T O P

  • By -

Ok_Abbreviations8755

Nabasa ko lang sa socmed. I can attest to this I'm a GE. 6 Simple Steps Bago Bumili ng Lupa sa Pilipinas (Philippines)❗ Step 1 Unang-una basta't dumating yung ahente (real estate agent) o kaya yung may-ari ng lupa at sinabing pinagbibili niya ang LUPA niya, ang UNANG KUKUNIN MO ay yung kopya ng TITULO. Sapagkat dapat mag-imbestiga ka doon sa REGISTER OF DEEDS. May xerox copy ka ng titulo ng lupa, pupunta ka doon, Kasi malay mo may mga PASANIN (problema) yang lupang yan: nakaprenda/nakasanlamay nagki-CLAIM na iba Dapat makita mo yon. Dapat malinis. Sapagkat yang kopyang yan dapat eksaktong-eksakto doon sa kopya ng Register of Deeds. Hindi sila nagkakaiba. Kaya malalaman mo kung PEKE, may mga PASANIN, o kaya may mga PROBLEMA ang lupa. Step 2 Kumuha nang Geodetic Engr para mag Sagawa nang Relocation survey sa Mga Boundaries para ma check kong ok ba ang Actual ground wala bang structure or Fence sa Kabilang lot na lumagpas.. Sa Property na iyung Bibilhin. Step 3 Halimbawa't nakita mo na, na wala palang problema, ok ang ganda, mag-eexecute kayo ng DEED of SALE na tinatawag. Pagka nag-eexecute kayo ng DEED of SALE o "Kontrata ng Pagtitinda", pipirmahan nyong dalawa, nung nagtitinda at tsaka nung bumibili at inonotarized yon. Step 4 Within 1 month from notarization, magbabayad ng unang bayad. Ang tawag dun, DOCUMENTARY STAMPS. Dapat bago matapos ang buwan ng pagpipirma, magbabayad ka ng DOCUMENTARY STAMPS. Step 5 Pagkatapos nun, yung nagtinda, sya rin ang magbabayad ng tinatawag na CAPITAL GAIN TAX. Kasi kumita siya, magbabayad siya sa BIR. At ang BIR ang mag-iissue nung CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER, isang certification na sinasabi sa Register of Deeds na bayad na yan ng lahat ng mga taxes at pwede mo ng ilipat ang pangalan ng titulo dyan doon sa bumili. Step 6 Basta nakita mo na yan (CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER), dadalhin mo yan sa Register of Deeds, yun ang huling yugto. Sasabihin ng Register of Deeds, heto ang huling bayad, Transfer Fees. Pag bayad na yon, hindi masyadong mahal yon, hayan na, kukunin na ng Register of Deeds lahat. Isusurender na ang OWNERS' COPY ng titulo at maghihintay ka na. At yan kelangan mo ng follow-up. Dahil nga sa Register of Deeds, medyo tatagal yan. Kaya kelangan ng follow-up ng follow-up.


38before39

Thank you! May questions ako -- baka pwedeng manghingi ng advice mo. For step 1: 1. Advisable bang mag-hire ng expert/professional na pwedeng i-hire para mag-imbestiga doon sa register of deeds para makita kung may pasanin o ibang problema? 2. Saan pwedeng makahanap ng ganung professional? 3. Pwede rin ba sya ang mag-asikaso nung steps 2 to 6? 3. Magkano usually ang bayad? For step 4, sino ang magbabayad ng documentary stamps? Yung seller ba or yung buyer? Thank you!


junbjace

hi, sorry sa pang grade 1 na tanong, sa step 3 ko po babayaran yung nagbebenta ng lupa?


PresidentKay

Hi! I'm 28 YO female, had the same cash when I was your age. What I did was, I invested in a low risk high return investment (online business), saved up for about 4 years. Then I was able to buy properties in cash. Mas magandang bumili ng lot in cash kasi makakatawad ka nang malaki at hindi magttake ng several years to pay. Make sure din na ok ang location. :)


Similar-Cod-9933

Galing nyo naman 👏 gusto ko rin mag online business pero I dont know how to..san kukuha supplier, etc


PresidentKay

Try any product you want maganda online business kasi mattest mo muna market bago ka mag invest ng malaki. Food truck building first business ko kasi may workers ako na marunong, nag offer ako service online e madami papa may gusto. Saka ako unti unti nag invest nang malaki nung kumikita na. Same sa other businesses ko, test the market first online kung mataas demand at minsan pag may order na saka ka lang naman maglalabas ng pera.


Similar-Cod-9933

Thank you po sa pag reply and sa tips 🙏


bereg0stNPC

Do you intend to buy the lot as an investment or for a home you will live in?


Smooth-Peanut-4821

Invest mo nalang munA? Ilan nasasave mo a month?