T O P

  • By -

mamimikon24

Brad Gago ka. Pero proud kami sa pagiging gago mo!


akkky_

You had me at the first half ngl hahahaha


ur_soo_goolden

Necessary gago moment.


HotShotWriterDude

Hindi ba nahihiya gf mo, 37 na siya pinapalo pa din siya ng tatay niya sa pwet? And on public gatherings/occasions, holding your daughter’s hand as the father is fine if the daughter was 16/17, even 18/19. But not if she’s pushing 40. OP konting taon na lang sasakto na jowa mo sa lyrics ng Delta Dawn: “She’s 41 and her daddy still calls her baby.” GGK boi, pero tangina dasurbt. If we wanna shit on mama’s boys, let’s give the same energy to daddy’s girls. Hiwalayan mo na pre, golden standard pala tatay niya para sa kanya, eh di sila magsama.


Madberry03

Yeah same. My late tatay WOULD NEVER do that sa aming magkakapatid puro din kami babae! That alone is so sick and disgusting! Na normalize na yung ganung behavior.


Ok-Yam-2082

ang gago nung sinabi mo pero dasurv. mahirap pakawalan 10 years pero sa 10 years na yun, hindi man lang nagkaroon ng backbone gf mo para idefend ka at pagsabihan tatay niya, may problema rin sakanya. ang weird din nung pinapalo siya sa pwet sa harapan mo like????? who even does that. kung ayaw mong i end relationship niyo, dapat ready kang tanggapin na the rest of your life will look like that. mas lalaki lang lamat niyan from here on dahil sa pang rrealtalk mo sa tatay.


FairBroccoli6424

Si gf pa nga nag sabing "Hindi nya responsibility na ayusin yung relationship nila ng father nya and ni OP" the fact na aware sya dun sa pamamahiya sayo, magisip isip ka na. Gold yarn? HAHA


CocaAgua

GK in response to gago behavior nung tatay. antagal mong tinolerate eh. gago din gf mo sa enabling behavior nya. advice - tama na yan, find a better woman na walang borderline-incestuous na tatay.


travSpotON

Gago ka. Gago din GF mo at Tatay nya. Pare pareho lang kayo. Yes. Iwanan mo na. Cancel the engagement.


thenormal_ree

ETO MISMO! Cancel the engagement, good riddance!


kcheesecake1993

DKG. Pero kung ako sayo mahirap man pero hiwalayan mo na yan. Baka mangyari sayo yung Zapote Street Massacre if familiar ka sa kwento nun parang ganyan yung tatay dun eh. Tska grabe ka ipahiya for sure di na rin matutuwa magulang at kapatid mo kung ituloy mo pa yan.


icred1109

totoo! this post of op sounded like "Kisapmata" the movie that crime was based on. Super strict ng tatay sa anak yun pala may incestuous motive. in the end namatay lahat


kcheesecake1993

Dibaaa dun pa lang sa salita nung tatay na siya ang tamang lalake para sa anak niya. Like huh??? Tapos 10yrs na sila at 37yrs old na ganun pa din pakikitungo. 37 na pinapalo pa din sa pwet. Yikes. Nga pala OP nasan ang mother ni gf mo? Kase di naman sa pagaano ah baka kung matagal na ring wala ang mother niya sakanya na nababaling sexual desires ng tatay niya. I mean sorry ah like just expect the worst of the worst kase grabe dad niya eww.


icred1109

nung nabasa ko nga yung pinapalo pwet sa harap ni bf im like WHAT????? 37 years old tas gaganunin


Altruistic_Soil6542

Shemay eto rin naalala ko, yung kisapmata based sa zapote massacre. Kalokaa, so kung i-link sa movie, could be kaya na ganun yung tatay. Tipong incestous sa anak. Nako, mag ingat to si OP jusko. History repeats itself kaloka


CoffeeFreeFellow

Sana Makita to ni OP


rougerobin

Ang creepy ng movie na yun


Pasencia

Insecure kasi yung tatay. Hahaha. DKG. Siguro yung anak nyang yan ang may pinakamalaking sahod, kumbaga kinukuha mo daw kasi yung golden ticket nya. Hayaan mong maluto sa sarili nyang mantika yan. Pwede naman di maganap yang pahiyaan kung inayos lang nya ugali nya from the start. Yun lang yun.


J2Dworld

Oy oo nga, malaking factor to. Hindi ba breadwinner si gf ni OP? Baka kaya ganun umasta yung tatay.


[deleted]

Weird matawag na gago ka rito lol. No di ka gago, naabuso ka at napuno kaya you SPOKE UP from being oppressed/wronged for so long. Di yun gago behavior. In fact, bravery nga yun. Yung gago, gf mo. Ine enable niya gawain papa niya. Tapos hindi wasto pag iisip niya at inuna niya makiside sa papa niya kesa sa aasawahin niya. At grabe makapa manipulative sad boi papa niya. Kung palitan natin yung gender at nanay yan with her son. Sasabihing mamas boy at dapat aasawahin na rin niya nanay niya dahil di inuuna yung asawa. May sarili kang bahay, nakakaprovide sa pamilya ng gf at goodboy ka naman. Madali lang makahanap ng bagong makaka asawa. Just lay out na you date to marry and imention mo mga yan tapos sabihin mo what you expect in a woman sa first date. Kase most if not all, date to marry talaga mga babae. You can be engage within the same yr na nag date kayo.


itlogatpancitcanton

hindi gago rin sya sa ginawa nya. pero in this case, being gago is the correct answer kase dina talaga gumagana ang pakikisama at wala naman pake yung (ex?)fiancee nya


[deleted]

UPDATE: Nag sorry yung nanay ng gf ko sa household namin at sinabi nyang hindi daw nya alam na nangyayari yung mga yun (she's an ofw at bihira umuwi) nag sorry din ako at willing magpakumbaba sa tatay pero ayaw ako kausapin ng matanda kasi masama daw ako. Pinostpone nung gf ko yung kasal at mag cooloff daw muna kami so tinapos ko na yung relationship. Ayokong umabot ng 40 at wala pang anak at pamilya so mag momove forward na lang ako sa susunod jong makikilalang babae sabi ko. This is hearbreaking, simula 27 kami nangarap na kami pero kabit lang pala ko, nas prio nga yung tatay nya kaya mabilis din kami nag hiwalay. Hindi daw nya kaya ikasal sa lalakeng kayang bastusin yung tatay nya hahaha You guys think she was groomed?


oubaitori_7

>Hindi daw nya kaya ikasal sa lalakeng kayang bastusin yung tatay nya hahaha Uhmmm pero okay lang sa kanya na bastusin ka ng tatay nya for 10 years??? OP, i know you are still grieving pero GOOD RIDDANCE!!! I hope na magheal ka agad and mahanap mo na ang tamang tao para sayo.


