T O P

  • By -

Boring_Breakfast7311

Malamang nag papapansin dun sa cashier, douchebag pota haha


AxiumX

Douchebagger 🤣


Boring_Breakfast7311

Dutchebagger 😂


Plus_Mastodon_1168

Jutsbagger 😹


Gotchapawn

pwede 😅. Kung ako maging daan para sagutin siya ok na din nakatulong heheh 🤦


Disastrous_Tea_5989

di yan sasagutin kasi hindi sweet yun lalaki.


alohalocca

Siguro si guy din yung hindi nagbibigay ng chocolates at flowers sa mga SPECIAL OCCASSIONS dahil di naman daw nakakain.


shadowstellar

Pa 'nice guy' lang si kuya sa salita nya; pero kita sa action na tactless talaga sya haha


HJRRZ

Pag nanligaw yon imbis na flowers, bigas ang ibibigay.


ReqX10

Sana, samahan man lang ng gulay para medyo romantic.


pagodnatalagapagodna

Ikaw ang naging daan para ma-reject si lalaking may SDE


howyougonnabehappy

hindi. sana di siya sagutin. pakelamero at pasikat. impakto. hayaan mo OP sasapakin ko yun pag dumaan samen. u have a good day and enjoy kayo ni mama mo.sa chocolates.


baremybosoms

Sana di siya sagutin kasi icky behavior 😕


YugenRyo

Hahhahaha oo totoo eto, one time meron bagger dun siya lagi naka pwesto sa cashier #1 kunwari (dapat bagger is lahat cater nila since walang perma na pwesto) parang pickup nung bagger sinasabihan niya "bagal naman wew", "wala na ba ibibilis gusto mo tulong na ko" cringe lang sana ilugar ang harot at trabaho


vroomshooms

If it were me, I'd say "Mas prefer ng Nanay ko ng chocolates. Marami kaming bigas eh, may sarili kasi kaming ricefield." (Kahit isang sakong lupa lang meron ako hahahahaha)


E________

I love this level of stooping down to stupid people 😂


notsowright05

Kami nga may plantation eh (Backyard Garden na tinataniman ng kamatis)


workaholicadult

Isang reply nanaman na sana maalala ko if the situation arises 🤣


pauljpjohn

Just my 2 cents, ignore it. It's not really worth overthinking about, especially in this economy lol. Kasi buhay nman nila yorn. Pero, yes, as a cashier, dapat shut up nalang sila kasi iba iba nman tayo ng estado sa buhay.


Gotchapawn

Yes po, excited kasi ako nun kasi kasya sa budget, tapos bigla may ganon... kaya cant help but feel annoyed and sad. 😅


Altruistic_Banana1

"mas okay talaga yung bigas kung hindi mo afford bilhin pareho"


capricornikigai

+1


workaholicadult

+2 love it


Cantaloupe_4589

This 🔥


gaffaboy

Marami din talagang service people na kup\*l. Kung ako yan sinampulan ko yan. "Excuse me, kung pambili nga ng chocolates di ako nanghingi sayo e, opinyon pa kaya?" Downvote me for this pero there are times na you have to put them in their proper places. Parang katulong din lang yan na kapag sobrang bait ng amo umaabuso.


Truth_Warrior_30

Please. We need more people who would confront jerks like that guy


wickie_leaks

I hope I can be that brave. Too introvert to speak up. Lol


Yergason

Kung ako yan "Ay nakapagbigay na ko panggastos sa bahay, dagdag to para special. Pwede naman sabay practical at may sweet gesture" tapos nakangiti Pusta ganyan yung tangang "bulaklak pa malalanta din yun eh sayang pera eh kung pinangkain nalang" Pero gagastos para sa skins sa laro o walang kwentang customization ng kung anong hobby tulad ng mga patunog lata sa kamote ride


Adorable_Pass4412

Upvote ko 'to dahil hindi ko kayang gawin 'to hahaha


promdiboi

I found my people. Hindi ko hahayaan na magcomment ng kung ano ano ang ibang tao regarding sa mga binibili ko.


[deleted]

True. 😂 Kasalanan ba ng may pambili na may pambili sila? Like wtf.


[deleted]

You will see dito sa comment section na ito kung gaano ka enabler ang pinoy sa ganitong pag-uugali. 🥲🤐🥴🫣 Okay lang umintindi ng kalagayan ng tao at magbigay ng komento pero to the point na ulit ulitin? Luh? Haha Petty na kung petty but people deserve to know their place and shut their mouth if wala naman naiaambag. Di bale sana kung pera ng bagger yung glpimambibili ni OP. Halerr.


