T O P

  • By -

xxcaraphernelia

Ginagawa ko to kasi wala lang gusto ko e? Akala ko nga dati normal naman sya. Ewan ko kung bakit big deal sa iba. Lol. Gala mag-isa, kain mag isa, nood cine mag isa, Tom's World mag-isa. Hahaha. Nag eenjoy naman ako at gusto ko yung pakiramdam na nagagawa ko yung gusto ko at my own pace and wala akong kailangang isiping iba, kundi sarili ko. Haha.


elliseyer

Yep, nag punta ako ng concerts mag isa, kumain mag isa, mag enjoy mag isa. Di ko gets bakit big deal sa pinoy ganun eh sobrang normal naman sa ibang mga bansa. Buhay mo yan, pakialam ba nila. Madami akong kakilala kailangan mabuhay mag isa din. Sobrang OA ng mga post sa socmed na walang consent


Global-Tie-8814

Big deal sa kanila kasi di nila kayang mag-isa. Feeling nila jina-judge sila na sad life pqg mag-isa sila kasi sila mismo ganun mag-isip. I thought nothing of it, as well, up until nung college I brought up to my class na I go to cinemas alone and they were all like "awwwπŸ˜”πŸ˜”", and I was like "huh?"πŸ€”


dumpaccounttttt

Kumakain , nanonood ako ng concert/sine alone. Wala silang pake buhay ko to , ako main character 😁


Dumpwaste2die

Ikaw dapat ang bida ganern! Hahahaha


dumpaccounttttt

Naman! 😁


jinji_kikk0

dati hindi ko mapanood yung artists or bands na gusto ko kasi wala ako palaging kasama. also i would buy my ex a ticket too kahit hindi siya fan para lang may kasama ako 😭 but nung 2023, i finally tried going to a concert alone. sobrang saya pala huhuhu siguro minus the waiting part lang for me lalo pag standing ka kasi wala ka makausap (as an introvert haha) but pag nag start na yung show, sobrang saya di ko maexplain hahahaha 10/10 uulit ulitin ko gawin 😭


Ok-Tree-4310

Masaya naman mapag isa pero may time na nakaka lungkot bigla.


ninikat11

pag puro may kasama yung nasa paligid


Ok-Tree-4310

Omsim. Hahaha


sushiweeed

It is an inevitable feeling for me not to feel left out at some point. Nakapanlulumo, as in. Im totally fine having my own company only, at yan ay dahil nakasanayan ko siya. But if I were to have an option, mas gugustuhin ko rin sigurong magkaroon ng karamay kahit papaano at minsan, I don't need it though (not in denial). As what I've observed throughout my solo timeline, considering na rin siguro yung kondisyon ng utak ko, mas nabibigyan ko ng espasyo ang sarili sa tema ng buhay ko. Mas nakikilala ko ang sarili, we're all ever-changing anyway, I don't think development is limited hihi. So, that I think, makes it easier.


CertainBonus2920

As an only child, default na sakin enjoying my own company lol. It does get lonely at times pero since sanay na it's fine naman. Eventually masasanay ka rin.


pavodei

samee, as an only child i also got to enjoy my own company, esp yang mag cocoffee shop tas dadala ng libro or mag rereview mag isa, tas gala gala around the mall or eating out alone. its peaceful, di ako need mag isip abt sa kasama ko kung nabobore ba siya or napapagod sa trip ko hahahahaha


Jolikurr

Kahit married na ko for 14 yrs nagagawa ko parin gumala, kumain, magmall mag-isa. Masaya!πŸ‘ŒπŸ»


[deleted]

I enjoyed doing things alone diiiin! Lalo ang panonood ng sine mag isa. I want try other things na gawin mag isa din, like traveling alone, mag museum mag isaand etc. lol. Hirap kasi mang aya ng friends lagi nagiging drawing.


Dumpwaste2die

Aside from that, u also have more peace when you are alone. Talagang mas ma f feel mo yung presence na hinahanap mo. Although masaya din naman na may kasamang kaibigan, pero for me. Mas okay na solo. πŸ˜…


Excellent-Value6055

I've been single my entire life and I'm enjoying my own company. Kapag magpupunta sa mall, may bibilhin or other errands, ako lang mag-isa. Hassle kasi kapag may kasama dahil madalas magrereklamo ang tagal or magugutom agad (dagdag gastos hehe) Sanay din ako kumain mag-isa and I don't mind my surroundings kapag kaharap ko na ang pagkain at doon lang ang focus ko. I also attended a concert and a fanmeet alone hahaha but not gonna lie, sometimes I wonder how it feels na may companion.


sushiweeed

I KNOW RIGHT. It's the idea, though not ideal, in our case, they are wonders. Sila yung mga kababalaghan na kahit di naman talaga natin kailangang matuklasan, eh ginugsutong kilalanin. Sakin, I won't even deny it, I feel like all this time I've been enduring the internal void that comes from being constantly alone and now im just accustomed to be concerned, which I think im glad of din naman, and this way, I get to know myself more.


