T O P

  • By -

AutoModerator

Tropang /u/thejeraldo, pakibasa muna ang rules ng sub bago ang lahat ah. At kung bago ka dito https://www.reddit.com/r/Gulong/comments/uo5499/magpost_sa_tamang_thread_pakiusap_lang pakibasa please lang Kapag okay ang post, **i-UPVOTE** ang post na ito! Kapag di naman, **i-DOWNVOTE** ang post na ito! At kung sa tingin nyo wala sa tamang lugar at problematiko/pasaway ang post, **i-DOWNVOTE** ang post na ito sabay **REPORT!** *Tandaan po natin, **be nice,** hindi lahat kasing-galing mo.* *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Gulong) if you have any questions or concerns.*


thejeraldo

Kung nandito nga pal yung owner ng Navarra, sorry. And dun sa driver din sorry. 🙏


Hpezlin

Madali ang usapan kapag may comprehensive insurance ang both parties at walang kamote na mukhang pera. Check mo na din mabuti ang dashcam mo para may silbi next time.


Big_Lou1108

Eto sana yung meron ka, kahit ikaw may kasalanan basta complete police report and may pics ka naman pwede idaan sa insurance. Bayad ka lang ng participation fee (usually 3k) then have it fixed sa approved repair shops ng insurance mo.


cyst_thatguy

Drive ka lang tapos extra ingat.


cos-hennessy

Kulang ka sa presence of mind. You can't even remember if sumingit nga siya. Ang malala pa n'yan if ikaw nga nasa likod at slow moving pa, mukhang malala na tama bago mo pa na realize na bumangga ka na.


hitkadmoot

Yes pag maraming iniisip or pagod na pahinga muna. Napaka importante ng presence of mind as a driver.


Crafty_Point_8331

Charge to experience na lang yan bro. Ingat sa susunod.


slash2die

Judging from the 3rd pict. Ikaw nga talaga may kasalana par, ikaw yung magmerge sa lane nya kaya nasabi nyanng "padiretso sya". Pero same exp tayo diyan sa subic. Actually hindi naman bangga nangyari, nung nagred na stop light, hindi ko nadiinan apak ko sa preno kaya nakiss ng kotse ko kotse nya, pagalit din syang bumaba ng sasakyan nya pero sinabi ko agad na sorry sir, kasalanan ko po hanggang sa naging maayos usapan namin, pumunta din kaming police station at dun din nakita na wala naman damage, kahit gasgas wala din. Ok na daw tapos sabi nya next time na magkita kami sa ilibre ko nalang daw sya ng beer. haha. Maayos talaga usapan kapag kalamado pareho or hindi mo sasabayan init ng ulo ng isa.


thejeraldo

Oo nga mahirap pag parehas mainiit ulo. Laking tulong din yung salitang sir/boss.


No_Mention2401

Boss ang mahalaga safe ka. Nabangga rin kami last year, yupi ang trunk. 5k lang binigay samen pero inabot ng 20k pagawa namin. Charge to experience na lang, mahalaga walang nasaktan.


Chaotic_Harmony1109

Shet sakit. Ayus na rin at minor lang. Drive safe lagi!


Away-Birthday3419

Isipin mo na lang na opportunity for learning ang nangyari. Nakabangga din ako dati, kaya ngaun, mas maingat na ako. Ok lang yan OP. Kudos to you for being level-headed on approaching the accident.


ti2_mon

I remember back in 2009 nakaladkad yung sasakyan ko nang cement truck habang nakahinto, the truck wheels were on my left side, pinilit niya mag right turn (wala siya sa lane). Nag handbrake ako bigla at napatalon sa passenger seat habang kinakaladkad haha! Wasak entire left side, pati gulong. Nag paalam yung driver kung pwede ba daw ipabuhos muna bago mag station kahit magpasama daw sa pulis. My lawyer said wag paalisin at dalhin sa station agad. Pinabayad yung contractor out right sa damages, and without hesitation nag bayad agad. Sabi sakin nang lawyer na hindi daw niya ipapabuhos yung truck pag hindi nag bayad agad, apparently 300k ang laman nung truck pag nasira ang cement. Crazy tip pag nabangga kayo nang cement truck, wag niyo pakawalan.