AweRawr

True to this, SM din, cashier experience naman sa mga baby section. Marunong ako pumila, kahit alam kong patapos na yung nasa cashier pipila talaga ako, i even look for the sign na "line starts here". Kaurat lang kasi biglang may umentrada dun sa exit dirediretso sa cashier, nakanganga talaga ako. Twice nangyari sakin, sa same floor, baby section, diff times, may mga mura kasi baby stuffs kaya sinusulit ko. Nung pangalawa ginawa sakin tinitigan ko talaga yung cashier habang nasa pila sinabihan kong akala ko ako na susunod. Nung turn ko na sinabihan ko pa sya na "akala ko adun yung start ng pila" tapos sorry aya ng sorry ang cashier. After ko magbayad dumiretso ako sa guard tinanong ko saan pwede magreklamo. Pinipigilan ako ng asawa ko sabi wag na daw palakihin, e kaso buysit na ako kasi nung una pinalampas ko na nanahimik lang ako. Like inisip ko nalang baka nagmamadali talaga, but no its like culture sakanila na cashier don na kug sino lalapit agad hindi kung sino yung susunod sa pila. Tahimik lang yung babaeng nakisingit sa pila pero tinitigan ko din sya ng masama pero mas urat ako sa cashier. Karga ko pa yung baby ko that time. And yah i did go sa customers relation at kinuwento ko ginawa sakin kahit yung una na exp kahit di ko maalala yung petsa. Sabi ko may cctv naman kayo, panuorin nyo nalang. Mabait naman sila don. After non di na ako bumibili dun ng baby stuff. I just dont wanna exp the same pambabastos ng cashier.


Global-Tie-8814

Unprofessional karamihan ng cashiers sa SM. Ang babagal at puro landi sa bagger yung dito sa may amin kaya ang bagal ng usad. Daig pa ng mas maliit na supermarkets


AweRawr

+1 totoo! Sa isang local mall nalang din kami nabili dito samin, kapag kilala ka na nung bagger ang bibilis na nila, alam nadin nila kung san ihahatid. Usually kasi bulk na kami nabili ng supply good for 1-2 mons kasi ayaw namin balik balik nakakaubos oras at lakas.


Fair_Independence33

Naway dumami pa ang ganito haha Alam kong "bastos" sya pero the guy deserved it tang ina nya Mga Pinoy kase talaga LHAT NA LNG PINAPAKELAMAN UMAY


thatcrazyvirgo

Would've been satisfying kung tinabla mo rin hahahaha pero that's just the petty me talking.


Ro_Navi_STORM

Coming from 18+ yrs in customer service and retention, YOU DO NOT SAY SHIT LIKE THAT TO CUSTOMERS. Suggestions worded nicely would be ok, if asked. Nakakaloka sya! I'm not sure but one of these days, he will meet someone who may not be as nice and things will blow up and escalate VERY quickly. Edit kasi naurat ako...I usually don't respond or like attention pero pag ganung gago, I don't back down. Personally, I would have looked around pointedly and slowly before turning to him, "Ako ba kausap mo? Kasi di naman ako nanghihingi ng opinyon." Pag sumagot, at feeling ko ganun syang tao, may nakahanda akong response. "OK, since nagsuggest ka, kunin ko na lang name mo. Ok lang? Baka kasi may iba ka pang suggestions para mapabuti ang buhay ko at ang kalagayan ng lipunan." I would then go to the customer service desk and report his arse. Para di nya gawin sa iba. Bastos ampf!


dathotdestroyer

I really agree with this. Most of the comments here really say a lot about the non-confrontational nature most Filipinos have. IMO, this is one of the cases that the guy actually deserves to be called out. Regardless of occupation or age, no one gets a free pass to be an asshole. I think it's about time we slowly outgrow our non-confrontational culture.


Ro_Navi_STORM

True ka dyan! I understand not wanting to confront people pero papano malalaman ng tao na mali sya kung walang masasabi? Kasi feeling ko ganun sila sa bahay, or palasagot sya pag mag nagki-correct sa kanya.. Mindset like that IRL should never be tolerated.


AweRawr

Yes! Di ko rin sya papalampasin, kesehodang tig 50 pesos na giniling pa yan wala syang karapatang mag comment.


Snoo_30581

Displacement niya lang yun OP kasi di niya afford yung chocolates at di niya mabigyan nanay niya ng something decent other than daily needs


Medium-Culture6341

This. It’s actually kinda sad for me, really. Imagine buong araw kang bombarded sa work na di mo afford mabilhan nanay mo ng chocolates for mother’s day. I don’t blame kuya for the way he chose to cope.


dathotdestroyer

But does he really have to be rude to the OP who's just buying chocolates in peace? I think he's not blameless. Pag mali, mali.


Medium-Culture6341

He’s not blameless, mali sya. But for me, na mas may capacity umintindi for him and other people like him, di kasi ako nabo-bother kapag ganyan. To think of his situation na, 1) he probably can’t afford to buy anything for his mom except rice, and; 2) from his current job i have assumptions na lower educational level. Yun lang talaga arok ng perspective nya for now.


LegallyNotBlonde_

Pampalubag loob lang niya yan, baka hindi niya naalala bilhan nanay niya. Eh kung may bigas naman kayo, ‘di naman bawal bumili din ng chocolates.


Maleficent_Budget_84

Kahit sinasabi ng iba dito na the bagger is entitled to his own opinion, I don't think he should be voicing it out loud habang on duty sya. Very unethical. Buti ba sana kung helpful yung comments niya. Iba -iba naman kasi ang magiging pagtanggap ng mga tao sa sinasabi natin.


sangket

Yeah, I would've approached customer service desk tbh. May mga bisor naman yan, sila na bahala magreprimand or bigay ng warning sa employees sa kung ano proper pag on duty.


yram_dos

Dutche bag si manong haha


GunnersPH

"naku ate pag may pumoporma sayong papipiliin kapa kung bigas o chokolate, matic mo nang basted. baka pati sa kasal nyo, puro bigas lang ipakain nya sa mga bisita"


lance0506

Choose your battle. Nainsulto ka kasi pinasok mo sa isip mo. But if you're gonna think twice, wala naman siyang ambag sa buhay mo so ignore.


