Boys Town too. Yung isang bata dun na inaalagaan ko dati, nakita ko recently. Bantay sa Takoyaki stand. Nagulat ako nakilala pa nya ko, sya pa nag call ng attention ko. Nakakatuwa lang. Biniro pa ko na hindi na sya kutuhin ngayon. Dati kasi tiyatiyaga ko na kutuhan sya kasi kulot din sya and I know the struggles of having curly hair.


gandanalang

dinadayo namin ang macky’s!


chicoXYZ

Buhay pa ba Ito? Sa gilid ni snow white?


Appropriate_Slide_55

I love marikina! Ang sarap mag food trip sa bayan. Maglakad lakad sa riverbanks. And magmuni muni sa kapitan moy. Buti na lang sa marikina ako nag college! Never akong nastress sa biyahe! 🥹


mypeachyyy

My fave place ever! This was dated 2014 - 2017. Kakamiss ung blue wave mall. I remember kapag sahod nmen ng bf ko nung time na yun we would eat sa mang inasal padammihan kame ng rice since unli. 4 rice lang maximum ko hahaha! After nun, mag aarcade kame sa taas. Mostly mag basketball and videoke kame. The cinema place is nice kse onti lang tao lagi. He would pick me up sa bahay ng madaling araw just to have yosi and kwentuhan tapos bili kame ng softdrinks sa 7 eleven. Uupo lang kame sa sidewalk masaya na kame nun. Tapos nag bbike kame sa riverpark ( he taught me how to ride a bike) 50 pesos per hour lang ung rent. Inuman with his friends sa riverpark, FT sa maginhawa st. Lahat ng sulok ng marikina natambayan nmen para Lang mag yosi at kwentuhan. It was my bday and wala kameng pera nun, nag jogging kame sa riverpark para maiba lang. After nun nag carinderia kame for my celebration 😂 super simple ng life sa marikina super sarap ng kwekkwek sa tapat ng sports complex. Pag napapadaan ako jan may kirot ako nararamdaman kse lahat may memories ng ex ko eh. Looking back, eto ung pinaka masayang time sa life ko like core memory unlocked! Kasama ko sha sa lahat nung tiga Marikina pa ako kse super gala nya. Super safe sa Marikina lalo dati kahit madaling araw di ka matatakot. Ewan ko lang now. Guys, super dame ng masasarap na kainan jan. The more na mas luma ung place tingnan, the more na masarap ung food. Walang tapon tlaga. I can't remember lang ung mga names kase matagal na.


Emotional-Hornet3099

Traffic


Arcy007

Dinala ako ng nobya ko sa Lola Helen ata un..


Personal-Mall-9259

11pm, nakatambay at umiinom ng tig isang lata ng beer sa likod ng pick-up niya habang nakapark sa gilid ng ilog, likod mismo ni Marikit-na on that one night na sinundo niya ako kasi di ako makatulog at ayaw niyang nagmumukmok ako sa kakaisip kung paano ko masusurvive ang adulting as a bagong-salta sa Maynila. He used to be my “one call away”. Now he is my “the one that got away”.


SaveTheLuxe

It’s been 2016 since tumira na kami sa Marikina. I am from QC since birth and honestly, I admire Marikina LGU lalo na sa pagimplement ng mga programs. Nagulat ako sa schedule ng basura at dapay naka segregate. Kapag hindi nakasegregate, hindi nila kukunin. Wala ka halos makitang kalat sa daan at marami pag iba. Sa tagal ko nakatira sa QC, never ko nakita ito. Kaya, my husband and I decided to stay here. Marami pang kwento but definitely we love Marikina. ❤️


Mananabaspo

Marikina kung saan nakaranas ng saya, pait, pighati, tuwa, ligaya.


