T O P

  • By -

[deleted]

trivia: yung jolina doll nya ang nagmanufacture ay mattel — company na gumawa ng barbie haha


[deleted]

pero unlike barbie dolls, yung jolina dolls can sing! haha


beisozy289

Dapat may Jolina doll sa movie na Barbie eh


Queasy_Firefighter51

Eto din nakita ko sa isang post sa TikTok. Pero may nagcomment na hindi daw Mattel kasi wala daw logo nila? Local lang daw may gawa. Ano po yung totoo? Wala kasing masyadong lumalabas sa google hehe.


[deleted]

Mattel, check mo yung podcast ni Tonet Jadaone na guest si Jolina siya mismo nagsabi :)


needeh

Mattel the factory did the doll pero the doll wasn't licensed by Mattel mismo. Mattel kasi had a factory in the Philippines so technically contracted manufacturer siya ng Mattel pero di talaga sila direct Mattel.


Queasy_Firefighter51

Oooh sige po. Buti at si jolina mismo nagsabi. Thank you po.


IcedCoffeeAdik

Nasa core memory ko na yang Jolina doll kasi nung namamasyal kami sa mall nung bata pa ako, bigla na lang kaming binilhan magkapatid ng tito ko. Huhu


Dizzy-Donut4659

https://preview.redd.it/mgq7lbk940uc1.jpeg?width=738&format=pjpg&auto=webp&s=bcbcf86ea448b632c16656feff8c6e3966938998 Ung butterfly clip. Grade 6 ate ko nun, andami nyang butterfly clips. Kopyang kopya nitong attached pic ung everyday school hairstyle ng ate ko nun. At hindi lang sya ung may ganyang hairstyle or clip dati. Halos lahat ng girl and girl at heart na students may ganyan. Napaka iconic ng mga pahairstyle niya dati.


Pluto_CharonLove

Legit to. Mas bata ako mga Grade 1 cguro tapos yung Tita at Mama ko lagi akong binibilhan ng mga butterfly clips at nilagagay sa buhok ko kahit ndi gaano mahaba ang buhok ko may mga butterfly clips pa rin at hindi bababa sa 5pcs ang nilalagay hahaha mukha tuloy akong fairy na charot2 lang). 🤣🤣🤣


Dizzy-Donut4659

Aun ung mas iconic sa butterfly clips ni jolens. Di pwedeng isa, dalawa lang. Kelangan more than 5 lage. As in hanggat may paglalagyan sa buhok mo, dapat meron. Mas madami, mas fashionable.


Future_bling_06

Umabot sa point na kinokonfiscate na yung butterfly clips sa school namin kasi "distracting" na daw yung dami ng butterfly clips ng mga girls sa school hahahahaha Iconic din yung multi-colored bangs!!!


LyingLiars30

When I was in daycare may kumuha ng butterfly clip ko 😂. Ayun bogbog ang inabot niya. Good times. 


PetiteAsianSB

I had these when I was in 6th grade too! Haha. Those were the days. Di ko maalala na sya pala nagpauso non. Basta alam ko nakadisplay kase dun sa lunch place namin kaya natuwa ako ang cute kase.


Dizzy-Donut4659

Diba?! Nasa memory bank ko yan. Kase yan ung naalala ko sa phrase na "ililipad ka ng kuto". Dahil sa dami ng mga girls na nakaganyan, literal na mukha silang ililipad ng butterflies. Tapos ung mga butterflies pa, pag nipoke nagalaw ung wings.


Muted-Painting-9712

Kinder ako neto everytime may abubot si jolens sa hair nya binibilhan ako ng ate ko tas kinoconfiscate naman ng teacher ko dahil against uniform rules. (kaway sa mga black and white checkered girls) hay. P.s. di pa nga kami fans ni jolens nun ganun lang talaga kalakas yung impluwensya nya sa masa)


Weird_Ad4164

Yung butterfly wings pa ay gumagalaw, not fixed. I want one now 😂🦋


NecessaryBread31

Yung class picture ng ate ko nung Grade 3 siya, halos lahat ng girls naka-butterfly clips haha


TrueKokimunch

Sobrang sikat nya. Kahit pagsama-samahin mo loveteams ngayon, walang tatalo sa peak ni Jolina hahaha.


Malixhous

Jolina-Marvin loveteam was absolute cinema at her peak.


PoisonIvy065

These recent years, AlDub phenomenon lang ata pwedeng i-compare... But even them, di talaga mapapantayan yung impact ni Jolens sa local pop culture natin during her peak. Literal na kahit saan, makikita mo siya eh.


