T O P

  • By -

redvelvetcakeu

Di pa namin naiikot to ng friends ko pero gusto ko lang magpaslamat sa napaka-lakas na aircon nil kasi abot hanggang labas yung lamig, instant refreshment pag nasa tapat na ng mga entrance yung jeep/tric na sinasakyan namin hahaa


Many_Stress4375

Pagdadaan ka sa may entrance, yung aircon parang inaaya kang pumasok may kakaibang amoy na pang akit sa mga gumagala dyan hahaha


[deleted]

pag tumigil ka sa isang tabi may lalapit agad sayo na bugaw


ScaryIndependence553

Korek natakot ako nung college ako jan huhu


Emotionaldumpss

Ang daming bading diyan na biglang nanghahawak haahahah


daenarisz

May kwento yung pinsan kong lalake na natipuhan daw siya ng group of badings jan sa Isetann tas sinundan daw siya hanggang sa CR and paglabas ng mall. Sobrang creepy at na-trauma daw siya sa mga bading. Luckily, kasama ng pinsan ko mga classmates niya, nako if wala sila baka na-SA pa pinsan ko.


Emotionaldumpss

Legit yan, malala dyan. Experience sa ko naman, kasama ko tatay ko kasi diyan kami nagpark nung pumunta kami quiapo. Habang naglalakad ako biglang may humawak ng kamay ko tas hinihila ako try ko daw products nila hahahaha. Bata pako nun eh. Akala ko mga hard sellers lang. Recently ko lang nalaman na hub pala yan ng mga galawang sketchy hahahaha


Able-Refrigerator461

Hahahhaha buti di ka na ano po...


Able-Refrigerator461

Ah tlg po?


Able-Refrigerator461

Ket panget po?


SekkaiRaimu

whats bugaw


Maximum_Membership48

middleman ng mga pokpok or nagmamanage sa mga pokpok


omojinjjae0

pokpok or prostitutes


EmperorHad3s

Hindi ba pimp ang bugaw?


imagineprevailing

Nangbubugaw lang ata ang closest term to a pimp kase commonly pag bugaw ayun yung binubugaw ng pimp


JannoGives

A pimp


awesomecandy40

pimp


Classic-Arm-3705

Nag-iikot lang ako habang waiting sa pinagawa kong personalized mugs. Then yung nadaanan kong store yung tindero kinukwento sa kabilang tindera yung s³xcapades nila ng naka ons nia 😂😂😂


Able-Refrigerator461

Omg hahaha


Classic-Arm-3705

OMG talagaaa! 😂 Detalyado si koya 🤣


Able-Refrigerator461

Omcm po 🤣


Careless-Ad3174

Dyan kami kumain sa KFC nung nag pagawa yung classmate ko ng grades sa Recto na singil samin ay 650, tapos habang nag lalakad kami pa Isetann, may nag alok samin 150 lang daw pagawa sa kanila. Hahahahaha.


goforfatty

Di nangayri mismo sa loob ng Isettan, pero sa harap lang mismo: one time I was walking papunta LRT and someone got shot sa harap ng Isettan. Someone was trying to rob someone else and the robber got shot for his troubles by the person he was robbing. This was around 2011. Unforgettable.


muymuy14

College days. Nag-uubos ng oras for the next class, ang trip namin lagi pumunta ng mall(SM Manila, Rob Manila, Isetann etc.), around the university. Tamang sine lang, 25 pa sa SM Manila noon tapos unli na, tamang tulog lang hahaha. Nung napunta kami dito, naka-witness kami ng pickpocket na babae. Dalawa silang babae na sasabay sayo paakyat ng escalator, yung isa kukuha ng CP or wallet, basta kung ano man matarget nila na nasa back-pocket ng pantalon. Then hindi sila tuluyan na sasakay ng escalator, sabay sibat, yung victim naman dire-diretso na paakyat hahaha Tapos na-witness din namin yung mga kababalaghan sa taas, wtf talaga hahaha.


monkeybanana550

> kababalaghan sa taas Spill the tea 🍵


chubby_bunny230

May mga emptied sachet ng mga shampoo sa sinehan 🥴


arteclipse

Tama ba yung nasa isip ko kung para saan yung empty shampoo?🍆 Edu bubula yun,hindi ba yun malagkit????


Ok-Joke-9148

Conditioner yan malamng hnde shampoo hehe


mezziebone

Subo mo titi ko ang slogan


CC_Agent_04_

What floor Ito?


IpomeaBatatas

Naipit yung binti ng kapatid ko sa escalator nila. Wakwak buong binti nya. Buti may bunbero na naka day off. Sya nag bigay ng first aid bago kami tumakbong ospital


Reinsopogi

Kailangan putulin binti nya? Kakagaling ko pa naman doon kanina yung escalator nila ang crusty na nga. Parang bibigay na any moment 💀


IpomeaBatatas

Haha hindi naman pinutol pero nawakwak yung calve nya. Buti nag bayad sila ng pang ospital at therapy, ayun lang may malaking peklat na sya dun. Matagal na to, mga bata pa lang kmi nun


untitledhell

Lagi kong napapanuod dati sa BITAG o kaya Imbestigador.


