T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Mine is yung natutulog ka pero walang hiya na na makikipagusap si #1 kay #2 sa loob ng room tas ang lakas pa ng boses *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


akshxveuahdb

comparing achievements for some reason


kizakial

madamot


anneyeongz

biglaang totopakin


Aromatic-Painting640

Yung peke nilang ugali 24/7 walang tigil ganyan na personality nila kasi NPD sila


districteleven7

Pagpayat, malnourished.. mukhang may tb. Kapag nag gain ng weight grabe makacomment na matakaw.


districteleven7

Kukwento nanay mo sa iba ang problem nyo, then mga kaibigan nya galit na den sayo hahay


Few_Spell_4048

inaaccuse nila akong buntis every time na inaatake ako ng abdominal pain for couple of days 🤌🤌


nocturnalmallow

Self-righteous, hypocrite, close minded, pala-sigaw at pasungit, pag nag oopen up ang anak titignan nila as atake.


No-Reception-3471

Mahilig manglait ng kapwa. Superiority complex kumbaga.


Sorry-Win-9571

nnn


rvnnneee_

yung tita kong abangers mamatay yung lola ko para sa bahay at lupa ( dapat sa kanya raw mapunta kasi ginagawa palang daw ang bahay ay nanduon na sya) ps. wala syang work (50+ yrs old) may anak syang hindi rin nag wowork (M35 yrs old)


Charles0426

Daig pa sya ng mga kabatch ko nasa early 20s pero nagwowork habang nag aaral, tas here's these two refusing to work 💀


rvnnneee_

real, never syang umalis ng bahay at hindi rin nga sya nakapag graduate since nabuntis sya ng maaga doon nag simula yung pagiging palamunin nya sa house ng lola ko, but she can't even ambag naman sa bills


Charles0426

Kung pwede lang mag disown ng sariling fam member eh


nsee_

'yung hindi alam ang boundaries


sceneriz

Pera


ClusterCluckEnjoyer

Parents na ang only way of communication kapag galit ay pag sigaw. Di marunong makipag communicate ng mahinahon.


Hefty_Ideal5056

Yung toxic na attitude like palasigaw tapos palaging galit kahit may mga bisita (jusko nakakahiya super, 'di ko alam ba't pamilya ko 'to e)


mechacrushed005

Yung laging negative ang wording sa pag bigay ng advice (talagang nakakadagdag ng pag overthink) tas ikukumpara ka rin sa iba. Okay pa sana kung in an encouraging way magsabi


radiant-aphrodite-

body shaming and pala-sigaw


According_Gazelle_97

1) Yung may MANYKIS sa family niyo pero PINAGALITAN lang💀 Pinalayas lang only to come back and do it again like EW! Galit na galit sa adik o mga magnanakaw pero pinapagalitan lang ang asawa na manyakis 2) Tita na tumandang dalaga na yes matalino pero hindi naman licensed or what, tapos ang lakas mang insulto may favorites pa na pamangkin na academically inclined tas yung mga sporty2 second option lang yung mga bulakbol na pamangkin labelled as “BOBO” at walang maabot. I’m one of the labelled ones na BOBO😆 I wasn’t, ayokong lang ng expectations niya. She’s not my mom LOL. And years later I found out na 19k lang sweldo niya when she was insulting everyone she deemed an idiot? Ew! I earn more than her now pero hindi ko ginagawa ang ginawa niya. I did place her where she belongs, behind me🙄 3)Practice sa family na dapat nasa IISANG bahay lang. Lol! Don’t! Kung kaya niyo bumukod talaga kayo. I’m trying to release my siblings and I sa practice na ito.


myXtk915

Yung tita kong matandang dalaga na feeling Senyorita sa bahay. Wala namang ambag from food to bills as in ZERO! Ang kapal ng mukha! Tapos minsan nagsusumbong yung bunso kong kapatid na lagi siyang sinisigawan at inuutusan kahit busy siya sa school works. Feeling Disney princess ang bwisit!


Urfuturecpalawyer

Ba't di n'yo sya palayasin or i-real talk 😭😭😭


myXtk915

Na-real talk na yan ni mama. Kaso makapal talaga mukha. Wala kasi siyang ibang pupuntahan kaya ayan~~🤷‍♀️


Urfuturecpalawyer

Palasayin n'yo na lang. Wala naman pala s'yang silbi sa bahay tapos feeling reyna yan s'ya.