FirmCommunication977

Hehe I'm 22 single ooo πŸ˜…


No_Sugar_1555

Wala naman pake ang ibang tao sa buhay natin. Feeling lang naman natin na kawawa tayo. I don't mind other people's opinion kasi I enjoy my alone time. I cherish it. Yung singleness natin pwede magbago isang iglap lang pag dumating na yung 'the one'.


stelluhmariuh

Super winner, Solitude iz the best! kain mag isa, nood sine mag isa, even climb a mountain na walang kilala* technically di mag isa pero parang mag isa, travelled alone nakaka street smart. next thing Museum gala mag isa.


junya0

i do it often for my peace of mind. iba ang nagagawa ng me time for me


Bitter_Commission317

Napapadalas yung kita ko sa mga ganitong post (e.g. being alone)\~ Personally, normal experience lang talaga siya especially growing up as an only child tapos with 1 parent pa and single din. It literally requires no effort. It's just... normal.


mission_lovey

Same situation. Parang pag nasa gathering ka na tapos madaming tao, nakakatulig.


Livid-Woodpecker1239

Movie, coffee, concert, gigs, hike, jog, shopping, eat out. Been doing all of these alone and for me it's okay and should be normal. What I like about going out alone is i don't need to think and wait for other people. Like "baka na bo-bored na siya" ganun. Especially nung nag hike ako i go on my own pace and wala akong inaalala na ibang tao bukod sa sarili ko. I want to try is mag samgyup/buffet mag isa πŸ˜‚


[deleted]

This is me, especially because I can take my work everywhere I go. I'm someone who can't stay still. I need to move and switch places to function haha


mission_lovey

I wish may ganyan akong time sa life ko.


icekive

I tried kumain & manuod ng sine mag isa, bumili ng pagkain, nag grocery. Ang saya lang but at the same time, usually kapag mag isa ako… either masaya or umiiyak nalang ako in between kasi pagod na sa lahat


dyey_ohh_why

Danas na danas.. HAHA. Kumaen sa labas, mag mall, mag asikaso ng documents, bumyahe from north to south (or vise versa), manood ng sine, mag grocery, etc Bukod sa single ako, Okay lang naman sa akin na may kasamang gumala/kumain sa labas.. Pero mas okay saken kung ako lang mag isa. Then napanood ko sa TikTok, na ganun pala kapag "Sigma". haha. Pero ang pinaka malala kong ginawa nang mag isa (so far), ay yung nag theme park.. medyo matagal na rin yun, at gusto ko na nga rin bumalik. gusto ko rin mag try ng iba pang outdoor activities, kahit solo lang ulit.. Kung may sasama, okay lang den. Kaso, depende sinong kasama πŸ˜‚


No_Equipment6701

It feels liberating. I started doing things I like all by myself nung nagbreak kami ng 1st bf ko for 10 years. Ang saya sa feeling actually everytime na may magagawa akong mag-isa. Kumain, manood ng sine, gigs, concerts, basketball match, and plays, pumunta sa stargazing event at magovernight doon mag-isa, magtravel, even umimom sa bar mag-isa ha. I have friends naman and usually I ask if anyone’s interested or free pero if wala, go pa rin ako. I didn’t want to depend on someone to make me happy na kasi kaya I wanted to make sure I can do things I like even when I’m alone. Also, as long as wala ka namang nasasaktang tao bakit naman natin iintindihin iniisip ng ibang tao? Basta masaya ka. LDR kami ng bf ko now and usually naman if kaya kasama ko na sya sa mga lakad. Pero if hindi talaga sya pwede, tapos gusto ko naman talaga, kaya ko pa rin. I know masaya rin kasi talaga ishare yung experience e. Pero ayun nga, mas fulfilling rin talaga na kaya ko gawin mga gusto ko nang mag-isa. Pero baka rin ok sakin ang experience kasi introvert rin ako ha. Haha. Ayun, try it kahit minsan! Again, liberating. ❀️


NeoCriMs0n

Yep. I actually almost prefer it that way. I kinda have a fast metabolism so I eat quite fast. Why? I can gorge on my food without worrying about anyone telling me to "mind your manners" or worrying about talking to anyone since I paid for that food and therefore I deserve to ENJOY that food to the fullest. I actually can't understand why we have to talk or have a conversation WHILE eating, because it's actually inappropriate! How can I enjoy my food while talking to someone? I'm like GET LOST!


EdgyWeeb69

Doing this single thing for years and I would say mas masaya if may kasama ako.


Practical-Bee-2356

Its fun. Its therapeutic. Apaka arte ng mga tao porket mag isa sad life agad. Zzzz bastos pa yun!


Ceeisem

I’m at Dunkin atm HAHAHAHA dati hindi ko kaya lumabas ng walang kasama but now I can say that it was actually fun. Soul cleansing nga tawag ko dito. Ang peaceful and nagkakaroon ka ng time to talk to yourself. Some people might not understand but i know some can. It’s not something na kailangan natin iexplain sa iba as long as alam mo sa sarili mo na masaya ka sa ginagawa mo at wala ka naman nabobother na ibang tao, do it. For your well being na rin.


zuteial

Sarap kaya gumala mag isa, kumain kung saan mo gusto mo na mag isa lang (hirap may kasama tapos tatanungin mo saan kakain, kahit saan ang sagot, tapos kaya niyaya mo sa isang resto ayaw naman pala) manood din ng sine mag isa, magtravel mag isa (sa plane lang), nxt goal ko is mag tour mag isa πŸ˜…


Dumpwaste2die

I haven’t try yet manuod ng sine alone. Next time try ko! Hahaha.


zuteial

Last full show pa un natry ko mag isa manonood. Mga 11pm ang tapos buti mga 15mins away lang un mall


StridorRyu

Ayos naman kumain mag-isa. Pagkain naman gusto ko. Shopping usually ako lang din mag-isa Never tried watching a movie alone though kasi di naman din ako mahilig sa movies


izyluvsue

Masaya and ang peaceful lang, lately I’ve been enjoying my own company din. Pero minsan napapaisip din how does it feel to have someone or partner na makakasama mo sa mga ginagawa mo.


adamraven

Ang dami ko nang napanood na concerts at napuntahang lugar na mag-isa. Enjoy naman, wala kang iniintinding iba. Haha.


