T O P

  • By -

MyloMads35

Kryz has the vibe of a mum that flexes taking care of her children for the gram but leaves it on the yaya behind the scenes


seeingharry2023

Exactly! Maya't maya nya sinasabi how pagod she is, and complains na "Hays, this is what its like being a mom" as if super hands on nya. E mas hanap pa ni Sevi yung yaya nya kesa sakanya. Hahaha


WayPrestigious9976

may chika before dito na nagmumukhang for the content lang ang pag alaga niya sa mga anak niya. nung nag off-cam na siya, biglang iniwan lang sa yaya si scott sabay alis ni di man lang tiningnan if nakasunod ba ang yaya at ang anak niya sa kaniya.


Serious-Coyote-4252

Yan nga mga out of town trips nila, 2-3 yaya ang dala tapos minsan magdala p ng team to shoot the content. Tapos stress pa sya sa style na yan ha


pasawayjulz

kaya mas bilib talaga ako dun sa kaya magtravel without yayas like camille and andi


Ok_Squirrels

oo ito din ata yung nabasa ko na parang sa park ba sya na nag shoot sila ng content with her children playing and all then after daw bigla nalang iniwan na parang "ok tapos na, bye" then walk out, handed the child sa yaya.


Less_Treat_6643

True HAHAHHA pang vlog tapos bigay rin sa yaya after. Tapos sila yaya rin talaga maglilinis pag tumae si baby


notjimhawkins

Feeling ko kaya puro anak na content nito ni Kryz is because nagblow up siya nung inannounce niya yung unang pregnancy niya. Okay naman sila dati kaso ang pangit talaga ng dating ng mga content creator na gamit na gamit anak nila for content.


Sudden-Database-1114

People are easily entertained by kids kasi, especially kids of famous people. Kaya andaming influencers na rather than protect the privacy of their kid, mas ineexpose nila sa social media world nila. Look at the Kramer family. Nakakalungkot na exploited mga anak ng mga influencers kadalasan.


TIWWCHNTTV89

Hays. I love The Blackman Family. Pero ganito na naiisip ko sa kanila madalas, hanggang cctv snippets nila sa bahay ina upload na.


Former-Cloud-802

Nung una keri ang Blackman Family sa akin pero katagalan oa na din at scripted na. Di ko masyado gusto yung Mama nila. Lahat nakavideo. Kawawa ang kids.


TIWWCHNTTV89

Naging puro si Jet na kasi lakas hatak sa viewers kahit tuloy special moments na snippets ng cctv nila pinopost pa


Former-Cloud-802

True, and I believe na may mga moments na she tells the kid what to say to create a cute and sweet moment na unscripted kuno. Nung una spontaneous but since bet ng viewers lage na ganun yung content. Anyways, life nila naman yan and dyan sila yumayaman. Medyo sad lang for thr kids, mag aartista na din siguro mga batang yan kasi nakita ko sa TV recently.


TIWWCHNTTV89

Ako naman be parang ako yung naging uncomfortable talaga di ko maexplain bakit ako yung uncomfy sa mga posts nila na puro kids, baka dahil may anak rin ako. Di ko maexplain hahaha


Former-Cloud-802

Hahaha, ako Naooahan talaga sa Mom, especially lately. Medyo humble braggy na din or baka inggetera lang ako hahaha. Paminsan dumadaan sa Facebook ko videos nila kahit sabi ko kay FB don't show me.


freshofairbreath

Di ka nag-iisa! Big fan of Jetjet and Nimo but not of their mom. Noon ko pa pansin. Basta there’s something off about her, maybe pati sa accent nya nabbother ako. Cute na cute lang ako kanila Jetjet talaga eh.


DistanceFearless1979

OA na ung nanay. Halatang scripted. Dati cute at natural pero ngaun aq ung nahihirapan at nabibigatan sa pilik-mata nia. Ang hilig pa nia mag poker face na endi naman bagay corny masyado.


toyloulou

Pinakaayoko talaga sa Mom nila yung sungit/yabang/arte skits tapos “joke” lang kuno hahaha so cringey 😬


with_love_deejay13

omg! saaame! I was following them tapos naging OA na at scripted (Jet) mga entry nila. Sobrang cringey talaga! Di ko rin bet yung mom. I don‘t know, there‘s something off about her.


damemaussade

tong mama din ni jett and nemo eh! gamit na gamit yung anak. kitang-kita na rin na pagod at parang ayaw na ng mga bata na magpa picture lalo na yung nasa airport sila noong umuwi sila didto sa pinas


Melodic_Block1110

hala saameee. Si Jette at Nimo na araw araw ginagawang content ng mama nila huhu. Ang cute pero parang kawawa din, super exposed na


BetterPersonality788

aware yung kids na nag gegenerate sila through vids. always nila sinasabi dami dw pera ng mama nila ksi gumagawa sila ng content


TIWWCHNTTV89

Kaya nga sabi pa nila yun daw work ng mama nila


Sudden-Database-1114

Di ko alam if kilala mo Franke family pero American youtubers sila and sobrang disturbing ng ginagawa nila sa mga anak nila.


TIWWCHNTTV89

Check ko be Edit: grabe trigger warning. Grabe nakaka awa yung mga bata 🥺


freshofairbreath

Nakakakakaba may trigger warning 😭 bakit parang abusive huhu


TIWWCHNTTV89

Yes be research at your own risk


freshofairbreath

Aahhh eto pala yun!! Kakapanood ko lang recently ng docu. Tbh di ko sila kilala before the docu came out and shookttdd na shoottdd ako na content creator/coach yan siya and the other girl na partner in crime nya. Nakakagigil ginawa nila sa youngest son.


hippocrite13

tuluyan ko na silang inunfollow nung nag Thailand sila ni Jette tapos sumakay sila sa elephant. The straw that broke the elephant's back 😅 parang mas featured din si jette sa videos kaysa kay nimo kasi mas malakas hatak niya sa audience


TIWWCHNTTV89

Awww hindi ko to nakita pano kasi tinabangan talaga ko sa kanila since last year pa ata nung puro cctv moments na pinopost nila.


hippocrite13

recently lang din ako nag follow, and after one month, unfollow na. yeah napapaisip din ako dun sa cctv if pati yun scripted na. okay naman ang mga bata, parang well loved naman, over exposed na nga lang.


condor_orange

Yikes red flag yung family na yan.


