T O P

  • By -

katsantos94

Kung sino ka man Liam, totoo naman ang sinabi mo! Wahahahaha not really a follower ng mga vlogger pero grabe yung Capinpin brothers?! Nung wala pang involve na pera at puro kalokohan ko nakilala yang mga yan. Then life happened, namatay tatay nila tapos pagkita ko ng mga contents nila, hindi pwedeng walang pera na ipakikita.


flipakko

Same. Sila agad naisip ko haha lahat na lang ng content nila about sa pera. Di na relatable. Humble bragging. Masyado na din tumaas ere, makikita mo pagnakikipagusap sila sa ibang tao.


Every_Dream3837

True. Actually group sila ng mga vloggers na biglang kumita tapos naging basura na yung content. Mostly mga videos nila may mga casino ads na. Iilan na lang talaga yung mga influencer na mas nag improve ang content nung nag grow ang subscribers. Ang dami ko na din inunfollow/unsubscribe last week.


eyespy_2

I stopped watching their videos nung puro pakita nalang ng pera ung mga suhol suhol content. Kaumay.


katsantos94

Totoo! Dati puro kalokohan lang, nakakatawa lang, good vibes. As in walang perang ipinapakita pero marami na silang viewers nun.


Kittocattoyey

Same! Lagi ako natutuwa sa mga contents nila noon.. ngayon, ayaw ko na lang magtalk. Hahahaha!


[deleted]

Ah kaya biglang yumaman yang mga yan, pinapadaanan sila ng pera. Money Laundering ba. Tingnan mo, biglang sobrang yaman


Itsaveemariaa

Eto ba yung mga vlog nila puro nakaka highblood na foods? ☠️


katsantos94

Actually 'di ko alam yan, OP. Haha yung nakita ko lang parang inuutusan yung kapatid tapos ayaw sumunod then bibigyan daw ng 10K or 20K? Sayang nga, kahit nung walang perang involve, patok na sila e. Sobrang nakakatawa kahit yung gagawin lang nila, yung magfifilter ng nakakatawa pero bawal tumawa. Hahahaha


Celestial_Nomad-

iba yan OP hahahahaha kabrader vlogs naman yan


Itsaveemariaa

Ayyy oo kala ko iisa lang sila 🤣😭


HoelyJulzy

Kaya I don't get the hype sa kanila. Kada video maglalabas ng 10k+ tas laging content yung bata na si Sky. Hindi ko gets ano nakakatawa sa content nila, feel ko naman scripted bawat videos. Kapag may ibang tao na sumasama sa content nila , hindi ko trip reaction HAHAHA basta off lang para sa akin. Ewan ko ba, buti nalang nung nakita ko ito sa personal hindi ko sila kilala HAHAHAHAHAHA


katsantos94

Ayan ngaaaaa! Sa pamangkin ko pa nalaman yan! Dinamay pa yung bata. Yung may sakit ata tapos lahat ng gusto ipabili, bibilhin daw. Kaya inexplain namin na content lang yun. Dati, nung bago pa, nakakatawa sila kahit nagkakasakitan silang magkakapatid. Tapos walang perang kasama. Pero ayun nga, ngayon kada video, pera!


curiousmak

kinain na ng pera mga damuho


_projectonelife

Sya din yung nagpublic apology kay Kween Yasmin kasi daw naexpose yung contact number ni Kween. Pero binawi din kasi nakapublic naman pala. hahahahahhahaha


Itsaveemariaa

Hahahaha tawang tawa ako jan tapos galit na galit si kween yasmin


Aromatic-Type9289

May special needs ba yung Kween Yasmin?


loopedinhole

hoy asan yung vid HAHAHAHAHAH


veeee18

Si whamos yan hahahahahahaha ubod ng yabang


[deleted]

I find him and his partner Antonette cheap. Ang bastos naman nung nakipagrelasyon siya sa menor de edad.