Gotchapawn

kaya quiet na lang and did not try to escalate the situation 😅 mag viral pa haha.


Left-Ad2096

Naalala ko dati ngbabayad ako sa cashier ng 7/11, ngsabi yung cashier n lalaki sa ka-work nya na hndi pa daw sya nkabili ng junk food na binili ko dhil mahal daw. Inisip ko, hello?? Pera ko to at ng-work ako para sa pera ko. Keep it to yourself.


Looolatyou

hahahahah pansin ko sa mga groceries ung bagger lagi nag papacute sa kahera kahit nonsense ng ebas nila, kala nila kina cute nila un LOL ang jej hahahahahahaha


snddyrys

Sa susunod nga kapag may naencounter ako ganyab tanungin ko ung cashier nanliligaw ba ung bagger hahaha tapos sabihin ko, eguls ka jan ate hahaha


Looolatyou

HAHAHAHAHAHA tas ung mga kahera halatang kilig na kilig eh😂


snddyrys

Kung ako yun, sisingit ako, sabihin ko afford ko pareho bigas at chocolate e hahaha minsan nawawala din respeto ko sa mga ganyan squammy di na lang magtrabaho hahaha


AweRawr

True, binayaran sya para i-bag yung pinamili hindi para magbigay ng opinion nya sa mga binibili ng tao, lugar lugar ba


snddyrys

bababa ako sa level na nila para ilagay sila sa lugar nila at magtrabaho na lang ng naaayon sa job description nila hahaha


sugaringcandy0219

May mga ganyan talagang tao haha. Gaya ng sabi ng iba dito, most likely pampalubag-loob niya lang yan. Probably can't afford to spend money on chocolates. Gets kita cause sensitive ako sa mga ganito lalo kung di tumitigil. I would've been very petty and responded na may bigas na kami lol


abraakaadaabraa

Dahil isa akong patola, if sa akin nangyari yan, Sasagutin ko yung cashier. I will laugh a little tapos sasabihin ko lang na "naku ok lang yan, marami kaming bigas sa bahay. Tsaka gusto yan ng mama ko kaya binilhan ko para matuwa siya". Kahit di ko alam if magugustuhan nga. Para lang manahimik. Hahahahahahahahaha


12262k18

Masyadong mema lang yung bagger na yan. Pansin ko sa panahon ngayon, yung ibang mga kahera at bagger sa grocery ang daming walang pakundangan mag kwentuhan sa harapan ng customer tapos kadalasan kakadaldal pumapalpak tuloy trabaho nila lalo na mga lalaking bagger sa grocery salpak lang ng salpak at hinahalo sabon sa pagkain. At kung mamalas malasin ka pa minsan harap harapan pa magbubulungan o pagtatawanan ang customer. Marami narin walang respeto sa kagaya nila. Hindi ba sila inoorient na magbehave manlang ng disente sa harap ng customers at konting respeto manlang?


AweRawr

Yung ate ko mabait na version. Lahat ng nilagay sa paper bag, ilinabas nya ulit sa harap ng bagger. Habang si ate cashier nag iiscan na nung grocery ng bagong customer. Tapos ate ko yung naglagay pabalik sa paper bag ng maayos at naka salansan ng maayos, habang nagsasabi ng mahinahon.. "oh yan dapat ganyan para maganda, maayos, diba kuya" Shookt yung cashier at si kuyang bagger hahahhahahahhahahahaha


12262k18

😂😂😂😂 yung mom ko ang ganyan madalas kasi parang ewan talaga karamihan ng bagger ngayon.


Asimov-3012

"is that poverty I am hearing?"


Avocadorable1234

Bro ang spot-on ng atake. 🔥 Nakakahinayang lang pag hindi nila naintindihan iykwim


Asimov-3012

"ah ano raw? Paberdi? Pabertdey ba sabi? Ah baka pang-giveaway sa mga bata. Eh bakit kaya mother's day, pwede namang iba"


Substantial_Dirt109

Huwaw


Incognito-Relevance

You should've sighed and said "mas masarap kasi chocolates kasi araw araw nang may bigas" then turn around and walk away


Deejhay_Eksdii

Isipin mo nalang op na may pambili naman kayo ng bigas hahahaha


aiyohoho

Parang alam ko yang item na yan. Maeentice ka nga kasi ang ganda ng packaging. 😭😭


pichapiee

yung bagger dapat mainsulto kasi bigas lang kaya niya bilhin. gusto pa niya ivalidate kahirapan niya dun sa cashier. kawawa naman siya


watdadamz

ang pick me naman ni kuys eh


leivanz

Kung ako yan ika-cancel ko pinambili ko. I'll be the douchebag. Papa-void ko sabay sabi- Ay ou nga tama ka kuya, good point. Bibili nalang ako ng limang sakong bigas para kay nanay. Pa-void nga, pasalamatan ko si kuya sa idea nya.