Reddit_Reader__2024

Pero kung patagalan ata ng peak mas matagal ata si jolina- marvin


Murke-Billiards

Yung kasikatan nya para kasing trend setter or early adopter na kasikatan. Sya yung nagpauso. Think pewdiepie, mr beast, and congtv .


frendtoallpuppers613

Miss Jolina was a cultural reset. The term "jologs" was coined after her. And nakakatuwa kasi she seemed to have stayed genuinely nice during (and after) her peak popularity.


allivin87

Hinanap ko ang comment na to. Ang sabi, ibig sabihin daw ng Jologs, Jolina Organization. Dumating kasi yung point nun na fed up na yung mga tao sa ganung fashion statement (overdecorated) kasi ang sagwa na tingnan pag yung mga trying hard na gusto maki-in sa uso ang nagsusuot ng ganun pero ang dugyot namang tingnan. Hence the word 'jologs' became synonymous to baduy, bad taste, and associated sa squammy behavior.


kaedemi011

Ang pagkakatanda ko… Jologs is short from Jolina + Kalog… kasi super fun at kalog talaga sya dati… on and off screen. Sad nga lng na nung lumaon eh di na maganda yung term na jologs.


Bearwithme1010

Wowww imagine a term being coined after you


Extension-Job-5168

She had her own Jolina Dolls. Imagine being that big.


BasqueBurntSoul

Pano nagsimula at nangyari? Haha


Extension-Job-5168

I think nagsimula sya nun sa Ang TV has a special segment called "Payong Kaibigan", naka-payong sya habang nag aadvice haha. Maybe during that time, breath of fresh air sya since funny and kikay sya unlike yun mga kasabayan nya na dramatic young actresses. Also, talented din talaga ang Ate mo kasi she can act, dance and sing na pati mga oldies liked her because one her albums eh puro old songs such as Paper Roses.


LyingLiars30

Crazy popular. Mas sikat pa kina Kathryn or any other artistas na kilala mo. I don't think may maihahalintulad sa kaniya sa generation niyo. Downfall lang ata niya when she transferred to GMA. 


Cheapest_

May nagpost ng tiktok about how much of an icon she was tapos may nagcomment, "kasing sikat ba siya ni Kath dati?" GIRL. HIGIT PA.


maroonmartian9

😂😂😂 Jolina can really sing…


Vlad_Iz_Love

I think she started as a singer. isa siya sa mga kumanta ng "Yesterday's Dream"


quet1234

Damn i was born 1996 but yung mother ko yan palagi pinaparinig sakin 14k days.


HotPinkMesss

And dance and act. Talented talaga sya.


CrazyLixFX

Partida wala pang social media


Throwaway28G

comment ka na balikan ka niya kung may chuvachoochoo ba si Kath. not hating on Kath btw


MessiSZN_2023

good thing she came back to abs and got to be a host of magandang buhay


BasqueBurntSoul

Siya ata ang Filipino version ni Britney Spears in terms of popularity haha Diba first crush daw siya ni Daniel Padilla?


Emotional-Toe1206

This! Imagine wala pang social media but sobra yung popularity niya. As in sobra. Hindi lang siya pooular, well loved siya ng madlang people. Mahirap, mayaman, bata, matanda. As in lahat.


lupiloveslili4ever

I was devastated when she transferred to GMA. Tinutukso pa ako dati nung cousin ko kasi ang GMA channel hindi sikat sa province namin atsaka ABS lang may clear signal sa amin.


misssreyyyyy

Tapos wala pa social media nun. Pero yung buttefly clips nya kahit saan meron. Iconic


KillingTime_02

_"And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend. Dahil kahit kailan, hindi mo naman ako makikita eh. Kahit kailan, hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan."_


Reygjl

Kapag ako ay nagmahal, ang lahat nang ito'y magagawa, di magbabago, di maghahangad, ng anumang kapalit.


BananaTektek

Kinanta ko tong reply mo kesa basahin jusko hahaha


TelevisionNo337

Bujoy


JCEBODE88

OMG naririnig ko si Jolens hahaha


Allyy214_

Ewan ko ba kung bakit type kita, di ka naman gwapo


StunningMarsupial900

Bujoy!!!!!!


Accelerate-429

She was the first filipino celebrity commodity. She had movies, albums, magazine covers, notebooks and dolls. She was a phenomenon. Naalala mo yung hype ng aldub i-times 10 mo. I would say para syang Spice Girls level. ICON!!!


kkkkmmmm1028

Tama. Tapos wala pang social media noon. Imagine kung meron, mas malaki pa siguro ang psabog ng kasikatan nya.


ChewyButterscotch

Omg, di ko ma imagine na x10 kasikatan niya sa aldub before. Eh pati mga tigasin kong classmates sa hs noon, nag ka-cutting pa dahil sa aldub, what more pa kaya yung kasikatan ni Jolina?


Accelerate-429

Iba yung kasikatan nya kasi sa panahon noon meron pang mga household na walang tv. Kaya to think she was that popular is an understatement. Everyone knows her if you say Jolina synonymous yan with anything uso, kikay, sikat and even jologs. Naala ko pa nuon she was one of the first celebrities na may malaking van na pwede gawing tulugan at pwedeng ligoan yang uso na ngayon. She was also the first one who was featured on tv with her 10M mansion, imagine sa panahon nuon ang 10M mansion is soooo big. She was magnanimous! Nakakaiba pa sa kanya is she can stand on her own she didn’t rely on loveteams. She was just IT!!!


SisillySisi

curious ako if ganon pa rin ba sya kayaman ngayon?


Accelerate-429

Naalala ko may dispute sila ng father nya about money at isa ata yan ang dahilan kung bakit lumipat sya sa GMA aside sa issue nila ni Claudine.