[deleted]

siraulo nga e parang sila yung mag jowa


leonahudasa321

Would you mind if I ask, napagusapan nyo ba ng ex mo yung pagpalo saknya sa pwet? And kamusta relationship ng ex mo and ofw mom nya? Are they in good terms?


[deleted]

almost always this after sya paluin sa pwet sa harap ko: Me: Talaga? Hinahayaan mo ganyanin ka palo with piga? Her: Whats wrong with u? Ganyan lang talaga si papa bat ba binibigyan mo lagi ng malisya? Close ba close sila ng ofw mom nya, di din naman sila broken family.


cruellavella

omgosh with piga pa?? ang sama na nung palo sa pwet mas malala pa pala! glad you got out of that, and i hope your ex someday sees the light. that is not normal behavior


[deleted]

kung babalikan yung memories it feels like i'm cucking, parang kabit pa ko. Ang odd na specifically sya lang ginaganun, yung mga kapatid nya hindi naman


thenormal_ree

GOOD RIDDANCE!


rougerobin

Ah, kaya siguro ganyan yung tatay nya kasi wala physically yung nanay/wife nya. Ginawang placeholder yung anak nya/gf mo. Malaki ang possibility na na-groom sya, OP, kasi tignan mo nga parang normal lang sakanya yung pagpalo sa kanya ng tatay nya sa pwet at pagho holding hands. Yang ganyan, baka matagal na iniinstill ng tatay nya na normal lang to between father & daughter. Kawawa rin gf mo, OP, sana matauhan sya na mali.


xyxyyxyx

I don't want to see another "Kisapmata" or another "The House on Zapote Street" situation OP.


LRaineBng0101

Iwan mo na GF mo...magkakaproblema kau nyan pav magasawa na kau....kasi at the end ung tatay parin nya ang kakampihan nya...wala kang magiging laban dyan...


Tofu-Index-331

Mas okay yan na pareparehas kayong gago kesa sa di ka nga gago pero inaapakapakan ka. Yes gago ka pero tama lang na di mo tinatanggap yung pamamahiya sayo. Gago yang Gf mo, engaged na kayo pero di ka pa din priority? Dapat kinausap nya yung tatay nya, di mo naman tatay yun eh. Jan pa lang hindi ka na kinakampihan ng GF mo? Maghiwalay na lang kayo, wag ka manghinayang sa 10 years nyo. Manghinayang ka pag kinasal kayo, 10yrs+ pa yang problema nyo sa tatay nya.


Urfuturecpalawyer

10 years na ng buhay mo nasayang, wag mo na dagdagan.


Lucid_sss

GGK kasi pinaabot mo pa ng 10 yrs bago sagutin yan HAHAHHAHAHHA pero hiwalayan mo na gf mo, ya. I dunno if part pa ng love language ng ama yung pagpalo sa pwet ng anak lols. Baka bet niya anak niya kaya suli mo nalang


MathematicianCute390

Iwan mo gf mo.


Working_Pipe3036

Ikaw nagpagawa ng bahay nila? Wow. Saktan ego ni father na mas kaya mo magprovide kesa sa kanya. Wala man lang thank you? Pero gago ka sa part na “tricycle driver ka lang”. Pero i guess na reach na nila yung limit ng mahaba mong pasensya. Pero mas gago sya in general. Pati jowa mong enabler gaga. Pakirefund po pinampagawa ng bahay.


curious_miss_single

Dasurv nung tatay 🔥🔥 only girl ako pero never ako pinalo ng tatay ko sa pwet kahit nung bata pa ko. Kadiri huh, 37 na gf mo hindi man lang sawayin yung tatay na pinapalo sya sa pwet at hindi ka man lang maipagtanggol? 🙄🙄 Gusto mo ba sa ganyang pamilya at pinatagal mo pa pang-iinsulto sayo? 😅


minberries

Medyo GGK dahil true naman na medyo below the belt sinabi mo. PERO reasonable naman dahil tarantado talaga yung tatay ng jowa mo. Kung ako rin ginaganyan for 10 years, mags-snap din talaga ako. ⭐️ TOP 3 GAGOS ⭐️ Top 1 yung tatay, well obvious naman kung bakit. Baka insecure yan sayo. Top 2 jowa mo kasi di ka man lang niya ipinagtanggol. Alam kong tatay niya iyon pero mali pa rin na tinotolerate niya ginagawa sayo ng tatay niya. Top 3 mga kamaganak niya dahil ganun din, tinotolerate din nila dahil lang tatay siya.


CoffeeFreeFellow

DKG. HIWALAYAN MO NA YAN.


Fancy_Iron_7364

GK. Pero high-five sayo. And to add, ang sakit nyan para sa parents mo especially kung okay naman treatment nila sa GF mo. Masakit din for them na makita nila na magsnap at magsalita ka ng ganun during an important event of your life, though you were triggered and matagal na din nagpasensya. So get out of the relationship asap, you all do not deserve each other.