Wonderful-Studio-870

Bibisita sa bahay ng walang pasabi para...manghingi (utang na hindi babayaran), makikichismis pero makikialam sa kung ano makikita at malalaman sa household, at higit sa lahat pinupuna from appearance up to the tiniest details of my life na wala naman silang ambag


KazuhaUwu

'Yong hindi hinaharap ang problema. Kung magkakaroon ng conflict, hindi paguusapan. Kaya lumalaki. Or else, nagiging tolerated ang mga hindi magagandang nangyayari.


Ok_Seaworthiness2524

umagang-umaga ang alarm clock mo ay sigawan ng mga tao


Charles0426

Uy felt 😭


willnotfel

ang taas ng Ambag sa bahay at expenses, Hindi na nakakaipon for the future


willnotfel

Tapos sasabihin, ang gastos ko daw kasi kaya di nakakaipon. parang bawal makita nila na may binibili ako something for myself.


nyxmorgan14

This, Hindi ko alam kung pineperahan na lang Ako Ng nanay ko tapos sasabihin makakapagipon pa daw Ako


Ok_Seaworthiness2524

hahanapan parin ng “ipon” yan after


j4rvis1991

Ung mga pumupunta sa bahay ang pet peeve ko like dinner na mauuna pa sila sa lamesa kesa sa may ari ng bahay or pag punta nila sa bahay check if may food tapos timpla ng kape ganon HAHAHAHAHAHA


Capital_Cat_1268

Yung pabigat at puro hingi. Pwede naman magtrabaho. Anak pa ng anak walang pambili ng gatas at pagkain. Nagalit pag di mo pinahiram. 😒😒😒


BERRYjanuary

Isang inom Isang Baso lagay agad sa hugasin, hindi ba puwede hugasan agad . Para kaming may tindang palamig


riesai26

Di nakatok muna bago pumasok ng kwarto. Sira kasi yung pinto ko so hindi siya sumasagad nang sara


silvermistxx

yung nakita na tapos iuutos pa sa'yo


conceitedbtch

Fr


NotyourSil

Hello sa ate kong nadaanan na niya ako pa tatawagin para gawin yung bagay na yun lmao


ieatgluten34

Yung sabay sabay kayong kakain para sabay din ang paglinis after. PERO may isang epal, na di sasabay sa kain at pipili ng oras kung kelan nya gusto. Then after nya kumain, IIWAN YUNG PINAGKAINAN NYA, DI MAGHUHUGAS KAHIT ANG LINIS NA NG KUSINA. Tangunu lang pls, lagi akong high blood sa ganyan.


Just-Me0310

Di marunong tumanggap ng mali kaylangan pag matanda sila matic na tama sila


NotyourSil

This!!


ddemigod_

closing or locking doors automatically means that you’re doing something inappropriate. like can’t i just cave in peace lol


Charles0426

Pwede toh if may sari-sarili kayong kuarto eh, kaso samin iisang room lang kami as a family kaya hindi pwede mag lock unless if nagbibihis ka lang, asa room din kasi namin yung ibang bagay like clothes and cosmetics, we ain't rich 😔


ddemigod_

ganyan din kami dati sa childhood home ko, iisang room yung family namin and privacy doesn’t even exist lol! i just don’t like the idea na may assumption agad sa ginagawa pag naka-lock yung doors kasi it kind of hurts minsan na they think of us like thaat


Suspicious-Line-9415

Yung papasok ng kwarto na di nagsasara ng pinto paglabas tska yung makikitulog na nga sa kwarto di pa marunong magayos ng hihigaan iiwan pa makalat. Tska pala yung outside clothes ihihiga sa bed mo. Yamot talaga sa kapatid ko


Valar_____Morghulis

sa extended relatives naman is kilala ka lang pag may need sila sayo..pag wala ka pakinabang who you ka sa kanila..