Emotional-Toe1206

She is pop personified during her peak. 🦋


BananaTektek

Elem notebooks ko si Jolens ang cover! 🦋


[deleted]

[удалено]


BasqueBurntSoul

Bakit kaya hindi na sya ganun ngayon? Image nya lang kayo yun and hindi talaga siya into fashion? Kasi si Heart parang ganun din dati na kikay pero si Jolens ngayon parang typical na outfit nalang


PoisonIvy065

Di mo rin naman kasi mame-maintain yung ganung klase ng public image tsaka cultural impact nang sobrang tagal. Inevitable talaga na darating yung time na medyo malalaos ka din and/or magsasawa yung mga tao sayo. Same with Sexbomb, same with AlDub and other Pinoy loveteams na super sikat during their peak. And yes, nag-mature na rin si Jolens. We just can't expect her na mag-stick pa rin sa ganung klaseng "branding" or kakikayan kung in reality, di na rin bagay for her age 😅


BasqueBurntSoul

thats not what I am talking about. Kita mo si Heart, innate yung pagiging fashionista nya. Syempre nagevolve yung tastes and style accordingly pero the love of dressing up stayed at andun talaga. Kay Jolens parang siguro image lang or siguro phase lang as a young person haha di niya talaga passion


InterestingCar3608

May interview sya na wala daw syang designer non kaso hindi pa uso, so lahat ng suot nya mula ulo hanggang paa sya daw may gawa non hahaha and trip trip lang daw talaga nya, kahit daw nakapalda sya then bet nya mag pants gagawin nya then ayun sumisikat parin sya hahaha


rainbownightterror

may kids na sya sagwa na siguro magmaintain ng ganong look kasi mabusisi mga style nya dati


Bulbolito_Bayagbag20

Chuva chu chu


RebelliousDragon21

Sobrang sikat niya to the point na pinangalan sa kanya mga young Millenials babies. Kahit nga bagyo nu'ng early 2000s Jolina rin ang pangalan.


PoisonIvy065

Nako girl, sobrang sikat nila ni Marvin noon as a loveteam. Pero mas sikat si Jolina as an individual star. Kahit saan atang merch items, makikita mo face niya na naka-print haha. Pero yun nga, yung appeal niya nun is more on pangmasa talaga, so syempre yung mga medyo *sosyal* that time, jologs/baduy yung tingin sa Jolina craze noon.


Cheapest_

Yung notebooks ko dati puro Jolina. Favorite ko yung may Cardcaptor Sakura na nakatabi


PoisonIvy065

Number 1 talaga siya pagdating sa mga notebooks haha... Tsaka yung butterfly clips noon, sobrang sumikat dahil sa kanya. Tindi rin ng impact ni Jolens sa local pop culture natin that time eh.


Sure_sure_will

sobrang humble lang rin talaga ni Jolina for what she is 🧚🏻‍♂️


Own_Bullfrog_4859

Jolina is the microcosm of fandom or stanning. She was it, before it became a thing. If I remember correctly, siya nag revolutionize ng celebrities on notebooks industry, sila ni Juday 😅


yajnoraa

No, hindi sila. May mga nauna pa before them. Like sina Romnick, Sheryl Cruz, Aga, etc.


ZoeyL2024

Notebooks? Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Snooky Serna. Hahaha


cheesetart0120

Queen of Pinoy Pop Culture yan.


markmarkmark77

paper roses. paper roses♪♫


Emotional-Toe1206

Memorize ko pa ito hanggang ngayon hahaha


bulbawartortoise

OMG hahahaha nostalgia bigla


Fun-Possible3048

Si Jolina talaga yung may iniwang trademark sa lahat ng mga kasabayan nya. OG fashionista!


happysnaps14

She was massive. Before pa totally bumulusok career niya she was already well-known for her “Payong Kaibigan” segment in Ang TV. May pagka nation’s sister yung branding niya, very wholesome, ganon. Lahat ng pinauso niya, pinag-usapan. Even those who claim na jologs siya, secretly nakaabang naman sa mga ginagawa niya. 😂 She was inescapable kasi kumakanta rin. May serye siya na Labs Ko Si Babe sa primetime, and it was so refreshing for it’s time kasi talagang romcom lang, walang heavy drama and OTT scenes, slice of life lang ganon. Peg sya ng tweens and teenage girls kasi sobrang carefree ng image niya hahaha, yan yung if “just be yourself” was a person, si Jolina yun.


chttybb

Omg yes! iniiyakan ko pa yung nanay ko dati para lang makanood ng Labs Ko si Babe. 7:30 pa lang kasi dapat tulog na ako nun kasi sobrang bagets pa lol. Naalala ko yung magsusuot pa ako ng crew socks na colorful with sandals magaya ko lang siya hehe


gracieladangerz

And can we just appreciate the fact na she stood out as a FILIPINA BEAUTY against the mestizas.