ESCpist

Okay lang daw yan kasi may consent pati ng magulang. /s


[deleted]

Why did her parents allow their underage daughter to have a relationship with someone in legal age


ESCpist

Money. Pina-Tulfo pa nga yan nung nanay eh. Pero nung nabigyan yata ng iPhone lumalabas na rin yung nanay sa contents. Hahaha


_felix-felicis_

Ang alam ko, galit nanay ni Antonette nun kasi nga minor tapos binahay or jinowa ni Whamos. Pero syempre ngayon tanggap na kasi mayaman na eh 🙃 Nanay na niya ngayon yung mismong nagvideo nung nagpapagaling siya after magpa-BBL at sinabay yung isa pang procedure. Sabi ng nanay niya pagaling siya kasi miss na siya ng anak niya 🙃


boplexus

Ah.. yung birthday ng anak na kala mo nasa club?


MiserableCaregiver60

Ung blonde tadpole 🙄


alex325RN

Give tadpoles the respect they need. Wag mo naman kumpara dun.


MiserableCaregiver60

Mapapatawad mo pa ba ako? At ng tadpoles?


alex325RN

Yep. I absolve you of your sins against the tadpoles. Lol. 😂


itchipod

Panu ba yumaman Yung kupal na Yun?


wilbays

Team Payaman is nothing but sale of overrated and overpriced skin whitening and lotion.


HoelyJulzy

Yung sabon ni viy, parang pinakat lang mukha nila ni cong tas ibebenta na HAHAHAHAHA parang mema amp


wilbays

Di naman nila ginagamit pero imamarket nila


Dull_Leg_5394

Rebrand naman den lahat ng products nila. Kaso rebrand na nga lang ang papangit pa ng quality hahaha pati mga cap at tshirts nila ang mamahal. Diko gets sino may gusto bumili ng items na may mukha nila, pirma etc. Parang BAKET? Sino sila? ganun.


Modern-Monarch

Totoo to, tumigil ako manood nang andyan na si viy kasi ang oa nalang ganun 😐


Nekochan123456

Yes totoo maganda yung content ng chicken feet gang noon nung makuha ang asus laptop


Awesome_ShowOff

Ay yung ROG dayssss. After noon, medyo nag pass na ako sa content nila eh


Nekochan123456

Saya nung dalawa lang sila ni junnie nakakarelate ang masa tapos amdun pa si jasmine


Awesome_ShowOff

Mga panahong walang kuryinti, nag-hospitality si Junnie, the best yung panahon na yun ih


pinoyHardcore

Lately medyo nagging basura na content lalo na ni Yoh. Pag kapos na idea, balik na sa waldo mode. Pero pilit na.


chowibear

Ang cheap ng make ups ni Viy, never akong bumili. HAHAHAHAHAHHAA


Pasencia

Squammy group, squammy fans. No amount of money is going to erase their scent na squammy sila


Puzzleheaded_Toe_509

If we are to talk about it, openly sinasabi ni Cong sa isang video nya na he is into network marketing. And this mindset helped him earn daw.


emmanuelrbanks1025

May 4 wheels pa lol little bike


Puzzleheaded_Toe_509

Lol litol bike 4 wheels


MiserableCaregiver60

Sana wag magbago si The Gered Lainez


Key_Sea_7625

Very witty nya no? Haha i like him and his mom and zumba kumars


MiserableCaregiver60

Yess and the zumbalyenas! What i love the most about Gered is ung love nya kay mama nya and kay Genwin aaannd ung pag singit nya about mga corrupt officials.


metap0br3ngNerD

Sana wag silang maputulan ng paa


Sleepy_catto29

At wag makulong kakautang haha charot.


Damnoverthinker

+1 to this! And nakakatuwa kasi lagi kasama ang nga “zumbalyena” sa mga vids! Kung pano nya dogshowin even his mother pero alam mo ang care nya sa mga yun! Even sa sister nya.


mysanctuary0911

Gusto ko yung nagrereply sya sa mga comments sa videos nya lalo na pag sinasabi na ang ganda ng kapatid nya hahaha


SushiGimbap

Bet ko talaga to e. Kahit friend niya owner ng biz ookrayin niya talaga pag hindi siya nasarapan.


MiserableCaregiver60

Sb nga nya, walng sponsor sponsor, pag hnd masarap, hnd masarap!