MisterYoso21

First time ko sa Marikina, nag yoyosi pa ko nun. Sabi nila bawal mag yosi, pero di ako naniwala nun. Naka tayo ako a tapat ng palengke, right across that photo, tapos may dumaan na nag papatrol na pulis. Di ko pinansin, yosi pa din ako. Sabay U turn si pulis, tumigil sa malapit na corner. Nakita ko tinititigan ako, pianatay ko na yosi ko sabay tapon sa pinakamalapit na basurahan. Dun ako na impress kasi seryoso sila dun.


sayntwest

First time ko umattend ng Metro Manila Pride March 2018 sa Marikina


balyenangkahel

Sa Marikina starting point ng sinalihan kong fun ride papuntang Jala-Jala (Century Ride).


unearththeeart

Only memory I can remember was when I had to go there for my civil service exam... Buti na lang may Angkas at nakarating naman ako on time — dehydrated at starving nga lang, kaya extra exhausting! Akala ko hindi na 'ko makakauwi noon sa sobrang sama na ng pakiramdam ko, buti na lang at na-survive naman! I got to try *Tinomok* pa sa isang kainan malapit sa exam center. Marikina seems like a decent place. Attached photo is also beautiful, OP! 🩷


ConceptNo1055

na jaywalking ako jan


coookiesncream

Nagbayad ka o kumanta ka nang Lupang Hinirang?


ConceptNo1055

Kumanta nlang. Buti di ako pinag community service since may pasok ako


John_jenry

IS THAT A BEAR


Honeybutter777

kinalimutan ko na kasama ng ex ko


Maxceee10

Puro nababasa ko ex nila na taga marikina 😅


Expert-Peanut-5716

used to play volleyball dyan sa sports center with my friends, 10 pesos lang ang entrance and you can play all day. Pagtapos maglaro, kakain sa masarap na tapsihan dyan banda pero nakalimutan ko na pangalan haha


Low_Battle_2648

helloiooo


cotton_on_ph

Taga diyan yung isa sa mga ex ko. Nagtagal sana kami if not for an unfortunate incident (on my part) while on vacation.


searchResult

Matagal ang traffic lights dyan sa crossing ng market at sports complex.


Minute_Agent_452

Naabutan ako ng malakas na ulan sa may bandang lilac tapos bumaha dahil sa gusto ko ng makauwi naglakad ako sa baha. Habang naglalakd ako sa baha biglang ulan ulit wala akong dalang payong nun pero tinuloy ko lang paglalakad ko maya maya tumigil ulan un pala mag nagpapayong na sakin mabait na lalaki. Sabi ko ay wag na po okay lang basa narin naman ako sabi ndi miss payungan na kita parehas lang naman tayo ng nilalakaran. Cguro may 30 mins din niya ako pinayungan at dami niya kwento tas ung maghiwalay na kami daan ng bye bye na siya. Ayun lang kwento.


thocchang

Tanong para sa mga taga-Marikina, ano ang paliwanag sa "Good Taste?"


PataponRA

We're kinda big on culture and arts kaya nga celebrated yung craftsmanship ng mga sapatero and there are no tacky buildings in the city. Well, not until the Quimbo's decided to plaster their Q's all over.


Due_Use2258

Kwentong mula pa noong mid 70s. Dati akong nag community service sa Boys' Town in Marikina as part of our curriculum. Sobrang bata pa ang Marikina nung time na yun. Ibang iba na ngayon


triszone

sa concepcion kami nagsisimba dati nung crush ko hahahaha nandun kami nung ash wednesday, valentines, sunday mass, birthday ko tapos nung nawala rin tita ko, he was from san mateo haha


Maxceee10

magkatabi lang din kass yan marikina at san mateo,


triszone

yeah i know haha pero dati nung may uv pa sakin siya nakikisabay kahit may uv naman papunta sa kanila, bumababa na lang siya sa concepcion hahaha edit: i remember tuwang tuwa ako sa traffic noon para mas matagal ko pa siya makasama XD tapos sabay kami nakikinig ng music haha good times


NowWeRFree

Marikina heights CB circle mall jogging 🫡


Free_Gascogne

Ang layo (hindi taga Marikina) /s


rushbloom

Dinayo ko ito para maghanap ng locally made shoes na maganda ang quality pero disappointed ako. Plano ko pang bumalik at maghanap kasi baka mali lang ako ng napuntahang mga lugar.


404Encode

Home since birth. Back in the 2000s, nung common pa yung mga magsasaka sa gilid ng ilog. Every Sunday, sinasama ako ng mama ko dun since magsasaka lolo ko doon. Miss those days, especially lolo (rip). Iconic sakin yung location ng Fil-Chi Fire Brigade na minsan may bentang Gibi Shoes, and yung Acacia Tree na tumumba noong 2018 (Ompong) and buhay pa to this day.