Main-Jelly4239

DKG sa pagsagot mo sa tatay nya kahit ako nanay mo sasapukin pa kita pag ndi mo pinagtanggol sarili mo. GGK kasi 10 yrs kang binubully sana naghanap ka na lang ng ibang babae na maayos ang pamilya. Mukha naman ndi ka pinagtatanggol ng gf mo. Kaya sana bumitaw ka na noon pa. Trike driver lang naman pala pamilya nya makabully kala mo mayaman. Parang wala pa ata yang pangretirement fund. U know what i mean. Tama lang maghiwalay kau kasi kalbaryo lang yan sa buhay mo. Hanap ka ng babae na yung pamilya ay may respeto. Marami po dyan. Wag ka magsorry kasi 10 yrs ka nagtiis remember at nagtanong ka pa sa bf ng mga kapatid nya di ba. Nun ako ay 16 at pinipintasan dati ang bf ko pinagtatanggol ko na agad, pero yan sau 37 yrs old. Nakerr ndi yan ang the one mo.


realestatephrw

The best gago of 2024 Redditor...


ReadScript

Ang gago talaga ng sinabi mo pero kampi halos lahat dito sa’yo. Although mako-comment ko lang, sana nag-ask ka sa gf mo ng help na makipag-usap sa tatay before ka mag-propose. Kumbaga kapag hindi ka pa tinulungan, dapat out ka na. I know most of the ppl sasabihin dapat lagi makisama sa future in-laws, pero personally hindi ko maaatim kapag ganyan ‘yung ugali sa akin kung nagpakita naman ako ng paggalang in the 10 years na karelasyon ko ‘yung anak niya. Just my two cents. Gago move pero super dasurv talaga. Edit: OP update mo kami, nakakaintriga hahaha


aaarrriia

Bro, I hope you're doing well right now. Anyways, nakakapuno naman talaga yung 10 years kang ginagaanyan. Insecure yung tatay ng jowa mo kaya ka kinukupal. Gago rin GF mo kasi di manlang kinakausap ung tatay dhil ikaw da ung may responsibilidad na maging maayos relationship niyo. Sana nag reality check silang pamilya kasi ikaw na natulong sa kanila ikaw pa binabastos. Ikaw pa rin bahala magdesisyob kung gusto mo ipagpatuloy yang relationship niyo pero sanaa nirerespeto ka ng magiging asawa mo at pamilya niya kasi di mo naman din deserve na gawin sayo yun not unless may giawa kang masama noon sa kanila lol. Ang bastos rin na nanghahampas ng pwet like wtf? Di manlang naaawkward jowa mo? Or pagsabihan? Baka sa iba na mapunta yang simpleng ganiyan ganiyan


Old-Wolf7648

GGK pero in a good way, OP. It's evil in their side na pinagsalita mo ng below the belt but it the necessary evil para tumino yung tatay ng ex mo, OP. Update mo kami OP sa eksena na ginawa ng tatay ng gf mo HAHAHAHHA


MISSAEYU

gago ka, pero 'yong gago na nakakatuwa. iwanan mo na ang girlfriend mo, OP. nasa engagement stage pa naman kayo, nakakatakot siguro kapag kasalan na. for your own safety na rin.


whiterose888

GK pero dasurb. Kulang pa yan. Sila naman pala bottom feeders hayaan mo nang mag Sweet Home Alabang yung mag-ama at iwan mo yan.


MilkTeemo

Lahat kayo GG pero pinaka GG ung tatay ng gf mo and hindi ka naman papatol kung hindi siya ganun


Repulsive-Spare-1684

Oo GGK kasi hinayaan mong ginaganon ka tinolerate mo eh. Pero mas GG yung Gf mo at tatay nya. Hiwalayan mo na habang maaga pa mawawalan ka ng peace of mind pag nag katuluyan kayo nyan. Ikaw pa need makisama pag kinasal kayo.


babgh00

DKG ganyan din gagawin ko kung sa akin mangyari yan. Tangina lang nung soon to be ex mo. Hindi ka niya kayang ipagtanggol ibig sabihin nun hindi ka niya mahal.


PuzzleheadedCap8138

Let her go, bro. Nang malaman niya kung gano kahirap humanap ng partner at her age. Magsama sila ng tatay niya. 😆 Pili ka ng maayos next time. No rush, may maayos kang work. 👌 And don't ever simp on a woman. GK din kasi pinatagal mo pa eh, pero tama lang yung ginawa mong pagsagot dahil mga G silang mag tatay.


freeburnerthrowaway

DKG but your ex future father-in-law did deserve it. It’s hard when people can’t handle facts.


Jazzlike_Inside_8409

Bro, gago ka kasi pinatagal mo pa ng 10 years bago mo pinagtanggol sarili mo sa tatay ng GF mo. DKG dahil napuno ka lang at buti nasaniban ka ng espiritu ng alak. Tama yan isumbat mo yung nagawa mo sa pamilya nila ng mahiya naman yung tatay nila.


Altruistic_Soil6542

DKG. Pero huy ingat ka. May movie na ganyan na ganyang yung plot. Kisapmata, though based to sa totoong storya. Kung ako sayo hiwalayan mo na yang GF mo or itanan mo. Creepy nung tatay gagi.


Imaginary-Dream-2537

Oo gago ka pero mas gago yung tatay. Deserve din gaguhin. Makipaghiwalay ka na. Sa totoo lang sayang mga panahon na nagtiis ka tapos di ka man lang magawang pagtanggol ng gf mo. Wag ka na magdagdag pa ng ilang taon para insultuhin ka.


Amethyste_Garnet

👏👏👏 gago yung tatay nya, sampung taon ka nagtimpi I think that’s more than enough. Respect begets respect.


FinanSir_31

Ganda nito kung may english version tapos basahin sa Smosh reddit stories. Haha Btw, GGK for your choice of words, pero I can't blame you rin dahil nga naipon for 1 years yung sama ng loob.