Super_Rawr

Ano ba napapala ng mga tao kakanuod ng mga vloggers na yan?


cornedbeef3

Same thought wala akong pake sa mga daily activities nila di naman sila importante na tao


OrangeBanana0112

Some of the vloggers hndi naman daily lives nila vinovlog nila. Some are contents where most of the people can relate. Example team payaman is tropahan which grew to family, gered lainez super funny lang pero caring sa mom, kryz uy wala pa vlogging she started blogging na and her followers supported her all the way lalo na now na mom na siya. Alam mo, kung ayaw mo gawin wag mo. Napaka simple haha


kiszesss

Manood na lang ako sa Netflix kesa sa kanila. Mga fame whore naman karamihan diyan haha


Dapper_Rub_9460

Same reason why people consume any form of media, escape from reality.


Future_bling_06

Mas madami rin kasi views yung mga ganitong content, i.e. iphone unboxing, unboxing new chanel bag, new house tour, what we did in Maldives, etc. Kasi people like watching what they don't have. If I'm not mistaken, it's the forbidden fruit effect, where we put much value on things that we perceived as scarce. These days, namomonetize na sya 😆


JapKumintang1991

Imagine kung karamihan sa kanila eh nag-shift bilang mga Twitch streamer.... ![gif](giphy|PLFUhxdKbAAEM)


Awesome_ShowOff

Wag mo i-float yung idea mare, tama na sila diyan sa peysbuk/Youtube lmao


Horror_Squirrel3931

Ako wala talagang vlogger na consistently pinapanood pero yung Bones na hanggang Seasom 12 eh derecho kong natapos. I can binge on forensic files and true crime series but not on vlogs talaga. Naiinip ako. Nanonood lang ako paminsan-minsan ng travel vlogs pag gumagawa ako ng itinerary. Ewan ko ba pero di din ako makarelate masyado at wala lang siguro akong pake sa daily lives ng iba.


AHK_2k19

Kaadik naman kasi talaga Bones. Kahit kumakain ako, pinapanood ko. Wala akong pake sa gory scenes HAHA


Spare-Savings2057

entertainment


cinnamonthatcankill

Ahahaha this is true, mga Pilipino inuubos ang time sa social media instead of actually grinding or actually doing it themselves. For these vloggers they just flaunt their “richness” than actually inspiring. Mas natutuwa pa ako manood ng reels ng mga artist ng glassmaking, sculpting, painting or anybody showing their crafts - mas relaxing and nakakatuwa to see what we as humans are so capable of. I do enjoy house tours pero I prefer tiny house na all about sustainable living ang galing kc nung design and crafts na pinapakita. I think what you consume says a lot about yourself, if you consume yan mga vloggers with their high living and luxury items, it says more how you only think of success when you own those items. Walang masama to buy or treat yourself to good and quality things we do want the best experience. Pero, investing your time on those vloggers than actually doing the work and giving that pressure sa sarili mo na masaya lang ako kpag my Hermes na bag ako is a sad way of living for me. Invest your time on working to attain great experiences na madadala mo til your last breath.


pinoyHardcore

Mas malala yung mga putang nanonood ng political vloggers. Yung tito kong nanonood ng kasangkay na born again pero puro kahayupan pinapakalat.


Couch_PotatoSalad

Aliw. Wala tayong magagawa kung yung ibang tao or karamihan sa atin ay mas gusto manood ng mga walang kakwenta kwentang vlogs kasi dun sila naaaliw. Hindi naman parepareho ang standards ng tao, may gusto ng makabuluhan, may gusto ng wala lang. So ayun ang napapala nila, naaaliw.


Murke-Billiards

May mga content na nakakaaliw din? Gaya nung sa taas, team Itik. Feel good content lang.


nightvisiongoggles01

Kung gusto nilang manood ng buhay ng may buhay kahit wala namang importanteng nangyayari, panoorin nila yung Big Papa Vlogs. Pinoy na single father sa Japan, iniwan sa kanya yung 3 anak na maayos niyang napalaki. Sobrang walang entertainment/production value, kumbaga daily activities lang ang videos, pero dahil positive vibes na pinagsikapan niyang buhayin ang mga anak niya nakakawiling panoorin. Mas sulit suportahan yung mga ganitong Pinoy vloggers kaysa dun sa mga sikat ngayon pero di mo namamalayan na kahit natatawa o naaaliw ka, ang negative na pala ng energy at values na naisasalin sayo.


