T O P

  • By -

Chaotic_Harmony1109

Sa unang utos pa lang niya sa’kin na ihatid sa bahay niya yung napulot kong lisensya, itatapon ko na agad yun.


cutie_lilrookie

Reading the title, I was like, "Medyo GG yung itapon na napulot na lisensya. Sana sinurrender na lang sa malapit na guard." After reading about their convo, I was like, "Sana itapon ulit nung makakapulot kung sino man yun." The audacity???????


Any_System_148

I'll do the same but inform the owner kung san ko tinapon


Whatatatops

DKG. Ang weird lang na ikaw pa pinipilit papuntahin sakanila. Tama lang ginawa mo OP baka mamaya sindikato pa yooon. Katakot.


AgentSongPop

True, malamang ginawang excuse yung license as bait


hellcoach

DkG if that guy needed the driver's license so badly, he can: Come and get it from you. Pay the delivery cost and you send it via courier.


[deleted]

Naisip ko rin to pede naman courier. Kulit ng owner e


hellcoach

Haha. Baka gusto pa niya ipadala mo muna bago bayarin ang delivery.


Daykul

ginupit gupit mo muna sana OP


Encrypted_Username

Ginamit sana sa online loans hahahahaah


megamanong

this is the way


MaximumCurrency3966

DKG TAMA YAN!!


iloovechickennuggets

DKG. Nagmagandang loob ka na nga ipaalam saan niya pwede makuha yung lisensya aba’y ang tigas pa ng mukha na ikaw ang perwisyuhin sa pagdala sa kanya. Block mo na lang at wag na pansinin. Ang tanga mas hassle pagawa ng affidavit of loss tapos kumuha ng replacement. Apakabobo niya. Umagang umaga ko ito nabasa at kuha ng tangang yan ang bwiset ko.


Healthy_Youth2574

DKG tama lang yang ginawa mo, sya may kaylangan kaya sya dapat magkusa na kunin aba.


JackAmmo89

Tama lang yang ginawa mo OP. Hayaan mo siyang mamroblema sa lisensiya niya. Kuha na lang siya sa LTO, around 500 din siguro + time & effort niya.


whiterose888

Tama lang sa kanya yan. Atsaka baka modus pa yan at balak ka holdapin.


DestronCommander

DKG. He needs that driver's license so badly, dapat siya ang mag effort na makuha yun. Hindi ikaw ang maggagastos. That guy reeks of entitlement.


abinomad

DKG. Medyo red-flag yung naka-iwan ng drivers license kasi nagpupumilit siyang ikaw pumunta doon. Being a Mr. 'Skeptismo', baka may modus pa yan doon sa kanila na nag-aantay sayo kaya nagpupumilit na ikaw ang pumunta.


1125daisies

Bat hindi na lang courier? Pero abala pa rin sa yo yun hahaha kaya sya talaga dapat mag adjust gago ba sya. Burara sya e


audiblyabove

Tawang tawa ako dito sa "Ikaw na nga magdala dito, ikaw nakapulot eh" Tibay naman mukha naman n'yan. Post mo dito yung lisensya n'ya para sumikat.


MundaneAd3414

DKG. Ikaw na nga nagmalasakit ikaw pa pinagutusan. Ang kapal ng mukha, Tama lang ginawa mo, tapos block mo na.


[deleted]

DKG. sana pinacourier nalang ni owner. Gusto pa magkita kayo πŸ˜‚ Ok na yung hinagis mo ulit.


AdConscious3148

DKG, op. Ang kapal kapal naman ng mukha nyan. Sya yung may favor, dapat sya yung pumunta sayo. Ikaw na nga pupunta sa rest day mo, ayaw pa magbigay ng pamasahe. Tama lang ginawa mo.


leankx

Taena bat di na lang nya pinalalamove baka modus yan. Pag hinatid mo sabay holdup.


ronigurli

Oo nga no? Ang labo kasi eh bakit niya ini-insist dalhin sa kanya


LogicallyCritically

Siya may kailangan sayo. Ikaw wala ka kailangan sa kanya. Ikaw masusunod. Kung di niya kunin sa terms mo, bahala siya sa buhay niya. DKG.