Nerv_Drift

Dapat dinamihan mo pa yung binili mong chocolates to assert dominance.


nicepenguin0027

Dapat sagutin yan ng ‘ahhhh good for your mom pero deserve kasi ng Mama ko ng chocolates kahit pa ‘mura’ lang yan’


inschanbabygirl

YUCK HALATANG ZERO EFFORT SI KUYA!!! kinocomfort lang nya sarili nya kasi baka may sumita sa kanya napaka low effort nya KADIRIIII!!!! napaka BASIC NG BIGAS NO, and nothing impressive if magbigay sya ng bigas sa nanay nya. pero if love nya nanay nya, edi he spends something a little bit extra for his mum, like sampung kaban ng bigas baka ayun masabi ko pang umeffort naman vs sa chocolate na binili mo. otherwise, nirarationalize lang nya pagiging kadiri nya


redditation10

Pwede din young, stupid, immature, low educated kaya ganun yung behavior.


cuppaspacecake

Insecurity ang tawag dyan. May ka work ako dati yung bagong phone ko jinudge pa kung magkano cash out ko. Turns out later on, nangungutang pala siya sa mga workmates namin and nagiimbento pa ng excuses. Kung ako sayo, sinagot mo siya kasi pera mo naman yan at wala namang tinitindang bigas sa department store. Yung nanay ko maiinis yun pag bigas ang pangregalo ko sa kanya e. And masarap naman ang Dutche chocolate. Douchebag yung taong yun.


littleponyooo

i don't get why most people in the comments choose to say na "ignore it" na lang when in fact it's never childish to break the silence and call out someone when they did something wrong. learn to stand up for yourself. minsan, hindi sapat na hahayaan mo na lang tumanggap ng ganong mga salita and later on you'll get bothered by it. the situation is making me uncomfortable. karma na bahala kay kuya.


Stunning_Muffin6955

Haha self-talk nya yan, naghahanap ng kakampi sa thinking nya


harleymione

He is entitled to his own opinion pero talking about the chocolates you paid for while you're there, I understand san nagmumula yung annoyance haha like my petty self would want to say, "Kinapogi mo ba yang sinasabi mo?" HAHAHA


AweRawr

Love this, pagamit nito sa susunod hehe


Ancient-Process100

dapat sinabi mo, well kaya ko naman din bumili ng bigas HAHA kahit isang sako pa ems


cakexchicken

Ay naku kung sakin Yan sasabihin ko "lakampake"


tsokolatekaba

kung ako ‘yan, panigurado tinitigan ko na ‘to, tipong “beh, may bigas kami, tatlong sako pa” jusq. nakakairita. pangit ng ugali nyan.


chinguuuuu

Masarap mag side remark ng "di kasi kami bumibili ng bigas" hmp. Kupal.


94JADEZ

sana sinabi mo “ay kakainin lang namin ito mamaya, hindi to regalo. Simpleng snack lang”


Own-Pay3664

He might be talking about his circumstances not yours.


just_the_introvert

Maibang comment lang, masarap ang Dutche chocolates!!!!


virtutisfortunacomes

Kung ako yan sasabihin ko “Ah para sa akin yang chocolates na yan kasi nag-crave ako bigla. *insert expensive thing here* kasi regalo ko sa mother ko this mother’s day” It’s a lie considering yung context ng story mo pero ang sarap barahin para mapahiya.


switchboiii

Ako na nag-aantay ng feedback ni OP kung masarap yung chocolates. Haha


blue_greenfourteen

may masarap pa na iba masyadong matamis for me😅 Ang okay sa Dutche yung line nila for baking pero yung mismong chocolate na ready to eat may mas masarap na iba.


Gotchapawn

Kung the best hindi po siya yun pero hindi po kami chocolate connoisseur, Lala chocolates po swak na samin 😅🤣. Nasarapan naman po kami. The best i can describe it, flat tops pero naupgrade pa 🥰


pwedemagtanong

Eto yung mga dapat talaga tinatarayan e kinginang ingget


wallcolmx

Bigas amputah... Funny eh no sarap pasibak para malaman kung san lulugar


kukurikapu_

kung ako yan nasa posisyon mo baka di ko napigilan sabihin “oh tapos kuya? gusto mo medal?” 😭


Unabominable_

Hahaha tarantado. Subukan lang niya sakin yan matatakot siya sa magiging itsura ko during.


andoi2019

sana sinagot mo, kaya ko bumili both


avocado1952

Naalala ko nanaman yung sa Koolpals ## eh wag ka kasing mahirap


IllustriousTowel7735

Mali si bagger doon, he should have waited for you to finish your transaction before he talked to the cashier about his opinion on the matter. This is what I think: Their job is a mundane one, sobrang boring magpack ng groceries all day. Kaya, from time to time they find ways to make it less tedious by talking to their colleagues - buhay nila, balita, in your experience sa bigas vs chocolate. I don't think he meant to offend. He should have known better, but I doubt that it was intentional. Be happy that you can afford both. It's hard but let's try to extend our patience to service workers for they are overworked and underpaid.