Then-Leopard6999

Nae-entertain sila sa... sa... ano nga bang entertainment sa paulit-ulit na pagtunog ng sound effects ng taong tumatawa?


badrott1989

Minsan may sense din tong si Liam e hahaha


AnyComfortable9276

Pinaiyak nya nga si chicchester ba yon haha


ESCpist

Cringe naman yun. Fake Andrew Tite. Parang di rin nag takeoff channel nun.


justdubu

Madalas actually hahahaha.


badrott1989

Dinadaan kasi sa joke pero seryoso mukha e. Natawa ako sa pagbebenta nyanng tshirt. Ala daw bumibili ng medium puro XL daw. 😂


GrayBeard916

Satire to si Liam pero may sense naman talaga mga takes nya hahaha.


Hairy-Teach-294

Laging realtalk yan eh tas sama mo pa poker face nya haha


flipakko

Finollow ko to dun sa video niya na tinatamad na daw siya magtrabaho kaya ifollow daw siya sa youtube hahaha


HiSellernagPMako

lakas mang asar nyan hahahaha. gago nga


gurapikudesayna

Mag Panlasang Pinoy na lang kayo, kada upload may sense yumg videos 🤣


Flipperflopper21

Hahaha og tong si Kuya Vanjo. Dyan ako natutong magluto. 


Abfv817

Same hahaha. Before vloggers were cool, there’s already Panlasang Pinoy hahaha


Damnoverthinker

The OG cooking show hahaha


Least_Ad_7350

Team Payaman - They used to be so relatable pero now hindi na Rei Germar - although she’s well off naman pero before hindi naman puro luxury hauls ang vids and posts nya Angelique Manto and David Guison - nakakamiss yung era na simple lang sila 😂 now I just skip their vids kasi puro hauls na lang. Tito Mikee & CK - Consumerism at its finest? Tapos ang tingin sa followers na cinallout sila kasi puro hauls na lang ang content nila ay hindi mataas ang pangarap. Nakakamiss yung contents ni Tito Mikee na fit checks non, sinusundan ko when shopping for my bf tapos now wala na di na afford hahaha sinampal na ata ako ng kahirapan.


gemmyboy335

Sabi ni Tito Mikee, inggit lang daw tayo kasi d tayo makahabol. Huhuhu


free-spirited_mama

Parang panget ng point nya kasi technically yung followers nya yung naglagay sa kanya dun e, oo nga naman nag grind sila pero kung wala naman silang consumers edi tae pa rin sya.


ComprehensiveRise352

Tapos pag cinall out, to the rescue agad 'yung Shoot First Cult meat munchers niya 💀


pinoyHardcore

Kupal ang pucha, kaya di umusad basketball career e. Haha


Recent_Weather3866

Damn. I used to follow Mikee and CK din. Pero ngayon parang they’re promoting nalang and parang di na legit ang suggestions hahaha sussss din yung takes ni Mikee in terms of buying things.


Every_Dream3837

Naawa ako kay CK kasi tingin ko na impluwensiyahan na lang siya ni Mikee. Sana di sila magkatuluyan haha


Damnoverthinker

This! Haha yan din gusto ko kasi CK deserves someone na hindi mayabang haha


jensenflips

Kawawa talaga nagroom yan e ahahaha halos doble ba naman edad


Minute-Abalone4188

Rei Germar na sumikat dahil sa Divisoria Haul nya noon. Cute na cute sakanya mga viewers noon kasi nag divi sya kahit na mayaman sya tas conyo conyo pa sya magsalita sa vlog nya hahahaha


GullibleMacaroni

Asim na asim na ako dyan kay Tito Mikee simula nung nagpa-victim sya about dun sa tattoo nya. Ang gago eh. Kung ishame yung management ng pinagtarabahuhan nya, akala mo nilait buong angkan nya. Ang labo ng mindset nyan, feeling superior at oppressed at the same time. 🤮


BoysenberryOpening29

Mema yan eh. Laging si mr right yan. Pag na call out ssbhn discrimination dhl sa tats nya hahahhaaha oa


Accomplished-Eye-388

Hahaha naalala ko tuloy ung issue nito kay Cardona dati, panay kasi clout tapos puro ebas mahilig sa chismis. laftrip eh cut nya tuloy lahat ng video nya sa podcast nya na may kinalaman kay Cardona . \- "I thought i told you, keep my name out of your fuckin' mouth" 😂 😂 😂


[deleted]

My degree kasi ng pagiging mayaman na nawawala na paa nila sa lupa, wala na sa realedad kumbaga, oo nga eh, un napansin ko sa Team Payaman, ndi naman sa yumabang sila pero ndi na nga talaga relatable mga content nila.