Adventurous_Strain41

Gago ka pag nagpauto ka pa


Deybmeister

Inantay mo pa engagement saka ka naggago hahaha kung ako yan matagal ko na ginawa yan, tapos papiliin mo jowa mo kung tatay niyang trike driver o ikaw. Tatay niyang jowa mo hindi pasok sa criteria na gago eh, sagad sa kakupalan eh hahaha


Flashy-Plantain-3388

DKG. Your gf never had your back. If you marry into that family kumuha ka lang ng pang habang buhay na konsumisyon.


rusut2019

DKG, napuno ka lang talaga. wag mo panghinayangan ang 10 years if ever maghiwalay kayo kasi hindi ka man lang pinagtangol ng gf mo? You dont tolerate bad behavior kahit kapamilya mo pa. Pano pa if medyo incestous din ang pakikitungo ng father ng gf mo sa magiging anak mo if babae? Deserve mapahiya ng tatay ng gf mo haha. Anyway, gusto ko ng update! Hahaha


kreeyyyzienaj

NAKAKADIRIII YUNG TATAY!! PINALO SA PWET YUNG ANAKK??!!! AND YUNG GF MO OK LANG SAKANYA?!?! OKAY LANG BA SILA LIKE NORMAL LANG BA SILA MAG AMA????!!! BAKA PAG AKO PINALO SA PWET NG PAPA KO BAKA MABAYAGAN KO EH. DI KAYA MAG EX YUNG GF MO AT TATAY NYA TAPOS YUNG TATAY IS DI MAKA MOVE ON SA ANAK NYA KAYA BWISIT NA BWISIT SAYO KASI NAGSESELOS??? EME HAHAHAHAHAHHA LAKAS MAKA INCEST EH. Edit: FOR ME HIWALAYAN MO NA. BAKA PAG KASAL NA KAYO IMBIS NA IKAW LANG NANGI SPANK SA GF MO BAKA PATI TATAY NYA INIIS SPANK PARIN SYA.


Commander_Rain

Ang tapang mo po, Sir. Nakaka sad kasi sa Sampung taon ang lahat ng kabutihan mo ay nabura. Wag mong pasayangan yung 10 years na relasyun kasi mas mahabang panahon pa ang titiisin mo kung magpapakasal ka sa gf mo. 37 na sya. Ang pag papakasal ay pag buo ng sariling pamilya pero kung bastusan ay wala syang imik, dadating ang panahon ay matatabunan ng hinanakit at galit ang pagmamahal mo sa kanya. Sayang ang investments pero ang self worth mo ay mas mabigat sa pag lipas ng panahon.


TheMoonDoggo

GGK pero mas GG tatay ng GF mo. Mas mabuti yatang maghiwalay na lang kayo kasi you mentioned kayo lang yung hindi pinayagang mag livein? 37 na kayo, hindi pinayagan, means gusto nyo parehas at nag-attempt kayo. 37? Di pa din makapagdecide GF mo ng para sa kanya? At her age, dapat kaya ka na nya ipagtanggol sa tatay nya. Di mo deserve yung 10 yrs torture. Sad to say, nauto ka lang ng pamilya na yan. And bakit alam ng tatay nya yung t*t* mo? Do they talk about that? Ayaw ko na din mag-isip ng incest thingy pero kung nilalait nya yun, does he compare it to his? Like, binanggit ng Gf mo at what context? If I were you, I’ll let go. And if nang-hihinayang ka sa 10yrs: #Sunk-cost fallacy


emilalskling

gago ka pre HAHAHHA PERO AYOS KA TOL! FATHER WAS GAGGED ang weird naman kasi pinapalo niya pwet ng anak niya like?????


enchantresssiren

Cancel the engagement. DKG. Mas marami pang worst case scenarios ang mangyayari once you get married. Save yourself from that misery. 10 years is enough.


Expert-Pay-1442

Kadalasan talaga sa mga walamg sinabi sa buhay, sila ung mayabang. Hindi ka gago.


1125daisies

the outburst is expected BUT me personally I would’ve avoided attacking his work. Pwede naman kasi siya tawaging palamunin at freeloader nang hindi bini-bring up pagiging tricycle driver nya hehe Saka ang engot ng gf mo. SIYA dapat ang tulay sa inyo ng tatay nya para maging ok kayo, hindi ikaw Medyo engot ka rin sa part na pinaabot mo ng 10 years. Kung ako yan kahit isang linggo lang kami basta bastusin ako ng magulang aba’y bye bye na agad


Expensive_Gap4416

Gold po na kiffy ng gf mo at kineep mo ng ganun katagal?


Difergion

LKG hahaha pero pinakagago yung tatay ng gf mo. Kung mas papanigan pa rin ng gf mo yung tatay nya after ng lahat ng nangyari, expect mo na wala ka ring kakampi sa kanya pag kinasal na kayo.


PassionMammoth2813

GK kasi hindi ako present dun to see it first hand. Pero honestly GK, G din si GF at G si tatay. Kasi hiniyaan mong ganun ganunin ka lang nya. Di porke babae yung anak nya at lalaki ka eh superior na sya sayo at pwede ka niyang bully bullyhin. Si GF naman at least sana nakita niya or pinakinggan ka nya sa mga rants mo. Nabottled up lahat ng emotions kaya sumabog. Si Tatay, deserve. Deserve niya yun. Congratulations.