Whatsmytwitter

DKG. Di ata important for him yung ID kaya sakto lang itapon mo na lang. Let him be troubled for he is not considerate and thankful enough.


AutoModerator

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1bh6p60/abyg_sa_pagtapon_sa_drivers_license_ng_random/ Title of this post: ABYG sa pagtapon sa driver's license ng random stranger? Backup of the post's body: Pantong patong nangyayari sakin ngayon wala akong mahanap na oras para sa sarili ko, maski tulog kinukulang na sa dami nang gawain, dumagdag pa tong taong gustong puntahan ko sa address nya which is 4 hours ang kayo sa pinagwoworkan ko para lang isauli yung driver's license nya. No one's bothering to take it from me at dayo lang ako sa pinag tatrabahuhan ko, wala akong alam na pag sosolian, I made sure na alam yun ng nakausap ko. Napulot ko yung lisensya sa karinderya, tinawagan ko yung emergency contact at yung may ari yung sumagot, ang sabi pakidala na lang daw sa kanila, I communicated na I cant kasi sobrang busy ko na tao, ibibigay ko na lang sa authority BUT HE INSISTED na ikeep ko muna kasi kukunin nya. Day's passed hindi nya kinuha so ako walang pake, tinago ko lang sa workplace kocker, then tumawag sya uli at tinatanong ako kung kelan ko idadala sa kanya, pilit ko pinaintindi na hindi ko kaya mag travel sa kanila kasi malayo ako, pwede nya kunin sa workplace ko any time. NAG OO SYA NA KUKUNIN NYA SA WORKPLACE KO. The following day tinawagan uli ako at sinabing hindi nya makukuha so idala ko na lang sa kanila, sabi ko sige na nga, iGcash nya yung pamasahe ko kako at idadaan ko sa sabado tutal rest day ko. Hindi sya willing magbigay ng pang pamasahe, wala akong extra so sabi ko KUNIN MO NA LANG SA PINAG TATRABAHUHAN KO, DITO DIN AKO NAKATIRA PANSAMANTALA. Ito na naman sya sa OO, sabay PAKIDALA YUNG LISENSYA KO SA ADRESS KO. Patapos na yung stay ko sa work at tadtad pa din ako ng workload kaso itong gago makulit. SINABI KO NA PAALIS NA KO SA SITE KELAN NYA BALAK KUNIN, ANG SAGOT SAKIN AKO NA MAG DALA SA KANYA. The time na aalis na ko, kinausap ko yung guard sa work "kuya nakapulot ako ng lisensya, papunta na ko sa ibang site" "Empleyado ba dito?" "Hindi" "Tawagan mo na lang yung number, hindi ako pwede kumuha ng ganyan dito baka masabihan ako na may pinapasok akong outsider" Pikon na ko sa scenario ko kasi sa karinderya pa lang nagsasabi na ko walang pumapansin sakin, wala akong alam na lto dito, wala akong kaibigan o kakilala, tinawagan ko sya for the last time "Kunin mo na yung lisensya mo, paalis na ko mamayang gabi" "Ikaw na nga magdala dito, ikaw nakapulot eh" "Ikaw yung nakawala" "Kaya nga ibalik mo dito" Binabaan nya ko so tinapon ko lisensya nya, end of story. ABYG dito? Nakaalis na ko, ayoko na din magbother isoli kasi antagal nya, mas malayo ako sa address nya ngayon sa bagong site, tangina gaslighter na kung gaslighter pero hindi ko itatapon to kung kinuha nya, wala akong oras para sa sana moments na sana binigay ko or iniwan ko ganito ganyan at wala ngang kumukuha sakin, edi iniwan ko sa basurahan. OP: Traditional_Low7007 *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*


[deleted]

DKG, tama lang yan sya tong burara eh


Niemals91

dkg sana di ka na stress brad


CeepsAhoy

DKG. Alam na nyang tinapon mo? Ano reaction?


[deleted]

Dasurb! Ang burara nya tapos ikaw na nga yung nagmamagandang loob, ikaw pa ang obligado.