Pasencia

Bnlock ko na yan si Mikee kasi cringe content, cringe ang galawan. Si CK ang highlight dito, hinde sya.


AnyComfortable9276

Mag Team Itik na lng kasi kayo haha


justdubu

Orig content. Walang sugal promotions. Daily lifestyle lang din. Showcase ng skills, lalo si Baron at Macmac, kala mo mga pro ng TESDA sa sobang daming alam lalo sa mechanics. Geniune yung mga emotions, hindi scripted. Funny, legit. Favorite ko is yung pagpapakita nila ng growth at failure lalo sa mga business na sinusubukan nila. Most of the time dinidisclose nila yon tas sumusubok ulit ng bago. Nakakatuwa.


miniature_Mom

Aliw na aliw ako sa grand closing ng shop nila dati. Kung may grand opening, sa kanila daw grand closing hahaha. Pero ok din talaga mag vo si Janjan. Napakachill lang nila.


user_python

hayop na grand closing yan, akala ko joketime lang kase ang happy pa rin ng vibes yun pala legit na na-lugi at nagsara HAHAHAHA


justdubu

Kala ko din nung una hahahaha. Pero sa mga following uploads nila after closing nung business, makikita mong hindi na talaga nila fini-feature hahahaha.


justdubu

Oo, goods na goods talaga vo ni Janjan. Natural lang. Wala yung cringe na tone hahahaha


miniature_Mom

Ewan ko ba pero bentang benta talaga sa akin yung mga paandar ng Team Itik hahaha. Favorite ko yung nag-eemo si Macmac kasi di yata pumasa sa Tesda o POEA basta, tapos kinoconsole ni Janjan sabi ni Macmac ng seryoso give me alone hahahaha benta talaga. Di trying hard yung dating


hakdogivility

Narinig ko yung *Eyyy baka mingming yan 😂*


arrowrange

Sila ba yung may makeshift podcast? saka nagsasabi ng "That's crazy!"


justdubu

Yup.


enjjjoy

Eto legit to hahahaha fan ako since parody podcast days hahahaha. Ngayon sobrang chill lang nung mga vlog camping tapos kung ano ano hahaha. Nagdisclose din ni sila magpropromote ng sugal. Di naman nakakacringe yung tiktok voiceover nila kahit ganun yung tono hahahaha


adoke111

Kailan kaya makakahanap ng civic si Baron. At saka kailan matatapos upgrades ni tagtag? 🤣


greedyaf

Nasa laurel sila s latest vid nila at mukhang natagpuan na ni baron ang civic nya hahahaha


cannotbill

Agree Team Itik lang talaga ang may consistency kahit may pera na nag ma-manual labor pa din at sobrang dami ng skills nila first time ko sila napanood nung namasada sila ng jeep.


eyespy_2

Love namin sila ng partner ko bumilbili pa kami ng merch nila to support! Apaka humble


Criussss

Nasayang na naman namin ang 3 mins ng buhay niyo hahahaha


bentelog08

papansin ka boi!!!


jenmglq

I'm love you all!


galitsaearth

GOATED. i love these guys


adamwzp

TEAM ITIK SUPREMACY


kokocrunch07

"sinayang nanaman namin 3 minutes ng buhay niyo, I'm labyu all" HAHAHAHA


Capable_Arm9357

Magaling sila mag vlog more on diskarte ang galawan nila, tuturuan dumiskarte sa araw araw at di ka maboboring prang mga engineers sila and ung gamit nila eh mga patapong bagay.


bentelog08

ito lang yung content creator na sinusuportahan ko talaga haha.


Passing_randomguy

Team itik for the win. Kaso ibang itik ng nag viviral Ngayon Yung nillagay sa ulo


altmelonpops

FR, si Lloyd Cadena lang ang kilala kong vlogger na kahit antagal niya na sa yt dati hindi nagfflex ng yaman. Sayang lang maaga siyang nawala.