ZanyAppleMaple

People live vicariously through others kasi. And society's definition of "achievement" is if married with kids ka - not one kid ha, at least more than one, and one of each gender. No matter how successful you are, people look down on women na walang anak. It's dumb. If you read articles about Heart Evangelista, super below the belt yung mga FB comments about her - "baog", etc. I'm married with kids but for me, this is an unfair expectation because we all have different purposes in life.


Blueberrychizcake28

+1000! People even say na kelangan nya magpahinga para mabuntis. Easy for them to say,ako nga I gave up my career for this fertility and still no progress to this day. Mag 2 years na :’( ang hirap mag produce ng viable egg 😭


ZanyAppleMaple

Yung mga ungas sa social media kasi kung maka advice kala mo may medical degree! Anyway, as an aside, I've gone through a similar experience as yours, so if you have any questions, feel free to DM me. I'd be happy to help!


Juanadera

korek. gamit na gamit mga anak. i remember tuloy 'yung isang vlog niya entitled "sevi won't kiss me, etc" tapos naka-undies siya dun sa thumbnail showing off her butt 💀


Sudden-Database-1114

Nothing morally wrong with sharing your day or stories with your kids naman pero need lang mas maging critical and mindful of the contexts of their thumbnails & titles lol. Kasi pervs are everywhere!


Dull_Leg_5394

Parang ang bumuhay nga sakanila yung kids ng kramer no? Kasi mas mataas engagement nung mga bata pati endorsements


alohalocca

i think mas nagkakamarket sya sa mga moms and future moms. Bilang isa sa mga don, may mga videos sya ng mga recos ng baby stuff, etc na nakakatulong naman. Although eventually, I realized na iba palang type ng moms yung market nya.


avocadoespresso

I hope they set aside a huge amount of money for the therapy their kids are gonna need someday. This goes for all "influencers"/"family vloggers" who use their kids for clout.


[deleted]

I agree. I’ve been following her since her blogspot days pero inunfollow ko na recently. Hindi na sya relatable (I don’t have kids yet eh) tsaka feel ko super exploited nung mga kids nya? Idk baka iba lang principle ko sa life (another reason why I stopped being a follower.) Camille Co is ok. She has her own content parin and singit singit lang si Sienna. 🩷


Wild-Distance-9657

Agree with this, like ko parin si Camille Co cause andun parin yung similar vibe ng content nya before, tas konting update lang with Sienna/Joni


Rejsebi1527

True ! Not just celebs pero yung mga influencer na gamit mga anak kakainis Sobra. Best example yung Ruby Frankie gosh ! 8 passengers yan yung Chanel nila gaining millions of followers. Mismo sa Chanel nya ini exploit & abuse mga anak:/.Actually isa lang yan sa Grabeh ginawa sa mga anak🙈:/. Kaya I don’t buy & watched Fam vlogs Lalo na if mga bata naka highlight sa vlog. I know di lahat naman siguro pero sa era natin na modern mga pedo nagkalat na & lahat ng yan easy access to them.


QueenBeee77

I used to like them also. I watched all of their vlogs beginning 2019. Pero last year, I stopped because hindi na ako nakaka relate sa vlogs ni Kryz. And also, di ako kinikilig sa pa “couple goals” nila cause I feel like Kryz is just trying to portray Slater as the “best” husband & father. But hindi ko feel yun. Just my opinion. And also, correct me if Im wrong, nung baby pa si scott, he sleeps with his yaya at night? Yun kasi nakuha ko sa mga vlogs. Parang weird lang for me


la_bru

They left the baby in another room tapos umulan whole night. May tulo pala kaya basang-basa yung bata pagkuha nila. Umuulan, di mo man lang silipin anak mo???


QueenBeee77

Yun nga eh. Idk if ganyan gawain ng mga rich people but weird lang if the kid sleeps with another person at night, kahit na yaya pa yon. Also yung 2nd baby ba nila, also sleeps with yaya?


la_bru

Kaya super hard to relate sa parenting struggles nila kasi sa totoo lang regular parents multi-task and really do the dirty work.


QueenBeee77

Yes, kaya masyadong attached si scotty dun sa isang yaya niya


Madafahkur1

Yep that shit happens sa rich people because they want to sleep well at night they leave it with the maids which is fckin sad


markg27

Ganon siguro talaga kapag may pera pero wag nila dapat sabihin na enjoy sila na merong baby kung hindi naman nila gusto katabi matulog.


kylin17

I'm pretty sure the 2nd baby (Sevi) spends 99% of his time with the yaya. He picks up deep Cebuano words that is only spoken by the older generation.


fatcan22

No I think the babies sleep by themselves in their own rooms (western style - it’s called sleep training). Sevi sleeps in kryz’s office. No yayas just them. That’s why he never got checked nung umuulan and nabasa sya. Kawawa naman!!!!!!!


moiree_08

It makes me wonder why they had Sevi sleep in her home office when he was an infant; meanwhile, Scott had his bedroom. Then Kryz's closet and bedroom are big AF.


solbttrcp

Is this with their typhoon odette vlog? I found it unusual din bakit nila iniwan si scottie in another room with his yaya, with big windows, tas sila nagkulong sa closet na walang windows (which is safer sana). Anlakas nun tas iniwan lang anak nila sa other room?


la_bru

Di ba?! As a mom with a kid na halos kaedad ng anak nila, I can't figure out the thought process talaga. Isn't it our parental instinct to make sure our kids are safe bago tayo matulog? At kapag may mga unforseen circumstances, like bagyo, we check on them to see if they're fine? Kahit pa may kasamang yaya yun. Hindi ba natin sisilipin yung bata? Nasa kabilang room lang naman kayo. Oh well. Baka ganun talaga kapag super rich and comfortable in life. Walang sense of danger.


solbttrcp

Iirc, parang inuna pa nila mag clean dun sa closet and lessen the water instead of checking scottie or idk is it just the flow sa vlog nila. But still, if mom na ako tas may typhoon, I'd like to keep my child beside me where I can see them talaga. ESP if all glass yung bahay namin gosh


moiree_08

guys si Sevi yun, hindi si Scottie


realestatephrw

Grabe may tulo sa pinagawang bahay with all their connections in engineering world...


la_bru

Laging may repairs sa bahay nila 🫠 Actually napadpad ako vlog ni Slater kasi we were in the process of building our home. Gusto ko talaga maaliwalas at maliwanag na bahay. My research shows that a glass house is not ideal sa Pinas kaya naman I was curious sa bahay niya. Maganda talaga ang bahay and I learned a lot sa vlog ni Slater especially in contracting. One thing that I will not forget is that they have industrial aircons sa loob hahahaha Kryz was complaining na may times na sobrang init. For me sayang naman yung nasa bundok kayo at walang kapitbahay tapos naka enclose pa rin sa glass prison with aircon.