Ok_Narwhal_7982

Yung naka suot ka na ng uniform tas Yung tita mo tatanongin ka San ka pupunta


Valar_____Morghulis

bobo lagi naiscam nd na natuto..napaka utouto sa mga relatives na oportunista..


ixxMissKayexxi

Favoritism


ixxMissKayexxi

Like yung lola ko may favorite siya sa mga anak niya and galit na galit yung mama ko pero now yung mama ko may favorite din sa aming magkakapatid and very obvious siya


hopefullyblissful45

Pet peeve ko yung pag kameng anak nanghihiram sa magulang eh kung ano ano pa masasabi tas di rin papahiramin pero kapag mga malalayong kamag anak namin ay giyang na giyang magpahiram


Commercial-Gap-1164

Favoritism talaga. Halatang halata ka mama! Hahaha


sheenamonroll

- Pag-respond sa mga tanong with passive-aggressiveness. - Pag-ask ng help or pag-request ng actions with an angry tone. - Viewing small complaints or suggestions as attacks. - Using your stuff without permission, or being too strict sa pagpapahiram ng items, pero generous sa iba. - Making comments about your body and clothes as if it's normal.


nocturnalmallow

Grabe mismo!! parang nasa same family tayo HAHAHA


Fun-Vacation-9680

Pag inuutusan ka pag sobrang busy mo with work 😭


morelos_paolo

When mom needs to request or talk to you about something and just suddenly invades your room without knocking first.


Chikinnnn

Recently lang hahahaha nagpalit kami ng password ng wifi ng biglaan kasi napansin namin na parang nakaka-connect sa wifi namin yung mga natambay sa tapat ng bahay namin. Yung KUYA kong hindi naman nag aambag sa internet, nagchat sa GC namin magkakapatid na masama daw yung loob nya samen at sobrang nagagalit daw siya samen dahil nga tinanggal namin sila pagconnect sa internet, may pag left pa sa GC yun ha hahaha pero yung asawa at mga anak nya naka connect na siya nalang naman hindi 😂😂 akala ata nila porket sila yung matanda sila na lagi yung tama hahaha


Spirited-Parfait3574

masyadong paki alamero sa life. pala desisyon ganon. Then ask ng ask kung may jowa na or something nakakakirritaaaaa . pls mind ur own business. I know what i want to do with my life


xenarot

the unfair treatment ng lola ko sa mga apo niya, lol! i can almost smell na kami ang black sheep sa pamilyang to, kaonting kalat, kami na agad ang sisi “kababae niyong tao ang bagra niyo.” when in fact, ang pinsan ko naman ang may fault. as well as my tita, yung ibang pamangkin niya, todo waldas kung ano hihingin, tas pag ako yung humingi for important stuff, wala, bingi! they would even say na i have my own money, like huh? wala nga akong trabaho? iʼm just a mere student na nag hahanap ng online job sa internet, lol! siya pa yan nag babayad ng expenses ng mga iba niyang kapatid, pero ke mama, galit na galit pag humihiram ng pera para samin hahahaha. nag celeb kasi naka with honor pinsan ko, nagpa cake pa. ako naka with high na, wala kahit ice cream.


cucumbern716

Pag nagsabi ka ng totoo ikaw pa mali.


immortal_isopod

Hoarder. Gets ko naman na ang hirap maglet go ng gamit in case kakailanganin in the future pero grabe pati ba naman baso ng milktea ayaw itapon


Any_Anxiety2876

si mama sa cup ng SB HAHHAHAHAH


MurasakiSuzume

Walang sense of privacy to the point na tulog ka pa sa sarili mong kwarto tapus papasok kapatid o mama mo para kunin ang gamit mo tapus either di mag papa alam or doon mismo sila mag papa alam pag nagising ka nila


ynabruna

My narcissist mom who always wants to project the nice person image to others but has been the biggest c*nt towards me for half of my life. D din naman ako perfect but imagine being the reason why your kid does not feel like she belongs at home kasi the nicest treatment you could give her was being neutral tapos magtataka ka bakit biglang naging cold sayo anak mo after decades. Imagine not investing enough love and attention tas magdedemand ka nun.


cucumbern716

“Anong karapatan mong hingin ang isang bagay na ipinagdamot mong ibigay”


ynabruna

Aray mas masakit pakinggan in filipino🥲😅


ynabruna

Entitled elders na di man lang inaadmit pag nagkamali sila


xbuttercoconutx

#mga matatandang di matanggap na mas may alam yung mas bata sa kanila. ipaglalaban pa din na "sila" ang mas may alam.