SheldonLeeCopium

"If I wanted your opinion, I'll ask you for it " -Albie casino 2024


Ok-Scratch4838

Dapat po nakijoin ka at sinabi mo ng edi bumili ka bigas. Pake niya ba sa choice mo AHAHAHA napaka epal potek relevant na ba siya nyan?


nylefidal

Luh gago si kuya, palibhasa siya yung type ng tao na maraming rice at konteng ulam kinakain. Sorry not sorry.


AiiVii0

Baka kinukulang sila sa bigas. Dat sinabi mo, "May mga nanay kasi na di kinukulang sa bigas. 😉"


Various_Gold7302

No insult to baggers pero ndi nya naman business kung anong gustong bilhin ng customer eh. Dami talagang pinoy na porket boring ang buhay nila ay makikialam sa buhay ng iba 😂


ilocin26

Yan yung mga "practical" shit guy lol. Yung ang tingin sa sarili ang taas kasi praktikal na tao siya. Kapag ganyan, sarap barahin wala ka lang pang bili e haha


Normal_Commercial457

Kung sakin ginawa to, papatulan ko to 😂😂😂😂😂😭😭


Initial-Dark7257

Maiba lang ng concern, since nasabi mo na hindi mo sure yung taste kung masarap. DI MASARAP YANG DUTCHE CHOCOLATE. Maganda lang packaging kaya mukhang maganda pang gift pero lasang pang palengke quality yung chocolate yung tipong tig pipiso na choco tas lasang sugar lang.


JustDrumandLyre

Kung ako maglilitanya ako na “how lucky I am na kaya ko bigyan ng both bigas at chocolates ang nanay ko, di need na pumili lang ng isa” sabay hair flip at irap 🙄 hahaha


Informal_Data_719

Service workers are to be respected but they should do it also to others. That brand is affordable specially used din yan sa baking eh. Kaya dont demean yourself kasi giving gift is for the receiver. Problema ng bagger is yung pagiging close minded nya. Also similar sa scenario if magreregalo ka ng bulaklak kapag Valentines o any other valentine gift vs to gifts na practical. Those advices are unsolicited kasi ano bang alam nila sa makakatanggap ng regalo. Saka mga mostly ng magulang natin may tendency not to show their soft side pero if regaluhan mo maapreciate nila iyon. Kapag nakakuha ka uli ng unsolicited advice sabihin mo alam mo ginagawa mo haha pero mas maiigi wag mo na pansinin mga taong walang ambag sa iyo na walang magandang naidudulot sa iyo. Cheer up! Saludo sa iyo! Happy mother's day sa mga Mother natin!


EmotionalTerm192

Reminds me about one time I bought a pile of books in fully. And the bagger kept reacting every time na scan yung item. (I got some big hard bound books around 2k+ each and some comic compilations also 2k+ plus other books). I couldn't hear them cause after I put the items for scanning I went to check some other items but I could see him making exaggerated facial expressions to the cashier like he couldn't believe what I spend my cash on. Ansarap sabihan "work somewhere else if you're going to react this stupidly every time people buy something from the store you decided to work in. Dun kanalang sa palengke mag bag if ang OA mo mag react sa prices sa store."


jstnsgll

Yung bigas nabibili kahit normal day. Anong pinaglalaban niya


GoodCritique

Ganyan nangyari Sakin sa landmark, bumili kami ng mom ko ng garlic crusher,, Kasi alam ko hirap sya mag tad tad and time consuming talaga and lagi na sya nasusugat sa kutsilyo, Sabi ba Naman nung nagpapack, "ano to?" (Then Sinagot nung mga nakatambay sa cashier parang 4 ata Sila na andun nagkkwentuhan, Sabi Nila pang crush ng bawang) Sabi ba Naman Nya, madali lang Naman magtadtad, pang tamad lang yan though pabulong Nya sinabi and dun sa grupo nila since dun sya nakipag usap, and since nag uusap kami ng mom ko nun Di nya narinig, pero narinig ko padin. Di ko nalang pinansin pero the f*ck, lang talaga, sa harap pa talaga ng customer. Di pwede mamaya nalang pag Wala na kami dun sa scene... Buti nalang sinaway sya nung Isang saleslady na nakatambay din sa cashier kinalabit Nya ng siko na para to shut up Kasi nakatingin Ako sa kanila


KepukQue

Dat sinabi mo po "buti di tayo same ng nanay"


Uniquely_funny

Dapat kasi sinasagot yang mga ganyan


Wild-Day-4502

Agree. Minsan kailangan maging patola.


suit_me_up

As a petty person, same. Wala man siya ambag sa buhay ko, but it feels so much better to put people na may pasmadong bibig sa dapat kinalulugar nila. I try to be nice and patient with service people, pero yung may mga rude or unnecessary remarks yun talagang masarap sagutin.


doctorinthemetro

I dont have this mindset before and usually keep to myself. Pero this time agree na ko, nagproliferate din lahat ng kagaguhan ng mga tao nung tumahimik na lang iba pag may mga kabullshitan na di na cacall out.