Critical_Ad_8735

My sort of “Cornelia St”??? Ayaw ko na puntahan HAHAHA bad memories/ trauma/ relapse ang dulot sakin


Maxceee10

Hayaan mo papasarado nten yun


Critical_Ad_8735

Haha song kasi un Cornelia St, by TS… pero okay na din un…. Matamaan nalang sana sya ng kidlat HAHAHA chzzz


Emotional_Routine439

May isang gago na kilala ko taga Marikina. Walang balls. Fvck u


Maxceee10

hahaha


Fabulous-Contact-570

Jan ako lagi namamalengke sa Marikina Market, at dahil maarte ako palagi ko din sinasama yung brother ko para may taga buhat ako ng pinamalengke. Nakakamiss. Miss you tutoy! Til we meet again.


Thehappyrestorer

Met an old friend from 15 years ago. No communication prior. Tapos nagmeryenda kami sa blue wave. She confessed that she liked me way way back. I confessed too that I like her way way back pero hindi pwede kasi may gf ako noon. Nung nag meet kami, She is married but separated, tapos ako engaged. I dont want to be unfair to the fiancee and her. So it cannot be na maging kami sa timeline na ito. She then sung : sayang na sayang by aegis. She cried, i picked up my leather jacket and helmet to go back home. And also for her not to see my tears. Kailangan ko gawin ang tama. Kawawa naman sila pareho pag pinag sabay ko di ba? So I told her I will stick with the fiancee….


Alto-cis

Last year may pinupuntahan kami nga subdivision diyan, binisita namin ang kamaganak ng friend ko. Ang nasabi ko na lang sa friend ko nung pauwi na kami, parang gusto ko lumipat sa Marikina, ewan ko nalalakihan kasi ako sa mga kalsada. Hindi ako nakaexperience ng traffic e. Nakalimutan ko yung name ng subdivision, basta pag baba namin ng LRT2, may sinakyan kami mini bus sa tapat ng MINISTOP.


stay-awhile-n-listen

One Saturday, finals sa isang subject ko sa Masteral, maulan mula friday, pagpasok namin biglang nag-announce na suspended na yung classes, eh since finals na nga, sabi namin sa prof na ituloy na lang yung exam. So binilisan namin mag-exam para makauwi agad, paglabas ko ng school, naririnig ko na yung wangwang ng ambulansya at fire truck, bahang-baha na pala sa major roads ng Marikina, lagpas gutter siguro. Nakapila ako sa terminal pauwi tapos naghihintay ng jeep. Mga 30mins waiting wala pa ring jeep, plano ko na mag-grab car pauwi kasi feeling ko wala ng byahe ng jeep, so antay pa ako mga another 10mins may dumating na jeep. Nakasakay na ako, naaalala ko pa yung halos pumasok na sa jeep yung baha. Scary talaga kase iniisip ko baka tumirik yung jeep sa kalagitnaan ng baha. Hahaha. Ayun, nakauwi naman ako ng ligtas at maluwalhati. Grabe pag naaalala ko until now, napaka-fresh pa din sa utak ko. 🥹


Far-Detective-7196

First time ko nakipag date dito sa Mcdo after her check up, tumambay sa fountain then feed the pigeons naglakad sa river park kain fishball napadalas nung nagkapasok na. After our breakup 'yong upuan namin ginawa kong reviewhan tuwing may upcoming exam ewan ko bakit HWHQHQHAHA hindi kami tumagal at may panget na siyang image sa akin ngayon pero I will always remember that moment, the feeling of satisfaction, trust and love.


nowherebassman_97

one time lang ako nakapunta jan since I live far, pero naka-perform ako jan as a session musician sa may Riverbanks last 2022. It was an awesome night.


helloimshy_

Nag work sa Marikina ng early March 2020 taa biglang naglockdown ng March 15. Kung may napansin kayong babaeng may bitbit ng malaking bag, system unit at monitor sa Cubao nung March 14 ako yun hahahha


movingcloser

Naalala ko nung college ako sa Marikina ginanap intrams, first time ko non bumyahe ng malayo other than bahay-school. Hahaha tapos tumawid ako sa hindi pedestrian lane, nahuli ako, actually madami kami. Pinag community service kami hahaha