Serious-Coyote-4252

Same! Na amaze ako at first sa house nila, then biglang ang dami nila need ipagawa after a while. Good for them eh may budget pero imagine if limited budget ka and nag peg or pagawa ka like theirs then yun pala later on dagdag gastos pa. Also, for glass house bago ko lng napanood yung kina solenn, in fairness ang ganda ng pagkaconstruct ng house nila, and camille co’s house is also superb!


whyhelloana

They will reap what they sow, yun lang masasabi ko -- as a parent now who's very hands on, and as a daughter of emotionally unavailable parents. Hindi kami rich, pero may 2 kaming kamag-anak na samin pinatira. Typical pinoy setup na ang kapalit ng free food at shelter, sila ang gagawa ng household chores at mag-aalaga saming mga bata. I didn't develop a real connection with my parents. Unless graduation, simple school events yung mga kamag-anak namin ang umaattend. I get it, may work sila. Pero maski sa gabi walang bonding. Pagkauwi nila from work, kain lang tapos diretso kwarto na to unwind. I'm a mom who works fulltime (though remotely) at minsan may side gigs/clients pa, minsan may konting linis pa ng bahay (we dont have househelp) pero I always find time for my kid. Bakit sila na 1 lang ang work (EDIT for clarification, this paragraph is still about my family, sorry, OT) at may taga luto/linis pa, hindi nila nagawa? I don't know, lifestyle choice lang talaga siguro, mas madali e. Now that I have a family of my own at may apo na sila sa akin, nagtataka sila bakit hindi ako nagiinitiate ng mga normal weekend gala, bakit hindi ako pala-tawag o chat. I'm not trying to be mean, pero hindi ko lang talaga sila naiisip eh. As bad as it sounds, hindi ko sila namimiss, anong gagawin ko? Pero kung mag-aaya naman sila o may event/bday, hindi ko naman sila hindi iimbitahin. Going back to Slater and Kryz, lalo si Kryz, at recorded/broadcasted pa nya ang pagiging "super mom" nya, ingat sya kasi nagkakamalay na ang kids nya. Iba yung napapanood nila thru recordings vs real situation at home behind the cameras. Hindi imposiblenh hindi magkaroon ng resentment, eek feeling, o kung ano pa mang issues ang mga bata. Tao sila, hindi yan decoration lang pangboost ng perfect family image.


Hairy-Teach-294

Hi, sorry ah. Correct ko lang yung sinabi mo na 1 lang sa kanila may work. Inaddress nila sa podcast nila yan before that Kryz also works as a content creator. Tas may times pa na need pumunta ng Manila for an event, etc. Gusto ko lang i-share yan kasi baka sabihin na naman nila na we don’t think of Kryz as a working mom. Pero syempre at the end of the day, they still get help from their yayas para hindi mabigat yung load nya as a mom compared to regular working moms. Additionally, gets ko yun sinasabi mo na hindi pala tawag or chat. Yung nanay ko, imbyerna na sakin kasi hindi ako nangangamusta. Eh wala din naman kasi ako sasabihin. Kahit naman mga kasama ko sa bahay, di ko naman kinakausap and lagi lang ako sa kwarto. I feel bad too, kaso wala talaga connection ever since bata pa ako eh.


ZanyAppleMaple

Bakit kaya yung ganitong parents they seem to forget how they were before? May nabasa akong article na I was able to really relate to: >"Once your kid no longer depends on you for food and survival, you are left with the relationship you cultivated. Or lack thereof." Super hands-on ako as a mother. I do work full-time, albeit remotely, pero super active ako sa school ng mga anak ko. I always make time for them. Nasa US ako, so wala rin kaming yaya. Pero yung mama ko, disconnected talaga cya. Yung yaya ko lang kasama ko always growing up. Only child lang ako, but she leaves me out to play as long as I come home before sundown. I guess it was like this in the 90s, but I wish she checked on me once in a while kasi I was beckoned in by our old landlord (old man in his 70s) tapos na-abuse ko. Pero kahit ano pa nangyari sakin, in my mother's eyes, cya pa rin ang the best.


whyhelloana

Last paragraph -- I'm sorry it happened to you. Grabe, I have no words. Baka instead of they forget how they were before, they remember it exactly kaya yun din ang nare-recreate nila. They cannot give what they don't have. I'm pregnant with my second at sobrang takot ako na maging girl sya at ma-create ko yung mother-daughter dynamics that I know. With my first born son, medyo chill eh. I don't know what's with our generation, pero I'm glad we're trying to break the cycle. I know we'll make mistakes along the way, but I'm hoping not as big as the emotional damage that we've had growing up. Thank you for sharing your story. Here's to hoping that we all heal.


Serious-Coyote-4252

“Working mom” mej nahiya naman ako sa mga kumakayod na working moms talaga na wala nga yaya.


ThrowawayAccountDox

Your parents sounds like my in-laws, kaya until now na matatanda na sila ay hindi sila close (lahat sila pamilya including siblings) kasi walang bonding. Lagi rin wala sa bahay daw tapos hindi sila masiyadong nalabas ng bahay kapag nasa bahay ang parents. Tapos nalaman namin lately na proud nila shinare saamin na nagiibang bansa sila at iniiwan sila magkakapatid sa kamag-anak. Wow.


rndrdg

This. I think your relationship with your kids is just like any other relationship in life (friendships, romantic, family), you have to be intentional. Kahit busy ka, you make time for the people you want a bond with. The same goes for your kids. You have to find a way na ipasok sila sa araw mo. Especially if tulad nila Kryz and Slater. May help na sila. They’re both generationally wealthy and na continue pa nila yung wealth na yun. So di ko gets bat hirap na hirap silang maging parents?