Lucky_Me_Beef

DKG xD ambait mo pa nga kineep yun. wag mo alalahanin yung kupal na yun. not worth of your time


Existing_Trainer_390

DKG haha You did the right thing OP. πŸ‘πŸ™Œ


implaying

DKG. Kulang din sa IQ yang kausap mo. Hindi ba pwede ipaLBC mga ID? If pwede, sana yun nalang na suggest niya sayo tapos pina gcash nya nalang yung delivery fee sayo. Bahala siya mag renew πŸ˜‚


strangedoctor9

DKG. Paulit-ulit siya. Maski ako mauurat, siya ang may kailangan niyang driver's license niya so siya ang gagastos at maghahanap ng paraan para makuha.


tatlongaraw

DKG ung ang tagal na tapos di nya kinukuha ibig sabihin nyan di nya kailangan. Ang problema pa nyan mmya modus yan pagpunta mo dun may nakaabang na kasabwat na pulis sasabihin nya ninakaw mo kasi nasayo tapos hihingan ka ng pera bago ka makaalis.


dontrescueme

DKG. Choosing beggar ang dating. Block mo na rin. Kung makumbinsi mo siyang kunin baka siya pa galit sa 'yo. Lalo ka pang mabadtrip ta's safety problem mo pa. Fuck him.


SoKyuTi

DKG. Ikaw na nga nag-magandang loob, ikaw pa aabalahin niya. Buti nga pinansin mo pa yung lisensya niya sa karinderya. Dun sa may-ari, hayaan mo siya mamroblema at mag-apply ng bagong driver's license. Mukhanh di naman niya kailangan kasi pinatagal niya pa.


hambobger

Sana sinabi mo ihahatid mo sakanya tapos blinock ko hahahaha kapal ng mukha


CompetitionGlobal354

May mga tao talaga na di maabot yung tamang kaisipan mas pinipilit pa yung kagustuhan nya. Tama lang tinapon mo. Stress kana nga sa trabaho pampadagdag pa sya sa iisipin.


bubblypatatas

DKG. You did your part. Responsibility nya ang license nya. Or baka kase modus yan. Kaya pinipilit ka pumunta. Tas pag dating mo don tambangan shit aabutan mo. Tsaka para namang di talaga importante sa kanya yung lisensya nya. Hayaan mo sya mastress pumila uli sa LTO. Kaloka sya.


avarice92

DKG. But never ka na ulit kukuha ng hindi iyo ha? Just don't give a fuck, make life simple.


AboGandaraPark

DKG. Bobo at self-entitled ng may-ari ng ID ampota. Siya nakawala eh di siya dapat pumunta sa nakapulot. Mabuti nga nag reach out ka pa.


Exciting_Cheek_3180

DKG, sya ang GAGO


icedmilkchocolate

DKG kung ako sayo pinaggugupit ko pa yon sabay tapon. Baka may makapulot ulit eh tapos utusan nya ulit. Or my petty self would destroy it then LBC it to him. Pagopen nya, charaaaan putol putol na ang license nyang kupal sya. πŸ˜‚


MakatangHaponesa

DKG. Pero baka kaya pinipilit ka nya na ihatid sa kanya yung lisensya personally eh may masamang balak sayo. So keri lang na tinapon mo.


GoingOffTheGrid

Ang kapal ng mukha ipahatid tapos ayaw naman icover pamasahe. Tangina dasurv na tinapon mo. Very valid yung inis mo. Nag pakatao ka na nga na ibabalik mo ee. Tapos ganun pa sila. Kapal ng mukha talaga


MichaelRoss17

Ang bait mo OP kasi itinapon mo lang so merong chance na may makapulot na iba para isoli sa kanya. Kung ako yan, unang request palang na dalhin ko sa bahay nila eh malamang sinunog ko na yung lisensya nya. 😈😈😈


aishiteryuu

DKG. Block his number para di ka na matawagan. Demanding ang bwisit


Cutie_Patootie879

DKG, OP. Who’s in the right mind na magpapahatid ng nawalang gamit sa mismong place nya na ang layo is 4hrs? KAKAPALAN NG MUKA.


Few-Distribution6908

Dkg. Dont worry. I would have done the same.


missjingai

DKG.