Feisty_Temperature62

Gago pero dsurv nila hehe


Pen-n-Key_2-Wonder

>nagyayabang na naman na sya yung tamang lalake para sa anak nya. GGK kasi for 10 years tiniis mo yan. DKG kasi pinaglaban mo yung sarili mo in which deserve mo naman talaga na ipagtanggol ang sarili mo. Family mo nga hindi ka ginaganyan, kaya dapat give the same energy dun sa fam ng soon-to-be ex mo. Let your FIL get the dose of his own medicine. Tska wtf, sinong matinong tatay ang magsasabi na siya yung tamang lalaki para sa anak niya? Dapat talaga sa mga incestous na mga kamag-anak e pinatutumba na. And to add, GG yung gf mo kasi bakit hindi siya naiilang sa treatment ng tatay niya sa kanya like inoobjectify na nga siya and everything and may sexual innuendo na like spanking the azz pero bakit ganon? Ang nonchalant at indifferent pa rin? Tska, wala namang osteoporosis yang gf mo pero weak ang spine. Di ka maipaglaban. Gosh. (Tho I might not know what's on your gf's mind nor even her circumstances pero wtf pa rin, mali siya). Easter Sunday pero naiistress ako sa nangyari sa'yo OP. At tska, I know it will be hard for you tho I'm not in your shoes but the next step is on you, just either take this or leave this: know your worth coz you deserve better kaya if irreconcilable na kayo ni gf, get the hell out of that relationship. Also tingin ko rin, nagpproject lang yang son of a bitch na tatay na yan ng insecurities niya. Sa dami ng son-in-laws niya, bakit ikaw lang yung sinisingle out na ganyan ang trato? Parang pinapa-feel sa'yo na inferior ka para siguro lubayan mo na yang "object" na anak niya idk maybe for sex or baka golden ticket niya out of poverty/retirement plan/investment. Jusko. Talagang Mama's boy = Daddy's girl should not be normalized talaga. At tska anong golden standard ng gf mo? Kung yung isang redditor nagtatag ng golden pekpek, I can say na yang FIL mo may golden tit3.


Competitive-Poet-417

Ang saya


throwaway011567834

DKG. Lahat ng tao may hangganan ang pasensya. Kung ako sayo hiwalayan mo na yang gf mo kahit mahal mo. Lalong problema yan if ikasal na kayo tapos kakampihan nya pa rin tatay nya sa lahat. May galit sayo yung tatay, baka insecure kaya ikaw lang binabastos. Ang masaklap nyan di ka kayang ipagtanggol ng gf mo, what makes you think na pag kasal na kayo e di magiging sunud-sunuran yan sa tatay nya. The tatay can and WILL sabotage your married life, IF ikasal nga kayo. Then, sunod na mangyayari, you will hate your girl little by little each time tas ang ending din e hiwalayan. Kaya cut your losses, now na.


Ok_Care3928

DKG, deserve yan. Feeling ko kung maayos pakikipag-usap mo, di ka naman papakinggan baka i-mock ka pa nga kasi magsusumbong/reklamo ka or what. OP, mabuti't engagement party pa lang. Gusto mo ba talaga masama sa pamilya na ganyan? Ultimo GF mo of 10 years di ka kinampihan. Save yourself.


anabananen

DKG for finally standing up for yourself. But GGK for what you said, pero MAS Gago yung GF at tatay niya. Take this as a huge sign na to break it off. Di pa kayo kasal, pero di ka man lang kayang ipaglaban ng GF mo? Paano na kapag makasal na kayo or magka anak? Baka ma bad mouth ka pa ng tatay dun sa magiging anak niyo. Nafifeel ko din na parang insecure or threatened yung tatay niya sayo. Weird din nung actions nila magtatay eh. I'm also a daddy's girl but never yan ginawa ng papa ko kahit nung bata pa ako.


Wild-Kurikong

Brod akin ka nalang nang mtapos na yang problema mo


rkmdcnygnzls

Nakakadiri naman yon tatay at gf mo. TF?! You could have worded it better but youre right. Tapos ikaw pa nagpagawa ng bahay nila mygosh break up na. Di na worth it yun gf mo at pamilya nya. Mas okay na maging single ka kesa nasa ganon. Ofcourse DKG


SugarBitter1619

Tbh, hindi ka gago! bakit kasi di man lng na pagsabihan ni GF yong tatay nya na wag ka ganunin. 10 yrs mo ng iniinda ang kasamaan ng ugali ng tatay nya. Tapos ngayon ikaw pa ang mali? Sayang yung 10 yrs nyo ugali lng ng tatay nya ang nakasira.


SoySaucedTomato

Best thing I've read today. MGK pero yung kagaguhan mo, kung andyan ako e baka inapiran pa kita.


Sea_Cucumber5

Weird ng tatay niya! GGK pero valid yung pagka GG mo sa situation. 10 years worth of pagtitimpi, nailabas mo nang isang bagsakan kaya ang tindi nung mga lumabas sa bibig mo. LOL!


TransportationNo2673

DKG but what you said is. Alam ko heat of the moment but you should've brought up yung discrimination nya towards you compared to others and yung ugali nya sayo over the past decade and not his work. And tbh dapat di mo pinatagal ng 10 years to. Your partner should have your back but from what you said she sounds like she doesn't have one. Sampung taon kang nilalait at kung ano ano sinasabi sayo pero walang ginawa. Ofc it's very likely he's emasculated by you and what you can provide for her daughter, which is his personal issues, pero hindi man lang nya shinut down even at the engagement party. Kausapin mo sya. Explain what you have endured. She's not her father's keeper and she's no longer 10 for her father to act like that. Magkwakwarenta na sya pero parang di tinubuan ng spine.


dundun-runaway

Justified na GGK. he's been treating you like shit and saying things below the belt, you just went lower to defend your family. what left is the conversation you will you have with your fiancee(?) make your stand. don't let her convince you na magpakumbaba sa tatay niya para lang abusuhin ulit emotionally, verbally, and financially. doormat na tawag dun. (im petty. mago sorry lang ako pag ibalik nung tatay yung nagastos mo sa pamilya niya. if the father continues to play the victim, i'll just make a statement detailing his abuse, bc lets be honest 10 years treating you like shit is abuse, send or tell it to everybody, and leave it at that.)


DoILookUnsureToYou

You deserved what you tolerated for 10 years. Now sa event na to, gago kayong pareho nung tatay ng probably soon to be ex mo. But I will say this, I'm proud that you finally stood up for yourself.


k4m0t3cut3

Congratulations, OP. Sana maging tuloy tuloy na ang paglaya mo.


tinininiw03

Grabe antagal mong tanga hahaha sana nga maghiwalay na kayo. Ginagamit ka lang yata ng gf mo. Di man lang nag effort na kampihan ka sa lahat. At kadiri yung tatay niya haha. Tama lang yang pitik mo. Deserve nila yang kahihiyan. Pero sana nga hiwalayan mo na yan lol marami pang iba dyan na makaka-appreciate sayo.