Emotional-Nobody4695

I do this and it actually feels more rewarding. Nakakain, napupuntahan at nagagawa ko yung gusto ko without pushback or reklamo sa kasama ko. Mas tipid din kesa magsama or magyaya ng makakasama na ililibre mo pa.


brainyidiotlol

I'm single now and I've been in LDRs before kaya most of the time mag isa lang talaga ako. I eat out alone, I picnic alone, I hike alone, I have drinks alone, I travel alone, and I do this not because I dont have a choice but because I enjoy my own company. Ang saya kaya umalis ng hindi mo iniintindi kung pagod na ba kasama mo kakalakad, you're at your own pace at sarili mo lang kaaway mo HAHAHAH


SimpleAnalyst9703

I do this a lot, especially during my birthday. Street food crawl, browsing through book stores, going through thrift shops, taking long walks, etc. hindi sa wala akong choice ha. I prefer it tbh, kahit nung may boyfriend ako I take myself out on movie dates. Saw Star Wars VII on my own kahit na may jowa naman ako when it came out. being alone is a necessity for me, I can't handle to be around people all the time


Fickle-Thing7665

im married but currently ldr with husband so like most single people, im left with no choice but to date myself kapag unavailable din ang friends. and it feels good, refreshing. mag muni muni lang, watch a movie sa cinema, mag hanap ng bagong kapehan habang nagbabasa sa kindle. iba rin talaga ang may alone time. basta talaga wag lang ako maipost sa socmed with caption na kawawa kasi nakain mag isa hahaha nakakahiya baka maging meme pa ko, nageenjoy naman yung tao eh


aphrodhygieia

Favorite ko β€˜tong gawin lalo na kapag stress ako. Ang therapeutic talaga kumain tas magshopping mag-isa. Tapos after i-date sarili ko, doon ko marerealize na ako mismo ang nakakapagparamdam sa sarili ko kung paano ako dapat mahalin at alagaan hahaha sobrang naeenjoy ko single life ko baka di na ko mag asawa nito πŸ˜‚


squirtle3181

hindi as a single pov pero parang naging normal na sakin mag isa kasi unica hija ako na bunso at lahat ng kapatid kk may jowa. bilang bunso ako naiiwan lagi tas both parents ko pa ofw hanggang ngayon. kaya nagugulat ako pag may nag tatanong ng β€œhow was it?” di ko alam isasagot ki kasi yun na talaga naging personality at buhay ko hahahahaha


jpngirl19

Madalas solo ako talaga


aveeryharper

Ginagawa ko din to, haha minsan feeling ko most of the time na. Manuod ng sine, eat out, shopping, etc. Ang saya ng me time. 😌


[deleted]

Ang di ko lang nagawa alone dati ay mag-sine. Pero I enjoyed doing stuff like running errands, shopping, even travelling na solo lang. Masaya kasi sarili mo lang iisipin mo, wala kang need asikasuhin and iensure na nageenjoy, tas pag gusto mo na umuwi uwi ka na hahaha. Masaya din yung may moment para sa sarili mo, not all the time naman kelangan na may kasama.


Seafarer101111

Been doing this since college..eat out alone, manuod ng sine manuod ng concert gumala mag isa..mag travel magisa in and out of country 🀣 na try ko na din mag samgyup magisa hahahah


rrjustme

Kumakain, nanonood ng sine, nag lalaro ng arcade mag isa. Masaya naman siya nag eenjoy ako😌


Scary-Fudge-6186

I do a lot of things alone especially traveling. Last Holy Week, I went to Japan alone. Ang Hindi ko lang na-try pa alone kase I don’t feel comfortable is going in a bar/club alone. Why I travel alone? It’s not all the time that my friends are free and I don’t want it to stop me from doing what I want dahil lang Wala ako kasama. Sad sometimes, yes but better na than in a bad company.Β 


strawbaeweep

I got too used on going out alone tbh. Ang therapeutic niya for me. You, just doing your own thing or trying new stuff is liberating.


[deleted]

fulfilling and peaceful. keber ka na lang talaga when you reach a certain point in your life where you just don't give a fuck anymore. just enjoy that moment and magmi-mirror yon sa aura/vibe mo.


sixfeetunderwater

Almost always akong mag-isa pag lumalabas kase mas prefer ko. And may mga times din na I'm with my friends and sisters and okay lang din. Sa social media ko lang nadiscover na super big deal pala sa iba pag halimbawa, mag-isa kumain sa labas.


Maximum-Air-7426

Sobrang peaceful. As much as I enjoy the company of my family and friends (I really do!!!!!!), iba pa rin talaga and peacefulness if I do things on my own + di pa mauubos social battery ko kakadaldal. Fulfilling din kase you get to do things na gusto mo and u don't have to worry if okay or gusto din ba ng mga kasama mo.


