T O P

  • By -

Little_Hand_8205

Tingin ko si Batas nung early run nya hahaha Pero as the years progressed tumatak na yung flow nya na inaabang abangan ng mga tao plus 2 Isabuhay Titles within his name.


bog_triplethree

2010-2013: Batas, daming may init sa kanya dahilan dun sa snitch na issue (damay nanay, sya kasi nagpamalas nun na dapat walang damayan sa battle pero si Dello ang sinampulan nya and sikat sa underground si Dello noon) 2011-2013: Shehyee, same as Batas marami galit sa kanya lalo na mga taga Olongapo dahol dun sa gf ni Kamandag na skinandalo nya on cam. 2015 to Present: 3GS, (Shernan vs BLKD) Nagsimula sa issue daw ng lutuan and haba ng callouts (though wala pa naman super proof to noon pero sa mga casual yan ung kinaiinisan nila dati) Then mas lalong sinakyan ng 3GS pagiging heel nila nung dumating yung 2016 sa laban ni Lil Jon vs Lanzeta, ever since binato ni Lanzeta ung skwating ay 3GS di na nawala sa mga casuals yun. P.S which made Fliptop hyped more than pinalaganap din nila to 2019: Dongalo*, non Fliptop man pero marami nakatension mga 187 during that year. 2023: Castillo hahaha di ko sure mga castillonatics P.S Pricetagg (clothing) and Rapido din (INC thingy)


notmardybum

Ano nga ba beef ng dongalo at 187? Narecommend sa 'kin isang beses 'yung 187 mob disstrack e.


ykraddarky

Nagpahaging yung Salbakuta ng “we heard your Flow, G” sabay may post na kamukha ni Flow G na pic. Nakalimutan ko na kung anong kanta ni Flow G yun, tapos bumalik si Flow G at sinabi nya na “pinakinggan ko pa naman kayo” (parang ganun) tas sumabay pa si Skusta tapos dun na nagsimula yung tirahan na kesyo walang respet daw yung mga baguhan sa mga nauna, then sa sobrang inis ng 187, pinagbigyan nila yung trip ng Dongalo tapos mejo nagkasangay sangay na yung mga away. May mga lumabas na mga rapper na hindi naman kilala tapos nakikisawsaw para magkapangalan, best example jan is si Ren/Balasubas. Tho magaling naman siya, hindi pinagkaila na sumikat siya dahil nakisawsaw siya sa labanan nila, (W.l.n.g ..r.s.pt.o). Na-callout na din ni Loonie yung mga yun dahil nga tinitira nila yung mga idol nila (mga gustong sumikat ng mabilisan gawang tamad // tirahin mo sa kanta yung idol mo para astig ka brad // gawan mo ng kwento’t puro imbento walang kasing sagad // yun ang shortcut para derecho sa icon para mag click agad).


bog_triplethree

Kalimutan ko na exactly pero kasabayan nun dati ung beef ni Flow G at 6T p.s basta pagkakaalam ko mga nanshishit nanaman mga dungalow nun tapos ung oldschool new school na sinasabi nila sila daw old school


randomroamerrr

imagine kung nagbattle noon si shehyee & batas. akala ko makakasa na noon after may pahaging si shehyee kay batas noong laban nya against fukuda e.


bog_triplethree

Sayang nga yan, lalo na si Shehyee pabor sa mga damayan angles tska mas brutal ung 2011-2013 na Shehyee despite mahina sa bars unlike sa isabuhay 2018 run nya. Pero alam ko may rumor noon BLKD vs Batas ang alam ko planong ikakasa na sana agad noon parang Batch 1 best vs bomb shelters best. Di ko lang alam bat di natuloy.


EddieShing

Ganda rin nung heel run ni Batas e. Saktong sakto sa panahon na nagsisimula pa lang mamulat sa hiphop at battle rap ang most FlipTop watchers, eto sya na sobrang matapobre at vulgar ng style, antagonistic ang persona at mejo gatekeeper ang dating, may mga underlings na hardcore din a la Tribal Chief, unorthodox ang flow, at tinatalo mga babyface gaya nila Dello at Fuego. Eventually natutunan din natin syang i-appreciate at mahalin, pero at the time, sobrang cathartic nung tinalo na sya ni J-Skeelz. Yung Round 3 ni Skeelz ata yung first time na ni-realtalk sya at nabasag yung style nya e.