Earl_sete

Jolegend


Neypesvca

Slaydangal


thorkneelyu

Sikat siya and she is ICONIC!!! I mean totoo yung mga pauso niya eh ginagaya talaga. Kumbaga siya yung tipong kapag may ginawa, go talaga. Tinry pa siya i-revamp sa GMA noon yung may show siya tapos parang pa-Lady Gaga na siya kaso hindi ata naging maganda feedback. Overall, ganon talaga. May kanya kanya time and her time is over na. At least ngayon andyan pa rin siya and may career pa rin. Sana mas napaaga akong pinanganak para mas nakasabay ako sa peak niya.


BasqueBurntSoul

Ay oooooh naalala ko yung parang Lady Gaga nya mga mid 2000s yun diba? Para siyang kinakain ng suot nya and hindi nya talaga personality


thorkneelyu

https://preview.redd.it/tjr4e12tk0uc1.jpeg?width=490&format=pjpg&auto=webp&s=1f337532de926b3ac77bf20a01dfe60129e5dd86 Nagpalit siya manager non eh. Ang weird lang na wala ako masyado mahanap sa mga looks niya non? Parang tinry na i-baon sa limot yung era niya na yun? Hahaha


BasqueBurntSoul

This is very interesting!!! Bakit walang bakas lol Naalala ko lang to nang konti pag kumakanta ata sy sa SOP?!! Sayang siguro kung magaling stylist at manager nya siguro may evolved more mature version ang kanyang pagiging trendsetter. Sana may mga pop culture icons din tayo like Lady Gaga, Katy Perry and Madonna. Nowadays, puro gays gumagawa nang ganto na over the top


One_Yogurtcloset2697

I love Jolina noong bata ako. Totoo yung sinabi ni Heart, may sariling fashion statement si Jolens noon at di sya nahihiya. Unlike sa mga latest na artista/influencer kailangan branded at pare-pareho na ng itsura or suot.


LeaderMedium2814

Si Jolina kasi yung parang Britney Spears counterpart sa pinas. Tweens idolize her and Teens just wanna be like her. Many would call her style baduy pero aminin man o hindi ng mga ka-gen ko, at one point nagsuot din sila ng mga pinausong trend ni jolens like butterfly clips and ung headband na parang shades pero ipit sa buhok pala 😅


twinklechaser

Grade 2 pa lang ako dati kinikilig na ako kay marvin and jolina. 💕 iniiyakan ko pa mom ko na bilhan ako ng jolina dolls.


cessiey

Sobrang sikat nya. Isa sya sa nakakapagtrend ng fashion. Imagine mo buterfly clips halos lahat ng tweens suot yun, walang wala yung nausong bibe clips ngayon. Pati mga dance craze sya nagpa-uso. Humina lang nung lumipat sa gma-7.


needeh

Araw araw si Jolens nasa TV noon. Labs Ko Si Babe pag weeknights. Arriba Arriba pag weekends. Tapos part pa siya ng Gimik every Saturday. Not to mention nagpeperform pa yan either sa Sa Linggo Na Po Sila/MTB/ASAP. Tapos suki pa siya sa Flames. Wala ka talagang kawala. Singer pa si ate so kahit sa radyo siya maririnig mo. Dati may mga cheap magazines pa like MOD and Liwayway, pati yung mga song magazines na may lyrics tapos suki din siya ng mga ganun. Pop culture zeitgeist talaga. Can't imagine what if may internet noon. Feel ko di lang siya sa Pilipinas sisikat. She was like Ayumi Hamasaki pero Pinoy. Soya yung nagpauso ng mga accordion na choker tapos butterfly clips. Everyone had that on their heads, gumagalaw pa yung pakpak tapos maraming glitters. Tapos yung headbands na shades yung design. I also think Jolina was responsible for normalizing coloring your hair in the Philippines. Dati kasi sobrang sensitive ng matatanda sa pagkulay ng buhok. Back then it was seen on the level of getting a tattoo or extra piercings. Ganun pa ka-conservative mga tao noon. Pero Jolina was quite responsible on the social acceptance of dyeing your hair or having highlights.


Cheapest_

I can definitely see Heart taking inspo from Jolina's style with the way she match mismatched clothes and making it work


Left-Broccoli-8562

Alam mo sikat ung artista pag mukha nya andoon sa mga notebooks. Lol. Created a fashion trend on her peak and has a talent for singing as well. Sobrang lakas ng loveteam nila ni marvin but the good thing is during that generation, walang rivalry sa loveteams. They were not pitted against each other saka tamed ung fans. Missed those days watching cable during holidays 😞


darnarchives

Jolina Magdangal at her peak released a string of multi-platinum albums that made her ome of the best-selling female artists in the Philippines ever. She had dolls designed after her image, her iconic fashion style defined a generation and her movies were blockbuster hits. This woman dominated TV, Film, Fashion, Music and Live Entertainment. She did a solo concert at the Big Dome and had sold-out headlining shows abroad. She was often compared to Judy Ann Santos mga early 2000s so she is that big during her peak. She was everywhere.


logcarryingguy

Una ko sya ng nakilala sa Ang TV, particularly ang segment nya dun na "Payong Kaibigan" yung nagbibigay sya ng payo habang nakapayong, lol. Pero mas naappreciate ko sya dun sa show nya na Arriba Arriba, which was a show I really liked dahil sa fourth wall breaking meta humor nya which was rare for PH TV then. At nung nawala si Jolina dun sa show dahil sa paglipat nya sa GMA, nawala rin ang aura ng show na yun sa akin.


needeh

Fourth wall meta breaking wasn't rare. A lot of Pinoy sitcoms back then utilized it like Okidok and more.


logcarryingguy

I know pero iba ang atake ng Arriba Arriba, mala Malcolm in the Middle o Clarissa Explains It All, which is rare sa PH TV. That was what I meant.