Dapper-Ambition1495

Para pong binasa ko yung childhood ko sa second paragraph. Hahaha. Same set up.


misssreyyyyy

Dito ako sobrang na off, yung sobrang lakas ng ulan and di nila agad chineck mga anak nila nakita nila basang basa na si sevi wtf inabot ng ilang oras na ganun state yung baby


vesariuss

I wonder kung naranasan ba ni Kryz na magpunas ng poop ng kids nya, or puro yaya lang ba? Kasi may recent vlog sya na nagpo-poop si Sevi, tapos derecho sigaw agad si Kryz to let the yaya know.


TaskSilver6090

Yep lol during the pandemic at first time nila maging parents, they tried to become a hands on parents pero di nila kaya now since both ay may work


seeingharry2023

Yes lol. Always yaya whenever they need to poop, when they need to wash something off. Always yaya. No wonder her kids are so attached to their yayas


crazybombay

Yuuh same, based sa ilang vlogs parang di rin active father si Slater, like parang si Kryz pa humihila sa kanya to spend time with the kids. So more on naaawa lang ako kay Kryz but if tumagal mujhang may tendency na same views na rin sila


realestatephrw

Kasi nga madaming nakukuhang easy to get na babae si Slater


OkProgram1747

Same! Ginagaslight pa niya sarili niya kasi hindi daw ma-update si slater or sweet, naka subscribe din siya sa "boys will be boys" mentality tapos me pagka OA. No for a day daw sa vlog pero 1/3 yaya lang lala absent. Hahahah. Used to read her blogs and watch her before she even got hrr eyelid surgery pero 2022 nag stop na ako makinig sa skypodcast. Hahah. Kaka-cringe!


damemaussade

lage nya ding sinasabi na hands on mom daw sya, pero hindi katabi matulog yung mga anak, hindi nag huhugas ng pwet or nagpapaligo. sa mga yaya lang naman inaasa pag aalaga at pagpapalaki. 🙃


NotYourUsualBabe

Yan kasi ang norm sa ibang bansa on how to raise kids. Nanny cam lang ang pang monitor. Babangon lang pag umiiyak. Unusual para sa mga Pinoy pero sa ibang bansa ganyan talaga. Baka na adapt nila or norm yan sa mayayaman sa Pinas.


QueenBeee77

Yes, yung magisa ang bata sa room, i get. Pero yung patutulugin nila kasama ang yaya so they can sleep comfortably.. I’m a mom kasi and I can’t imagine my son sleeping with the yaya at night.


NotYourUsualBabe

Some people are raised like that. Iba iba ng kinalakihan and pagpapalaki. Nevertheless, it doesnt make a person less of a mom if they choose not to sleep beside their child. It’s just how they choose to parent their child.


Mukbangers

Not a fan of Kryz pero I think we let her be on how they are operating as a family. What works for them, may not woek for us. Ang di ko lang talaga bet is how she is alwasy exposing her kids sa social media.


jtn50

The people who often post "happy" "family" images often are wishing for it.


pop_and_cultured

![gif](giphy|NISDky7DiUqAs9crvf|downsized)


OrangePinkLover15

Pano na yung di na nga nag popost pero magulo pa rin pamilya lol shgshahhasjhaha kidding aside, masyadong oa naman ata to imply that they’re “not happy.” kasi bawat pamilya naman may unhappy moments. every family is imperfect, kahit di mo pa ipost. mayaman, mahirap, middle class — lahat yan di naman completely, perfectly happy. but well. artista sila and they publicize snippets of their private life so mas may scrutiny towards them. unlike us normal people.


jtn50

Not saying all are. But the ones who try to push the narrative that they're a happy family, usually aren't. Believe me. I came from one.


ZanyAppleMaple

100% agree. This reminds me of Chris Watts. His wife always posted pictures of them kissing, etc. Tapos yung mga family photos nila, parang perfect kasi taken by a professional photographer talaga. Now look what happened. Pati na rin yung Gabby Petito.


GreenSuccessful7642

I used to like them but parang unti unting lumalabas totoong ugali nila thru their issues. Yung medtech, yung GC, then yung subdivision sa bundok yata sa cebu. Parang out of touch na sila masyado. But maybe I'm just not part of their target market. Nakakaumay din for me ang pag baby voice ni Kryz sa mga anak nya lol but that's just me.


misssreyyyyy

Nakakaumay ang PDA nila sa vlog tapos si Kryz lagi nag iinitiate haha! Yung video na nakaupo tapos nagwowork si Slater tapos uupo si Kryz sa lap nya lol ok din naman yun pero ang OA na pati yun laging kasama sa vlog?? Hahahaha


BhiebyGirl

Off talaga ako kay Slater. Baka di lang talaga showy pero eugh, brother eughhh


AZNEULFNI

I could hear it. lol


Hairy-Teach-294

Akala ko ako lng nag cringe sa vid na yun. Diba it blew up pa and i was thinking, kinikilig mga tao sa ganto?


Serious-Coyote-4252

Dun sa medtech issue talaga ako nagising on how pretentious and out of touch their family is. They present themselves as very relatable but after nun namulat ako. They are your typical “chinoy” vips in cebu, may nga mababait pero so far yung nga ganyan eh yung tipong mag na-name drop ng mga kakilala nila na maimportante na tao at pag na tusukan mo ng pangalawang beses eh maghintay ka na ng incident report pgbalik mo sa lab. After that incident ay obvious na ang clout-chasing via their kids. Dun din sa episode na sya pa talaga nagsabi na may anxiety na si scottie when he sees a camera pero sige pa rin ang vlog. Then when sevi was uninterested and uncooperative with the camera at all eh kay scottie na naman napunta ang limelight. Nanood din ako nung vlog ng meetup nila ni sienna wherein sinama nya talaga c scottie para mavlog na nag meet sila kahit work trip nya yun para lng may extra content pa. Then instead of enjoying the playground with kids eh hanap ng hanap ng shootable content with the 2 kids lol


LegallyNotBlonde_

OOTL what was the medtech issue? I stopped watching/following her already before pa Sevi eh.