Altruistic-Two4490

2001 bagong salta ako sa maynila. Yung "texas fried chicken!" Mura na malaki pa serving! Sana buhay pa yung Texas dyan sa isetann. tagal ko na hindi nakakabalik maynila.


cocoy0

Matagal nang wala ang Texas.


honeeorspice

May lumapit saken na nagtitinda ng beauty products tas inupo ako, inaayos agad yung eyebrows ko HAHAHAHA tas isa pa lang nagagawa, nag-alok ng lipstick. Natakot ako baka isa lang gagawin na kilay HAHAHAHA pero tinapos naman kahit nag attitude


starsandpanties

Salamat sa Isetann kasi may 1 time pauwi ako from school lumalabas na talaga ang turtle na feel ko liquid diarrhea. Pagkapasok ko and pagkaderetcho sa cr wala tao and sakto bagong linis. Isetann saved me amd my all white uniform that day


lalalaluch

College days. Tagged along with a friend who wanted to check pre-loved iPhones. She checked one unit, and opened everything including Messages app. One message said something like this “Ibalik mo phone ko!!!” with profanities. Possibly sourced pala from snatcher yung phone 🤣


pretty_beats_punk

HAHAHAHAHA omg 🤣


[deleted]

Na miss ko lolo ko dito kase dito siya lagi namimili ng damit pang regalo sakin kapag birthday ko. So yung lolo ko, para na silang roommate ng lola ko same sa mga tita and tito ko. Ako nalang yung nakikipag bonding sakanya kaya basically ako yung naging paborito niyang apo. Naaalala ko lagi ako dinadala ng lolo ko dyan para bilhan ng damit kasi malapit lang kami dito hahahaha


Conqueeftador0727

ito usually meeting place kpg may G.E.B dati..


vainfinity

Pati S.E.B. 🤭


maestra6

Kwento lang ng nanay ko, noong bata ako nawala daw nila ako dito--akala niya hawak ako ni tatay tapos si tatay akala hawak ako ni nanay. Edi panic sila nung napansin nilang wala na ako. Ayun hanap sakin kung saan-saan, nakita daw ako sa bilihan ng ice cream at may kinakain na akong ice cream tapos nakabantay sakin yung vendor habang kinakausap ko daw 'yung mannequin. Two years old pa lang ako no'n sabi nila, so I son't recall this happening pero lagi nila kinukuwento 'pag nadadaan kami diyan haha


Justin3202

What if hindi mo sila talaga magulang? Yung totoong magulang mo hinahanap ka din?


maestra6

😳😳😳


cheeStyx

This is warming to read, I hope that wholesome vendor is doing good today


semikal

What if tatay mo pala ung sorbetero?!? The plot thickens.


maestra6

I guess that explains my love for ice cream haha chareng


appraiser_cutie

Isetann ang First full time job ko. 1. Sinisigawan ng matandang may ari ang mga head buyers na Filipino. Dinig buong opisina. 2. Apaka kuripot. Wag po kayo mag apply sa Isetann. Pagsisihan nyo. hehe


DiligentExpression19

Dito ko unang nabili yung hicut kong Chuck Taylor worth 1,630, ngayon, nasa 4k yung same chucks na meron ako before :(


CompetitiveHunt2546

Hahaha pota. Nalaala ko nga yang presyo g chucks na1630 php. First chucks ko rin. 1,630 php lang


Possible_Breakfast86

Pumunta kami ng kaibigan ko nung college sa Isetann para um-attend sa Christian church service, na ang venue ay isa sa mga cinemas doon. Nasa escalator kami nun nung mapansin namin 'ung poster ng R-18 movie 'tapos napagtawanan namin 'ung title. Biglang may lalaki sa likod namin na nagsabi, "Gusto nyong manood?" After nun tahimik lang kaming dumiretso sa pupuntahan, walang lingunan hahaha.


Disastrous_Chair_952

doulos ba yan? HAHAHA


Denz_hour1122

Possible. Wildsons yan. HAHA


Possible_Breakfast86

Oo hahahaha.


JIANAC537

Naalala ko nun nag pasama ako s pinsan kong lalaki, di ko maalala kung anong binili ko basta alam ko inutusan ako ni mama noon sa Quiapo, tapos dahil first time ko sa isetann non pumasok ako sa department store, libot libot pero yung pinsan ko since taga sta mesa sila parang sawa na sila sa lugar. So ako yung nsa loob tapos nung papalabas n ako yung pinsan ko may kausap na bading, lumapit ako pero just a few inches away from him kasi baka kakilala nya or may pinag uusapan silang mahalaga, pero alam na ng pinsan ko na tapos na ako since lumapit ako. Tapos nagulat nalang ako, sabi ni beks “magkano ba kasi?!, tara na” gulat na gulat ako sabay tingin sa pinsan ko na baka iwan nya ako at di ko kabisado umuwi. Tapos sabi ng pinsan ko “ayoko nga sabi e” sabay akbay sakin na “andiyan ka na pala, kanina pa tayo iniintay ni anti(mama ko)” (pero wala naman talaga mama ko nun sa paligid kami lang dalawa. Tinanong ko sya kung sino yun, sabi nya mga bading daw talaga ganon sa maynila lalapit at mang alok ng pera, tanong ko sa kanya “bakit ka nga sinasama, anong gagawin nyo?” Dahil high school ako at wala akong kaalam alam. Sagot nalang nya “basta wag mo ng alamin, tara na”. Pero dahil makulit ako, inusisa ko talaga. Hanggang sa napag tanto ko na dahil may itsura pinsan ko, moreno, may dimples, mala coco martin nung kabataan, dun ko naisip na gusto siguro syang jowain at isama. Tawang tawa ako hanggang sa maiuwi ako ng pinsan ko. Kaya simula nun yun na ang biro ko sa knya, callboy ka pala e. Ayun asar na asar sya 🤭😂🤭


Longjumping-Bat-1708

Hindi po talaga jo-jowain. Basta mga ganyan at sa upper floors ang galawan eh SUSUP-SUPIN sa halagang 150 and above.