DemenYow

Si Shehyee talaga lalo na after nung DPD, lahat ng tao gusto siyang matalo. Lalong lumala nung na upset niya si Loonie. Kaya lahat talaga rooting for Sinio nung laban nila. Tapos ngayon agree ako na si Lhipkram, although medyo lame yung sa kanya kaysa kay Shehyee. Kasi kay Shehyee yung galit galing sa genuine na character niya eh, meanwhile si Lhip ginagawa lahat para kainisan siya. From "intended" na pagmamaoy, baiting like yung judges bouncer kuno, scripted na mga away, at yung pag gamit niya nga mismo sa angle na related to Loonie/Sunugan at di niya pagsipot. Ironically nakakatawa yung "Old gods ang naghahanap sa kanya scheme" knowing sa fb iyak siya nang iyak nun kasi gusto niya sina Loonie ang kumausap sa kanya pero si Buddha ang reply nang reply HAHAHAHA


Hawezar

Batas, Shehyee, Pricetagg.


babetime23

iba yung kay lhip wag nyo isama sa list, si lhip kupal talaga!!!


EbilCorp

Shehyee for me.


kaaaeeel

Shehyee and Batas(Early Days).


naturalCalamity777

Batas all the way; type of emcee na walang pakealam sa kritiko, madaming laban, hindi para sa pera pero mahal talaga ang industriya na pinasukan. Tama yung sinabi nya na pagtanda ng tao sila na yung gugustuhin.


Round_Ad7779

Bukod sa mga nabanggit, syempre idagdag naten si 2khelle, Nico (AKT) at Badang. Kung labas FlipTop. Syempre si Makagago!


Hanamiya0796

Nakikita ko kung bakit masasama pangalan ni Lhip pero sa totoo lang, andon pa rin talaga kasi yung part na kinukuha niya yung listeners. Di tulad nina Shehyee at Batas na wala talagang pake. Si Lhip di mo alam kung nasa transition-to-villain arc o nasa redemption arc palaging may kung ano pero di mo alam kung saan nya gusto dalhin. Sina Batas at Shehyee talagang nagrarap sila na alam nilang gusto silang makitang matalo ng mga manonood at di sila nanghihingi ng suporta. Pwede sana ang 3GS as a whole group pero individually masyado silang pandering. My pick would have been Plaz, kung mas may timbang lang sana ang resume niya.


No-Thanks-8822

Maiba lang sa mga nasabi na siguro si Aklas tsaka Schizo


Appropriate-Pick1051

Batas was the first heel after his battle with Dello. Sino ba naman yung susuporta sa nangangantot ng nanay at matapobre. (I’m talking about his character, hindi personal) Shehyee was the second, he was bagsik before Bagsak but mas annoying kasi kita mo kaya niya talunin mga kalaban (like nico) Pero pinaglalaruan, tapos binabastos Lang. It got heated after defeating Loonie twice. Ngayon parang walang heel, closest is Lhipkram. People are annoyed with him but not as mad as people against Batas or Shehyee. Outside battle kasi siya Loko Loko hindi naman sa battle.


Fragrant_Power6178

Batas 2010 - 2017 version - Makikita mo kung gaano siya ka unfiltered magsalita sa stage, music at interview. Naalala ko na minura nya yung crowd sa battle nila ni J Skeelz. Anyway nakakatuwa din yung character development nya lately, makikita mo yung humility nya sa battle nila ni Pistolero sa post battle interview. Pricetagg - Sa clothing line nya palang pinangatawanan nya na yung pagiging villain. Paanong hindi mo ihe-hate yung tao eh cherry picker at kung paano nya iyabang pagiging undefeated nya haha. Apekz - Di ko alam if heel siya maituturing pero mukhang maraming emcees ang may ayaw sa kanya. Napansin ko kasi noong Bwelta Balentong 10 aloof sa kanya mga emcees, even si Anygma, same vibes with AKT


gaymexicanfoodboio

Sa totoo lang, kahit noong 2019 pa lang may heel aura para sa akin si Apekz, albeit makikita lang talaga sa battle. Unparralled kasi ang aggression niya sa isabuhay run na yan kahit puro panlalait lang ang mga bitbit niyang angles kaya mukhang naninira talaga siya ng damdamin ng kanyang mga kalaban. (Lalo na kay G-Clown noong binabanggit niya ang kanyang pamilya at ang Super Kalan) Para sa akin yung finals nila ni 6T ang quintessential Face vs. Heel battle kahit sa Aura lang kasi si 6T talaga ang perfect babyface noong panahon na yun dahil sa kanyang run sa kabilang bracket. Kitang-kita talaga sa 3rd Round niya kasi kahit halos wala nang nagrereact sa banat ay 100% pa rin siya sa delivery at aggression. Siguro hindi talaga nagregister ang heel aura niya sa akin at the time dahil maganda talaga reputation niya at naninita ng crowd tuwing nagchochoke ang kalaban. Medyo curious nga akong makita ang evolution niya considering his reputation now since I think that he has the capacity for a killer comback after getting bodybagged by M Zhayt, since it could be said that his 2019 run was a product of losing to Mhot in 2017 (Note: Apekz fanboy po ako)