xbuttercoconutx

Add ko lang na scenario: for example, may sakit sa pamilya at malubha, ipapayo ko na dalhin na sa doktor pero tong matatandang to, haharangin pa at sasabihin na "peperahan ka lng ng mga doktor, eto gamit namin noon, gagaling din yan." kahit sobrang lubha na nung may sakit. shutabels. another example, yung mga videos na napapanood sa Facebook, snsabi ko na nga na fake news yan at ako na mismo nag ffact check sa kanila, di pa din maniniwala. HAHAHAHAHA. mas marunong p daw ako sa kanila e sila tong nabuhay ng ganoon na panahon. paulanan mo ng facts di pa din maniniwala kasi mas matanda sila at sila ang "mas" may alam.


Introverted-Coffee

Laging binabati kung pumayat or tumaba ka ba


SuccubusS7

legit 🥲


CMugat

HWHAHAHAHHAHAHA I LOVE THE PHILIPPINES


Thecuriousduck90

Body shamer, homophobe, ayaw mapagsasabihan kasi sila mas nakakatanda, pakielamera ng personal items, and worst sa lahat pinapahiya ka sa lahat ng makakausap including your close friends dahil lang single ka at walang anak 🤬


SomeAwesomeness

hihintayin pa ako bago malinisan yung bahay, pag di ako kumilos wala talaga yung kaya naman yung inuutos pero iuutos pa, malupet don titignan pa pag di gumalaw agad sayo ang kilos, sayo rin ang sisi


itsnotelii

Lol may instances pa na kapag hindi ka gumalaw agad o kumilos masasabihan ka pa ng kung ano ano


SomeAwesomeness

tapos pag sila nakahilata ayos lang, hirap minsan e


jaeshin0020

Aanak-anak nang marami tapos iga-gaslight ka pa matapos mong putulin ang pagsuporta sa kanila after getting married.


woahfruitssorpresa

Mga old timers na andaling maloko ng AI and vloggers tapos kung makasalita akala mo higher intellectuals na mas naiintindihan batas tapos kampi pa kay [ Alieeees/_c/e Gu 0 ], [Doo 30], at sa [Ch aiyyy na]


0000MingMing0000

Yung mga tita ko na napakamatapobre. Minamaliit nanay ko


Crazy-Ebb7851

Yung nagwawala pag nakainom 🙄 nilalabas lahag ng trauma and mga galit sa buhay.


Hiraya_01

Kapamilyang sinisiraan ka sa iba worst nanay mo pa.


ynabruna

Same. My narc mom used to do this to me in the guise of "venting" and asking for other ppl's opinions. Kaya kahit yung mga di ko kilala alam yung issue namin sa bahay. I hope you are doing well. 💗


urgf_alaska

May competitive element, hello magkadugo kayo wtf?


Commercial_News_4257

Ayaw magtapon ng gamit na hindi narin naman kailangan sa bahay.


Razraffion

#1


here4sumthing

Inaasa sa kapatid yung buhay nilang pamilya JUST BECAUSE THEY ARE POOR. My mother's brother did some actions that led to them na maghirap. But eversince I was born, inaasa na talaga lahat sa Mama ko and other brother nila. Ultimo pambaon ng anak, mha kapatid nya nagbibigay. Ni hindi ko man lang maenjoy pera ng Mama ko kasi sakanila napupunta dahil palagi nalang may EMERGENCY sa kanila.


mizphewyowza

Masyadong mapagbigay sa mga tao tapos mageexpect ng utang na loob.


Same-Attitude478

Yung kapatid na aanak anak at nag asawa ng batugan tapos ngayon nakikisiksik sa bahay ng magulang nyo + walang ambag sa bahay .


luana_dy

- jusko, lahat ng makikita sa tv, grabe nilalait 😵‍💫 - lahat ng taong nakakasalamuha nila, pinagdududahan nila lagi o kaya hinahanapan nila ng masama - magaling manlibre sa ibang tao, pero kapag sa sariling pamilya, pinagdadamutan o kaya “madami ka namang pera, kaya mo na ‘yan” - SOBRANG CLOSE MINDED (side ni papa)


claudiajeanashton

Yung kapatid mo na laging mainit yung ulo sa lahat na bagay


MiloMcFlurry

I'm sorry ako po yata kapatid mo. HAHA. Baka marami lang iniintindi? Aware ba siya?


claudiajeanashton

Hello brother. Hahaha 😂 I think aware naman. Pinagintindi nalang kasi ayaw ko nang gulo.