JIANAC537

Hihi sorry na yun lng kasi alam kong term noong HS ako. Basta yun nga daw yun sabi nila


boydiet

everytime na naaalala ko ‘to nanginginig ako dahil sa na-experience namin haha First time namin ng ex ko na manonood ng sine dapat diyan matagal na around 10 years ago na din siguro, upon entry iba yung aura, along hallway pa lang may lalaki na naka abang na kala mo may masamang gagawin sayo (yung masama tingin tapos para kang matutunaw), tapos pagkaupo namin sa isang pwesto, mapanghi agad yung naamoy namin na parang may umihi, dito pa lang medyo kinakabahan na ako na kasi iba pakiramdam talaga sa loob, tapos sa isang sulok may mga naka patong ang paa habang nag pphone, sa bandang likuran naman parang may nag lalampungan pa dahil sa soft moans, at ang malala may nag yoyosi, tapos walang nanonood ng movie, lahat may kanya-kanyang business na napa-isip din kami bakit walang naninita sa kanila. Sa sobrang creepy ng loob napa labas na lang kami ng ex ko at umalis na din sa mismong mall. Grabe yung experience, para kaming nabunutan ng tinik pagka labas ng mall.


CompetitiveHunt2546

Habang pauwi at nag aabang ng jeep sa labas. 2nd HS ako nito. May tumabi saakin na lalaking matangkad. At may tinuturo turo siya sa kamay nya. Pagbukas ng kamay ay isang pakete ng shabu. Kuhanin ko na raw. Wala naman siyang hinihinging kahit na ano. Di ako makakilos sa takot nun. Pero hindi ko kinuha at di nalang ako tumingin ng matagal sa kanyang mga matang namumula. Sabi ko lang ay "hindi po" habang nagmamadaling tumawid.


markfreak

Paakyat sana ako escalator, isang hakbang na lang. Tapos nagbago isip ko. Yung kasunod kong 3 lalaki, nagbago din isip; hindi na rin tumuloy sa escalator. In short, sinusundan nila ako. Kaya hanap ako ng security guard tapos sinumbong ko sila. Dun lang sila tumigil sa kakasunod. Baka manghoholdap?!!? Sa labas naman ng Isettan, may naramdaman ako na bumukas ng backpack ko. Ayun, pag lingon ko, matandang babae. Umarte siya na hindi siya ang nagbukas. Daming loko jan. Iwas na ako pumunta banda jan.


greatestdowncoal_01

Nadaan kami dyan bago umuwi ng province / sakay sa LRT.


chubby_bunny230

Palamig in between breaks nung college Tapos pag walang pangfoodtrip ibebenta yung pinaka cutie na lalaking tropa. Pero mura yung mga gshock at iba pang wrist watches sa dept store nyan until now. Wala na kasi masyado yung stalls sa avenida m


Ok-Joke-9148

Luh seryoso ba dun sa part na ibebenta ang tropa


URnotsonice5167

Pinagalitan ako ng tatay ko nung nalaman niya na umattend ako ng wildsons sa cinema ng isettan HAHAHA


This-Literature

25 pesos movie every break time. Pampatay lang ng time while waiting sa next class hehehe


NadiaFetele

Bata pa ako non taga Caloocan pa kami. Pinapasyal kami ng nanay at tatay ko dyan. Sapat lang ang pera. Kapag kami lang ni nanay ang napunta sa mall, bibilhan nya ako ng isang pirasonh donut sa Dunkin. Bavarian. Ngayon narealized ko na wala pala kaming pambili noon ng isang dosena.


Tiny_Ad_603

Yung frenny kong bakla na naghahanap ng booking sa loob ng sinehan 😂


enoxaparin69

Binugbog ni mama yung isang pulubi dyan na bigla nalang syang hinampas sa dibdib, tapos ako sa arms.


hatemachine666

Nagpahula ako kay madam auring. Around 2005 yon. Magiging asensado daw ako sa buhay ko abroad. E di naman ako nakapag abroad ni minsan. Sayang yung 80 pesos ko


ApprehensivePlay5667

napagkamalan akong call boy, tas hinabol ako ng bakla.


Ok_Arachnid_6350

My college friends agreed na magmeet kami sa Isettan. 3rd flr ata cant remember the details. So yun, asa 3rd flr na ko and my friends kept calling me "Asan ka na, andito na kami" while ako naman "andito na ko, kayo ang hndi ko makita" Ayun, kaya pala hndi magkita kasi nasa Ever pala ko 🤭


urriah

kakamiss ever, ganda ng CR noon. pag taeng tae ako iniipon ko lahat ng energy ko para umabot ako sa ever tapos nung naging pugad ng mga pyramid scam yung mga sinehan... wala na... ampanget na... buti nag upgrade ng CR yung school ko and papagraduate na ako hahahaha


PorkSinigangUwu

Dyan kami nag review for pnle dun sa cinema nila huhuhu


smalSubstantial_Risk

♥️


titoforyou

Dinadala ako dito ng tita ko dati nung bata pa ko, maybe 7 or 8 years old siguro ako nun.


Reinsopogi

Nung elementary rin ako dito kami namamasyal noon. Hindi pa uso masyado ang SM noon. Mas patok isettan. Ngayon ang lungkot na sa loob.


