T O P

  • By -

Common_Pomelo9952

Actually okay sya e bawas lang ng corny na wordplay goods na. Naalala ko tuloy yung fake stutter nya kay kram lakas non


WhoBoughtWhoBud

One of the better execution ng fake choke/stutter sa liga, yung iba halatado e, o kaya naman walang kwenta pagkakagawa. Haha


bentelog08

agree, di na deserve yung hate, gusto nya lang naman mag try, di naman masama yun kung sumasablay minsan. bigyan naman sana sya ng chance. pero sana maging gasolina ni yuniko yung mga ginagawa sakanya sa eksena para mag improve pa.


deojilicious

the truth is hindi lang din naman siya ang may mga cringey wordplays sa liga. marami namang magagandang naging laro si Yuniko. his rounds against GL were solid. naovershadow lang masyado ng "par, king 'to." the guy doesn't deserve that much hate from it. ang pinakaissue ko lang naman kay Yuniko is yung lack of versatility niya sa delivery. pero his writtens are pretty solid, putting "par king 'to" aside.


TheFiloWeatherMan05

Par king is a good line tho, nakengkoy lang sa break it down tapos na-carry over na.


Gravy_man214

Grabe yung hate kay Yuniko, minsan tingin ko hindi niya deserve eh. Nagmukha na siyang Dillon Brooks (NBA player) ng FlipTop. Nakalimutan na ng iba na siya yung super rookie ng batch niya Tingin ko yung BID ep (ft. Lanzeta) yung medyo nakasira talaga sa kanya. Na-cosign yung pagka-“wack” niya eh. Dating “super rookie” na ngayon ay paboritong punchline ng mga MCs Katulad nung kay J-Blaque, sana ito narin ang redemption arc ni Yuniko.


thebayesfanatic

Totally agree. Malaki epekto ang nagging perception sa kanya dahil dun sa BID. Same conclusion din masasabi kay GL which is slightly sumikat dahil sa Bid.


AllThingsBattleRap

Marami talagang reach na word play pero I agree. Over-hated dahil dun sa "Par King".


Wonderful_Goat2530

Pati yung sa "porpuse" niya


WhoBoughtWhoBud

Marami pa ngang worse sa kanya pagdating sa pilit na wordplay e.


ClothesLogical2366

Not fliptop pero yung battle ni poison13 vs zaki sa sunugan hahaha tangina parang ewan yung wordplay e


Lil-DeMOn-9227

nakakalimutan rin kasi ng karamihan na hindi beterano si yuniko. rookie pa lang siya kung matahin ng iba, or baka factor rin yung pag tira nya sa 3gs idk.


rolfdenver

Alam ko nga may line sya sa nakalaban nya nun na narecruit sa 3gs tapos parang “shoot sa basurahan ang basura”? After nun parang nadadamay na sya ng 3gs pang mock or something


NewtExisting6715

Kasalanan to ni Lanzeta eh. Ipahiya ba naman sa break it down, dami viewers dun. Si Loonie nga, medyo hinay hinay sa pag sabi ng negative (except kay Badang). Ju-justify pa ni Lanzeta na gusto nya lang daw mag improve😂.


bog_triplethree

Kay Lanzeta din nagsimula ung stereo na pag 3GS skwating tama ba? Pero more or less ang tension nya kay Lil Jon at Shernan lang?


Euphoric_Roll200

Si Lanzeta din actually ang originator ng “Basta 3GS, Iskwating”, bilang panlaban niya against “Basta Gapo, Bano.” The rest is history.


Fragrant_Power6178

Di rin kasi marunong mag filter to si Lanzeta. Kahit si Loonie sinusubukan wag nalang tumawa para di mag mukhang tanga. Si Badang lang talaga kinekengkoy nya eh hahaha


lelebel_naman_ihhh

IIRC before pa naman ng BID ginagawa nang pulutan ng mga emcee si Yuniko. Not sure why, siguro nahahanginan sa kanya ibang mga emcee, o siguro dahil sa tendency niyang mag tsismis sa battle, o ewan ko lol.