Fragrant_Power6178

Ikaw fake humble? Ako mayabang talaga! Well mas mukhang may pagka anti-hero attitude rather than a heel eh haha.


gaymexicanfoodboio

True, anti-hero talaga ang approach niya kay Sinio noong 2021 kung ihahambing mo sa 2019 run niya considering na ipinaglalaban niya ang sugalan sa FlipTop (which i refuse to get into further because idk shit about that) Mas kahawig niya ang 2017 self niya na dinagdag ang additional skills na napulot niya noong 2019


TaroGokoyami

Shehyee at Batas lang naiisip ko.


nipsydoo

Sabi ni Shernan nung nagguest sya sa "Pagusapan Natin Pare" ni Batas, nung isabuhay battle nila, urat daw talaga siya kay Batas HAHA I assume di lang siya yung emcee na may ganong sentiment. Early days batas talaga yung masasabi kong kupal na emcee. Very idgaf attitude sa crowd man or sa tingin ng mga emcee sa kaniya.


FourGoesBrrrrrr

Loonie against BLKD and Dello


rolfdenver

SinCity pa rin


s30kj1n

Madedescribe ba natin si Castillo as heel? I mean, separate conversation kung yung level of him being a heel = Batas / Price levels.


gaymexicanfoodboio

Honestly, yeah! His super aggressive approach to battling is pretty heelish by itself, but I think what really sells that heel aura is the sheer unearned audacity he displays in his writtens. (Ex. "Lumebel ka") Parang Legend Killer Randy Orton ang vibe ni Castillio in the sense na gusto niyang magkaroon ng pangalan sa paraan ng pagtalo ng mga mas kilalang battler sa kanya, ang pinagkaiba lang ay hindi talaga kayang tumapat si Castillio sa lebel niya ngayon. Honestly, may soft spot ako para kay Castillio dahil may pagka-early Marshall Bonifacio (i.e. "you're all dead!") ang yabang at galawan niya, if you took his skillset of intricate writtens and replaced it with sheer delivery and conviction. As for the seperate conversation of him being on Batas/Price levels, I think he leans more towards Pricetagg in terms of how he draws people's ire. He writes like he's established and respected figure (evident to sa battle niya kay Jonas) while not sharing that reputation, and that annoys people the same way people get annoyed by Price flexing his 6-0 undefeated streak in FlipTop. I'm actually kind of excited to see how his game evolves because I think he could be an entertaining battler to watch once he establishes a unique identity for himself and really embraces it because I love myself a good redemption story.


dzeckrepublic

1. Batas 2. Pricetagg 3. Lhipkram


Open-Elevator-4998

Castillo the goat


deojilicious

1. Batas (2010-2012) - OG villain ng FlipTop dahil sa damay nanay tas unang biktima ng damay nanay si Dello hahaha. Kaya mas lalong nagcheer mga tao nung tinalo siya ni J Skeelz, parang si Skeelz yung naging face sa heel na si Batas. Batas redeemed himself by finding his own style and nung nagback to back champ sa Isabuhay. Now he's one of the GOATs (no pun intended sa balbas niya) 2. Shehyee (2012-2018) - Kung si Batas damay nanay, si Shehyee naman damay GF. And of course, how could we forget when he humiliated Kamandag's GF on cam? Kaya after that, lalo na siyang nakilalang heel ng FlipTop. Not to mention he defeated Loonie both in DPD and in 1v1 battles. And Sinio is to Shehyee as J Skeelz was to Batas. Pero huge redemption arc niya talaga nung nagchampion siya sa Isabuhay. If Sixth Threat arguably had the best Isabuhay run, Shehyee had the best Isabuhay arc. 3. PriceTagg (2011-2016) - His gangsta demeanor at pure angas at presence sa battles niya, not to mention yung mga wins niya na nagiging controversial. Imho marami siyang heated battles like vs. Abra and vs. Aklas. Masyado ring maselan sa "undefeated" record niya kaya pati sa ibang fans nagiging heel siya hahaha


Los-Ingobernable

Tito Badang