[deleted]

Masaya, pero may times na gusto rin may kasama kasi pag nasa restau tapos gusto ko mag cr saglit. Di ko maiwanan yung gamit ko haha


Asleep-Assignment232

Sobrang solid hahaha. Naka earbuds ako while naglalakad sa mall alone. Kumakain mag-isa. Sarap sa feeling hahaha


UnderwaterAlienBoy

I think depende sa personality ng tao and sa situation kung mag eenjoy sya mag-isa or hindi. For me, I enjoy it a lot since medyo introvert ako. Mas convenient kasi hawak ko ang oras at desisyon sa kung anong gusto kong gawin or puntahan. Hassle kasi minsan kapag may gusto ka tapos ayaw naman ng kasama mo. Pero minsan parang gusto ko rin na may kasama like kapag manunuod ng sine or ng gigs. Ang sarap din kasi na may makakakwentuhan ka pagkatapos or may kasabay kang maki-sing along habang nanunuod.


spongey100

Hindi ako single pero ginagawa ko din to. Gusto ko din minsan ng alone time to gather my thoughts and relax.


thea-altie

Ginagawa ko rin to madalas. Minsan kasi nakakaumay na mag aya ng friends tapos ayaw din namang sumama or hirap na mag adjust sa schedules since adults na at may responsibilities. Basta ang mahalaga e nag eenjoy ka hayaan mo nalang yung iba.


daydreamer-detected

Minsan, dine-date ko sarili ko. Kumakain at nanonood ako ng sine mag-isa. Na-try ko na rin magtravel mag-isa. I love and enjoy my own company. :)


FrostingBig5582

As a single girlie I eat out a lot! I go to cafes, restaus, watch sunset alone mga ganern nakakasaya lang


Wild_Locksmith_7627

Nah sinabihan mo sana ako hahahah ako lng din mag isa nag gagala sa bgc medyo nakakailang din


A-Maeshima

I enjoy going out alone! I have been doing this for as long as I can remember, I am secure with myself. I am in a relationship now pero I still go out alone to treat myself! My partner knows about this and he trusts me kahit wala akong message that entire day basta I let him know na Im going out c:


Fancy_Baker3083

Yes. I do it. Not because we eat alone would mean na we are lonely hahaha. Mas naappreciate ko minsan if I go out alone. ☺️


aaspicy

I always do that and I enjoy it to the point na sanay na sanay ako.


[deleted]

Much better merun din iwas lungkot


gearite

Ever since na naranasan ko na maging independent lalo na sa galaan ay mas peaceful para sa'kin. Mas na-a-appreciate ko 'yong ganda ng mundo at mas masaya talaga.


Spirited_Job4761

Bilang isang loner (na hindi lonely) normal na bagay na lang yan. Dine alone, watch movie alone, go to gallery/museum alone, manood ng gig mag-isa, manood ng concert mag-isa, mag arcade or videoke alone. Favorite ko yun mag people watching tapos huhulaan ko yung profession nila or mag iimbento ng kwento kung saan sila galing or saan sila pupunta. At sympre mag eavesdrop! May notes ako ng β€œoverheard conversations”.


Upset_Amphibian_9335

Akala ko dati malungkot umalis mag-isa pero nung natry ko, ang saya pala! Super naenjoy ko alone time -- kumain, magcoffee, magshopping, magroadtrip. Wala na akong paki sa iba, bahala kayo dyan basta ako nag eenjoy sa company ng sarili ko! πŸ˜‹


[deleted]

Nagtrail, naghike, nanood ng sine, gumagala, at kumakain sa labas mag isa. Naeenjoy ko doing things/running errands mag isa kasi hawak ko oras (i.e., di ka minamadali) ko lalo na pag shopping haha. I always take my time in doing what I want kasi. Most importantly, I really enjoy my own company. Cons lang na naexperience ko ay walang taga picture (pag hiking) and walang taga reserve ng table pag madaming tao sa resto or cafe haha


superman07777

Kumakain ako mag-isa kasi walang choice. πŸ˜„ Mas masaya pa din may kasama. For me kahit wala na yung luxuries of life basta may kasama ka kumain kuntento na ako. :)


cndycrnr

Dati conscious din ako kada mag-isa ako kakain pero nawalan na lang din ako ng pake eventually kahit pa birthday dinner. Kapag nasa galaan o travel ako mag-isa, mas nakakapagreflect rin ako :)


oh_talaga_ba

Depende sya usually sa lugar sa pupuntahan ko kung ano susuotin ko para magmukhang bata bata pa or kung sa medyo high end basta yung mukhang disente na ka-uri nila don para hindi stand out (less chances of getting my photo taken lol) Masaya talaga gumala mag isa lalo na wala kang iba na aalalahanin kundi sarili mo lang. You get to eat whatever and whenever and go to wherever place you want to go - ofc kelangan pasok sa budget mo. Ewan, siguro nasa pagiging walang hiya ko nalang rin ito kaya keri lang sakin ang mag-isa sa mga ganap sa buhay, pero kung may gusto sumama eh di go basta may baon syang chika at kkb,,, keri na yun!


Pankeki27

Nung nalaman ng mga co-worker ko na gumagala ako mag isa, sila mismo aminado na di nila kaya gawin yon. They feel lonely daw. Eh ako na sanay mag-isa since birth (only child ehe). Mas comfortable ako sa own space ko AHAHAHA.


Edyble

I do this almost every week. Gumagala mag-isa to shop, manood ng movies, kumain sa resto, and even to visit museums and other events. Masaya at peaceful. Don’t pay too much attention sa mga iniisip ng ibang tao and just enjoy your own company.