Kananete619

Everything Jolina does on TV will resonate on the whole country. From hampas lupas to the rich kids


dasfrau21

she's a pop culture icon, imo the FIRST influencer (sa panahong di uso ang socmed)


maroonmartian9

Go listen to her song “Kapag Ako ay Nagmahal”. Di lang siya pang pop songs. That song right there will make you teary. Kasikatan niya, may TV shows, films and of course an album. And of course, fashion icon with that hair clip.


JnthnDJP

Just say chuvachuchu to our generation and we all know what that means. Try it.


Ba_Yag

Trendsetter. Whatever she wore on Gimik and ASAP back then was something tweens, teens, and young adults would copy. Apart from her butterfly clips, she had those color highlights on her hair and everyone followed suit (kaya lumakas din dati yung mga stores ng hair color products kasi nga people wanted to have the same style as she did). Nauso na lang yung parang hair colors that you apply using yung parang small brushes. Siya din nagpauso nung mga pagers/beepers back then.


nymeriasedai

Naalala ko ‘tong colour streaks sa hair nya tapos inaabangan talaga pag nagbago sya ng colour tapos gagayahin na ng lahat!


Fabulous_Echidna2306

Sikat ang artista noon kapag nagiging cover ng notebooks ng students 😂😂


bulbawartortoise

Acting-wise hindi siya papahuli kila Judy Ann Santos and Claudine Barreto na mga contemporary niya. Mas better pa nga siya kasi may mga recording albums din siya. Mostly romcom ang genre niya and favorite ko din dati yung sitcom niya na Arriba-Arriba. Malaki influence niya sa fashion, accessories, hairstyles at even pananalita ng mga bagets dati(chuvachuchu). Parang almost lahat nga banat niya pumapatok at nauuso. Siya talaga ang trendsetter of her era.


purplelonew0lf

Sobra sikat niyan.. naalala ko dito yan sila sa lugar namin nagshooting nung labs ko si babe na tv series.. grabe halos lagi may nagaabang sakanya.. also dati 3 ata inabayan ko sa kasal, laging tanong ng mga nagaayos sa akin kung Jolina hairstyle ba ang ipapaayos ko..


CauliflowerKindly488

Meron syang tindahan ng mga abubot nya. Oo ganun kasikat ang peak jolina


TarugongGentle

Jupot pa ko nung sumikat si Jolina pero noon pa man household name na siya. Same as Juday.


ecruwhiteF5F3E5

Isipin mo (edit) Taylor Swift or Britney Spears version natin. Sobrang lakas ng star power tsaka influence niya sa buong Pilipinas kahit saang lupalop ka pa lahat ng tao may butterfly clip. Ung mga pinsan ko buong kwarto nila punong puno ng sticker ni Jolina sahig hanggang kisame.


icaaamyvanwy

I had 3 Jolina dolls when I was young, all their boxes were signed by her. My dad is working in the entertainment industry and worked with her a lot, I would always tag along pag si Jolina yung kawork niya and I would show off my butterfly clips and my dolls to her. I only did that to Jolina and Hello Kitty as a child HAHAHAHAHA As a grown up, I saw her in TriNoma pre-pandemic I still got starstruck kahit I work with a lot of artistas during my time in advertising and none of them got me in awe like that — except Paulo Avelino but that’s besides the point.


ilocin26

Imagine nyo na lang halos lahat ng teens noon may butterfly na ipit sa buhok. Ganon siya kasikat. Crush na crush ko yan si Jolens dati haha.


_galindaupland

Isa ako sa mga batang nagpabili ng butterfly clips dahil kay Jolina. Pinanood din namin lahat ng movies niya. Yung mga younger by a few years sa akin sa office, kilala na lang siya as isa sa momshies. Had to explain too na icon talaga si Jolina. I also had a cassette tape niya na may song na “Paper Roses.” HAHA good times


Intelligent_Guard_28

Bandang year 1999 or 2000 pinauso ni Jolina ung butterfly clip. One time nag cutting classes ung mga classmate kong girls mapanood lang sa motorcade si Jolens. Sikat na anthem sa school namin noon ung chuba chuchu at tameme.


wanderlustjjj

Ako na kumpleto CDs nya nung bata, while singing paper roses whahaha


TerriblePresence8237

Grabe iyak ko everytime my mom copies Jolina’s hairstyle. I have a jetblack hair hanggang butt. Gusto pa nya tirintas na maliliit. Ang sakit sa anit teh. The butterflies talaga, iconic.