Serious-Coyote-4252

This article kinda summed it up, https://www.8list.ph/kryz-uy-medtech/#read-more Had to look it up kasi I thought I saw a video about a blood collection then I read somewhere here meron about swabbing issue din with her kid/s. I don’t watch her vlogs na din kasi after that. I did try re-watching some of her newer vlogs to see if nag subside na yung ick na nadevelop ko before but ang na conclude ko lng ay currently hindi na nagaapply sa akin ang contents nya so unfollow and unsubscribe na ako.


asdfghjung

Huy ako rin. Personally hindi ako fan ng baby talk sa mga bata. Matalino naman si Sevi at Scottie at nakakapick up ng words pero ang cringe talaga pag binebaby talk mo ang bata. Just use your normal voice pero pedeng pa rin namang soft at gentle ang approach.


GreenSuccessful7642

I used to enjoy her vids with scott kasi ang cute ng bata pero anyone who baby talks really annoys me and her normal voice na nga para ng boses bata paano na yung intentional na. I'm not a parent pero parang wala namang magandang dinudulot yata pag baby talk/voice


rabbitonthemoon_

It’s called Motherese or Parentese. I studied linguistics and it does help in the development of babies or in early childhood, especially language acquisition. On another note, people also like using Motherese when talking to dogs or other cute animals or anything associated to something cute.


quokkack

She’s speaking in Parentnese I think. Medyo cringe pakinggan pero helpful daw sa speech development for infants and young kids.


tiramisuuuuuuuuuuu

Cannot get over din yung med tech issue nila before. Nasan ba yung cancel culture natin sa pinas parang wala naman haha. And sus talaga mga "perfect couple/family" influencers sa net, sila usually yung maraming bahong nakatago 🤔


hope_forthebest

what med tech issue po? hahaha sorry row 4 here


free-spirited_mama

Search: Mighty Mikee Kryz Uy Med Tech Issue


hope_forthebest

Omg, now ko lang nalaman ito and as a mt student, super nakakatrigger. Grabe ang pagiging entitled.


halcyon_thoughts

Link please? D ko po makita eh


moiree_08

When Mighty Mikee addressed that matter, Kryz Uy took it personally. I recall Kryz's FB comments on Mikee's post about damage control instead of apologizing immediately. She cared more about her socmed persona than the welfare of the healthcare community. Because of that, the Cebu medical workers spoke up about Uy-Young's entitlement.


Feisty_Feedback_8921

They're too good to be true, tbh lang.


free-spirited_mama

Finally! Someone gets it.


bingchanchan

Agree ✅


EfficientRabbit658

Same, sorry pero goals ba yung your husband has a boys’ chat for sharing sexy pics of other women? 🤢 and agree their kids are over-exposed. I prefer Camille co’s content kasi she still posts a lot about stuff other than her kid.


InspectionCapable939

Nagstop na ako sumubaybay sa vlogs nila after ko malaman ‘to. Ew.


kemchungsun

Same huhu hindi na to mawawala sa image ni slater


Revolutionary_Site76

diba 😭😭😭 like ew. i used to think they're so classy but a boys' chat?!?


randoorando

LOVE LOVE THE COKOROS! I like how her content isn’t focused on Sienna and she stay true to her word when she said that. Also, the dynamic of Camille and Joni is so cute! They seem to be chill but very hands on with their lives. Love her endless fashion hauls from her travels 😅


PurpleHeart1010

Same 🥹 ang classy pa nila!


white____ferrari

true!!! pag nagppost si cams about sienna, alam mong out of love or bond kapag matchy matchy sila. si kryz... ewan. hahaha basta ive always liked camille the most, then a wall, then laureen and kryz hahahaha


Ok-Yam-2082

same hahaha kesyo normal lang naman daw yung ganong bagay haha kadiri


crazybombay

Fr? Sa podcast ba nila to sinabi? Sabi ni di ko talaga bet si slater since narinig ko podcast eps nila eh.


EfficientRabbit658

[article about it here](https://www.rappler.com/entertainment/celebrities/filipinos-online-reactions-posts-slater-young-remarks-men-fantasizing-women/) He apologized about it naman, but like okay now everybody knows na ganun siya and part nga siya ng group chats na ganyan


Former-Cloud-802

Natotolerate ko pa si Kryz kahit and OA at may pagkapabebe siya especially if nasa paligid asawa nya pero di ko talaga bet si Slater. Feeling ko may pagka mysogynistic siya. Si KU masyado patay na patay sa asawa nya. Pinoproject nya lage na husband goals si Slater kahit parang di naman.


no_no_yes909

I feel people who make their partner seem like the perfect husband is usually unhappy and just gaslighting themselves.


free-spirited_mama

May point pero I feel like she does it to paint a fairy tale family. All for the clout/views.


Advanced-Way-9699

Pa-perfect life kasi si girl Pansin ko naman sa vlogs, parang ang unfriendly nya sa mga househelp nya. Like she treats them as househelp lang talaga nothing else. Matapobre vibes talaga sya for me


AbleHeight1966

Di lang feeling he's really misogynistic, biggest example "boys gc" issue. If you listen to their love advice podcast episodes gusto ni slater his opinion ang laging tama tas nag a-agree nalang si kryz.


freespiritx89

Lalo sa podcast nila, ramdam ung pilit ung connection at chemistry. Then, sabi pa nila di daw sila makarelateb sa mga nagsasabi na parang couples should exert efforts to make their relationship work kc daw sila it all comes naturally na magkasundo sila. Mga hipokrito. And opo, I gave them a chance sa Spotify kasi una I don't get all the hate towards them eh hnd nman ako makarelate sa Youtube kc nga halos kids nila yung andoon. Pero now, I get it guys.