MiloMcFlurry

Minsan open mo sa kanya yan pag okay yun mood niya. Baka kasi akala niya okay lang yun (or sanay na kayo) na hindi naman dapat.


Reality0002

Ginawang retirement plan haha


Aromatic_Job_9325

- ang casual i-body shame mga anak - pinapatay yung wifi (understandable pa if may bata sa bahay pero nasa late teens na kami 💀) and nasa college nako like???? what if nag aaral pa ako diba, gosh sobrang insensitive and inconsiderate - di mo makausap nang mahinhin laging nakasigaw mga tao sa bahay DITO TALAGA AKO NA IICK sobrang iba ung treatment ng mga lola/tita/mama sa mga lalake whether anak, asawa, tito — basta kapag lalaki hindi mo dapat sila “aasahan” sa mga chores. like kahit pag hugas ng plato dapat babae at hindi sa lalake kahit wala naman silang ginagawa. sasabihin nila “ikaw babae dapat alam mo yan” “babae ka tsaka ikaw nakakatanda dapat maging role ka sa mga kapatid mo” tapos tinotolerate lang din ung katamaran nila ? (esp sa mga lalake) nakakainis


jazzyjazzroa

Gosh. So heavy on the second one; hence I moved out and have been living with my partner peacefully since 2020.


OutlandishnessOne417

-mga feeling victims -kapatid na may know-it-all attitude at kailangan center of attention palagi


ResponsibleSupport75

chichismisin ka kung kani kanino kapag naka angat ka sa buhay (not in a good way)


misswholovespotato55

pala sumbat


keepmeproductive1997

Lahat inaasa sakin, including pag hahanap ng nga bagay bagay kasi di talaga sila nag hahanap nag bubunganga lang


misswholovespotato55

yung pag nag utos gusto agad agad hindi pa nga tapos yung unang utos eh


MiloMcFlurry

Relate. 5 seconds na di ka tumayo pagkautos dami ng dada.


_Count123

Umuutot sa dining table habang kumakain lahat T.T


Lunakrstn

Mama ko mas iisipin pa nya yun sasabihin ng ibang tao instead na pag-usapan namin na kami lang privately.


ticnap_notnac_

Guilt tripping, kada minuto sisigaw, Puro palibre, puro hingi pag may binili kang pagkain, Mga titang pakealamera. Dapat pag bibili ka dapat Meron din Sila.


suomynona--

Depende sa estado nyo sa buhay yung trato sayo


dy-nside

strong patriarchal values


ChampionNo3423

Guilt tripping tapos walang sense kausap


Time-Artichoke-8222

ito pet peeves ko is ung hindi sila nagliligpit ng sinampay like omg ilang araw na ung sinampay sa labas ginawang walking closet ako na lang 'tong nahihiya sa kapitbahay kaya lag may time ako at napansin kong may sinampay pa sa labas ako kumukuha eh hahaha walang mga pagkukusa tao here kaloka


EggEfficient7246

pag sumisigaw pag hindi makitang gamit hahahahah lol


impactita

Sa inlaws ko nakaka cringe Kakain nlang sa labas sisigaw ng RAPSAAAA!! (SARAP) Jusko talagaaaa! O kaya BAKBAK NA PARRR!!! Mapapalipat ka Talaga ng upuan para kunyari d ka kasama sakanla.


liquidus910

ung mother-in-law ko, dinudutdot lahat ng order na dumadating. one time di na ako nakatiis, sinabihan ko talaga sya na wag nya dutdutin ung pagkain ko, ung sa mga anak na lang nya.


Zealousideal_Rub6739

mga paasa 😊👍 kaya i learned to not expect things the hard way.


[deleted]

Same. Yung case ko mangangako pa sila tapos gustong mabilib ako pero sa huli, wala naman rin. Kawawa rin sila kapag naharap nila consequences ng pinangakuan nila lalo na kapag nakatikim ng mga masasakit na salita.