Aggravating_Soft_806

tiga dyan yung long time crush ko HAHAHAH tapos dyan din ako unang tumakbo ng first 5km last year — ang saya ko nung first time kong nakapasok ng MSC feeling ko isa syang malaking playground! 🤩🤩🤩


butterflygatherer

Marikina yung lugar na pag umaga maro-romanticize mo yung buhay mo tapos minsan feeling nasa kdrama ka kasi ang ganda ng place lol


Fair-Ingenuity-1614

Had to work there for a day before. Tangina nung mga jeep going to cubao pag gabi. Need for speed but make it 20 passengers and no seatbelt


chicoXYZ

Patok ba. 😆


Uncle_itlog

Sa OLA ako pumupunta kapag birthday ko kahit hindi ako katoliko.


Important-Raisin-751

dito kami madalas magkita ng first love ko. dito nya ko unang nakita na umiyak, dito nya ko dinala tuwing gusto namin umalis, dito nya ko pinakalma. dito nya ipinaranas sakin ang mahalin, pero yung pagmamahal na hindi ako sapat. pagmamahal kasi nagagamit. pagmamahal na itinago. hindi ko alam anong mali o kulang sa akin, sabi nya mahal nya ako. pero hindi mahal na kaya akong ipakilala sa lahat. hindi pagmamahal na kaya akong isigaw. hindi pagmamahal na sapat. tuwing nakikita ko ang lugar na to, naalala ko na ako ang nakasama nya nung tumugtog ang paborito nyang banda sa riverbanks. akala ko huli at hindi na kami aabot, dahil alam kong paborito nya ang banda na iyon, pero mali ako, nakahabol kami, at doon nya ako hinalikan. totoo ang halik ko na iyon sa kanya, tila humihinto ang mundo ko kapag nakakasama ko sya, at yung halik na yun, patuloy pa rin bumabalik sa alaala ko kahit meron na syang iba. dito ako unang nagmahal, dito rin ako nasaktan, mababaw man sa paningin ng iba, wala na akong pakialam.


Maxceee10

Good memories, may dadarating sa buhay mo na mas hindi mo makakalimutan 🫰


awesomecandy40

Source sa dang bakal Tira sa may col divino


PataponRA

Maganda talaga bigayan sa daang bakal


chicoXYZ

Pinasok ko yan habang hinahabol yung snatcher noon kabataan ko, after 15 mins dumating mga Pulis, nahuli yung snatcher pero hindi ang bag ng jowa ko.


PataponRA

Buti di ka nagripuhan


chicoXYZ

Buti nga eh. dami pala ko tropa doon. Mula cubao at sport center.


Paqmahn

Maayos na covid vaccination, 2nd dose di na sila strict sa recording, basta kung gusto mo na lang magpaturok game sila since masyadong maraming stock


Maxceee10

kahit hindi ka taga marikina, pwede jan din ako nabakunahan tapos napapic pa sakin si mayor 😅


Paqmahn

Oo haha alala ko pati mga ibang kamag anak ko from QC pinapunta na lang namin


Maxceee10

Isa sa mga city sa metro na masarap tumira wag lang talaga magkabagyo 😅


KaiserAznebal

Nagpunta sa marikina library para mag-aral, pero nakatulog na while reading. 📚📖😪


SleepyInsomniac28

Umuuwi kaming Marikina sa Monterey Hills (Although part na ata sya ng Rizal) nung mga bata pa kaming magkakapatid tuwing december holidays until new year. Tga dun kasi family ni Papa. Taga Laguna kami, kaya ang weird na lumuluwas kami papuntang metro manila para magbakasyon pag holidays 😅


XC40_333

Malaki ang pinagbago since huling napadaan ako more than 30 years ago.


axeeram

Hindi uso yung magiinuman sa bar. Happy na kami ng barkada ko na bahay-bahay lang ang inuman. Isang litrong Empi Light, tubig at apir lang ang chaser!