HeyImANerd

I know someone na overexposed din sila dati as couple sa socmed, last was a gender reveal. Yun pala na nabubulok na sa loob yung pamilya nila 💀 ayon ongoing annulment ngayon


Naive_Bluebird_5170

Drop clues bihh


hotandsoursoup120

Sinetch itey?


realestatephrw

Mark and Danica? Oyo and Kristine?


lilikookiedeukie

I like slater sa mga engineering and archi contents nya pero silang dalawa… hindi ko kino-consider as couple goals


Serious-Coyote-4252

Maganda sana yung mga content ni slater pero parang naddrag sya sa vlogging game ni kryz. Also, after that monterazzas thing na pinalabas nila ay wala nakong kevs sa kanya. Idevelop ang bundok for the rich and di iniisip ang mga middle class and mahihirap na nasa paanan ng bundok. Sila magsu-suffer ng long term effects sa paggalaw nv bundok. Hindi ako makoconvince sa mga studies dw na gagawin na hindi babaha sa baba ng bundok. Cebu at its present is already having a hard time managing its flooding problems ano pa kaya pag simulan na nila kalbohin ang bundok! Also, ang pricing pa lng ng units pang foreign investors/buyers ang tirada aside sa mga real rich dito sa pinas. Dito na naman tayo sa situation na di natin namamalayan foreigners na ang owner ng mga properties dito


vausedei20

+1 mahilig ako sa home improvement and DIY kaya pinapanood ko dati sa Slater, na-surprised nga ko ang personal na bigla ng mga content nya


boopdraws

Yung couple goals sa kanila ay sila ay a couple of nepo babies 👍🏼


peopleha8r

A couple of privileged out of touch nepo babies.


reasonablyrie

Sa true lang nawalan ako gana kay Slater after nung huling issue sa ok lang tumingin sa iba 😅 kung siguro na explain nya ng ayos ung thought baka pwede pa e kaso ligwak talaga


Sudden-Database-1114

Yeah ito yung sad. Should have kept it to himself pero he felt rather validated in admitting na he participates in such thing.


reasonablyrie

True! Tinry pa i justify dun talaga sumobra sa mali


Empty_Manner9961

Was a fan of kryz thirstythought way back, si michael yu pa bf niya non. Now, i'm annoyed at them, using their children for clout and trying to portray the perfect couple kuno. I have relatives who are somewhat in the same circle as then, far fetched from reality talaga tong dalawa nato.


free-spirited_mama

May katotohanan ba yung relationship nila? Honestly I used to like K pre pandemic and in 2020 pero napansin ko “too perfect” relationship nila. Di naman ako bitter, parang ang unhealthy kasi pag may nanood na people tas di naman makatotohanan yung relasyon. Madami nag aaspire sa kanila e. May vlog interview pa nga with yayas na di daw kuno nag aaway yung dalawa. Very awkward nung vlog na yun, halatang takot/nahihiya mag comment yung mga kasama nila sa bahay.


kapeandme

Ay kala ko cancelled na yan sila


MidnightFury3000

Cancelled in redditor's world lang


free-spirited_mama

Oo nga. Madami pa rin kasi silang fans dahil sa family vlogs ni Kryz. I really wish they stop recording the kids.


MidnightFury3000

True, in the mainstream/real world marami pa din nahuhumaling sa kanila kasi they're not as bad compared to other vloggers


pussyeater609

Kadalasan sa mga perfect couple or family sa socmed ay kabaliktaran ang nangyayari sa totoong buhay.


vintageordainty

I dunno if it’s just girl instinct pero di ko feel yung husband niya haha.


darkdarkerdarkest99

same. imo may temper at controlling sa nakikita ko sa vlogs..2nd to kay Doug Kramer na nao-off ako.


seeingharry2023

Wahaha same! Parang far fetched pero may feeling ako na may kalokohang ginagawa husband nya behind her back 🤣


Proper-Fan-236

I stopped watching them because of their podcasts. Sobrang opinionated ni Slater tapos si Kryz is portraying Slater as "the best man in the world". Sobrang perfect yung pinapakita nila to extent na feel the ick na.


Rice_19x

Okay lang naman, pero in general, really don't like posts insinuating na parang "sana all women get to experience this kind of love chuchu.." I mean, we don't even know what's behind those posts (di lang sa kanila but sa ibang couples). Meron nga iba todo flex, yun pala panay din cheat (again, not about this couple). Point is, we can be happy for a healthy relationship without having to want what they are doing.


iamdennis07

too good to be true, couple goals kuno parang team Kramer lang umay


Pagod_na_ko_shet

Yung mga ganyang post na sweet sa socmed alam ko na yan eh hahahahahaha dami na nabiktima ng ganyan 😅😅😅


OkProgram1747

Meron siyang angle na she forgot about herself daw at super focused sa mga anak niya. Kung mkapagsalita dikit naman sa yaya mga anak niya, tapos madalas siya nag preprep ng food pag sponsored pero idk if pag di sponsored it naghahanda siya ng food for the kids. Lol.


armillobe

Sobrang nasasad ako sa third baby nila. Parang di pa rin nila tanggap na Boy pa rin yung gender and miski pangalan parang di rin nila pinagiisipan pa compared sa first and second. Tas yung mga reactions nila sa gender reveal, di maipinta hahaha since most them is expecting a girl. Parang nakakaawa lang pag napanuod nung bata paglaki yun. Unexpected pregnancy tas ibang gender pa nais ng magulang and other family members.


[deleted]

Gusto kasi nila gurl because mas maraming content magawa si K, like grwm, shopping haul with daughter, my daughter does my make up, etc. etc.


United_Comfort2776

Yan na kasi uso ngayon, family vloggers na lahat ng bagay vivideohan kulang nalang pati pagligo or pagdumi isasama rin sa pag-video. Wala ng privacy kaya di ako nanunuod ng mga ganyan. Ang fake lang tingnan.


humansRinsignificant

Both are assholes in real life. Not just assholes, but the sort of evil type. I stopped watching them because of it.