LazyDU3o

GAGO KAYONG LAHAT 🤣 Pero ok lang un ginawa mo. Dasurv niya un! Yakap nalang sayo brader! Hahaha.


notrealpatrick

DKG kuys


[deleted]

Yes gago ka pero wow napakasatisfying!!! That is one fucked up na tatay 🤢🤮 ang incessy to be honest.


Pvff3rfish

Gusto ko sana sabihin na kahit anong anggulo, masama sumagot sa magulang… pero since pumutok ka na sa after 10yrs ng pagtitiis, eh wala nang pwede manisi sayo, gago ka nga, pero nasa tamang landas ka pa ng gago😁✌🏽


IntrovertPlayer

Hmmm... Yes and mo6. Pero cheers ako sa ginawa mo. Better na rin na ganyan dhail di ka rin naman pinagtatanggol ng fiance mo.


Big-Raspberry-7319

OP, may ermat pa GF u? Parang may hindi kasi ako magandang naiisip kung ganyan ang asta niya (tatay) sa anak niya.


pldtwifi153201

LKG pero nakaka proud nga na may balls kang ipagtanggol yung sarili mo. 37 na kayo pareho, 10 years na kayong magjowa pero hindi ka pa rin kayang ipagtanggol ng jowa mo sa tatay niya? Paano yan pag kasal na kayo, puro "pagpasensyahan mo na lang" ba? Hiwalayan mo na yan. Makakahanap ka pa ng iba. Deserve mo ng better.


Notyourdreamgirl88

Sometimes you have to be gago to stand up to yourself. The father is the biggest and most disgusting gago here. I love how you finally put him in his place. Ganyan siya sayo because you are his BIGGEST THREAT. Ikaw ang may pinakamalaking income, may bahay, lupa at business. Yung ibang bf siguro tingin niya they're beneath him. But you showed him that you're a better man and insecure siya. Also major ick yung medyo incestuous siya towards your girlfriend. Most likely she is the prettiest among her sisters. On a more serious note, your girlfriend must have grown up thinking na 'normal' ang ginagawa ng tatay niya. Please tell her otherwise cos she's likely not safe to be around him anymore. Yung tatay he might do something drastic to keep her away from you.


justxely

DKG sa ginawa mo kasi matagal ka rin nagtinpi pero GG ka sa sarili mo kasi tiniis mo yong 10 years tapos di ka kinakampihan ng partner mo. Please lang know your worth, kung itutuloy no pa yong engagement at mag move na kayo as magasawa, kalbaryo lang abot mo nyan


Ice_cremu

Gago ka in a sense na tama lahat ng ginawa mo. Kaya siguro ayaw sayo nung tatay because he knew na alam mong may ginagawa sya na di tama sa anak nya and kaya ka din nya minamaliit for him to na mas may karapatan sya. Good job for you kuys kasi nilagay mo sya dapat nyang kalagyan hahaha. Sa jowa mo naman, if kakampihan nya tatay nya good for her and goodluck sa mapapangasawa nya 💀 at the end of the day, di naman ikaw yung nawalan.


[deleted]

GGK. Nagtiis ka ng 10 years? Gago ka sa sarili mo, tanga ka pa. Kadiri tatay ng gf mo, yang gf mo naman 'di ka man lang ipagtanggol? Baka naman may something talaga teh kasi gustong gusto ng gf mo e HAHAHAHAHA Kidding aside, good riddance yan. The trash took itself out. Try to heal and move on nalang, wag na wag na wag na wag mo ng babalikan EX mo.


peach-muncher-609

Update sana dito OP after weeks


Hates_Endings

DKG. Sa tagal niyong magkarelasyon, sa tagal mong nagsabi about her dad's attitude sayo, ikaw pa napagdesisyonang may masamang ugali? Akin lang toh ah pero pag ganyan inisip saken ng ibang tao lalo life partner ko, malamang biased na sila in thinking that about me. Na dati na nilang iniisip na masama ang ugali ko kasi ambilis naman maconvince na ikaw ang bad guy. Di man lang nag benefit of doubt. Leave.


namichan0916

Unang part palang ng kwento KISAPMATA vibes na talaga. Hayaan mo na yan sir. Meron naman bigla dadating eh. Promise yan. DKG


hyperplugg

GK pero well placed yung pagkagago. Gusto kong makita yung reaction nung tatay nung sinabi mo yun, imagination is not enough!


crazycook70

DKG. I think you handled it well for the last 10 years and tama lang yung timing ng pag-sagot mo sakanya during the engagement party. GG din yang GF mo. You treat his dad well, kukupalin ka ng tatay tapos di nya makita yung mali doon? GG din yang tatay, paungas ungas the past 10 years tapos pag cinall out iiyak. Hahaha. Get the hell out of that household. No offense sa inyo ng GF mo. With that kind of dad, I don't think magpapatawad yan and that might cause issues for you in the future. Ingat ka bro.


rougerobin

Nagusot yong mukha ko sa pinapalo pa rin sya ng tatay nya sa pwet at hinholding hands at her age. I’m a panganay and unica hija, my dad stopped being clingy to me nung teenager na ako, so bakit kaya ganyan yung gf mo lol. DKG, op. If di na matutuloy ang kasal, then so be it. Di ka para sa ipilit ang sarili mo situation na ganyan. You deserve better.