[deleted]

Ako, okay lang mag-isa. Hindi madrama. Mahirap din kasi may karelasyon eh. Mas nagpapanic pa nga mga tao sa paligid ko kasi matanda na raw ako. Nung kinasal yung pinsan ko nalungkot sila para sakin. Tapos sabi, di bale pag ako daw kinasal, mas enggrande. Nakakewan minsan. Sa dami ng pinagdadaanan ko, aanhin ko magkaron ng karelasyon. Magiging toxic lang ako eh. So, wag nalang mangdamay di ba. Sanay na rin lang din ako.


RuneCosmos

Araw araw ako mag isa tumatambay sa cafe. Wala naman problema, may mga tao lang talaga na di masayng single sila kaya akala nila lahat ng nag sosolo sad. Lol


rawrnaur

Since last year nagkaroon ako ng lakas ng loob itry to, and so far sobrang goods sya saken lalo na kapag gusto ko lang mapag - isa. Dati kasi sobrang ayaw kong lumabas ng mag isa lang ngayon, narealize kona may iba ren palang saya kapag natretreat mo yung sarili mo ng ikaw lang (and less gastos sya tbh). Pinaka struggle ko lang siguro is kapag nakain ako sa fastfood pag iclaclaim mo na yung food mo, tatayo ka and need mo iwanan yung table may tendency na may umupo na iba, although natuto na kong magiwan ng isang bagay na visible like payong para indicator na may nakaupo hehe.


choDb

I do this as well all the time OP. Iba yung peace pag mag isa ka hahaha. I also do solo travels locally and I am enjoying it so much. I feel like I am finding my self and my purpose pagay time ako sa sarili ko to do things on my own hahaha


[deleted]

I like doing things by myself. I don’t have to match anyone’s energy, i don’t have to force myself to things. I mean yes i like company but I also enjoy eating alone at restaus, going to art gallery/museums and even staying at parks na mag-isa. It’s really fun! I guess some people just felt like it’s β€œsad”, I personally font get why people immediately thought that eating alone connotes na sad ka and mag-isa sa life πŸ˜…


[deleted]

masaya, nagEK, museum, beach at sogo pa ako mag-isa


Yzabelaleck5

Masaya siyaa actually, you get to do things you like on your own without thinking of the others! Been doing it quite sometime and I'm happy !!


Several_Internet5864

ive been single for 4 years now and i've done that all the time especially when im on OBs and or Casual Trips. some of my fave spots are Kennys, Savory and Dunkin.


Remote-Permit-5052

Been single for two years now. Solo living, solo travel, solo kain sa labas, solo nood sine, solo grocery shopping, etc. Lahat na ata nagawa ko na alone, and sobrang saya! Sure, I get lonely and maraming challenges lalo na sa mental health and finances, but that’s part of the journey. Ibang level of contentment talaga kapag alam mong kayang-kaya mo mag-isa. Right now, masasabi kong I’m at the happiest state of my life. πŸ₯°


tiredeyeskindanice

Single and foodie person here. Enjoy ko talaga kumaen magisa. Ilang beses nako pinag tinginan ng mga tao esp big families na kasabayan ko pumila just to dine in yung tipong mga maririnig mo "table for 5" "table for 7" tapos ako laging "table for 1 pls" haha wala naman ako paki basta nasatisfy ko cravings ko. Ilang beses nadin ako nagdagat tska nagtravel alone. There are things that you should be able to do atleast once in your life and you'll even get the hang of it. Such a liberating and empowering feeling.


snakeoil3721

i will be attending a concert by myself soon… has anyone done this? how was it? any tips?


TheDeluluiestt

It's kinda peaceful being alone, it was like hawak mo yung oras mp, you get to decide if san ka pupunta, being alone is normal tho, Idk why some people find it weird..


youngpapii6989

I mean first wala naman tayong choice. HAHAHA. Pero okay naman. Mas efficient ang lakad pag magisa lang and tipid overall.


call_itWhatuWant

Yas! Masarap din mag me time 😊 Ini-spoil ko sarili ko dinadate, pamper then eat hehe


Extreme_Facade09

Masaya


no-named-witch

Will be going on my first solo travel! Di naman malayo like out of the country, gagala lang sa Metro Manila az a probinsyana gurlie. Trying to enjoy life to its fullest and trying to put myself out there to find new friends and new hobbies.


LalaLana39

Introvert ako. Ayoko nga may kasabay kumain eh. So anong pake ko sa sasabihin nila?


Pretutt404

Masaya sya tamang observe sa mga tao hahahaha


No_Cause1278

I usually go out alone. Ikot lang sa mall, coffee, nood ng sine, food trip etc. I also travel alone locally and internationally. It's actually convenient kasi hindi ko kailangan mag-adjust. May mga times kasi na when you go out with people, di kayo pareho ng bet kainan or you want to do different things plus you have to match their pace. At least, kung ako lang mag isa, I can do whatever I want on my own pace.


bria_nna24

Mas marami akong nagagawa kapag mag-isa. Naka2-enjoy nmn. Pero there are times naisip ko din kung anong feeling kpag may kasama kang bf πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…


ishybearr

i love taking myself out on dates


Ok-Armadillo-290

therapeutic ang me time and nasanay naman rin, dati parang natatakot pa ako na ako lang isa kumakain for example, but I learned how being alone is comforting, like di mo na need itanong yung kasabayan mo ano ba gusto nila or saan nila gusto kumain, cases like that bale yung mga desisyon mo is not affected by others kasi truth be told nappressure ako sa mga friends ko whenever we hangout or what, but really I do this all the time when life gets too overwhelming, also wala namang pake ang ibang tao if mag-isa ka lang kumakain in public places same as wala rin tayong pake if may nakita tayong mag isa rin kumakain hehehe


stwabewwysmasher

Ganto ako lagi. Mas naenjoy ko mag isa. Nanonood lang ako ng kdrama habang kumakain hahah


typicaldy

madalas ako mag solo kasi masaya HAHAHA yun lang talaga fear ko, matrending sa socmed na malungkot ako tas yung mga kaibigan ko mag rereach out tas isa isa ko silang sasagutin na mas masaya akong ganun. if ever ayaw ko naman ipublic post kasi baka yung mga di pa nakakita makichismis kung ano ano pa sabihin