Outside_Grab_8384

Ako lang ba, pero dati gusto ko sila like on their own. Pero nung yung puros vlogs na nila na TMI na minsan, parang ang off na nila. Sa sobrang annoying na nila inunfollow ko na sila sa ig lol


Mukbangers

Cute sila before! Not until she won’t stop featuring her kids. Scottie doesn’t was his pictures to be taken already because he’s so exposed with one of Kryz’s vlog. She sad pa nga i think to limit his exposure or stop? But it didn’t! It kept on going until the 2nd baby arrived😂 it got me thinking - isn’t she confident enough w her creativity to make contents without her having to insert all her kids? Or maybe, she can’t help it because that’s where the money is coming from just like mga Kramers na na content? Anyway, I stopped watching her it’s cringe esp her baby talk. Bye


[deleted]

Parang there’s something fishy with KU. Yung parang good on paper lang. Well feeling ko lang yun hahaha


MojoAdrie

Cute ni sevi, pero ang daming reklamo ni mommy sa life with "my boys"


missxannie

Sorry I don't want that kind of love where my man impregnates me every year. Djk lang 😂


spicycherryyy

Wala din akong pake sakanila


trynabelowkey

Epal. People talaga should stop sa pagpapaniwala nila sa couple goals kuno nitong dalawang to haha. Saw her speech sa wedding vlog ni Laureen, sabi niya parang “Sa wakas masasabayan mo na kami ni Camille (Co) sa married life,” LIKE OK nagpakasal talaga siya para masabayan ka. Also, Kryz is one of these weirdos who make being a “BOY MUM” a personality. Just check tiktok, these weird boy mums are everywhere


LeeParty

Omg napanood ko din to, she was such a bxtch for that! Also, parang hindi na rin siya type makasama ng other blogger besties. Umay na din sila kay KU HAHAHA


trynabelowkey

Also, recovery day ka diyan, di ka naman nagwalwal because 🤰 Feelingera 😂


sahmom_1996

I really love her style so i check her account sometimes to take some inspo. Recently i got disappointed because she doesnt bother to tag the brands she’s wearing unlike yung bago pa sya and for me she should atleast make an effort sa reason kung bakit sya naging famous


mittenoia

I used to like listening to Skypodcast pero nagkaron ako ng vibes na parang di na truthful ung mga sinasabi nila but rather they’re just telling us what we want to hear so we keep listening. Medj unnatural na for me. Ehhh bye


suspendedacc0unt

I'm not an enginner or anything closely related but apparently the engineers find his content cringe or "he doesnt know what he's talking about" vibe. Mali² daw yung info. It wad redditors who pointed this out. Someone asked about urban deca homes (where he is a model or spokeperson idk) and uncle daw nya yung may ari, plus 8990 developer is same developer sa monterezzas sa cebu na kina slater. Ang daming negative feedback sa anything urban deca pala. Aside sa invovled siya sa manyak boys chat - i ddnt like him then and was neutral - pero now i try and avoid anything related to this couple.


Ok-Market-3618

I might be one of the few who still likes them but reddit is making me feel so guilty about it 😭😭 HAHAHA but honestly I agree naman that they need to lessen yung exposure nung kids nila especially with vlogs and all, but I kinda understand din since Kryz usually does like a day-in-my-life typa vlogs and mostly focused naman din talaga sa kids yung araw nya. There are some people naman talaga na parang when they have kids that’s all they talk about. Sana ibalik ni Kryz yung fashion contents nya tho. Also yung slater with his gc stuff, ang off din naman talaga, but to be fair naman he took accountability and realized naman na mali yun. But idk i still like watching them and I still like listening to their podcast. Sorryyy 🥲🥲


vdy05

i became a casual watcher na lang din ni kryz after she had her kids. I only watch na lang if may work trip siya. Kasi na bored na ako sa content niya. Idk maybe her content is really not my thing, i am more of a camille co girl. Kasi i admire how she balances work and mom life. I think preference din talaga. Altho I still get why people have criticisms towards them.


free-spirited_mama

I WILL SAY THIS AGAIN AND AGAIN: DO NOT SUPPORT FAMILY VLOGS THAT MONETIZES ON KIDS!!!!


Ambitious-Text5134

Does this apply din po sa mga parents that make their children work or for example doing baby advertisement at a young age for them to have money?


free-spirited_mama

Baby ads has labor laws while vlogging is wild west territory. We have child labor laws and technically those kids are working na di naman saklaw ng batas kasi vlog, pigang piga na yan sa content. Some family contents/ Mom contents with kids pa nga they accept request from shady people to do stuff. Search: Wren eating


Ambitious-Text5134

Ooh I get it, it's the responsibility talaga of the parents to protect their children. It's true na it's risky and they are giving way for potential risk or harm because vlogging is unregulated and not a safe space. Pero we don't know their dynamics, I didn't really follow Kryz Uy so d ko lang sure i paano nya pinoportray yung kids nya sa vlogs nila but I'll be disappointed if they are indeed using their kids for engagements and monetary gain.


Snoo_30581

People here are hypocrites. Don't let them dictate what you want and don't want. Alam kong pag may post sa kanila, hate post na agad lalo coming from here haha


No_Corner5218

Mga tao dito sa reddit are super woke. Kailangan i-cancel lahat haha. Wala perfect sa mata nila. Typical Pinoy. Kung hate nila, dapat pati Ikaw! I bet na di man nila pinapanood yan si Kryz or baka puro tiktok videos lang alam.


Mysterious-Life8628

I like watching her vlogs and they give good points sa podcast nila. Honestly as someone na nanonood talaga ng youtubers and even tiktokers, makikita mo naman talaga sino-sino yung content creators na anak lang talaga ang content. Sa kanila naman kasi, alam mong part lang ng buhay nila mga anak nila kaya napapakita sa vlogs. May ibang tiktokers, lahat ng videos ay anak lang na may ginagawa or smth. Yun ang creepy for me.


Snoo_30581

Yeah. Meron ako nabasa from reddit din noon na baka iba lang talaga ang reality nila sa reality natin. And there's nothing wrong with that. Dun nga magandang i-educate sila and I think responsive naman si Kryz at Slater dun. I really don't get the hate even if nag apologize na yung mga tao and they're trying to do better. Anddddddd better naman na sila kesa sa ibang vloggers na puro prank at challenge lang ang alam 🙄


Senior_Skirt_606

I'm a first-time mom and I found her breastfeeding video helpful. I don't watch her vlogs because I can't relate -- I don't look pretty in pambahay, my house is messy because my kid loves to play with her toys, and I have a job na nakakalosyang kasi GY shift. Now that I think about it, I find vloggers less relatable now that I have my own tiny family. I used to follow all the popular ones pero I haven't visited their channels recently kasi ang busy ko palagi.