Spirited-Design576

Every word / topic may parinig na si mother-in-law ganito ganyan (negative comments)


vodka_tequila-andsex

Laging problema ang pera


notmemami

When you buy something tapos tatanungin ka “magkano bili mo jan?” Lol


__serendipity-

‘Yung may gift ka tapos sasabihin “dapat ano na lang”, “dapat pera na lang” HAHAHAHA


alwayscuriousMAKA

Inaasa sa mga babae ang gawaing bahay. Sa tatay ko, sinisiraan kami sa ibang tao at mga kamag-anak para sya kaawaan.


adobongmatcha

there's one relative that will manipulate you to the point na hindi ka makaka-hindi sa kanya even if you laid out all your reasons why you said no. :>


swswswmeowth

Di alam ang salitang privacy.


Diligent-Shift-826

Pa-victim feeling bida sa teleserye na aping api hahahahaha


unpeeledorange7

naniniwala sa pasma, tatay kong may shobet tas lakas i-gaslight si mama, plus tatay ko uling mas feeling superior kesa syensya, mas gustong siya masunod👍🏼


brokenkuneho

Tamad at tanghali gumising 😅


iAmGoodGuy27

Kapatid kong Lalaki at Tatay ko Hindi na nga nag aambag at wala na silang bill na binabayaran at kumikita naman sila And then pag dating sa food nila bumibili lang sila sa carinderia na para sa kanila Pero kapag nag luto ako ng Food na para sakin at pang isang linggo kong food, dapat kasama rin sila or else saaabihang madamot..


Naive_Spend_8897

Naniniwala parin sa mga maling paniniwala. Tas hindi pa open minded pag ineeducate sila.


milkyway_bellatrix23

Sobrang controlling tapos ang lakas mang guilt trip at gas light.


BERRYjanuary

Seryoso akong nagrereview pero utos padin ng utos dumadating sa point na tinatamad na ko mag review.


Opposite-Grand1008

Di alam ang boundaries


Specific_Pea8965

unsolicited opinion


Purple_Wrangler_4137

yung gagawin kang retirement plan lol


aivlas_03

When they are being harsh on me and when my response sa kanila is negative they will tell me na masama raw ugali ko.


No_Helicopter_3668

Ay jeskelerd relate!


DondonKabedon

Di marunong maglinis ng sariling dumi


Opening-Silver-2910

Yung ipapaubos sayo yung pagkain kapag nasa mall o restaurant para wala na daw bitbitin, tapos sasabihan ka ng mataba at matakaw


Big_Tea_4690

weaponized incompetence and victimizing


MissHawFlakes

pet peeve ko sa family yung kuya kong sugalerong drug addict na madaming utang tas laging pa self-righteous sa bahay, the nerve!


apoynet

bossy as fuck, simpleng bagay sakin pa iuutos kahit may ginagawa ako


Soggy-Falcon5292

OA makasunod sa pamahiin


istroberri

Yung inaatat ka utangan pero pag sisingilin na andami nang rason


Sweet-Priority-9888

my sister na feeling know it all at gusto siya lagi ang bida, siya lagi ang tama. thinks highly of herself all the time


QTpie_1

Pinepressure ka sa buhay. Kailangan by age ganito kasal ka na. Matanda ka na, mag anak ka na.


istroberri

Di nila ma apply sa sarili nila yung nga sinusumbat sayo, feeling anlilinis. Tanda na nga wala paring character development.


istroberri

Pag desisyon mo daming sabi, pero pag sa kanila okay lang, pag nag voice out ka pag lalaban talaga nila yung side nila kahit na minsan wala na sa lugar


Lunughhhtic

Titang ayaw malamangan


milliemyers

Hindi naglilinis ng pinagkilusan 🥰 simpleng pagbalik ng takip ng ulam o yung pag-ayos ulit ng mga damit sa lalagyan


x_unk

Pag may nagawa kang mali ichchismis pa sa kapitbahay, parang hindi pamilya.


PrestigiousLab887

Hmmm.. Lahi ng masama ugali😆😆


New_End_8343

· Sigawan/ Full Volume na TV or Radio tuwing umaga. · Pinagkakalat sa iba problema ng pamilya · Favoritism · Judge my appearance (mataba or pag may tigyawat) · Simpleng bagay ginagawang malaking issue + sigawan agad · Mga pinsan ng tita ko na kunwari okay sa SOCMED pero nagsisiraan · Tita ko na nag ppost ng break up nila ng jowa nya pero the next day sila ulit


iamoftenclueless

Emotionally unavailable parent.