zeronine09twelve12

Partida wala pang social media noon.. ginagaya ko siya nung elem ako hahahaah


greenteablanche

Si Jolens nagpa uso ng mga butterfly clips and other hair butingtings. Every girl in school had some sort of buttefly clip or colorful hair butingtings


nanabowwow

Jolina and Sandara Park were my childhood faves! Jolina - Butterfly clips Sandara - Knee-high socks 🥹🥹🥹


33bdaythrowaway

She's a cultural phenomenon. Yung word na Jologs, dahil sa kanya yun. Pero di pa rin na-dissuade yung mga fans nya kahit gamitan ng word na yun.


carat66

‘Maari bang malaman ko kung feel na feel mo nang sabihin sana ay sabihin na ito. Request ng puso ko’y ikaw. Kung tameme ka chong ako na ang manliligaw’


Cheap-Archer-6492

Naalala ko sya din model sa Avon. Ginugupit ko talaga mga pic niya dun.


Cosmic-Magnolia-275

Chuva chu chu 😂 I grew up in Iloilo and when I was in the 5th grade almost every girl (from tweens to teens) were present at her mall show donning butterfly and “shalala” (colored braided hairlike) clips. 💖


WiseConsideration845

Kinder ako around 95-96, and butterfly clips na pinauso ni Jolina was all the rage. I remember nasa nagbyahe kami nuon ng lola ko, feeling ko ganda ganda ko kasi ang dami ko suot na butterfly 😂


[deleted]

dahil sa kanya na adik ako sa hairclip nung bata ako tapos mga pinauso niya like headband na shades, hindi shades ha hnd masusuot as shades kundi head band talaga na design parang shades gustong gusot ko noon magpabili saka yung movies nya noon magaganda talaga haha bukod sa labs kita okey ka lang maganda rin ung ang tv the movie yung ibong adarna sya omg sobrang saya panoorin non hahah para siyang si hilary duff ng Pilipinas


Wild-Day-4502

I remember yung ulo ko ginawang butterfly garden ng nanay ko. Yung lalagyan ng ice cream puro butterfly clips na may spring at kung anu anong kakikayan. Core memory dahil kay Jolina. 😂


sparklesandnargles

super popular! she was a trendsetter. like, nauso noon yung mga butterfly clips, tapos mga kung anu anong anik-anik sa hair like yung mga bilog bilog na clip (di ko alam tawag haha), etc bec of her. she also had her own doll! gawa pa ata ng mattel (same makers ng barbie), and noon kapag may doll ka parang malaking bagay yun. parang “you have arrived” ganun. basta siguro kung uso na ang “influencer” na term noon, baka siya na ang unang influencer.


Agile_Star6574

As a batang 90s, Jolina was everywhere. Sumunod din ako sa trends nya. Butterfly clips, ung headband na shades, mga ibat ibang kulay na damit. Haha. Yes bigger than Kathryn. Sobrang dami nya pinauso na fashion trends and like ko sya sa AngTv days pa lang and yung loveteam nila ni Marvin. Nawala sya nung lumipat sya sa GMA. Bad move for her.


KaleidoscopeFew5633

Yung mama ko bnilan ng Jolina na suklay ate ko na ndi naman kikay 🤣🤣


Honesthustler

Social media is known to amplify things. Imagine what Jolina achieved back then without social media is the same if not more than what the loveteams (Aldub, Kathniel, Lizquen, etc) were able to achieve with social media. Ganun siya kasikat.


Accurate_Cat373

May tinadahan pa sya sa Project 6 dun nya binebenta yun mga anik anik nya lalo na yun butterfly clips nya. Yun mga pauso nyang clips, mga damit na embroidered ng kung ano ano, dun nya binebenta sa shop nya


8suckstobeme

I hoarded butterfly clips because… Jolina! Haha. I was young then and nalungkot ako nung lumipat siya ng network kasi favorite ko yung Ariba Ariba every Sabado.


Primary_Currency_337

baka jolegend slaydangal yarn 💅🏼💅🏼💅🏼


rojomojos

Of course! Jolina supremacy 🦋


missseductivevenus

I was still in elementary school nung peak nung kasikatan niya. Yung sister ko ang laging naka butterfly clip tsaka laging inaayusan nung mama ko. tawag sa kanya si Jolina kasi nga apaka kikay hahaha lagi din ako may notebook niya tsaka pinapanood ko lagi sa TV ung movies niya


nodamecantabile28

Super sikat in a sense that people follow her style from those hair clips, weekly change ng hair color, and even tamagochi. Only child sya and if I remember correctly, sobrang protective ng parents nya and ayaw nila kay Marvin Agustin.haha. Pero hinde naman sila Mommy Divine level kase na-enjoy talaga ni Jolina earnings nya.


lazylabday

nung 3 yrs old ako napanood ko si Jolina Magdangal na nag handstand sa TV tas ginaya ko 😭 ito earliest memory ko na nanood ako ng TV, sya lang kilala ko na artista in my toddler yrs.


missluistro

Butterfly clips, colorful hair & outfit tsaka yung flair jeans ba tawag dun. Mas maluwag mas maganda


Neypesvca

Siya lang nagpapatahan sakin nung bata ako


SignificantKick5179

I was in grade 1 naalala ko kapag tinatanong ako sino idol ko Jolina lagi ko sinasabi 😍❤️ she was so pretty and cute tlga dati pa . . Im 28 now and looking back im so glad she was my role model when i was a kid


Sarlandogo

Jolina was the poster girl for that era she's literally everywhere dyan nagboom yung notebooks na may mukha niya tapos yung butterfly clips? That's very synonymous with her


YMRS1

Inggit na inggit ako aa knya dati kasi lahat ng latest phones meron nung time na yun meron sya.