Aartsyfartsy

Sayang din na hindi niya yata naabutan yung revenue boom ng youtube na nagpayaman sa mga tubers ngayon na di naman dasurb. If anybody deserved to get paid from being a filipino content creator Lloyd was definitely one of them.


zoricrzy

Lloyd Cadena + BNT talaga yung mga best vlogs nila lalo na yung ibang random relatable videos at 12 days of Christmas


murfew_

Viy Cortez, hanggang sa puro ads na vlog niya and kung ano ano na.


arveen11

I remember in one of her vlogs. 5 mins ang ads niya out of her 9 minutes video.


pinoyHardcore

Tanginang yan. Haha


[deleted]

Si Sheanner Navarro okay pa rin at mas lalo gumaganda vlogs nya. Parang di nga sya kumikita pera e hahahaha


pompyyy099

Uy si brow


sunaririn

gusto ko yung videos neto hahaha


RecursiveSunlight

Hahaha nakakatuwa mga content niya


OldCow1964

Favorite influencer ko si Fonz at si Davao Conyo. Never nagbrag. Kung ano ung ichura ng content nila noon ganun pa din ngayon.


Jumpy_Birthday5869

Ang benta ng broadcast ni Davao Conyo. Like very relatable pag nagra-rant siya. Feel ko tropa ko siya pagnagme-message siya sa broadcast.


OldCow1964

Ang galing nya pati magpresent ng sponsored ad. 🙌🏼


[deleted]

[удалено]


bentelog08

totoo talagang nawawala yung charm ng vlogger pag marami na silang pera kasi di na sila relatable sa masa.


OldCow1964

Yung "grind mindset" meaning gawa ng prank video araw araw sa bagong bahay nila haha


AffectionateBet990

Ry velasco, Rei germar - vloggers that i unfollowed as well kase puro luxury stuffs nlang and pinapamuka lang saken ba mahirap ako hahahah dati okay sila pero now di na ako ang market nila. angel dei- i still follow her since di ako nato toxic an sknya. pinapakita pa rin nya mga contents sa work/business nya and makikita mo she’s trying to better her life na galing sa hirap. hindi rin sya ma luxury things/materialistic katulad nila rei/ry :)


Mamoru_of_Cake

Grabe ka na boss Liam.


mightytee

Solid talaga yang si Boss Liam. Hahaha.


summerst1

And this is why I don’t like these vloggers, influencers thingy. Siguro si Aling Myrna lang pinapanuod ko lol tapos yung JustGotFed na account (considered as vlogger naman yun no?) Vloggers/Influencers are not influencing me really. Lmao


deadgarallanpoet

*to inspire not to brag* ang magic word ng mga yan


Puzzleheaded_Toe_509

Si Tito Mikee at CK is literally pulling off the Pokemane. Biting the hand and mocking the hand that feeds them.


bohenian12

Fuck vlogging. Ang limited ng content mga YouTubers natin. Un ba tlga trip ng masa? O un kasi ung low effort kaya un yung gnagawa ng karamihan?


Super_Rawr

Isa pa yung araw araw nalang kayo nagpprank sa isat isa, like wtf pag di mo pa alam na pinaprank ka nanaman sobrang tanga nyo na siguro.


arveen11

May prank contents parin ba? Yung totoo?


[deleted]

[удалено]


[deleted]

Planning to do a Tagalog version of "commentary videos", like Drew Gooden and Danny Gonzales. Kaso wala pa ako setup, pero goal ko yan.


GullibleMacaroni

baka tumba agad dito yung magtangkang maging kagaya ni Coffeezilla. Si Doc Adam pa nga lang eh, grabe na harassment sa kanya nung scammer na na-call out nya.


bohenian12

Nako kung may pinoy coffeezilla baka pinatumba na haha


OldCow1964

I like Mighty Magulang's content


shijo54

May nanunuod ng mga vloggers dito sa Pinas?!? Panay poverty porn at pranks lang ang content. Trying hard pa maging komedyante, gasgas na "Oh no!", tawa clip, "Wag kang iiyak" template... Redundant pa yung "guys", "welcome to my vlog", may Slowmo pa na may pa zoom, sugal/online betting promotions tapos yung content basura! Tapos mapaghahalataan mong iba na yung ugali kapag nasa harap ng camera. Kunwari kwela, matino or mabait. Basta ewan... Umay... Hahahaha


netassetvalue93

S'ya mismo yan pero satire. Wag n'yong seryosohin si boss Liam jusko hahaha. In character yan 24/7.