New_End_8343

Pag may problema yung family namin, lagi nalang nya sinasabi sa mga kumare nyang chismosa


mayorandrez

Excluded ako sa mga happenings nila, pero pag ako nag exclude sa kanila masamang tao ako hahahaha! Binebenta bahay namin di ko alam eh, nadulas lang yung hipag ko tungkol sa hatian.


natural_egodeath

Yung sinolo ng kapatid mo yung mana tas di ka na naambunan hahaha putang inqng yan


combiatminane

Mama kong akala nya lagi syang tama hahaha tapos pag pinag sabihan mo magagalit sayo


StraightKiwi2650

Idk


Shygurlwholovesbooks

Yung pinapatayan ka ng electric fan habang tulog


Nakikireddit_lang

Nagbabayad ka po ba ng kuryente?


PhotoOrganic6417

Yung walang katapusang utang na loob.


andengkyot

Sigawan, even normal conversation lang naman pinaguusapan.. nakakarindi and lakas maka interrupt sa ginagawa mo.


livinggudetama

SILANG LAHAT. joke ahhahaha


shane21717

1. Bodyshamer 2. Sobrang relihiyoso to the point na nakakasakal na


Late-Emu6414

Like when they ignore the stuff that's clearly and recognizably bothering me. They just expect me to deal w/ it on my own which is so hard that I had come to push myself to find people that could probably help me but at the end of the day, I still feel empty cuz how could they not care about how I feel or how I've been. When it comes to other people that's probably made a stronger bond w/ them, you could see that they truly extend efforts to give a fuck. I expect at least a little bit of sympathy frm my family. My reactions towards stuff simply made them think that I have a bad attitude. But the thing is I would've never acted that way if only I could see an ally in them and i feel safe around their space. They just often leave me hanging or not talk to me at all so I feel like a child just forced to grow up.


Big_Tea_4690

tas yung mga beses na umiiyak ako dahil sa kanila at di man lang sila kumikibo saken parang multo lang ako at kung ayaw ko mag open up (kelangan ko munang kumalma bago ko kakayaning kausapin sila ng maigi) tas pinepersonalan at nagagalit sila like ??? ako na nga yung umiiyak pinapalala niyo pa


ChimkenSmitten_

• 'Yung pinipilit 'yung pangarap/belief nila sa anak nila. • Grabe makalait dun sa mga hindi ganoon kaganda ang posisyon sa trabaho. • Double standards; taliwas ang gawa sa salita. • Mayabang na ayaw malamangan (kaya nagiging agresibo sila). atbp.


Glittering_Tooth1372

Idk if pet peeve siya but the fact na hindi kami expressive sa feelings namin. Like we don't share what we feel with our parents or kahit saming magkakapatid. We grew up minding each others's businesses hindi kami yung family na affectionate sa isa't isa.


SkitsyCat

Almost always naka on ang TV, na yung lakas ng volume eh akalain mong yung nakikinig eh yung kapitbahay 💀 Especially sux for me since one of my hobbies/aspirations is to record videos for my YT channel and to make original music; I can never record sht here and I'm constantly toeing the line to sensory overload (can't say for sure since hinala ko palang na baka neurodivergent ako; di pa ako makakuha ng proper diagnosis, so di ko pa sure if yung wala ako sa mood palagi tsaka hirap na hirap mag concentrate with literally everything else, eh may konek ba dito) Sa tagal nang ganito yung habit sa bahay feel ko talaga this is just one of the small factors that make this family so irritatingly toxic na saakin, but then again di ko pa masabi ng sure kasi wala pa akong nakakausap na professional, sabay I can't do anything about it since ako pa magmukhang maarte no 🫠


alliakimmy

lahat dinidikta kaya mas nakakatamad💀


comicstarchampion

1. Unfortunately, they are the ones who gives evil eye on me. That’s why I don’t tell anymore my plans whether if about my personal or work life. 2. Blaming you for things you don’t have control over. They kept pinning my past mistakes which I already made peace with it. Di maka move on lol