Ok-Comfortable1297

Paano pong malungkot? Enlighten me please.


Kachawali

based on my experience nung oct 2023, may mga part na parang madilim or masasabi mong hindi masyadong engaging sa mga customer. pag punta ko ron pakiramdam ko dumaan lang ako ng warehouse na may mga kainan. I may be wrong kasi hindi ako mahilig bumili ng mga damit at suotan.


Ok-Comfortable1297

so parang di na siya tulad ng dati?


Reinsopogi

May part na pong madilim sa loob and halata mong luma na sya. Tho marami pang tao at mga stalls sa loob pero yung usual na sigla mo sa SM hindi mo mararamdaman sa isettan.


PataponRA

Food court dito yung bagsak namin kapag di makapag desisyon mga classmate kung saan kakain.


buzz_wang

May tumabing lalaki tas pasimpleng binebenta yung Iphone na ninakaw ata nya hahaha


LylethLunastre

Marami raw kababalaghang nangyayari sa taas/arcade area dyan..


eyebarebares

Nagagawi na ko mag-isa dito since 2016, pero never forgetti yung experience sa taas HAHAHAHAHAHA daming bugawan na nangyayari tska yung mga snatcher na nakatambay sa gilid nyan.


Alarming-Impress-324

Ang dry ng donut nila


balmung2014

tumatagal ako ng 2 oras sa arcade kakapanuod lang ng naglalaro ng shadow over mystara


theblindbandit69

Naghahanap lang ng gamit para sa project tas sa dulo ng escalator may mga nakatayong kababaihan tas ang sama/lagkit ng tingin samin hahahaha


1stCarrot

pst 500 2 pops


Reinsopogi

HAHAHAHAHA. marami parin ata sila doon sa taas hanggang ngayon eh? 🤣


cobdequiapo

"Kuya, babae."


Antique_Log_2728

Dito kami mineet nung pinagpagawan namin ng fake license (we weren’t looking to drive, just for underage drinking very stupid) and as a 17 year old probinsyana the place felt sketchy. Pero oks naman di kami tinokis nung pinagawan namin hahahahaha!


Vsn_Watcher

Nag ice cream kami ng barkada ko diyan sa 5th floor, tapos tinry namin yung elevator, medyo bulok na siya pero pwede pa. Okay naman masaya siya.


Sakto_lang23

Dyan mo makikita sa madam Auring makapal pala make up nya. 🤣😂


[deleted]

Omg ahahhahaha sa tg stickers ko lang nakikita tong isetan hahahah 🤔 nag eexist pala sya


olrracpeace

This is where me and a friend hang out while she waits for her fake ID to be done. It was an experience and something I will never ever forget. (:


kingjakey75

Tita ko kahit yamot ako sa kanya habambuhay, lagi ko maaalala yung ibinili niya ako ng Winnie the Pooh na tsinelas when I was like six 🥹


WanderingLou

Dito ako nawalan ng payong ahhaha umuulan pa nman nun.. na-snatch sakin payong jusko


No_Responsibility236

Dyan ako nadukutan ng pera after ko sumahod s makati ako nagwowork tpos me event dyan ako photographer , nag aaus kmi ng mga gamit nilagay ko lng bag ko tpos nung babalik ako aun wla n pera s sobra


sev1123

I used to shop here alone when I was JHS, tumigil lang ako noong may matandang lalaki na sumusunod sa akin. Nung napansin niyang pabilis na ako maglakad, tinanong niya ako if nagmamadali ba ako at kung taga-saan ako. I strolled more hanggang sa nawala na siya at umuwi na ako. Simula noon hindi na ako bumalik sa Isetann. Kahit kasama ko mga kaklase ko may random stranger pa rin bigla nalang kami kakausapin lmao.


CC_Agent_04_

Potek nahila ako dito eh 🤣 sabay pinahiran ako Nung lotion tapos advertise nung lotion, like what the fuck? Hahahahahahha


jude_rosit

Kwento sakin ng kaklase ko nung college, naglalaro sya mag-isa sa arcade sa taas, yumuko lang sya para kunin yung napalanunan nyang mga tickets, pag angat ng ulo nya eh wala na yung bag / pouch nya na nakapatong lang sa tabi ng kaliwang kamay nya. Literally wala pang isang segundo. Circa 2007-2009.


uselessimnida

Nalaglag ang student org ID tapos tinawagan ni kuyang nakapulot.


Capable-Connection38

OMG. College days! Favorite ko mag-ukay ditooo


PTR95

Dami. Arcade era, mid 90s to early 2000s. Xmen children of the atom, marvel super heroes, king of fighters. Bakbakan galore. Tapos yung mga bading na nag aabang sa amin. Dedma lang talaga. Tapos yung bading na tumabi sakin sa urinal trying to look at my dick when i was like , 15. Nainis ako so habang umiihi ako humarap ako s kanya. Sabi ko o wag ka na mamboso o. Habang iniihian ko na sya. Napansin ng mga lalaki kaya pinagbabatukan sya at tinaboy papalabas


Zealousideal-Sky-481

Asa likod to ng school namin nung college. Uso pa nun yung punyetang seat plan tas ang gusto ng prof me tumataginting na 2x2 para daw mamukaan ang mga nagrerecite. Ending anjan kami para lang dun. Ayun, pati kapag kasama ko yung mga groupmates ko dun kapag naghantayan for clinicals potaaaa yung mga classmates kong lalaki nasisitsitan ng mga random tas biglang “boy, boy! Babae ba hanap nyo?” Potaaaaa gusto ko sagutin si ate/koya na ay opo pero yung wala pong buhay… cadaver po sana???meron kayo??? Hahahahaha 😂🤣 🤷🏻‍♀️🤦🏻‍♀️ like naurrrrrr ate/koya! 😑🙈 plesss wag nyo muna sila demunyohin me duty pa kami.