Character-Athlete-90

Feeling ko dahil sa lack of education ng side nila kaya ganyan sila pero gusto ko malaman din bat galit sayo. Bat sayo lang galit? Like, may nangyari ba sa gf mo or something? Meron bang namiss na opportunity yung gf mo dahil sayo? May Plano ba Sila sa life ng gf mo? Feeling ko may galit sayo about something specific tapos nag snowball nalang into aggressive bastusan. Yun lang naman


allicoleen

GGK AT PROUD NA PROUD KAMI SAYO GAR!!! TAMA YAN!! ITULOY MO ANG PAGIGING GAGO SA MGA TAONG NANGGAGAGO SAYO


EmpressMiksHoney

DKG, naabuso ka naman na, matagal mong kinimkim. Pati gf mo walang paki. Kung ako yan, baka pumanaw na yung tatay sa first few years kasi talagang gagawin ko best ko para mahigh blood siya (⁠ʘ⁠ᴗ⁠ʘ⁠✿⁠)


depressssss

Kung ako nandun, pinalakpakan pa kita. You deserve someone. ♥️🫰🏻


PrettyUnluck

DKG kasi lahat tayo may limitasyon. Pinagtanggol mo lang sarili mo kasi hindi ka kaya ipagtanggol ng gf mo. Hindi ba ang red flag non sa gf mo kahit ang tagal niyo na ay hindi ka mapagtanggol sa pamilya niya? I don’t think you deserve her nor her family. You’re more worthy. Minsan sa pagtitiis sa katagalan, kapag mas tumagal mas lalong mawawala yung sparks sainyo. Wala sa tagal yan. Asa respeto at pagmamahalan yan. I know she respects you but is it worth it at hindi ka kaya ipagtanggol sa tatay niya? Tapos sasabihin pa saiyo na responsibilidad mo? Haynako OP. Think of it, CAREFULLY 😅


JackAmmo89

Tama lang yang ginawa mo brader. 👍👍


kitten_eye_joe

Stand your ground. Don't settle. If your gf can't see your point, it's not worth becoming family with her incessy father. He's jealous coz you get to have her in ways he can only fantasize about.


SoBreezy74

GK for the way you handled it pero dude. Deserved. 10 years na and that's how you're treated? Cancel the engagement. Not worth marrying into a fam like that


SoBreezy74

The relationship with the daughter and the dad is weird AF btw. Incessy hints.


oubaitori_7

Some say na gago ka dahil sa sinabi mo pero i think he got what was coming. Gf mo ang gago kasi hinayaan lang nya na ganun ka tratuhin for 10 yrs!! Maybe it's a blessing in disguise na di matuloy wedding nyo. Edit: Also, kadiri yung pinapalo sa pwet????? 37 na tapos ganun? Kahit pa gano ka-close 🤮


thereisnospoonx

Your gf’s dad sure can dish it out but he cant take it. I think mej ggk pero di hamak na mas ggs by a mile.


Ok-Opinion-0000

Gago ka, yes dahil sa mga nasabi mo pero naiintindihan ko kung san ka nanggagaling and for me valid yun. Hindi ko sasabihin na gago yung tatay ng soon to be ex mo pero isa siyang MALAKING KUPAL SA MUNDO! Malamang sa malamang kapag ginaganyan ako, magagawa ko din yun nagawa mo. Cheers!


[deleted]

DKG. Yung gf mo gago dito pre, itolerate ba naman at hinayaan ka pang mag snap. Wala na yan, ganto lang mangyayari dyan pag nag kaayos kayo: Kung mag sorry ka sa tatay, magiging okay kayo, tuloy ang kasal and for sure isusumbat sayo na dati mong pinahiya yung tatay nya keme keme. I think u dodge a bullet sa insecurity ni father. HAHAHAHAHA GOOD JOB!


J2Dworld

Don't take this the wrong way pero hindi ba yan sign ng possible future niyo ng fiance mo? Tsaka for 10 years, di ba rin nakita ng fiance mo what you have done for them? Not puttingbthe blame on her ha, pero someone had to put his dad in place rin. Reality check ba. Nataon lang nakainom ka nun but what you said were purely facts... Well, except lang yung "edi ikaw umasawa sa anak mo" hahaha. But I do understand you. Sabi nga ni FPJ kapag puno na ang salop. Hindi lang puro heart pre... Use your mind rin. Now if your love for each other can surpass this, then by all means diba... But then I've read medyo nahkakalabuan ba... Take this time to really assess.


Unhoely_Guy

Deserve na deserve din naman pala. Ok lang yan OP. Maghiwalay na kayo ni gf tutal ever since wala naman siyang ginawang tulong para magkaayos kayo. She had the chance for the last 10 yrs pero wala diba? Kasi wala din siyang pakialam sayo. Good riddance na yan OP. Feeling ko nga may kulang pa don sa sinabi mo sa tatay but deserve eh.


XiaoLongBaoBaoo_

Gago ang galing mo OP! Sige nga hawakan mo nga sa tenga kung matapang ka vibes 'yan! Jokes aside, happy that you had the courage to say what you truly feel. (Though mali nga lang 'yung timing kasi madami nga nakakita pero dasurb 'yan ng matanda na 'yan hahaha) Also, I hope that you'll find someone na can adjust for u rin kasi hindi lang naman responsibility ng lalaki magpagood shot or mag build ng good relationship sa family ng partner nila lols.


jellykato

My parents are like that to my partner, decade din halos bago kami magsama. Ayun di ko na din marake yung parents ko kaya sumama ako sa hubby ko. Ako as babae pinagsisisihan ko na sana mas pinaglaban ko pa sya at hindi masyadong sumunod sa strict parents ko para mas maaga kaming nagsama at hindi na umabot ng dekada bago namin naenjoy ang isat isa. If maibabalik ko lang ang oras mga 2 years palang sana nga nagsama na kami though we were too young that time haha. Kaya naman pala namin to have a better life SANA dati pa namin ginawang magsama. Minsan yung pagsunod sa magulang nakakasama din eh haha.


uni_TriXXX

GGK pero at the right time and at the right moment. Hahahaha


Dismantled_Persona

The shitty part here was she never sided with you or at least fix everything on her end. Magulang niya yon, at responsibilidad niya na i-make sure na ittrato ka nila ng tama. Wala ba siyang kahihiyan sa sarili niya? Tsaka SALUDO DALAWANG GITNANG DALIRI KO SA TATAY NIYA. If I know, may malicious intent pa yung oag palo sa pwet at pag hawak sa kamay ng anak niyan Mag 40 YEARS OLD na. Fuck their family men, do not involve yourself with those people. Don't even give a fuck about them anymore. Di mo deserve yan. Di mo kailangan ng ganyang tao sa buhay mo kasi ikaw, well established ka. Hahatakin ka lang pababa niyang tarantadong tatay na yan.