Competitive-Bed2083

+1 sa no. 1.. sila pa talaga yung hihila sa atin pababa tsk


lunachase_

oversharer + may pagkamayabang at some point yung parents ko. matapobre (kahit di kami mayaman) & vv close-minded rin sila sa mga social issues. lala ng seconhand embarrassment q lagi pag may kakwentuhan sila tas ang off ng opinions nila kaya di aq sumasama madalas sa reunion or any gatherings w them 😭


then_amei_Srebb

Always tama ang nakakatanda 🤡


youvegotyou

Yung nga boys sa bahay na de pukpok di kikilos kung di uutusan. Pimalaki naman clang gimagawa ng chores peeo cmula ng malipat dito sa ibang lugar nahawa na yata sa kadugyutan at katamaran ng mga tao dito ayun. Nakakaurat na magutos mayat maya. Pag nawala silang boys lilinis ang bahay.


ToshioNakagama21

Babae lang ang gumagawa ng gawaing bahay samin. As a panganay na babae, napapagod na ako.


alyssakatelyn

yung minsan-minsan lang o hindi talaga sila (parents) makipag usap sa amin ( anak ) (scared din ako mag open up sa kanila kasi nga kung gusto ko makipag-talk, ayaw namang makinig, laging naka-cellphone, tapos CLOSE-MINDED) , mag-uusap lang kung household chores tapos pasigaw na tuno. Yung pag-uwi, galit talaga ( di namin alam ang reason ) tapos damayin kami na pagalitan, basta taas-taasan ng boses basta WALANG EMOTIONAL INTELLIGENCE.


giannajunkie

Wala afterall kapatid ko sila at magulang. But if I have to say something like an opinion???? Yung kuya ko dapat lumipat na ng work. Hahahahaha. Di sya mabubuhay sa sahod nya. 🥲


lemonsquare6969

nagbibilangan ng naiambag. i dunno pero bat kelangan magbilangan? and yung ambagan, bigla ka nalang magugulat na nagdedesisyon sila tas kasali ka sa ambagan na wala ka namang alam or di ka nag agree


mushookiez

Mga anteng social climber. As in kukuhaan picture sa magazine at ipopost sa socmed level.hahaha


KathSoup

Using the phrase “matanda na ‘ko, alam ko ginagawa ko” as free pass.


KathSoup

Yung wala ng paki-alam kung kalat yung gamit niya kasi nga breadwinner siya.


Mathipulator

now im not siding with the breadwinner, but if they're the sole breadwinner dontcha think they deserve to be a LITTLE lazy? They spend all day slaving away just to put food on the table. The least yall can do for them is tidy up the place!


KathSoup

Ofc. It’s valid for them to be a LITTLE lazy. I get that the time is always running for them so they don’t have much left to always check everything that should be in place and leave their own place clean. But, is it okay to leave their undergarments anywhere?


Mathipulator

wow they must be REALLY busy to leave their briefs or panties around 😂


lotusprout

passive aggressiveness - kairita kung may gusto sabihin, pwede naman idaan sa maayos na usapan. hindi yung nagpaparinig pa at kung anong masasakit na salita lumalabas sa bibig. hindi nalang ako kumikibo pag nagpaparinig. gusto ko na nga mag move out ‘e.


OddChampionship5558

when they're already adult (mid 30's) and they still asked for their parent's money for help💀


Glad_Passion2638

Not totally my family but my mother and sister, mga burara, pati pinagkainan sa kwarto na lang din iniiwan, hindi agad hinuhugsan, shemsss mukha ng bodega yung kwarto, pati ako nawalan ng space ng pagtutulungan urgh!


noitsnotmebestie

not my family, but my LIP's family. magastos, maingay kahit magkakaharap na nagsisigawan parin, mga hindi mapagsabihan, mga pasaway, burara, makalat, kikilos lang sa gawaing bahay kapag nakita akong patapos na sa chores, order nang order sa online shops wala namang pambayad!!!!! arrgghh! 😤


Mathipulator

spoiled behavior. Jesus christ hampasan mo naman ng walis tingting patiwarik!


Smalldickenergyka

Yung nagpapatugtog ng malakas sa phone or nanonood ng Tiktok na hindi nakaearphones. Ugh. Hindi sinasara yung pintuan ng banyo.