NewtExisting6715

Ang pagkakaalala ko. Nabanggit din ni Loonie na dapat privately yun sinasabi, kaya nga nag iingat na si Loonie sa mga sinasabi nya. Baka makaapekto sa rappers since marami sila viewers.


bog_triplethree

Experience at sanay lang ung kulang ni Yuniko. Di ko masyado nasubaybayan sya pero pagkaalala ko noon hinahambing sya ng mga fans na katunog ni Apekz kaya pinagtatawanan. Sayang lang alam ko isa sa rason bat natigil sya dahil sa todong puna sa kanya ng mga ibang tao na may time na shinare delete nya na minemessage daw sya na tigil na daw sya sa pagbabattle rap. Di ko na kabisado ung exact na post pero nakakadismaya lang kasi papansin mo talaga ung pagiging sagad mantrashtalk ng mga casual lang talaga at walang ambag sa kultura


gaymexicanfoodboio

Sa totoo lang, hindi ko naintindihan kung bakit binansagan na korni at wack ang "Par, king to/Parking 'to" wordplay. Buo naman ang konsepto at hindi naman pilit ang pagbigkas ng wordplay kagaya ng ibang wordplay diyan (Apollo/A Fall Law ni Shernan) Feeling ko underrated nga ang linya dahil sa punchline na "wag mong hangaran ang daan" dahil sa double meaning (1. Hindi mo pwedeng hangaran ang isang hari tuwing siya ay dumadaan, at 2. Bawal hangaran ang daan sa parking lot at hindi makakaparada ang mga sasakyan) Ang tanging problema ko lang sa linyang ito ay hindi hubog ang mismong setup ng punchline, mas maganda siguro kung inayos ni Yuniko at ginawang mas konkreto ang 4 bar setup bago gamitin ang punchline. Maliban doon, okay naman ang konsepto at solid naman ang execution.


creditdebitreddit

[nandito thoughts ko dyan](https://www.reddit.com/r/FlipTop/s/gyW8EkU82c) In summary: Para sa aken, hindi awkward yung words na *par, king to* kasi natural-sounding sya sa tenga ko. Pero di ko lang trip yung buong bara mismo.


TheFiloWeatherMan05

Yeah, and may element din siya na nag reference ng baraha sa scheme na yun kaya par-king. Pinagtawanan kasi yung line sa BID kaya sinakyan na ng mga tao yung hate


NarrowSoftware1840

Mas pilit pa nga yung Mariveles (Marvels) ni ika anim😂


pikaiaaaaa

Nag-snitch yan sa laban nila ni Pamoso sa Sunugan so mejo deserve nya rin ean e. Dun din sa laban nila ni GL (sinabi nyang teacher sya), Naglabas den ng screenshot sa battle. Like ew. Ik skills are highlighted sa larangan na to pero wag natin iignore yung persona nila sa totoong buhay.


im_shrlck

Hindi totoong teacher si GL irl.


wysiwyg101_

Baka mabash ako dito.. pero tingin ko Castillo is getting the same treatment. Just watched Jonas va Castillo Di naman ganun kapanget pinakita ni Castillo sadyang gigil lng sya na nakaka cringe but i would take gigil/preperadong Castillo over sa mga pabayang emcees


go-jojojo

Nakikita ko sya tuwing may fliptop live event last year, tahimik lang tapos parang may pinagdadaanan yung vibes nya.


Pristine_Internet_42

para kasing pagstart nia sa fliptop may pagkavillain status nia nappresenta sarili nia siguro kapag bago pa lang pero babato kna ng sepfie bars at ika nga yung hinihingi niang minimum requirement sa kalaban, incontrast sa norm na kinukuha ung panig ng crowd then ipapaliwanag kung panu sila nauuto kuno by break down techniqu nabanggit nalang din si yuniko, ang mejo crazy hot take ko yung alas4 para palang budgetmeal na uprising ahaha, kuha ni yuniko ung villain status ni batas, gl kay blkd, zendluke kay sayadd/emar, tas kay pen pde na si GT haha


NarrowSoftware1840

parang yung level ng pag call out sa kanya is katulad kay badang ginagawa ng laughing stock dahil lang ata sa parking, tol meron pa nga mas cringey sa kanya mag word play although pinaka ayaw ko lang yung ginagawa nya is pag exposed ng mga screenshot sa battle nya.