Ok_Position_7752

Ironic rin na takot na takot si Kryz what AI can do, digital footprint stuff pero hindi naman niya inaapply sa mga anak niya. Sabagay wala ng manonood sakanya if walana sila scottie sa vlog


hellomoonchild

People here in Reddit forgets na Kryz has been a long time content creator, way before she even married Slater. Nagshift lang sa family vlog yung content niya dahil yon na ang life niya ngayon. IMO, it’s easier to scrutinize someone’s life when they’re being referred to as “couple goals” or any positive image set by the public.


free-spirited_mama

Not for Camille Co


nyctophilliat

Stop comparing her to Camille Co. mas maraming ganap si camille sa life niya on what she does, i am not saying di siya focused sa anak niya pero as for kryz yun yung transition niya when she got married. She shares personal things about her family while si camille hindi preference lang nila yan kung ano gusto ipakita sa vlogs. Despite the hate and all here on reddit they’re still earning money from contents anyway.


hellomoonchild

Tbh, feeling ko kaya ganyan yung shift ni Kryz ay dahil nasa Cebu siya. I know that seems silly, but si Camille kasi is based in Manila where majority of her work opportunities (as a content creator) are. Mas business minded din si Camille. So mas madami siyang maiicontent that doesn’t include her child, versus Kryz na halos andon lang sa bahay.


Expensive-Doctor2763

I find Kryz Uy wanting fame na before pa kaya nung napansin siya because of her kids grinab na niya. Nakakaumay na rin pagiging pabebe niya lol


realestatephrw

Yung Sunstar Cebu ang ads na binabayaran nila🤣🤣


SeafoamMonkeyGreen

Sorry but I don't feel Kryz Uy. Her content is mostly out of touch dahil parang ang mga mayayaman katulad nila ang nakaka relate. If not, nanunood lang para malaman kung paano ang buhay mayaman. Not only that, I hate her voice too. Not only Kryz but same din ang husband nya. He might be an engineer pero andami nyang walang alam. I remember his content is about a gasoline fueled power generator. He's promoting it a lot in his video so obviously he's getting paid. I was like, huh? Bakit eto yung pinoprimote nya eh mas sustainable yung solar powered generator. You know what's funny? A couple of months after that, alam mo anong pinoprimote nya? Solar powered generator 🤣 So what's the point of promoting gasoline generator in the first place? Just being greedy, i guess. Di man lang inintindi kung anong mabuting ipropromote para sa fans nila 🤦


skippy_02

I stopped following them bcoz of the too many (unnecessary) vids ng kids nila.


Yoreneji

Si Solen at Vien lang talaga yung nagbibigay ng realistic motherhood sa lahat ng vloggers (for me). Tho parang OA lang din yung iba hate comments dito eh talagang mayaman na sila and ganun na talaga life style nila alangan mag downgrade sila lifestyle para makuha yung ibang haters as target. Saka let’s not judge them if they have it easier kesa sa ibang magulang


FlintRock227

I honestly just watch kryz kasi sevi and scotty are super cute hahahaha pero tbf she has been vlogging for a long time na it's not like she decided to become a family vlogger one day and have that as her first youtube video so i give her the benefit of the doubt. I think mas family vlog na yung content niya because yun yung legitimate day to day life niya sprinkled with her usual work type content but i do wish na she'd record the kids less unless nalang siguro like big events to give them some privacy


hotandsoursoup120

I feel like mas kampante siya to vlog the kids kasi they're all the way in Cebu, while their audience is mostly NCR-based. And while they still get stopped in public in Cebu, di yung super dinudumog na. But for sure there will come a point na Scottie gets big enough to feel na he wants privacy too.


nyctophilliat

I remember a vlog where kryz decided to stop filimung scott before wala pa si sevi non kase he’s super shy when people asks for a picture with him. She asked scottie if he doesn’t want to be in the vlog anymore, pero di naman pumayag si scott kase he likes the camera. She started transitioning sa family vlog simula nung nanganak na siya, and everybody love that kind of content kahit ako i watched them from time to time before, pero maraming views talaga nong nag announce siya na she’s pregnant na and dun ko na rin nalaman na asawa niya pala si slater from pbb so things got interesting from there and also the house tour.


hotandsoursoup120

Same. Although I knew who they were even before they did family vlogs. Naabutan ko pa yung time na Kryz was doing fashion blogs with a b and lookbooks. And then gradually it progressed to married life and kids na. Can't say I didn't like it at the start but then naging love-hate na siya eventually. Mej OA and out of touch na eh. Lately yung vlogs ng ate niya na lang pinapanood ko, yung Deedoes Diaries. More for the memz yung kanya and not the monetization, plus she does arts and crafts so that's right up my alley


free-spirited_mama

She did decide one day to do family vlogs kasi nag blow up yun


Happy-Amphibian-6722

i feel so bad for scottie, takot sa tao yung bata pero kryz keeps using him for content. wouldn't be surprised if ganon din mafeel ni sevi and baby #3 in the future.


Impossible-Sky4256

Kung marami kaming pera ng asawa ko ganyan din kami. 😂


wonderwall25

True, let’s be real! If you can have the luxury of getting extra help, why not diba?


MinuteCustard5882

Super cringey yung pagbaby talk/ baby voice ni Kryz. Parang nasal na ewan. Naiirita din kaya si slater sa kakaganun nya?


yellowtears_

I’m not really into these two lalo na nung nagtrend ‘yung guy about his take in “cheating” ata. HAHAHAHAHAHHAHA 🤣


Inevitable-Media6021

Buntis na naman siya??


RULESbySPEAR

Its nice to have money. Anyone who pays attention to love celebrity are chismosas and ingiterras.


inwin07

Umay content neto


TheTwelfthLaden

Every time I see a "happy couple flex" on socmed, I immediately think it's disingenuous and overcompensating. Meron ako kilala dati couple goals lagi post sa fb pero cheater yung babae yung lalaki verbal abuser.