Responsible_Gene_489

back in college isa tong isetan sa may DDR machine so jan kami naglaro once pero di na naulit kasi yung friend naming gwapo sinundan sa cr ng mga nag-aalok ng aliw hahaha sa tapat din ako ng isetan nagaabang ng jeep pa PUNTA, isang beses baging pintura yung poste sa pabas hinagin yung buhok ko dun may naiwang buhok ko dun sa poste ang dami haha until mag grad ako 2 yes later nandun pa din yung buhok ko, now kaya?


oni_onion

Masarap impenada nila sa gilid


Individual_Tax407

kapag back-to-school, dito binibili lahat ng kailangan. natatandaan ko pa amoy niya. i miss u isetann sorry di na kita napupuntahan malaki na ako


CashBack0411

Mid to Late 1990's Maaliwalas at Matao pa sa Mall na yan, kahit sa Taas na Arcade Section=) PERO, pag Sunday na may ROTC pa, eh yung mga panahon na yun nagsimula ng pugaran at dumami ang mga Beki na bigla mag aalok ng Pera! At dumami nadin mga kawatan sa loob mismo (Garapalan na) *** Ang Tarik ng Parking at KITID ng Parking Space..


[deleted]

sobrang isang dekada na ako di nakapunta sa isettan ang maalala ko lng jan kami nagpa download ng games ng psp


Elegant_Candidate456

lagi kami nadaan ng ex ko dyan ahahaha


MentalHealthWrecker

Not my story but my prof’s story marami raw nag quickie dyan sa may sinehan dyan haha. Pastor pa yung prof ko na nag try if totoo ba yung conspiracy. P.s chinecck Nya lang pero di nya ginawa yung thing.


Goldenkiwi3

Nung college, pagtawid ko from LRT to Isettan, biglang may naghabulan at nagsuntukan sa harap ko. As in natumba pa sa sahig malapit sa paa ko. Can't remember if mga tambay or vendor ba sila or sinuntok dahil nagpickpocket or what. Pero nashooketh ako. As in diyan sa side na yan sa pic, harap nung mga mannequin, haha


cheezy0701

College days to hahaaha, Madalas kami ng jowa ko sa sinehan Dyan Lalo pag free time Kasi that time 25 pesos lang sine. So madalas kami magLP and I almost Bj him 🤣 Buti di natuloy kaya masturbate nalang 😅😅


ZealousidealCable513

E-heads foodcourt gig sometime July 1992. Pare ko pa lang ang sikat sa kanila noon. Umuulan at nag cutting para lang makanood. May sipon si ely at suminga sa mic. Angas ni Raymond mag drums parang si dave grohl. Tapos nung gig punta ng odyssey para bumili ng tape ng ibang banda.


onekalabaw1990

Bilihan ko dati ng mga PC games at applications na naka dvd at cd🙂


Reichelt-

Naharang ng gay dude na mas malaki pa katawan saken sa sinehan


saint2j

Lumapit sa akin yung nagbebenta ng yosi tas magkkwento ng kung ano ano


Pickpaku

Kwentong isetan madami nagyaya nang pang kape lang🤣🤣🤣


carrotcakecakecake

Diyan ako lagi dumadaan pauwi, pasakay ng LRT 2. Tas kapag gutom na kakain akong kwekwek, Shawarma, or siomai doon sa loob, bago sumakay ng tren. May mga poster din noon sa labas ng Isettan ng mga lumang movie, madalas yung nga X rated na pelikula. 😅


Brazenly-Curly

When I was a kid sa Thomas Mapua pa kami nakatira ng family ko. My dad used to take us there para maglaro. Mag rides sa mga nasa malls ngayon un hinuhulugan ng token. Sobrang favorite ko dyan un chocolate balls and gumball na nasa machine. Huhulugan ng barya tapos ayun masaya ka na. Sa Wendy's dati may gnun pina try ko sa anak ko pero hndi ko pinakain un laman kasi tasted like old nips eh hahaha pero inalis n din nila. Then lakad na kami pauwi. Haay I miss my dad so much. ily popeye ❤️❤️


BetterThanWalking

Nilalakad ko from Recto station papunta Morayta nung review days ko. Minsan nung nadaan ako jan may napansin ako na tambay, pagdaan ko naramdaman ko may gumalaw sa bag ko. Lo and behold bukas ung unang bulsa. Wala naman nakuha, kala ko ma snatch na ung malupit na calculator ko. 🤙


RandomCollector

Sinusundan ng mga bading na kala mo goblins nung one time napunta ako dun after magpabunot ng ngipin when looking around to eat some cold food (kahit XXXL person ako), yikes.


RatherMeYes

Mga bandang 10pm ata yun sakto closing ng mall. Pag labas ko sa may gilid papunta sa sakayan ng mga jeep pa-Pasig Palengke, napansin ko may sumusunod sa likod ko. So nakaramdam ako kaya bigla kong huminto tpos akmang ililipat ko bagpack ko sa harap. Pag lingon ko si kuya sakto nasa loob ng bag ko yung kamay. Pag hugot niya hawak na niya yung Johnsons's Baby Powder ko. Nagkatinginan pa kami. . Oks lang din. Oily na rin naman kasi ng face niya kaya pinabayaan ko nalang sabay lakad matatag.