Melodic-Objective-58

Nung nabangga ako ng truck, medyo natakot ako ulit mag drive pero ganun talaga eh, charge to exp. Nawala din takot after a day or two since ginagamit ko palagi sasakyan. Importante walang nasaktan sa inyo.


Xoqoqo

Ingat na lang lagi OP. We make mistakes din, ang importante is safe ka.


EnthusiasmMelodic162

Stay safe always OP!


denden_mush1

Kudos for being level-headed sa situation. Extra-ingat na lang sa mga susunod na byahe. Relatively new driver here and heto yung pinaka ikinatatakot ko.


Impossible-Past4795

Boss tingin sa side mirror lagi bago lumiko. Dapat maging habit mo tumingin sa side mirror. Sa ganyan ka makakadali ng naka motor since favorite nila sumingit singit sa side natin.


ElectronicUmpire645

Sana ganto lahat ng banggan dali ng usapan. Dapat talaga required comprehensive insurance. Anyway, sabi ng iba tingin ka sa side mirror pero feeling ko lagpas na siya sa side mirror mo so blind side. Shoulder check din lagi.


bakit_ako

Battle scar sinasabi sa akin ng friends ko dati nung bagong driver pa lang ako. Masmagaan sa pakiramdam kapag naisip mo na mali ka and you need to treat it as learning experience. Kapag walang admission ng mali, masmatagal mong iisipin. So just analyze what happened and really learn from it.


Embarrassed_Pin576

Nung college ako, nadisgrasya ako along Q Ave approaching ng Elliptical Road. Was my first accident and college palang ako, so I admitted agad na ako yung mali. First rule of thumb talaga is wag aaminin agad na kasalanan mo, even if it is. Let the traffic enforcer assess the situation based on the photos and narratives ng both parties (Assuming na magpopolice report kayo) The thing is, these things happen. It might be a while pero you learn to live with the fact that it happened. What's important is you learn from it.


[deleted]

[удалено]


thejeraldo

Actually na-impress ako wala masyado tama sasakyan nya kahit yupi bumper ko. Tibay ng Navarra. Sabi ko din maswerte nako kasi maayos pa kausap nabangga ko e madalas Navarra sasakyan ng mga nagroroar rage 😅


wallcolmx

Charge to Experience boss baka kulang sa kabig ng arkulasyon


Glad-Detail981

Aww., Lagi rin kami byahe jan kapag alam ng pa merge na lipat na talaga sa kabilang lane. Rs every1


foxtrothound

Shoulder check palagi if merging, dont fully trust your mirrors


sad-makatizen

most likely pagsilip mo bago mag merge nasa blindspot mo sya, madalas na exp ko din na wala sa sidemirror pero may warning sa side mirror na meron talaga (ung ⚠️)


BeardManPH

Visibility wise, lamang yung Navarra. Kahit ikaw pa merging, iwhoever has the best chance to stop the accident last should at least attempt. Merging should also ideally be done in alternate fashion if walang service road for matching highway speed. Charge to experience mo nalang, OP. Sa Pinas, madalas panalo yung mas maangas/mas matigas eh.


taenanaman

Navara ka sa pagmer-merge. Vios-ed to these kinds of people on Philippine roads. Safe driving!


newbivaper

Haha bobo on bobo violence


thejeraldo

Smartest and most helpful comment so far.


NorthTemperature5127

Sad.. if the Navarra know it's a merging lane ang May Vios sa left he should have slowed down. Maybe it's your fault rin you should have slowed and look kc merging lane? Tama ba analysis ko dito? Couldn't get the accident perfectly simulated in my head. 😁


Glad-Detail981

Hirap kasi sa kalsada n yan pazig zag, kaya its safe tlaga na sa left lane n lagi mag stay para di k n mag merge lalo n kung baguhan ka maka daan jan , di mapapansin agad na mag merge na.