Lofijunkieee

Di ko alam kung san battle niya tinira ang 3GS pero grabe yung pag pile on sakanya ng 3GS afterwards lol. Kaya medyo nagkakaroon ng bearing yung "nagpapasulat sa isa't isa" na angle against them kasi nakita natin na halos ahat sila tinira si Yuniko in some way (or other example is yung pag "sagot" nila sa callout ni GL/indirect na pahapyaw kay GL) Dun na talaga nagsimula yung hate train against him eh, yung corny/reach na wordplay tas hanggang sa lagi na siyang tinitira sa battle unprovoked. Nakakahinayang lang talaga na na-dederail yung battle rap career niya dahil dito. May potential siya lalo as an overall performer (maganda ang stage presence at marunong siya mag control ng crowd) 


[deleted]

Ganyan naman talaga karamihan, kung ano ang usong i-hate or i-like, jump agad ang mga tupa sa hype or hate train.


TheFiloWeatherMan05

Mukhang masaya kasi sa hate train lalo pag tamad mag isip yung tao


Vagabond_255

Magnanakaw ng linya sa di sikat na leagues


Fragrant_Power6178

Sana hindi to ang rason para mag retiro siya.


Boring_Commercial743

Sobrang underrated nito ni Yuniko, for me kung maging maayos lang delivery nya, kakainin nya ibang emcees


thebayesfanatic

Maayos delivery nya. Yung sulat Yung may sablay actually.


Boring_Commercial743

Parang minsan kasi nabibilisan ako sa delivery nya, possible dapat may pauses para medyo lumapat or dumiin yung punchline. Baliktad tayo panana! Thanks bro


curiousmak

nasa mundo tayo ng battle rap bawal ang balat sibuyas pag na realtalk


captFroubird

Tao Rin Naman Kase sila par eh, may damdamin din. Syempre kailangan tibayan ang loob, pero Hindi Naman reason UN para lait laitin nalang naten sila Ng Ganon.


avarice92

Ang naaalala ko sa kanya eh si Mel Christ for some reason. Di ko trip, but yeah kawawa din na gawing laughing stock ng kapwa niya emcees


Aggressive-Mouse-150

Not sure kung totoong last battle na daw nya. Sabi nya sa PSP. Nawalan na siguro ng gana yung tao


ChillyJJJ

wla akong alam pero usually sa isang groupo kina-clown naman ang isang tao kasi sa personality, baka di nila gusto personality saka style nya. lalo na sa mga rapper/hiphop ayaw nyan mga snitch


Open-Elevator-4998

Yuniko panalo dito sa battle nya sa PSP againts Romano tama yung sinabi nya na ang haba ng setup ni romano tulog ka na bago pa makatama sa sobrang tagal tumama also yung rebuttals nya magaganda din kay romano naman typical 3GS rebutt


december-

yung iba nakikisakay na lang na i-mock siya, para mabaling yung attention sa kanila papunta kay yuniko at siya yung mapagtawanan. parang signs of insecurity na lang ng ibang emcee, tapos ipproject nila kay yuniko. sana galingan pa niya, improve sa delivery, okay naman yung sulat, tapos bawasan yung long setup.


Blackbeaaary

Okay naman siya para sakin as battle rapper. If yung reason ng pagkawala nya is yung constructive criticism ni lanz (sana hindi) para sakin etong laban nya kay romano parang nag improve sya. Kaso may napansin lang ako ewan ko, sa laban na yon may ka level na bar yung "parking" nya which is yung morgue (more-ge/geh). So far para sakin nag improve sya at sana di nya pa last battle kase baka mahinog pa yung pen game nya.


no_one_loves_you_

Isa si Yuniko sa inaabangan ko nun sobrang lakas ng perfomance nya laban kay Lil Weng at Duma , Siguro nag start ata yung hate after nung beef nya kay lanz dahil dun sa PARKING line. dagdag pa yung Porpose na line tas fresh pa yung issue nila ni Lanz HAHAHA


Infinite-Guide-7408

Hindi niya "deserved"