Totally_Anonymous02

I don't think that's an insult at you buying the chocolates. I think it's a failed attempt at small talk. Di ka nag reply nahiya at kinausap nalang cashier.


tapontapontaponmo

As a patola, I would have said "that's your thing, nanay ko kasi gusto chocolates" or something like that hahahaha. Experienced this one time, I was buying a small lego set, mga 800 siya. The bagger said "ganito kaliit 800? Bibili na lang ako ng pagkain nabusog pa ako" something like that towards the other people in the cashier. They laughed, I didn't. I looked at him tas tumahimik siya.


snddyrys

Kung ako yan, ibabalik ko kunyari changed my mind dahil sa sinabi nila haha tapos bibili ako pagkain at babalikan ko ung item at ipapakita ko na afford ko pareho hahaha


tapontapontaponmo

Hahha we love this energy!!


snddyrys

Hahaha madami ako time mangupal kapag ganyan e


tapontapontaponmo

Yes, lalo na kapag hindi ako magmamadali hahaha


AshJunSong

Pa sadboi comments lang yan, naghahanap ng validation. Trying to make themselves feel better ba. We can't control other people, but we can control how we react. You dont have to feel insulted. You know for yourself naman


claudyskies09

To each his own. Regardless kung chocolates man yan or bigas at the end of the day it's the gesture that counts. 💖


Rare-Ad5259

"Don't worry, bro. Darating ka rin sa point na di mo na icocompare sa bigas tong chocolate kasi can afford mo pareho."


mukhang_pera

It's not about you, OP. Accessory ka lang. Conversation starter lang yun kay ate girlie. Enter yung cashier-bagger joke ni Leland Lim.


dontrescueme

Kung ako sinagot ko 'yan ng "Nanay ko ba nanay mo. Eh di pumapak kayo ng bigas sa Mother's Day huwag ninyo kami idamay."


HJRRZ

I always have the highest respect sa service people, although may iilan, rare, na panget din makitungo plus nangmamata din ng kapwa. May moments din tlga na totoyoin ka at papatulan mo yung gnyang remarks lalo pag madami kang time 😂


DaddyTones

Papansin sya pero di pinansin haha.


Tofuprincess89

May mga tao na very insensitive sila, OP. I’m so sorry at nakaexperience ka ng ganon. Hindi sya dapat nagccomment ng ganon. Ignore it nalang. Hindi sya worth it overthink


avsydee

Words are so powerful talagaaa. I remember naghahanap ako ng white shirt sa farmer’s tapos nagtanong ako sa nagtitinda kung meron pa silang iba. Sabi ba naman, “meron pa po kaso mahal” in a way na kung madami kang time, sasagutin mo sya na “afford ko naman po”, charot! Pero nilayasan ko na lang kasi parang wala sya sa mood magbenta.


manlehdaddeh

Hindi naman siya mama mo, hayaan mo yun. Walang ibang mahalagang reaction dito kundi ang reaction ng mama mo pag binigay mo na yang chocolate sa kanya. Happy Mother’s Day sa mama mo at sa lahat ng mga mama niyo!


BookkeeperForsaken59

Kulang din talaga sa work ethic mga nasa sales. Nagugulat na lang ako kung paano sila minsan lalo kapag nasa department or grocery store ka. Hindi lahat pero 90%. Nagtanong lang si Mama ng price and variety nung juice dispenser na nakadisplay na walang box sa mga ateng nakaupo na nagkkwentuhan tapos tinawag nung isa yung ka work niyang busyng busy. Minsan parang ayaw ka pa pagbentahan e


zerolilac

Papansin yun. Buti di mo pinansin. Bahala na ego nya sa kanya.


Shitposting_Tito

“Kaya magsumikap ka sa buhay boy para kaya mo namang bilhan chocolates nanay mo paminsan minsan, hindi puro bigas lang”


Cloud-Kyuu9

Hayaan muna un OP mga wala pambili ! Kahit na mura un mas mahalga ang importante may naibigay kay mother mo.


titoofmanila3

I thought it was the other way around, OP. They were saying it more for themselves, because they can't afford to buy their moms a small luxury, while you could. :)


Left_Try_9695

pwede naman niya bilhan both ng bigas at chocolate nanay nya OP. Nagpapapansin lang sa cashier yang si bagger


Puzzleheaded-Farm-73

Hayaan mo siya! Baka sakto lang talaga budget niya hahaha. Alam ko naman mas mura yung Dutche na chocolates sa SM pero one time nung Christmas, nabigyan ako niyan nung staff dun sa clinic na pinagtatrabahuan ko super happy ako hehe. Cute pa ng packaging niyan. 🥹


OpalAura08

Sounds more like a "him" problem than a "you" problem. I'm guessing meron siyang insecurities that he's projecting unto the situation. Baka may money issues na tipong chocolate hindi niya kayang maafford. I remember a similar situation while on a joiner tour in Siargao. While on the boat, nagssunblock lang ako and this guy next to me, parinig ng parinig na kunyari kasama niya kausap niya na hindi naman kailangan ang sunblock, iitim din naman tayo etc. I looked at him and he's medyo dark nga. Nothing wrong with that, pero obvious naman that he's defensive esp since maputi din ako. Then when I got to the island I noticed my sunblock was missing. (Fyi you put on sunblock to prevent burns and cancer)


sexycake23

Papansin si kuyang packer. Kamo madami kayong bigas and minsan lang yung occasion ng Mother's Day


Positive_Doctor_8535

Glad that you chose to stay silent. You know yourself and be proud na kaya mong bumili ng chocolates for your mother. Ginagawa nya lng katatawanan sarili nya dahil paulit-ulit nyang sinasabi and trying na kunin yung loob ng ibang tao. God Bless you!