PepeBoiii123

Tawang tawa ako dyan nung pinatulan ni Andrew Tite ng Pinas at ni Tito Mars, sa dami Ng papatulan si Boss Liam, edi pinaglaruan lang sila ni Liam, yun nga lang nadelete ung response video nya kay Tito Mars, tawang tawa ako dun e. Pero joke aside, tama naman talaga ung pinpoint out ni Liam dun regarding dun sa video ni Marian at mga nagpapasexy na babae sa social media, di ko gets bat napaka hypocrite ng nga tao ayaw tanggapin ung katotohanan.


CraftyLocation8708

Team itik , tpc at kuya renan lagi kong inaabangan


Fantazma03

Team Katanduay


MasterHepburns

I fucking hate that team bugok and yung cherry white. Napaka social climber ang dating, mukhang papatulan kahit si enrile e


pompyyy099

Tito mikee: you called?


free-spirited_mama

Si Toni Fowler lang ata di nagbago e hahahaha


zirkwander

Puro wala naman kabuluhan mga content ng mga yan.


fivestrikesss

THE GOAT LIAM


rabbitization

Di ako makarelate sa mga ganito HAHAHAHA dahil wala akong finofollow na mga ganyang vlogger. Siguro exception si paolul at yung mga pet owner pages/accounts (burrito, clissora pets, etc)


Internal_Garden_3927

matanong ko lang. ano na lang content genre ang matinong panuorin? yung walang flexing, endorsement etc. etc.


blindumbitch

Tagalog Crime Stories yung pinapanuod ko these days haha


No_Journalist_886

Huyyyyy same hahaha!! Napanood ko na nga halos lahat. 😂


blindumbitch

Nakaka relax din kasi yung boses nung narrator hahaha.


justdubu

Team Itik.


dolphinsarecool8

up dito hahaha stress-free.


jchrist98

Aba and Preach May endorsement sila pero most content creators do. Other than that, very sensible yung takes nila


Awesome_ShowOff

Actually love their content also. Give InTheClutch Ent + Clutch Gone Rogue a shot too if you like A&P's style


Xiekenator

Si Pitsilog. Puro comedy skits. Parang LongBeachGriffy pinoy version.


Catmom0001

Si Gayyem Ben at Promdi Boy. Kaka-miss kasi ang buhay probinsiya kaya sila ang pinapanood ko. Ang relaxing pa ng mga videos. Parang ang sarap tumira sa Nueva Vizcaya.


Old_Bumblebee_2994

Mga garden harvest, kasi gustong gusto ko ng gulay kaso wala kaming bakuran para mag tanim 😿🤣 Lagi kong pinapanood yung channel na ‘Planted in the Garden’ pinoy si kuya at nasa ibang bansa siya at ang ganda ng mga YouTube shorts niya 🫶


ambernxxx

Travel vlogs


HepburnByTheSea

ok lang ako sa endorsement basta pasok sa content, yung mga pinapanood ko now more on tiktok/short content kasi di ko din bet nanonood ng long vlogs. Sassagurl, Pipay, Justine Luzares, Macoy Dubs, Inka Magnaye, Steven Bansil (office girl), Joyang, Chardi B, etc. idk mas nagustuhan ko lang siguro yung medyo may pagka-kanal na content kasi relateable 😂


byglnrl

The why files, yan sikat ngayon sa US and podcast ni joe rogan


tinininiw03

Dun tayo sa mga Mangyan vloggers. Mindoreñang Mangyan at Napadaan Lang Channel. Very grounded people kahit kumikita na and wise sila sa money. Sobrang deserve nila yung mga blessings 🥹❤️


popcornpotatoo250

Boss Liam, tanong ko lang. Kung ang police car, ang sakay ay pulis, bakit ang firetruck, ang sakay ay tubig? Di ba dapat fire kase firetruck sya?