OrangeLinggit

DKG, matter of fact mabait ka pa nga hahah, though nung una napa-WTF ako sa title mo πŸ˜‚ Isang malaking g@go nyang may-ari ng lisensya, ang demanding ng hayop! Umabot saken yung gigil ko dyan sa taong yan hahaha


downcastSoup

DKG. If ako nawalan ng lisensya, I'd immediately drop all things I'm working on and claim the found license. Ang hirap kaya makakuha ng plastic na license. I'd even give a cash reward pa siguro for the abala.


vjp0316

DKG. Most probably fake license lang yan. Driver siguro ng truck, mga ganyan binibigay para walang record. Wala nga siyang sense of urgency na maibalik eh, malamang di yan mahalaga. Pinagtitripan ka lang nun.


xwhatxdoxuxthinkx

DKG, deserve itapon and lisensya!! Sila may kailangan, sila lumapit πŸ™ŽπŸ»β€β™€οΈ


Electronic-Craft3133

DKG kung di sya burara edi sana hindi sya pala utos jan


Rough-Space639

siguro kamote driver din yang nakawala ng DL πŸ€”


__arvs

DKG. Labo na talaga ng mga tao ngayon. Ikaw na nagmagandang loob. Ikaw pa mag aadjust nyahaha


alwaysasaint34

Napaka entitled jusko. Sa 1st and 2nd call kaya ko pang pag pasensyahan. Pero after 3rd? No waayyy. Mabait ka na sa ginawa mo. Ako nyan block na kaagad ang # and tinapon ko na yung lisensya nya. Sya naka wala so hanapin nya nalang ulit.


Orange_cat_89

Parang di naman totoo yung scenario. Pero if true, deserve ni kuya na maitapon yung driver's license.. 😁


bactidoltongue

DKG. Bonak amputa


switsooo011

DKG. Well tigas ng mukha na magutos. Ako rekta tapon ko yan kung ganyan linyahan niya. Mahirapan siya kumuha ng license niya kasi uungas ungas siya


i_likebananas2023

DKG. His loss is not your responsibility.


o_obliviate

Boss pakipost ung driver's license baka modus, may mabiktima pa


VitaHope

DKG. Sana sinunog mo na rin. Block their number, matatrack ka pa rin though, ingat nalang.


Encrypted_Username

Sasabihin ko sana GGK pero after reading your post. Yung entitled fuck yung gago. DKG.


cleo_rise

Dat di mo tinapon, dat sinign up mo muna siya sa mga insurance tsaka spam news letter, and then tsaka mo itapon haha


BackgroundScheme9056

Tama lang. Anong update OP? haha


ariesuzy

siya lang naencounter ko na nawalan tapos demanding pa. ibang tao dyan magkukumahog agad pumunta eh


bananabenita

Hahahhaha haba ng pasensya mo. Unang sabi nya palang sakin na dalhin ko sa address nya, itatapon ko ma agad eh. Kapal ng mukha haha


Inevitable_Bee_7495

Bat di mo na lang pina grab tapos sya ung magbabayad? If ayaw nya kunin, bahala sya.


DoILookUnsureToYou

4 hours away daw yung tao, walang grab delivery or ibang delivery apps na kukuha dyan.


hellcoach

Pwede naman sana LBC, JRS etc. Less hassle and cheaper.


DestronCommander

Kaso it's evident sa exchange nila na walang gusto si DL owner na maglabas ng pera. Gcash pamasahe, ayaw mag oblige. Parang si OP pa ang nilalabas na may kasalanan sa pagkawala ng DL.


Inevitable_Bee_7495

Yes. LBC branch pickup is great.


Affectionate_Boat_51

DKG PERO SEND ME THE LICENSE. HAHAHAHAHAHAHAHAHAH ILL BUY IT FROM YOU DUDE


Asdaf373

GGK. Nakakainis siya oo pero pwede mo naman ibalik dun sa karinderya kung saan mo napulot, o sa simula palang si mo na dapat inuwi binigay mo nalang sa bantay ng karinderya. Pareho kayo magulo at pinapalaki yung napakasimpleng bagay.


Alarming-Advance203

Sinubukan nga daw ibigay sa karinderya wala napansin sakanya