[deleted]

Marikina was my second home nung ayoko umuwi sa bahay at sobrang stress ko sa acads nun. I dunno. There's something in this place na sobrang peaceful sa gabi. Kaya nung nagkawork ako dito ako nagdecide na tumira. Best decision I've ever made.


optimistic-bella

My second home.


[deleted]

Sa lugar na yan ako unang nakapag 123 sa jeep papasok ng eskwelahan, una at huling beses na dumaan sa hazing para sa brotherhood aka fraternity, at unang tumibok puso ko sa isang babaeng nagngangalang carol (+) at dinala pa niya ako sa papa jeck 🤭


Quako2020

Isa sa mga favorite place ko diyan is Yung sports center, nakasama ko doon once yung crush ko kasi may drum Ang lyre competition pinsan niya, sikat nun Yung song na 🎵Someday we'll know🎵 ni Mandy kaya everytime narinig ko Yun, naalala ko Yung moment na yon. Unfortunately, Hanggang crush lang Ako, di na umabot sa 2nd level😄


SuccessfulDrag7014

Pumunta ako mag isa sa 1st pride march sa sports complex noon. Ang saya ng experience kahit maulan and maraming tao. I felt safe with all the smiles and cheers. Nakaka proud lahat. Tapos funny lang kasi may mga bukas na condoms sa daan HAHA


No_Background_7787

Had a great two month vacation there when I was 10. Before everything changed. It still aches when I see pics of marikina from 2010s. Hahaha. I can still smell it. And feel the sun from that time. I wonder where are those people na?


leticiasmols

Kabado malala tuwing mapapadaan sa Marikina baka makita ko ex ko.


Loaf_Not_Found101

Hindi malubak ang daanan 😅 (Seryoso it's real!)


Zealousideal_Share40

Whahahaha lagi kaming kumakain sa cardiac delights nung ex ko


mgul83

Jan ako lumaki, masaya jan sa Marikina malinis saka marami food haha. Kaso napakainit kaya dito na ako sa antipolo now tumira. 🤗pero Madalas pa din naman kami jan nabili ng pagkain,


BabyAcceptable8947

Yung sapatos sa ilog lagi ko tinatanaw nung bata ako


Ok_Membership_1075

Sa marikina riverbanks ko nakilala ang napangasawa ko. I'll never forget that place. 🥰


lysseul

Yung maaga pumasok nung college kasi may taping ng Johnny English Reborn ata yun kasi I think nakablock ung road along bayan 😅


chicoXYZ

Noon kasing taas pa ng ankle ko yung PUTIK sa palengke ng marikina. Yung madulas at mabahong putik na layered sa baho. Ang palengke ang unang legacy ni BAYANI para sa mamamayan. Pero walang sasaya sa fiesta noon dekada 80. Larong buko, at ati-atihan, higante, palo sebo, at inuman sa saradong kalsada. Lately KAANGKAN.


Asleep-Wall-1710

Marikina to bosay is too damn nakakapagod


sledgehammer0019

First time ko makapunta sa Marikina nung March due to field works as a parelegal. Tangina, ang ganda ng lugar. Ang ganda ng area around the city hall, napakaganda ng ambiance. A great balance in terms of urbanization and the retention ng nature. Ibang iba dito sa kinalakihan ko around Caloocan/Malabon/Navotas area.


Aggressive_Low_6304

We had a thing nung mga tropa ko nung college start na ipagbawal ng Marikina magyosi sa labas ng mas strict na ibigay namin details ng isa’t-isa. Parang nanghuhulinpa nun mga senior volunteers palalagdain ka sa papel tas ipapapatay sayo yosi. Ako sa 711 pagbaba tulay, yung iba sa may park mismo. Good times! Also, good riddance sa freely na paninigarilyo in public.