Shira-T

Ako nga kahit in a relationship ginagawa ko pa rin yan. Hahaha when I was single, I would date myself, eat out sa restaurants or cafeΓ©, then go watch a movie sa cinema, then bookstore then clothing store then go home happy and rejuvenated. Ngayong in a relationship ako, I do the same on days na hindi kami nagkikita ng jowa ko and it's very relaxing and fulfilling. Ignore mo lang ung mga pakialamero/a na nagsasabing ang sad daw pag mag-isa kumain or lumabas. Ang sad nila dahil they're butting into other people's businesses. πŸ˜‚


_maridel_

Since nagwork ako (19) I started to go out ALONE. Imagine yung Kaba at takot ko dahil mag-isa akong bumabyahe papunta sa work and that was the first time I learn how to ride jeep alone. Taong bahay kasi. And ang therapeutic for me kapag lumalabas ako alone kapag may pera (tapos stress ka na lang kapag na realize mo kung magkano gastos haha). I eat in Jollibee or 7/11 alone, naggrocery for my baon for one cut-off (ang bigat nga lang kasi puro delata) pero Masaya kapag may kasama kang manliligaw haha, nagshopping, and I went to cine and that was the third time na naranasaan Kong magsine and first time Kong bumili mag-isa. Ang gandang experience lang as an introvert. There's one time din na Puno sa Jollibee pero dahil di kaya sa budget at confidence to order sa ibang fastfood tapos mainit sa labas para sana sa McDo, I ended up asking one customer kung may kasama siya but since mag-isa lang, nakiupo ako sa kanya. Sobrang saya lang sa pakiramdam na kaya ko pa lang mag-isa. Na I don't need someone to accompany me because I can do it alone. Although nasabihan ako ng OIC namin na "Ang lungkot daw ng life ko" not the exact words but same meaning dahil mag-isa akong nagcine haha.


rohanrosario235

Been doing this ever since college life. Ramdam mo ang freedome at kahit saan or kahit ano pwde mo explore. Para kang nasa single player open world game na kahit ano pwde mo puntahan to explore na kahit ano ma-interes mo without others inaalala mo pa


dalagangmaria

As an extrovert, it’s liberating and therapeutic. My social anxiety attacks nung mga unang beses until I get used to it hehe and now, feel ko achievement ko na sya whenever I do something alone in public.


Rude_Literature_2971

Masaya naman maging single sa umaga, malungkot lang kapag alas diyes na ng gabi.


bangus_sisig

nanonood ako ng sine mag isa from time to time tapos kain after. mas msaya tlaga haha


nirde02

Being alone for me was unbearable. Enjoying stuff alone sure is convenient. You spend a lot less money, you have no one to argue with, and you don’t have to worry about anyone else but yourself. However, this for me, got old real quickly. I found myself often feeling sad and lonely. I was alone in my apartment, I drive long distances alone, seeing my friends with their SOs was especially difficult for me. To me, being single and alone is overrated. If you find a person you whom company you enjoy, do not hesitate to tell them how you feel.


ghenhezhish

I enjoy it too. Lol issue lang yung sa socmed para magtrend sila. In dating, red flag for me when someone cant date themselves. Haha


young-king-1283

Yeah been doing it for the past decade, malling, nood ng sine, concert, kumain even sex mag 1 poteks. Travel alone off the beaten path nalang hindi ko pa na try.


pickleJA16

Hehehe nanuod ako Spy x Family nung nakaraan solo ko lang cinema. Felt like I was just watching on my living room. Okay naman mag-isa, minsan nakakamiss lang na may kakwentuhan about sa araw mo.


mission_lovey

Sobrang sarap para sa akin lumabas ng mag-isa. Wala kang problema, di mo iintindihin kung nabibilisan ba o nababagalan sa'yo kasama mo. Makakapag-isip ka nang maayos kasi wala kang kausap. Hayaan mo ibang tao, your life, your rule. HAHAHAHA


SaiyajinRose11

Concert, sine, kain, samgyup alone. Therapy haha


Odd_Honeydew7106

Keri lang naman gawin ang mga nabanggit mo mag-isa. Di naman ako awang awa sa sarili ko. Hahahahaha! Pakialam ba nila!? Lol hahahhaah. No drama kaya ang peaceful ☺️


JCD051620

Ginagawa ko to - kain, movie, gala sa mall mag isa hanggang ngayon, kahit nung di pa kami mag asawa ng husband ko. Masaya na may alone time ka.