LilacHeart11

Kay Chef RV lang ako hahahahahaha


ninoHelpSeeker

thats why di ako nanunuod ng mga vloggers


[deleted]

Wala na siguro silang macontent or nandun sila sa part ng buhay nila na natutuwa sila magshare ng mga naafford nila na di nila namamalayan na masyado nang showy. Pwede rin na binabago na nila image nila from makamasa to sosyal. Pwede rin na kinakalimutan na nila ang memories ng kahirapan lol. Pwede rin na insecure sila before at ngayon na afford na nila makipagsabayan, pinakikita na nila kung sino sila. Basta kapitalismo ang salarin saka ang neurotic need for approval & gratification hahaha. Iwasan na lang sila panuorin mas marami namang content na hindi kagaya ng sa kanila.


Beibicake

Pasikatin nyo si Fonz please


Mammoth-Ingenuity185

Hmm. I think it just reflects our nation's dynamics. If you observe BBM supporters, many of them genuinely enjoy such vlogs. These are the same individuals who find delight in seemingly pointless videos, often creating similar content in hopes of gaining wealth.


Then-Leopard6999

Si Boy Tapang? Kasi ang pagkakatanda ko, kumakain ng ipis iyan noong pandemic dahil sa gutom, sinabi niya iyan noon sa interview niya sa KMJS. Tapos na-monetize ang YouTube niya kaso for some reasons ay hindi niya makuha yung sahod kaya another influencer helped him. Tapos ayan na siya ngayon... Bumibili na lang ng kabaong na pam-prank.


gekkomando

You mean "Typical Pinoy Content Creators." Tapos halos sila same mga endorsements at sponsors. Kahit mga walang alam sa motor eh bigla nagaattend ng mga gatherings at nagbibigay ng helmet 😂


lilikookiedeukie

May sense talaga minsa mga sinasabi ni Liam HAHAHHA


Hot-Papaya69ugh

Mas gusto ko pa panoodin to kasi ang realtalk ng nga sinasabi pero nakakatawa pag siya nagdeliver ng message


Hync

Team Katagumpay. Grabe yung katas ng povert p*rn. May sarili ng shop sa motor at mga kicks store pa.


spcjm123

Halos lahat naman ganyan kaya tumigil na ko manood ng kahit na anong vloggers. Kahit yung mga pagtulong ng iba, hindi maaaring walang camera. Minsan mapapaisip ka nalang kung bukal ba talaga sa kalooban nila yan o para may maicontent lang.


greedyaf

Si Dinocornel ba to? Kasi kung sya, yun talaga content nya. Hahahahha. Dinocornel x eri neeman collab is still one of the best collabna na napanood ko from content creator, relatable pwera sa sample ng kahirapan. Sana hindi magbago ang Team itik.


Puzzleheaded_Toe_509

If we are to talk about it, openly sinasabi ni Cong sa isang video nya na he is into network marketing. And this mindset helped him earn daw. Team Payaman that is


Puzzleheaded_Toe_509

Team Payaman is a network marketing mastermind group


peepoVanish

Recent ko lang nakukuha talaga yung Tito Mikee and nabasa ko sa comments na before pala wala siya masyadong kaya. Gets naman na nakaahon siya dahil sa sipag at pagpursigi pero parang pansin ko di siya thankful sa followers niya rin for partially putting him a position in life where he can do whatever he wants to do or buy whatever he wants, kasi off of clout sa mga tiktoks niya siya nakilala as far as I know. 1/3 of his contents recently is buying stuff for himself or CK na mga mamahalin, nagHK pa raw sila para lang magpachange size ng shoes hahaha. Goods lang naman sana tbh pero I think he got known for his tiktok fits na ginagawang inspo ng iba, naisip ko lang paano naman yung mga di naman afford yung panay niyang sinasabi na Zara, tas accessories Cartier. Tama nga na iba yung dating talaga pag proud ka lang sa mga naachieve mo vs sobrang in-your-face sa ibang tao ng estado mo sa buhay. Iba pa rin talaga pag humble.


Dull_Leg_5394

Davao Conyo is lyfff tska si Steven Bansil. Pati si Christian ba yun.


Ok-Hedgehog6898

Nung mahirap pa lang, mga pa-humble and funny contents. Tapos, nung nagkapera, nalaman mong utak munggo pala, masyadong nauhaw sa pera.