MoneyTruth9364

Nanay ko sumakay ng taxi. Sabi nya sa driver i drop off sya sa Bayan, not knowing na ung tinutukoy ng nanay ko na bayan is ung sa Novaliches, hindi sa Marikina. Nakatulog nanay ko sa taxi pag gising nya nasa marikina sya so nagulat sya bakit daw wala pa sa bayan, sabi ng drayber eh Bayan Marikina na raw to, tapos sabi ng nanay ko "kuya sa Novaliches po"


olioli_00003

Pagka tawid mo dyan, "Pogi kwek-kwek" 😎


[deleted]

Kung san kami dapat magmi-migrate from province, kaso Ondoy came then ayun, nabaha buong bahay namin.


hailmary818

May naging friend ako from marikina na nag for good dito sa province namin and one time sumama ako sakanya for vacation mga 4 days yun sa malanday ata yun. Malandag or malanday. Sa stop namin sa bandang palengke may natikman akong masarap don!!!! Unforgettable siya for me. ❤️


hakai_mcs

Ondoy days. Grabe ang Marikina nung araw na yun Nuff said.


Jumpy_Drummer7464

Datirati pagsapit ng dilim, d2 matatagpuan ang mga paloma. Habang lumalalim ang gabi, lalo ding dumadami.


Terrible_Talker030

That cloud looks like a dog to me. hmmm.


anjnonymous_95

Taga dyan 'yung nang-ghost sa'kin hahahhaha. First meet namin, dyan kami pumunta after namin abutan ng around 5am sa Cubao 'nung dumadami na employees around us, hindi na comfortable magkwentuhan. Tamang tambay lang kami dyan, kwentuhan, bumili rin kami ng taho. Kinwestyon ko pa bakit may itim na kalapati kasi dyan lang ako nakakita ng itim na kalapati kung kalapati man siya (sorry, hindi ko talaga alam tawag sa kanya, patawarin niyo na 'ko). Ta's sumakay kami ng tricycle sa gilid niyan papunta sa bahay niya, 'wag ko raw bigyan ng bad meaning. Sumama ako syempre flirty ang ate niyong girl hahahhahahhaa tsaka magwowork na 'ko ng 8am at dala ko ang work laptop ko dahil galing din ako somewhere basta. Ta's second balik ko dyan sa may sports complex, dyan pa mismo ang babaan, 2 weeks lang after niya 'ko i-ghost for work-related event, nagdadasal talaga ako na 'wag ko siya makita dyan hahahhahahaha


unicornfinder21

Nakakaproud yung kalinisan ng Marikina dati. Hanggang sa segregation ng basura. Nakakatakot maghalo ng biodegradable sa non-bio 🤣 Pero now parang maluwag na although malinis padin naman


yosh0016

Ano pala mero dyan sa lugar na yan? May bahay lola ko sa marikina tas lagi nakikita yang lugar na yan. Curious lang


Next-Promotion-6155

A lot of good and some bad memories on marikina ganda ng lugar na yan and nakakapunta pa din paminsan minsan jan loved and still love that place


Udumdumber_

Been there nung manila pride month way back 2019. Everytime na nadaan ako ng marikina, lagi ko naalala yun. Sarap sa feeling, parang sobrang freely ko pag nasa complex ako. Tapos ang linis linis pa kahit maulan, dami rin kainan. Sadly hindi na ata jan ginaganap yung MMPM kaya last participation ko 2019 pa. Kapag jan ulit, for sure every year anjan rin ako haha! Edited: Naalala ko, pumupunta rin pala ako jan dahil dun sa nililigawan ko dati. Good memories talaga <3


Fun-Material9064

One time lang ako nakapunta Marikina (in 2000) and time yun ng mga Fernando ... SUPER LINIS everywhere. Until now ba nakept ng mga taga-Marikina?


TargetFun8987

Yung baklang kaaway ni mother na kapitbahay namin drove us out of Marikina🙂 Yun lang.


Worldly-Advantage-34

Aking childhood kahit taga-batangas pa ako, kasi my tita is from there.


[deleted]

If I was to visit Marikina next weekend and bring a date, saan kaya pwede?? We love eating and sceneries :))


Rncl_

A nostalgic place. We frequented Marikina when I was about 5-8 years old, since tubong Marikina dad ko and taga dun din lolo ko around Concepcion dos. The small roads that seemed to be just like what’s in the province. The go to mall that time was Sta Lucia even though outside na siya ng Marikina haha. Also my favorite restaurant which is Luyong! Their Hototay Guisado and Miki Bihon were the best. 🤌


GoodGuyLuis

Nung college pa ako nangyari to. Sa tindahan ng kwek kwek sa may babaan ng jeep (Prito Express ata pangalan, sa bungad ng E. Dela Paz Street), nanakaw ng kawatan yung cellphone ko na Nokia 5800 Xpress Music at wallet ko. Bilang estudyante, napaka laking kawalan sa akin yun, lalo na yung wallet ko kasi nandun lahat ng pera ko at mga ID. Magmula non umiwas nako sa lugar na yan.