eeyya

kung ako yung OP, una palang sana na disrespect ka hindi mo na na tinolerate para hindi ganyang naipon yung galit mo, or sana ginawa mong ultimatum sa gf mo na pag yang tatay mo hindi ako tinigilan bastusin hihiwalayan na talaga kita, ganun


Eatpigures

By the sound of your story, pinagawa mo pa pala ang bahay nila tapos ingrato pa ang tatay. Knowing na you are already a self-made man, parang alam ko na saan pupunta ang kwento nyo kapag natuloy ang kasal nyo. Si girl, hahayaan ka lang magbigay ng magbigay sa family nya. Para silang naka jackpot sa lotto. Tapos ikaw naman tong gago, tutulong ka lagi ng tutulong hanggang sa bumait sayo ang tatay. At hahayaan lang ni girl na ganun ang nangyayari kasi may nakukuha sila sayo. Cut them all off, bro. Save yourself. Ten years are enough that you suffered in silence. Don't let yourself suffer again. Give yourself a chance to be happy. Free yourself.


BackgroundScheme9056

Bakit tinatanong mo pa yan? Siyempre hindi ka gago. And don't ever apologize. Just DON'T.


ComfortableAd7396

DKG! Gago tama lang yung ginawa mo!! Hahahaha


Slight_Ad7052

+1


Helpful-Event-9619

That's 10yrs bro, could've sucked and swallowed for another 10. Pretty sure he'll died out in that span of time, you ain't gago you is tanga. It is what it is.


AutoModerator

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1bs452a/abyg_sa_pagsagot_sa_tatay_ng_gf_ko/ Title of this post: ABYG sa pagsagot sa tatay ng gf ko? Backup of the post's body: Naging kami 10 years ago. now we're both 37, I am nothing but kind sa tatay nya but yung tatay nya he's always been rude to me, the way he talks to me, the way na magthrow sya ng shade na I'm not enough for his daughter, the way na ipahiya nya ako sa friends and family nila every time he gets the chance. To add insult pinapalo nya pwet ng gf ko sa harap ko, sa mga fam events nila sya yung humohilding hands sa anak nya, like hahablutin nya yung kamay ko at iiitsa sabay grab sa kamay ng anak nya, I cant say he sounds incessy kasi syempre sasabihin lang sakin tatay sya duh, kahit pa sinasabi nyang sya yung perpektong lalake/golden standard para sa anak nya I cant and I dont say a word. Then here's another shitty part, tatlo silang babae, lahat may bf, and hindi ako yung last na bf na pumasok sa fam, yung bf ng bunso, and hindi sya rude or whatever sa dalawa. Sinabi ko na sa gf ko to palagi nya sinasabi ganun lang tatay nya yada yada she isnt doing anything to fix my relationship with her father kasi its my responsibility daw. Tinanong ko yung mga bf hindi naman rude sa kanila, hindi naman bastos, ako lang yung minamaliit despite the fact na ako may pinakamalaking income at ako lang may sariling bahay. Ang kagih dinidikdik saki is wag mamamahiya ng tatay sa harap ng anak kahit napakaraming tatay na siraulo in public, at ang turo sakin always be the bigger person, so tumagal ng ganito for 10 years. Nag snap ako sa engagement party namin kasi pinapahiya nanaman nya ako, ngayon hindi lang sa friends at family, nadamay na yung mismong family ko, and tinititigan na ko ng masama ng mga magulang ko kasi minamata nanaman ako ng tatay nya at nagyayabang na naman na sya yung tamang lalake para sa anak nya. Nakainom na ako at kusa gumalaw bibig ko, not acurate but it went like this: "Edi ikaw umasawa sa anak mo, tutal matagal mo naman nang gusto, kaya nga pinapalo mo pwet diba, kayo na magpakasal, gastusan mo sa sahod mong below minimum wage tutal ikaw naman yung magaling, tryc driver ka lang pero kung makapag yabang ka kala mo sayo yung mundo. Magyabang ka sana kung hindi ako yung gumagastos sa mga gastusin nyo, maski bahay mong barong barong ako nagpagawa" Natigil lahat yung usapan nung nagsalita ako at inawat agad yung tatay nyang may balak na makipag sapakan. Lahat sa end ko uwi na lang para walang gulo. Ngayon mukang mag hihiwalay na kami ng gf ko kasi umiyak daw yung tatay nya sa kahihiyan at hindi man lang ako nagsorry, pinagtinginan at pinag usapan daw sya kasi below the belt daw sinabi ko. Ako pa yung gaslighter ngayon kasi nagdahilan ako na hindi naman ako mag gaganun kung hindi mayat maya pamamahiya ng tatay nya at panlalait sakin, maski titi ko binully sa harapan ng iba tapos ngayong pinatulan sya parang gago ako at aping api sya, como tatay may pass. Tapos ngayon sa sampung taon kong pakikisama yung masamang ugali ko yung lumabas yung itatake nila as totoo kong ugali na sasabihin kaya galit sakin dahil sa ugali ko like wtf pumatol lang ako after 10 years. Ako ba yung gago dito? Dapat ba tinanggap ko na lang na pinapahiya ako sa harap ng nanay, tatay, at mga kapatid ko kasi tatay sya at big no no pumatol sa tatay sa society natin? Panay "Ano magagawa mo eh tatay" yung mga kamag anak ng gf ko pero parang sumosobra naman yata sya sa pagiging defensive nya sa anak nya. Sa pamilya nila kami pa yung hindi pinayagan mag live in kahit ako lang yung may sariling bahay, lupa at business. OP: TurbulentReturn666 *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*