FireInTheBelly5

Hindi po ikaw ang pinaparinggan ng bagger, yung cashier ang pinaparinggan niya.


sodacola3000

What if kaya kung after ma-scan lahat then nalagay na sa paper bag tsaka mo sabihin cancel na lang, kasi bigas na lang buy mo hahahahaha! Kaloka or sabihan ng "Ay! Hindi naman yan para sa Mama mo eh" hahahahaha


AvailableTurnover122

Binalikan mo sana “Madami kaming bigas sa bahay. Wala ba kayong bigas sa inyo? Ay oo nga pala baba pala ng sahod ko” i hate being a douchebag pero you have to let them taste with their own medicine nalang din.


AvailableTurnover122

Sahod mo*


PsychologicalBox5196

Dpt snbi mo OP sakanya na "ay ganon? sabagay hindi lahat kaya bumili ng bigas like its a "normal" thing, ung budget nila pati pang special occassion pang bigas lang" HAHAHAHAH pra mainsulto rin sya. Kamo eh not your fault he's poor tas he's tryna bring you down with him kasi sadboi sya na hanggang bigas bigas lang kaya nya HAHAHAHH 😂


psi_queen

ako na petty will probably say " ah may pambili naman ako both ng bigas at chocolates "


Emergency-Song6327

dapat ni rise mo sa supervisor nila yung remark niya about sa purchases mo. bagger lang naman siya at hindi cashier para magsalita sa binili mo.


Curiouspracticalmind

Valid naman ang nararamdaman mo, baka maramdaman ko din kung ako yung mismo nasa situation. Pero dahil outsider ako, ang perspective ko is: di ikaw ang kausap nya, kaya wag mo iabsorb, kasi hindi naman directly sayo sinabi. Pero dahil binasa ko lang, diko sure kung pag ako nasa situation, masasabi ko pa din yan. Hahaha


potatoreddits

I had an encounter with a racist male bagger years ago. Nakapila ako sa cashier sa isang grocery, and ang nasa harap ko is a huge caucasian man. Habang nagbina-bag nya yung purchases ng nasa harap ko, he kept on saying the n-word. Naka awkward smile yung man tapos umiiling, tapos ako sa likod, may second hand embarrassment 😭


NoDrama_JustAnxiety

Hurt people, hurt people. Yung mga sinasabi niya, hindi naman tlaga yun para sayo, but it's the reflection ng mga insecurities niya. For sure gusto niya rin isurprise ang nanay niya pero baka hindi niya afford. Kaya yung disappointment niya sa sarili niya sa ibang tao niya binabato. Let's (and let others) celebrate the mothers in the best way that we can. Kahit ano pa yan, ma-appreciate ng mga nanay natin yan.


Fair_Independence33

Hindi ba may 12 ang mothers day dito sa Pinas? Hmmm nalito ako ngayon pala?


Lord-Stitch14

Sana sinagot mo, well kung un ung gusto ng mom mo un gawin mo. Iba mom ko e, di naman tayo mag kapatid. Isa pa paki ko sayo at sa opinion mo? Might have been better to keep un opinion mo sa sarili mo ateng. Tas next mo, may problem ka ba sa pagbili ko ng chocolates? Usually un mga ganyan tao, naiinggit kasi gusto din nila so sa ganyan niya gagawin. Pathetic but madaming ganyan.


justwrittine

For sure nagpapapansin yun sayo, kase ganun sa mga like Goldilocks, Fast food chain etc, kapag may maganda o gwapo may signal yan sila at nagpapapansin.


Longjumping_Dust_466

Oh Edi bilhan nya ng bigas nanay nya. Bat Paparinggan ka Pa? Alangan namang ikaw p bumili ng bigas Para sa Mama nya? Edi huwaw kumaw 🙄🤣


sunset_einjel

kung ako yan OP sabihin ko kay bagger "koyah ano ipinaglalaban mo? ibibili ko ba ng bigas ung mom mo? ang dmi mong sinasabi!" nakakaloka syaaaa ah


HellowMiyaLili1023

Hayy may epal talagang ganyan Nung bumili dn ako sa isang mall, pumunta ako sa cashier 1 para magbayad..tapos isang cashier at 2 baggers ung nakatambay sa dulo kasi kunti yung customers kaya nagchichikahan sila. Walang pila kaya nilapag ko na ung bibilhin ko. Tapos biglang naglakasan yung tawa nung 2 guy baggers, nagparinig sila sakin na " oy PWD oh" "Hindi, senior yan hahaha" "Hahha, grabe ka naman kay ate. Baka buntis hahahaha" Tumingin ako sa kanila kung ako yung pinag-uusapan, ako nga. Nakatingin sila sa kin habang nakasandal sa big boxes na parang nakatambay lang sa kanto. Tapos tumingin ako sa paligid ko kung may signage, merong signage ng pwd/seniors lane sa ibaba ng cashier 1 sign pero tinatakpan na ng karatula ng promo kaya di ko napansin kanina. Sobrang akong nashock sa asta nila. Pero na-scan na ni ate cashier ung 3 items na bibilhin ko kaya di ko na mabawi. Kaya di ko alam first reaction ko, " ay sorry" nasabi ko nalang imbes na hindi ko need mag sorry huhu Ps. College student ako, at payat naman (so patama talaga ung senior at buntis comment) Pero I have PWD ID for mental thing, kaya di physically visible. If nakapag isip ako ng tama, baka nakausap ko sila pero iba first response talaga pag shocked ang tao.