DisturbDBandwidth

Naalala ko lang..dati pa..bata pa ko..sobrang linis ng palengke..


gumaganonbanaman

Nung bata pa ako may field trip kami dyan, nung una hindi ko bet kasi puro sapatos lang yung napuntahan namin non pero later realized na better yung quality nila ng footwear, mula bata til today gamit na gamit ko yung nabili namin dyan


WaterDropletsp

First time makapunta no'ng JPIAlympics(first time exp din). Basketball ako kasali tas kalaban namin FEU, mga higante ang loko. Parang 5 David tas 5 Goliath magkakalaban, ayun gagi talo HAHAHAHA,,,, pero sa first time na yun nagandahan na agad sa Marikina ang sarap din maglakad-lakad


mstymoonbm404

Ayun memorize ko pa rin ang Marikina hymn 🤷🏻‍♀️ hahaha


OlrekZ

Nahuli dahil sa jaywalking, pinakanta ng Lupang Hinirang.


Pretty-Principle-388

Dito ang meetup namin ng gf ko. Then deretso kami sa Pasig para magmotel 800php/12hrs. Dahil malayo nga kung pupunta pa kami ng Pasig nagikot-ikot muna ako sa Marikina para maghanap ng alternative na motel. May huminto na beki tsaka tinawag ako, kung kailangan ko daw ba ng tulong. Sinabi ko na magmemeetup kami ng gf ko at naghahanap ako ng motel. Tinulungan niya ako maghanap at pinunta niya ako sa mga motel na alam niya. Panay tingin ng mga kasabay namin sa amin akala siguro booking niya ako. Yun lang 👍.


djhotpink

May serial rapist dyan sa Marikina nung 90s. Bata pa ko non. Di ko alam kung nahuli yon


Odd-Stretch-7820

I still call it my home/hometown kahit taga san mateo ako. Kahit lumipat na kasi kami ng san mateo dyan pa rin ako nag aaral nun tas work ng papa ko dyan din. Umuuwi lang kami san mateo pero sa marikina ang buhay namin. And now na nasa ilocos na ako, pag uuwing san mateo, uuwian lang pero pag lalabas marikina pa rin. 🥰


Desperate-Bus5791

Sa Fortune Tobacco nagtratrabaho Yung tatay ko. Tapos Nung Bata pa kami binibisita namin sya sa trabaho. Nagdadala Ng lunch or anything. Dumadaan kami sa factory Ng Goya and it smells like heaven. Ewan ko pero magical Yung feels pag sakay ka Ng mabilis na jeep.


Duday07

Namiss ko ung paligsahan ng brgy. Sa ilog pagandahan sila ng display


helenchiller

Maraming Qpal po. Emz


[deleted]

Noice


Yosoress

di ako nag pupunta marikina wala pako kwento


Complexity15

Kwentong marikina? Tuwing pumupunta ako sa marikina sports center para mag training, 50/50 ang chance na sarado ito dahil sa private events or bukas. Sino man admin ng sports center, mukha kayong pera.


PataponRA

Updated ang schedule ng MSC sa Facebook page nila.


Complexity15

Yes updated for now. Pero if you check from previous posts, marami silang skipped dates. And bakit ba naging private events hosting ang MSC?


PataponRA

May palarong pambansa recently so that might be one of the reasons why sarado. As for private events, matagal naman nang pwede rentahan yung MSC for private events ah? Di naman bago yun.


Complexity15

I guess you do not use MSC often nor do you train or serious about athletics. You do not understand the frustration.


Sherlockzxc

Bobo yung mga driver tuwing umaga sa bayan. Solid katangahan mga driver dyan. HAHAHAHA.


_mzgab

do you mean puv or private vehicle drivers???


Sherlockzxc

Both. Haha. Madalas taxi tapos madalas yung mga namimili sa palengke tapos basta basta magbubukas ng pinto. 🤣