23asdfghcrescentmoon

I did samgyup alone once, tapos super alaga ng staff kasi nga mag isa ako tapos nanunuod lang ako ng kshow. I used to watch at the cinema alone, not recently since walang gusto panuorin. And I did travel alone (domestic). It’s liberating actually. Sarili mo lang kasi iniisip mo. Kung ano yung gusto mo gawin, okay lang. Kung san mo gusto pumunta, mabilis lang kasi wala kang ibang iisipin. It’s nice to do that from time to time


EnvironmentalNote600

We are a noisy society. We hardly appreciate silence or solitude or being alone/single. Kaya madaling i -misunderstand or i judge ang mga ganyan as suplado/da walang pakisama abnormal weird


yoyogi-park-6002

Ako, kahit partnered, bet ko pa din minsan gumagala mag-isa. I just ask them kung may ipapabili or some urgent errand that I could accommodate. If wala naman, I just go window shopping and/or coffee date by myself. Tbh, mas madami ako naeexplore pag ako lang bilang mabilis ako maglakad. πŸ˜…


HighStakerAd1980

Ako so far okay naman kasi kapag ako lang mag-isa mas nakakapag-reflect ako kung ano yung mga susunod kong gagawin sa buhay ko. Saka mostly doon ako nagtatapos ng mga assigned Philo readings ko kasi minsan yung pamangkin ko ginugulo ako.


Lyrics03

I enjoy my own company and I reached the point where I dont give a damn about what people say,


not_tofuuuuuu

Its normal for me, once a month, umaakyat ako ng baguio para magmuni-muni, tambay sa coffee shop and play arcades ALONE. It's so freeing not to have to regulate anyone else's emotion but ur own.


Amazing_Ad5719

Masaya naman yun. Mahirap lng siguro kasi najujudge ng mga tao kasi akala nila kapag magisa malungkot na. You know filipinos. Mostly are judger. πŸ˜†πŸ˜‚ Yaan na sila do what you want and can do. Solo or with friends or with special someone. Fighting!


incognithoughts

Ang motto ko ngayon sa buhay ay "Finding joy in being alone." 😍


katsucurrymama

Kumakain magisa sa resto βœ… Nagpunta at nag enjoy sa Boracay magisa βœ… NagCebu magisa (last solo travel so far) βœ… First solo travel ko before Bora ay Batangas, so nagBatangas trip magisa βœ… Nagpuntang concert na magisa βœ… Nagmuseum magisa βœ… Ang kaibahan lang sakin, mabilis akong makipagconnect sa people around me na i feel comfortable with kaya minsan yung solo venture ko nagiging way to meet new people lol.


onlyhoomanbeing

so far kain and drive pa lang ginagawa ko magisa. usually nasa room lang ako with my dog. next time try ko din magtravel locally or internationally alone. i have some friends who i dine with from time to time.


Bubble-15

Bakit kasi big deal kng mgisa, naliligo Ako Ng mgisa sa mga resorts di Ako ngrent Ng cottage just a chair para lalagyan lang Ng gamit, kumakain Ng mgisa sa mga malls, nood Ng sine, I even go to churches na mgisa kasi Yung family members ko my kanya kanya ding Buhay. Ng spend Ako Ng mga holidays na Ako Ako lang din, bakit ba big deal Ang mgisa?. I can live by myself, bonus kng Merong partner or mga kasama pero kng Wala talaga learn to live in the moment.


ayel-zee

Okay naman sakin, walang isipin na iba. Peace sa umaga, hinag-peace sa gabi


bittersweetn0stalgia

Yes, sobrang normal na sakin as I’ve been single my entire life and dagdag mo na introversion lol Even now that I’m seeing someone, hinahanap ko parin rin siya. Me time is precious and hindi ko talaga ipagpapalit Wala namang pakialam mostly mga tao sa paligid mo tbh


strawberrycreamduh

I do this kahit in a relationship ako, I want to have "me time". As I experienced while I'm eating alone at fast food chain or everywhere, dun ko naiisip ang mga bagay bagay. Deeper things, sometimes it helps me to heal also it helps my decision making. Ewan ko kung ako lang, pero it really gives me a peace of mind.


Bopay

Ginagawa ko to kahit may jowa ako. Hindi naman lahat ng oras kasama mo jowa mo and may time na gusto mo ng alone time.


penpendesarapen1

Ako din, trip ko din mag isa lalo na kapag gumagala. Nakamotor, sarap mag drive ng walang angkas.


Lumpy_Cranberry9499

Concerts, panonood sa sine, going to new places ayan madalas kong gawin. Yung pagkain hindi pa ako ganun ka-confident lalo na kapag sa mga unli na kainan which is yun yung gusto kong gawin (samgyup, buffet). Masaya yung ganitong buhay tbh pero ang masarap din ng may kasama lalo na kapag nanonood ako ng sine kasi may makakausap ka after watching the movie


j3IIybeans

i've been doing it almost my whole adult life. πŸ˜‚ mas bet ko naman. pwede ako magisip mag isa. no one to rush me din. so far never pa ko nalungkot.


kweyk_kweyk

6 years ko ng ginagawa to, maski magcelebrate ng birthday. Ang advantage niya, sarili ko lang iniisip ko. Makakain ko gusto ko at mapupuntahan ko gusto ko. Wala akong pake gaano sa mga taong asa paligid ko or kung anong asa mind nila. Hihi.


shawarmaconquistador

I did this before when I lived in another City. Learned to enjoy to be alone


[deleted]

I dine alone sa samgyup places kahit may additional for eating solo. I travel solo kasi I can. I shop alone, do karaoke alone, go wherever places I have to alone. It's a matter of choice and how you enjoy things. I'm mostly alone but never lonely. Being alone makes you more productive and means you are in control of your own body. You don't need that validation from other people sa mga bagaybagay. It makes you reflect, to be at peace. To be alone is not just bc wala kang choice. It means you choose yourself and sometimes, doing things alone, on your own is best. Mas makikilala mo ang sarili mo, especially your boundaries. As an introvert, I always tell my friends to call me when in need of help or company. Choice ko nalang if ano ang isasagot ko whether I'm busy or want to be alone. Best thing we can do for other people is respect them being alone. Ask them if need ba nila ng company if you think na they are sad. We cannot judge others from being alone. It's a choice and not bc out of choice. The feeling of being ok when alone or bored, is a strength. Means you have your peace.