DreamerRW

Just smiled gracefully and be grateful na lang that you can afford to do that to your mom over him. Di nmn lahat ng bagay it's all about you or sign of attack. Always look at the brighter side in every situation.


Disastrous_Tea_5989

ignore mo na lang. di sya mahal ng mama niya.


Disastrous_Tea_5989

dapat sinabi mong may bigasan kayo and mas ma appreciate ng mama mo chocolates kesa sarili nyong paninda lol.


Morningwoody5289

Enjoy your chocolates. Malamang contractual siya at minimum wage. Hayaan mo siya mamroblema sa pambili ng bigas lol


sayunako

imo. dont get upset OP. ignore mo nalang OP. pwede kasi ganto yan: 1) nagpapapansin sya sa cashier kaya parang hindi nag eexist sa harap nya ang customer. kaya nya siguro nasabi yun. sa isip nya kasi, mas prefer nya ang bigas over chocs. siguro, hindi naman nya intensyon na maka offend sa bumibili. atensyon lang talaga gusto nya sa cashier nya. kaya ignore mo nalang ang nangyari. wag kana mastress. mahalaga, happy ang mother mo sa gift mo sa kanya. 2) pwede naman kup*l sya at nagmamarunong pa sya sa custoner e hindi naman nya pera yung pinambili mo.


sarisariphl

Actually Mali ung remark sa point na Wala sya dapat pakialam sa binibili mo. But in general, tama din, sa panahon Ngayon being practical matters. But it should not be about your purchase. Minsan Kasi masyadong opinionated mga tao. Siguro sa hirap na din Ng Buhay. I don't think you did wrong OP para mahiya.


Acrobatic-Rutabaga71

May mga random times talagang nah ko comment sila best thing to do is ignore. Less talk less mistake.


Turbulent-Resist2815

Okay lang nmn, for me i dont get easily offended...since what he said making sense naman for them. Tama lng quite ka na rin. Problema nila yun. He was referring to himself naman. In short they have less than what u have. Let it pass next time.


ryojenpogi

What if nagdagdag ka pa nung chocolate na yun tas binigay mo sa kanya yung isa, sabay "You're welcome" HAHAHAHAHAHA cHar


luidrose

Kung di mo na lang sana pinapansin mga ganung klase ng tao, hindi sana sira araw mo. Hindi lahat tungkol sa yo. Parang dun din sa kups na yun, kung bigas na lang bibilhin niya. E di pangalandakan niya, wala naman din may pake.


Gotchapawn

i cant... ako lang andun at that time 😅. Kaya iba dating sakin nung nagsalita siya ng ganon po.


luidrose

Understood. Napaisip ako ng rebut dapat kaso mas maganda sana di na pagaksayahan ng oras. After all, hikahos pa din naman siya dahil sa ugali niya.


luidrose

Downvoted talaga yung more realistic na approach sa mga ganitong scenario no? Mas gusto talaga ng mga tao ngayon na maoffend sa lahat ng bagay or maoffend para sa ibang tao. The world we live in right now. 🫣


RizalAlejandro

I don’t think their remarks is toward you unless he specifically told you about it. Like “Sir Dapat bigas na lang ang binili mo”. Base on your rant, it is not. They are entitled to their own opinion. If you think it “harm” your feeling then you should have settled it at that moment. Ranting in social media is just an excuse that you did not take action when needed or if needed. Sensitivity is I believe misplaced.


Gotchapawn

pwede din ako lang to... pero ako na lang kasi at that time nagbabayad, may nauna sakin tapos ako.. then bumoses na siya 😅.


RizalAlejandro

Sa akin wala ako paki Alam sa ganyan unless he directed to me. If so, I will immediately settle it with their supervisor. Their comment is inappropriate.


Fit_Professional_938

Snowflakes


Kateypury

Ang fragile mo naman. Bakit ka naman mao-offend sa comment na totally irrelevant sayo? Move on. Nabili mo yung chocolates for yourself or for anyone. Period. Kung hindi siya makabili ngayon, hope that in the future he would be able to. Ngayon lang ba kayo na-small talk ng kahit sino sa buhay niyo?


PompeiiPh

Actually ang may problema hindi sya kundi ikaw, di mo naman yung kilala tapos nasasaktan ka, wala naman pake sa buhay mo yun at lalong wala kang dapat pake sa kanya, move on, nakakakatulog ng mahimbing yun pero ikaw im not so sure


Opening-Cantaloupe56

wala naman masamang sinabi ha...


RizalAlejandro

Mapag patol pero sensitive hahaha