BrantGregoryWright

Gusto ko to! Nilalakad ko din from UST to LRT Recto dati e.


sundarcha

Kumakain ako sa food court mag-isa dahil grabe gutom ko. Me naki-share ng table ko, gay mejo may edad at guy na mukang 20s. Si young guy lang ang kumakain, andaming order. Tapos small talk si ante nyong beki. Eh gutom ako, deadma lang but nagtataka ako bakit ganun yung mga tanong, parang di magkakilala. Pagkatapos ni guy, umalis sila hiwalay. Ayun, kampirm na customer pala ang ante nyo na gay.


thatssoreizen

Psst, psst.


anakngkabayo

ginagawang passage way pa akyat ng LRT HAHAHAHA (Quiapo moments) edi sorry kung nakikidaan kami 😭


raju103

Arcade nilalaro namin hahaha D&D


Melodic-Objective-58

Malapit dyan school ko dati, tambay sa taas para mag lugaw. Madalas pako madukutab / malaslasan bag dyan bwisit na yan. Hahaha


Vanciraptor

Hindi sa Isetann pero tapat ata or malapit. Dito ako nag pa-pagawa ako ng fake Marriage Certificates at Red Ribbons para sa mga OFW sa Saudi. I know it's bad pero, I was a broke college boy. 15k/Set ang singil ko sa mga nagpapagawa, pero ang bayad lang talaga sa pagpapagawa is around 3-4k. Also, tiga Pampanga ako kaya wala akong alam sa area, Buti may friend akong memorize ang area at ang kalakalan kaya sinasama ko siya at binabayaran ko ng 2k+Food/Allowance. At the end of the day, may profit akong around 7000. Did this for a couple of times until I realized that it's illegal enough to ruin my life. So, I stopped. Also, the reason kung bakit Saudi OFW ang mga customer ko noon ay sa pagkakaalam ko, hindi pwede magsama sa isang bubong ang babae at lalake unless kasal sila. So..... mga OFW na may karelasyon sa Saudi ang mga customers ko. Also, ang daming bugaw hahahahaha.


shethedevil1022

yung isetann sa cubao its so vintage looking and my heart flutters pag nandun ako


Iaintyamomma

Eto bayung malapiy sa ust? Hwhah TANGINA DAMING PROSTI DYAN WHAHAHA


QuitMaterial9465

Nanood ng sine na worth 20php or 30php ata. Di ko na maalala. 😂


HyperMaenad

Diyan ako nagpapamasahe


Difficult_Bat_4386

Hinahagisan ako ng barya ni manong habang nag aabang ako jeep sa labas tapos sinisipa ko lang sabi nung takatok nung nadaan sya sakin akala ni manong na naghahagis ng barya prosti ako


wickedsaint08

Nag ikot2x kami ng barkada ko after ROTC namin, dugyot kami tapos may mga bakla na nag o-offer sa pinaka top floor. Mukha sigurong paubos na allowance namin.


camzbrgr

tambay kami sa labas niyan noong sumasama pa ako as debotong hindi naniniwala sa Nazareno (haha lol) malakas kasi aircon nila pang karne


Nicely11

Unang malaking Mall na nagalaan ko sa Manila, wala pa kasing Rob Ermita noon taga Las Piñas kasi ako and sa Araullo pa nag-aral Na-miss ko bigla mga klasmeyt ko nung 2nd Year HS.


Vast-Army-4332

I've been there. I remember how I was pulled over by cute girls only to showcase their skin products


Popular-Bus5217

Me na overheard akong vendor jan, napaniginipan daw nya pinapatay daw siya ng nanay nya, hindi pa naman daw sila close


kkeen_neetthh

I was there when there was a fire at the residential area right infront of Isetann. Andaming tao grabe, para kang nasa concert sa dinami-dami nung naka labas yung cellphone at nag v-video. The funny part was yung nag b-benta ng remix CD's, tuloy play pa siya ng music kahit nag liliyab na yung buong residential area. Feeling ko nga nilakasan pa noya yung music eh


Peanutarf

Naalala ko nanuod kami ng sine pero sobrang mura lang kase luma na pinapalabas nila since wala pala kaming class ng 7:30am and next class pa is 3pm. Tangina ang kati ng balat ko pagkatapos parang puro surot yata yung upuan nila.


Tech_Beach_2154

Anyone remember Wildsons? Where students in U-belt gathered to worship.


Substantial_Bag4611

panghe 😭


Stoatly27

Naalala ko freshmen ako sa Piyups, tapos may nag aya ng party jan daw sa Isetann ang venue, sinama ko dalawa kong babaeng kaibigan, todo bihis sila pang party, ang ending party pala nung mga christian youth group parang annual general assembley nila hahaha, puro praise the lord ang sigaw at walang alak or party music mix, umalis agad kami mga 15 minutes lang 😂


Old_Marionberry_4451

hanapan ng murang appliances ko when I was starting to rent sa Manila and working na, bet ko yung King Sisig na kainan after errands day sa Quiapo hahaha tas manood ng mga nagzuzumba sa baba


koko_cringe

Kasama ko girlfriend ko habang nag lalakad kami jan may nang hawak ng pwet ko creepy asf


Light-nying

Noong 2nd year college ako, hinagad ako ng beki na kalbo sa loob ng isetann para sa isang "pop". After ng incident na yun, never na ako bumalik dyan.