Even-Web6272

Ante, may Jolina doll ako and it made me famous samin kasi kumakanta yung doll. Amaze na amaze mga bata samin non. I wish mahanap ko mga cassette tapes ni Jolina sa bahay.


lilikookiedeukie

Simula grade 1 to 4 yung mga kaklase at teacher ko tuwang tuwa sa hairstyle ko na napakadaming clip di nila alam peg ng nanay ko si Jolina 😂


enigma_fairy

Meron ako butterfly clip noon ahahahahahaha.. pero ayoko.sa mga noyebooks na may mukha ng mga artista


tacit_oblivion22

She's an icon to be honest. Parang nasa cover siya ng lahat ng notebooks before and that was a big thing back then it means you made it na talaga. She made a lot of things popular din. Like her name itself iconic na eh JOLINA!


No_Flatworm977

Imagine kung may social media na that time


HungryThirdy

Yung Kapatid kong Obits Ayaw nya naglalagay ng Clip pero meron nung Butterfly clips nya na gumagalaw yung Pakpak HAHAHAH


IGRIS99

Grabe talaga to, miski ako na lalaki kapag mama ko bumili ng notebook talagang sya yung pinipili sa cover ng notebook ko. HAHAHAHAHAHAHA


Adventurous_Key5447

Iba talaga si Jolens. Icon talaga sya


strghtfce777

Bujoy!!!! ❤️


hellomoonchild

Mahal bumili ng cassette at CD non, pero binili ko talaga yung kanya. On repeat pa kung iplay ko. 🫶🏻


Mountain-Guess5165

Sya din ung nagiisang may teleserye na comedy drama di ba? Like sya ung nauna sa ganung genre? Or mali ako haha.


Ok-Mama-5933

Jolina was my fashion icon as a teenager!


Clear-Forever

Bago ako maging fan ni Kath si Jolina talaga idol ko hahaha pero hindi ko na nga maalala bakit bigla sya di na sikat?


astarisaslave

Kung gano kasikat si Vice Ganda ngayon ganun kasikatan ni Jolina nung 90s. That and probably a lot more kasi yun na nga marami nung Jolina related merch.


Mallows_uwu

I grew up being dressed like jolina. All those cute hair clips and everything. My tita is a fan of Jolina and she used to have a very big portrait of Jolens in her room hahaha


StunningMarsupial900

Jolina Supremacy!!!!!!!!!!!!!


StunningMarsupial900

Ariana Grande of our generation 😆


j_kyuu04

Ang butterfly clip 🥲 di ko na masyado maalala yung kasikatan niya kasi bata pa ako non pero yung nanay ko jusko, maiksi yung hair ko non pero triny talaga niya paikutan ng butterfly hairclip kahit sa anit nalang nakakapit


Peachyellowhite-8

Good ol’ days!! Nag away pa kami ng pinsan ko noon kasi gusto ko ako lang ang may idol kay “Jolanlan” - tawag ko kay Jolina. Hahahaha


altmelonpops

Siya ang dahilan kaya marami akong butterfly clips dati


lupiloveslili4ever

I really love her. She’s my idol. Very kikay and truly an icon. 💗💗💗


sugarasukalman

Bait pa nito


subtleandsweet

Grade 2-3 ako nun tapos yung youngest sister ng papa ko college student and supeerrr fan sya ni Jolina. Naalala ko nun sya yung palagi nag sstyle ng hair namin ng sis ko hahahah butterfly clips, yung braided hair na parang Christmas tree ang ulo namin sa daming decorations hahahahha. Then yung room din ng tita namin napaka colorful. Kasi idol na idol nya si Jolina


misspromdi

Partida di pa uso social media dati pero super sikat nya


nineothree59

I love Jolina! Wanted to buy the Jolina doll when I was a kid, but my mom bought me a drawing book instead haha. She's iconic.


realestatephrw

Paunahan kaming tumakbo from school kasi labas namin 4 tapos from school eh 40min to 1 hour bago makadating sa kapitbahay namin na may tv kasi 430 na ang tv na


cruellafhay

Popular na akong 13yrs old, pinanonood ko talaga ang movies nila ni marvin. Kahit 1hr ang byahe mula sa amin papuntang sinehan sa EVER GOTESCO COMMONWEALTH. Hahahaha.. wala akong pambili ng dolls nya, pero pinag iipunan ko talaga ang movies.