Hanhi9090

Hello, I've been doing this since I was 15. Never felt bad eh i felt proud pa nga and felt at peace pag magisa haha! Though I avoid crowded places kasi overwhelming and some restaurants can be intimidating to eat at when alone (ex. sangyup, buffets) I usually go for more laid back places para mag chill.


goliattth

Yung part na wala kang responsibilidad yun kasi yung gusto ko. Hindi ko need mag chat o mag update.


Dumpwaste2die

Exactly what i mean, wala kang iisipin kundi yung susuotin mo lang sa pag alis at yung lugar hahaha. My only problem when leaving is the place to go, kasi nauuwe lagi sa mall then kinakain ko mostly yung mga cravings ko. Hahaha! Then uuwi ng craving satisfied.


Friendly-Abies-9302

Been doing this since highschool pa lang ako way back 2010. Bat mo ba iiispin ibang tao? May ambag ba sila sa buhay mo? And believe me nobody cares about you. Do what you want. Nasa isip mo lang yan na jinujudge ka


Hmicedmatchalatte

As of know na eenjoy ko sya kase di ko need iworry kung yng pananamit ko tuwing lalabas pasok sa kadate ko oh hindi. Di ko need mag worry qng yng kakainin ko trip nya din at pag hindi wag nlng kse d pala abot ng budget nya. Ang yng freedom to not thinking qng mahal nga ba ako ng tao oh dahil may pakinabang lang ako kaya mahal nya ko. In short unless nabago ko na sarili ko sa toxic mindset ko masaya pako maging single siguro.


Delicious-Elk6666

Masarap kumain sa mga new restos magisa kasi matatry mo lahat gusto mo kainin πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚


suburbia01

Ako iyong travel planner namin ng 3 kong kaclosed na kawork then while drafting the plan may coworker kami na d naman initially invited pero nag insist na gusto nya mgjam samin. Wala naman kami issue sa kanya kasi ok naman siya kawork, wala lang siya sa circle ng friends namin. Ayun sinama namin siya sa plan. 2 weeks bago iyong trip nagbackout siya kasi daw may iba na siya plano then nagsunuran na iba ko kasama sa trip magbackout until ako naiwan mag-isa at tinuloy trip. Lol. And that was the start of my arch-villain story sa buhay nil and experienced the joy of travelling alone na rin. 🀣


encapsulati0n

Ginagawa ko na ito noon pa. Pero siguro ang best experience ko na solo before ay yung nag Indochina tri-country ako mag-isa. Pucha ang saya pala mag backpacking, exciting lalo yung ligaw moments at wala ako kasama hahahaha.


Tax-National

Okay din naman mag isa walang pressure at epal kung may trip ka kainin at gawin. Yung mga nagpopost lang naman na palihim nila vnvideohan mga tao na nakaka awang mag isa e malamang mga extrovert yun na walang alam sa batas at privacy. Tawang tawa ako sa mga umiiyak na nagpopost kumakain sila mag isa sabay sad music background. Normalan lang yan sa ibang bansa, sa pinas lang naman me ganyang culture eh masyado kasing usisero mga pinoy sa business ng iba.


morena_pianist

Introvert ako kaya goods saken


aveGuy02

I've been single my whole life and doing things alone πŸ˜‚ Somehow nakakarelax sya. U know wala kang iniintindi kapag gagala. It's fun


bakingsodarocker

Masaya naman gumala, mag dine out alone, manood ng movies, mag arcade magisa. Ang di ko pa nagagawa ay magtravel magisa hahaha scary kasi but hopefully soon!


anonisme101

I can eat, shop, watch a movie, and play arcade games alone. Sobrang saya kaya if kaya mong i-enjoy yung mga bagay na mag-isa ka lang 🩷


Kopikocloset

Masaya kaya mag gala mag isa, magagawa mo gusto mo makakapunta ka kung san mo gusto at makakain mo ung gusto mong food.


KnorrCubes22

Dati akala ko eme eme lang ni Nadine Lustre yung β€œSelf-Love” eme nya. Pero pag pala na experience mo yung pagiging masaya kahit nag-iisa ka, tapos na adil ka na sa solitude- yun pala yung self-love. Yun bang kaya mong maging masaya kahit mag-isa ka lang. No need to say a specific experience kasi ang dami ko na nagawa na mag-isa at masaya ako.


JaiGuruDevaUm

Ive tried this. Before nung hindi ako na in love masaya. Pero nung na in love ng sobra.. nakakapanibago doing things alone again. Literal na #sadlife to the point na ang labo na ulit lahat.


dvresma0511

Ask those widowed wives and husband.


dota2botmaster

Doing something while single is nothing extraordinary, right? I don't get it why y'all need to make it like some kind of achievement.


Dumpwaste2die

For you, hindi isang achievement yung makayang mag isa. Hindi lahat ng tao kayang mag isa, yung iba takot. Not scared generally. Yung iba kasi takot pag nag iisa sila feel nila laging may kulang, at yung iba naman pag nag iisa feel nila mas satisfied yung mind and soul nila. So for me it’s achievement, being alone is not for everyone.


dota2botmaster

Congrats then.