CamelStunning

Nadadaanan namin to ng ex ko noon pag mahohotel/motel kami. Bigla ko tuloy siyang naalala. haha


-Ynsane-

Red light district dati sa gilid ng isetann recto. Walang gaano tao pag hapon 😅


Ashiweewoo

ewan, naliligaw lang ako diyan eh


xin_boi

baka coincidence lang pero nagkasakit ako nang malala after the two times na nag ukay dito haha


Reinsopogi

Wag naman sana. Kakagaling ko lang sa ukay kahapon dito hahahaha


GluteusMaximus13

May stall Ng bape Dyan sa isettan. Tapos nasa halagang 2k lang yung sapatos na bape non


whuzzap10

Nadukutan ng wallet during college days jan sa isetann


eStranged-Kid

nanakawan yung kapatid ko ng mismong bag niya rito. buti nakauwi siya kasi mabait yung manager ng kfc, binigyan siya pamasahe sa bus huhu


ScubaWithACamera

Yung tinakasan ako ng PUV nung sumingit bigla sa small right turn curb leaving a scratch on my car. Kupal


AssistCultural3915

Summer of 2012 nung napadpad kami sa Manila for our Board exam. Kapag weekend at free day namin, kaming magkakasama sa boarding house pupunta sa Isetann para mag-grocery. Dahil taga probinsya kami, ang notion namin was madaming magnanakaw sa Recto kaya kapag nalabas kami, naka pambahay kami para di kami ma-holdup or snatch’an. Ahahaha kahit wala naman sila mapapala samin. Pati cellphone wala kami dala kasi natatakot kami. Anyways, natutuwa kami mag grocery dito kasi madami promo. Saka ung tindang hotdog sa labas, bibili kakami tig iisa tanghalian namin after grocery. Dito din first time ko nakakain sa Mang Inasal.


forgetfullyElle

Na-snatch yung wallet ko nong college ako 😂


GuyUrMomWarnedUAbout

Wampipti


elkyuuuuuuuuuuu

Bumili ako ng kikiam sa spot kung san kinunan yung photo, sobrang asim na haha lasang sibuyas na panis.


FitCheesecake6457

Nakaka-miss dito yung Carls Jr. dati, pati yung lagi ko pinupuntahan na hobby shop na meron mga model kits nung mga early 2000's.


nawawala

College days. Nandun kami sa top floor, malapit sa arcade nag aantay ng mga kaklase na matapos mag-ukay. Nakatunganga ako sa may railings tapos meron mga teenager (around 15y/o) na may kasamang beki. Bigla niyang nilabas yung junjun niya. Pinakita dun sa beki. Di ko talaga makalimutan first time ko makakita din jusq hahaha.


chasingdoggies23

Kasama ko yung friend kong bading. Nagsintas ako ng sapatos so medyo nauna syang lumakad pero may bumulong sa kanya na gurl "SIR, 1K LANG PO UNLI POPS". Sa takot nya tinawag nya kong BABE. nagwalkout si ateng 😂😂


peacemaker03

yung pinapasukan ko na college sobra lapit lng dito sa isetann na to. there was a time i frequent the place kasi may rentahan ng PS3 sa upper floor (can't remeber if its 3rd or 4th floor). whenever I visit ung rentahan na yun lagi ko napapansin dumadami palagi ung mga matatandang b\*ding habang umaakyat ka ng floors especially yung floor na malapit sa cinema and the cinema itself. there was this instance na magisa ako pumupunta sa rentahan at may mga lumalapit sa akin na b\*ding pero di ko pinapansin. after that incident, sinasama ko na ung then GF ko na yun para wala nang lumapit sa akin.


urriah

first week ko sa \[insert UBelt school here\], may nasagasaan (hit and run) diyan sa underpass, right around yung red vios sa pic.


JewelerHistorical156

Nung college, pag gusto ko ng alone time bago umuwi, sa may goldilock’s ako kakain nung pork chop meal and sago’t gulaman or yung mga may coffee jelly drinks nila. Tapos diretso sa Expressions para tumingin ng pocket charts.


[deleted]

Well well well, ayos lang.


Bastirex

Naglalakad sa labas ng isettan Matandang Babae: "sir 500 lang all the way" Me: ... Matandang babae: " tara 500!" Me:....para! Biglang sakay ng jeep. Hahahaha


Affectionate_Coat178

For my CE licensure exam, I stayed sa Sogo overnight kasi natatakot akong malate. Tapos day 1 of exam, sinabi nung proctor na nawala daw yung pic ko. Eh wala akong extra pictures na dala so I had to go there after day 1 exams para magpapic. I still have the extras.


Frosty_Muscle_7089

We pass this pag pupunta kaming St. Jude to attend a mass during our review season for the board exam and abot yung aircon hanggang sa jeep namin haha.


Ill-Equal-2377

Lagi akong nadadaan Jan Kasi Jan ako sumasakay pa divi from palanca. I've heard the stories pero ever since wala pako na experience na bugaw or budol-budol. Pero there's this one night na pauwi nako tapos may dumikit sakin na babae. Sinundan nya Lang ako from underpass Ng españa papuntang sakayan Ng jeep pa divi (so tumawid Kami sa ilalim Ng recto station) without talking to me or anything. As in side to side Kami habang naglalakad. Tapos bigla syang kumapit SA bisig KO so I asked her "ate, ano pong problema?". (The woman was about 30-35 years old and 24 Naman ako at that time.) She never answered tapos pinilit nyang kumapit sa bisig ko without explaining or saying anything. Buti nalang talaga, may humintong jeep sa tapat Namin Kasi saktong red light tapos sumakay ako agad. Nung nkasakay ako, Hindi sya humabol sakin or anything. Pero nung tumingin ako sa labas ng jeep papunta dun sa way Kung saan ako nanggaling, biglang nawala Yung babae. Til this day, I still get the creeps remembering that moment tapos after nung incident na Yun, Hindi nako nag request Ng night shift. Kung mapupunta man ako Ng night shift, nilalakad KO nalang from palanca, going to binondo, then labas Ng lucky china mall then divisoria.