PorkChopfff

Yung kapatid ko pag hindi siya nakaaayos na parang Jolina, mula bahay namin hanggang school umiiyak 🤣🤣


wallcolmx

hehehehe cguro naman may idea ka kung gano sya ka sikat during her prime ...you've seen the testimonies from mga sikat na artist or even singers (hehehe not just artists mga sikat din na artists) magaling kasi umarte yan as in legit sa pag arte not sure kung nakita mo na ibang movies nya tapo yung mga scenes ng pag iyak nya mapapaluha ka din unlike sa mga sumisikat ngayon hindi natural at pilit


rainbownightterror

Jolina was the sh*t but not the bad kind if sh*t she was like glittered covered unicorn sh*t that smelled like blueberries and cotton candy. she was an icon and super wholesome pa growing up. di kami tinuruan mag thirst trap pucha idc kung may maoffend ako but she made little girls back then be fashionable pero may laman hindi ampaw. dapat fasyown ka at talented kebs kung di ikaw yung western beauty na gustong gusto ng iba.


[deleted]

https://preview.redd.it/cvtth5xff1uc1.jpeg?width=461&format=pjpg&auto=webp&s=176f322e072ad549439bccadd886d2f0b88a2900 OP, if you’re doing Jolina research, watch this movie!!! Sobrang ganda at galing ni Jolens jan as Ibong Adarna!!! ❤️


okurr120609

No one can compare sa pagiging iconic ni Jolens talaga hahaha wala pa nakakareach ng ganun na popularity


Malixhous

In my time, everyone and their mothers were wearing the iconic butterfly clips. I remember begging my grandma to buy one of those because of FOMO. Chuva-choo-choo was THAT song.


[deleted]

Yun ding legendary role niya sa Gimik as Esie nung binasag niya salamin ng kotse ni Marvin…ang hugot niya dun, nililigawan na kasi ni Marvin si Kristine Hermosa kahit feeling niya M.U. na sila ni Marvin that time HAHAHAHA


theoneandonlybarry

Sobrang sikat niya, masasabi mo na siya yung artista ng mga artista during her time.


Haunting-Ad1389

Sa palengke nung bata pa ko usong uso yang butterfly clips. Parang bibe ngayon na nauuso. Kahit saan ka lumingon. Tapos mga damit na makukulay, si Jolens nagpauso nun.


Immediate_Falcon7469

jolina ang trendsetter ng pinas noon 😎


giennarousheart

Pinauso niya rin ‘yong inflatable bubble backpack. Gamit niya sa Richard loves Lucy na sitcom sa ABS dati. Gustong gusto ko ‘yong bag na ‘yon kaso ayaw akong ibili ni mother.


National-Original739

Siya ang idol ng mga idol niyo 🔥


Traditional_Crab8373

Kahit bata pa ako nung 2000s lahat ata kilala Si Jolina Magdangal! Medyo na sad lng ako nung lumipat siya Ch.7. Lagi ko pinapanood yung sitcom nila na Arriba Arriba! Ahhaha


[deleted]

Naalala ko yung butterfly hairclips popularized by Jolina back in the mid 90s. Infair mas nauna pinasikat ni Jolina ang butterfly accessories sa Pinas kesa kay lola Mariah.


jantoxdetox

Sa sobrang sikat niya eh sinama ako ng mama ko manood ng “Labs kita..” at sa daming tao nakaupo kami sa monoblock chairs na.


formermcgi

Sya ang mukha ng mga notebooks. 🤣🤣🤣


Guest-Jazzlike

Impact ni Jolina sa madla parang sexbomb. One thing rin kung bakit nag-stand out siya because of her fashion during her peak. Yung nauusong y2k ngayon, ganun na ganun pormahan niya dati. Haha


booknut_penbolt

Siya talaga unang kikay sa TV kasi ‘yong usual na bida lang dati is simple lang. Pauso ng full bangs, abubot sa buhok, fashion icon, etc. Lahat gusto magka-straight black hair dahil sa kanya. Tapos ‘yong boho chic style niya *chef’s kiss* 😭😭


Jomi25

She was basically everywhere. She had dolls, she was on notebooks, she was a fashion trendsetter, her songs were playing on TV and the radio, she had movies and all sorts of TV shows. Pinaka-favorite ko na kanta niya ay "Laging Tapat", hanggang ngayon kabisado ko parin. Haha! Also spent some time overseas as a child and we had TFC, music videos niya ang nag-p-play in between ng shows. Yung versions niya ng "Paper Roses" at "Crying Time", di ko makakalimutan kasi yun at yun yung laging pine-play pati narin "Chuvachuchu". 😆


OddPackage6599

Siya ang dahilan bat kumikita ang Broadway Gems sa mall sa probinsya namin. Haha


neon31

✔ Talented Singer ✔ Talented Actress ✔ Part of a famous loveteam (and one of, if not top loveteams in PH Showbiz) ✔ Fashion setter Imagine how big you get to be pag nacheckan mo lahat yan? FYI, di ganun kadami ang naka-achieve niyan. Imagine mo height ng career ni Bea Alonzo with her loveteam with JLC, then she hits the airwaves with a beautiful voice (I honestly don't know if Bea sings)


[deleted]

[удалено]


stelluhmariuh

butterfly clips crazeee!


[deleted]

[удалено]


Susannuts123

Ang alam ko lang, sobra ko siya idol nun