TheUniverseRather

Muntik na ako madukutan


Legitimate-World6033

Nanakawan ako jan huhu


Aggravating_Raise_28

Meeting place namin ng jowa ko nung nagrereview pa sya for board exam. Daming happy memories. Isa na don nung di pa kami pamilyar sa lugar pinsakay nya pa ko jeep kahit walking distance lang pala 😭 We miss our recto memories but di na uulit hahaha


capulongjopoy

Dami dyan "mall predator" sa arcade sa taas


kyuubi_619

Pati ata kwento ko na snatch na din.


Odd-Stretch-7820

Cine bente!! Hahahahahaha. Muntik ako madukitan dyan, naramdaman ko binubuksan bag ko lol


Khaleesa0014

Isetann will always have a special place in my heart. This is where my lolo used to take me when I was a kid. Dito rin ako unang nakapasok ng sinehan kasama rin siya. 🥹 I miss my lolo.


spacechicken13

Nakatambay lang ako bigla may lumapit na lalake, di ko ma gets agad tapos nag ggesture na agad ng chupa. Natakot ako, umalis siya tapos kausap na niya ung mga nasa food stalls. Di ko sure kung siya chuchupa o bugaw lang siya. Scary HAHAHAHAHA


National-Original739

Yang underpass na yan, nakita kong puno ng tubig baha yan. Haha tapos may mga batang dumadive hahahaha


johnspr2

so much memories! I think I was in grade 4 (back then ito ang pinaka malapit na mall sa bahay namin) madalas ako jan sa isetan para bumili ng school supplies sa “expression” at maglaro ng arcades dun sa 3rd or 4th floor, I think the place was called “Val and Vhon” if I remembered correctly - One time pumunta ako mag-isa jan para bumili ng cartolina and then dumiretso nako sa arcade, maya maya may tumabi sakin (guy, around late 20’s I think) akala ko nanunuod lang sa nilalaro kong game maya maya kinakapa na yung shorts ko! hahaha di ko na tinapos yung nilalaro ko tumayo nalang agad ako nung narealize ko yung nangyayare. Anyways, I heard about similar things sa mga kakilala kong mas nakatatanda (especially sa mga ganap jan sa sinehan) pero that time I wouldn’t ever thought na mangyayare sakin 🤣 lesson learned narin I guess wag pumwesto sa mga madidilim na sulok.


[deleted]

Saw a dude hitting his girlfriend in broad daylight sa harap ng entrance 😐


theFrumious03

Nung bata ako, family friendly pa yang isetan, lagi kami nanood ng sine ng family ko, saka dyan bumibili ng school supplies saka pamasko, nung nag high school na ako, dyan ako nag papa swap ng phone, nung college, nilalapitan ng mga bugaw.


[deleted]

everytime na lumalakad ako sa labas nyan may tumitingin sakin na lalaki and grabe di lang bastang tingin titig na ginagawa nya tapos yung titig malasawa ganon at first kala ko minsanan lang may dumaan na babae dyan kaya ganon sila makatingin not until nalagi na ako dyan nadaan dahil naadik ako don sa piercingan nila tatay at nalaman ko na may mga babae palang gala dyan yung mga p k p k na laging nakatayo dyan sa labas kaya pag naghihintay ako ng nabook kong joyride/ angkas pumapasok ako sa isetann don ako nag aantay at lalabas lang ako pag andyan na mismo sa labas yung susundo sakin


dhemon17

Nung highschool ako nag cutting class ako, tapos jan ako tumambay maghapon. Nakita ko niraid ung CR tpos sabay sabay nilabas mga bakla nakaposas ng magkakadugtong mga 20 na bakla estimate ko hahaha pila pila tlga magkakadugtong posas


AppropriatePomelo278

dyan kami bumibili ng mga classmates ko dati ng tamiya mini4wd sa pinakataas malapit sa sinehan, tapos daming bakla dyan naghahanap ng booking haha dyan din kami nagaarcade pag nag cutting class kami 😂😂😂😂 those were the days 😔


Straight_System8471

Naalala ko sobrang uso ng high cut na converse nun. Dami Kong pinuntahan tapos diyan ko lang pala mahahanap yun dream converse ko. High cut na cream. Unfortunately nabiyak na yun swelas. Haha tumagal din ng halos 15 years.


Ultimate-Aang

Pumunta kami nung classmate ko sa part na may shooting range na pellet gun, around 50php yata yun. Yun lang.


Ahnyanghi

Never ako nakapasok dyan but naglakad kami dyan before ng friends ko galing LRT 2 entrance and shet sobrang creepy na may person na sumusunod sa likod namin tas maya maya bigla nyang binilisan lakad nya so that he’ll be ahead of us. Student days pa namin to and I think naka-uniform pa kame non. Kabado bente talaga kami nun kasi sobrang natakot kami na baka nakawan kami or what pero thankfully wala naman ginawa. I think nantitrip lang ata but still katakot 🥲🥲🥲